Q2 Filipino 5 - Module 7v1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

5

Filipino
Ikalawang Markahan
Sariling Linangan Kit 7:
Paggamit ng Pangkalahatang
Sanggunian
Filipino – Ikalimang Baitang
Ikalawang Markahan – Sariling Linangan Kit 7:
Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa SLK na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa SLK na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI


Regional Director: Allan G. Farnazo
Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Marlene M. Pastoriza
Editor: Ligaya L. Perez
Tagasuri: Rosemarie B. Sagum, Rene P. Sultan
Tagaguhit: Hareld O. Candari
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldiguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Department of Education - Sangay ng Lungsod ng Davao
Office Address: Daang E. Quirino, Lungsod ng Davao
Telefax: (082) 2274726
E-mail Address: davaocitydivision@deped.gov.ph
5

Filipino
Ikalawang Markahan
Sariling Linangan Kit 7:
Paggamit ng Pangkalahatang
Sanggunian
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang SLK na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
SLK.

Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung mayroon kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga
inilaang gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo iyan!

ii
Alamin Natin

Sa pagtatapos ng Sariling Linangan Kit na ito ay inaasahang


matututuhan mo ang:
• paggamit ng pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng
mahahalagang impormasyon tungkol sa isang isyu. F5EP-IIe-i-6

Subukin Natin

Panuto: Tukuyin ang sangguniang gagamitin sa mga impormasyong


nakalahad. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Kung nais mong malaman kung sa anong rehiyon ng Pilipinas


matatagpuan ang Davao, anong sanggunian ang gagamitin mo?
A. Almanak C. Diksiyonaryo
B. Atlas D. Ensayklopedya

2. Ano ang wastong baybay ng mga salitang henyo at kuwaresma?


A. Atlas C. Ensayklopedya
B. Almanak D. Diksiyonaryo

3. Saan ang lokasyon ng bansang Pilipinas?


A. Almanak C. Diksiyonaryo
B. Atlas D. Ensayklopedya

4. Anong uri ng pamahalaan mayroon ang bansang Argentina?


A. Atlas C. Ensayklopedya
B. Almanak D. Diksiyonaryo

5. Gusto mong malaman ang uri ng bato.


A. Almanak C. Diksiyonaryo
B. Atlas D. Ensayklopedya

6. Sa anong pangkalahatang sanggunian matatagpuan ang nag-imbento ng


unang sasakyan?
A. Atlas C. Ensayklopedya
B. Almanak D. Diksiyonaryo
7. Bakit nagkaroon ng North at South Korea?
A. Almanak C. Diksiyonaryo
B. Atlas D. Ensayklopedya

8. Ang salitang gulod ba ay pangngalan o pandiwa?


A. Atlas C. Diksiyonaryo
B. Almanak D. Ensayklopedya

9. Anong bansa ang pinakamahirap noong nakaraang taon?


A. Almanak C. Ensayklopedya
B. Atlas D. Diksiyonaryo

10. Saan matatagpuan ang lokasyon ng Mt. Apo?


A. Atlas C. Diksiyonaryo
B. Almanak D. Ensayklopedya

Aralin Natin

Sa panahon ngayon, madali nang maghanap ng mga kasagutan sa


tanong na iyong inilalahad. Isang pindot mo lang sa internet ay agad mo na
itong mahahanap. Ngunit hindi lahat ng naroroon ay tama. Kaya mas
magiging tama ang iyong paghahanap gamit ang iba’t ibang
pangkalahatang sanggunian.

Kayo ba ay nakapagsaliksik na sa inyong silid-aklatan? Marami ka


na bang nakitang iba’t ibang aklat na mapagkukuhanan ng mahahalagang
impormasyon tungkol sa iba’t ibang asignatura?

Ang mga aklat o babasahing mapagkukuhanan natin ng


makatotohanang impormasyon at kaalaman ay tinatawag na
pangkalahatang sanggunian.

Pag-aralan mo ang iba’t ibang pangkalahatang sanggunian at ang


gamit ng mga ito.
Paggamit ng mga Pangkalahatang Sanggunian

Ang mga pangkalahatang sanggunian ang katatagpuan ng mga


impormasyong wala sa karaniwang aklat. Ang mga ito ay mahalaga sa pag-
alam tungkol sa iba’t ibang paksa o kaalaman. Narito ang mga
pangkalahatang sanggunian:

Almanak
Ito ay aklat na nagtataglay ng kalendaryo ng mga
araw, buwan, at petsa tungkol sa iba’t ibang
impormasyong pangkasaysayan at mga katotohanan
tungkol sa pamahalaan, pangyayaring pangkalikasan,
pag-unlad ng medisina, at marami pang iba. Ito ay
nagtataglay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa
mga punto ng kawilihan, mga pangyayari sa ibang
bansa, palakasan, relihiyon, politika, at iba pa.

