Noli Me Tangere

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

KABANATA 57: KABANATA 57: VAE VICTIS (SA ABA NG MGA NATALO)

Narrator: Sa kabilang banda ay may kinakaladkad na lalaki ang mga Alperes at ito ay
si Tarsilo na kapatid ni Bruno.

(kakaladkarin ng Alperes si Tarsilo sa isang lugar na kung saan nakaupo si Salvi,


pagkarating sa harap ni padre salvi ay itutulak si Tarsilo sa harap nito)

Alperes 1: Ito ang buong tapang na nanlaban at nag-utos sa mga kasamahan na


tumakas! (Pagalit na sabi nito kay Salvi)

Alperes 2: Ano ang ipinangako sa iyo ni Crisostomo upang lusubin ninyo ang kuartel?

Tarsilo: Kailan ma’y hindi nakikipag-saup sa amin si Don Crisostomo

Alperes 1: Sinungalin! (sabay sampal kay tarsilo)

Alperes 2: Huwag mo ng itanggi kaya ba binanta ninyo kaming lusubin?!

Tarsilo: Pinatay ninyo ang aking ama sa pagpalo kaya dapat lamang na ipaghiganti ko
siya sa inyo (matapang na sinabi ni Tarsilo)

Alperes 1: Hindi ka ba aamin?!

Tarsilo: Patayin na lamang ninyo ako dahil wala kayong mapapala sa akin (matapang
na sagot ni Tarsilo)

(Papaluin ng mga Alperes si Tarsilo ng sobra sobra na halos sumuka na ito ng


dugo at nasa harap nila si Salvi na pinapanood lamang sila habang umiinom ito
ng alak, pinapalo ito sa mamatay ito)

Salvi: Itapon na yan sa mga bangkay (pagkatapos sabihin aalis mag eexit)

(Ihahagis si Tarsilo sa baba ng stage)

Narrator: Walang makuha na anumang impormasyon at hindi napaamin si Tarsilo kaya


ito ay pinahirapan sa pagpalo hanggang sa hindi nakayanan ni Tarsilo ang hirap at
nilagutan na ng hininga.

KABANATA 60: MAG-AASAWA SI MARIA CLARA

(Nasa silid si Maria Clara malapit sa Bintana at malungkot na nakatunganga sa


labas ng bahay)

Narrator: Makikita na malungkot si Maria Clara sa kaniyang silid, kahit katukin ito ni
Tiago ay hindi ito umiimik o kahit mag salita man lamang. Nakamasid lamang ito sa
labas ng kaniyang kwarto at nagulat siya sa kaniyang nakita….
(Dadating si Crisostomo sa bintana ng kwarto ni Maria Clara at magugulat naman
si Maria Clara)

Ma.Clara: Crisostomo!

Ibarra: Ako nga! (Umakyat ito sa bintana ng kwarto ni Maria Clara at ng makaakyat
ay niyakap niya si Maria at sila ay naupo sa upuan malapit sa bintana)

Ibarra: Itinakas ako sa bilangguan ng aking kaibigan na si Elias.

Ma.Clara: Bakit ka naparito? Mamaya mahuli ka nila

Ibarra: Pinangako ko sa puntod ng aking ina na paliligayahin kita mahal, kaya ako
pumunta dito upang sana’y itakas ka ngunit hindi mo tinupad ang ating pangako sa isa’t
isa. (Malungkot na sabi ni Ibarra)

Ma.Clara:Pasensiya ka na Ibarra, nalaman ko kasi ang tunay kong pagkatao (IIyak si


Ma.Clara) Hindi ako tunay na anak ng aking ama Ibarra, at bilang ganti ko sa kabaitan
ng nag alaga sa akin kailangan kong pakasalan ang ipinagkasundo nila sakin.

Ibarra: May katibayan ka ba na totoo ang iyong sinasabi?

Ma.Clara: Totoo ang aking sinasabi Ibarra, hindi ka ba niniwala?

Ibarra: Naniniwala ako mahal (sabay hawak sa pisngi ni Ma.Clara)

Ma.Clara: Maligaya akong marinig na pinaniniwalaan mo na ako.

Ibarra: (Malungkot na sasabihin ni Ibarra) Ikakasal ka na pala ngunit hindi sa akin


kundi sa iba. (bababa yung tingin ni Ibarra sa kamay nilang magkahawak)

Ma.Clara: (iiyak ulit si Ma.Clara) Pasensiya Ibarra, ngunit bilang kabayaran ko sa pag-
aalaga sa akin ng aking kinikilalang ama ay kailangan kong sundin ang kanilang pabor.

Ibarra: Naiintindihan ko, ngunit ano ang gusto mong mangyari ngayon?

Ma.Clara: Kailangan na nating maghiwalay sinta (hahawakan ang pisngi ni Ibarra)


ngunit lagi mong tatandaan na minsan lamang ako mag mahal ng tunay at walang iba
kung hindi ikaw lamang.

Ibarra: (Hinawakan ang kamay ni Ma.Clara na nasa pisngi nito) Napasakit lamang
dahil tayo ay pinagtagpo ngunit hindi itinadhana sinta.

