Heograpiya at Kasaysayan NG Pilipinas

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Heograpiya at

Kasaysayan ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ika-Limang Baitang
Unang Markahan – Modyul 15: Nasusuri ang Sosyo-kultural at Politikal na
Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Lovely M. Delos Reyes
Editor: Rose B. Impuesto
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat: Clifchard D. Valente
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 5
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Nasusuri ang Sosyo-kultural at
Politikal na Pamumuhay ng mga
Sinaunang Pilipino
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Modyul
para sa araling Nasusuri ang Sosyo-kultural at Politikal na Pamumuhay ng mga
Sinaunang Pilipino!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Aralin Panlipunan 5 Modyul ukol sa Nasusuri


ang Sosyo-kultural at Politikal na Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
INAASAHAN
Pagkatapos ng mga Gawain sa bawat modyul na ito, Ikaw ay
inaasahang nakasusuri ng politikal na pamumuhay ng mga sinaunang
Pilipino.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng


tamang sagot. Isulat ang sagot sa bawat patlang.

______1. Ito ay mula sa salitang “balangay” na ang ibig sabihin ay isang uri
ng bangka na ginamit ng mga Austronesyano nang mandayuhan sila sa
Pilipinas.
A. Barangay B. Purok C. Siyudad D. Nayon

______2. Siya ay ang pinuno ng isang barangay noong panahong


pre-kolonya.
A. Sultan B. Datu C. Kapitan D. Alcalde

______3. Siya ang nagbibigay impormasyon sa madla ng mga napagpatibay


na mga batas.
A. Amalohokan B. Umolahokan C. Umalohokan D.Ulohokanma

______4. Ito ay uri ng batas na mga pag-uutos na ginawa ng datu kasama


ang lupon ng matatanda sa barangay na nagsilbing kaniyang
tagapayo.
A. Batas na nakasulat C. Batas sa Facebook
B. Batas na hindi nakasulat D. Wala sa nabanggit

______5. Sa mga pagkakataong hindi madali ang pagpapasiya sa isang kaso,


isinasailalim sa anong paraan ang mga akusado sa paniniwalang
kakatigan sila ng diyos kung sila ay walang sala?
A. Pagsubok B. Paligsahan C. Korte D Patimpalak
BALIK-ARAL
Ano ang masasabi nyo tungkol sa kultura ng mga Pilipino bago pa
man dumating ang mga kastila?

ARALIN

Politikal na Pamumuhay ng mga


Sinaunang Pilipino
* Uri ng Pamahalaang umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas.
1. Barangay
2. Sultanato

1. BARANGAY
- Halaw mula sa salitang balangay na tumutukoy sa sasakyang
pandagat na sinakyan ng mga sinaunang Pilipinong nanirahan sa
kapatagan.
- isang yunit pampolitika, panlipunan at pangkabuhayan noong
sinaunang panahon sa Pilipinas

Datu – tawag sa pinuno ng isang barangay na may 30 hanggang 100


pamilya ng bawat barangay.
 Kinikilang pinakamalakas, pinakamatapang at pinakamayamang
lalaki sa barangay
 Kabilang ang kanyang pamilya sa pinakamataas na antas ng
lipunan noon
 Itinuturing na ama ng barangay kaya malawak ang
kapangyarihan at katungkulan
 Taga hatol at dumidinig sa mga karaingan ng mga mamamayan
 Tungkulin niyang magpatupad ng mga batas at ipagtanggol
ang kanyang barangay laban sa mga kaaway tuwing may digmaan.

 PAGGAWA AT PAGPAPATUPAD MG BATAS


* Uri ng Batas na ipinapatupad sa bawat barangay noon
A. Batas na nakasulat
B. Batas na hindi nakasulat
Halimbawa ng mga batas na nakasulat
1. Mga pag-uutos na ginawa ng datu kasama ang mgalupon ng mga
matatanda bilang kanyang
tagapayo at itinuturing na marurunong sa pamayanan.
2. Mga batas sa pagdidiborsiyo,krimen,pagmamay-ari ng mga ari-arian

Umalahokan - tawag sa tagapagbalita ng mga batas na nakasulat sa


mga oras ng pagtitipon.
o isa ring pinunong halal ng datu sa tuwing may malaking away
na kailangang ayusin at inaasahang maglitis hanggang
magkasundo ang mga nag-aalitan at pagtapos na ang gulo
tapos na din ang trabaho ng isang umalahokan.

PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG BARANGAY


Sanduguan- tawag sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng isang datu sa ibang
datu ng ibang barangay
para sa maayos na pakikipag-ugnayan.
– isinasagawa sa pamamagitan ng paghiwa sa bisig gamit ang
punyal at pagpapatulo ng
dugo sa kopang may alak at ang pag-inom ng magkabilang
panig sa pinaghalong
alak at dugong ito ang nagsisilbing simbolo ng kanilang
pagkakaibigan.

2.SULTANATO
Sultanato- tawag sa Sistema ng pamamahala na batay sa katarungan
ng Islam.
Sultan- ang tawag sa pinakamataas na pinuno ng pamahalaang
sultanato.
Abu Bakr- Arabong naglayag patungong Pilipinas noong dekada 1450
at nagtatag ng unang
sultanato sa Pilipinas.
Diwan- tawag sa unang kodigo ng batas sa Suli na hango sa
kalipunan ng batas ng Qur’an.
Sharif ul-Hashim – nagtatag ng unang sultanato sa Pilipinas at
tumayo ring sultan nito at ang
nagsilbing lawak ng kanyang nasasakupan ay kung
hanggang saan umabot
ang tunog ng tambol mula sa kaniyang tirahan.
Noong 1478 – itinatag naman ni Sharif Kabungsuan ang sultanato sa
Mindanao.

 Lanao
Mga Katangiang Dapat Taglay ng isang Sultan
1. May angking kayamanan
2. May mataas na bilang ng tagasunod
3. May mahalagang ambag kaugnay sa pagpapahalaga ng
lipunang Muslim.
4. Katapangan at husay sa pakikipagdigma
5. Mula sa lahi o linya ni Muhammad.

Muhammad – ang huling propeta at tagapagtatag ng Islam.


Tarsila ( Salsila)- ang nagsasalaysay sa pinagmulan ng lahi ng mga
sultan.

PAMAMAHALA AT TUNGKULIN NG SULTAN


1. Pangunahing pananagutan ng sultan ay pangalagaan ang
nasasakupan panahon ng digmaan o kapayapaan
2. Nagtatakda at nagpapatupad ng mga batas sa isang sultanato.
3. Ang pasya ng sultan ay hindi na mababago.
4. Nagsisilbing hukom sa paglilitis sa mga paglabag sa batas
5. Tagapagtanggol ng kanyang nasasakupan at tagapagturo ng aral ng
Islam.

Ruma Bichara- katulong ng sultan sa pagpapatupad ng mga batas at


nagsisilbing tagapayo nito.

MGA PAGSASANAY
A. Panuto: Basahing Mabuti ang bawat pangungusap at iguhit ang
kung tama ang iyong sagot at naman kung mali.

_____1. Ang salitang “barangay” ay galing sa balangay na ang ibig sabihin ay


isang uri ng bangka na ginamit ng mga Austronesyano nang
mandayuhan sila sa Pilipinas.

_____2. Sultanato ang tawag sa Sistema ng pamamahala na batay sa


katarungan ng islam.

_____3. Nakasalalay sa umalohokan ang kapakanan ng buong barangay


kaya’t tungkulin niyang magpatupad ng mga batas at ipagtanggol ang
kaniyang barangay laban sa mga kaaway tuwing may digmaan.
_____4. Ang datu ay nagbibigay ng hatol sa mga pagkakasala ng mga kasapi
ng barangay.