Atlas
Ito ay katatagpuan ng mga mapa ng iba’t ibang
kontinente, bansa, at mga rehiyon ng daigdig. Ito ay
nagpapakita rin ng layo ng mga lugar sa mga
katubigan, bundok, at mga pangunahing lansangan.

Diksiyonaryo
Pinagkukunan ito ng kahulugan ng salita, baybay
o ispeling, pagpapantig, bahagi ng pananalitang
kinabibilangan ng salita, pinanggalingan ng salita,
kasingkahulugan o kasalungat, maging pagbigkas at
nakaayos nang paalpabeto.

Ensayklopedya
Ito ay kalipunan (set) ng mga aklat na nagbibigay
ng panlahat na kaalaman sa lahat ng sangay ng
karunungan. Ang mga paksa ay nakaayos nang
paalpabeto. Ito ay may maraming volume. Ang bawat
volume ay kumakatawan sa mga salitang nagsisimula
sa titik na nasa volume.
(Pinagkunan ng larawan: https://www.dreamstime.com/illustration/atlas-book.html)
Iba pang maaaring pagkunan ng impormasyon at kaalaman:
▪ Internet – Isang teknolohiyang maaaring pagkunan ng maraming
kaalaman sa tulong ng kompyuter at mga high tech na gadgets.
▪ Globo – Isang maliit na replika ng mundo.
▪ Magasin – isang peryodikong publikasyon na naglalaman ng
maraming artikulo, kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay
nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.
▪ Tabloid/dyaryo/pahayagan – pinagkukunan ng balita sa mga pang-
araw-araw na mga kaganapan sa bansa at buong mundo.

Gawin Natin

Gawain 1

Panuto: Piliin ang titik ng pangkalahatang sangguniang dapat gamitin sa


pagsasaliksik ng mga nakalistang impormasyon sa bawat bilang. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

A. Almanak B. atlas C. diksiyonaryo D. ensayklopedya

1. Mga sikat na manlalarong Pilipino

2. Mga bansang nakapaligid sa Malaysia

3. Magkaibang bigkas ng salitang saya

4. Ang unang naging presidente ng Pilipinas

5. Unang tao na nakarating sa buwan

6. Mga uri ng halaman at scientific name nito

7. Ang nakaimbento ng unang eroplano

8. Sukat at laki ng bansang Singapore

9. Pinakamalaking kita ng manlalarong si Michael Jordan

10. Ang bibliyograpiya ni Adolf Hitler


Gawain 2
Panuto: Piliin ang tamang sanggunian sa loob ng panaklong na iyong
gagamitin sa pangangalap ng impormasyong nakasaad sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Koleksiyon ng mga mapa at iba’t ibang kontinente at bansa.


( almanak, atlas, diksiyonaryo, ensayklopedya )

2. Nagtutulot ng dagliang access sa mga worldwide web na


magpapalakas at magpapayaman sa ating buhay.
( magasin, globo, pahayagan, internet )

3. Nagbabalik - tanaw kayo tungkol sa trahedya at sakunang


naganap sa ating bansa noong taong 2018.
( almanak, atlas, diksiyonaryo, ensayklopedya )

4. Nagpapatulong ang nakababata mong kapatid na malaman ang


kahulugan at kasalungat ng mga salita.
( Almanak, atlas, diksiyonaryo, ensayklopedya )

5. Inilalathala nang taunan o minsan sa isang taon ang aklat na ito.


( almanak, atlas, diksiyonaryo, ensayklopedya, internet )

Sanayin Natin

Pagsasanay 1
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel kung anong pangunahing
sangguniang aklat ang iyong gagamitin upang mangalap ng impormasyon
sa sumusunod na aralin.

1. Ano ang heograpiya ng Pilipinas?

2. Saan nagmumula ang salitang “bahay-kubo”?

3. Sino ang nakadiskubre ng gamot laban sa tuberculosis?

4. Gaano ang layo ng Hilagang Amerika sa Timog Amerika?

5. Anong lungsod ang lumubog nang sumabog ang Bulkang Mayon?


6. Ano ang pagkain ng Ibong Agila?

7. Anong ruta ang dinaanan ni Magellan nang madiskubre niya ang


Pilipinas?

