Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 223

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel

(Prince#2) by VentreCanard
In fairy tale, the spinning wheel made the princess fall into her deep
sleep, a sleep like death from which she will never awaken. But mine was
a different kind of story, in my own fairy tale spinning wheel was not
this kind of evil..
URL: https://www.wattpad.com/story/110729914-the-prince-who-pricked-his-
finger-on-the-spindle
Story
--
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events
and incidents are either the products of the author's imagination or used
in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or
dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by
any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or
by any information storage and retrieval system, without written
permission from the author.
Plagiarism is a crime.
Hi! Salamat po sa mga votes at comments. But please, kahit wag na lang po
magcomment kung about sa ibang story at ibang character ang sasabihin
nyo. Just be a silent reader :) Highly appreciated.
Nagsulat po ako ng story na walang binabastos na reader, please do the
same. Magbasa po tayo na walang binabastos na author. Maraming salamat
po! Happy reading!
Warning!
There are few chapters with mature scenes.
PLEASE READ BEFORE YOU PROCEED
Hi!
Gusto ko lang pong sabihin sa lahat na ako po ang tipo ng author na
walang pakialam sa bilang ng followers. ( Realtalk )
I am muting readers, everyday. Siguro mag 1k na ang namute ko. Yung mga
readers na hindi marunong rumespeto. Commenting different characters,
stories, spoilers. Hanggang sa nag usap na tungkol sa ibang story. Hindi
na po maganda 'yon, hindi na. Parang pinapalabas nyo na hindi effective
'yong author kasi may iba kayong naiisip na story habang binabasa ang
gawa niya.
Hindi lang ako, marami pang author ang nakakaranas ng ganito. I just want
to give lesson for those awesome readers by muting them. I warned
everyone at the very first page of my stories, dapat alam nyo na 'yon.
Lol.
Hate me, but that's the right thing to do.
I am Kapitana, the muting author. Bow. Lol
Prologue
Prologue
Abala ako sa pagkain ng popcorn habang pinapanuod ang mainit na
paglalaban ni Triton at Ahmed sa kanilang playstation na napaglipasan na
ng panahon. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit hindi pa
rin ito nasisira sa kabila nang walang pahingang paggamit nila nito
simula nang mga highschool pa kami. Boys and their toys.
"Euphie, ahh.." agad kong sinubuan ng popcorn si Triton na tulala pa rin
sa tv habang walang tigil sa kapipindot sa kanyang joystick.
"Ako din, Euphie.." inilapit din sa akin ni Ahmed ang kanyang mukha sa
akin para subuan ko siya ng popcorn.
"Fvck!" mura ni Triton nang makacombo si Ahmed at halos ubusin nito ang
lives ng character niya.
"Seems like I am winning again Triton." Mayabang na sabi ni Ahmed.
Subo lang ako nang subo ng popcorn, hindi na yata matatapos ang dalawang
ito, maghapon na naman sila sa harap ng tv.
Kasalukuyan akong nakaupo sa lumang sofa habang kapwa nakaupo sa sahig si
Triton at Ahmed na hindi na kumukurap sa tv.
"Euphie!" sabay pa nilang tinawag ang pangalan ko. Kaya ang ginawa ko,
parehong kamay ko ang ginamit ko. Dumakot ako ng maraming popcorn at
sabay ko itong isinubo sa kanilang dalawa.
"What the hell?" nagkanda ubo na si Triton dahil sa dami ng popcorn na
sinubo ko.
"Eu..phie.." kunot noo akong tinitigan ni Ahmed.
Inirapan ko silang dalawa at nagpatuloy lang ako sa pagnguya ng popcorn.
Sa huli, si Ahmed pa ang nanalo sa kanilang nilalaro. Ang kanilang walang
kamatayang Tekken.
"You're so cruel Euphie, bakit naman isang dakot ang isinubo mo sa akin?
Gusto mo talaga akong patayin." Reklamo sa akin ni Triton.
"Lasang kamay mo Euphie," ngiwing sabi ni Ahmed.
"Kayo na nga ang sinusubuan, nagrereklamo pa kayo. Ano nga pala ang
ginagawa nyo dito? Dinala nyo pa dito ang bulok nyong playstation."
Bakasyon ko ngayon sa mga lola ko at hindi ko akalain na ang mga
kapitbahay ko ay susunod dito.
Hindi lang sila mga simpleng kapitbahay, mga kababata ko rin silang
dalawa. My mom and their moms are bestfriends.
"Baka daw mabored ka kaya pinapunta kami ni Tita dito." Sagot sa akin ni
Triton na tinanguhan naman ni Ahmed.
Sinimulan na nilang ayusin ang playstation bago nila ako inagawan sa
pagkain ng popcorn.
"Bakit hindi mo na lang kami itour sa bahay ng lola mo?" nilingon ko si
Ahmed na may nagtatakang mata.
"Seriously Ahmed? Do you think you'll enjoy touring this old house?"
nagkibit balikat muna siya sa akin bago siya nagsalita.
"Maybe?"
"Come on Euphie, kasing tamad mo talaga ang mga pisngi mo. Tour us.."
iritado kong tinanggal ang mga kamay ni Triton na pinipisil ang mga
pisngi ko. How annoying! Bakit ba lagi niyang pinipisil ang pisngi ko?!
"Fat cheeks," ngising sabi niya sa akin.
"Cute cheeks," pagtatama ni Ahmed.
"Uhuh? Huwag mo masyadong binobola Ahmed, baka lumaki ang ulo. Tama nang
pisngi na lang." Natatawang sabi ni Triton.
"I hate you Triton! I hate you. Mas gwapo naman sa'yo si Ahmed! I hate
you!" tumayo na ako at tumabi ako kay Ahmed.
"What?" kunot noo siyang tumitig sa amin ni Ahmed. Kapag lagi kaming nag-
aaway ni Triton, pangisi ngisi lang si Ahmed pero sa huli siya ang
magbabati sa amin.
"Magsama kayong dalawa," ismid na sabi ni Triton. I stuck my tongue out
to tease Triton.
"Fat cheeks, fat cheeks, fat cheeks, fat cheeks.." pang-aasar niya pa sa
akin. Damn.
"Ahmed! Sawayin mo naman si Triton, It's not fat!" naiiyak na ako.
"Triton!" babala sa kanya ni Ahmed.
"What? Nagbibiro lang ako, asar talo ka talaga Euphiemia." Inirapan ko
siya. Nakakainis talaga si Triton, mabuti pa si Ahmed.
"So, are you going to tour us Euphie?" tanong sa akin ni Ahmed.
"Huwag na natin isama si Triton, ayaw ko sa kanya." Natawa si Ahmed sa
sinabi ko.
"Ayaw ko din sa fat cheeks." Napapadyak na ako sa pagkainis.
"Isa pa Triton! Isa pa!" itinaas na niya ang kanyang dalawang kamay.
"Sorry na, sorry na Euphie. Cute cheeks ka naman talaga." Nakailang irap
na ba ako kay Triton?
"Let's go.." nang sabihin ko ito sabay silang tumawang dalawa. Pinag
titripan yata ako ng dalawang ito.
"Tayo muna sa attic, nandoon ang lumang mga baril ni lolo."
"Cool!" sabay na sabi ni Triton at Ahmed.
Nang makarating kami sa attic ay agad kaming sinalubong ng alikabok.
"Baka asthmahin tayo dito," reklamo ni Triton na katabi ko na pala.
"Here, cover your nose."
May inabot sa aking panyo si Triton. Napansin ko rin na may inaabot din
sa akin si Ahmed.
"Thank you but I am fine." Ibinaba ko pareho ang kamay nilang dalawa.
Dahil nakakita na ng mga lumang baril si Triton at Ahmed ay nagkahiwa
hiwalay na kami.
Hinahanap ko ang photo album namin na matagal ko nang hinahanap. I want
to see my mother's teenage picture again, together with Ahmed and
Triton's mother.
"Euphie, what's this?" nilingon ko Triton na malapit na sa lumang tahian
ni lola na matagal na nitong hindi ginagamit.
May takip itong kumot na puti na sobrang dumi na rin dahil sa tagal ng
panahon. Nanlaki ang mata ko nang unti-unting ilalapat ni Triton ang
kanyang daliri sa kung anong matulis na nasa ilalim ng maduming kumot.
No! Bakit niya pa kailangang gawin 'yon?! He's an idiot!
"Triton, no!" malakas na sigaw ko.
Nagulat din si Ahmed sa sigaw ko pero huli na ang lahat.
Tuluyan nang natusok na si Triton ng karayom. Hindi ko siya napigilan.
Bakit may karayom pa ang lumang tahian ni lola?
"What the--" nawalan ng balanse si Triton habang nakatitig siya sa
hintuturo niyang nagdudugo.
He did prick his finger! Yes, masasabi na hindi naman seryoso ang
ganitong klase ng pagdudurugo lalo na kung sa daliri lamang. But in
Triton's case, it was so different. He has a trauma of blood, to be
specific blood on hands.
"Ginulat mo siya Euphie, you shouldn't have shouted." Naiiling na sabi ni
Ahmed.
Agad akong napaluhod para madaluhan si Triton. No, I won't ever allow
that traumatic memory triggered him again.
"Triton.." tulala na siya.
Agad kong inagaw ang kanyang kamay at mabilis kong dinala sa mga labi ko
ang daliri niya. I need to remove his blood.
"Euphie!" malakas na sigaw ni Triton.
Hindi ko siya pinansin at mas binigyan ko ng atensyon ang dugong nasa
daliri niya na kasalukuyan kong sinisipsip. Nang malasahan ko na wala na
itong dugo ay saka ko binitawan ang daliri niya.
He looked shock, pale with his wide eyes on me. This was all because of
me, dapat ay hindi ko na siya dinala ito. It might triggered his past.
Halos yakapin at itapon ko ang sarili ko sa kanya dahil sa matinding pag-
aalala.
"Wala na Triton, wala na. Are you okay?" hinawakan ko ang magkabilang
pisngi niya habang nananatiling nanlalaki ang mata niya sa akin.
Nagulat ako nang mabilis niyang tinabig ang mga kamay ko at nagmadali
siyang tumayo.
"Oh god, her innocence is killing me."
Sinabunutan niya pa ang kanyang sarili bago siya nagmadaling lumabas ng
attic. Nangunot ang noo ko sa ikinilos niya, what's wrong with you
Triton?
"What's the matter with him Ahmed?" nagtatakang tanong ko. Habang habol
ang tingin ko sa kanya sa paglabas ng attic.
I was just worried. Bakit ang suplado niya?
"Me too, I pricked my finger Euphie."
Nang lingunin ko si Ahmed ay dumudugo na rin ang daliri nito.
"Wha" siya na mismo ang naglagay ng daliri niya sa labi ko pero agad din
niya itong inalis at ilang beses niyang ipinilig ang ulo niya.
"I have to go. Damn that spinning wheel." Basta na rin akong iniwan ni
Ahmed.
What's wrong with them?
Simula nang araw na sabay na nagdugo ang daliri ng dalawang kababata ko,
sa halip na may makatulog nang napakahabang panahon ay may kung anong
gumising sa akin para mapansin ang mga bagay na hindi ko napapansin noon
pa man.
My spinning wheel didn't plan to make me fall into a deep sleep, but to
awaken me in the bittersweet reality of love.
--
VentreCanard
Chapter 1
Chapter 1
Naiwan akong mag isa sa attic ng lumang bahay. Tulala at hindi alam ang
gagawin. I am still in shocked.
What was that all about? Bakit bigla na lang nila akong iniwan pagkatapos
nilang matusok ng karayom? Ito ang kauna unahang nangyari na basta na
lang nila ako iniwan.
Simula pagkabata namin kahit saang lugar ay hindi nila ako iniiwan. Kapag
uuwi kami galing sa school hindi sila umaalis hangga't wala ako, kapag
bibili ako ng ice cream lagi silang naghihintay sa akin, kapag may
bibilhin akong mga project lagi silang nakasunod sa akin. Maging ang
bakasyon ko ngayon, nandito sila at sinamahan ako.
