Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Sistemang pang-

ekonomiya

Ang sistemang pang-ekonomiya ay isang


pamamaraan na kinakasangkutan ng
produksiyon, pamamahagi, at paggamit ng
mga produkto o serbisyo sa pagitan ng
mga entidad sa loob ng isang partikular na
lipunan. Ito ang kaparaanan na ginagamit
ng lipunan upang gumawa at mamahagi ng
mga produkto at serbisyo.[1]
Mga sistemang pang-
ekonomiya

Merkantilismo

Ito ang namayaning kaisipan pang-


ekonomiya na gumagabay sa mga
patakaran ng maraming bansa sa daigdig
noong unang panahon. Isinusulong nito
ang kaisipan na ang kapangyarihan ng
isang bansa ay nakasalalay sa dami ng
ginto at pilak dahil sa panahong iyon,
nakasalalay ang pamumuno at
pagkakaroon ng kapangyarihan ng isang
pinuno sa dami ng ginto at pilak.
Ang Merkantilismo ay isang sistemang
pang-ekonomiya na naniniwalang ang
bansa ay mapayayaman sa pamamagitan
ng pagpigil sa pang-angkat at pagsuporta
sa pag-export. Sumikat ito noong 16th
century sa Western Europe. Ang layunin ng
Merkantilismo ay magkaroon ng balance
sa pangangalakal na magdadala ng ginto.

Pasismo

Isang tradisyunal o makalumang


pamamaraan ng pamumuno na
pinamumunuan ng isang diktador, na may
absolutong kapangyarihan. Ang kanyang
pamumuno sa kanyang nasasakupan ay
may disiplina, sa madaling salita istrikto
ang kanyang pamumuno, tulad ni Adolf
Hitler.

Sosyalismo

Sa sistemang sosyalismo, ang mga


pangunahing gawain o industriya at ang
gamit sa produksiyon ay pag-aari ng
pamahalaan. Pinahihintulutan din naman
ng sistemang ito ang pribadong sektor na
mag-ari ng negosyo at magkaroon ng pag-
aaring pribado.
Komunismo

Ang komunismo ay magiging isang


makataong lipunan na walang kaurian o
estado at naninindigan sa panlahatang
pagmamay-ari at sa prinsipyong "Mula sa
bawat isa ayon sa kaniyang kakayahan,
para sa bawat isa ayon sa kaniyang
pangangailangan".

Kolonyalismo

Sistema ng ugnayan sa pagitan ng mga


bansa sa mundo kung saan direktang
sinasakop ng malakas na bansa ang mga
mahihinang bansa upang gamitin at
mapakinabangan ang mga ito.

Tingnan din
Makroekonomiya
Mikroekonomiya

Mga sanggunian
1. Sullivan, arthur; Steven M. Sheffrin (2003).
Economics: Principles in action (https://we
b.archive.org/web/20161220014709/http
s://www.savvas.com/index.cfm?locator=PS
Zu4y&PMDbSiteId=2781&PMDbSolutionId=
6724&PMDbSubSolutionId=&PMDbCategor
yId=815&PMDbSubCategoryId=24843&PM
DbSubjectAreaId=&PMDbProgramId=2306
1) . Upper Saddle River, New Jersey 07458:
Prentice Hall. pa. 23. ISBN 0-13-063085-3.
Tinago mula sa orihinal (https://www.savva
s.com/index.cfm?locator=PSZu4y&PMDbSi
teId=2781&PMDbSolutionId=6724&PMDbS
ubSolutionId=&PMDbCategoryId=815&PM
DbSubCategoryId=24843&PMDbSubjectAr
eaId=&PMDbProgramId=23061) noong
2016-12-20. Nakuha noong 2021-02-24.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Sistemang_pang-ekonomiya&oldid=2022048"

Huling pagbabago: 14:02, 27 Mayo 2023. •


Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC
BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit.

You might also like