Buwan NG Wika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BUWAN NG WIKA

“WIKANG MAKADIWA”

Ano nga ba ang mga ideyang pumapasok sa iyong isipan sa tuwing binabanggit ang salitang
“wika”? Simula pa noong unang panahon, wika na ang ginagamit sa pakikipag-usap, pakikipag-
talakayan, pakikipag-transaksyon o barter at maging sa diskursyon. Nariyan ang mga iba’t-ibang
wikang katutubo gaya ng: Ilokano, Tagalog, Cebuano, Hiligaynon, Kapampangan, Bikol, Waray
at iba pa. Ilan lamang yan sa mga wikang alam natin o napag-aralan simula elementarya
hanggang kolehiyo.

Malaki ang ginagampanan o tungkulin ng wika sa ating sarili, pamilya, kaibigan, komunidad at
maging sa ating bansa. Kung mahihinuha natin, sa kabila nang kaalamang tayo ay nasa iba’t-
ibang lugar, nariyan pa rin ang pagkakabuklod-buklod natin nang dito. Malaya nating
naipapahayag ang mga saloobin, damdamin, opinyon o kuro-kuro at ideya natin sa ibang tao.
Wika rin ang siyang nagpapanatili sa ating pagkakakilanlan, pagpapanatili ng ating kasaysayan,
sosyalidad at sariling mga panitikan. Nagkakaroon tayo ng matibay na relasyon at
pagkakaunawaan sa iba ng dahil din sa Wika.

Sa paglipas ng panahon, naisakatuparan at naipasa ng ilang mga Pilipino ang wikang Filipino
bilang ating Wikang Pambansa. Kahit saang sulok o dako man ng Pilipinas, kilalang-kilala ang
wikang ito dahil ito ang sumasagisag sa bansa natin. Kaya nararapat lamang na pagkaingatan
natin ito at paunlarin pa, nang sa ganoon ay mapakinabangan at mas mapaunlad pa ng susunod
na henerasyon.

Sa madalitang salita, tayong mga mamamayan ng bansa ay parang isang walis, marahil hiwa-
hiwalay at hindi magkakalapit dahil sa ating pagkakaiba-iba. Ngunit sa pamamagitan ng isang
tali, na siyang nagbibigkis at isinisimbolo ay wika, nagiging isa tayo, nagkakaroon ng pagkakaisa
at pagkakaunawaan. Marami mang mga wika ang darating pa, lagi nating itatak sa ating puso’t
isipan na Filipino pa rin ang pinakadiwa nating mga Pilipino. Wikang Filipino na siyang para sa
bansang Pilipinas at mamamayang Pilipino, Filipino na tatak ay pagka-Pilipino.

You might also like