Triton and Ahmed are weird today. Ganito ba talaga ang nangyayari kapag
natutusok ng karayom sa daliri?
Bumaba na ako sa attic at sinimulan ko na silang tawagin dalawa.
"Triton? Ahmed?" nagpalakad lakad ako sa kabuuan ng bahay ni lola pero
wala na akong makitang kahit anino ng dalawa.
"Triton? Ahmed? Ayaw ko maglaro ng taguan ngayon. Nalulugi lagi ako kapag
ako ang taya! Dinadaya niyo akong dalawa!" sigaw ko habang nagpapalinga
linga ako.
Dahil mabilis akong napagod, naupo na lang ulit ako sa lumang sofa at
nang makaupo ako dito ay biglang tumunog ang telepono ko. Tumatawag si
Ahmed.
"Hello, nasaan kayo?" bungad ko sa kanya.
"Umuwi na si Triton, sinundan ko na lang. I am worried about him, you
know that was a serious case. He is not yet fully recovering.." nang
sabihin ito sa akin ni Ahmed hindi ko maiwasang hindi mapahikbi.
"Tama ka Ahmed, I shouldn't have shouted. Kung hindi sana ako sumigaw
hindi sana siya nagulat at natusok ng karayom." Mabilis kong pinahid ang
tumakas na luha sa mata ko.
"What thedon't tell me you're crying already Euphie?!" malakas na tanong
sa akin ni Ahmed.
"I am not! Bakit naman ako iiyak!?" pagsisinungaling ko.
"Cutie little liar. Should I go back there Euphie? Patatahanin muna kita
saka na si Triton." Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang
linya.
"I am not crying Ahmed, nakakainis ka! Uuwi na rin muna ako." I pouted my
lips.
"Nakakainis na naman. Lagi ka na lang naiinis Euphie, cute. Ingat ka sa
biyahe, hihintayin kita sa sakayan. Umupo ka sa tabi ng mga babae okay?
Kapag sikip ang jeep huwag ka nang sumakay." Tumango ako na parang
kaharap ko lang si Ahmed.
"Okay.."
"Good girl. Kapag basa ang mata mo Euphie, pipitikin kita sa ilong."
Pagbibiro niya.
"Hmmp! Sige na, baka maubos ang load mo." May sasabihin pa sana siya sa
akin nang patayin ko na ang telepono ko.
Mabilis akong nag ayos sa aking sarili, inayos ko na rin ang playstation
nila na naiwan at inilagay ko ito sa isang paperbag. Tulad ng sabi ni
Ahmed nang sumakay ako sa jeep ay pinili kong tumabi sa mga babae, alam
ko na nakaabang na siya sa akin baka pitikin niya ang ilong ko kapag
nakita niyang hindi ako sumunod sa sinabi niya.
"Para na po!" hindi pakinig ng driver.
"Para na po!" sigaw ko dahilan para magprenong bigla ang driver. Mabuti
na lang at nakahawak ako ng maayos. Lampas na ako.
Bumaba na ako sa dyip, hinanap ng mata ko si Ahmed. Ang gwapo kong
kababata, kilala sila sa school namin. Ahmed and Triton the famous duo,
though they had opposite personalities they managed to be a good
bestfriends.
"Euphie!" lumingon ako sa tumawag sa akin. Si Ahmed na may hawak na
malaking payong at isang vanilla ice cream. Nagmadali na akong humakbang
papalapit sa kanya kahit siya ay ganoon din para magkasalubong kami.
"What's that? Hirap na hirap ka sa pagbubuhat." Inagaw niya sa akin ang
paperbag na hawak ko, inabot niya sa akin ang ice cream at payong.
"Dapat iniwan mo na muna ito." Naiiling na sabi niya. Inagaw niya ulit sa
akin ang payong at siya ang nagpayong sa amin dalawa.
"Eat your ice cream, matutunaw pa 'yan." Dahil kahinaan ko ang vanilla ay
tumango na lang ako.
"But before anything else, can I see your eyes Euphie?" nagulat ako nang
yumuko sa akin si Ahmed at halos hindi ako makahinga sa kaunting
distansya ng mga mukha namin.
"Pinunasan mo na," natatawang sabi niya.
"Yumuko ka ulit Ahmed." Napatitig siya sa akin na may kunot noo.
"Yuko ka ulit Ahmed," tumigil siya sa paglalakad at yumuko siya ulit sa
akin. Ngumisi ako at pinitik ko siya ng malakas sa ilong niya.
"Aww.." hawak niya ang ilong niya.
"Panalo ako," I stuck my tongue out, na siyang lagi kong ginagawa kapag
naiisahan ko sila ni Triton.
Dahil pwede naman na lakarin hanggang sa makarating kami sa mga bahay
namin ay naglakad na lang kami ni Ahmed.
"Kailan ka babalik sa bahay ng lola mo?" tanong nito sa akin.
"Baka bukas, kakausapin ko muna si Triton. Nakausap mo na ba siya?
Nahihiya ako kay Tita, dapat ay hindi ko na kayo dinala sa attic." That
was a wrong move Euphie.
"Nah, she won't be mad. You are her favorite girl. Mahal na mahal ka nga
ng mga mommy namin. You are our mother's baby girl. You have an
effortless charm Euphie, maybe you can't notice it but to the person
around you--" hindi ko magawang makapagsalita kay Ahmed dahil nalilito
ako sa mga sinasabi niya sa halip ay pinili ko na lamang tumitig sa
kanya.
Nang mapansin niya nakatitig lang ako sa kanya ay bigla na lang siyang
tumigil sa pagsasalita at tumingin siya sa ibang direksyon.
"Ang pula ng tenga mo Ahmed." Ngising sabi ko. Bakit kaya bigla na siyang
namula?
"Oh f--don't mind my ears Euphie." Nagkibit balikat na lang ako.
Hindi din nagtagal ay nakarating na kami sa lugar namin.Sumalubong sa
amin ang paalis na sasakyan ng parents ni Ahmed.
"Son, may kailangan tayong daanan sa kabilang bayan. I need your help. Hi
cute Euphie." Bati sa akin ni Tito.
"Hi po tito.."
"But Dad"
"Go Ahmed, salamat sa pagsundo!" inagaw ko sa kanya ang payong.
"Alright.." sumakay na siya sa kotse.
"Ingat po kayo," ngiting sabi ko.
"I'll be right back. Kapag mainit ang ulo ni Triton huwag mong pilitin,
just wait for me. We'll talk to him together." Paalala sa akin ni Ahmed.
"Why? Nag away na naman ba kayo?" nagtatakang tanong ni Tito.
"Nah, let's go Dad." Kumindat pa si Ahmed at Tito sa akin bago na
tuluyang umalis ang kanilang sasakyan.
Dahil matigas ang ulo ko, hindi ko sinunod ang bilin ni Ahmed. Nagdiretso
ako sa bahay ni Triton, sinalubong ako ng mama niya.
"Oh, Hi cute cute girl." Tuwang tuwa akong niyakap ni Tita Taliya. Ganito
na lang lagi ang tawag nilang lahat sa akin 'Cute girl'
"Si Triton po?" pinapasok na ako ni Tita.
"Nag away na naman ba kayo ni Triton? Umuwi siya kaninang medyo mainit
ang ulo, hindi makausap." Nag away ba kami ni Triton? Hindi ko naman alam
na mangyayari 'yon.
"Pwede ko po ba siya makausap?"
"Why not? Katukin mo lang siya sa kwarto niya. I'll just prepare your
merienda." Mabilis akong iniwan ni Tita.
Nasa harap na ako ng pinto ng kwarto ni Triton.Kumatok muna ako, walang
nasagot.
Kumatok ulit ako, wala na naman. Nilakasan ko na ang pagkatok.
"I won't eat please," sigaw ni Triton mula sa loob.
"Triton si Euphie ito. Can you open this?" nakarinig ako nang malakas na
dagasa sa loob.
"Whawhy are you here? Umuwi ka?" tanong niya sa akin.
"Wala ako dito kung nasa mga lola pa ako. How are you? I am sorry about
what happened, hindi ko naman sinasadya." Mahinang sabi ko.
"Nah, it's okay. Go home, baka hanapin ka na ng lola mo."
"Are you mad? Bakit ayaw mo akong pagbuksan ng pintuan?"
"No, makalat ang kwarto ko Euphie. Sige na, dadalawin ka namin ni Ahmed
bukas." Pagtataboy niya sa akin.
"Bakit sabi ni Tita mainit daw ang ulo mo kanina? Sige, babalik na nga
lang ako. Nakikipagbati na nga ako, nakakainis ka Triton." Nang tumalikod
na ako sa pintuan ay nakarinig na naman ako ng malakas na dagasa mula sa
kwarto niya.
"Inis ka na naman! Fuck, wait." Narinig ko ang pagbubukas ng pintuan.
"Fat cheeks! Hindi nga ako galit!" nilingon ko si Triton at halos mamula
ang pisngi ko nang makitang nakasuot lang siya ng boxers.
May kung anong nalaglag na magazine sa paanan niya. Saktong nabukas ito
sa isang babaeng dahon lang yata ang itinakip sa katawan.
He's a pervert! I rolled my eyes.
"Fuck!" agad itong sinipa ni Triton palikod.
"Hintayin mo ako, magbibihis lang ako. Inis na naman si Euphiemia."
Naiiling na sabi niya.
Pumunta na lang ako sa sala habang hinihintay si Triton. Mukhang naligo
pa yata dahil ang tagal ng pinaghintay ko.
Katabi ko rin si Tita nanunuod ng tv, narinig ko pa ang tipid na pagtawa
ni Tita nang makita namin na pababa na ng hagdan ang bagong ligong si
Triton.
"Let's eat Euphie," tipid na sabi niya.
"Go.." agad na sabi ni Tita. Sumunod ako kay Triton sa kusina na nakaupo
na at ngumunguya na ng tinapay.
"Dapat hindi ka na pumunta dito. I am fine, don't worry." Bungad niya sa
akin.
Kinuha ko ang coco jam na siyang gusto kong ipalaman sa tinapay ko.
Sinubukan ko itong buksan pero hindi ko mabuksan.
"Give me, bubuksan ko." Tamad na sabi ni Triton.
"Wait, kaya ko."
Pinandigan ko at pinilit kong buksan. Pero kahit anong gawin ko ay hindi
ko pa rin matanggal ang taklob nito.
"Ako na sabi," nakatayo na si Triton, nasa likuran ko na pala siya. His
arms are around me while his hands are on my hands.
"I'll teach you." Humigpit ang mga kamay niya sa kamay ko at sa isang
iglap ay nabuksan na namin ang coco jam.
"Hindi ko masyadong hinigpitan, baka masaktan ka." Mahinang sabi niya.
What?
"Thank you Triton," sagot ko sa kanya.
Sinimulan ko nang maglagay ng palaman sa tinapay ko pero ramdam ko na
nasa likuran ko pa rin siya.
"Thank you Euphie," napansin ko na humawak sa lamesa ang dalawang kamay
ni Triton habang nakakulong pa rin ako sa mga braso niya.
Parang tumigil ang oras nang naramdaman ko ang saglit paglapat ng labi
niya sa pisngi ko. He did kiss me.
"Thank you fat cheeks, you made me feel calm." Lumingon ako sa kanya.
Napapikit ako nang hipan niya ang mga mata ko, ilang beses akong
napakurap.
"Triton!" narinig ko siyang tumawa.
"How can you manage to be this cute Euphie?" naramdaman kong na may
pinahid siya sa pisngi ko.
"Maglalagkit ang pisngi ko Triton!" naglagay siya ng coco jam pisngi ko!
"Just don't do that to other guys okay? Magagalit si Triton, magagalit
ako Euphie." Bulong niya sa akin.
