Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MABUTING BALITA (14:13-21)

Pagbasa sa Ebanghelyo ng Panginoon ayon kay San Mateo

Papuri sa Iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon, nang marinig ni Hesus ang pagkamatay ni Juan Bautista,
siya’y sumakay sa isang bangka at nag-iisang pumunta sa isang ilang na lugar. Nang
mabalitaan naman iyon ng mga tao, sila’y lumabas ng bayan at lakad na sumunod sa
kanya. Paglunsad ni Hesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong
yaon. Nahabag siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila. Nang
dapit-hapon na’y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, “Ilang ang pook na ito
at malapit nang lumubog ang araw. Papuntahin na po ninyo sa mga nayon ang mga
tao upang makabili ng kanilang makakain.” “Hindi na sila kailangang umalis pa,” sabi
ni Hesus. “Kayo ang magbibigay sa kanila ng makakain.” Sumagot sila, “Lilima po
ang tinapay at dadalawa ang isda natin.” “Dalhin ninyo rito,” sabi niya. Pinaupo niya
sa damuhan ang mga tao, kinuha ang lima pang tinapay at dalawang isda; tumingala
siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at
iniutos sa mga alagad na ipamigay iyon sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog.
Tinipon ng mga alagad ang lumabis, at sila’y nakapuno ng labindalawang bakol ng
pira-pirasong tinapay. May limang libong lalaki ang kumain, bukod pa sa mga babae
at mga bata.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pinupuri ka namin , Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
Ayon sa maraming dalubhasa, ang himala ng pagpaparami ng tinapay ay sulyap sa
Banal na Eukaristiya na itatatag ng Panginoong Hesus kalaunan sa Huling Hapunan. Kaya’t
magandang mula sa pinagninilayang ebanghelyo ay masuri natin kung ano ang mga bagay
na maaari nating matutunan tungkol sa kahalagahan ng Banal Eukaristiya sa ating buhay
bilang mga kristiyano.
Una, ang Banal na Eukaristiya ay sakramento ng buhay. Kung paanong ang ating
katawan ay nangangailangan ng pagkain upang manatiling malakas, masigla at buhày,
gayundin ang ating kaluluwa. Ang Banal na Eukaristiya ang pagkaing pangkaluluwa upang
magkamit ng buhay ang ating kaluluwa. Kung paanong ang mga sumusunod sa Panginoong
Hesus ay nangailangan ng pagkain upang makapagpatuloy sa kanilang paglalakbay,
gayundin naman, kailangan natin ang Banal na Eukaristiya para makapagpatuloy tayo sa
paglalakbay hanggang sa makamit natin ang buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos.
Pangalawa, ang Banal na Eukaristiya ay sakramento ng pag-ibig ng Diyos.
Napakinggan natin sa ebanghelyo kung paanong ang Panginoong Hesus ay nahabag sa
kalagayan ng mga tao. Kaya’t isinantabi niya ang pangangailangang mag-isa upang
ipagdalamhati ang pagkamatay ni Juan Bautista at inunang tugunan ang pangangailangan ng
mga taong sumusunod sa Kanya hanggang sa humantong ang lahat sa himala ng
pagpaparami ng tinapay. Ganito kalawak at kalalim ang pag-ibig ng Ama para sa mga tao na
ipinadama Niya sa pamamagitan ng Panginoong Hesus. Ang Banal na Eukaristiya ay pag-
alala kung paanong inialay ng Ama ang Kanyang bugtong na Anak upang tayo ay
pagkamitin ng kaligtasan tanda ng Kanyang wagas na pagmamahal.
Panghuli, ang Banal na Eukaristiya ay sakramento ng pagbabahagi. Sa ebanghelyo ay
nasaksihan natin ang pagpaparami ng tinapay at isda mula sa kakaunting biyaya ng
mayroon sila. Ito rin ang paanyaya sa atin bilang mga kristiyano, ang ibahagi kahit ang
kakaunting biyaya na mayroon tayo upang tumulong at magmalasakit tayo sa mga
nangangailangan. Anumang maliliit at tigkakaunting biyayang ibinabahagi natin ay sapat na
dahil bahala na ang Diyos na gumawa ng himala upang ang kakaunting ibinahagi natin ay
sumapat sa mga maraming nangangailangan.
MISTERYO NG LIWANAG
1. Ang pagbibinyag kay Hesus sa ilog Jordan.
2. Ang pagpapahayag ni Hesus ng kanyang sariling sa kasalan sa Cana
3. Ang pagpapahayag ni Hesus ng Kaharian ng Diyos, sa pagtawag tungo sa
pagbabago.
4. Ang pagbabagong anyo ni Hesus sa bundok ng Tabor.
5. Ang pagtatag ng Banal na Eukaristiya, bilang pagpapahayag ng Misteryong
Paskwal.

AWIT

Isang Bayan
1. Tanging Yaman
2. Pag-ibig Mo, Ama
3. Hesus ng aking Buhay
4. Liwanag ng aming Puso
5. Tinapay ng Buhay
Tantum Ergo
O Sacramen Most Holy
Salve Regina

You might also like