Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Title: "Pagpapahalaga sa Edukasyon:

Ang Papel nito sa kalagayan ng mga kabataang


Mangingisda sa Bulan, Sorsogon"
Inihanda para kay maam Mary Ann

KALIGIRAN NG PAG-AARAL:
Ang sektor ng mga mangingisda sa Bulan, Sorsogon ay isa sa mahalagang bahagi ng lokal na ekonomiya at
pangkabuhayan ng komunidad. Ang mga mangingisda ay nagsisilbing tulay sa paghahatid ng mga isda at iba pang mga
produkto ng dagat sa mga pamilihan, na nagbibigay daan upang mapunan ang pangangailangan sa pagkain at maging sa
ekonomiya ng lugar. Subalit, sa kabila ng kanilang kontribusyon bilang isang mangingisda, may mga mangingisda sa
Bulan, Sorsogon ang nakakaranas ng mga hamon at suliranin at isa na duon ang mga kabataang mangingisda na hindi na
nakakapasok sa paaralan dahilan nang kahirapan.

Isa sa mga pangunahing isyu na kinakaharap ng mga kabataang mangingisda sa Bulan, Sorsogon ay ang kakulangan sa
edukasyon. Ang kakulangan na ito ay maaaring magdulot ng iba't ibang mga suliranin tulad ng kawalan ng kaalaman sa
mga batas at regulasyon sa pangingisda, kahirapan sa pag-unlad ng kanilang mga kasanayan at kakayahan, at limitadong
oportunidad para sa kanilang magandang kinabukasan.

SULIRANIN NG PAG-AARAL:
1. Ano ang mga pangunahing hamon at Suliranin ang kinakaharap ng mga kabataang mangingisda. kasulukuyan?

2. Ano ang mga solusyon para matugunan ang suliranin at hamon ng mga kabataang mangingisda?

3. Ano ang mga programa ng pamahalaan ng Bulan, Sorsogon na maaaring makatulong sa mga na out of school youth?

KAHALAGAHAN NG PAGAARAL
Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagbibigay ng malalim na kaalaman at kamalayan tungkol sa kahalagahan ng
edukasyon para sa mga kabataang mangingisda sa Bulan, Sorsogon. Ito ay magbibigay ng impormasyon sa mga
indibidwal, komunidad, at mga organisasyon sa kung paano ang edukasyon ay maaaring magdulot ng positibong epekto
sa buhay at kalagayan ng mga kabataang mangingisda. Makatutulong din itong pagaaral na ito upang malutas ang
problemang kinakaharap ng mga kabataang mangingisda sa Bulan Sorsogon.

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong hindi lang para malutas ang problemang kinakaharap ng bawat kabataang
mangingisda sa Bulan Sorsogon kundi pati na rin sa iba pang lugar. Ito rin ay makatutulong sa pagpaplano at
pagpapatupad ng mga programang pampubliko, pagbibigay ng solusyon at rekomendasyon, at pagsusulong sa pantay na
opportunidad ng mga kabataan para sa ikabubuti ng kanilang kinabukasan.

SAKLAW AT DELIMITASYON:
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga kabataang mangingisda ng Bulan Sorsogon na hindi na nakakapag aral dahil
sa kahirapan ng kanilang buhay at pinili na lamang na magtrabaho upang makatulong sa kanilang pamilya. Saklaw rin
nito ang epekto ng kakulangan sa edukasyon ng mga kabataang mangingisda.

Ang pagaaral na ito ay ginawa gamit ang tanong na Malaya nilang masasagot ayon sa kanilang eksperyensa bilang isang
kabataang hindi nakakapagaral, ibabahagi ang mga tanong sa 15 katao sa Coastal Area ng Zone 2, Zone 7, JP Laurel at
Inararan Bulan Sorsogon.

KATUTURAN NG TALAKAY
1. Edukasyon - Ito ay ang proseso ng pag-aaral at pagtuturo ng mga kaalaman, kasanayan, at valores upang mapanatili at
mapalaganap ang kaalaman sa isang tao. Sa konteksto ng pagaaral na ito, ang edukasyon ay tumutukoy sa formal na
edukasyon o pag-aaral sa paaralan.

2. Kabataang Mangingisda - Ito ay mga indibidwal na nasa murang edad (kadalasang mga kabataan at mga teenager) na
kasapi sa sektor ng mga mangingisda sa Bulan, Sorsogon. Sila ay mga kabataang nagtrabaho bilang mangingisda at
maaaring hindi na nakakapasok sa paaralan dahil sa iba't ibang mga dahilan.
3. Kakulangan sa Edukasyon - Ito ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan ang mga kabataang mangingisda ay hindi
nakakakuhang makapag-aral o magkaruon ng sapat na edukasyon. Ito ay maaaring dahil sa kahirapan, kakulangan ng
access sa paaralan, o iba't ibang mga kadahilanan.

4. Out of School Youth - Ito ay mga kabataang hindi na aktibong nakakapag-aral sa formal na paaralan. Sila ay maaaring
magtrabaho o hindi nakakakuha ng sapat na edukasyon.

5. Programa ng Pamahalaan - Ito ay mga inisyatibo o proyekto na itinataguyod ng lokal na pamahalaan o pambansang
gobyerno upang matulungan ang mga kabataang mangingisda na makakuha ng edukasyon, mangibabaw sa kahirapan, at
magkaruon ng magandang kinabukasan.

6. Coastal Area - Ito ay mga lugar sa Bulan, Sorsogon na malapit sa karagatan o baybayin. Ito ang karaniwang lokasyon ng
mga mangingisda at kanilang mga komunidad.

7. Ekonomiya ng Komunidad - Ito ay tumutukoy sa kabuuang kalagayan ng kita, trabaho, at pangkabuhayan ng mga
residente sa isang lugar. Sa konteksto ng pagaaral na ito, ito ay may koneksyon sa papel ng mga mangingisda sa
ekonomiya ng Bulan, Sorsogon.

8. Rekomendasyon - Ito ay mga mungkahi o hakbang na maaaring gawin upang malutas ang mga problema o suliranin ng
mga kabataang mangingisda sa Bulan, Sorsogon, lalo na kaugnay sa edukasyon at pangkabuhayan.

Research Questionaires:

1. Ano ang naitutulong ng pangingisda saiyong sarili at saiyong pamilya?

2. Ano-ano ang mga hamon na kinakaharap mo bilang mangingisda?

3. Sa paanong paraan mo nilulutas ang mga hamon at pagsubok na kinakaharap mo sa iyong buhay bilang isang
batang mangingisda?

4. Batay sa iyong opinion, mahalaga ba ang pagaaral? At bakit.

5. Para sayo, ano nga ba ang pwedeng maitulong ng ating Gobyerno para sa inyong mga mangingisda?

6. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapag aral muli, tatanggapin mo ba? At bakit.

You might also like