Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 25

PAMBUNGAD NA AWIT

PAGBATI

Pagpasok sa Simbahan
Namumuno: Ngayon po ay ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni
San Juan Bautista. Tumayo po ang lahat para sa pagsisimula ng ating
pagdiriwang.

Papasok ang mga tagapag lingkod sa altar. Ang mga pari at Obispo ay hahalik sa altar, iinsensuhan ang altar at
pagkatapos ay dadako sa kani-kanilang upuan.

Obispo: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.


Bayan: Amen.

Obispo: Sumainyo ang kapayapaan.


(Kung pari) (Sumainyo ang Panginoon.)
Bayan: At sumaiyo rin.

PAGSISISI

Obispo: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang
tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.

Lahat: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos,


at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala

Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

sa isip, sa salita, sa gawa, at sa aking pagkukulang.


Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel
at mga banal at sa inyo mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Obispo: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo


sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na
walang hanggan.
Bayan: Amen.
KYRIE (aawitin)

GLORIA (Aawitin)

Papuri sa Diyos!
At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan Niya.
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin,
pinasasalamatan Ka namin
dahil sa dakila mong angking kapurihan
Panginoong Diyos, Hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos
Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
maawa Ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagkat Ikaw lamang ang Banal,
Ikaw lamang ang Panginoon,
Ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen!

PANALANGING PAMBUNGAD
Obispo: Ama naming makapangyarihan,
hinirang mo si San Juan Bautista
upang ihanda ang bayan para sa Panginoong si Kristo.
Ipagkaloob mong magalak sa Espiritu ang iyong bayan
at patnubayan ang kalooban ng tanan
sa daan ng kaligtasan at kapayapaan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Namumuno: Magsiupo tayong lahat para sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos.

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS


UNANG PAGBASA (Isaias 49: 1-6)

Pagbasa mula sa sulat ni propeta Isaias

Makinig kayo mga taong naninirahan sa malalayong lugar. Pinili na


ako ng Panginoon bago pa isilang at hinirang niya ako para siya’y
paglingkuran. Mga salita ko’y ginawa niyang sintalas ng tabak, Siya ang
sa aki’y laging nag-iingat. Ginawa niya akong parang matulis na palaso na
anumang oras ay handang itudla. Sinabi niya sa akin, “Israel, ikaw ay
lingkod ko, sa pamamagitan mo ako’y dadakilain ng mga tao.” Ngunit ang
tugon ko, “Ako ay nabigo sa aking pagsisikap, hindi nagtagumpay gayong
ibinuhos ko ang aking lakas.” Gayunman’y itinitiwala ko sa Panginoon ang
aking kalagayan, na ako’y gagantimpalaan sa aking nakayanan.
Bago pa ako ipanganak ay hinirang na ng Panginoon, pinili niya ako
para maging lingkod niya upang tipunin ang nangalat na mga Israelita, at
sila’y ibalik sa bayang Israel. Binigyan ako ng Panginoon ng karangalan, sa
kanya nagbubuhat ang aking karangalan. Sinabi ng Panginoon sa akin:
“Israel na aking lingkod, may mas mahalaga pa akong ipagagawa sa iyo.
Bukod sa pagpapanumbalik sa mga Israelitang nalabi ay gagawin kitang
tanglaw ng mga bansa upang lahat sa daigdig ay maligtas.”

Ang Salita ng Diyos.

Bayan: Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN (Slm 89)


Tugon: PAG-IBIG MO YAHWEH NA DI MAG MAMALIW
ANG SA TWINA'Y AKING AAWITIN
Ang ngalan mo'y laging sasambitin
At pag-ibig na walang maliw
‘Sing tatag ng langit ang ‘yong katapatan
Sa pangako'ng samin ay iniwanan

Tugon: PAG-IBIG MO YAHWEH NA DI MAG MAMALIW


ANG SA TWINA'Y AKING AAWITIN

Umaawit kaming likha sa langit


Ang yong gawa'y sya'ng dinadalig
Yong katapata'y laging sinasambit
Walang ibang sayo'y makahihigit

Tugon: PAG-IBIG MO YAHWEH NA DI MAG MAMALIW


ANG SA TWINA'Y AKING AAWITIN

Mapalad ang sayo'y sumasamba


Sa pag-ibig mabubuhay siya
At dahil sa wagas mong pag sinta
Tanay tigib ng karangalan.

