Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

“Ang Munting Panaginip”

Narrator: Malapit na naman magpasko! Nasasabik na si


Juan para sa kanilang bakasyon kaya tinatamad na siyang
pumasok sa klase. Isang araw, napilitan siyang pumunta
sa eskwelahan dahil sa kanyang mga magulang. Huli na
siyang dumating at naaabutan niya ang kaniyang guro na
nagtuturo ng assignaturang Filipino.
(Pumasok si Juan sa Silid-Aralan)
Lola Basyang: Juan! Bakit ngayon ka lang pumasok? Ilang
linggong kang nawala tapos late ka pa! Sus maryosep ang
batang ito! Halikana’t tatalakayin natin ngayon kung
ano nga ba ang dula.
(Umupo si Juan na parang nagdadabog pa)
Juan: Ano ba naman to! Bakit pa kasi ako pumasok? Kung
hindi lang sana ako pinilit nina nanay at tatay, nasa
kama pa ako! Hayss, kakatamad naman!
Lola Basyang: Sino sa inyo ang nakakaalam kung anong
ibig sabihin ng dula? Juan?
Juan: Malay ko po Ma’am! Wala naman po silbi sa akin
yan eh! Magpipiloto po ako hindi mag-aartista hahahaha!
Lola Basyang: Wag mo akong mapilosopo Juan! Balang
araw, malalaman mo rin kung bakit napakahalaga ng dula
sa ating lipunan at para sa iyong sarili.
Juan: Edi wow hahahahaha.
Lola Basyang: Ayon kay Aristotle, ang dula ay isang
anyo ng panitikan kung saan nagpapahayag ito ng
karanasan at kaisipan ng tao. May mga iba’t ibang uri
nito…
Narrator: Hindi nakinig si Juan sa kung ano ang sinabi
ng kaniyang guro at tuluyan ng nakatulog. Pagkagising
niya, nakita niyang may nagdudula sa isang teatro at
nasa nakaraang panahon na pala siya.
Juan: Hala! Anong ginagawa ko dito? Nasa school lang
ako ah! Ba’t ako nasa teatro at sandali, ano to? Taong
1807? Luhh, wala ako sa panahon ko!! Yaan muna nga,
para wala rin ako sa klase.
(Pinanood ni Juan ang dulang “Tatsulok”)
Juan: Ay ang ganda naman pala nitong dula! Para lang
pelikula! Pero daig pa rin kayo ni Cardo! Hindi
tinatalban ng bala hahahaha.
(Nakatulog ulit si Juan)
(Nagising siya sa Modernong Panahon)
Juan: Ayun, nasa 2023 na ulit ako. Pero teka, nasaan
naman ako ngayon? Parang nasa sine ata ako ah. Time
traveler yarn? Makapanood nga ulit…
(Nanood si Juan ng “The Hows of Us”)
(Nanood si Juan ng “My Ex and Whys”)
Juan: Pati ba naman dito sikat ang hawalayan ng
kathniel at Lizquen! Grabe ba! Teka, baka panaginip
lang ‘to!
Narrator: Sinampal ni Juan ang sarili niya at nagising
Lola Basyang: Juan?! Juan?! Gising!!!
Juan: Ano po yon?
Lola Basyang: Ang tanong ko sa iyo, Bakit kailangan
natin pahalagahan ang mga dula?
Juan: Dahil sa pamamagitan po niito, mas naipapakita ng
mga Pilipino ang kanilang mga talento pati mga saloobin
at ito rin ang nagpapasaya sa atin. Pasensya na po
Ma’am kung napagsalitaan po kita kanina. Ngunit ngayon
po, mas nauunawaan ko na ang kahalagahan ng mga dula.
Lola Basyang: Magaling! May natutunan ka pala sa klase
natin kahit tulog ka. Pinapatawad na kita…
THE END
Mga Tauhan
1. Narrator (Lianne)
2. Juan (Jules)
3. Lola Basyang (Angel)
4. Lalaki na naka white sa Tatsulok (Howard)
5. President Marcos (Khiandrei)
6. Babae na naka white sa Tatsulok (Shula)
7. Lalaki na nag-eenglish sa Tatsulok (Lawrence)
8. Reporter sa Tatsulok (Jouzcef)
9. Camera Man (Dion)
10. Nagpoprotesta na babae sa Tatsulok (Shula at Angel)
11. Babaeng Binaril (Ayen)
12. Bumaril sa Babae (Dwayne)
13. Kapatid ng Babaeng Binaril (Lianne)
14. George sa “The Hows of Us” (Howard)
15. Primo sa “The Hows of Us” (Dwayne)
16. Cali sa “My Ex and Whys” (Howard)
17. Gio sa “My Ex and Whys” (Dwayne)
Props
1. Kurtina (Basta hindi white)
2. “Ang Munting Panaginip” printed per letter sa papel
3. Tarpapel (Theatre Background 3 x 3)
4. Speaker, Mic, and Camera
5. Illustration Board na pangprotesta
6. Baril with Bala or Pelet Gun
7. Fake Blood
8. White Fabric with red handprint and fake blood
9. Tarpapel (Inside Malacanang Palace 3 x 3)
10. Tarpapel (Newsroom 3 x 3)
11. Tarpapel (Nagpoprotesta 3 x 3)
12. Tarpapel (mga bahay sa gabi 3 x 3)
13. Tarpapel (Bahay 3 x 3)
14. Emergency Light
15. Paper Plates
16. Kandila at posporo
17. Mga Regalo
18. Timba at sponge
19. CD Album
20. Tarpapel (Hagdanan 3 x 3)

You might also like