"Ofcourse, I won't do that. Kayo lang dalawa ni Ahmed ang tutulungan ko,
you are my bestfriends."
Nang sabihin ko ito ay mabilis siyang humiwalay sa akin at naupo siya at
bumalik sa pagkain.
"I see.."
--
VentreCanard
Chapter 2
Chapter 2
Kumakain pa rin ako ng tinapay habang tahimik lang rin si Triton na
kumakain. Pansin ko na pasulyap-sulyap siya sa akin at kapag tumitingin
ako sa kanya ay nag iiwas siya ng tingin. What is wrong with him?
"Triton? bakit mo ako tinitingnan?" tanong ko sa kanya habang may hawak
akong tinapay.
"I am not, bakit naman kita titingnan?" sagot niya sa akin na hindi
makatingin. Umiinom na siya ng gatas sa mismong kahon nito.
"Ikaw lang ba ang umiinom niyan dito Triton? You should use glass or
something, huwag ka nang iinom sa kahon. Kaya mo ba 'yan ubusin?" ngumiwi
siya sa akin nang sabihin ko ito.
"Just eat Euphie, papayat ang cheeks mo. Sige ka." Pang aasar niya sa
akin.
"May gatas ka naman sa labi. Such a baby," I rolled my eyes.
"Where?" sinimulan niyang punasan ang labi niya.
Sa pagpupunas niya ay umabot na ang kaunting gatas sa tungki ng ilong
niya. He's funny!
"Wala na ba Euphie?" he asked.
"Wala na.." natatawang sabi ko habang nakatitig ako sa tungki ng ilong
niya. Hindi niya ba makita?
"Meron pa siguro.." punas siya nang punas sa labi niya kaya hindi ko na
mapigilang tumawa.
"What are you laughing at?" iritadong sabi niya. Tumayo na ako at kumuha
ako ng tissue.
"Where are you going Euphie?" naalarma siya nang lumapit ako sa kanya.
Bakit kaya nagkakaganito si Triton? We're always this close since we were
kids pero napapansin ko na nagiging iwas na sila sa akin ni Ahmed simula
nang mag eighteen ako.
Wala na siyang nagawa nang makalapit ako sa kanya at marahan kong dinampi
sa tungki ng ilong niya ang tissue.
"Nandito Triton," umiiling na sabi ko. "Wala na!" I grinned at him.
"Wala na," he exaggeratedly copied my voice and gesture.
"Bakit parang paborito mo na yatang sabihin 'yang 'wala na' Euphie? Nasa
ilong pala, akala ko sa labi? Gusto mo lang akong punasan, pasimple ka
pa." I pouted.
"Kasi pati ilong mo umiinom. You keep on telling me that I am such a baby
but that's a no. Kayong dalawa ni Ahmed ang mga baby, baka umiyak kayo
kapag nawala ako." Pagbibiro ko sa kanya. Naupo na ulit ako sa aking
upuan.
"Yeah definitely Euphie." I heard him whispered.
Nagkibit balikat ako. Nagpatuloy ako sa pagkain hanggang sa mapansin ko
na pumangalumbaba na siya habang pinagmamasdan ako.
"Huli ka!" itinuro ko pa siya gamit ang kutsarang hawak ko.
"Yes, I am staring at you. May tanong ako sa'yo Euphie, seryoso." He
looked so serious.
"Minsan ba Euphie alam mo ang ginagawa mo?" ilang segundo akong napatitig
sa kanya. Hindi ko nakuha ang tanong niya.
"What do you mean? Alam ko ang mga ginagawa ko Triton, bakit may mali ba
akong nagagawa sa kapwa ko na hindi ko na napapansin? I am sorry for
that, just stop me if I am being too much." Baka nga may nasasabi na
akong masama sa kapwa at ginagawang biro lamang ito, mabuti at nasabi ito
sa akin ni Triton.
Umawang ang mga labi niya sa mga sinabi ko.
"How can I stop you from doing that Euphie?" halos sabunutan niya ang
sarili niya.
Doing what? Bakit ayaw niyang sabihin sa akin?
"Kulbitin mo na lang ako tapos bulungan mo ako na tumigil. Na sumosobra
na ako, something like that?" kinagat ko na ang tinapay habang natulala
na sa akin si Triton.
"What theWhy am I still talking to you Euphie? Ang hirap mong kausap." He
looked frustrated. Nagkakaintindihan naman kami, bakit parang kung
magsalita siya ay wala akong nakukuha sa mga sinasabi niya?
"Nakakainis ka! Sumasagot lang naman ako sa tanong mo tapos mahirap akong
kausap?!" lalong nangunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Inis na naman si Euphie, talo na naman si Triton." He stuck his tongue
out to annoy me.
He's always like that, lagi niyang sinasabi ang sarili niyang pangalan
kapag nagbibiruan kami. I find it cute. Magagalit si Triton, ayaw ni
Triton, hindi gusto ni Triton, mapapaaway si Triton.
"Kasi ikaw, sinasagot ko lang naman ang mga tanong mo tapos ako ang
sasabihan mo nang magulo?" bumuntong hininga na lang siya sa sinabi ko.
"Sorry for that Euphie, hindi ka naman talaga magulo. Nadidistract lang
siguro ako sa pisngi mo." Umiinit na naman ang ulo ko sa kanya.
"What's with my cheeks? Bakit lagi na lang pisngi ko Triton? Isa pa! Isa
pa talaga Triton!" naiiyak na naman ako.
"Cute nga ang cheeks mo, huwag ka nang magalit. Natutuwa lang ako sa'yo."
Hindi ko siya pinansin.
Tumayo na ako at kumuha ako ng tubig sa refrigerator. Pagkainom ko ng
tubig, uuwi na ako. Mag aaway lang kami nitong si Triton.
"Dito ka muna Euphie, aalis din si Mommy at Daddy. Nuod tayo ng tv."
Inirapan ko siya.
"Anong gusto mo? I'll give it to you, para bati na tayo." Ngumisi ako sa
sinabi niya.
I like his offer. Alam na alam talaga ni Triton kung paano niya ako
mapapasunod. He's bad.
"Tuturuan mo akong magdrive?"
My parents didn't allow me to drive yet though I'm already eighteen. But
Triton can teach me secretly, he's good at driving.
"Sure, no problem." Mabilis na sagot niya. Bumalik ako sa upuan ko na
parang walang nangyari.
"Hindi na ako galit, anong movie ang papanuorin natin?"
"Gusto ko horror," namutla ako sa sinabi niya.
"Ayoko ng horror!" he laughed.
"Wala na rin tayong driving lessons." My eyes narrowed.
"Pagtitripan mo lang ako kapag horror Triton."
"I am not, tatakpan ko na lang ang mata mo or you can always hug me." I
let out a deep sigh. Wala akong pagpipilian.
"Fine, fine.."
"Great! So let's go?" tumayo na siya sa upuan niya pero may naalala akong
itatanong ko dapat sa kanya.
"Triton wait, look at this." I showed him my phone. Umupo siya sa tabi ko
para makita niya nang maayos.
"I got a friend request, ikaw lang ang mutual friend namin. Nag message
rin siya sa akin noong isang araw, sabi niya ang cute ko daw. Di ko lang
sini-seen."
Nang mabasa niya ang pangalan ng lalaking sinasabi ko ay agad niyang
inagaw ang telepono ko.
"Idedelete ko 'to! Ibablock ko na pala! Gago 'to! Why is he chatting
you?!" he looked irritated and mad. He deleted the message.
"Hindi mo kilala si Troy Ferell? Bakit friends kayo?" nagtatakang tanong
ko.
"Huwag na huwag kang mag-aaccept ng may apelyidong Ferell, mga fuck boy
ang mga 'yon." Ngumiwi ako sa sinabi niya.
"May friend ka na fuck boy Triton? I thought you're different." Mahinang
tanong ko sa kanya.
"I am different! Mas matino ako sa mga 'yan. Aksidente ko lang sigurong
napindot ito. Wait, iboblock ko na rin ang iba."
Lahat na yata ng Ferell niblock niya. Habang abala si Triton sa isa kong
phone at nilabas ko naman ang isa ko pang maliit na telepono.
I did search this 'Troy Ferell' bakit ganito na lang ang reaksyon nitong
si Triton? Nang tingnan ko ang mga picture nila halos iisa lang ang
masasabi ko, ang gaganda nilang lalaki. Para silang may mga lahing
espanyol, americano at kung anumang lahi. Natigil ako sa pagscroll nang
makakita ako ng mga pictures na kasama nila si Triton. Nagsisinungaling
ang lalaking katabi ko.
"Sinungaling ka Triton, you're one of them." Naniningkit na ang mga mata
ko sa kanya.
"What?" saglit lang siyang sumulyap sa akin pero nang mapansin niya na
may hawak akong ibang telepono ay nanlaki ang mga mata niya.
"You should not hang out with them if they're bad influence." Inagaw niya
ulit ang telepono ko.
"Hindi na, hindi ko na sila friends. Just don't accept any of request
from them."
"Look.." may ipinakita siya sa akin na close up na picture ng lalaking
maputi, gwapo at may hikaw sa tenga.
"Hikaw pa lang fuckboy na, huwag mo rin silang ngingitian kapag
nakasalubong mo sila. Okay?" nakatitig lang ako sa kanya. Bakit ako ang
iiwas? Hindi ba ay siya dapat?
"Wala naman akong pakialam sa kanila Triton, nagtanong lang naman ako
kung kilala mo." Seryosong sagot ko.
"Alright, alright. Manuod na nga lang tayo ng tv." Pag iiba niya ng
usapan.
Ibinalik na niya sa akin ang mga telepono ko. Lumabas na kami ng kusina,
agad naming nakita si Tito at Tito na nakabihis na parang may party na
pupuntahan.
"Triton, honey. Aalis lang kami ng Daddy mo, be a good boy. Huwag mong
laging inaasar si Euphie." Ginulo ni Tita ang buhok ni Triton at mabilis
naman ako nitong hinalikan sa pisngi.
"Yes mom.." sagot ni Triton habang inaayos ang magulo niyang buhok.
"Call Ahmed kapag inaaway ka na naman ni Triton." Agad akong tumango.
Pakinig ko ang bulong na mura ni Triton.
"Yes Tita.." kumaway na rin sa amin si Tito hanggang sa maiwan na kaming
dalawa sa bahay.
Naupo na ako sa sofa habang inaayos niya ang papanuorin namin.
"Anong papanuorin natin Triton?" tanong ko sa kanya.
"Lights out," hindi ako nakapagsalita sa sagot niya. Parang nakakatakot
na sa title pa lang.
"Bakit gustong gusto mo ng horror? Kapag kayo naman ni Ahmed ang
magkasama puro action ang pinapanuod niyo. Pwede naman sa akin ang action
Triton." Pagkumbinsi ko sa kanya.
"Horror is fun Euphie, especially if I'm with you." Ngising sagot niya sa
akin. Kailan pa naging 'fun' ang nakakatakot? Sabagay natutuwa siyang
pagtripan ako.
Tumabi na sa akin si Triton, pansin ko na inilagay niya ang kanang braso
niya sa sinasandalan ko na parang nakaakbay siya sa akin. I don't mind at
all, matagal na naman siyang ganito.
"Triton mamaya mo na iplay. Gusto ko nang kumot at unan, nilalamig ang
paa ko." Ngusong sabi ko sa kanya.
Nakaawang ang mga labi niya habang nakatitig sa akin.
"Euphie, you're already eighteen. Para ka talagang bata." Naiiling na
sabi niya.
"Huwag na nga lang," bakit ba sinanay nila ako ng kumot at unan kapag
nanunuod kami ng horror? Lagi ko tuloy hinahanap.
"Alright, wait. Triton gusto ko nang kumot at unan," tumatayo siya habang
ginagaya na naman ang paraan ng pagsasalita ko na masyado niyang
ginagawang exaggerated.
Napapairap na lang ako. I paused the movie. Hindi din nagtagal ay bumaba
na si Triton na may dalang kumot at unan. Inabot niya ito sa akin.
