Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Unang Pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas

Ang mga dahilan ng unang pagbabalik ni Rizal ay ang paggamot sa Ina nia na si Dona
Teodora Alonso y Realonda ng sakit na katarata ngunit ito ay di naging matagumpay kung kaya’t
ito ay kanyang inoperahan ulit sa Dapitan. Ang isa pang mahalagang dahilan ay ang makita ang
nililiyag na si Leonor Rivera at ang resulta ng kanyang unang obra maestra, ang Noli Me
Tangere na nakarating na rin sa Pilipinas at unang tumanggap nito diumano ay si Don Antonio
Rivera (Capitan Tiago sa nobela ni Rizal).
Ang karaniwang nakaligtaan ay ang pangako ng dalawang magkapatid na lalake, ang pangako ni
Pepe kay Don Paciano na alamin ang kalagayan pampulitika, panlipunan at kaayusan ng ibang
bansa at ikumpara ito sa Pilipinas kung ito ba ay nakakaranas ng kakaibang paghihirap ng labis
na pagbubuwis, pagmamalupit at ibat-ibang uri ng diskriminasyon natatanggap ng
mamamayan. Ang ikalawang nakakaligtaan ay ang mga ulat ni Don Paciano sa kanyang kapatid
na kakulangan sa pagpapadala ng pera ay dulot ng mabigat na suliranin sa pagbubuwis ng lupa
na kung saan ay may delubyo ay lalong tataasan at ililipat sa mga mamamayan ang pagpapataas
ng buwis upang malaki ang benta sa ibang probinsiya na hindi ito ang produkto (Asukal) at kita
ng mga opisyal na kastila na siyang makikinabang sa buong prosesong pangekonomiya. Ang di
sapat na pagbigay ni Don Paciano ng buwis ay literal na nagmarka sa likuran nito sa latay ng
latigo diumano na larawan ng labis na pagmamalupit ng mga maniningil.
Ikalawang Pag-Alis ng Pilipinas at Pagpunta sa Europa
Ang ikalawang pag-alis sa Pilipinas ni Rizal ay upang isagawa at paghandaan ang
ikalawang nobela ni Pepe na ang titulo na El Filibusterismo. Ito ay nilubugan ni Rizal sa silid
aklatan sa Inglatera (London) na British Museum and Library ang batayan na libro ni Pepe sa “El
Fili” na isang obra ni Rizal na sa simula ay ukol sa lagay ng Pilipinas ng ika-16 na siglo, ay ang
“Sucesos de las Islas Filipinas” na isinulat ni Antonio de Morga. Ito ang naging rekomendasyon
ng kanyang kaibigan at kasapi ng Berlin Ethnographic at Anthropological Society (nabanggit na
sa artikulo Prop. Movt.) na si Dr. Reinhold Rost. Gumawa din pala si Rizal ng anotasyon sa
nasabing libro dahil sa mga kamalian at diskriminasyon ng may-akda sa mga Indio lalo na sa
mga Tsino.
Ang suliranin sa lupa ang isa rin dahilan diumano ng pag-alis ni Rizal dahil sa nagsalita
siya ng mga mabibigat na paratang ayon sa kanyang sariling pag-aaral bilang “Perito de
Agrimensor” (Surveyor) sa pagmamay-ari ng lupa sa Calamba na ikinagalit ng mga awtoridad at
nagpadala ng mga Guardia Civil upang dakpin si Rizal. Isang kaklase ni Don Paciano sa Colegio
de San Jose ang nagpasabi na papunta na ng Calamba ang pwersang ito upang dakpin si Rizal.
Ito ang naging dahilan upang takot na madaliang paalisin si Rizal sa kanilang tahanan.
Ang mga pagpapatuloy na gawain sa Kilusang Propaganda na kalimitan ay sa pagsusulat(at mga
kaugnay na samahan nito) sa Madrid ay isa rin sa mahalagang dahilan upang bumalik si Rizal sa
Europa at ang kanyang pagkakadalubhasa (Paris) pa sa optalmolohiya at mga kagamitan (Berlin)
para sa matagumpay na panggagamot.

You might also like