Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

COLLEGE OF OUR LADY OF MERCY OF PULILAN FOUNDATION, INC.

S t o. C r i s t o, P u l i l a n, B u l a c a n
Grade School Department

COMMUNITY OUTREACH PROGRAM 2016


BUILDING BRIDGES OF HOPE
December 20. 2016

I. Introduction
Isang maganda at mapagpalang araw para sa ating lahat! Ang pamunuan, mga guro, mga mag- aaral, at
ang buong pamilya ng College of Our Lady of Mercy ay malugod na inihahandog ang munting
programang ito para sa ating mga espesyal na panauhin sa araw na ito.

Ako si __________________ at ang aking partner na si _________________ ang inyong host para sa
araw na ito.

II. Opening Prayer


Bilang panimula, ay inaanyayahan namin ang lahat na magsitayo at manahimik sumandali para sa ating
pambungad na panalangin na pangungunahan ni Cglyd Lee Santos.

III. National Anthem


Manatili po tayong nakatayo para sa pag- awit ng Lupang Hinirang na sasabayan ng pagkumpas ni Reann
Janelle Cuizon.

IV. Opening Song


Maraming salamat, maaari nang magsi- upo ang lahat.

Limang araw na lamang ay Pasko na, ngunit ang ating pamilya dito sa COLM ay hindi na mapigilang
ipagdiwang ito ngayong araw sapagkat naririto na sa ating tahanan ang ating mga espesyal na panauhin.
At para pangunahan ang opisyal na pagbati at pag- welcome sa kanila ay atin pong pakinggan ang
pambungad na pananalita ng ating minamahal na Executive Vice President- Mr. Jian Carlo SJ. Castillo.

V. Opening Song
Salamat po Sir Jian.

Sa puntong ito ay ating mapakikinggan ang inihandang awitin ng mga mga piling mag- aaral para sa ating
mga minamahal na panauhin.

VI. Games
Salamat COLMers! Talagang “We are All God’s Children.” Kaya dapat lamang na tayo ay magmahalan
at magbigayan dahil tayo’y magkakapatid at pantay- pantay sa paningin ng Diyos.

Para sa tuloy- tuloy na saya, ay simulan na natin ang unang set ng palaro na pangungunahan ng ating mga
Grade 4 Classroom Officers sa pamumuno ng kanilang adviser na si Ms. Rica.

VII. Dance Number


Ang mga piling mag- aaral ng Grades 3, 4, at 5 ay may inihandang pampasiglang bilang para sa ating
lahat. Walang ba kayong mga kamay?!

VIII. Raffle Draws


Magaling! Salamat sa inyo! Ngayon ay dumako tayo sa unang wave ng raffle draw. Tinatawagan ko po si
Ms. ___________________ para pangunahan ang pagbunot sa mga masusuwerteng panagalan.

IX. Games
Salamat Ma’am ___________________.
Gusto nyo ba ulit maglaro? Para sa second round ng ating palaro ay naririto ang mga Grade 5 Classroon
Officers at ang kanilang adviser na si Ms. Amormia.

X. Song Number
Congratulations sa lahat ng winners!

Para tayo ay handugan ng isang magandang awitin ay naririto si Claui Jazz De Guzman. Palakpakan po
natin siya.

XI. Raffle Draws


Sa pagpapatuloy ng ating raffle draw ay tinatawagan po namin si Ms. ___________________.

XII. Games
Salamat Ma’am __________________.

Para sa huling round ng ating palaro ay naririto ang Grade 6 Classroom Officers at ang aming adviser na
si Ms. Ailyn..

XIII. Dance Number


Para sa ating panghuling pampasiglang bilang ay atin pong panoorin ang naggagandahang mag- aaral ng
Grade 5 para sa kanilang inihandang sayaw.

Salamat sa inyo Grade 5. Ang gagaling ninyo!

XIV. Raffle Draw


Para sa huling wave ng ating raffle draw ay naririto si Ms. Ailyn.

XV. Refreshments
Salamat ma’am.

XVI. Distributions of Goods

XVII. Closing Remarks

Sa maraming pagkakataon sa ating buhay, marami ang panahon at oras na nauubos natin sa mga bagay na
nakapagpapasaya lamang sa atin. Ngunit mapalad kaming mga kabataan sapagkat sa murang edad ay
naririto ang ating mga magulang at tahanan, gayundin ang ating mga guro at paaralan na siyang
gumagabay sa atin na mamulat sa mga bagay na dapat talagang pagtuunan ng pansin at pahalagahan
katulad ng pakikipagkapuwa at pagpapasaya sa mga katulad din naming mga bata.

Kami’y umaasa na kahit sa munting kaparaanang ito at sa mga munti naming handog para sa inyo ay
napasaya namin kayo. Ang sabi nga ay “It’s not how much we give, but how much love we put into
giving.”

Bilang pangwakas, ay pakinggan po natin ang mensahe ng ating minamahal na punongguro na si Ms.
Mary Rose Gatdula.

Salamat po ma’am.

You might also like