Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Araling Panlipunan- Ikalimang Baitang

U
Araling Panlipunan- Ikalimang Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Kristyanisasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat : Violeta T. Goto


Editor/Validator: Lucy R. Laurio
Tagasuring Teknikal: Jeffrey D. Martinez
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan
5
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 5
Kristyanisasyon

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Modyul
para sa araling Kristyanisasyon !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 Modyul ukol sa


Kristyanisasyon !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito inaasahang natutukoy mo ang paraan ng


pagsasailalim katutubong populasyon sa kapangyarihan ng Espanya-
kristyanisasyon.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

_______1. Ano ang relihiyong dinala ng mga Espanyol sa bansa at lubusang niyakap ng
karamihan sa mga katutubong Pilipino?
A. Islam B. Hinduismo

B. Kristyanismo D. Paganismo

______2. Kauna-unahang dumating sa bansa ang mga paring ____________ upang


magpalaganap ng kristyanismo.
A. Agustino B. Rekoleto C. Dominikano D. Hesuita

______3. Ano ang ginamit na sandata ng mga Espanyol sa pananakop?

A. Baril at kanyon C. krus at espada


B. itak at sibat D. krus at bibliya
______4. Ano ang tawag sa sama-samang pagdarasal ng mag-anak tuwing ika-anim ng hapon?

A. Orasyon B. Pagmimisa C. Pista D. Komunyon

______5. Ano ang naging sentro ng bagong pamayanan?

A. pamahalaan B. palengke C. simbahan D. paarala

BALIK-ARAL

• Ano ang tawag sa unang hakbang ng pananakop ng mga espanyol kung saan
gumamit sila ng espada? _______________________
• Sino ang datu ng Tondo na nagsuko sa Maynila sa mga Espanyol?___________

ARALIN
Paraan ng Espanyol Upang Maging Matagumpay ang
Pananakop sa Pilipinas.

*Kristyanisasyon

Layunin ng Espanya sa pananakop sa

ating bansa ay ang pagpapalaganap ng relihiyong

kristyanismo. Ang mga ekspedisyong ipinadala

sa ating lupain ay may kasamang paring

misyonero na siyang nagpalaganap nito.

Pagdaong nila sa dalampasigan, naghahandog

ang mga misyonero ng misa ng pasasalamat at

nagtayo ng krus. Ang krus ang simbolo ng

kristyanismo.

Ang Kristyanisasyon o
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/f/fb/Magellans_Cross%2C_Cebu
pagsasakristyano ay ang pagbabagong-loob sa %2C_Philippines.JPG

pananampalataya ng mga indibiduwal


https://www.thinglink.com/scene/703209075936067584Your text h

papuntang kristyanismo o ang pagbabagong

relihiyon. Ito ang pagmimisyon ng mga prayle.

Pilit na ipinaunawa ng mga prayle sa mga

katutubo na ang kanilang katutubong relihiyon

ay hindi na dapat pang ipagpatuloy sapagkat

diumano ito ay pagsamba sa demonyo.

Noong 1565, sa pagdating ni Miguel Lopez de Legaspi kasama niya ang limang paring

Augustinian sa pamumuno ni Andres de Urdaneta, upang tumupad sa pagmimisyon-ang


kristyanisasyon. Matagumpay nilang nasakop ang ating bansa. Sinasabing malaki ang papel na

ginampanan ng simbahan o ang relihiyong dala ng mga mananakop. Una, nilang ipinatupad

ang pagmimisyon sa Cebu, kung saan unang tumanggap ng kristyanismo ang pamangkin ni

Rajah Tupas na nagngangalang Isabel. Sinundan ito ni Camotuan-isang Muslim mula Borneo

kasama ang kanyang anak, manugang at apo. Mayo, 1568 nagpabinyag na rin si Rajah Tupas

kasama ang kanyang anak na si Pisuncan at iba pang mga pinuno.

https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/1844773930

Talahanayan 1.1
Mga Misyonerong naitalaga sa pagmimisyon sa Pilipinas
Agustino 1565 Mga lalawigang Tagalog, Pampanga,
Ilocos, Cebu at Panay
Pransiskano 1577 Camarines, Bicol Region
Heswita 1581 Bohol, Samar,Leyte, ilang bahagi ng
Mindanao
Dominikano 1587 Cagayan, Pangasinan
Rekoleto 1606 Zambales,Mindoro,Silangang
Visayas,Palawan at Mindanao
Dahil sa pagdami ng mga prayleng misyonero sa

Pilipinas, naging mas aktibo ang pagpapalaganap ng

Kristyanismo kung kaya’t kinailangang magtatag ng mga

diocese, na binubuo ng pinagsama-samang parokya. Si

Domingo de Salazar ang unang Obispo ng Maynila.


https://kahimyang.com/kauswagan/articles/793/today-in-philippine-history-december-4-1594-msgr-domingo-de-

Arsobisbo ang pianakamataas na katungkulan ng

https://www.flickr.com/photos/28521118@N04/4615133722 mga prayle.