Ma.Clara: Ano na ang mangyayari sa’yo?

Ibarra: Tumakas lang ako, Maria. Hindi magtatagal malalaman nila ito.
Ma.Clara: Paalam Crisostomo (malungkot na babanggitin ni Ma.Clara)

(Aakyat na pababa si Ibarra sa bintana ng kwarto ni Maria at tinitignan naman ito


ni Maria ng malungkot)

Ibarra: Paalam Mahal (Tumalikod na siya at sumakay sa kotse na nakapark sa


malayong parte ng bahay nila Tiago)

Narrator: Ayaw niyang iwan ng kasintahan ngunit kailangan na niyang umalis. Nagbalik
na siya sa bangka kung saannaghihintay si Elias para itakas siya.

KABANATA 61: ANG PAMAMARIL SA LAWA

(Mabilis na nag dadrive si Elias papuntang San Gabriel)

Narrator: Mabilis na nagpapatakbo ng sasakiyan si Elias upang itakas si Ibarra.

Elias: Dadalhin kita sa kaibigan ko sa Mandaluyong at bibigyan kita ng pera na aking


tinago para makabalik ka na sa Amerika.

Ibarra: Amerika?

Elias: Oo, mas ligtas ka doon at makakapamuhay ka ng maayos.

Ibarra: Ilang beses mo na akong iniligtas kahit namatay ang angkan mo dahil sa
angkan ko ay iniligtas mo padin ako. Gusto mo bang sumama na lamang sa akin at
magpanggap tayong magkapatid upang malayo kadin sa gulo dito sa ating bansa.

Elias: Huwag na, mas gusto kong maghirap at mamatay sa sarili kong bayan.

Ibarra: Eh bakit gusto mo akong paalisin?

Elias: Dahil mas ligtas kayo sa ibang bansa at maaari pang magtagumpay ang iyong
plano na maghinganti, tsaka baka isang araw ay magalit ka sa ating sariling bayan at
itakwil ito.

Ibarra: Hindi totoo iyan! Lagi kong iniisip ang kapakanan ng ating bayan kaya ako
bumalik dito sa ating bayan upang paghigantihan ang mga pumatay sa aking ama at
patayin ang mga masasamang taong nagpapahirap sa mga inosenteng tao dito.

Elias: Hindi ninyo ako naiintindihan kasi hindi ka pa nakakadanas ng hirap ngunit kapag
naranasan mo ito mas pipiliin mo pang bumalik sa Amerikang pinanggalingan mo. At
tsaka pinayuhan kita noon na huwag magtiwala sakanila pero di ka nakinig kaya ayan
hinahunting ka ngayon.
Ibarra: Tama ka Elias, Malinaw na sa akin ang lahat ngayon na ang ating bayan ay
may nabubulok na sakit na kailangan ng panlunas. Isang kanser ng lipunan na
kailangang gamutin atsugpuin.

(Nagulat si Elias dahil nakita niya na may bantay na nakabantay sa kanilang daan
agad na pinayuko ni Elias si Ibarra at nagtago naman si Ibarra)

Narrator: Nalaman ng mga Alperes ang pagtakas ni Ibarra kaya sila ay nagkakaroon
ng check point bawat sasakiyan na kanilang makikita.

Alperes 1: Saan ka pupunta?

Elias: Maghahatid lamang ako ng supply ng pagkain sa karatig bayan.

Alperes 2: Pwede ba naming makita yung laman ng iyong sasakiyan?

(kinabahan si Elias kaya pinatakbo niya ito ng mabalis at agad naman siyang
hinabol ng mga Alperes tapos tinigil ni elias ang sasakiyan sa isang lugar at siya
ay bumaba)

Elias: Pasensiya Ibarra ngunit kailangan mong tumakas mag-isa, magmula dito ay
kailangan munang tahakin ang landas mo paalis sa baying ito.

Ibarra: Ngunit paano ka?

Elias: Magsisilbi akong pain at iwawala ko sila sa ibang daan. Wala ng panahon Ibarra
kailangan munang umalis.

Ibarra: Magkikita na lamang tayo sa bahay ng iyong kaibigan, paalam Elias at salamat.

(Aalis na si Ibarra at tatakbo naman sa ibang daan si Elias at hahabulin siya ng


mga Alperes)

Narrator: Naghiwalay ng landas si Ibarra at Elias at sinakripisyo ni Elias ang kaniyang


buhay sa papamagitan ng pagiging pain upang maiwala ang mga alperes sa ibang
daan at makarating si Ibarra sa bahay ng kaibigan nito. Tumakbo sa ibang daan si Elias
at nakaabot ito sa isang lawa, mataas ang tubig nito kaya hindi makatawid si Elias.
Naabutan naman siya ng mga Alperes.

Alperes 1: Ayon ang Taksil! (hinabol si Elias)

Alperes 2: Patayin siya!