"Ano pa po mahal na prinsesa Euphiemia? Baka tulugan mo lang ako,
kakagatin ko ang tenga mo." Hindi ko siya pinansin.
Sinimulan kong amuyin ang unan at kumot na binigay niya sa akin.
"These are yours right? Hmm.. amoy Triton." Natutuwang sabi ko.
Pansin ko na natulala na naman siya sa akin na parang may mali na naman
akong nasabi. Katulad ni Ahmed, agad namula ang mga tenga niya maging ang
buong mukha niya.
"Euphie..listen.." nanghihina siyang humawak sa magkabilang balikat ko at
bahagya siyang nakatungo na hindi makatingin sa akin. Naramdaman ko na
inilapit niya sa tenga ko ang mga labi niya.
"You can't say that to other boys Euphie. Okay? How can I stop you from
doing these innocent little things if I'm loving it?"
--
VentreCanard
Chapter 3
Chapter 3
Habang tumatagal lalo ko nang hindi naiintindihan ang mga sinasabi at
ikinikilos ni Triton. He's getting weirder and weirder.
"Why would I tell it to other boys Triton? Sa'yo lang naman ako nahiram
ng kumot. And I can really smell your scent in here, you're weird."
Itinulak ko ang noo niya para lumayo siya sa akin. Itinaas ko na ang paa
ko at ibinalot ko na ang sarili ko ng kumot habang nakayakap ako sa unan.
"You are really impossible Euphie." Umiiling na sabi niya.
Ni-play na niya ulit ang movie. Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka
mag- away na naman kaming dalawa.
Umpisa pa lang ay patay na ang ilaw sa movie, awtomatiko akong napahawak
sa manggas ng tshirt ni Triton.
"Triton.." bumibilis ang tibok ng puso ko habang pinapanuod na sunod
sunod namamatay ang ilaw na siyang dinadaanan ng bidang lalaki.
"Triton.." pahigpit na nang pahigpit ang pagkakahawak ko sa tshirt niya.
Nagmamadali na sa paglalakad ang lalaking nasa movie.
Walk faster! Bakit pakiramdam ko ay ako ang hinahabol ng multo?
"Triton, nakakatakot na!" sigaw ko.
Nang lumingon ako sa kanya ay sa akin siya nakatitig pero mabilis din
siyang lumingon sa tv.
"Woah, aabutan na siya Euphie." Biglang sabi niya.
Tumakbo na ang bidang lalaki sa loob ng isang napakadilim na kwarto na
maraming mannequin. Lumalakas na ang nakakatakot na background music.
"Triton!" napasigaw na ako sa sobrang takot.
"Come here," mabilis akong hinila ni Triton kasama ng kumot at unan na
yakap ko.
Siya mismo ang kumuha ng unan sa mga braso ko at sa halip iniyakap niya
ang mga braso ko sa kanya habang nakapulupot ang isang braso niya sa
akin. Naririnig ko ang marahan niyang pagtawa.
I don't care anymore, I am tightly hugging him while I am busy screaming
on the top of my lungs.
"Oh my god! Inabutan na siya Triton!" bigla na lamang bumagsak ang walang
buhay na katawan ng lalaki sa movie.
The creepy ghost killed him.
"Ang cute cute ng kababata kong ito tapos hahabulin lang ng multo? No
way, Triton won't let that happen." Sa halip na mapatingin ako sa tv ay
umangat ang paningin ko kay Triton.
I felt something on my head.
"Did you just kiss me Triton?" I asked him.
"Oh? Guni-guni mo lang siguro. Basa na ang ilong mo, selosa." Napapikit
ako nang lumapat ang isang daliri niya sa ilong ko para tanggalin ang
pawis ko.
"Ikaw din naman, mabilis din mamawis ang ilong mo. But not now, hindi ka
naman kasi natatakot." He grinned at me.
Kakalas na sana ako sa pagkakayakap sa kanya nang hindi siya pumayag.
"May lalabas pang multo Euphie." Inayos niya ang kumot at nakihati siya
sa akin. Kinuha niya rin ang remote ng aircon at nilakasan niya ito.
"Pawis na pawis ka na agad Euphie, teaser pa lang 'yon." Gamit ang kamay
niya ay pinunasan niya ang pawis sa noo ko.
"You know you Euphie, sabi ni Mommy ang mga may nunal daw sa may noo o
kahit saan malapit sa taas ng ulo ay matatalino. That's no doubt, you're
smart but still--- wala ba natatanong ang mga kaibigan mo sa'yo?" may
maliit akong nunal sa may noo ko pero malapit na ito sa buhok ko,
papaanong pati maliit na nunal ko pansin pa nitong si Triton?
He paused the movie. Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya at sumandal
ako sa sofa.
"Bakit ganyan ka Triton? Kanina ka pang tanong nang tanong sa akin. Ano
naman ang itatanong nila sa akin?" kunot noong sabi ko sa kanya.
"Something like you're too innocent?" innocent?
"What?"
"How can I explain this? Damn. What if other guys will misinterpret your
actions Euphie? Hindi lang kami ni Ahmed ang nakakasalamuha mong lalaki.
Ako at si Ahmed, alam namin na sadyang ganyan ka. You are naturally cute
not like those girls who are trying to be one, but what if boys will
misunderstood you? Baka akalain nila nagpapacute sa kanila? Anong gagawin
ko kapag may na-inlove sa'yo sa paganyan ganyan mo lang?" halos sabunutan
niya ang sarili niya habang nakatitig ako sa kanya.
"Thank you for your concern Triton, pero hindi nga ako pinapansin ng
crush ko." Mahinang sabi ko.
"What the fuck? May crush ka? Who?" tanong niya sa akin na kunot na kunot
ang noo.
"Look! Basa na ang ilong mo Triton. Seloso." Ginaya ko ang ginawa niya sa
akin kanina.
Mabilis niyang tinanggal ang kamay ko sa mukha niya.
"Who is your crush Euphie?" seryosong tanong niya.
"I won't tell, friend nyo siya ni Ahmed. Don't worry, hindi ko pa rin
kayo ipagpapalit ni Ahmed. You're the best of the best."
Mabilis akong lumuhod sa sofa at hinawakan ko ang magkabilang balikat
niya. Hinipan ko ang mga mata niya gaya ng lagi niyang ginagawa sa akin.
Ilang beses siyang napakurap sa ginawa ko habang namumula ang kanyang
tenga. Bumalik na ako sa pagkakaupo ko at inayos ko na ang kumot.
"Let's watch again, Triton." I smiled at him.
Pansin ko na parang natulala na ito sa akin. What's wrong with him?
Huminga na ako ng malalim at matapang na akong humarap sa tv.
"Euphie that one, ginagawa mo rin ba 'yon kay Ahmed?" lumingon ulit ako
sa kanya.
"That one?"
"Hinihipan mo rin ang mata ni Ahmed?" mabilis akong umiling sa kanya.
"That's between us. Huwag kang maingay okay? Baka magselos si Ahmed at
tsaka ikaw naman ang nag umpisa, ginaya lang kita." Ngising sabi ko sa
kanya.
Mas lalo nang namumula ang tenga niya. Is he allergic or something?
"Triton?" ipinilig niya ang ulo niya nang tawagin ko ang pangalan niya.
Hindi ako nakagalaw nang hawakan niya ang pisngi ko at pisilin niya na
naman ito.
"Euphie you're so cute," binitawan niya ako at nagpatuloy kami sa
panunuod.
Habang nanunuod kami, hindi ko man lang makita ang takot mula sa kanya.
Siya lang ang nakikita kong nakangiti na nanunuod ng horror.
Nagkibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ko ang panunuod ng horror.
Para hindi daw ako masyado matakot ay hinawakan ni Triton ang kamay ko
habang wala akong tigil sa pagsigaw.
"No, no! Huwag tumakbo ka sa may ilaw!" sigaw ko sa bida na parang
maririnig niya ako. Tawa lang nang tawa sa akin si Triton.
"Napanuod mo na siguro ito!" reklamo ko sa kanya.
"Hindi pa, natatakot din ako Euphie." Ngumuso ako sa sinabi niya.
Nang hindi na ulit nakakatakot ang scene ay nagsalita na naman si Triton.
"Euphie about the friend request a while ago, who do you think is more
handsome? Me or that Troy Ferell?" nawala na naman ang atensyon ko sa tv
dahil sa tanong ni Triton.
"Ofcourse mas gwapo ka sa kanya Triton, hindi ka mukhang fuckboy katulad
niya. Though he's fairer than you, still you're much charming and nice
looking compared to him. He looked so playful." Tango lang nang tango sa
akin si Triton.
"Are you jealous of him?" tanong ko sa kanya.
"No, hindi lang ako sanay na may pinupuri kang iba. That's all Euphie."
Hinampas ko siya ng unan.
"You're jealous! Don't worry, simula nang bata pa ako kayo na ni Ahmed
ang pinagwapo sa akin." Natatawang sabi ko.
"How can you say that so easily Euphie?" kunot noong tanong niya.
"I am just being honest so don't get jealous." I was about to pat his
head but he's too tall for me to reach.
Hindi ko na dapat ito gagawin nang biglang nagsalita si Triton.
"Here," he rolled his eyes.
Yumuko siya sa akin para maabot ko ang ulo niya. I grinned again. Instead
of patting his head, I caress his soft hair using both of my hands.
"Besides, kapag sinabi ko na mas gwapo sa'yo si Troy Ferell baka magtampo
ka sa akin. Three days ka pa naman magtampo, ang hirap mong aluin
Triton." Agad niyang ibinaba ang mga kamay ko at umuwi na siya nang
maayos.
"What the hell is that three days?" ngiwing tanong niya sa akin.
"Yes, three days.."
"Ikaw nga isang linggo ka kung magtampo sa akin tapos kay Ahmed isang
araw lang? You're unfair." No way. Isang linggo?
"I am not!"
"You are Euphie,"
"I am not sabi!"
"You are," hanggang sa mapahiga na ako sa sofa dahil walang tigil akong
kinikiliti ni Triton sa gilid ng tiyan ko.
"Triton stop!" tawa ako nang tawa habang walang tigil sa kakakiliti sa
akin si Triton.
"Triton!"
"Cute little honest girl," pilit kong pinipigilan ang mga kamay ni Triton
pero nagagawa pa rin ako nitong kilitiin.
"Triton sabi! I'm gonna die! Stop" hindi ako matigil sa pagtawa.
"Triton!"
"Seems like you're having fun guys. Why didn't you invite me?" tumigil
kami ni Triton sa kulitan nang makita namin si Ahmed na nakadungaw sa
amin.
"Ahmed!" tawag ko sa kanya.
Naupo na nang maayos si Triton ganoon din ako.
"Saan ka galing Ahmed?" tanong sa kanya ni Triton.
"Sa kabilang bayan, anong pinapanuod nyo?" tanong niya sa amin.
"Lights out," sagot ko.
"Horror.." matabang na sabi ni Ahmed. Pansin ko na nagkatitigan silang
dalawa ni Triton.
"What? Gusto rin naman ni Euphie ng horror." Malamig na sabi ni Triton.
Pinaggigitnaan na nila ako sa sofa.
"Muntik na naman kaming mag away ni Triton, Ahmed." Sumbong ko.
"I told you, hintayin mo na lang muna ako. Ano na naman ang pinag-awayan
nyo?" sumandal na rin si Ahmed sa sofa.
"Some petty things," sagot ni Triton.
"I got a friend request from a certain Ferell." Lumingon sa akin si
Ahmed.
"Really? May kilala akong Ferell, minsan nakasabay ko siya sa pag-serve
sa simbahan. Tanda ko pa na lagi siyang winiwisikan ni father ng holy
water dahil lagi siyang nakakatulog sa misa." Natawa ako sa sinabi ni
Ahmed.
"Sino?" tanong ni Triton.
"Tristan Ferell, he's my friend."
