Miranda - Video Takeaway

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Miranda-Video 1 (Chemistry, 10’11’’) Ang mga atoms ang kaliit-liitang

butil na bumubuo sa mga bagay-bagay ditto sa mundo. Ito ay isang


masalimuot na sangay ng pag-aaral na kalimitang hindi pinagtutuunan ng
pansin ngunit ang katotohanan, ito ay mahalaga sa pang-araw araw nating
pamumuhay. Sa bawat sandali ng ating buhay ay kasama natin ito.

Miranda-Video 2 (Astronomy, 12’12’’): Mga planeta, bituin , araw, buwan,


at lahat nang nasa kalawakan. Ang mga ito , bagamat pinag-aaralan na nang
masusi ng siyensya ay may bakas parin ng pagiging mahiwaga na siyang
nagpapadagdag sa kariktan ng mga ito. Isang patunay sa kadakilaan ng may
likha nito: ang Poong May Kapal.

Miranda-Video 3 (Physics, 10’39’’): Kung tutuusin, ang kaalaman ukol sa


kung paano gumagalaw ang mga bagay-bagay at ang sukat ng bagal o bilis
ay sa katotohanan naman ay may ambag para sa ikauunlad ng pamumuhay
ng isang tao. Maaari itong makatulong sa kanya sa paggawa ng mga
pinaunlad na mga makina na pangkabuhayan.

Miranda- Video 4 (Physics, Quantum Mechanics, 8’45’’): Sa unang


pagkakatuklas sa kabuuan ng liwanag, palasak ang paniniwalang ito ay isang
uri ng alon o wave ngunit sa ibayong pag-aaral ukol dito, nagkaroon ng
pagtuligsa sa paniniwalang ito sapagkat may patunay na magsasabi na ang
liwanag ay maaaring kumilos na parang mga naggagalawang mga tipil o
particles.

Miranda-Video 5 (Physics, Astrophysics and Cosmology, 9’20’’):


Nakakatuwang malaman na ang siyentipikong may kaugnayan sa
Astrophysics ay isang pari ng simbahang katolika. Ito ay patunay na ang
Simbahan ay hindi hadlang sa pagpapalawig ng agham bagkus ay isa sa mga
pangunahing tagapagtangkilik nito. Sa agham din ay nagpapamalas at
nakakadaupang palad natin ang Poong May kapal.

Miranda-Video 6 (Geography, 10’32’’): Sa pananaliksik sa heograpiya


natuklasan ng mga taga kanluran na ang mundo ay hindi lapat kagaya ng
paniniwala ng una bagkus bilog at may iba pang mga pulo sa ibang sulok ng
daigdig. Sa pag-aaral nito, nakapanakop ang mga bansa sa kanluran
atnatuklasan ang iba natatagong likas na yaman.
Miranda-Video 7 (Climate Change, 13’02’’): Ang biglang pagbabago ng
klima at temperature sa daigdig ay hindi mapagkakailang na krisis. Ang
pagkabutas ng ozone layer ang sinasabing sanhi ng malawakang pag-init.
Ang pagmamalabis sa likas na yaman at sa pagdami ng mga pabrika na
naglalabas ng mga usok ang dahilan kung bakit may climate change.

Miranda-Video 8 (Biology, 13’26’’): Sa videong ito ay ipinakita ang buod


ng sangay ng agham na ito. Nakakatuwang makita na sa pag-aaral nito ay
mababanaagan ang kaugmaan o harmony ng bawat nabubhay na nilalang at
bawat galawan ng mga organism at paano ito nakakaapekto sa iba ring
umiiral na mga bagay.

Miranda-Video 9 (Human Anatomy and Physiology, 11’19’’):


Nakakamangha na pag-aralan ang anatomiya ng katawan ng tao sapagkat dito
ko napagtanto na ang tao ( sa pisikal na aspeto) ay maituturing na obra
maestro sapagkat natin masisilayan dito ang proportion, at pagkakaugma ng
mga bahagi nito. Patunay na may manlilikha sa likod ng pambihirang likha
na ito.