Narrator: Tatangkain sanang tumalon ni Elias sa lawa ngunit huli na ang lahat ng ito’y
barilin ng mga alperes at nahulog na ito sa lawa.
(Tatalon sana si Elias sa lawa kaso nagpaputok na yung Alperes 1 at natamaan si
Elias at mahuhulog siya sa Lawa)

Narrator: Makalipas ang ilang oras ay umalis na ang palwa at mga sibil. Nakita nilang
may bahid ng dugo sa tubig baybayin ng pampang.

KABANATA 62: ANG PAGPAPALIWANAG NI PADRE DAMASO

(Nakatingin si Maria Clara sa pahayagan na nagbabalitang nalunod si Ibarra tapos


dadating si Damaso)

Narrator: Tila nanghihina si Maria Clara sa kaniyang nababasa sa kaniyang cellphone


dahil ito ay nag lalaman ng balitang namatay si Ibarra. Ang isip ay nasa kawalan ng
sandaling iyon.Dinatnan siya ni Gobernador Damaso sa ganoong kalagayan.

Damaso: Natakot ka ano? Hindi mo inaasahan ang aking pagdating. Nandito ako para
masaksihan ang kasal mo.(Inabot ang kamay para hagkan ng dalaga) May sakit ka
na naman ba, anak? Bakit namumutla ka? (Walang imik si Maria Clara)

Maria Clara: Mahal niyo po ba ako? (lumuhod sa harap ni Damaso at iiyak)


Tulungan ninyo ang ako para di matuloy ang aking kasal! Noong buhay si Ibarra, gusto
kung lumaban, umasa at manalig (iiyak ng malakas) ngunit patay na siya. Bakit pa ako
mabubuhay at magtitiis?!

Damaso: Mas may mapapala ka kay Linares kaysa kay Ibarra

Maria clara: Pumayag akong maikasal kahit kanino para lang maisalba ko ang buhay ni
Ibarra at para tuparin ang pangarap ni papa, pero ngayong patay na siya ay walang
sino man ang pwedeng magtawag sakin ng asawa. Kumbento o sementeryo lamang
ang aking pagpipilian!

Damaso: Anak patawad, hindi ko intensiyon na bigyan ka ng ganitong kalungkutan.


Gusto ko lang na gumihawa ang buhay mo dahil Mahal kita.

Maria Clara: Mahal mo pala ako pero bakit hinahayaan mo akong maging malungkot,
patay na si Ibarra! (Umiiyak)

Damaso: Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Mahirap maging madre, hindi moa lam
kung anong meron sa likod ng mga pader ng kumbento. Matanda na ako at hindi na kita
mababantayan. Humiling ka ng iba huwag lang maging isang madre.

Maria Clara: Hindi! Ang kumbento o ang kamatayan!? Mamili ka?! (Sigaw ni Maria
Clara)
Damaso: Diyos ko! Ayokong mamatay ka…magmamadre ka kung iyan ang gusto.
Magpahinga ka na sa susunod na tayo mag usap. (umalis nang malungkot)

KABANATA 63: ANG NOCHE BUENA

(Nag aayos sa stage para sa next scene kung maaari may kurtina para habang
nag preprepare is nasa harap ang narrator at nag sasalita)

Narrator: Samantala, noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay
nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi
katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mga tao. Ngunit ngayon lungkot na
lungkot ang buong bayan. Wala man lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng
bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla.

(Bubuksan ang kurtina at makikita si Basilio na naglalakad at hinahanap ang


nanay nito na si Sisa)

Narrator: Samantala ay naglalakad si Basilio papunta sa bahay nila at hinahanap ang


nawawalang ina, nakita niya ang ina sa isang upuan na kumakanta ng walang
katuturan. (Nakaupo si sisa sa isang upuan at kumakanta ng kung ano-ano)
Inutusan ng babae ang isang tanod para patahimikin ito, ngunit kumaripas ito ng takbo
nang makita ang mga bantay. Hinabol ni Basilio ang ina pero binato siya ng isang
babae sa daan.Tinamaan ng bato si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa ina.
(Tatakbo si Sisa paikot sa amphitheater at hahabulin siya ni Basilio tapos
babatuhin ito ng isang babae ng bato)

Basilio: Maaa! Ako po si Basilio Maaaa!

Narrator: Nakarating si Sisa sa isang malaking puno at ng mapagod ay naupo siya sa


ilalim nito at pumikit. Hinabol ito ni Basilio na ilang beses nadapa at natumba,
nakarating si Basilio sa piling ng kaniyang Ina at dahil sa natamo nitong sugat sa ulo ay
humiga ito sa kandungan ng kaniyan Ina at nawalan ng malay.

(mawawalan ng malay si Basilio at magigising naman si Sisa)

Narrator: Nang mawalan ng malay si Basilio ay siyang pagkagising naman ni Sisa,


tinignan niya si Basilio sa kaniyang kandungan at hinawakan ang mukha at hinagkan sa
kaniyang noo at nag paaalam.

(Magigising si sisa tapos hahawakan ang mukha ni Basilio at ikikiss sa noo)

Sisa: Paalam anak (Mamatay na si sisa)

WAKAS!!!!

You might also like