"Si Troy ang lagi kong nakakasama sa kanila." Umirap ako sa sinabi ni
Triton. Sinungaling talaga siya.
"Ofcourse, Troy Ferell is your bestfriend." Suminghap ako sa sinabi ni
Ahmed.
Sinungaling talaga si Triton!
"No! Hindi ko bestfriend 'yon!" pagtanggi ni Triton.
"Just blocked them Euphie, they're not good for girls." Tumango si Triton
sa sinabi ni Ahmed.
"Okay," sagot ko. Blocked na naman sila.
"Anyway, may kasalanan ako sa'yo Triton." Kapwa kami napatingin kay
Ahmed.
"What?"
"Nakita ko kanina sa kabilang bayan si Britanny tinanong ka niya sa akin
kung anong ginagawa mo. For sure she'll ask you for a date so I lied to
her, sinabi ko na may sakit ka. Pero mali yata ang nasabi ko, dadalawin
ka daw niya ngayon." Napatayo si Triton sa sinabi ni Ahmed.
"What the hell?" iritadong sabi ni Triton.
"I am sorry, don't worry isasama niya rin daw si Sydney. We're even
Triton." Tamad na sabi ni Ahmed.
Sumabat na ako sa kanilang dalawa.
"They're both sweet, kasi sila pa ang dumadalaw sa mga boyfriend nila. Be
happy Ahmed, Triton that you have caring girlfriends like them." Ngiting
sabi ko sa kanila bago ako tumingin na lang ulit ako sa tv at muling
nanuod ng movie.
And yes, I am the only single. Both of my handsome childhood friends are
sweetly taken.
--
VentreCanard
Chapter 4
Chapter 4
Nasa kalagitnaan ako sa pakikigpaglaro sa maraming pusa sa panaginip ko
nang magising ako dahil naramdaman kong may humila ng kumot ko.
Nakakainis naman, ayaw na ayaw kong mapuputol ang panaginip ko.
"Wake up! Wake up sleeping beauty!" ngumisi akong nakapikit nang marinig
ko ang boses ni mommy.
Wala akong pinagpilian kundi magmulat ng mata dahil hinawi na nito ang
kurtina ng kwarto ko.
"It's vacation mommy. Why can't you just let me sleep and sleep and
sleep?" bumangon na ako habang kinukusot ang aking mata.
"Uusok na ang likuran mo sa kama Euphie, ang dami nang nagawa ng mga
kababata mo tulog ka pa rin sa kama mo. Get up sunshine." I pouted.
Masisipag si Ahmed at Triton, I am not like them.
"Mommy, ang ganda na ng panaginip ko. I was playing with tons of
beautiful cats." She sat on my bed and kissed me on my forehead.
"You're allergic to cats Euphiemia, you know that. Fix yourself, your
breakfast is ready." Tumango ako sa sinabi ni mommy.
It was just a dream Euphie. I want to touch cute cats with white furs but
my allergy is forbidding me to do so. Haist.
Nag ayos na ako ng aking sarili, I was about to go down from my room when
I saw my room's terrace. Parang may natulak sa akin na magpunta muna dito
bago bumaba.
And there, I saw Triton getting two big blue containers of mineral water
on his owner jeep with his signature black sando. Saan kaya siya
magdedeliver?
"Triton! Good morning." I greeted him while waving my hand.
Mabilis niyang inangat ang paningin niya sa terrace at ngumiti siya sa
akin.
My childhood friends are not those typical rich kids, not spoiled brats
and not those guys who are always busy flaunting their expensive cars.
Lahat ng mga bagay na ginagamit nila ay pinaghihirapan nila. Tulad ng
sabi ko kanina, pareho silang masipag ni Ahmed. They're both ideal that's
why I am so proud of them.
Triton Octavious Montgomery, he's a responsible son, cute loving brother,
a good friend but always annoying. Montgomery family owns the whole water
supply of Enamel and I heard they are now expanding to different
provinces like Leviathan, Dumary and Mallet.
They are also engaged in water refilling station business with a lot of
branches all over the country. Dahil bakasyon si Triton siya ang
namamahala sa ilang branch dito sa Enamel at sa Levithan na siyang
katabing bayan lamang.
Isa pa sa business nila ay poultry farm, malawak ang lupain ng pamilya ni
Triton sa Batangas. Marami na ring iba't ibang malalaking fast food chain
ang kumokontrata sa kanila para eksklusibong kumuha sa kanila ng
magagandang kalidad ng manok at mga itlog. Ilang beses ko na rin nakikita
sa tv sina Tito at Tita na naiinterview sa tagumpay ng kanilang mga
negosyo.
Hindi ko maiwasang hindi mapangisi, I can still remember our baking
class. Galit na galit si Triton sa pagbabati ng itlog dahil naaalala niya
na mas marami pa daw siyang ginawa sa poultry nila kaysa sa mismong 'boy'
ng kanilang farm.
"Triton, you're handsome today. Saan mo idedeliver 'yan?" Binuhat na niya
ang dalawang container ng mineral water.
"Sa bahay nyo, bumaba ka na. Tanghali ka na naman gumising, ang layo na
ng narating ko." He shouted.
I stuck my tongue out, umalis na ako sa terrace at nagmadali na akong
bumaba. Nagdiretso si Triton sa kusina at siya na mismo ang naglagay nito
sa sadyang pinaglalagyan namin. Alam na rin naman niya dahil siya lagi
ang nagdedeliver.
"See? I told you, ang dami nang nagawa ni Triton tulog ka pa rin. Maupo
ka na rin Triton, sabayan mong kumain itong si Euphie." Naglabas na rin
ng plato si mommy para kay Triton.
Ngumisi ako nang makitang lasagna at pomelo juice ang inihanda ni mommy
para sa akin.
"Thank you Tita.." sabi ni Triton bago ito naupo.
Magkaharapan kaming dalawa. Si mommy pa mismo ang naglagay ng pagkain sa
plato habang nakatitig lang sa akin si Triton, nakangisi na naman siya sa
akin.
Biglang tumunog ang telepono.
"Oh, I'll just pick up the phone baby." Ibinigay sa akin ni mommy ang
serving spoon at ako na ang nagtuloy.
"Para ka pa rin talagang bata Euphie." Nakapangalumbaba na siya sa harap
ko ngayon.
"I know," I rolled my eyes. Inabot ko sa kanya ang serving spoon sa kanya
para kumuha na rin siya ng kanyang pagkain.
"Saan ka pa nagdeliver ng tubig?"
"Sa malapit lang," tumango ako.
Sa tuwing nakasuot ng sandong itim si Triton hindi ko mapigilan na
mapatitig sa kanya at sabihan siya ng 'gwapo.' Wala namang masama dahil
hindi ako nagsisinungaling.
According to mommy Triton has a british blood, kaya ubod siya ng gwapo.
Marami rin akong mga kaklase na nagkakagusto sa kanya at karamihan ay
nagpapalakad sa akin. Minsan tinulungan ko sila pero nagalit sa akin si
Triton at tatlong araw niya akong hindi kinausap.
"What's with that stare Euphie?" hindi siya sa akin makatingin ng
diretso. Natigil din ako sa pagsubo at pansin ko na kanina pa nga akong
nakatitig sa kanya.
"Triton alam mo gustong gusto ko kapag suot mo ang sandong itim na 'yan.
You look so handsome, kaya maraming nabili ng tubig sa'yo." Pagbibirong
sabi ko.
Ilang beses siyang inubo sa sinabi ko at hindi siya magkaintindihan sa
pag inom na tubig habang pulang pula.
"What the hell Euphie? You can't just bluntly say that!" pinagpatuloy ko
na lang ang pagkain.
"Why? I will be happy if someone will compliment me. Bakit ganyan ang
reaksyon mo? You're weird." I shrugged my shoulders.
"Oh shit, ayaw ko na. Uuwi na ako." Tumayo na ito.
"Hindi mo uubusin?"
"How? Hindi ako makakain sa'yo." Iritadong sagot niya.
Nagsimula na siyang maglakad papalabas sa kusina pero bumalik siya sa
akin at inilahad niya ang kamay niya sa akin.
"What?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ang bayad sa tubig," matabang na sabi nito.
"Hindi ako ang magbabayad, si mommy."
"May kausap ang mommy mo sa telepono Euphie, bawal ang utang sa negosyo
ko." Kumunot ang noo ko sa kanya bago ako sumigaw.
"Mommy! Sinisingil ako ni Triton!"
"Baby, ikaw muna ang magbayad may kausap lang si mommy." Sigaw pabalik sa
akin ni mommy.
"Kumakain pa ako Triton," ayokong naabala ako sa pagkain.
"Uuwi na ako Euphie," kapitbahay ko lang naman siya. Bakit hindi pa siya
maghintay?
"Sige na, wait!" padabog akong bumalik sa kwarto ko at kumuha ako ng
pera. Nang bumalik ako sa kusina at nakasandal na sa lamesa si Triton
habang hinihintay ako.
"Ito, susuklian mo pa ako," ngumisi ito sa akin.
"Wala na itong sukli Euphie, sixty pesos ang presyo ng tubig ko. Wag kang
kuripot." Akala ko ay iiwan niya na ako nang yumuko siya at mabilis hipan
ang mga mata ko.
"Bye bye Euphiemia.."
Inirapan ko siya kahit nakatalikod na siya sa akin. Sigurado akong mamaya
ay dadating na rin si Ahmed, lagi silang magkasunod ni Triton kapag
pumunta sa bahay. Kung si Triton ay nagdedeliver ng tubig si Ahmed naman
ay tinapay.
Yes, Al-Muzaini's family is into cakes and pastries business. Katulad ng
negosyo ng pamilya ni Triton laganap din ang iba't ibang pastries shop ng
pamilya ni Ahmed at hindi lamang dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa.
Al-Muzaini's bakeshop is all over the country, napakarami din nitong mga
branch na hinding hindi rin mawawala sa mga mall, sa mga sikat na
schools, sa iba pang naglalakihang mga hotel at maging sa mga resorts.
Not just bakeshop they also owned the large catering service in the
Philippines. Karamihan sa mga kliyente ng pamilya ni Ahmed ay mga
artista, mga negosyante at mga kilalang tao sa lipunan.
Ahmedabad Simeon Al Muzaini, another responsible son, loving brother,
good student and a sweet friend. And yes, Ahmed has an arab blood. Maybe
his grandfather? Halata naman sa apelyido niya.
Naalala ko ang sinabi ng isa mga kaklase ko, hindi daw lahat ng bombay ay
nag pafive-six may mga hot at gwapo talaga na katulad ni Ahmed. At mas
pipiliin mo na lang daw magpatong patong ang interes sa'yo at singilin ka
sa utang mo sa kahit anong gutsto nitong paraan. Hindi ko nakuha ang ibig
niyang sabihin kaya tumango na lang ako. Hindi naman kasi nagpapautang si
Ahmed.
Kung si Triton ay laging nakangisi si Ahmed naman ay minsan ko lang
makitang ngumiti. They are both handsome in their in way, pareho silang
maputi, mas matangkad ng konti si Ahmed, mas expressive din ang mata niya
at matalino din siya. Tahimik din siya at nagsasalita lang siya kapag
kinakausap pero masarap siyang kasama. He's not only gentle and nice,
he's also sweet, kaya lagi akong nakangiti kapag kasama ko siya. I am at
peace when I am with Ahmed.
While Triton, he's always cheerful, he's loud and always annoying.
Matalino rin naman siya katulad ni Ahmed pero mas nabibigyan niya ng
pansin ang sports, he's a soccer player. I like Triton's hair, his red
ears and also his avoiding eyes na lagi kong hinihipan. I also love
Triton's smile, nakakadala ang ngiti niya. Kapag kasama ko siya lagi
kaming naaaway pero sa huli laging siya ang nauunang lumapit sa akin at
nakikipagbati. He's also sweet pero laging mabilis lang, binabawi niya
lagi ang pagiging sweet niya kapag may nasasabi o nagagawa ako sa kanya.
