COASTAL ROAD (FILIPINO) (With BCKGRND)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Davao Coastal Road

Ang Bago Aplaya-Talomo section ng Davao City Coastal Road ay nakakaakit ng napakaraming
tao mula noong ito ay unang binuksan noong ika 4 ng Pebrero 2022 para sa paglalakad,
pagbibisikleta, paglalaro, pag-jogging, pag-eehersisyo, skating at pag masid sa tanawin ng
anyong tubig malapit dito. Ang Davao Coastal Road ay isang 17.352-kilometer road project, na
umaabot mula sa Jct. Bago (south), Jct. Talomo, Matina Aplaya, Roxas Avenue hanggang Sta.
Ana Wharf patungo sa R. Castillo Avenue (hilaga) at nahahati sa apat na segment: Segment A –
Bago Aplaya Times Beach, 7.620 kilometro; Segment B – Times Beach – Roxas Avenue, 4.557
kilometro; Segment C- Roxas Avenue-Sta. Ana Wharf Road, 2.026; at Segment D – Sta. Ana
Wharf Road – Alcantara, R. Castillo, 3.149 kilometro. Ang Davao Coastal Road ay mayroon
ding Parking space para sa mga gustong gumamit ng sasakyan papunta dito, mayroon din itong
playground na may swing, slides, at kaunting obstacle course para sa mga bata na gustong
makapag laro at makapaghalubilo sa mga ibang bata at sakanilang pamilya. Karamihan sa mga
tao ay pumupunta sa Davao Coastal Road tuwing umaga at hapon upang mag jogging, mag
bisekleta, mag lakad at sa mga gusto ng sariwang simoy ng hangin at sikat ng araw. Ang davao
coastal road ay napaka linis din ng paligid dito, maraming mga garbage bins ang naka lagay sa
ibat ibang parte ditto upan maiwasan ang pag kakalat ng basura.
Davao Coastal Road
REPLEKSYONG PAPEL
King Juegos : Masasabi ko na sa lahat ng magandang nagawa ng ating administrasyon na
pinamununoan ni pangulong Rodrigo Duterte ay ito ang napaka makabulohan at mas maunlad na
nagawa. AT dahil dito wala ng problema pa sa traffic at dagdag pa nito ang napaka magandang
tanawin na makikita mo pag dadaan ka dito.

Rafael Carlos Fanlo : Ang Davao Coastal Road ay isang lugar na nakatulong upang mas
pagandahin ang lungsod ng dabaw. Maganda ang lugar na ito sa pag gawa ng mga aktibidad
kasama narin ang pag hahalubilo sa ating kasama upang mas mapatatag ang relasyon natin
sakanila, at maganda rin itong puntahan kung ikaw ay may pinagdadaanan at gusto mo lamang
pag masdan ang mga alon ng mga tubig upang luminaw ang iyong isip. Masasabi kong ang
Davao Coastal Road ay isa sa mga magagandang proyektong nagawa makalipas ang isang
dekada sa Davao City, at Madadagdag ito sa mga tourist spots sa lungsod ng dabaw.

Carl Ryan Casaljay : Saludo ako sa gumawa at nag isip ng proyektong ito, dahil dito mas
mapapabilis ang pag biyahe ng mga taga norte kung silay patungo sa lungsod ng dabaw at
mapapabilis din ang daloy ng trapiko sa ibang lugar dahil maari nang mag shortcut ang mga
sasakyan sa coastal road.

Mga Myembro sa Naitalagang


Lugar :

 Rafael Carlos Fanlo


 King Juegos
 Carl Ryan Casaljay

You might also like