_____5. Pareho lamang ang sistema ng pamahalaan noon at ngayon.

B. Panuto: Totoo Ba? Isulat ang Opo kung ang pangungusap ay


nagpapaliwanag ng umiiral na politikal na pamumuhay ng mga
sinaunang Pilipino. Kung hindi, isulat ang Hindi po at iwasto ang
pangungusap.

_______1. Ang pagiging sultan sa isang sultanato ay namamana.


_______2. Kasama ng datu ang Maharlika sa pagpapanatili ng kapayapaan sa

barangay at ipagtanggol dito laban sa mga kaaway.


_______3. Katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas ang kaniyang mga
tagapayo na bunubuo ng mga makapangyarihang pinuno ng mga
pamayanang sakop ng sultanato.

_______4. Ginagawa ng datu at ng kaniyang pamilya ang batas na ipinapatupad sa


barangay.

_______5. Hindi ipinahihintulot ang pakikipag-ugnayan sa ibang barangay upang


maiwasan ang pagkakaroon ng kaguluhan sa iba’t ibang barangay.

PAGLALAHAT

Panuto: Punan ang patlang ng salita o lipon ng mga salita upang mabuo
ang diwa na ipinapahayag ng bawat pangungusap.

May __________ ng pamahalaan naumiiral noong sinaunang


panahon sa Pilipinas. Ang mga ito ay ang_________________. Ang
barangay ay _____________ samantalang ang ______________ ay
pinamumunuan ng Sultan. Malawak ang kapangyarihang saklaw ng
bawat pinuno. May mga batas
silang____________________________________.
PAGPAPAHALAGA
Sa inyong tahanan ay may mga batas na ipinatutupad ang
iyong mga magulang. Bilang kasapi ng tahanan, paano mo
maipapakita ang pagpapahalaga sa mga batas o alituntuning
ipinatutupad ng iyong mga magulang?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at isulat sa patlang ang tinutukoy


nito.

1. Tawag sa pinuno ng isang barangay noong unang panahon na


kinikilalang pinakamalakas, pinakamatapang, at pinakamayamang
lalaki sa kanilang lugar.
A.Datu B. Sultan C. Hepe D. Kapitan

2. Ano ang tawag sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng isang datu sa


ibang datu ng ibang barangay kung saan sinisagawa ito sa
pamamagitan ng paghiwa sa bisig gamit ang punyal at pagpapatulo
ng dugo sa kopang may alak at ang pag-inom ng magkabilang panig
sa pinaghalong alak at dugong ito ang nagsisilbing simbolo ng
kanilang pagkakaibigan

A. Pakikpagkaibigan B. Binyagan C. Sanduguan D. Kasalan

3. Ang mga sumusunod ay mga gawain ng datu sa paglilitis, maliban sa


isa. Alin ito?
A. Wala ng proseso ng paglilitis. Agad ay binibigyan na ng datu hatol
ang akusado.
B. Pag may nagkasala hindi agad silang hinahatulan ng datu. Ito ay
dumadaan muna sa paglilitis.
C. Nagbibigay ng hatol sa mga pagkakasala ng mga kasapi ng
barangay.
D. Ang mga saksi ay pinanunumpa sa harap ng hukom at ito
itinuturing na banal o sagrado.
4. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng Sultan?

A. Pangalagaan ang nasasakupan panahon ng digmaan o


kapayapaan
B. Nagtatakda at nagpapatupad ng mga batas sa isang sultanato.
C. Nagsisilbing hukom sa paglilitis sa mga paglabag sa batas
D. Lahat ng nabanggit ay tama

5. Bakit ang pasya ng sultan at datu ay hindi nababago? Dahil sa _______.

a. Ang desisyon ng datu at sultan ay pinal at hindi puwedeng


baguhin ng kahit ninuman.
b. Sila ay makapangyarihan.
c. Ang kanilang mga salita ay itinuturing na batas.
d. lahat ng nabanggit ay tama.
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
Gabuat, M. A. P., Mercado, M. M., & Jose, M. D. D. L. (2016). Araling
Panlipunan 5: Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City: Vibal Group, Inc.
Ang mga larawan ay hango sa google chrome.

You might also like