Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Islam ay ang pinakamatandang monoteistikong relihiyon sa Pilipinas.

Ang Islam ay nakaabot sa mga isla


noong ika-12 at ika-14 na siglo mga higit dalawang daan taon bago ang pagdating ng mga Kastila ng
nagpakilala ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Ang Islam ay dinala ng mga Arabong mangangalakal at
maninirahang Muslim mula sa mga sultanatong Kapuluan ng Malay.
Ang Islam sa Pilipinas ay may populasyon na 5%.[1]
Sulu at Tawi-Tawi
Ang relihiyong Islam ay dinala ng mga mangangalakal na Persian Bengali at Gujerati o mga Arabo sa Sulu.
Nang dumating ang mga mangangalakal na Muslim sa katimugang Pilipinas mula sa Malaysia at Indonesia,
kanilang dinatnan ang mga katutubo na nagsasanay ng animismo na nakatira sa maliliit na autonomosong mga
pamayanan.
Tuan Mashaika - Ayon sa Tarsila, siya ay dumating sa Jolo, sa Maimbung at nagpakasal sa anak ng isang
namumunong pamilya. Bagaman hindi hayagang isinaad ng Sulu Tarsila na isang Muslim si Tuan Mashaika,
ipinagpapalagay na isa siyang Muslim dahil sa pangalang Muslim ng kanyang mga anak gaya nina Tuan
Hakim at Aisha.
Karimul Makhdum (Sharif Awliya)- Noong 1380, ang Arabong ito ay dumating at kinikilalang ang nagtatag ng
unang moske sa Tubig-Indangan sa Simunul, Tawi-Tawi.
Rajah Baguinda - Noong mga 1390, dumating naman siya sa Sulu mula Sumatra o Borneo. Syed Abu
Bakr (Sharif Hashim)- Ang unang opisyal na Sultan ng Sulu ang Arabong mula Sumatra na na nagpakasal sa
anak ni Baguinda. Tulad ng ibang mga pinunong Arabo, itinatag ni Abu Bakr ang lehitimasiya ng kanyang
dinastiya sa pag-aangking isa siyang direktang inapo ni propeta Muhammad.

Mindanao
Sharif Kabungsuwan – siya ang nagpapalaganap ng Islam sa Mindanao, dumating sa Maguindinao noong 1515
mula Johor
Siya ay iniulat na anak ng prinsesang Malaccan at Arabong Sharif Ali Zain ul-Abidin at dumating kasama ng
kanyang mga mandirigma upang magtatag ng isang prinsipiladidad. Siya ay nagtatag ng mga alyansa sa
pamamagitan ng maraming mga kasal. Kanyang sinakop at inakay ang mga pinuno at tribo sa Cotabato. Ang
mga tribong hindi nagawang maakay ni Kabungsuwan sa pamamagitan ng paghihikayat o dahas ay itinulak sa
mga bangin. Ang mga tribong hindi naakay sa Islam ang mga Lumad.
Sharif Awliya - Ang ibang tradisyon ay nagsasaad na bago pa ang pagdating ni Kabungsuwan ay siya ang
nagpakilala ng Islam sa pook na hindi kalayuan sa Cotabato. Si Awliya ay nagpakasal sa isang dalagang galing
sa langit na nagkaanank ng babaeng tinawag na paramisuli o prinsesa. Si Awliya ay bumalik sa kanyang
pinanggalingan ngunit iniwan ang kanyang anak.
Sharif Maraja - Ang isa pang tradisyon ay ang pagdating niya sa Maguindano mula Johor at nagpakasal kay
paramisuli.

Pagdating ng mga Kastilang Kristiyano


Nang unang dumating sa Pilipinas ang mga Kastilang Kristiyano noong mga gitnang 1500, sila ay nakasagupa
ng malakas na pagsalungat ng mga Muslim. Pinalayawan ng mga Kastila ang mga Muslim sa Pilipinas na
mga Moro na korupsiyon ng salitang Moor na pinalayas ng mga Kristiyano sa Espanya pagkatapos ng 800 taon
na alitan. Bagaman mabilis na naakay ng mga Kastila ang karamihan ng rehiyon sa Pilipinas
sa Kristiyanismo gamit ang dahas, nahirapan silang maakay ang mga Muslim sa katimugang Pilipinas.
Nagsagawa ang mga Muslim ng paninindak sa mga Kastila sa pamamagitan ng kadalasang pagsasagawa ng
paglusob at pagbibihag ng mga alipin sa Luzon at ibang mga bahagi ng Pilipinas. Nagawa lamang malabanan
ng mga Kastila ang mga Muslim noong mga gitnang 1800 sa pagsulong ng teknolohiyang Kastila gamit ang
mga bangkang may baril. Noong 1878, ang Sultan ng Sulu ay lumagda ng isang kasunduang kapayapaan sa
Espanya at ang nasasakupan nito ay opisyal na naging autonomosong protektorado ng Kastila.

