Document

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

𝐈𝐤𝐚𝐰, 𝐁𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐤𝐚𝐰

Isang pagbati ng magandang araw sa ating lahat.


Naniniwala ako na ang buhay ay hindi tungkol sa paghahanap sa sarili ngunit ang
buhay ay tungkol sa pagbuo ng sarili. Hindi natin matatawid ang karagatan sa
pamamagitan lamang ng pagtayo at pagtitig sa tubig. Kailangan natin kumilos
upang umusad tayo sa ating landas at magkaroon ng pagbabago ang buhay na
ating minimithi.

Alam kong mahal na mahal natin ang ating mga magulang. Sila ang nag-aruga sa
atin simula pa noong bata pa tayo, minahal, tinuruan ng mga mabubuting asal at
kung paano natin ito isapamuhay. Nagsakripisyo sila at nagtiis para sa ating
kapakanan at para mabigyan tayo ng mabuting buhay. Gayunpaman, sila ay laging
nandiyan sa mga panahong kinakailangan natin ang presensya nila, sa ating mga
problema, sa ating kalungkutan at sa ating kasiyahan, nais nila na magkaroon tayo
ng magandang kinabukasan at isa na sa nagpapakita nito ay ang kanilang
pagpapaaral sa atin. Lumaki ako sa ordinaryong uri ng pamumuhay, hindi kami
mayaman ngunit may sapat na kakayahan para matugunan ang mga bagay na
importante sa aming pamumuhay. Mayroon rin akong kaibigan ngunit maselan
ako sa pagpili ng mga ito. Dahil naden sa dati kong naranasan mahusgahan ng
ibang tao.

Biglang patatapos, Maranasan man natin kamuhian ang bawat minuto ng


pagsasanay at pag-aaral dahil hindi ito madali, huwag na huwag tayong susuko sa
laban at tiisin natin ang hirap ngayon at lahat ng iyon ay maibabalik sa atin kung
saan tayo ay magiging kampeyon habambuhay. Maniwala tayo sa ating sariling
kakayahan at hindi natin alam nangangalahati na pala tayo sa ating layunin.

You might also like