8. Gaano kahaba at kaluwang ang kanal ng Panama?

9. Saang larangan kilala si Charles Babbage?

10. Mga pinagkukunan ng pangkabuhayan ng bansang Italy.

Pagsasanay 2
Panuto: Piliin ang tumpak na sangguniang mapagkukunan ng
impormasyong nakatala sa bawat bilang. Isulat sa iyong sagutang papel
ang titik ng tamang sagot.

A. magasin B. diyaryo C. Globo

1. mga pang-araw-araw na pangyayari


2. isang replika ng mundo
3. mga dokumentaryo tungkol sa buhay ng isang sikat na artista
4. makabagong istilo ng pananamit
5. pinakahuling bilang ng namatay sa Corona Virus sa buong mundo

Pagsasanay 3
Panuto: Isulat sa sagutang papel kung ang sumusunod na pangkalahatang
sanggunian ay Atlas, Almanak, Diksyonaryo o Ensayklopedya.

1. Pangunahing pangkabuhayan ng bansang Rusya.


2. Taunang impormasyon at istatistiko sa isang bansa tungkol sa
edukasyon.
3. Pagbabalik tanaw sa mga naganap sa ating bansa noong isang taon
4. Mga kilalang tao na kanilang likha/o imbensiyon
5. Pinagmulan ng isang salita na nais mong malaman ang impormasyon
dito.
6. Makasaysayang pangyayari sa bansang Hapon
7. Makikita ang original na salita o pinanggalingan ng salita
8. Nais mong malaman ang pinakamalawak na lupain sa buong mundo
9. Naglalaman ng piling salita ng isang wika
10. Ito ay gabay ng mga turista upang malaman ang mga pangyayari

Tandaan Natin

Tandaan mo na mahalaga ang paggamit ng mga pangkalahatang


sanggunian sapagkat nahahasa ang iyong kasanayan sa gawaing ito
tungkol sa iba’t ibang paksa o kaalamang maaaring mapagkunan ng mga
impormasyon. Higit sa lahat mas mapadadali at mapabibilis ang pagsagot
sa mga katanungan kung gagamit ka ng mga aklat gaya ng:

• Ensayklopedya - kinabibilangan ng ilang mga librong ang mga paksa


ay nakaayos nang pa-alpabeto. Halimbawa nito ay Colliers
Encyclopedia na may 24 na aklat, Encyclopedia Britanica na may 29
na aklat.

• Diksiyonaryo - mababasa rito ang kahulugan, kasalungat, bahagi ng


pananalita, paraan ng pagbigkas, at iba pang impormasyon tungkol sa
isang salita.

• Atlas - ito naman ay koleksiyon ng mga mapa at index ng mga


pangalan ng lugar. Ilang halimbawa nito ay 1.) Mapang Pampolitika
kung saan ipinakikita ang mga politikal at heograpikal na mga
hangganan ng mga bansa pati na ang mga lokasyon ng mga bayan at
lungsod. 2.) Atlas Pangkasaysayan o Historical Atlas naman ay
naglalaman ng mga mapa ng mga bansa sa ibang yugto ng kanilang
kasaysayan. 3.) Atlas Pang- ekonomiya o Economic Atlas ay
naglalaman ng mga paksa tungkol sa kabuhayan o ekonomiya tulad
ng enerhiya at mga pananim.

• Almanak - Ito ay isang pantaunang publikasyong binubuo ng


kalendaryo ng mga pangyayaring pang-astronomiya at detalye ng mga
anibersaryo at ng iba pang okasyon sa loob ng buong taon.

• May iba pang maaaring pagkunan ng impormasyon at kaalaman gaya


ng: magasin, globo, diyaryo/tabloid/pahayagan at ang
pinakamakabago ngayon ay internet.
Suriin Natin

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang makikita mo sa Atlas?


A. mga sikat na manunulat
B. mga bantog na artista
C. mga kilalang pangulo
D. mga pangunahing lansangan

2. Alin sa sumusunod ang hindi mo mababasa sa ensayklopedya?


A. mga aktibong bulkan sa mundo
B. pinakahuling kaganapan sa Covid-19
C. laki ng populasyon ng Estados Unidos
D. enerhiyang geothermal

3. Ang kalipunan ng mga aklat na nagtataglay ng mga katotohanan o


mahahalagang impormasyon sa iba’t ibang kaalaman.
A. atlas C. ensayklopedya
B. almanak D. diksiyonaryo

4. Makikita rito ang mga mapa, katubigan, bundok, at mga pangunahing


lansangan.
A. ensayklopedya C. diksiyonaryo
B. almanak D. atlas

5. Nagbibigay ng pinakabagong impormasyon sa isports at parangal.


A. atlas C. diksiyonaryo
B. almanak D. ensayklopedya

6. Binigyan kayo ng takdang gawaing pangangalap ng iba’t ibang sikat


na sayaw mula taong 1975 hanggang 1990. Aling aklat sa silid-
aklatan ang gagamitin mo?
A. atlas C. diksiyonaryo
B. almanac D. ensayklopedya