Maraming beses na rin niyang iniiwasang makipagtitigan sa akin. Mas weird
siya kay Ahmed.
Pareho naman sila, everytime that I am trying to be sweet like them gusto
na nilang makalayo agad sa akin. Siguro ayaw talaga nilang naglalambing
ako.
Natigil ako sa pag iisip nang magulat ako sa mainit na bagay na lumapat
sa pisngi ko.
"Newly baked bread for this cute girl." Kumindat sa akin si Ahmed na may
dala ng supot ng tinapay.
"You baked it?" tanong ko sa kanya. Kahit alam ko naman na lagi niya
akong pinagbabake ng tinapay, cookies at cakes.
"Always," napansin ko na sumulyap siya sa dalawang container na tubig.
"Dumaan na pala dito si Triton."
"Yes,"
"Aalis na ako, huwag mong kakalimutan mamayang hapon. Gusto kong kasama
kayo ni Triton mamaya." I nodded.
Hindi na ako nakakilos nang punasan ng kamay niya ang gilid ng labi ko.
"You still have sauce," ngiting sabi niya sa akin. Hindi na ako
nakapagsalita sa ginawa niya at napatitig na lang ako sa kanya.
"I need to go Euphie,"
"Okay, thank you Ahmed." I smiled at him.
Nang makaalis na si Ahmed napansin ko na lang na nakahawak ako sa dibdib
ko. What was that all about? Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko?
Ipinilig ko ang ulo ko at nagpatuloy na lang ako sa pagkain. It's nothing
Euphie.
Dumating na ang hapon, I wear something simple. A white shirt with small
prints and a gray shorts, na tama lang ang iksi. Isinuot ko din ang cap
na ibinigay sa akin ni Ahmed, ilang beses kong tinapik ang pisngi ko nang
mapansin ko na namumula ito.
What's wrong with me?
"Euphie, baby. Hinihintay ka na ni Triton at Ahmed." Nagmadali na akong
bumaba mula sa kwarto ko.
Lumabas na ako at nasa harapan na ng bahay namin si Triton at Ahmed dala
ang mga bike nila. Pareho nilang pinasadyang palagyan ng mauupuan sa
likuran ang kanilang mga bike para makasuno ako sa kanila.
They are using their bikes during our school days, halinhinan ako sa
kanilang bike kung kanino ako sasabay.
"Kanino ka sasabay Euphie?" tanong ni Ahmed.
Papunta kami sa panibagong branch ng bakery ni Ahmed dito sa bayan at
ngayong hapon ito bubuksan.
"Kay Triton na lang," mabilis na sagot ko na hindi makatingin kay Ahmed.
Tumango silang dalawa sa akin, sumakay na ako sa bike ni Triton.
Nauna nang pumedal si Ahmed at nahuli na kami ni Triton.
"I thought you'll choose Ahmed." Natatawang sabi ni Triton.
Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya at isinandal ko ang noo ko sa
likuran niya.
"Sa'yo na rin ako sasabay mamaya. I don't know but my heart is beating so
fast when I am near him. What's wrong with me Triton?"
--
VentreCanard
Chapter 5
Chapter 5
Hinintay kong sumagot si Triton sa sinabi ko pero napasigaw na lang ako
nang bahagyang nawalan ng balanse ang kanyang bisikleta. Pero mabilis
itinukod ni Triton ang paa niya para hindi kami tuluyang matumba.
"Are you okay Euphie? I'm sorry."
Tumigil din sa pagbibisekleta si Ahmed nang mapansin niyang tumigil kami
ni Triton. Mahigpit pa rin ang yakap ko sa kanya sa takot na baka
bumagsak ako.
"What happened?" nagtatakang tanong nito sa amin ni Ahmed. Nagbisikeleta
ito pabalik sa amin dalawa.
"No, nothing." Umiiling na sagot ko.
Bakit kaya bigla na lang nawalan ng balanse itong si Triton?
"Ikaw ba Triton? What happened?" tanong ko dito.
Kahit sobrang tangkad ni Triton ay pinilit kong umangat sa aking upuan
para abutin ang noo niya habang nakayakap pa rin ako sa likuran niya.
"Euphie, what are you doing?" tamad na sabi nito habang tinatanggal ang
kamay kong nasa noo niya.
"I am just checking your temperature."
"Triton?" tanong ni Ahmed. Pansin ko na ilang beses siyang napapasulyap
sa mga braso kong nakayakap kay Triton.
"It's nothing Ahmed, let's go." Sagot ni Triton.
Tumango sa amin si Ahmed, pero bago siya nagpedal ay muli na namang nag
init ang pisngi ko nang pabiro niyang pinisil ang ilong ko gamit ang
kanyang hintuturo.
"Triton, dahan dahan sa pagbibisekleta. Alam mo namang hindi pwedeng
magasgasan si Euphie. Her skin is the finest, hindi ba Euphie? Angel pa
'yan ng chapel natin, tapos ibabagsak mo lang?" humigpit ang pagkakayakap
ko kay Triton dahil sa sinabi ni Ahmed.
"Yeah, hindi ko nakakalimutan." Sagot ni Triton.
Ito na mismo ang unang nagpedal at naiwan namin sa likuran si Ahmed.
"Nag uusap pa tayo Triton, bakit pumedal ka na agad?" nilingon ko si
Ahmed sa likuran. Ngumiti ako sa kanya nang kumaway siya sa akin.
"Kapag nagtagal pa tayo baka mangitim ang kutis mo. Angel ka pa naman ng
chapel natin, kawawa naman kapag nangitim ang angel." Alam ko ang tonong
ito. Nang aasar na naman siya!
"I hate you Triton." Ilang beses kong hinampas ang likuran niya habang
tumatawa siya.
Sa kabila nang pagtawa niya narinig ko ang mahinang bulong niya na
nagpakunot sa noo ko.
"Yeah, you always hate me."
Nakarating kami sa bagong pastries shop na si Ahmed na mismo ang
namamahala. Simple lamang ito at hindi kalakihan pero napakaganda ng
disenyo nito na aakit sa mga taong mapapadaan.
"I'll just go there," paalam sa akin ni Triton.
Papunta siya sa kumpulan ng mga lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay
mga kaibigan niya sa school. Naiwan kaming magkasama ni Ahmed habang
pinapakita niya sa akin ang mga cakes, cookies at mga tinapay na siya
mismo ang nagbake. He's so talented.
Inilibot ko ang aking mga mata. This place is like a small coffee shop,
may ilang mga lamesa, magandang lightings at talagang napakakumportable
ng paligid.
I am so proud of Ahmed. Both of my childhood friends are business minded.
Hindi ko tuloy maiwasang mainggit sa kanila, kahit nag aaral pa lang kami
ang dami na nilang mga achievements.
Karamihan sa mga tao ay ilang mga kaklase namin, mga kaibigan ni Ahmed at
maging ang ilang mga kamag anak nila. Mayroon din mga taong napapadaan at
mukhang nawiwili nang tingnan ang iba't ibang klase ng tinapay na maaari
nilang mabili.
Nagkalat ang free taste na siyang lalong kumuha sa atensyon ng maraming
tao.
"Euphie, taste this for me." lumingon ako kay Ahmed na may hawak nang
kutsara at maliit na plato. May isinubo siya sa akin na vanilla cake.
"How was it?" tanong niya sa akin.
"Sweet.." ngising sagot ko. Napapikit ako nang lagyan niya ng icing ang
tungki ng ilong ko.
"Ahmed," nangningkit ang mata ko sa ginawa niya sa akin.
Tinawanan niya lamang ako, pupunasan ko na sana ang ilong ko nang kuhanin
niya ang daliri ko at inilagay niya rin ito sa may icing sa hawak niyang
plato.
Siya mismo ang naglagay ng icing sa tungki ng ilong niya gamit ang daliri
ko.
"See? We're even," pareho na kaming may icing sa mga ilong namin.
Hanggang sa magtawanan na kaming dalawa sa isa't isa.
"You're silly Ahmed." Tinangka kong muling punasan ang ilong ko nang
matigilan ako nang mas lumapit sa akin si Ahmed.
Itinaas niya lang naman ang laylayan ng damit niya para punasan ang
tungki ng ilong ko.
"Ahmed.." gusto kong pumikit nang makita ko ang katawan niya. What's with
his abs? Bakit pinag-iinit niya ang pisngi ko?
Ito na lang lagi ang naririnig ko kapag si Triton at Ahmed ang sentro ng
usapan.
"Ahmed anak! Nandito ang mga pinsan mo." Sabay kaming lumingon ni Ahmed
sa tawag ng daddy niya.
"I'll be back," paalam niya sa akin.
"Ahmed your nose," itinuro ko ang sarili kong ilong.
"Nah, tatanggalin mo ito mamaya." Kumindat siya sa akin bago niya ako
tinalikuran.
"Shit! Pwede kayang itake out ang free taste?" kumunot ang noo ko sa
aking narinig.
Seriously? Nilingon ko ang pinanggalinganan ng boses. He's quite
familiar, saan ko nga ba nakita ang mga lalaking ito?
"Hey, why are you here? Hindi kayo invited sa pagkakaalala ko." Mabilis
itong inakbayan ni Triton.
Hindi siya pinansin ng natitirang apat na lalaki dahil nakaupo ang mga
ito sa paligid ng isang bilog na lamesa at kumakain na ng maraming cake.
"Kailan ba kami naging invited Triton?" nang makita ko ang hikaw sa tenga
ng lalaki, agad ko na itong nakilala.
"The fuck boys," nasabi ko na lang bigla.
Agad kong hinawakan ang bibig ko nang sabay sabay lumingon sa akin ang
limang lalaki. Kumunot din ang noo ni Triton nang makita ako.
"Oh, who is this cutie?" lumapad ang ngiti sa akin ng lalaking may hikaw.
Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Troy Ferell.
"She's cute," sabi rin ng isang maputing lalaki na parang hindi makabasag
pinggan. He looked so sacred and innocent. Siya ba ang sinasabi ni Ahmed
na sakristan na kasama niya?
"Leave her alone. She's min--- I mean my childhood friend, go there
Euphie." Gumamit pa ng hand gesture sa akin si Triton para lamang lumayo
ako.
Pakinig ko ang sabay sabay na pagsipol ng limang lalaki dahil sa sinabi
ni Triton.
"Dumaan din kami dyan Triton." Pakinig kong sabi ng lalaking napakalalim
ng dimples.
"She can sit beside us, wala namang masama hindi ba? Why are you so
overprotective Triton? Hindi ba at may girlfriend ka na?" sabi naman ng
lalaking parang bihira lamang ngumiti.
"Are we close Nero?" seryosong tanong ni Triton.
"No, ofcourse. Pikon ang kaibigan mo Troy." Ngising sabi ng lalaki.
"Come on, I hate this atmosphere. Just eat cousins and you? Go, saka na
tayo mag usap." Pinagtulakan ni Troy Ferell si Triton sa akin.
Pansin ko na masama ang tinginan ni Triton at ng lalaking may pangalang
Nero.
"Hindi ko talaga gusto ang ugali ng gagong 'yon."
"Then, why are you still talking with them?" tanong ko sa kanya.
Hindi ako sinagot ni Triton, pansin ko na nilingon niya ang posisyon ni
Ahmed na kasalukuyan na pa rin may kausap.
"Because Troy is my friend, come here may ipapakita ako sa'yo." Kinuha
niya ang kamay ko kaya sumunod na ako sa kung saan siya pupunta.
"Man, ikaw ang manok ko! Huwag mo akong bibiguin!" tumaas ang middle
finger ni Triton kay Troy Ferell na punong puno ng tinapay ang plato.
"Akala ko ba ay mayayaman sila Triton? Why are they like that? Para
silang mga walang pambili ng pagkain." Ngiwing sabi ko.
Muli kong sinulyapan ang mga kaibigan ni Triton.