Tugon: PAG-IBIG MO YAHWEH NA DI MAG MAMALIW


ANG SA TWINA'Y AKING AAWITIN

IKALAWANG PAGBASA (Gawa 13:22-26)


Pagbasa mula sa gawa ng mga Apostol

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Pablo, “Nang si Saulo’y alisin ng


Diyos, inihalili si David upang maghari sa ating mga ninuno. At ganito ang
patotoo ng Diyos tungkol sa kanya, ‘Natagpuan ko kay David na anak ni
Jesse ang lalaking nakalulugod sa akin, isang lalaking handang tumupad
sa lahat ng inuutos ko.’ Mula sa angkan ng lalaking ito ipinagkaloob sa
Israel si Hesus, ang kanyang ipinangakong Tagapagligtas. Bago siya
dumating, ipinangaral ni Juan sa buong Israel na dapat nilang pagsisiha’t
talikdan ang kanilang mga kasalanan, at pabinyag. Nang matapos na ni
Juan ang kanyang gawain, sinabi niya sa mga tao, ‘Sino ba ako sa akala
ninyo? Hindi ako ang Kristo. Ngunit siya’y darating na kasunod ko. At
hindi ako karapat-dapat kahit tagaalis ng panyapak.”
“Mga kapatid kong mula sa lahi ni Abraham, at mga taong may takot
sa Diyos: tayo ang pinadalhan ng balitang ito tungkol sa kaligtasan.”

Ang Salita ng Diyos.

Bayan: Salamat sa Diyos.

ALELUYA
Ikaw, Juan, ay propeta,
sinugo upang manguna
sa Manunubos ng sala.

MABUTING BALITA (Lucas 1: 57-66, 80)


+Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.

Dumating ang oras ng panganganak ni Elisabet, at nagluwal siya ng


isang sanggol na lalaki. Nabalitaan ng kanyang mga kapitbahay at mga
kamag-anak na siya’y pinagpala ng Panginoon, at nakigalak sila sa kanya.
Nang ikawalong araw, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias
sana ang ipangangalan sa kanya — gaya ng kanyang ama — ngunit sinabi
ng kanyang ina, “Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya.” “Subalit wala
isa man sa iyong mga kamag-anak ang may ganyang pangalan,” wika nila.
Kaya’t hinudyatan nila ang kanyang ama at itinanong kung ano ang ibig
niyang itawag sa sanggol. Humingi siya ng masusulatan at sumulat ng
ganito: “Juan ang kanyang pangalan.” At namangha silang lahat.
Pagdaka’y nakapagsalita siya, at nagpuri sa Diyos. Natakot ang lahat ng
kanilang kapitbahay, anupat naging usap-usapan sa buong kaburulan ng
Judea ang mga bagay na ito. Pinakaisip-isip ito ng lahat ng nakaalam at
ang kanilang tanong: “Magiging ano kaya ang batang ito?” Sapagkat
maliwanag na sumasakanya ang Panginoon.
Lumaki ang bata at naging malakas ang kanyang espiritu. Siya’y
tumira sa ilang hanggang sa araw na magpakilala siya sa Israel.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Namumuno: Magsiupo po ang lahat.

HOMILYA

Namumuno: Magsitayo po ang lahat.

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa karoroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang
Makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at
nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,
Sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal;
Sa kapatawaran ng mga kasalanan, Sa pagkabuhay na mag-uli ng
nangamatay na tao,
At sa buhay na walang hanggan. Amen.

PANALANGIN NG BAYAN
Obispo: Mga kapatid, lumapit tayo sa Ama na nagsugo kay San Juan
Bautista upang ihanda ang daraanan ng Panginoong Hesus.
Sa bawat panalangin ang ating itutugon:

AMA, DINGGIN MO KAMI.

Lektor: Ang simbahan nawa ay patuloy na maging tagapag-akay sa


mga tao tungo sa pagsisisi at pagbabalik-loob. Manalangin
tayo.

Lektor: Ang bawat pamayanang kristiyano nawa ay maging liwanag


ng mundo sa pamamagitan ng kanilang paghahatid ng pag-asa
at palagiang paggawa ng kabutihan. Manalangin tayo.

Lektor: Ang mga lingkod bayan nawa ay patuloy na kumilos para sa


pangkalahatang kabutihan. Manalangin tayo.

Lektor: Ang Parokya ng San Juan Bautista nawa ay maging


sambayanang namumuhay sa pag-ibig at pagkakaisa.
Manalangin tayo.

Lektor: Ang mga lubos na nangangailangan nawa ay makasumpong ng


pagdamay mula sa mga taong bukas palad. Manalangin tayo.

Lektor: Sa saglit na katahimikan ay ilapit natin sa Diyos ang ating mga


personal na pangangailangan at ang mga kahilingan ng mga
taong humihingi ng ating dasal. (Saglit na katahimikan.)
Manalangin tayo.
Obispo: Ama, Ikaw ang pinagmumulan ng lahat ng mga pagpapala.
Dinggin Mo ang pagsusumamo ng Iyong sambayanan at
tulungan kaming gamitin ang Iyong mga kaloob upang higit
na mapaunlad ng Iyong bayan. Hinihiling naming ito sa
pamamagitan ni HesuKristong aming Panginoon.
Bayan: Amen.

