Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Pamantasan ng Cabuyao
(University of Cabuyao)
Senior High School Department
Katapatan Mutual Homes, Brgy. Banay-banay, City of Cabuyao, Laguna 4025

Xyron Noman U. Remoquillo Performance Task 2


Grade 12 STEM E-10 Bb. Merlyn Villar

Posisyong Papel ng mga Estudyante ng Baitang 12 ESTEM E-10 ng UC (PnC) hinggil sa


Pagtanggal ng mga Takdang Aralin sa mga Estudyante

PAGTANGGAL NG TAKDANG ARALIN: DAPAT LAMANG TANGGALIN DAGDAG


NA GAWAIN, DAPAT NA PAHINGA, ORAS, AT ISIP AY NAKAKAIN

Posisyong Papel na nauukol sa DepEd Memorandum No. 392, series 2010

Pinaninindigan ni Xyron Noman U. Remoquillo, estudyante ng Baitang 12 STEM E-10,


Ilang estudyante mula sa Baitang 12 STEM E-10 ng Unibersidad ng Cabuyao (UC)
Pamantasan ng Cabuyao (PnC).

Ang tahanan ang una nating silid aralan, ang ating mga magulang ang una nating mga
guro. Alam ng nakararami na ang takdang aralin ay isang akademikong gawain na binibigay ng
mga guro para sa kanilang mga mag-aaral upang sagutan sa kanilang tahanan. Marahil ay
marami ang nag sangayon sa pagpapatupad ng takdang aralin sa mga estudyante, dahil sa
pagbibigay nito ng dadag kaalaman sa mga mag-aaral. Nakasaad sa unang pahina ng DepEd
Memorandum na: “Homework or assignments have been part of the pupils’ lives in their
schooling. Common homework/assignments may include a period of reading to be done and
writing to be completed, problems to be solved and projects to be worked on, among others. The
purpose of which is for the pupils increase their knowledge and improve their abilities and
skills.” Ngunit kung ang takdang aralin ay sumasabay sa mga pa-project ng mga guro,
mahihirapan ang mga mag-aaral na makagawa at mapagsabay-sabay ang oras ng pahinga at oras
ng paggawa ng takdang aralin. Ang paganngkin ng sariling kapayapaan ng mga mag-aaral o
sasaglit na oras ng kanilang pahinga ay malaking epekto dahil sa buong araw nila sa paaralan at
sagayon ay magsasagot padin sila sa kanilang tahanan.

Sa aking paninindigan, ang takdang aralin ay dapat nang tapusin. Dahil sa pagbawas nito
ng oras sa pamilya ng bawat mag-aaral at sa oras na rin ng kanilang pahinga. Sa halip na
madagdaggan ang aral na nakukuha ng mga mag-aaral, ay syang nagbabawas pa ito mula sa
kanilang pinagaralan. Ito ay napatunayan sa pag-aaral mula sa Finland na; “More Homework
means Worse Grades”. Ang bansang ito ay kilala bilang isang maayos na bansa at may
magandang data na ipinapakita mula sa kanilang Sistema ng pag-aaral. Isa na sa kanilang
Sistema ang hindi pagbibigay ng takdang aralin sa kanilang mag-aaral. Sa kabilang banda, ang
pagbibigay ng takdang aralin sa mga mag-aaral na katulad ko ay pahirapan padin. Dahil ang mga
kabataan ngayon ay mas natututo na sa mga bagay na kanilang sinusubukan o ginagawa, kaysa
sa mga bagay na kanilang binabasa. Sa pamamagitan ng takdang aralin ay mahihirapan kami na
magsagot o makapagisip ng mga sagot kung kami ay kulang sa pahinga. Ngunit ang oras ng
aming pahinga ay nakakain lamang ng paggawa ng takdang aralin.

Ipapatunay ko at ng ibang estudyante ng UC (PnC), na ang pagbibigay ng takdang aralin


ay isang kamalian. Ang pagbibigay ng dagdag na gawain ay hindi sagot upang mas matuto pa
ang mga mag-aaral ng UC (PnC). Mas makakatulong pa ang sapat na pahinga ng mga mag-aaral
dahil ang pahinga mo ay pahinga rin ng iyong utak. Mahalaga na ipahinga ang sarili kaysa ito ay
makain.

Kung patuloy parin ang pagbibigay ng mga takdang aralin sa katapusan ng taon,
tiyak na malaki ang magiging epekto nito sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng UC (PnC).

Sa modernong panahon, nagbabago rin ang mga pananaw ng bawat mag-aaral hinggil sa
kanilang sistema sa pag-aaral. Sa pagbabagong ito naway matanggap ng bawat sangunian at iba
pang mga departemento ang hinain ng mga mag-aaral para sa kanilang kapasidad ng pag-aaral at
pagtuto. Ang takdang aralin ay hamak na maayos na sistema ng pag-aaral ngunit sa panahon
ngayon ay mas nababawasan na ng oras ang mga estudyante sa pagpapahinga.
Republic of the Philippines
Pamantasan ng Cabuyao
(University of Cabuyao)
Senior High School Department
Katapatan Mutual Homes, Brgy. Banay-banay, City of Cabuyao, Laguna 4025

Pinagtibay ngayong Oktobre 9, 2023


Mga Sanggunian:
https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2018/10/DM_s2010_392.pdf
https://in-finland.education/homework-in-finland-school/

You might also like