Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV- A CALABARZON
Schools Division of Rizal Province
Sub-Office of Binangonan
RIZAL NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
_____________________________________________________________________________________________________________________

PANGALAN: ___________________________________SECTION: ______________PETSA:


____________

IKALAWANG MARKAHAN
ACTIVITY SHEET – ARALIN 2.3
Pagsulat ng Sanaysay
(EDITORYAL)
(20 pts.)

Ang Sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro


ng may-akda. Ang Editoryal ay isang halimbawa ng sanaysay. Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan
ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang maibigay ng kaalaman,makapagpaniwala,o
makalibang sa mambabasa.
Karaniwang sinasaliksik at pinag-isipang mabuti ang mga editoryal, dahil kailangang mai-back up ng
may-akda ang kanilang mga claim na may ebidensya. Karaniwang mas mahaba ang mga editoryal kaysa sa
mga balita, at nag-aalok sila ng mas malalim na pagsusuri ng isang paksa.

1. Panimula/Introduksyon - ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang
tinitingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy
ng mambabasa ang pagbasa sa akda.
2. Katawan - dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa bahaging ito ng sanaysay ay
makikita ang pagtalakay sa mahahalagang punto tungkol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat
ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa.
3. Wakas/Kongklusyon - dito nakalagay ang iyong pang-wakas na salita o ang buod sa sanaysay. Sa
bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng
sanaysay. Malimit na ito ay pagbibigay ng isang hamon, maaaring isang pagpapatibay sa kuro-
kuro, mga tagubilin o mga mungkahi.

Layunin:
F9PU-If-44
Naisusulat ang sariling opinyon/pananaw tungkol sa napapanahong isyung
panlipunan sa Silangang Asya.

Mga Panuto:
1. Magsaliksik muna ng isang napapanahong isyung panlipunan sa Silangang
Asya.
2. Sumulat ng sariling opinyon/pananaw tungkol sa napapanahong isyung
panlipunan na napili.
3. May mga kasamang angkop at wastong datos.
4. Maayos ang paglalahad ng kaisipan at may kaisahan.
5. Hindi bababa sa 100 salita at may angkop na mga bantas, spelling,
capitalization at balangkas.

Pamantayan sa Pagmamarka:

5 puntos – Makabuluhang paksa o isyung panlipunan mula sa Silangang Asya


at angkop na paglalahad ng sariling opinyon/pananaw tungkol sa
napapanahong isyung panlipunan na napili.

5 puntos – May mga kasamang angkop at wastong datos.

5 puntos – Maayos ang paglalahad ng kaisipan at may kaisahan.

5 puntos – Hindi bababa sa 100 salita at may angkop na mga bantas, spelling,
capitalization at balangkas.

20 puntos KABUUAN

You might also like