Ang reduccion ay isang kautusan ng sapilitang paglilipat ng tirahan ng mga katutubong

Pilipino sa mga bagong tayong pamayanan. Ito ay ipinatupad ni Gobernador-Heneral Luis

Perez Dasmariñas.

Bakit ipinatupad ang reduccion?

Layu-layo ang mga kabahayan sa mga kabundukan at ang ilan naman ay nasa tabing –

ilog. Mapapabilis ang pagtuturo ng aral ng kristyanismo kung ililipat ang mga katutubo sa

bagong pamayanan. Layunin ng reduccion na maipon ang mga mamamayan sa isang pueblo

upangmadaling mapamahalaan at maturuan ng doktrina ng kristyanismo. pagpapatupad ng mga

batas sa mga katutubo, madali ang pangongolekta ng buwis, nababantayan ang mga katutubo,

madali silang mahuli kung lumalabag sa batas.


Pueblo -ang tawag sa itinayong bagong

pamayanan. Sa Cebu itinayo ang unang

pamayanang Espanyol tinawag itong Lungsod ng

Kabanal-banalang Ngalan ni Hesus. Kalye

Colon -ang kauna-unahang kalye sa Pilipinas.

Ipinangalan ito kay Cristobal Colon. Ang

paninirahan sa pueblo ay batay sa pilosopiyang

“bajo el son dela campana” o sa ilalim ng tunog


https://xiaochua.net/tag/maynila/

ng kampana. Naging sentro ng pamayanan ang plaza. Madaling matipon ang mga tao sa

pamamagitan ng pagpapatunog ng kampana. Ang tawag sa tirahan nasa ilalim ng tunog ng

kampana ay cabesera. Ang mga nayon o baryo na nakapalibot sa cabesera ay tinawag namang

visita. Ang sentro ng pueblo ay simbahan.

Ayon sa mga pinunong Espanyol hindi sapat ang real situado ang perang tulong na
pinapadala ng Espanya para sa gastusin sa kolonya, kaya naningil sila ng tributo o buwis. Isang
buwis na kung saan layunin ng mga Espanyol na lumikom ng pondo mula sa kolonya. Ang
pagbabayad ng buwis simbolo ng pagkilala sa kapangyarihan ng Hari ng Espanya.Nagsimula
ang tributo sa halagang walong reales noong 1571, sampung reales noong 1589 at
1abingdalawang reales pagdating ng 1851. Noong 1884, pinalitan ang tributo ng cedula
personal-isang kapirasong papel bilang katibayan ng pagbabayad ng buwis.

*Iba pang uri ng buwis

• Diezmos Pedriales- buwis na binabayaran na katumbas ng 1/10 na kita ng kanilang


lupa.
• Donativo de zamboanga – buwis para sa pagsuporta sa hukbong militar para sa
pagsakop ng Jolo.
• Vinta – buwis na binabayaran ng mga katutubo sa may kanlurang Luzon para sa

pagsuporta sa hukbong militar sa pananalakay ng mga piratang Muslim na nambibihag

sa mga katutubo at ara ibenta bilang alipin.


• Falua – sinisingil naman sa mga taga Camarines Sur, Cebu, Misamis at karatig na mga

lalawigan.

Kasabay ng sapilitang paglipat ng tirahan


ang sistemang polo o sapilitang paggawa kung
saan ang kalalakihang may edad na 16 hanggang
60 taong gulang ay sapilitang gagawa ng
mabibigat na gawain tulad ng paggawa ng mga
imprastraktura, pagtotroso at paggawa ng mga
galyon sa loob ng apatnapung araw . Polista ang
tawag sa mga kalalakihang ito. Maaari silang
malibre sa mabibigat na gawain kung
magbabayad sila ng buwis na kung tawagin ay
falla. Gumawa ng iba’t ibang mabibigat na

http://maharlikansite.blogspot.com/2008/08/polo-y-servicio.html
gawain ang mga Pilipinong polista. Kadalasan
ay ipinapadala sila sa mga lugar na lubhang malayo sa kanilang tirahan kung kaya hindi
sila nakakauwi ng ilang buwan mula sa pagtatrabaho

MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang ipinapahayag ay


tama at iguhit ang malungkot na mukha kung mali ang ipinapahayag.

_________1. Malaki ang papel na ginampanan ng simbahan sa pagpapatupad ng


kolonyalismo.
_________2. Si Padre Andres de Urdaneta ay isang paring Agustino.