"Yes, they are rich. It's just that gate crashing is their thing, hindi
ko alam sa kanila." Natatawang sabi ni Triton habang hawak ang kamay ko.
"You seems very close to them Triton." Kilala ko si Triton, hindi siya
makikipagkaibigan sa mga taong alam niyang hindi makakabuti sa kanya.
Those fuck boys are something.
"Yes, because they are genuine kind of friends. Mahirap silang bitawan
kahit mga gago sila." Ngumiti ako sa sinabi niya.
"I'm glad that you're gaining more friends Triton, na hindi lang ako.
Hindi lang si Ahmed." Napansin ko na nasa likuran na pala kami ng small
caf slash bakery ni Ahmed.
"That's because of you. You are my first ever friend Euphie." Kapwa na
kami ngayon nakasandal sa pader. Bakit kami pumunta dito?
"Triton, why we here?" bahagya ko siyang sinilip. Nakatukod ang isang paa
niya sa pader habang bahagya siyang nakatingin sa langit. Kaya ginaya ko
siya at tumingin rin ako dito.
"About what happened a while ago, 'yong sinabi mo kanina." Nakuha ko ang
ibig niyang sabihin dahil bigla na naman tumibok ang puso ko.
"About Ahmed?" tanong ko.
"Yes.." sagot niya.
Magsasalita na sana ako nang kabigin niya ako at yakapin. Sa sobrang
higpit ng yakap niya sa akin ay halos marinig ko na ang malakas na tibok
ng puso niya.
"Euphie, what will I do to you? Me too fat cheeks, my heart is beating so
damn fast when I'm near you, so fast..so damn fast."
Hinayaan ko siyang yakapin ako habang pinakikinggan ko ang pagtibok ng
puso niya. Habang tumatagal ay mas lumalakas at bumibilis ito kasabay
nang paghigit ng yakap niya sa akin.
"Tell me, how can I control this? How can I wash the overflowing
annoyance knowing that your heart is beating for someone else Euphie?"
hindi ko na nahahabol ang sinasabi ni Triton.
"What is wrong with us Triton? What's wrong with our heartbeats?" kinalas
niya ang pagkakayakap niya sa akin at hinawakan niya ang magkabilang
pisngi ko.
"We need to find the cure Euphie, pero mangako ka sa akin na hinding-
hindi mo ito sasabihin kay Ahmed. This is just between us. Kay Triton at
Euphie lang, promise?" wala sa sariling tumango ako sa kanya.
"Papaano kung hindi bumalik sa dati Triton? Papaano kung ganito pa rin
ang pagtibok nito sa tuwing nakakatabi ko siya? I can't contain the
feeling." Mahinang sabi ko sa kanya.
I heard him swear.
"No, I will change it Euphie. Your heartbeats will turn into me no matter
what."
"Is it fine?"
"Yes, dahil ganito rin naman ako sa'yo. So everything is even, you won't
bother Ahmed because of that." Muli akong tumango sa kanya.
"So how can we cure this?" tanong ko sa kanya.
"Just trust me. Trust my words, I'll tell you how." Marahan niyang
hinaplos ang pisngi ko.
"Let's go?" sabay na kaming naglakad pabalik ni Triton kahit naguguluhan
ako sa pinag-usapan namin. Magpapatuloy pa sana ako sa paglalakad nang
marinig ko na naman siyang bumulong.
"Aagawin kita nang hindi niya nalalaman..."
Lumingon ako sa kanya nang nakakunot ang noo ko.
"What Triton?"
"No, nothing. Mauna ka na pala." Tumango ako sa kanya. Pero hindi pa man
ako nakakailang hakbang ay tinawag niyang muli ang pangalan ko.
"Euphie, do you think I am evil?" ngumiti ako sa sinabi niya.
"You are not, why evil? You are helping me right now. Thank you Triton."
Umiling siya sa sinabi ko.
"Just slap me if you did wake up from your innocence. Just slap me,
sweetheart."
--
VentreCanard
Chapter 6
It's hard to follow your heart, if it is more confused than your head.
Chapter 6
Mabilis ang paglipas ng oras, parang kanina lang ay nagsisimula lang ang
bakasyon pero ito at nakikita ko na muli ang sarili kong naka-uniporme.
Wala man lang akong nagawa sa dalawang buwan kong bakasyon, samantalang
ang mga kababata ko na si Ahmed at Triton ay napakarami nang napatunayan
sa loob lamang ng maiksing panahon.
They are really born for business.
Nakatayo na ako sa harap ng bahay namin habang hinihintay ang mga
bisekleta ng mga kababata ko. Hanggang ngayon ay nagtatago pa rin kami ni
Triton ng sekreto kay Ahmed tungkol sa kakaibang nararamdaman ko.
Sinubukan kong tumingin sa google kung anong nararamdaman ko pero
naniniwala akong imposibleng pagmamahal ito. He is my childhood friend, I
love him as a friend. I also love Triton.
Walang lalamang sa kanilang dalawa, pareho ko silang mahal. I love them
but not romantically. Maybe I am just confused or something?
Agad akong ngumiti nang marinig ko ang bell sa bisekleta ni Triton,
pinalagyan niya ito nang minsan kong sinabi na parang mas maganda kung
meron nito.
"Good morning fat cheeks." Bungad niya sa akin na agad nagpairap sa aking
mga mata.
Kasunod nito si Ahmed na nagpalapad na ngiti sa aking mga labi.
"Good morning Ahmed.." mas lumukso ang dibdib ko nang ngumiti siya
pabalik sa akin.
"Good morning sunshine.."
Nawala ang titigan namin ni Ahmed nang mag ingay ang bell sa bisekleta ni
Triton.
"Kanino ka sasabay?"
"I'll go with you." Nagmadali na akong naupo sa likuran ng bisekleta ni
Triton at bahagya akong humawak sa balikat niya.
"Euphie, napapansin ko. Ang tagal na nang huli kang umangkas sa bisekleta
ko, do we have a problem? Wala naman ako natatandang naibagsak kita."
Naalarma ako sa sinabi ni Ahmed.
Ayokong sabihin sa kanya na nahihirapan akong huminga kapag sobrang lapit
namin sa isa't isa.
"It's just that.." humigpit ang hawak ko sa balikat ni Triton.
Gusto kong humingi ng tulong kay Triton, alam niya kung bakit hindi ako
makasabay sa bisekleta ni Ahmed.
"Masyadong mataas ang upuan sa likuran Ahmed, Euphie is a small girl with
fat cheeks." Matabang na sabi ni Triton.
"Triton!" bahagya kong hinampas ang balikat niya bago ito pumedal nang
mabilis.
"Stop hitting me Euphie, I did help you." Malamig na sabi nito na
nagpatigil sa akin. Ramdam kong mabilis kaming naabutan ni Ahmed.
"Oh, dapat sinabi mo agad sa akin Euphie. Ipapa-adjust ko kay daddy
mamaya."
"Thank you Ahmed.."
"Let's race Ahmed, ang mahuhuli siya ang manlilibre ng lunch." Agad na
pagsingit ni Triton. Lagi silang ganito kapag malapit na kami sa school.
"Call, bye Euphie. Akala ko talaga naihulog na kita." Mabilis nang
pumedal si Ahmed at naunahan kami.
"Yeah, naihulog mo siya Ahmed. And I damn hate that fall." Kumunot ang
noo ko sa sinabi ni Triton.
"Humawak ka nang mahigpit fat cheeks." Binilisan na rin ni Triton ang
pagpedal pero sa huli nauna pa rin si Ahmed.
"Paano ba 'yan? Ikaw ang manlilibre mamaya Triton."
"I don't mind, malaki ang baon ko ngayon. My treat," he winked at me.
"Let's split ways, pero hindi ba at magkaklase tayo sa third subject?"
sabay tumango sa akin si Ahmed at Triton.
"Ipag reserve mo kami ng upuan para tabi tayong tatlo Euphie, okay? Sa
classroom mo ang subject natin mamaya." Nakangiti akong tumango kay
Ahmed.
"I'll go now," tinalikuran na kami ni Triton at isang beses lang niyang
ikinaway ang kamay niya.
"Masama ang loob niya dahil manlilibre siya mamaya." Sabay kaming natawa
ni Ahmed.
"Let's go, ihatid muna kita sa classroom mo." Hindi na ako umangal dahil
madalas itong ginagawa ni Ahmed.
Pumasok na ako sa classroom habang nasa may pintuan si Ahmed.
"Bye bye, here.." may inabot siya sa akin.
Nang tingnan ko ang palad ko ay isang maliit na tobelerone. Alam ni Ahmed
na mahilig ako sa kahit anong chocolate at laging sinasabi sa akin ni
Triton na lahat ay nagpupunta sa aking pisngi.
Nakangiti akong naupo na sa aking lamesa at hinintay ko nang dumating ang
aming propesor.
We're in third year college. Triton and Ahmed are both taking business
management course while I am taking dentistry.
St. Luciana University, ito ang isa sa pinakakilalang paaralan dito sa
Enamel. Sinabi ni mommy noon na maganda din daw ang Gyro Nella University
na nasa Leviathan, ang karatig bayan lang namin pero sinabi ko na dito na
lamang para mas malapit.
Sa bawat semester laging humahanap ng subject si Triton at Ahmed na pwede
kaming magkasama sama, sila mismo ang nag iireg sa ibang course para
lamang may isa kaming magkakasama. Katulad ngayon, kaklase ko silang
dalawa sa Foreign Language.
Isa lang ang problema ko sa pagpasok, ito ay ang mga girlfriend nila.
Hindi ko alam kung bakit lagi na lang masama ang titig nila sa akin na
parang gusto nila akong saktan. Dapat ba akong pagselosan? Higit silang
magaganda sa akin, isa pa sila ang girlfriend ng mga kaibigan ko,
nirerespeto ko ito.
Si Britanny, Triton's girlfriend is the Student Government President.
She's pretty and smart, while Sydney Ahmed's girlfriend is an aspiring
model. She's always the face of St. Luciana University.
Minsan ko nang sinubukan makipag kaibigan sa kanilang dalawa pero ramdam
ko ang matindi nilang pagkainis sa akin sa hindi ko maintindihang
dahilan.
Pumasok na ang propesor namin at lumapad ang ngisi ko nang makita na
naman ang gwapo niyang mukha. He's my crush, prof Karlo. Ang chinito
naming propesor.
Mas lalo kong naiintindihan ang buong klase dahil bukod sa magaling siya
mas nawiwiling makinig ang mga estudyante. Magkasunod ang subject ko na
pakikinig, seatwork at kaunting recitation ang nangyari.
Inilagay ko sa unahan ang bag ko para maipag reserve ng upuan ang mga
kababata ko. Inilagay ko sa likuran upuan ang mga libro ko. Unang pumasok
si classroom si Triton.
"Triton! Here.." uupo na sana si Triton sa unahan nang pigilan ko siya.
"Dyan si Ahmed sa unahan Triton," muling isinakbat ni Triton ang bag
niyang nakalagay na sa upuan at tahimik siyang naupo sa likuran ko.
Agad akong lumingon sa kanya sa likuran, magkakasunod kaming tatlo.
"You're not mad? Hindi ba sinabi sa atin ni Ahmed na nanlalabo na ang
mata niya?" bahagya kong nakagat ang pang ibabang labi ko. Baka magtampo
na naman sa akin si Triton.
"I am wearing contacts Euphie, matagal nang malabo ang mata ko." Matabang
na sagot sa akin ni Triton. Natigilan ako sa sinabi niya, nakalimutan ko.
"We can switch our place Triton, dito ka na lang sa likod ni Ahmed."
"Nah, dito na lang ako. Nandyan na ang first priority mo." Umawang ang
bibig ko sa sinabi ni Triton.
"Ahmed dito!" Tawag niya kay Ahmed. Hindi na sinalubong ni Triton ang mga
mata ko.
"Ang aga mo yata Triton, 5 minutes pa."
