Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

JUSTICE EMILIO A.

Baitang/
Paaralan 7
GRADES 1 to 12 GANCAYCO MHS – JHS Antas

DAILY LESSONLOG Guro ANGELINA E. BETIO Asignatura FILIPINO

(Pang-araw-araw na Tala ng Petsa NOVEMBER 28, 2023 Markahan IKALAWA


Pagtuturo)

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FIIPINO 7

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, 100% ng mga mag-aaral na may 80% ng antas ng kaalaman ay
inaasahang:
a. Natutukoy ang mga salitang pahambing na ginamit sa pangungusap.
b. Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas, di-gaano,
di-gasino, at iba pa) F7WG-Ilc-d-8.
c. Nakagagawa ng sariling pangungusap gamit ang mga paghahambing na salita.

II. Nilalaman
Paksa: ARALIN 2: Panitikan: Mga Pahayag na Pahambing.
Sanggunian: Pluma 7:
Ikalawang Markahan– Modyul 2: Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat at Mga Pahayag na
Pahambing
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation at TV

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

III. Pamamaraan

A. Pang – araw-araw na gawain

1. Panalangin
2. Pagbati sa klase
3. Pagtala ng liban
4. Balik-aral

Tungkol saan ang tinalakay natin nung


nakaraang araw?
Ma’am, ito po ay tungkol sa Alamat ng Isla ng
Pitong Makasalanan at ito po ay tungkol sa pitong
magkakapatid na sinuway ang kanilang ama at
sumama sa mga binatang estranghero at mula doon
nagkaroon ng mga maliliit na isla na ipinagpalagay
ng kanilang ama na ito ang kanyang mga anak.

Bukod po doon,natutunan po namin na ang hindi


po pala pagsunod sa mga magulang ay nagpapakita
na maaaring mapahamak ang isang anak.Kaya
naniniwala po ako sa kasabihang “Walang hinangad
na masama ang mga magulang sa mga anak kundi
pawang mga makabubuti lamang po.”

Mahusay! Palakpakan n’yo ang bawat isa sapagkat


kayo ay may natutuhan sa ating aralin.

B. Pagganyak

Ngayon naman bago tayo pormal na magsimula sa


ating panibagong aralin mayroon akong ipapakitang
mga larawan. Tutukuyin n’yo ang kaibahan ng
dalawang larawan, nauunawaan ba?

Opo ma’am.

Mas malaki po ang pakwan kaysa sa mansanas.


Pareho pong mahaba ang buhok nila.

Ang puno po ay magsinglaki.

Mahuhusay at inyo ngang natukoy ang pagkakaiba


at pagkakapareho ng mga larawan.Sa inyong
palagay, ano kaya ang paksa na ating tatalakayin sa
araw na ito?

Ma’am, Sa araw pong ito ay maaaring talakayin


natin ang Paghahambing.

Tama!

C. Presentasyon ng Aralin

Tunay na mas magiging maganda at maayos ang


paglalahad sa isang sitwasyon at pangyayari kung
gagamit tayo ng mga salitang makapagpapahayag ng
hambingan,at iyan ay may kaugnayan sa ating
tatalakayin sa araw na ito.

Sa pagtatapos ng ating pagtalakay sa araling


ito,inyong matututunan ang mga sumusunod:

Sa katapusan ng aralin, 100% ng mga mag-aaral na


may 80% ng antas ng kaalaman ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga salita sa
pagpapahayag ng
paghahambing.
b. Nagagamit nang
maayos ang mga
pahayag sa
paghahambing
(higit/mas, di-
gaano, di-gasino, at
iba pa) F7WG-Ilc-d-
8.
c. Nakagagawa ng sariling
pangungusap gamit ang mga
pahambing na salita.

D. Pagtalakay sa Aralin

Handa na ba kayo sa ating bagong aralin? Kung


ganoon ating ituon ang isip at puso sa pag-unawa ng
bagong aralin. Opo ma’am Angie.

Atin munang alamin ang kahulugan ng


Paghahambing. Ano kaya ang pagkakaunawa ninyo
sa salitang Pahambing?
Pahambing

Mga Pahayag sa Paghahambing

 Ang pang-uring naglalarawan o nagbibigay-


katangian sa dalawang tao, bagay, lunan o
pangyayari ay tinatawag na
 Pang-uring Pahambing. Upang lubos
nating maunawaan ang mga paghahambing
ay gumagamit tayo ng mga pahayag sa
paghahambing.
 May dalawang hambingan ang pang-uri:
Ang Magkatulad at Di-Magkatulad.

1. Pahambing na Magkatulad

Ang dalawang tao, bagay, lunan o pangyayaring


pinaghahambing ay magkatulad o
magkapareho. Naipapakita ito sa pamamagitan
ng paggamit ng mga pahayag na:

A. Salitang kapwa at pareho na sinusundan ng


pang-uring salita.

Halimbawa:

 Si Vinice at si Vina ay kambal na kapwa


maganda.
 Sila rin ay parehong matalino.
Magbigay kayo ng sarili n’yong halimbawa
B. Mga panlaping sing-, kasing, magsing, at
magkasing- na kinakabit sa pang-uring salita.

Halimbawa:

 Singhusay na ni Mark ang kaniyang guro


sa pagpipinta dahil sa madalas na
pagsasanay.
 Kasingganda ng mga tanawin sa ating
bansa ang tanawin sa ibang bansa.
 Bagama't si Leonne ang bunso ay
magsintaas na sila ng kaniyang kuya.

Magbigay nga kayo ng pangungusap


gamit ang Pahambing na Magkatulad.
Si Kimpoy at si Pulgas ay kapwamalusog
ang kanilang pangangatawan.

