Professional Documents
Culture Documents
Fil 001 Reviewer
Fil 001 Reviewer
KATANGIAN NG WIKA
o
o
o KAAALIS – Salita
KA – Panlapi
A – Morpemang Ponema
ALIS – Salitang – ugat
Ang wika ay sinasalitang tunog
o Hindi lahat ng tunog ay wika, sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan.
o Ang tunog ay nalilikha ng ating aparato (bahagi ng katawan).
o Ang wikang Filipino ay may dalawampu’t isang ponemang napapangkat sa dalawa –
mga ponemang katinig at mga ponemang patinig.
TAGALOG Baliktad
PAMPANGA Baligtad
PANGASINAN Baliktar
AKLAN Balistad
WARAY Balikad
Hanggang ngayon tanong pa rin ng tao miski ng sensya kung paano nagkaroon ng wika ang
tao. Kaya nagsaliksik at bumuo ng teorya ang mga eksperto kung paano nagkaroon ng wika
ang tao.
Tulad ng tao ang wika nahahati rin sa iba’t – ibang kategorya ayon sa kaantasan nito. Ang
antas ng wika ay ginagamit ng isang tao bilang isang palantandaan kung anong uri ng tao siya
at kung aling antas – panlipunan siya nabibilang.
URI NG PORMAL
Pormal
o Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap, at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ang mga nakapag – aral ng wika.
Pambansa
o Ito ang salitabg karaniwang ginagamit sa mga aklat sa lahat ng paaralan sa mga
balita, sa mga opisyal o legal na dokumento.
o Ito rin ang wikang kadalasang itinuturo sa mga paaralan.
Pampanitikan o Panretorika
o Ito ang salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan.
Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.
o Halimbawa ay ang mga tula, awit, at spoken poetry.
o Halimbawa:
Ang hindi magmahal sa sariling wika,
Mahigit sa hayop at malansang isda.
Kaya ang marapat pagyamaning kusa,
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Impormal
o Ito ang mga salitang karaniwang, palasak, pang araw – araw na madalas nating gamitin
sa pakikipag – usap at pakikipag talastasan sa mga kakilala or kaibigan.
URI NG IMPORMAL
Lalawiganin
o Ito ang mga salitang dayalektal. Ginagamt sa mga particular na pook o lalawigan
lamang. Makikilala ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami
nap unto.
Halimbawa:
Bisaya, Ilokano, Chavacano, Badjao, at iba pa.
Kolokyal
o Ito’y mga pang – araw – araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.
May kagaspangan (gamit na gamit na) ang mga salitang ito ngunit maari rin itong
repinado (maayos) ayon sa kung sino ang nagsasalita nito.
Balbal
o Ito ay tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga napangkat na mga tao ay bumubuo ng
sariling salita kung saan sila – sila lang din ang nagkakaunawaan. Mababang antas ito
ng wika dahil ito ay maaring mga salitang mura o may kabastusan.
Halimbawa:
o Sana ol / sana all
o Idle
o 2II
o Awts gege
o Awit
LESSON 3 - MGA BARAYTI NG WIKA
IDYOLEK
o Bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa
bawat isa.
DAYALEK
o Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang
partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.
Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Bataan = Bakit ah?
Ilocos = Bakit ngay?
Pangasinan = Bakit ei?
May magkaibang katawagan para sa isang kahulugan.
Ilang Bokabularyo na Ginamit ng Taong Pare- parehong Nag – sasalita ng isang wika:
SOSYOLEK
o Minsan ay tinatawag na “Sosyalek”.
o Ito ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang
partikular na grupo.
o Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng
indibidwal na ginagamit ng mga naturang salita.
ETNOLEK
o Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga salitang
nagiging bahagi nan g kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat – etniko.
EKOLEK
o Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan.
PIDGIN
o Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s
native language” ng mga dayuhan.
CREOLE
o Mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo – halong salita ng indibidwal,
mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular
na lugar.
REGISTER
o Ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na pangkat o domain.
Halimbawa:
Jejemon
Binaliktad
Pinaikli na teks
MIDTERMS – FIL 001
ARALIN 1
KOMUNIKASYONG BERBAL
Ang sistemang berbal ay ang paggamit ng wika bilang paraan ng pagbabatid ng kahulugan at
pagpapahayag ng ating iniisip at saloobin.
Ito rin ang ginagamit natin upang lumikha at magpanatili ng magandang relasyon sa kapwa.
De Vito (2003)
o Sa pagkilala natin sa kalikasan ng wika, bilang sistema ng komunikasyon, malalaman
natin kung paano magagamit ang wika upang maging epektibo ang komunikasyon
gayundin, upang maiwasan ang di – pagkakaunawaan.
Ang kahulugan ng wika ay nagmumula sa tao
o Halimbawa:
“Mahal kita!”
Pero tandaan na habang nagbabago ang tao, maaring magbago rin ang
pakahulugan niya sa mga nakaraan o dating mensahe.
o Dahil sa mga tao ang nagbibigay ng kahulugan sa salita o wika, maaring magresulta ito
ng isang anyo ng miskomunikasyong na tinawag ni De Vito na “bypassing”
o Bypassing
Nagaganap kapag hindi nagtugma ang pagpapakahulugan ng tagapagsalita
(sender) at ang tagatanggap.
