Aralin 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Aralin 4

WIKA AT KOMINIKASYON

Pagbabagong Morpoponemiko
Tulad ng ibang wika, dinamiko ang wikang Filipino. Makikita ang ganitong
katangian ng wika mula sa simpleng pagpapalit o pagbabawas ng isang titik
sa salita. Pansinin ang mga halimbawa:
Pansining nagpalit agad ang ibig sabihin ng salita sa pamamagitan lamang
ng pagpapalit ng isang titik nito. Mula sa pagpapalit ng mga titik, nagkaroon
ng partikular na pagkakaiba ng kasarian ang mga nabanggit na salita. Isa ito
sa mga halimbawa ng pagbabagong morpoponemiko.

May limang uri ng pagbabagong morpoponemiko:


Asimilasyon - pagbabagong nagaganap sa /ng/ sa posisyong pinal dahil sa
impluwensiya ng ponemang kasunod nito.
Halimbawa:
Sa mga salitang nagsisimula sa d, l, r, s, at t, ginagamit ang panlapi na sin-
o pan-.
sing + tamis = sin + tamis = sintamis
pang + dagat = pan + dagat = pandagat

Samantala, sa mga salitang nagsisimula naman sa b at p ay ginagamitan ng


panlaping sim- at pam-.
pang + basa = pam + basa = pambasa
sing + payat = sim + payat = simpayat

Pagpapalit ng Ponema - pagkakaroon ng paglilipat ng diin ng mga salita


kasabay ang pagbabago o pagpapalit ng ponema.
Halimbawa:
takot + in = takutin
biro + in = biruin
turo + an = turuan

Pansinin ang naging pagpapalit ng u sa o sa salitang takutin mula sa


salitang-ugat na “takot.” Ganito rin ang nangyari sa mga susunod pang
halimbawa.

Pagkakaltas ng Ponema/Maykaltas - pagbabawas ng ponema sa isang


salita.
Halimbawa:
kuha + in = kuhanin = kunin
takip + an = takipan = takpan
tupad + in = tupadin = tupdin
Sa bahaging ito, naalis ang ponema sa pagbabagong morpoponemiko. Mula
sa orihinal na salitang kuhanin, kinaltas ang ponemang ha, at naging kunin
na lamang ito.

Metatesis/Maylipat (Lumang Balarila) - Paglilipat ng posisyon ng


ponema sa loob ng salita. Ang ganitong pagbabago naman ay naghuhudyat
ng paglilipat ng posisyon ng ponema. Pansinin ang mga sumusunod na
halimbawa:
Halimbawa:
tanim + an = taniman = tamna
talab + an = talaban = tablan

Pag-aangkop - pagsasama ng dalawang salita upang makabuo ng


panibagong salita.
Halimbawa:
kita + mo = kitam
hayaan + mo = hamo
Wastong Gamit ng Pang-abay sa Pagpapahayag ng Sariling Pananaw

Sa pagpapahayag ng mga pansariling pananaw, makatutulong ang wastong


gamit ng pang-abay upang maidiing maigi ang iyong mga pahayag at
maintindihan ito ng
sinumang tagatanggap ng mensahe.

Halimbawa:

Pagsang-ayon: Lubos akong naniniwala na malaki ang epekto ng lider sa


kanyang
mga nasasakupan.

Pagtanggi: Lubha akong tumututol sa kaniyang sinabi dahil labag ito


sa
karapatang pantao.

Mula sa mga halimbawa, pansinin na ang mga nakahilig na salita ay tiyak na


nakatutulong upang mabigyan-diin ang pagpapahayag ng pagsang-ayon o
pagtanggi ng nagpapadala ng mensahe.

You might also like