Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Si Ginoong Dan Joseph Dela Cruz Guillermo ay nagtapos sa

Seminaryo Mayor ng Inmaculada Concepcion noong Abril 2023.


Natamo niya ang St. Thomas Aquinas Award bilang karangalan sa
pagkakamit ng pinakamataas na marka para sa kaniyang saliksik na
pinamagatang Fictional Narrative: An Act of Memory Towards Paul
Ricoeur’s Notion of Forgiveness. Gayundin, siya ay ginawaran ng
parangal bilang ikatlo sa pinakamahuhusay sa kanilang
komprehensibong pagsusulit sa Seminaryo Mayor. Kasalukuyan siyang
nagsisilbi bilang guro sa Pilosopiya at manunulat ng mga tula, maikling
kuwento, pilosopikal na pagmumuni-muni (philosophical reflections),
artikulo, at pananaliksik. Ilan sa mga nailathala niyang pilosopikal na
pagmumuni-muni ay ang Alamat ng Mundo (2020); Alegorya ng Pinto
(2021); at Litanya ng Alaala: Isang Tagpuan ng Kinalimutan,
Nakalimutan, at ‘Di Malimutan (2023). Bukod pa rito ay ang pang-akademikong saliksik niyang, At
Nakipamayan Sa Atin: Isang Metalingwistiko at Penomenolohikal na Pagsusuri sa Konsepto ng
Pamayanan (2022). Gayundin, kabilang sa kaniyang mga nailathala ay ang mga sumusunod na tula:
Eroplanong Papel II, Eksistensiyal na Pangungumbinsi, Digmaan, Pagkatuto I, Pagkatuto II,
___________, May Puwang ang Pagpapatawad sa Nakaraan, Kung Bakit Hindi Dapat Ika’y Magaling, At
Dawn, Star, Pedestrian, Istatistiks ng Kwarto, December 25, Pagkatapos ng Cover Page at Epigraph, at
iba pa. Isa siya sa mga aktibong tagapag-ambag sa mga publikasyong inilalathala sa Vita: Journal of
Philosophy and Arts. Siya ay kasalukuyang nag-aaral ng mga piling kurso sa larang ng edukasyon sa
Unibersidad ng Santo Tomas at patuloy na nananaliksik at umaalam upang makamtan ang katotohanan.

You might also like