Untitled Document 8

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

REVIEWER NI CLARK WINSTON S.

DEL CARMEN SA FILIPINO

Lakbay-Sanaysay
- “travel essay” o “travelogue”
- Ayon kay Nonon Carandang, tinatawag ding sanaylakbay (sanaysay, sanay,
lakbay)
- Dahilan sa paggawa nito:
1. itaguyod ang isang lugar at kumita
2. makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay
3. pansariling kasaysayan sa paglalakbay
4. maidokumento and kasaysayan, kultura, at heograpiya
- Dapat tandaan:
1. magkaroon ng kaisipang manlalakbay
2. sumulat sa unang panauhang punto de-bista
3. tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay
4. magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa
dokumentasyon
5. ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay
6. gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay

Pictorial Essay
- mas higit ang larawan kesa sa salita
- Dapat tandaan:
1. paglagay ng larawan ay dapat pinagiisipan ng mabuti, dahil dito
maipapakita ang kwento
2. ang mga nakalagay na sulat ay suporta lamang sa larawan kaya ito ay
hindi kailangan na mahaba
3. isang paksang lamang ang nais dapat bigyang-diin sa mga larawan
upang maipakita ang kabuoan
4. isipin ang mga manonood o mga magbabasa ng pictorial essay

Memorandum o Memo
- Ayon kay Prof. M. Rovilla Sudprasert (2014), memo ay kasulatan na
nagbibigay-kabatiran sa mga pulong
- dito nakasaan ang layunin o pakay ng miting
- maituturing na sining
- Ayon kay Dr. Darwin Bargo (2014), malalaking kompanya ay gumagamit ng
colored stationery para sa kanilang mga memo:
1. Puti - pangkalahatan
2. Pink o rosas - para sa request o order na mula sa Purchasing
Department
3. Dilaw o Luntian - mula sa Marketing at Accounting Department
- Uri:
1. Memorandum para sa kahilingan
2. Memorandum para sa kabatiran
3. Memorandum sa pagtugon
- Dapat tandaan
1. letterhead - impormasyon ng kumpanya
2. Para sa/ Para Kay/ Kina - pangalan ng tao
3. Mula kay - pangalan ng gumawa
4. Petsa - iwasan ang numero at gumamit ng salita
5. Paksa - payak, malinaw, at tuwiran
6. Mensahe - maikli
- sitwasyon - panimula o layunin
- problema - suliranin na dapat pagtuonan ng pansin
- paggalang o pasasalamat - wakasan ang memo
7. Lagda - ibabaw ng pangalan sa bahaging Mula Kay

Agenda
- Sudprasert (2014), magtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong
- sistematikong agenda ay susi sa matagumpay na pulong
- Kahalagahan
1. impormasyon
- paksang tatalakayin
- taong tatalakay
- oras
- tagapag-obserbang panauhan
2. nagtatakda ng balangkas ng pagkakasunod-sunod ng paksa
3. talaan o tseklist sa mahahalaga
4. pagkakatoon sa kasapi na maging handa
5. nakapokus sa paksa
- Hakbang
1. padala ng memo
2. ilahad ito sa kailangan
3. gumawa ng balangkad ng paksang tatalakayin
4. ipadala sa taong dadalo
5. sundin ang nilalaman
- Tandaan
1. bawat dadalo ay nakatanggal
2. sa unang bahagi ang mahahalagang paksa
3. manatili sa iskedyul
4. sundin ang oras
5. ipadala ang dokumentp na kailangan

You might also like