LITURHIYA NG EUKARISTIYA

Namumuno: Magsiupo po ang lahat para sa pagdiriwang ng Huling Hapunan.


Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni
Kristo, ang pamahiran, ang kalis at aklat ng pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Matapos na matanggap ang mga alay, tatayo ang sa Obispo sa gawing gitna ng dambana, hahawakan
niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya ng
pabulong:

Obispo: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay buhay.

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo. Ang diyakono ay
magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang nagdarasal ng tahimik.

Hahawakan ng Obispo ang kalis ng bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya ng
pabulong:

Obispo: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa
ang alak na ito para maging inuming
nagbibigay ng iyong Espiritu.

Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.


Pagkatapos, yuyuko siya habang dinarasal niya ng pabulong:

Obispo: Diyos Amang Lumikha,


nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo
nang buong puso.

Iinsensuhan ng Pari ang mga alay at ang dambana, pagkaraa’y iinsensuhan siya ng diyakono. Matapos
na insensuhan ang Obispo, iinsensuhan ang mga paring nakikipagmisa at ang sambayanan.

Maghuhugas ng kamay ang Obispo samantalang pabulong na dinarasal:

Obispo: O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.

Pagbalik sa dambana, ilalahad niya ang kanyang kamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang
kanyang ipinapahayag:

Obispo: Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin
ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyag banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


Obispo: Ama naming Lumikha, tanggapin mo
ang mga alay naming dito inihahanda
sa iyong mga hapag ng banal mong dambana
ngayong nagdiriwang kami ng parangal na nakatakda
sa dakilang kapistahan ng nagturong darating at narito na nga
si Hesukristo na aming Panginoon
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PREPASYO
Obispo: Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At sumainyo rin.

Obispo: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

Obispo: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.

Obispo: Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Dinadakila naming ang pagtatalaga


sa pinili mong sa kanya’y manguna:
ang Tagapagbinyag na San Juan Bautista.
Sa lahat ng isinilang siya’y iyong itinangi
at sa ligaya ng marami siya’y naging sanhi.
Bago pa siya iluwal, kanya nang ikinagalak
ang pagdating ng Tagapagligtas ng lahat.
Sa tanang propeta’y sila lang ang naghayag
na narito ang Korderong sa lahat magliligtas.
Siya pa rin ang tagapagbinyag na gumanap
sa nagpabanal sa tubig at nag-utos magbinyag
na tapat niyang pinanindigan kahit dugo niya’y dumanak.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan.

SANCTUS (aawitin)

IKATLONG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
Namumuno: Magsiluhod po ang lahat.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal

Ama naming banal,


dapat kang purihin ng tanang kinapal
sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Anak
na aming Panginoong Hesukristo
at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang lahat ay binibigyan mo ng buhay at kabanalan.
Walang sawa mong tinitipon ang iyong sambayanan
upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw
maihandog ang malinis na alay
para sambahin ang iyong ngalan.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang
siya’y nagdarasal.

Ama,
isinasamo naming pakabanalin mo
sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang mga kaloob na ito
na aming inilalaan sa iyo.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang
kanyang dinarasal:

Ito nawa ay maging Katawan at Dugo +


ng iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at
nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.
Noong gabing ipagkanulo siya,
Hahawakan ng pari ang tinapay ng bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy
na inihahayag:

hinawakan Niya ang tinapay,


pinasalamatan Ka Niya,
pinaghati-hati Niya iyon,
iniabot sa Kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at
luluhod siya bilang pagsamba.
Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis ng bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na
inihahayag:

hinawakan Niya ang kalis,


muli Ka Niyang pinasalamatan,
iniabot Niya ang Kalis sa Kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO,
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng katawan ni Kristo, at luluhod siya
bilang pagsamba.
Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misterio ng pananampalataya.

Namumuno: Magsitayo po ang lahat.

ANAMNESIS (aawitin)
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Ama,
ginugunita namin
ang pagkamatay ng iyong Anak
na sa ami’y nagligtas,
gayun din ang kanyang muling pagkabuhay
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang kanyang pagbabalik ay pinananabikan,
kaya bilang pasasalamat ngayo’y aming iniaalay sa iyo
ang buhay at banal na paghahaing ito.
Tunghayan mo ang handog na ito
ng iyong Simbahan.
Masdan mo ang iyong Anak
na nag-alay ng kanyang buhay
upang kami ay ipakipagkasundo sa iyo.
Loobin mong kaming magsasalu-salo
sa kanyang Katawan at Dugo
ay mapuspos ng Espiritu Santo
at maging isang katawan at isang diwa kay Kristo.
Kami nawa ay gawin niyang handog
na habang panahong nakatalaga sa iyo.
Tulungan nawa niya kaming magkamit ng iyong pamana
kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria,
gayun din ang kanyang kabiyak ng pusong si San Jose
kaisa ng mga Apostol, mga Martir,
(ni N., ang banal na pinararangalan o pinipintuho)

at kaisa ng lahat ng mga Banal


na aming inaasahang laging nakikiusap
para sa aming kapakanan.

