KOMFIL Module 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

2

Pangalan _____________________ Pangkat _____________ Iskor _______


Asignatura Gen. Ed. 10 – KOMFIL Guro Mdm. Christine Panon Petsa _______
Drawing out
Uri ng Gawain:  Konsepto  Isahan  Formative  Iba pa:
the best  Laboratoryo  Pangkatan  Summative ___________
in you!

Modyul 2

Aralin/Paksa: Pagpoproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon


Layunin: 1. Naipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontekstwalisadong
komunikasyon sa mga komunidad at buong bansa;
2. Natukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian sa
pananaliksik;
Sanggunian:
San Juan, David Michael, et.al, (2018). Ugnayan kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino
(Teksbuk sa bagong asignaturang Filipino sa Kolehiyo). Malabon City, Philippines.
Mutya Publishing House, Inc.

Sa modyul na ito ay pinapahalagahan ang pagtukoy sa mga balitang tama, mali o hindi totoo.
Tunghayan ang panimula ng ating aralin sa link na ito https://youtu.be/BKwoliPbyso at ipagpatuloy ang
pagbabasa matapos mapanood ang naturang video.

Ipinagdiinan sa naturang talakayan sa video ang kahalagan ng pananaliksik kahit sa ordinaryong


pang-araw-araw ng ating pamumuhay lalong-lalo na kung paksang pinag-uusapan ay may kinalaman sa
lipunang ating ginagalawan. Naka-highlight sa naturang diskusyon ang mga kumakalat na fake news sa
ating lipunan gamit ang iba’t ibang social media app na nagiging sanhi minsan ng kaguluhan sa ating bayan.
Sa punto ito ay pag-uusapan natin ang mga batis o sangguniang maaari nating gamitin upang suriin ang
mga impormasyong nakakalap natin sa internet nang sa ganoon ay matimbang natin kung karapat-dapat ba
itong ibahagi o iwasto.

Mulaan ng Impormasyon: Mapanuring Pagpili mula sa Samo’t Saring Batis

PAGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON

PRIMARYANG BATIS
Ang pangunahing pinagmumulan ay may direktang kaugnayan dito. Ito rin ay naglalaman ng nang
imporamasyon na galing mismo sa bagay o taong pinag- usapan sa kasaysayan. Nagpoprodyus sa panahon
kung kailan nagaganap ang pangyayari o saglit lamang pagkatapos nito.

Halimbawa:
 Mula sa harapang ugnayan sa kapwa-tao
o Pagtatanong-tanong
o Pakikipagkwentuhan
o Panayam o interbyu
o Pormal, impormal, estrukturado o sem-estrukturadong talakayan
o Umpukan
o Pagbabahay-bahay
 Mula sa mga material na nakaimprenta sa papel, na madals may kopyang elektroniko
o Awtobayograpiya
o Talaarawan
o Sulat sa koreo at email
o Tesis at disertasyon
o Sarbey
o Mga tala (rekord) sa tanggapan ng gobyerno kagaya ng kopya ng batas at kasunduan,
katitikan ng pulong, taunang ulat, atbp.
o Orihinal na dokumentong legal kagaya ng sertipiko ng kapanganakan, kasal,
kamatayan o mga testamento ng huling habilin
o Mga larawan o guhit o iba pang biswal na grapika
Prepared by:

MRS. CHRISTINE MAE A. PANON


Gen. Ed. 10 Instructor
3

 Iba pang batis


o Online survey
o Artifacts o labi (fossils) ng mga dating buhay na tao, hayop o kagamitan
o Nakarekord na audio at video
o Mga blog/vlog sa internet na naglalahad ng personal na karanasan o obserbasyon
o Opisyal na website ng mga pampubliko at pribadong ahensya
o Mga likhang sining tulad ng pelikula, musika, painting at music video

SEKUNDARYANG BATIS
Napoprodyus sa matagal na panahon pagkatapos ng pangyayari. Karaniwang gumagamit ng
pangunahing batis bilang sanggunian. Ang ganitong uri ng mapagkukunan ay isinulat para sa isang malawak na
madla at isasama ang mga kahulugan ng disiplina tiyak na mga tuntunin, kasaysayan na may kaugnayan sa
paksa, makabuluhang mga teorya at prinsipyo, at mga buod ng mga pangunahing pag- aaral o mga kaganapan
na may kaugnayan sa paksa.

Halimbawa:
 Ilaong artikulo sa diyaryo at magasin kagaya ng editorial, kuro-kurong tudling, sulat/liham sa
patnugot, tsismis/tsika o blind item
 Encyclopedia
 Teksbuk
 Manwal at gabay na aklat
 Diksyunaryo at Tesoro
 Kritisismo
 Komentaryo
 Sanaysay
 Sipi mula sa orihinal na hayag o teksto
 Abstrak
 Mga kagamitan sa pagtuturo gaya ng PowerPoint Presentation

(Review HISTORY Lesson on WRITTEN & NON-WRITTEN SOURCES)

GAWAIN:
Sa iyong sariling pananaw, alin sa dalawang batis ng impormasyon ang pinakamahalaga sa
pangangalap ng impormasyon? Panindigan ang iyong kasagutan at patunayan ito sa loob ng lima (5) hanggang
sampung (10) pangungusap. (Nilalaman 10pts., Organisasyon 3pts., Balarila 2pts. KABUUAN 15pts.)

Prepared by:

MRS. CHRISTINE MAE A. PANON


Gen. Ed. 10 Instructor

You might also like