Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Narito ang Lingkod

Tagapagsalaysay: Isang araw, isang anghel pangalan ay Gabriel

Sinugo ng Diyos sa isang birhen.

Gabriel: Maria, Maria puspos ka ng grasya

Ang Diyos ay sumasa’yo at pinagpala ka.

Koro: Ika’y maglilihi’t manganganak ng isang lalaki

Na tatawagin mong Hesus.

Anak ng kataas-taasang Diyos maghahari Siya.

Magpakaylanman ang Kanyang kaharian.

Maria: Pa’no ito magaganap gayong ako’y dalaga.

Tagapagsalaysay: Tanong ni Maria at tinugon siya.

Gabriel: Ang Banal na Espiritu ay bababa sa iyo

At lulukuban ka ng kataas-taasan.

Koro: Ika’y maglilihi’t manganganak ng isang lalaki

Na tatawagin mong Hesus.

Anak ng kataas-taasang Diyos maghahari Siya.

Magpakaylanman ang Kanyang kaharian.

Gabriel: Alam mo bang si Isabel

Ang pinsan mong matanda na,

Baog, di maaring magkaanak pa siya.

Anim na buwan na ang sanggol sa sinapupunan niya.

Lahat ay magaganap ‘pag Diyos ang nag-adya.


Koro: Ika’y maglilihi’t manganganak ng isang lalaki

Na tatawagin mong Hesus.

Anak ng kataas-taasang Diyos maghahari Siya.

Magpakaylanman ang Kanyang kaharian.

Maria: Narito ang lingkod ng Panginoong Diyos.

Mangyari ang wika mo at ang Kanyang loob.

Koro: Ika’y maglilihi’t manganganak ng isang lalaki

Na tatawagin mong Hesus.

Anak ng kataas-taasang Diyos maghahari Siya.

Magpakaylanman ang Kanyang kaharian.


Koro: Magsaya ang Langit

Magsaya ang langit, magalak ang lupa

Darating, darating si Jesus!

Magsaya ang langit, magalak ang lupa

Darating na ang manunubos!

Maghanda ang lahat darating ang Diyos Anak,

Tuwirin ang liko likong landas.

Atin ng talikdan masamang pamumuhay

Kasalanan ay ‘wag ng balikan. (Koro)

Maghanda ang lahat darating ang Diyos Anak,

Pantayin ang bundok at lambak.

Alisin ang galit at poot sa dibdib

Puso nati’y punuin ng pag-ibig.

Magsaya ang langit magalak ang lupa

Darating… darating… si Jesus!

You might also like