_________3. Sa Kristyanismo, nanatili ang paniniwala sa pagsamba sa mga


bagay sa kalikasan ang mga katutubo.
_________4. Sapat ang real situado o perang tulong ng Espanya sa kolonya.
_________5. Ipinatupad ang reduccion upang tipunin ang mga katutubo sa isang
bayan upang madaling maturuan at mapamahalaan
B. Kumpletuhin ang pangungusap sa paglalagay ng tamang sagot sa mga patlang.

1. Ang ______________ ang simbolo ng kristyanismo.


2. Nagkaroon ng ___________ upang tipunin ang mga tao sa pueblo.
3. _____________ ang buwis na nakatulong para sa gastusin upang maipagawa ang bagong
pamayanan.
4. Nagbabayad ng __________ ang mga polista na gustong malibre sa gawaing polo.
5. Malaki ang naitulong ng kristyanisasyon upang mapadali ang ____________.

PAGLALAHAT

A. Panuto: Ayusin ang pagkakasunud –sunod ng salita upang mabuo ang


diwa ng pangungusap.

sa isang lugar tao ng lahat


Ang kristyanisasyon sa relihiyong kristyanismo

mula sa ibang relihiyon ay ang pagbabago


___________________________________________________________________

_________________________________________________________________________.
B. Batay sa iyong napag-aralan ano ang kristyanisasyon?

PAGPAPAHALAGA

Bagong lipat kayo ng tirahan .Nagkaroon ka ng bago mong kakilala. Niyaya ka niya na
magsimba a malapit na simbahan. Nalaman mo na ang relihiyon nya ay kaiba kaysa sa iyo?
Ano ang gagawin mo?

Panuto: Dugtungan ang pangungusap para sa iyong kasagutan.

Ang gagawin ko po ay _______________________________________


PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang tawag sa pagbabago ng relihiyon mula sa dating relihiyon o paniniwala tungo sa
pagiging kristyano.

A. Islam C. Organisasyon

B. Kristyanisasyon D. Kolonyalismo

2 . Sa pagdating ni Miguel lopez de Legaspi noong 1565, kasama niya ang limang pari sa
pamumuno Andres de Urdaneta. Saang pangkat ng pari sila napapabilang?

A. Agustino B. Dominikano C. Fransiskano D. Heswita

3. Sa Cebu itinayo ang unang pamayanang Espanyol. Dito makikita ang kauna-unahang kalye
sa Pilipinas. Anong tawag sa kalyeng ito.

A. Kalye Mendiola C. Kalaye Pacaña

B. Kalye Crisologo D. Kalye Colon

4. Ano ang tawag sa patakaran na sapilitang paglilipat ng tirahan mula sa kabundukan o


tabing –ilog tungo sa kabayanan na tinawag na pueblo.

A. Reduccion B. Kolonya C. Polo y servicio D. Tributo

5. Ang paninirahan sa pueblo ay batay sa pilosopiyang “bajo el son de la campana” Ano


ang ibig sabihin nito?
A. Kailangan maririnig lagi ang kampana.
B. Ang mga simbahan ay may malalaking kampana.
C. Ang lahat ng nakakarinig ng kampana ay mga naiwan sa kabundukan.
D. Ang lahat ng naaabot ng tunog ng kampana ay dapat maging kristyano at
sumunod sa aral nito.
SUSI SA PAGWAWASTO

5. D 5. kolonyalismo 5. 5. C

4. A 4. falla 4. 4. A

3. D 3. tributo 3. 3. C

2. A 2. reduccion 2. 2. A

1. B B. 1. krus A. 1. 1. B

Panapos na Pagsubok Mga Pagsasanay Paunang Pagsubok

SANGGUNIAN

Lontoc, Nestor S at Julian, Aileen G,2013, Lakbay ng Lahing Pilipino 5,Phoenix Publishing
House Inc.
Bosales, Maria Fe P, 2018 ,Lahing Kayumanggi 5,The Library Publishing House.
Gabuat, Maria Annalyn P, Mercado, Michael M at Jose, Mary Dorothy dL,2016 , Araling
Panlipunan Bilang Isang Bansa 5, Vibal Group Inc,
Antonio, Eleanor D, Banlaygas, Emilia L at Dallo, Evangeline M, 2017 , Kayamanan Batayang
Aklat sa Araling Panlipunan,Rx Book store
Villoria, Evelina M Ed.D., Gabuat, Maria annalyn P, Quizol, Mary Christine F., Reig, Chona
P.,2014, Isang Bansa Isang Lahi, Vibal Group Inc.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kristiyanisasyon
https://www.flickr.com/photos/28521118@N04/4615133722/
https://kahimyang.com/kauswagan/articles/793/today-in-philippine-history-december-4-1594-
msgr-domingo-de-salazar

You might also like