Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

HOME LARO NG LAHI Articles Essays Gallery Videos About Me more...

Search

Larong Pinoy
Muling nabuhay ang laro ng Lahi sa mga pamayanan sa Pilipinas nang inilunsad ng
Magna Kultura Foundation ang Larong Pinoy sa mga barangay. Hindi lamang mga
palaro ang isinagawa ng Magna Kultura, kungdi nagtatag pa ng isang "Sports Clinic" ma

kung saan may mga instructors na nagtuturo ng 'siyentipikong' proseso sa paglalaro.

Sa panahon ng 'high tech' at modernong laruan, ipinakilala sa bagong kabataan ang


mga laro gaya ng Patintero, Tumbang Preso, Piko, Luksong Tinik, Holen, Sipa, Siyato, at
iba pang mga larong katutubo. Ito ang Larong Pinoy --- ang laro ng ating lahi.

Suportado ng DepEd ang Larong Pinoy ng Magna Kultura


Kinilala ng Department of Education (DepEd) ang programang ginagawa ng Magna
Kultura Foundation bilang isang mahalagang adbokasiya sa bagong kabataan. Dahil
dito, naghain ang DepEd ng isang Circular Memorandum upang magbibigay daan sa

Magna Kultura na dalhin ang Larong Pinoy sports Clinics sa mga Mababang Paaralan sa buong bansa.

Ginawang siyentipikong 'Sports Clinic' ang mga pagsasanay sa Larong Pinoy


Nakita ng DepEd ang kakaibang sistema na isinasagawa ng Magna Kulura sa pagtuturo ng mga laro, dahil bukod sa laro, ito ay hinaluan ng mga
pagsasanay at mga proseso sa pagkilos at hakbang sa bawat laro.

Halimbawa na lamang sa paglalaro ng Piko, bago pa man umpisahan ang paglalaro nito, ay itinuturo ang tamang pagbabalanse ng katawan,
tamang katayuan at paghakbang, kasama ang pagyuko habang pinupulot ang pamato. Gayun din sa mga ibang laro tulad ng Patintero at
Tumbang Preso; ang tamang pagbabantay, pag-asinta, at pati tamang tiyempo at hakbang ay itinituro din.

At kung panunuorin, sadyang nakakamanghang makita ang mga kabataang sabay-sabay na nagsasagawa ng mga pagsasanay. Ang mga
palarong ito ay nilagyan din ng sistema ng Magna Kultura. Sa Patintero at Tumbang Preso ay mayroong referee, may sinusunod na oras at
patakaran katulad ng pagtawag ng "foul" at iba pa. Kaya naman lalong naging mas kapanapanabik ang paglalaro.

Bubuhayin Ang Mga Laro Bilang Pambansang Palaro


Para sa Magna Kultura, ang kasalukuyang pagsasagawa ng laganap sa 'sports clinc' na may siyentipikong pagsasanay at paglagay ng sistema
ay paghahanda sa mga kabataan at mga paaralan upang sa darating na taon, gagawin itong isang Pambansang Palaro. Sa gayong paraan, ang
mga batang nageensayo sa mga barangay at paaralan ay may maaasahang palaro na kanilang sasalihan. Sa ganito ring paraan ay masisiguro

natin na mananatiling buhay ang mga laro ng ating lahi.

Bakit Mahalaga Ang Mga Laro?


Ang mga laro ay mahalagang simbolo para sa maraming Pilipino. Ang mga katutubong laro ng ating lahi ay nagbibigay ng masayang alaala sa
halos karamihan ng Pilipino, lalo na noong hindi pa uso ang mga modernong laruan. Maraming kwento ang mga magkakaibigan tungkol sa
POW ERED BY
mga laro. Alaala nang sila ay naging "patotot”, kung sino ang madalas nagiging balagoong, at hanggang ngayon, kapag napaguusapan,
masaya pa ring nagtutuksuhan ang mga magkakaibigan. Sa pakikipaglaro sa kapit-bahayan nabubuo ang samahan at alaala ng magkababata.

Ginintuang alaala ang dala ng mga larong ito. Ito ang nagbibigay buhay sa mga kumunidad. Ito rin ay isa sa mga nagbibigay lalim sa samahan
ng mga magkababata.

Binubuhay Ang Damdaming Makabayan


Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nais buhayin ng Magna Kultura ang Larong Pinoy. Nais natin ipadama sa mga bagong kabataan ang

kasiyahang dulot ng mga masasayang larong ito. Bukod pa rito ay nakikita ng Magna Kultura na ang pagpapakilala ng mga laro ay isa ring
paraan upang ipamahagi sa mga kabataan ang pagmamahal sa sariling atin, na isa ring hakbang tungo sa pagiging makabayan.

Nagbibigay Buhay sa Pamilya


Bukod pa dito, ang Larong Pinoy ay nagsisilbi ring paraan sa paglalapit ng damdamin ng mga kabataan sa kanilang mga magulang at ninuno.
Ang mga larong ito ay nagiging daan sa masayang kwentuhan ng pamilya sapagkat may isang aspeto sa kanilang buhay na nag uugnay sa
kanila.

Nagbibigay Buhay sa Kapit-Bahayan


Ang isa pang maganda dito ay muling mabubuhay ang kapit-bahayan sa kasiyahan ng mga batang naglalaro. Bukod sa bumubuo ito ng alaala
para mga bagong magkababata, masaya rin naman itong mapapanood ng mga magulang at matatanda at tiyak na mabubuhay rin ang

masasaya nilang alaala habang nakatanaw sila sa mga naglalaro.

Nagbibigay Talas sa Kaisipan at Lakas sa Katawan


Sadyang napakaraming maidudulot ang Larong Pinoy. Masiglang nakakapag-ehersisyo ang mga bata sa labas, kaysa sa naka-upo lang sa loob
ng bahay na nanonood ng telebisyon o maghapon sa computer. Natuturuang maging maliksi ang kilos nila at nakakapagpatalas din ng isip ang
karamihan ng mga laro.

Sa gitna ng globalisasyon at modernong panahon na kung saa'y uso ang mga computer at 'high tech' na laruan, ang muling paglulunsad ng
mga Larong Pinoy ay bukas-palad na tinatanggap ng karamihan ng mamamayan. Masaya ang mga magulang at nakatatanda dahil
matututunan din ng mga kabataan ang laro ng ating lahi.

Halos lahat ng mga lugar na pinipiling paglulunsaran ng Larong Pinoy ay mga barangay o paaralan na kung saan ang nakararami ay mga
walang kakayanang bumili ng 'high tech' na laruan, at ang tanging kinikilalang palaruan ay ang lansangan. Larong-kalye kung tawagin din

ito, ngunit para sa Magna Kultura, dito mas nababagay ang mga Larong Pinoy. Sa kalye na mas maraming kabataang Pinoy ang masisilayan, sa
kalye, kung saan ang mga karaniwang Pinoy ay nagkakadaupang-palad at nagkakaroon ng masayang samahan.

Larong kalye man kung tutuusin, ngunit mga larong naguugnay, nagbibigay ng matamis na halakhak, nagpapanumbalik ng mga
magagandang alaala, at nagpapapukaw ng mga damdamin ng ating pagiging Pilipino!

POW ERED BY

You might also like