Miranda-Video 10 (Economics, 12’08’’): Sa video na ito makikitang higit


pa sa ugnayan ng demand at supply ang tinatakalakay dito. Ayon kay Alfred
Marsh, ito ay pag-aaral tungkol sa tao at sa kanyang mga pinipili sa pang-
araw araw niyang pangangailangan sa buhay sapagkat dito nakasalalay ang
kanyang mga demand at supply sa buhay.

Miranda-Video 11 (Engineering, 9’36’’): Ang pagiihinyero ay mabisang


pagtatambal ng agham at sipnayan sapagkat kinakailangan nito ang kaalaman
sa pisika. Ito ay isang application ng mga equation at mga formula na ginawa
ng mga dalubhasa. ito ay hindi lamang sa ng pagtatayo ng gusali. Ito rin ay
makikita sa paggawa ng mga gadgets.

Miranda-Video 12 (Computer Science, 11’52’’): walang bagay sa panahon


natin ngayon ang hindi nakaugnay sa paggamit ng computer. Ang
paglilimbag ng mga dokumento at mga larawan, ang pangangalap,
pagiimbak, at pagbabahagi ng mga datos, kahit na ang pagbuburda, paglililok
at pag-uukit ay ginagamitan nang computer. Ang computer ay kakabit nang
buhay ng tao.

Miranda-Video 13 (Artificial Intelligence, 11’35’’):Sa kasalukuyang panahon


ay nagging talamak na ang paggamit ng AI sa pang-araw araw na galawan ng
mga tao sa buhay nila. Tila maganda naman ang dulot nito ngunit may
kaakibat itong malaking mga impact sa ibang mga tao. Ito ay magiging
mabuti lamang kung itutuon sa mabuting layunin.
Miranda-Video 14 (Psychology, 10’53’’): Totoo naman na kailangang
pangalagaan an gating katinuan ngunit minsan nagiging daan ito ng
karamihan upang magmanipula ng mga tao at magpanggap na victim at
maglathala ng mga ad misericordiam na mga post sa social media upang
umani ng simpatiya ng madla. Ang sikolohiya ay dapat sa ikaunlad ng tao.

Miranda-Video 15 (Sociology, 9’41’’): Ang tao ay hindi nag-iisa. Siya ay


nasa mundo, napapalibutan ng kapwa niya mga tao at ng iba pang mga
nilalang na umiiral. Kailangan niyang makipagtalastasan sa kapawa tao niya
upang mapunan ang kanyang mga pangangailan. Ito ang ilan sa mga kaisipan
ukol sa tao bilang isang panglipunang umiiral.

Miranda-Video 16 (World History, 11’10’’): Ang pagsasaka ay kasama na


ng tao simula pa ng kasaysayan. Dito ay makikita ang pag-unlad ng kaalaman
ng tao. Mula sa paggamit ng matutulis na bato bilang panghukay, sa
pagkakatuklas ng gulong, sa pagkakaimbento ng irigasyon, hanggang sa mga
makabagong pamamaraan ay kasamang umuunlad ng tao ang pagsasaka.

Miranda- Video 17 (Literature, 6’59’’): Ang wika at pagsulat ay kaakibat ng


mga tao sa kanilang pag-unlad bilang isang mga nagiisip na umiiral. Sa
pamamagitan ng mga titik ay maaari niyang iencode ang mga salita na
kaniyang binibigkas. Ngunit ang pagsulat at pagbikas ng wika
kapagpinagtambal ay nagiging panitikan o literature na maaaring maibahagi.

Miranda-Video 18 (Business Entrepreneurship, 13’01’’): Sa pagnenegosyo


natutuklasan ang pontesyal ng isang indibidwal. Ito ay isang sugal dahil
walang katiyakan sa kung sino at iilan ang tatangkilik dito. Gayun pa man,
makikita na ang mga mayayaman sa atin ay nagsimula sa mga maliliit na
negosyo na naging malalaking kumpanya na laganap na sa bansa.

You might also like