Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANGALAN: Bernadine C.

Domingo
BSED FIL-2B

Magsaliksik ng tatlong tula. Suriin ang mga nasaliksik na tula batay sa mga sumusunod na
katanungan:

“KAHIT SAAN”
Jose Corazon De Jesus

1. Bakit ito ang naging pamagat ng tula?


- Pinamagatan itong “Kahit Saan” dahil ang gustong iparating ni Jose Corazon De Jesus
sa mga mambabasa na ang pag-ibig ay hindi nakakabit lamang at hindi rin namamatay tulad ng
katawan ng tao. Ito’y patuloy na nabubuhay, lumalago, kumikilos at ang pag-ibig ay walang
pinipiling lugar. Ito ay nasa mga hayop at halaman, nasa daanang pinaglalakbayan, nasa huling
hantungan.

2. Sino ang sumulat o makata sa likod ng tula?


- Isinulat ito ni Jose Corazon de Jesus

3. Ano ang implikasyon nito sa iyong damdamin, guni-guni at kaisipan?


- Ang implikasyon nito sa aking damdamin ay napaka ganda kasi pinapakita dito na ang
aspetong pag-ibig ay napakalawak, hindi lamang ito yung basta basta nating nararamdaman
bagkos marami pa po itong ibig sabihin at marami din itong paraan kung paano natin ito
maipapakita.

4. Anong uri ng tula ito napapabilang?


- Ito ay mapapabilang sa Tula ng Damdamin o Tulang Liriko

5. Makabuluhan ba ang tulang sinuri? Oo o hindi? Ipaliwanag ang kasagutan.


- Oo, dahil nakakadagdag ito ng ibang impormasyon at bagong kaalaman. Makabuluhan
ito dahil hindi lamang ito ay simpleng tula na nag papasaya sa mga mambabasa sapagkat isa
itong tula na nagbibigay din ng bagong kaalaman sa ating mga mambabasa
“ITANONG MO SA BITUIN”
Jose Corazon De Jesus

1. Bakit ito ang naging pamagat ng tula?


- Pinamagatan itong “Itanong mo sa Bituin” dahil naghahanap ng mga sagot ang lalaki
sa setting ng isang madilim na gabi na natatakpan ng mga ulap at ang partikular na bituin na ito
na sabik niyang gustong abutin. Sa bituing ito, gusto niyang tanungin o hulaan ang pangalan ng
kanyang “giliw” o pag-ibig, tanungin kung tatanggapin ba siya o hindi, at pantay na ikumpara
ang mga bituin bilang kanyang mga kapatid habang buong puso niyang pinagkakatiwalaan ang
mga bituing ito dahil wala siyang binibilang sa problema niya kundi sa bituin lang na iyon.
Buong gabing nakatalikod ang bituin na ito ngunit bumaba ang lahat ng iyon habang sumikat
ang umaga at umalis nang mag-isa nang wala ang bituin.

2. Sino ang sumulat o makata sa likod ng tula?


- Isinulat ito ni Jose Corazon de Jesus

3. Ano ang implikasyon nito sa iyong damdamin, guni-guni at kaisipan?


- Ang implikasyon nito sa aking damdamin ay puno ng pantasya sa pag-ibig ng isang
lalaking naghahanap ng kasagutan para sa kaniyang iibigin na babae. Nakakakilig lamang dahil
madalas ko din itong gawin ng ako ay nasa high-school pa lamang dahil nakakagaan sa
damdamin tumingin sa madilim na kalangitan na punong puno ng mga bituin, par aka nilang
kinakausap sa bawat pag kislap nila.

4. Anong uri ng tula ito napapabilang?


- Ito ay mapapabilang sa Tula ng Damdamin o Tulang Liriko

5. Makabuluhan ba ang tulang sinuri? Oo o hindi? Ipaliwanag ang kasagutan.


- Oo dahil ito ay nagpapasaya sa mga mambabasa at nagpapasaya sa kanila kapag sila
ay malungkot. Nagbibigay din ito ng romantikong damdamin sa mga umaasa sa kanilang
romantikong mga hormone sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro o tula,
“Sa Sanggol Na Si Jesus”
Dr. Jose P. Rizal

1. Bakit ito ang naging pamagat ng tula?


- Pinamagatan itong “Sa Sanggol na si Jesus” dahil ito ay naglalaman patungkol kay
Jesus Christ, tinatalakay dito ang buhay n gating tagapagligtas kung paano siya pinanganak at
kung saan siya ipinanganak.

2. Sino ang sumulat o makata sa likod ng tula?


- Isinulat ito ni Dr. Jose Rizal

3. Ano ang implikasyon nito sa iyong damdamin, guni-guni at kaisipan?


- Ang implikasyon nito sa aking damdamin ay napakalalim sapagkat ito ay may
kinalaman kay Jesus Christ na isa sa aking pinakamalapit na kaibigan, kapamilya, kasangga at
ang aking tagapagligtas.

4. Anong uri ng tula ito napapabilang?


- Ito ay mapapabilang sa Tulang Pasalaysay

5. Makabuluhan ba ang tulang sinuri? Oo o hindi? Ipaliwanag ang kasagutan.


- Oo dahil ito ay naglalaman sa buhay ni Jesus Christ na napaka importante para sa
ating mga tao dito sa mundo. At nakapamabuluhan nito dahil ito ay naglalaman kung paano
dumating si Jesus Christ sa ating mundo

You might also like