7. Pinapakuha kung gaano kahaba at kaluwang ang Kanal ng Panama.


Ano ang gagamitin mong sanggunian?
A. atlas C. diksiyonaryo
B. almanak D. ensayklopedya
8. May isang salita sa iyong binabasang nobela ang hindi mo alam ang
kahulugan, sa aling aklat mo makukuha ang kailangang
impormasyon?
A. atlas C. diksiyonaryo
B. almanak D. ensayklopedya

9. Gagawa ka ng ulat tungkol sa kahalagahan ng pag-inom ng walong (8)


basong tubig sa isang araw. Anong aklat ang hihiramin mo sa silid-
aklatan?
A. atlas C. diksiyonaryo
B. almanak D. ensayklopedya

10. Naatasan kang mag-ulat tungkol sa mapa at populasyon ng bansang


Brazil, aling aklat ang magbibigay sa iyo ng kompletong
impormasyon?
A. atlas C. diksiyonaryo
B. almanak D. ensayklopedya

Payabungin Natin

Panuto: Sipiin mula sa diksiyonaryo ang kompletong lahok (salita, uri ng


kayariang pangwika, pagpapantig, paraan sa pagbigkas, at kahulugan) ng
salita sa bawat bilang. Tukuyin ang sangguniang ginamit. Gawin ito sa
isang malinis na papel.

Halimbawa:
almires – png., al-mi’ris- kasangkapang yari sa bato, tanso o kahoy na
pinagdidikdikan ng anumang ibig. (diksiyonaryo)
1. Asya
2. ekonomiya
3. kultura
4. politika
5. kooperasyon
Pagnilayan Natin

Sa kasalukuyang panahon, ang madalas na ginagamit ng tao sa


paghahanap ng impormasyon ay sa pamamagitan na ng internet. Higit na
madali ang paggamit nito lalo na at laganap na ang paggamit ng mga
gadgets sa buhay ng tao.

Sa blended learning na pag-aaral ay lubos na nakalalamang ang mga


pamilyang may internet na sa kabahayan. Maaari na ring i-download at i-
install lang sa mga mobile phones ang diksiyonaryo upang magamit sa pag-
aaral. Ngunit madalas na pinagkukunan ng impormasyon ng mga mag-aaral
ay ang google chrome. Subalit lagi ninyong isasaisip na hindi lahat ng
lumalabas sa internet ay tumpak at makatotohanan. Hindi kasi dumadaan
sa masusing pagsusuri ang mga ito.

Mas mainam pa ring gamitin ang mga aklat gaya ng diksiyonaryo,


ensayklopedya, atlas, at almanak bilang sanggunian ng wastong
impormasyon.
encyclopedia-1652935870
https://www.shutterstock.com/image-photo/poznan-pol-feb-03-2020-
definition-clip-art-png/wr0iESaR
https://favpng.com/png_view/word-dictionary-com-picture-dictionary-
https://www.dreamstime.com/illustration/atlas-book.html
https://ourwabisabilife.com/the-world-almanac-and-book-of-facts-2016/
Sanggunian
Sanayin Natin Sanayin Natin Sanayin Natin
Pagsasanay 3 Pagsasanay 2 Pagsasanay 1
1. Ensayklopedya 1. B 1. Atlas
2. Almanak 2. C 2. Diksiyonaryo
3. Almanak 3. B 3. Ensayklopedya
4. Ensayklopedya 4. A 4. Atlas
5. Diksiyonaryo 5. B 5. Ensayklopedya
6. Almanak 6. Ensayklopedya
7. Diksiyonaryo 7. Atlas
8. Atlas 8. Atlas
9. Diksiyonaryo 9. Almanak
10. Ensayklopedya 10. Ensayklopedya
Gawin Natin Gawin Natin Subukin Natin
Gawain 2 Gawain 1 1. Atlas
2. Diksiyonaryo
1. Atlas 1. A 3. Atlas
2. Internet 2. B 4. Ensayklopedya
3. Almanak 3. C 5. Ensayklopedya
4. Diksiyonaryo 4. D 6. Ensayklopedya
5. Almanak 5. A 7. Almanak
6. D 8. Diksiyonaryo
7. D 9. Almanak
8. B 10. Atlas
9. A
10. D
Susi sa Pagwawasto
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Davao City

E. Quirino Avenue, Davao City

Telepono: (082)2274726

You might also like