Panitikan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

PANITIKAN

Kahulugan ng Panitikan
Ang pilipinong salita na “panitikan” ay nanggaling sa salitang “pang-titik-an” na
kung saan ang unlaping “pang” ay ginamit at hulaping “an”. Ang salitang “titik”
naman ay galing sa latin na “littera” na ang ibig sabihin ay “literatura”. Sa
pinakapayak na pagkakalarawan na nag-uugnay sa isang tao. Isang malinaw na
salamin, larawan, repleksiyon o representasyon ng buhay, karanasan, Lipunan at
kasaysayan. Nagpapakita ng ating panlipunan at panlahing pagkakakilanlan.
Nasasalamin dito ang pinagmulan ng isang lahi, ang pagsulong at pag-unlad ng
isang bansa sa bawat panahong kanyang dinaanan at pagdadaanan pa.
Pagpapahayag ng isang kaisipan, damdamin, karansan, at panaginip ng
sangkatuhan na nasusulat sa masining at malikhaing paraan, sa pamamagitan ng
isang estetikong anyo at kinapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahilan ang
panitikan ay nasusulat, natitiyak ang kawalang-maliw nito.

Kahalagahan ng Panitikan
Lubos nating makikilala ang ating sarili bilang Pilipino at matatalos natin ang
minana nating yaman at talinong taglay ng ating lahing pinagmulan.Mababatid
natin ang kadakilaan at karangalan ng ating mga sariling tradisyon at kultura,
maging ang mga nagging impluwensiya sa atin ng ibang bansa na saying maging
sandigan pinakikinabangan natin sa kasalukuyang panahon. Mababatid natin ang
pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng katangian ng mga panitikan iba’t-ibang rehiyon
at matututunan nating ipagmalaki ang ating pagka Pilipino. Matutukoy nating ang
mga kalakasan at kahinaan ng ating lahi nang sa gayo’y mapag-ibayo pa ang ating
mabubuting katngian bilang isang lipi at mapalakas ang ating mga kahinaan bilang
iang bansa at amiwasto ang ating mga pagkakamali bilang isang indibidwal.
Mapapangalagaan natin ang ating yamang pampanitikan na isa sa ating
pinakamahalagang yamang panlipi. Mahuhubog natin ang magiging anyo, hugis,
nilalaman at katangian ng panitikan sa kasalukuyan at siya naming magiging
sanligan ng panitikan sa hinaharap. Malinang ang ating pagmamalasakit sa ating
sariling kultura at maging ang ating malikhaing pag-iisip na ilan sa mga
mahahalagang pangangailangan upang tayo ay umunlad bilang isang bansa.
Dalawang Uri ng Panitikan

Patula – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng


maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat 0 bilang ng mga pantig
at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat
saknong. Kabilang dito ang mga sumusunod: tulang liriko, tulang
pasalaysay, tulang pangtanghalan, at patnigan.

Tuluyan o Prosa – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang


pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o
pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may akda. Kabilang dito
ang mga sumusunod : maikling kwento, nobela, dula, Alamat, pabula,
talambuhay, sanaysay, balita at editoryal.

You might also like