Ikaw ba’y kasulukuyang nasasaktan? Ang mga luha mo ba ay tumutulo? Nang dahil sa pag aabuso ng tao?
‘Igan, tignan ang iyong kapaligiran
Ang batis, karagatan, at kalikasan May mga pagbabago ka bang nakikita? Ang hangin ba’y nananatiling sariwa?
Polusyon. Basura dito. Kalat doon.
Mga tao’y kahit saan tumatapon Ilog ay napuno ng mga basura Kalsada’t hangin ay sadyang madumi na
Mga huni ng ibon ay nawawala
Huni nila’y natabunan ng busina Sa dami ng mga sasakyan sa EDSA Trapiko kahit saan ay malubha na
Kaibigan, bakit ‘di natin tulungan
Na maisalba si Inang Kalikasan? Tayo’y magkapit – bisig at magkaisa Na iligtas ang mga nilikha Niya? Ibalik natin ang ganda at sigla N’ya Oplan Kalinisan ating simulan na Ibalik mga ngiti ng bawat isa Upang ang buhay natin ay masagana