Ang Kasaysayan ng Islam sa Pilipinas

Sharif Makhdum - isang Arabong misyonero na ipinakilala ang Islam sa Pilipinas noong taong 1380 CE na
dumaong sa Sulu.
Itinayo niya ang unang Masjid (mosque) sa Pilipinas sa lugar ng Tubig-Indangan sa pulo ng Simunol. Ang guho
ng Masjid na yaon ay naroroon pa rin magpahanggang ngayon.

Si Sharif Makhdum ay namatay sa pulo ng Sibutu at ang kanyang puntod sa ngayon ay patuloy na dinadalaw
ng mga turista.

Rajah Baginda - Noong 1390 CE, dumating siya sa Buansa at kanyang ipinagpatuloy ang mga gawain ni Sharif
Makhdum.

Abu Bakr - dumating sa Jolo noong 1450 CE at di nagtagal ay nag-asawa siya sa anak ni Rajah Baginda na
nagngangalang Putri (Prinsesa) Paramisuli.

Si Abu Bakr ang nagtatag ng Sultanata ng Sulu kaya’t siya at ang kanyang asawa ang naging mga unang Sultan
at Sultana ng kalupaan.

Sharif Kabungsuan - Pagkaraan na maitatag ang Islam sa Sulu, ang mga Muslim ay nagsilikas papunta
sa Mindanao at siya ang siyang namuno ng delegasyon. Siya ay lumunsad sa Maguindanaw (na ngayon ay
Cotabato) noong taong 1475 CE at di nagtagal ay nag-asawa siya kay Putri Tunina. Sila ang mga unang Sultan
at Sultana ng Maguindanaw.

Sa mga sumunod pang taon, marami pang mga Datung Muslim ang nagsidating sa Pilipinas pagkaraan nilang
mabalitaan ang magandang pagtanggap na nakamit ng mga nanga-una roon. Mula sa Borneo ay nanggaling ang
Sampung Datu na nagsidaong sa Panay. Ang mga Datung ito ay sina Puti, Sumakwel, Bangkaya, Dumangsol,
Paiburong, Paduhinog, Lubay, Dumangsil, Dumalogdog at Balensula (na ngayon ay Balenzuela).

Si Datu Puti ang siyang pinuno ng mga pangkat ng datu. Nagkataon kasi na siya ay bihasang manlalayag. Sila
ay dumaong sa San Joaquin, Iloilo (na ang pangalan ng panahong yaon ay Siwaragan).

Binili nina Datu Puti at ng siyam pang Datu ang kababaang lupain sa Iloilo mula kay Marikudo, ang pinuno ng
Atis (Pygmies), at sila ay nagtatag ng pamayanan doon.

Nang ang mga lupaing nasasakupan (mga kolonya) ng Borneo ay matatag nang nakatindig sa Panay, sina Datu
Puti, Datu Balensula at Datu Dumangsil ay naglakbay papunta sa hilaga at sila ay lumunsad sa Batangas sa
Luzon.

Sina Datu Balensula at Datu Dumangsil ay nagtatag ng mga kolonya roon nguni’t si Datu Puti ay bumalik sa
Borneo sa landas ng Mindoro at Palawan. Isinalaysay niya ang kanilang pakikipagsapalaran sa mga
tagaBorneo at dahil doon ay marami pa ang naakit na magtungo sa Pilipinas.

Sa panahon nang lumunsad si Magallanes sa Limasawa noong Marso 16, 1521 CE, ang Pilipinas ay isa nang
ganap na bansang Muslim sapagkat ang karamihan ng kanyang mamamayan ay mga Muslim. Ito’y isang
katotohanan sa kasaysayan nang si Legaspi (ang humalili kay Magallanes) ay dumating sa Pilipinas, ang mga
kahariang Muslim ay matatag nang nakatindig sa Batangas, Pampanga, Mindoro, Panay,
Catanduanes,Cebu, Bohol, Samar, Manila, Palawan bukod pa sa buong Mindanao at mga pulo ng Sulu.

Noong Hunyo 3, 1571 CE, ang mga Kastila ay naglungsad ng malaking digmaan sa mga Muslim sa Manila na
pinangungunahan ni Rajah Solaiman, ang pinuno ng mga Sultan sa Luzon. Si Rajah Solaiman ay buong
katapangan na nagtanggol sa kanyang kaharian hanggang sa huling patak ng kanyang dugo sa Bangkusay
(baybay dagat ng Tondo). Pagkaraang malupig si Solaiman, ang mga Kastila ay nanalanta sa Luzon at pumatay
ng mga kalalakihan, kababaihan at mga bata, bata at matanda man. Sa isang banda, ang mga Muslim ay
nakipaglaban hanggang sa huling hibla ng kanilang hininga, na gamit ang mga bolo at sibat laban sa mga baril
at kanyon. Ang mga Kastila ay nagtatag ng kanilang kabisera sa Manila at nagbalak na sakupin ang Visayas. Sa
maigsing panahon, sila ay nagtagumpay sa Visayas. Ang mga Muslim na hindi namatay sa digmaan ay
napilitang talikuran ang kanyang pananampalataya at tanggapin ang Kristiyanismo. Datapuwa’t ang mga
magigiting na Muslim ay nagnais na piliin ang libingan kaysa ang lumapastangan ng laban sa Allah. Sa ibang
banda, ang mga katutubo na mahina sa kanilang pananampalataya ay tumanggap sa relihiyon ng Kastila.