Nakikipagmisa 1

Ama,
ang handog na ito ng pakikipagkasundo sa iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig.
Patatagin mo sa pananampalataya at pag-ibig
ang iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
kasama ng iyong lingkod na si Papa Francisco
ang aming Obispo Reynaldo
ng tanang mga Obispo at buong kaparian
at ng iyong piniling sambayanan.
Dinggin mo ang mga kahilingan ng iyong angkan
na ngayo’y tinipon mo sa iyong harapan.

Nakikipagmisa 2

Amang maawain,
kupkupin mo at pag-isahin ang lahat ng iyong mga anak
sa bawat panig at sulok ng daigdig.
Kaawaan mo at patuluyin sa iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.
Kami ay umaasang makararating sa iyong piling
at sama-samang magtatamasa
ng iyong kaningningang walang maliw
sapagkat aming masisilayan ang iyong kagandahan

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo


na siyang pinagdaraanan
ng bawa’t kaloob mo sa aming kabutihan.

Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habangkanyang
ipinahahayag:
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya, at sa Kanya
ang lahat ng parangal at papuri ay sa Iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Ang mga tao ay magbubunyi:

DAKILANG AMEN(aawitin)

ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga kamay.

Obispo: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos,
ipahayag natin nang lakas-loob:

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat.

AMA NAMIN

Ama namin, sumasalangit Ka,


sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang Kaharian Mo,
sundin ang loob Mo,
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw,
at patawarin Mo ang aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At h’wag Mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya Mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Obispo: Hinihiling naming


kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si HesuKristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong
pagbubunyi:

SAPAGKAT (aawitin)
Sapagkat sa ‘Yo’y nagmumula, ang Kaharian,
ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian,
magpasawalang-hanggan.

PAGBATI NG KAPAYAPAAN

Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Obispo: Panginoong HesuKristo,


sinabi Mo sa Iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan Ko sa inyo.
Ang Aking kapayapaan ang ibinibigay Ko sa inyo.”
Tunghayan Mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban Mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa Iyong kalooban

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.

Obispo: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Bayan: At sumainyo rin.

Obispo: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t-isa.


PAANYAYA SA PAKIKINABANG

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pingganat isasawak
niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito:

KORDERO NG D’YOS

Kordero ng D’yos na nag-aalis


ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Maawa Ka sa amin!

Kordero ng D’yos na nag-aalis


ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Maawa Ka sa amin!

Kordero ng Diyos na nag-aalis


ng mga kasalanan ng sanlibutan
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.

Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit


saka pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa aming ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal.


Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,
sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan
at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot
na ako’y mawalay sa iyo kaylan man.
o kaya:
Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,
Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.

Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabawng pinggan.
Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:

Obispo: Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa Kanyang piging.

Bayan: Panginoon, hindi ako karapat-dapat magpatuloy sa Iyo


ngunit sa isang Salita Mo lamang ay gagaling na ako.

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na


nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo


Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:
Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo
para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan ang mga makikinabang,bahagyang itataas
ang ostiya para sa bawa’t nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.

Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Namumuno: Magsitayo po ang lahat.


Obispo: Ama naming mapagmahal,
kaming nagsalo sa piging ng Kordero ay dumadalangin
na ang iyong Sambayanang
nagagalak sa pagsilang ni San Juan Bautista
ay kumikilala nawa
sa ipinangaral niyang darating na gumanap
ng aming panibagong pagsilang:
si Hesukristo na aming Panginoon
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PAGPAPARANGAL SA MAHAL PATRON SAN JUAN BAUTISTA

PASASALAMAT

Namumuno: Magsiupo po ang lahat.

PAGBABASBAS AT PAGHAHAYO
Obispo: Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At sumaiyo rin.

Obispo: Ang ngalan ng Panginoon ay papurihan.


Bayan: Ngayon at kailanman.

Obispo: Sa ngalan ng Panginoon tayo ay tinutulungan.


Bayan: Siya ang may gawa ng langit at sanlibutan.

Obispo: Pagpalain kayo ng Makapangyarihang Diyos


+Ama, +Anak at + Espiritu Santo.
Bayan: Amen.

Obispo: Tapos na ang Misa.


Humayo kayong taglay ang kapayapaan
upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
Bayan: Salamat saDiyos.

You might also like