Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EBOLUSYON NG WIKANG PAMBANSA

I. 1896/1897
- Saligang-Batas ng Biak na bato
- Ang wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.

II. 1935
- Saligang-Batas ng 1935, ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa
na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi
nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na
gagamiting mga wikang opisyal.
- Isinilang ang konsepto ng wika.
- 15 ang kinikilalang opisyal na wika

III. 1936
- Gumawa ng SWP o Surian ng Wikang Pambansa
- Batas Komonwelt blg. 184 at itinatag ni Pang. Manuel L. Quezon.

IV. 1937
- Kautusang Tagapagpaganap blg. 134

V. 1940
- Kautusang Tagapagpaganap blg. 263
- Pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles
- Nagsisimula ang pagtuturo

VI. 1959
- Kautusang Pangkagawaran blg. 7
- Nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino

VII. 1973
- Saligang Batas ng 1973
- Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo
sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang
pambansa na tatawaging Filipino.
VIII. 1986
- Proklamasyon Blg. 19
- Kinilala ni dating Pangulong Corazon Aquino ang mahalagang papel
ng wikang pambansa sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang
Bayan
- na nagbunsod sa bagong pamahalaan.

IX. 1987
- Saligang Batas ng 1987
- Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika.

Saligang Batas ng 1987 Artikulo 14


Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang
mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles.
Seksyon 8. Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at
Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon,
Arabic, at Kastila.
Seksyon 9. Ang kongreso ay magtatatag ng isang komisyon ng
wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga
rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika
para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

X. 1996
- Ched Memorandum blg. 59
- 9 na yunits na pangangailangan sa pangkalahatang edukasyon.

You might also like