Bypassing
1. Kapag ang dalawang taong nag – uusap ay gumagamit ng magkatulad na salita ngunit
nagpapahayag ng magkaibang kahulugan.
o Kyla: Takot ako sa multo! Yung nakaputi.
Trisha: Takot ako sa multo! Yung di na nagrereply.
2. Kapag ang dalawang taong nag – uusap ay gumamit ng magkaibang salita ngunit
nagpapahayag ng parehong kahulugan.
o Jack: Mahal kita!
Jillian: 143!
Ang wika ay kapwa denotatibo at konotatibo.
o Demotasyon
Tiyak at literal na kahulugan ng salita. Ito yaong mga kahulugang nakikita sa
diksyunaryo.
o Konotasyon
Pahiwatig na pang emosyonal o pang saloobin na ikinakapit ng tagapagsalita o
tagapakinig bukod sa tiyak na kahulugan ng isang salita.
o Hayakawa (1990)
Nilikha ang mga terminong “snarl words” at “purr words” upang lalong
mapaliwanag ang pagkakaiba ng denotibo at konotatibong kahulugan ng salita.
o Purr Words (highly positive)
Si Hanna ay nag – iisip ng malalim.
o Halimbawa:
Kiara: Sino prof niyo sa subject na ito?
Rana: Si Chichi, terror yun!
Kiara: Malas naman.
Upang maiwasan:
o Oryentasyong Ekstensyunal
Tingnan muna at suriin nang maigi ang aktwal na tao, bagay o ang pangyayari,
saka pagtugmain ang mga leybel na ikinapit sa kanila.
Ang wika at nagpapahayag ng kapwa katotohanan at hinuha.
o Halimbawa:
Itim lahat ng suot niya. Nagluluksa ata siya.
o Imperensyal
Ito ay pahayag na ginawa batay lamang sa palagay.
Upang maiwasan:
o Ipahayag ang mga pangungusap na imperensyal sa paraang tentatibo o sa paraang
maglalahad ng mga posibleng pagpipilian.
o Halimbawa:
Pinagupit niya ang kaniyang mahabang buhok. Siguro ay naiinitan o kaya’y nag
– momove on balita ko hiniwalayan niya na ang jowa niya.
Ang wika ay halos istatik
o Ebalwasyong istatik
Isang “conceptual distortion” na tumutukoy sa tendensiyang panatilihin ang mga
ebalwasyong ibinigay natin sa mga tao o bagay samantalang sa katotohanan ay
may nangyari nang pagbabago sa kanila.
Halimbawa:
“Talagang ganyan siya. Dati na siyang ganyan.”
Upang maiwasan:
o Ang paggamit ng isang kaparaanan na tinawag ni De Vito (2003) na “mental date.”
o Halimbawa:
Ang kabataan noong 2010 ay iba na ngayong 2020.
Iba si Juan 2015 kay Juan 2020, baka sa susunod na taon iba na rin siya.
Ang wika ay nakapagkukubli ng mga pagkakaiba sa pagitan ng mga tao at pangyayari.
o Indiskriminasyon
Ang pagkabigong Makita o magbigyang pagkakaiba ang mga tao o pangyayaring
bagama’t may pagkakaiba ay magkakatulad dahil sa nasasakop ito sa isang
panlahatang kategorya.
o Stereotyping
Batay sa nasyonalidad, lahi, relihiyon, kasarian, at iba pa.
o Stereotype
Isang de – kahong paglalarawan sa isang pangkat ng mga tao na ikinakapit natin
sa bawat taong bahagi ng pangkat na iyon na walang pagsasa – alang – alang
sa indibidwal na katangian nila.
o Pananaig ng mga “extreme terms” at ang kakulangan o pagkawala ng mga tinatawag
na “middle terms” – isang katangian ng wika na nagbubunga ng polarisasyon,
o Polarisasyon
Ang tendesiyang tingnan ang mundo sa magkasalungat na direksyon at
maglarawan gamit ang magkabilang dulo.
Halimbawa:
Kung sasabihing di ka “maka – Duterte”, kung gayon “Dilawan” ka.
Upang maiwasan:
o Gumamit ng isang extensional device na itinatawag na pag – iindeks. Ito ay isang
mental na pagsasaalang – alang ng pagkakaiba ng mga tao, bagay, o pangyayari
bagama’t nasasakop sila ng isang leybel o kategorya.
o Halimbawa:
Iba si guro 1 kaysa kay guro 2.
ARALIN 2
KOMUNIKASYONG DI – BERBAL
Hindi lagging berbal ang komunikasyon, hindi lang pasulat o pasalita. Mas madalas
gumagamit tayo ng mga di – berbal na komunikasyon.
