Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

DELA PEÑA, JUNIL E.

FILIPINOLOHIYA
BS ARCHITECTURE 3-1 INSIGHT:

“KASARIAN:
Batay sa pahayag ni Pepeng Panangis sa nabasa kong teksto tungkol sa kasarian ay
pawang sa mga lalaki lang nakatuon ang atensyon nito at hindi pagkaka pantay-pantay na tingin
sa kasarian ng mga Pilipino. Sa konstestong ito ay dito maipapakita ang pagkaka roon ng
diskriminasyon sa kasarian, dahil sa karamihan ng larangan ay kadalasang lalaki ang may hawak
na imahe kung kaya’t sila ang naghuhulma ng pamantayan, nagsisilbing bida at ang nakikitang
matibay na pundasyon mula sa bahay hanggang sa labas ng lipunan. Karaniwan na sa ating mga
pilipino ang ideyang ang Ama ang “haligi” at ang Ina ang “ilaw” ng tahanan. Mula rito ay
mahihinuha mo ang ideyang hindi magagawang tumayo ng isang bahay kung wala ang
pundasyon nito, isang pagpapakita na kung wala ang lalaki ay hindi magagawang mabuhay ng
mga sumasandal sa kanya. Sa panahon ngayon lalaki ang mga dapat nagttrabaho o gumagawa ng
mga mabibigat ng bagay kaysa sa mga babae, pero dapat ay pantay pantay pa rin ang tingin sa
bawat isa para maiwasan ang diskriminisayon. Iba na nga ang panahon ngayon, masasabing
napakalala ng gahum sa kalalakihan noon kumpara ngayon na napakarami nang nagpapatunay ng
marapat na pantay na katayuan ng mga kababaihan sa kalalakihan o ang peminismo. Sa panahon
ngayon kung kaya ng mga lalaki ay kaya rin dapat ng mga babae. At para sa sa’kin, hindi lamang
nakaatuon ang pansin nito bilang isang lalaki or babae, kundi ang pagkakaroon pa ng ibang
kasarian na tinatawag na LGBTq. Ito ay isang organisasyon na tinatag para sa mga bakla,
tomboy at transgender na gusto makuha ang kanilang Karapatan at respeto kahit na iba sila sa
tunay na mga babae at lalaki. Sinasabi na ang mga bakla ay “Salot sa lipunan”, hindi dapat
gano’n sapagkat tayo ay iisa lamang, ginawa tayo parang magbigay ng respeto at magkaroon ng
bawat Karapatan ang bawat mamamayan. Ang Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao sa Ontario
[Ontario Human Rights Code] (ang Alintuntunin) ay nagbibigay ng patas na karapatan at opportunidad, at
kalayaan mula sa diskriminasyon. Kinikilala ng Alintuntunin ang karangalan at kahalagahan ng bawat tao
sa Ontario, sa pagtratrabaho, pabahay, mga pasilidad at mga serbisyo, mga kontrata, pagiging miyembro
sa mga unyon, trabaho o samahan ng propesyonal.

Ang mga taong nadidiskrimina o ginugulo dahil sa kasarian pagkakilanlan ay legal na


protektado sa ilalim ng kasarian. Kabilang dito ang transsexual, transgender at intersex na mga
tao, cross-dressers, at iba pang mga tao na ang kasarian pagkakilanlan o pagpapahayag ay naiiba
mula sa kanilang kasarian nang sila’y ipinanganak. Para sa’kin ang walang taong dapat tratuhin
nang naiiba habang nasa trabaho, sa eskwelahan, sumusubok na umupa ng isang apartment,
habang kumakain sa isang restawran, o sa anuman ibang panahon dahil sa kanyang kasarian
pagkakilanlan, dahil dapat lahat tayo ay pantay-pantay at walang maiiwan kahit na isa.
Malaking tulong ang pahayag ni pepeng pangis tungkol sa kasarian, dahil para malaman
natin kung bakit ba nagkakaroon ng diskriminasyon at hindi pantay-pantay na tingin sa bawat
isa.

You might also like