Ang mga Kastila ay hindi pa tumigil sa Luzon at Visayas. Sila ay buong kasakiman na nangangarap na
mapasakanila ang mayamang lupain ng Mindanao. Datapuwa’t ang mga tribu ng Maranaw, Maguindanaw,
Tausog, Yakan, Samal at Sangil ay pumigil sa mga Kastila. Kaya’t ang bantog na digmaan ng mga Muslim at
Kastila ay nagsimula. Mayroong dalawang dahilan ang digmaan:

1. Ang mga Kastila ay nagnais na pamahalaan ang mga Muslim, datapuwa’t ang mga Muslim ay
nagmamahal sa kanilang kalayaan at mamatamisin pa ang mamatay kaysa maging alipin.

2. Ang mga Kastila ay nangangaral ng Kristiyanismo sa dulo ng espada, kaya’t ang mga Muslim ay
humawak ng kris upang ipagtanggol ang Islam hanggang katapusan.

Ang mga iba’t ibang Datu na nagtanggol sa Mindanao laban sa mga mananalakay ay sina:

1. Si Sultan Pangiran ng mga Tausog na nagtanggol sa mga lugar ng Zamboanga at Sulu.

2. Si Datu Sirungan at ang kanyang kapatid na si Datu Ubal ng Maguindanaw ang siyang nakapatay kay
Kapitan Figueroa sa lipon ng sumasalakay na Kastila.

3. Bilang ganti sa paglusob na ginawa ng mga Kastila sa Mindanao, si Datu Sirungan ng Maguindanaw at
Datu Buisan ng Sultanata ng Lanao ay naglunsad ng ganting paglusob sa Visayas. Nilusob nila
ang Cebu, Negros at Panay at nadakip nila ang maraming Kristiyano na ginawa nilang mga alipin.

4. Si Datu Tagal ng Cotabato ay nakapatay ng maraming mandirigmang Kastila at nakabihag ng maraming


Kristiyanong alipin.

5. Si Sultan Kudarat ng Cotabato ay nagtanggol sa Lamitan hanggang sa siya ay mapilitan na umurong sa


Iligan dahilan sa nakakahigit na mga sandata ng mga Kastila.

6. Si Sultan Bungsu ng Zamboanga ay lumaban ng buong kabagsikan sa mga mananalakay. Nang ang
kanyang asawang si Pangian Tuan Baloca ay mabihag ng mga Kastila ay pinag-ibayo niya ang kanyang
pakikidigma hanggang sa mapalaya niya ang Jolo noong taong 1645 CE sa mga Kastila at ipinag-utos niya ang
pagwasak sa garison ng Kastila na itinayo sa Zamboanga.

7. Sina Sultan Jamaluddin Al Alam at Sultan Badruddin III ay patuloy na nagtanggol sa Mindanaohanggang
sa pagdating ng mga Briton. Sapagkat hindi nagawang lupigin ng Espanya ang mga Muslim, sila ay lumagda sa
kasunduan ng kapayapaan at bumayad ng mga buwis kay Jamaluddin at Badruddin.

8. Si Datu Udtog ng Cotabato ang pumatay kay Gobernador Emilio Terrero ng mga Kastila.

9. Si Datu Ali of Balo-i, Lanao ang pumatay sa Gobernador ng Misamis na si Valeriano Weyler.

10. Ang matapang na mga Maranaw ang pumatay kay Heneral Ramon Blanco sa panahon ng huling
pagtatangka ng mga Kastila na masakop ang Mindanao.

Ang pamamahala ng Espanya ay nagwakas noong taong 1898 CE at ang mga Amerikano ang humalili sa
pamamahala mula sa mga Kastila.

Pagkaraan ng mahigit sa TATLONG DAANG TAON ng pagtatangka na masakop ang mga Muslim, ang
Espanya ay nabigo at ang mga Muslim sa Mindanao ay matagumpay na naipagtanggol ang Islam saMindanao at
Sulu.
Gayundin ang nangyari sa mga Amerikano at mga Hapon na nagtangka rin na sakupin sila.

Advertisements
Reference: https://angislam.wordpress.com/2012/08/08/ang-kasaysayan-ng-islam-sa-pilipinas/

You might also like