Sila rin ay parehong may mapuputing mga


balahibo na kinagigiliwan naming lubos.

Magaling! Palakpakan nga natin siya.

2. Pahambing na Di-Magkatulad

Ang dalawang tao, bagay, lunan o pangyayaring


pinaghahambing ay di-magkatulad, di patas o di
pareho. Ang pahambing na di- magkatulad ay
maaaring palamang o pasahol.

A. Pahambing na Palamang

 Malaki, mataas ang uri o nakahihigit ang


itinulad sa pinagtutularan. Nagpapakita ito
sa paggamit ng mga pahayag na
sumusunod: mas, lalo, higit na, di-hamak,
lubha at kaysa na sinusundan ng pang-
uring salita. Maaaring katuwang din ang
salitang kaysa.

Halimbawa:

 Lalong masama sa katawan ang madalas na


pagpupuyat.
 Di-hamak na maganda ang kaniyang damit
kaysa nabibili sa mall.

 Lubhang masipag lang siya kaya


umasenso sa buhay.
Opo ma’am.
Nauunawaan n’yo ba ?
E. Paglalahat

PANUTO: Basahin ang talata at isulat ang mga


pang uring ginamit.

Mga kaibigan at kamag-aral ko sila - si Alma at si


Chin-Chin. Wala akong itulak- kabigin sa kanilang
dalawa. Kapwa sila maganda. Pareho silang
matalino kaya magsinghusay sila sa klase. Sila ay
kapwa mabait, masipag at matulungin. Kaya nga
lamang, higit na tahimik si Alma. Siya ay di-
gasinong palakibo tulad ni Chin- Chin. Wari'y Opo ma’am.
nahihiya siya kapag kinakausap ng mga lalaki.
Mas gusto niyang lumagi sa bahay kapag walang
pasok kaya di-lubhang tanyag si Alma sa-
kabinataan.

Iba naman si Chin-Chin. Higit siyang


makabago at masayahin. Mas lista siya kaysa kay
Alma. Lalo siyang aktibo sa mga proyektong SAGOT:
pangkultura tulad ng drama. Hindi siya
nakikiming makipag-usap sa lalaki. Sa kabila ng 1. kapwa
pagkakaiba nila ng ugali at gawi, kapwa ko sila 2. pareho
kasundo. 3. magsinghusay
Pareho ko silang mahal. 4. kapwa
5. higit na
6. di-gasinong
7. mas
8. di-lubhang
9. higit
10. mas
11. kaysa
12. lalo
F. Paglalapat 13. kapwa
14. pareho
GAWAIN 1:

Panuto: Punan ang patlang ng angkop na


pahambing.

1 1. Lalong tumaba si Precious ngayon


n noong huli ko siyang nakita.

1. malalaki ang mga gusali sa


Bataan kaysa sa makikita sa Maynila.

3. May mga bansang mapanganib kaysa sa


Pilipinas.

4.Ang buhok namin ni Helena ay


lamang.

5.Ang dagat ay maalon ngayong


umaga na tulad kagabi.
SAGOT:

1. kaysa
2. di-gaanong
3. mas
4. magsinghaba
5. di-lubhang
2. di-gaanong

GAWAIN 2: 3. mas

PANUTO: Basahin at unawain ang talata. 4. magsinghaba

Mas sariwa ang hanging umiihip mula sa 5. di-lubhang


karagatan at kagubatan. Lalong kumikinang sa
sikat ng araw ang buhanging simputi ng asin sa
dalampasigan. Tila mga mumunting bulaklak ang
makukulay na kabibe, korales at mga batong lalong
pinaniningning ng marahang hampas ng mga alon.
Higit na malinis, malinaw at masarap ang haplos ng
tubig kaya’t tiyak na maiibigan ang lugar na ito. Ito
ang lantay at kakaibang kagandahan ng
malabirheng dalampasigan ng Bolinao na
matatagpuan sa pinakadulong bahagi ng kanlurang
baybayin ng Balinao, Pangasinan.

Isulat sa unang kahon ang mga pangungusap na


kakikitaan ng pahayag sa paghahambing. Isulat
naman sa pangalawang kahon ang mga pahayag sa
paghahambing na ginamit sa bawat pangungusap na
itinala.
(depende sa sagot ng mag-aaral)
MGA MGA
PAHAYAG PANGUNGUSAP SA
PAGHAHAMBING
IV. Pagtataya

Panuto: Tukuyin ang mga salita kung paghahambing


na magkatulad o paghahambing na di-magkatulad.
Isulat ang PM na magkatulad at PDM naman kung
paghahambing na di-magkatulad ang tinutukoy sa
pangungusap.

1. Magkasingganda ang Japan at Korea.


2. Magkaparehas ang kanilang mga kwintas.
3. Mas masarap magluto ang aking ina kaysa kay
Aling Letty.
4. Mas matalino si Jelai kaysa kay Judith.
5. Kasimputi ng perlas ang mga puting damit ni
Lito.
SAGOT:

1. PM
2. PM
3. PDM
4. PDM
5. PM

V. Takdang-Aralin
Sumulat ng talata gamit ang mga pahayag sa paghahambing patungkol sa kahirapan. Bilugan
ang mga pahayag na pahambing na ginamit sa talata. Isulat ito sa isang buong papel.

Inihanda ni: Ipinasa kay:

ANGELINA E. BETIO JACQUELINE R. DELA ROSA

BSE FILIPINO 4A RESOURCE TEACHER

Batid ni:

ELNORA F. TOLENTINO

HEAD TEACHER III

You might also like