Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Aralin 2

Pantay na pagkilala sa lahat ng kasarian

Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian (kilala rin bilang gender


equity, gender egalitarianism, o sekswal na pagkakapantay-pantay) ay ang
layunin ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian o ng mga seks, [1] na
nagmumula sa paniniwala sa kawalan ng katarungan na may iba't ibang
anyo ng hindi pagkakapantay-pantay sa kasarian.
Hindi makakalimutang karanasan.
Ang bawat tao'y may pangyayari o pangyayaring hindi malilimutan sa
kanyang buhay at minsan ang mga pangyayari sa nakaraan ay nagiging
alaala na masasabi at may kanya-kanyang impresyon sa bawat tao.
Isa akong bata na sikat sa pagiging active sa school, sobrang taas ng
curiosity ko sa mga bagong bagay kapag may ipinapaliwanag ang teacher
ko, out of nowhere biglang pumasok sa isip ko gusto kong subukang
lumangoy sa ilog sa likod ng school ko na nangyari sa be at my school.may
ilog na umaagos at medyo malalim kahit hindi ako marunong lumangoy.
At hindi ko na naramdaman ang oras ng break ng bigla akong tumakbo
palabas ng classroom at tinungo ang likod ng school kung saan may ilog sa
likod ng school ko that time. Umupo ako sa gilid ng ilog habang pinapanood
ang paglangoy ng maliliit na isda.
Doon nagsimula ang curiosity ko at doon nagsimula.
Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ay ipinagdiriwang sa maraming
bansa sa buong mundo taun-taon tuwing Marso 8. Ito ay araw kung saan
kinikilala ang mga kababaihan sa kanilang mga nagawa nang walang
pagsasaalang-alang sa mga dibisyon, maging pambansa, etniko,
lingguwistika, kultura, ekonomiya o pampulitika.
Opisyal na kinilala ng United Nations noong 1977, ang Pandaigdigang Araw
ng Kababaihan ay unang lumitaw mula sa mga aktibidad ng mga kilusang
paggawa sa pagpasok ng ikadalawampu siglo sa North America at sa buong
Europa.
Ano ang Kahulugan ng Nobela?
Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang
kwento na nahahati sa mga kabanata. Ang kathang ito ay karaniwang
nabibilang sa katergoryang piksyon, samakatuwid, ito ay karaniwang
kathang isip lamang ng manunulat. Naglalaman ito ng dalawa o higit pang
mga tauhan, maraming pangyayari at may kaganapan sa iba’t-ibang
tagpuan. Binubuo ito ng 60,000 hanggang 200,000 na salita o 300-1,300
pahina. Ang kathang ito ay hindi mababasa sa isang upuan lamang sapagkat
mahaba at madami ang mga kaganapan dito.
Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay[1] ay isang mahabang
kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong
60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo
nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing henerong
pampanitikan. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak
na istilo o maraming tiyak na istilo.
Ang peminismo ay pagtitipon ng mga kilusan at mga kaisipan na layunin
ang magtakda, magtatag, at maipagtanggol ang pantay na pampulitika,
pangkabuhayan, pangkultural, at panlipunang mga karapatan para sa
mga kababaihan. Nabibilang dito ang pagtatatag ng pantay na mga
pagkakataon para sa mga kababaihan sa edukasyon at sa paghahanap-
buhay. Ang isang peminista ay tumataguyod o sumusuporta sa mga
karapatan at sa pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan.
Ang peministang teorya, na lumitaw mula sa mga peministang kilusan, ay
lumalayong maunawaan ang pinagmulan ng hindi pagkakapantay-pantay ng
kasarian sa pamamagitan ng pagsuri sa mga panlipunang tungkulin at
natamong karanasan ng isang babae; ito ay mga teorya sa samu’t saring
mga sangay upang matugunan ang mga suliranin tulad ng panlipunang
konstruksiyon ng kasarian. Ilan sa mga naunang anyo ng peminismo ay
pinuna dahil sa pagsasaalang-alang lamang sa mga puti, nakaririwasa, at
nakapag-aaral. Humantong ito sa pagkakabuo ng tiyak na pang-etniko o
multiculturalist na mga anyo ng peminismo.
Baryati ng wika
Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at
pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na
paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao.
Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik.
Mga halimbawa ng Idyolek:
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro
“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez
“Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio
“Hoy Gising!” ni Ted Failon
“Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza
“I shall return” ni Douglas MacArthur
“P%@#!” ni Rodrigo Duterte
Sosyolek – na minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang
barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na
grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo
ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.

Mga halimbawa ng Sosyolek:

Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)


Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay
pangit ng gelpren mo)
Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)
May amats na ako ‘tol (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing
na ako kaibigan/kapatid)
Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga
etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko
sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging
bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.

Mga Halimbawa ng Etnolek:


 Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa
kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan
 Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
 Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey
ng Mountain Province
 Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
 Kalipay – tuwa, ligaya, saya
Register – minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang
espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay may
tatlong uri ng dimensyon.
a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng
mga taong gumagamit nito.
b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng
komunikasyon.
c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.

Mga Halimbawa ng Register:

Mga salitang jejemon


Mga salitang binabaliktad
Mga salitang ginagamit sa teks
Mga salitang ginagamit ng mga iba
’t-ibang propesyon gaya ng mga doctor
Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring
napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa
ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-verify ang
pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at
mga taong nakasaksi nito.
Ang opinyon naman ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring
totoo pero puwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas
malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa
obserbasyon at eksperimento.
Ang estilong APA (mula sa American Psychological Association o APA) ay
isang malawakang tinatanggap na estilo ng dokumentasyon. Inilalahad nito
ang mga pangalan at pagkakasunud-sunod ng mga ulong-pamagat,
pamamaraan, at pagkakaayos ng mga sangguniang tulad ng sitasyon at
bibliograpiya, at pagkakaayos ng mga tabla, bilang, talababa at apendiks,
maging ang iba pang mga kasangkapang-katangian ng mga sulatin o
manuskrito. Ginagamit ng estilong APA ang pananangguning Harvard, na
kilala rin bilang pamamaraang may-akda-at-petsa ng mga sitasyon at mga
pananangguning parentetikal, na nakasusi o nakaakibat sa isang sumusunod
na tala ng mga "Pinagkunan" o "Pinagbatayan". Nagbibigay ng payak na
mga panuntunang gabay ang Publication Manual (Publikasyong Gabay o
Publikasyong Manwal) ng APA para sa pagdodokumento mga batayang
nakalimbag.

You might also like