Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Hannah Louella Vergara

BSME 2C

Maikling kwento tungkol sa kahirapan

Ambisyon
Karla May Vidal
Isang mahirap na bata si Mia na nangangarap na maging abogado
balang araw. Pero sadyang kay lupit ng tadhana dahil pagkatapos niya
ng highschool ay wala silang kakayahan na makapag-aral siya ng
kolehiyo. Kahit ganun ang nangyari, hindi pa rin siya nawalan ng pag-
asa na makapag-aral ng kolehiyo.

Lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran sa buhay. Naghanap


siya ng trabaho para maypang-bayad siya sa kolehiyo at matustusan
ang kanyang mga pangangailangan. Nakahanap naman ng trabaho si
Mia. Nagtatrabaho siya sa umaga at paggabi naman ay pumapasok siya
sa pampublikong paaralan sa kursong gustong-gusto niya, ang pag-
aabogado. Kahit nasa pampublikong paaralan siya ay may malaking
bayarin at hindi na niya kinaya ang mga gastos, hindi na kasya ang
kanyang pang-araw-araw na pangangailangan sa kanyang sahod. Kaya
huminto muna siya sa pag-aaral, at nagdesisyong mag-iipon muna
siya.

Para kay Mia, hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng kanyang


mga pangarap. Kaya naghanap ng ibang trabaho si Mia na mas
maganda at malaki ang sahod. Namasukan siyang katulong sa mag-
asawang pilipina at amerikano. Maayos naman ang trabaho ni Mia sa
mag-asawa, mababait ang kanyang amo. Nang napag-usapan nila ang
buhay ni Mia, nasabi din niya sa kanyang amo tungkol sa kanyang
pangarap na makapag-kolehiyo at makapagtapos ng abogasya.
Mapalad naman si Mia dahil naghandog naman ang kanyang amo na
pag-aralin siya ng kolehiyo kapalit ng pagsisilbi niya sa kanila. Sobrang
saya ni Mia sa nangyari kaya nagpapasalamat si Mia sa kanila dahil
matutupad na rin ang kanyang pangarap.

Nagsipag at minabuti ni Mia ang kanyang pag-aaral para makatapos na


siya ng kolehiyo sa pag-aabogasya. Nag-aral siya ng mabuti, hindi niya
sinayang ang oportunidad na binigay ng tadhana sa kanya. May mga
pagsubok din siyang dinaanan pero hindi iyon hadlang sa kanyang
pag-aaral.

Nakatapos si Mia sa pag-aaral bilang Cum Laude, dahil sa sipag at


tiyaga niya. Laking pasasalamat niya sa kanyang amo dahil pinag-aral
siya ng kolehiyo. Ngayon, isa na siyang sikat na abogado sa kanilang
lugar. Sinabi ni Mia sa kanyang sarili na kahit gaano kahirap ang
buhay, basta’t guto moa ng isang bagay, magagawa at makukuha mo
iyon kung pagsisikapan mga ng mga ito.

https://lifebloggersorg.wordpress.com/2016/10/13/maikling-kuwento-2/

You might also like