Katangian NG Wikang Filipino: Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Komunikasyon sa

Akademikong Filipino
Unang Linggo
Departamento ng Filipino

Materyales
KATANGIAN NG WIKANG Computer, Student Activity Sheet
FILIPINO
Sanggunian
1. Concepcion B. Jr. et al (2017) LET
Itinakdang Bunga ng Pagkatuto Reviewer Licensure Examination for
Teachers. MET Review Publishing
Sa katapusan ng paksa, ikaw ay inaasahang: House. Sampaloc, Maynila.
2. Ducay, Irene D. (2017) LET NCBTS
 nakakikilala sa katangian ng wikang Filipino Oriented Filipino. MET Review
 nakapagbabahagi sa kahalagahan ng wikang Publishing House. Sampaloc, Maynila
Filipino 3.Wika Retrieved from
 nakabubuo ng kritikal na sanaysay ukol sa https://www.slideshare.net/FutureEduc
katangian ng wikang Filipino sa pang-araw- /wika-25812679
araw na pamumuhay.

Pangalan: Jemirey Rose N. Galo Kurso/Taon/Sekyson: BSCE 2- Day


PANIMULA

Panimulang Tanong:

Sa mundong ating ginagalawan, batid nating mahalaga ang wikang ating ginagamit upang tayo
aymakabuo ng ugnayan sa kapwa tungo sa ating pag-unlad. Tulad ng tao, ang wika ay magkakaiba
din at mayroon ding taglay na sariling mga katangian. Anu-ano ba ang mga katangiang ito?

PROSESO NG PAGTUTURO

Paghahanda (Preparation)

Panuto: Unawain at sagutan ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat ang sagot na sa patlang na nakalaan.

1.) Sa sariling pananaw, magbigay ng hindi bababa sa limang mahalagang katangian ng wikang Filipino?
 Ang wika ay nakabatay sa kultura.
 Ang wika ay komunikasyon.
 Ang wika ay makapangyarihan.
 Ang wika ay masistemang balangkas.
 Ang wikang ay sinasalitang tunog.
 Ang wika ay ginagamit.
 Ang wika ay arbitraryo.
 Ang wika ay pinipili at isinasaayos.
 Ang wika ay nagbabago

2.) Base sa sagot sa unang bilang. Sa tingin mo, bakit ito ang mga katangian ng wikang Filipino?

Ang wikang Filipino ay mahalagang sumisimbolo ng ating kasarinlan bilang isang bansa. Ang wika ang
isang dahilan ng pagkakaisa ng isang lipunan sa pakikipag komunikasyon at nagiging daan upang
magkaunawaan. Ang wika ay iang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang aritraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura.
Paglalahad (Presentation)

WIKA
Ayon kina Pamela Constantino at Galileo Zafra (2008), “ang wika ay isang kalipunan ng mga
salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o
makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao.”

KAHULUGAN NG WIKA
 Kasangkapan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan
 Tagapagdala ito ng mga ideya at naiimpluwensyahan nito ang ugali ng tao, ang isip at
damdamin.
 Nagbubuklod sa isang lipunan na may iisang kultura. Hinti matatawag na isang lipunan ang
isang grupo ng mga tao kung wala silang wikang komon.

Ayon kay Henry Gleason (1988) – Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog
na pinipili ay isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.

Ayon kay Archivald Hill (1976) – Ang wika ay pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong
gawaing pantao.

Ayon kay Webster (1974) – Ang wika ay isang Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa
pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo.

Ang wika ay tunay na mahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa.


Naipapahayag at naihahatid niya ang kanyang ideya at saloobin sa kanyang kapwa gamit ang wika.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa buhay ng tao sapagkat ginagamit niya ito sa iba’t ibang
aspeto ng kanyang buhay. Ang wika rin ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang bansa. Ang isang
bansang may sariling wika ay maituturing na isang bansang malaya.