Komunikasyong Di – Berbal
Galaw (Kinesics)
Espasyo (Proxemics)
Oras (Chronemics)
Pamdama o Paghawak (Haptics)
Paralanguage
Katahimikan
Kapaligiran
Simbolo (Iconics)
Kulay (Colorics)
Bagay (Objectics)
Katawan (Kinesics)
o Ang kinesics ay maari ring tawaging body language.
o Mula sa simpleng pananamit, kilos, paraan ng pagsasalita, mata, miski kilay, at galaw
ng kamay.
o Sa madaling salita, ito ay paggamit ng katawan upang magpadala ng mensahe.
Galaw (Kinesics)
o Pag – aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw ng iba’t –
ibang bahagi ng ating katawan.
o Ekspresyon ng Mukha
Nagpapakita ng emosyon.
o Galaw ng Mata
Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag – iiba ang mensaheng
ipinapahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
o Kumpas “Galaw ng kamay”
Maraming bagay at kapamaraanang magagawa.
o Regulative
Kumpas ng isang pulis o kumpas ng isang guro.
o Descriptive
Kumpas na maaaring naglalarawan sa isang bagay.
o Emphatic
Kumpas na nagapahiwatig ng damdamin.
o Tindig o Postura
Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung anong
klase ng tap ang iyong kaharap o kausap.
Espasyo (Proxemics)
o Ang espasyo o space na inilaan natin sa ating sarili at kapwa tao ay nagtataglay ng
kahulugan.
o Intimate (15 – 17in)
Espasyo na inilalaan para sa taong ating pinakahahalagahan.
o Personal (18in – 1.22m)
Espasyo na inilalaan para sa taong kakilala natin.
o Social (1.23m – 3.60m)
Espasyo na inilalaan para makipagkapwa – tao.
o Public (3.61and above)
Espasyo na inilalaan sa pampublikong lugar upang makihalubilo sa mga tao.
o Amygdala
Bahagi ng utak na responsible sa pagproseso ng emosyon at reaksyon ng tao sa
kaniyang espasyo.
Halimbawa:
Kung bigla kang binulungan ng tao na hindi mo kakilala anong
mararamdaman mo?
May epeksyo sa amygdala ang:
1. Pantingin:
2. Pang – amoy:
3. Pandinig:
4. Panlasa: at
5. Pandama
Oras (Chronemics)
o Mahalaga ang oras. Nagtatakda ang tao ng pagpapahalaga o kahulugan sa bawat oras
na kaniyang itinakda o plinano.
o Ito rin ay nagsisilbing paalala. Ang oras ay maaari ring iugnay sa panahon.
o Teknikal or siyentipikong oras
Ginagamit lamang ito sa laboratory at kaunti lamang ang kaugnayan nito sa pang
– araw – araw nating pamumuhay.
o Pormal na Oras
Tumutukoy kung paano binibigyan ng kahulugan ang kultura at kung paano ito
itinuturo.
Halimbawa, sa kultura n gating oras, hinahati ito sa segundo, minuto, oras, araw,
linggo, buwan, at taon.
o Impormal na Oras
Medyo maluwag sapagkat hindi eksakto.
Halimbawa: Mapagkailanman, agad – agad, sa madaling panahon at ngayon din.
o Sikolohikal na Oras
Tumutukoy sa kalahalagan ng pagtatakda ng oras sa nakaraan, sa kasalukuyan
at sa hinaharap.
Pandama o paghawak (Haptics)
o Ito ay isa sa pinaka – primitibong anyo ng komunikasyon.
o Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon.
o Nangyayari ito sa mga taong malapit sa isa’t – isa gaya ng mga magkakaibigan o
magkakapalagayang – loob.
o Halimbawa:
Pagyakap, Paghaplos, pisil, tapik, batok, haplos, hipo, at iba pa.
Paralanguage
o Mga di – linggiwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.
o Tumutukoy sa paraan ng pagbikas ng isang salita pagbibigay diin sa mga salita.
o Halimbawa:
Bilis ng pagbigkas, paghinto sa loob ng pangungusap, lakas ng boses, kasama
rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntong – hininga, ungol at paghinto.
Katahimikan/ Hindi Pag – imik
o May mahalagang tungkulin ding ginagampanan ang di pag – imik/ katahimikan. Ito ay
pagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag – isip at bumuo at
mag – organisa ng kanyang sasabihin.
o Sandata rin ang katahimikan.
o Tugon sa pagkabalisa o pagkainip, pagkamahiyain o pagkamatatakutin.
Kapaligiran
o Nagsisilbing komunikasyong di – berbal sapakat ito ay kailangan ng tao upang
maganap ang interaktibo at komunikatibong gawain sa buhay.
o Pagdarausan o lugar sa anumang pulong, kumperensya, seminar at iba pang
tumutukoy sa uri ng kapaligiran pormal/ di pormal.
Simbolo (Iconics)
o Mga simbolo na may malinaw na mensahe.
o Halimbawa:
Sa palikuran, bawal manigarilyo atbp.
Kulay (Colorics)
o Ang kulay ay nagbibigay din ng mensahe, madalas iniuugnay ito sa damdamin o mood
ng tao.
Bagay (Objectics)
o Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan. Kabilang rito ang mga
elektronikong ekwipment.