KATANGIAN NG WIKA

1. May sistematik ng balangkas.


Pangunahing katangian ng isang tinay na agham ang pagiging sistematik. Dahil may katangiang
makaaghanm ang isang wika, nagging batayan ito upang umiral ang larangan ng Linggwistiks, ang pag-
aaral ng wika. Hindi lamang nakabatay sa ngayon sa Balarila o Gramar ang pagtuturo ng wika. Malaliman
ngayong tinatalakay ang isang wika mula sa fonoloji, morfoloji, hanggang sa sintaks.

Ponema – tawag sa makabuluhang tunog


Ponolohiya – makaagham na pag-aaral ng mga tunog
Morpema – pinakamaliit na yunit ng salita
Morpolohiya – pag-aaral ng morpema
Salitang-ugat
Paruparo, halu-halo, sarisari, alang-alang

Panlapi
unlapi – unahan kabilaan – kabilaan
gitlapi – gitna laguhan – una, gitna at hulihan
hulapi – hulihan

Ponema
ponema --- morpema --- salita --- parirala --- sugnay (makapag-iisa at di makapag-iisa) --- pangungusap

Sintaks – makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap

Diskors – makahulugang palitan ng mga pangungusap ng dalawa o higit pang tao.

2. Binibigkas na tunog.
Hindi lahat ng tunog ay binibigkas at hindi rin naman lahat ng tunog ay makabuluhan. Ang ponemik
ang tunog na makabuluhan. Ang pagiging makabuluhan ng tunog ay yaong nakapagpapaiba ng kahulugan
ng salita. Ang ganitong phenomenon ng wika ang siyang dahilan kung bakit sa kabila ng pagkakaroon ng
28 letra ng ating bagong alfabeto, 21 lamang ang fonim o ponema at 1 sa 21 ito ay walang katumbas na
grafm o letra – ang glottal na pasara sa lumang balarila ay tinatawag na impit a tunog. Mapapansin ito sa
mga salitang malumi at maragsa.

3. Pinipili at isinasaayos.
Kasama ang retorika sa mga batayang kurso sa kolehiyo. Layon nito ang makapagpahayag nang
mabisa sa pamamagitan ng wastong pagpili at pagsasaayos ng wika. Hindi lamang kasi basta binibigkas
at inaalam ang kahulugan ng mga salita.

4. Arbitrari
Ang wika ng isang pamayanan ay nabuo ayon sa napagkasunduang termino ng mga taong
gumagamit nito. Dahil dito, nagkaroon ng indentidad ang bawat wika na sadyang ikinaiba ng bawat isa.

5. Kapanatay ng kultura.
Kaugnay ng pagiging arbitrari ang pagiging kapantay ng kultura ng wika. Walang wikang umunlad
pa kaysa sa kanyang kultura, gayundin walang kulturang yumabong nang di kasabay ang wika.
May wika sapagkat may kultura. May kultura sapagkat may wika.

6. Patuloy na ginagamit
Walang saysay ang anumang bagay kung hindi naman ito ginagamit. Kapag hindi ginagamit,
nangangahulugan lamang na wala itong silbi. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang katangian ng wika
ang pagiging gamitin nito.

7. Daynamik o nagbabago
Itinuturing na “patay” ang isang wika kung wala na itong tinatanggap na pagbabago. Hindi totoo na
patay na ang wika ay wala nang gumagamit at dahil doon, ay wala nang silbi.
Tulad ng ibang bagay, ang wika man ay nagbabago, at ang pagabbago ng wika ay nangangahulugan
lamang na ito ay buhay sapagkat umuunlad at patuloy na sinasalita ng mga taong gumagamit nito.

Pagsasanay (Practice)

Aktibiti
I. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga katanungan at bilugan ang tamang sagot.
1. Ito ay isang sangay ng linggwistika na sumasaklaw sap ag-aaral ng kayarian o istruktura ng salita.
A. Ortograpiya C. Semantika
B. Morpolohiya D. Sintaks
2. Ayon kay Gleason, ang wika ay pinagkakasunduan ng isang lahi at kaya naman ay naunawaan
nglahat ng kasapi ng lahi.

A. Masistema C. likas
B. Dinamiko D. arbitraryo
3. Anong sangay ng linggwistika ang nakatuon sa tamang pagsasaayos ng mga salita para makabuo
ngisang pangungusap na nagsasaad ng buong diwa?
A. Ortograpiya C. Sematika
B. Morpolohiya D. Sintaks
4. Anong sangay ng linggwistika ang nakatuon sap ag-aaral ng kahulugan ng tunog o ponema?
A. Ortograpiya C. Semantika
B. Morpolohiya D. Ponolohiya
5. Anong sangay ng linggwistika na sumasaklaw sap ag-aaral ng wastong baybay ng mga salita?
A. Ortograpiya C. Semantika
B. Morpolohiya D. Sintaks

II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang katanungan. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pang-araw-araw
na pamumuhay? Magbigay ng isang senaryo ng sariling karanasan o kakikitaan ng sitwasyong ito.
Isulat itona hindi bababa sa limang pangungusap. (10 puntos)

Ang mga wikang Filipino, Bisaya, Ilokano at Ingles ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga wika na
ginagamit sa Pilipinas, ano nga ba ang kahalagahan ng paggamit ng Wika sa pang araw-araw na buhay?
Bakit nga ba tayo gumagamit ng wika at ano ang kahalagahan nito? Ang wika ay mahalaga dahil ito ay ang
pangunahing instrumento sa komunikasyon, ito ang ating ginagamit sa pakikipag-usap sa ibang tao. Sa
pakikipag-komunika sa iba, nailalahad natin ang mga gusto nating sabihin. Naipapahayag natin ang ating mga
saloobin at mga nararamdaman gamit ang wika. Mahalaga rin ang wika sa iba’t ibang larangan lalo na sa pag-
aaral, propesyon at iba pang pormal na mga kinabibilangan natin. Bilang isang mamamayang pilipino, ang
wikang Filipino ang ating naging daan upang magkaunawaan saan man dako tayo ng pilipinas nakakarating.
Halimbawa nito ay kung ikaw man ay dumayo sa ibang lugar, maaari tayong gumamit ng wikang Filipino
upang makipag-usap sa mga taong nakatira sa lugar. Ang wikang Filipino ay mahalaga na nasa ating
kurikulum sa pag-aaral dahil dito ay nahahasa at natutunan natin ang pambansang wika na mahalaga at
sumasagisag na rin ng ating kultura. Ang wika ay mahalaga at dapat nating ipagmalaki dahil ito ay sariling atin
at ito ay isang simbolo ng ating kasarinlan.

Pagganap/Performans (Performance)

Aktibiti: Iguhit mo!

Panuto: Pumili ng isang katangian at iguhit ang simbolo na maiuugnay sa wikang Filipino bilang wikang
pambansa. Ipaliwanag sa loob ng limang pangungusap sa ibabang bahagi kung bakit ito ang napiling
simbolo. (25puntos)

Pamantayan:
Nilalaman – 10
Kaangkupan ng konsepto – 5
Pagkamalikhain (Originality) – 5
Paliwanag – 5

Kabuuan 25 puntos
Kapanatay ng kultura.

Ang mukha na aking ginuhit kalakip ng kulay na unti-unting bumubuo ng litrato ay siyang simbolismo
ng wika bilang kapanatay ng kultura. Ang kulay ay ang representasyon ng kulturang pilipino at ang wikang
Filipino na humuhubog sa ating pagkatao at kasarinlan. Ang mukha ay siyang representasyon natin bilang
isang tao. Tayo ay nagsimula sa walang kulay at walang alam bilang isang nilalang ng binigyang kulay ng
ating kultura at wika ang ating pagiging pilipino. Ipinapakita ko sa aking iginuhit na ang importansya ng wika
at kultura sa ating pagiging buo bilang mamamayan ng lipunan.
“May wika sapagkat may kultura. May kultura sapagkat may wika”

You might also like