"Early dismissal kami sa pangalawang subject, mabuti na lang hindi ako
sumama sa section mo. On time magpalabas ang prof mo." Natatawang sabi ni
Triton, hindi na ako makalingon sa kanya.
"Nakain mo na ba Euphie?" tanong sa akin ni Ahmed.
"Not yet, mamaya na lang sigurong lunch." Tipid na sagot ko.
"Woah, what's that? Bakit hindi ko alam 'yan Ahmed?"
"Chocolate, you hate it Triton."
"Oh, yes.." sagot niya.
Kung sa normal na araw at nalaman ni Triton na may chocolate na naman
ako, aasarin niya agad akong pupunta na naman sa pisngi ko ang lahat ng
kinain ko. Pero sa pagkakataong ito ay wala akong narinig mula sa kanya,
nanatili lang siyang tahimik.
Hindi naman ako mataba, 'yong pisngi ko lang talaga ang laging
napapansin.
And I hate it.
Nag announce ang mayor ng section namin na malalate ng 15 minutes si
Laoshi, ang propesor namin sa mandarin. At habang naghihintay kami,
nagsisimula na akong makaramdaman ng init. Hanggang ngayon ay hindi pa
rin naaayos ang aircon sa classroom na ito.
"Here.." bahagya akong lumingon sa may balikat ko. Inaabot lang naman sa
akin si Triton ang kanyang Iphone na may nakasaksak na maliit na parang
electric fan.
Tipid akong ngumiti, bati na yata kami ni Triton.
"Seriously Triton? Pwede naman na pamaypay? Ang arte mo." Akala ko ay
sasagot siya sa akin pero nanatili siyang tahimik. Inabot ko na lamang
ang Iphone niya at itinapat ko ito sa akin.
Pansin ko na kahit si Ahmed ay ganito rin ang gamit samantalang ang mga
kaklase kong babae ay pamaypay lamang.
Ang arte ng mga kababata ko.
"Euphie, you can use" tumigil si Ahmed sa kanyang sasabihin nang makita
niyang hawak ko na ang Iphone ni Triton.
"Let me have my phone Euphie, kay Ahmed na lang gamitin mo. Nakalimutan
ko may tatawagan pala ako mamaya." Wala sa loob kong ibinalik kay Triton
ang telepono niya.
"What is wrong with you guys? Magkaaway na naman ba kayo Triton?" kunot
noong tanong ni Ahmed sa amin.
"Wala, nag aaway ba tayo Euphie?" hindi ako lumingon kay Triton sa halip
ay umiling na lamang ako. Galit si Triton, alam kong galit siya sa akin.
Si Ahmed ba lagi ang priority ko? Am I being bad?
Dumating na si Laoshi at nagsimula na siyang magdiscuss. Walang pumasok
sa isip ko habang nagtatawag na siya ng mag-rerecite ng numbers sa
Mandarin.
Saulado ko na ito sa bahay pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang
akong nablangko nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Euphiemia Soren Arcega." Tumayo na ako habang nakatitig sa akin ang
lahat. Lipad ang isip ko sa mga oras na ito.
"Yi, Er.. San..Si.." hindi ko na matandaan ang sunod. Pansin ko na
itinaas ni Ahmed ang notebook niya para makita ko.
"No coaching class, Miss Arcega nakikinig ka ba sa lesson? Hindi kita
pinag-bibilang." Napatungo ako.
"Sorry po Laoshi, makikinig na po ako."
"You may sit down."
Nagtawag na siya ng ibang estudyante habang hiyang hiya ako sa buong
klase. Narinig ko ang bahagyang pag ingay ng lamesa sa likuran ko. Dahil
ayaw kong lingunin si Triton ay tiningnan ko na lamang siya sa repleksyon
ng bintana.
Bahagya siyang nakasubsob sa lamesa pero nakatitig siya sa aking likuran.
Naramdaman ko na lamang na hinawakan niya ang dulo ng buhok ko. Pero mas
lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang mahinang bulong
niya.
"Makinig ka na kay Laoshi Euphie, hindi na ako galit. Hindi na galit si
Triton. I'm sorry, bati na tayo fat cheeks. I am not mad anymore,
sweetheart."
--
VentreCanard
Chapter 7
Chapter 7
Nang sabihin sa akin ni Triton na bati na kami at hindi na siya galit,
nawala ang pagkabalisa ko. Kahit lagi kaming mag kaaway ni Triton, hindi
ko pa rin gusto na magtatagal ang pagtatampo niya sa akin lalo na at alam
kong ako ang mali.
Mahirap magtampo si Triton, ilang araw niya akong hindi pinapansin.
Mahirap siyang suyuin, kung hindi pa ako tutulungan lagi ni Ahmed
titiisin talaga ako ni Triton na hindi pansinin.
Bahagya pa rin siyang nakasubsob sa kanyang lamesa at ramdam kong
nilalaro pa rin niya ang dulo ng aking buhok.
What is he doing? Pansin ko na napapasulyap na rin ang ilang kaklase
namin na na kahilera ko.
Gusto ko siyang sawayin pero baka lalo nang magalit sa akin si Laoshi,
kaya mas iniharang ko na lamang ang sarili ko kay Triton para hindi siya
makita ni Laoshi at pagalitan.
Nagsimula na akong makinig kay Laoshi at habang nakikinig ako sa kanya ay
sinisimulan kong basahin ang notes ko.
"Mr. Montgomery! Are you sleeping inside my class?" naalarma ako sa
malakas na boses ni Laoshi.
"No Laoshi, may inaabot lang ako sa ilalim ng lamesa." Pangangatwiran
niya dito.
Nakatayo na siya at nakatingin ang buong klase sa kanya. Pansin ko na
kapwa nakakunot ang noo ng ilang kaklase namin na alam ang totoong
ginagawa ni Triton kanina.
Why is he playing with my hair? Nang aasar na naman siguro siya sa akin.
"Ayusin mo ang pag upo mo."
"Yes Laoshi, I'm sorry."
Bago nagsimula si Laoshi ay bahagyang lumingon sa amin si Ahmed habang
naiiling. Ngumisi lang ako sa kanya at alam kong ganito rin ang ginawa ni
Triton sa aking likuran.
Mga kalahating oras pa ang lumipas bago natapos ang huling klase namin sa
umaga. Dahil talo si Triton kanina, siya ang manlilibre ng lunch namin.
"Babe!" sabay kaming napalingon tatlo sa boses ni Britanny.
Agad niyang ipinulupot ang kanyang braso kay Triton.
"How's your last class?" ngumisi sa kanya si Triton.
"Great, kumain ka na?"
"Hindi pa, your treat. Ang tagal na natin hindi kumakain ng sabay, busy
kasi ako sa council." Napasulyap sa akin si Britanny.
"Babe, sabay kaming tatlo kakain ngayon. Sumabay ka na lang, okay lang
Euphie? Ahmed?" tanong sa amin ni Triton.
"Oh, the childhood friends. Hi Ahmed,Euphie." Bihira lang bumati sa akin
si Britanny, kapag kasama niya lang si Triton.
"It's fine." Tipid na sagot ko.
"Ahmed, hinahanap ka ni Syd. Hindi ba kayo sabay maglulunch?" tanong nito
kay Ahmed.
"Really? She just texted me, sabi niya bukas na lang daw kami magsabay
kumain. May importante siyang pupuntahan ngayon." Pansin ko saglit
naalarma si Britanny sa sinabi ni Ahmed.
"Oh, baka nagbago ng isip. Sinabi niya kasi sa akin na magsasabay daw
kayo." Sinabi ito ni Britanny na may kasamang kibit balikat.
Tumango na lamang sa kanya si Ahmed.
"So you'll join us?" tanong ni Triton sa girlfriend niya. Bahagya itong
ngumuso at pinapungay niya ang kanyang mata.
"I want us alone, you're not spoiling me anymore Triton." Nailing lang sa
kanya si Triton.
"May pinag-usapan kaming tatlo ngayon. We'll eat together, maybe
tomorrow?"
"Alright, hindi na ako sasabay sa inyo. I want you alone Triton, see you
later babe." Mabilis tumingkayad si Britanny at humalik ito sa labi ni
Triton.
Sabay kaming nag iwas ng tingin ni Ahmed. Bakit hindi nahihiya si
Britanny sa ginagawa niya? A kiss should be private.
"Mauna na tayo sa canteen Ahmed, susunod na rin si Triton." Tumango lang
sa akin si Ahmed bago kami tuluyang tumalikod kay Triton at Britanny.
Pero hindi pa man kami nakakalayo ay naririnig ko na ang mabilis na yabag
ni Triton.
"Bakit nyo ako iniwan? Hindi ko kayo ililibre."
"Because you are still flirting with your girlfriend, we still have a
baby with us Triton. She's too innocent to witness that." Kumunot ang noo
ko sa sinabi ni Ahmed.
"Excuse me? I am not innocent! Nanunuod ako ng movie na may kissing
scene! Please, stop treating me like an innocent kid. I knew that and for
your information, I already have my first kiss!" sigaw ko sa kanilang
dalawa na at halos napapikit pa ako sa pagsigaw.
Sabay umawang ang mga labi nila na parang gulat at hindi makapaniwala sa
sinabi ko.
Umirap ako sa kanila at mabilis ko silang tinalikuran, nauna na akong
pumunta sa canteen.Pero ramdam ko ang pagsunod nilang dalawa sa akin.
"You're kidding right fat cheeks? You're not innocent, okay? You're not.
Bawiin mo ang sinabi mo. Huwag ka nang maiinis sa amin." Hindi ko sinagot
si Triton.
"You're not lying Euphie?" tanong naman sa akin ni Ahmed.
"Why would I lie?"
"Who?" sabay na tanong nila sa akin.
"Bakit ko sasabihin sa inyo?" hinawi ko ang buhok ko at pumasok na ako ng
canteen. Naghanap ako ng bakanteng lamesa at naupo na ako dito.
"Fuck, paano ako nalusutan ng gago? Aware of him Ahmed?"
"Wala akong alam." Matabang na sagot ni Ahmed.
Nakaupo na kami sa may dulong lamesa habang mariin nakatitig sa akin ang
mga kababata ko. Pansin ko kaunti pa lang ang tao sa loob ng canteen,
lagi na lang kaming nauunang tatlo sa pagkain.
Itinaas ko ang kilay ko sa kanilang dalawa. Wala pa akong first kiss,
crush lang ang meron ako pero hindi ko sasabihin sa kanilang dalawa ang
totoo. Lagi na lang nila ako iniinis at sinasabihan akong inosente.
"Fats cheeks.."
"Euphie.."
"Why are you so bothered?" tanong ko sa kanilang dalawa na sabay nasamid
kahit hindi naman uminom ng tubig.
"You know, pinababantayan ka sa amin ni Tita tapos may humalik na pala
sa'yo. Ofcourse, we're bothered." Agad na sabi ni Ahmed.
"I don't like it." Maiksing sabi ni Triton.
"It's normal, I'm already eighteen." Kumunot lalo ang noo ni Triton sa
akin.
"You're lying Euphie, you're lying.." paulit ulit na sabi ni Triton.
Tumango din si Ahmed sa sinabi nito.
"I am not! Come here, tingnan mo ang eyes ko." Mabilis kong hinagip ang
mga pisngi ni Triton at hinila ko ito papalapit sa aking mukha para mas
magkalapit ang aming mga mata.
Lagi namin itong ginagawa simula ng mga bata pa kami, kapag may nagsasabi
sa amin na nagsisinungaling ang isa, ang gagawin lamang namin ay
makikipagtitigan kami sa isa't isa at ang unang kukurap ay ang hindi
nagsasabi ng totoo.
Mas sinalubong ko nang malapitan ang nanlalaking mata ni Triton,
nagsisimula na rin siyang mamula.
"What the fuck Euphie!" agad siyang kumalas sa pagkakahawak ko sa kanyang
pisngi at sobrang layo na ng upuan niya sa lamesa.
"Ikaw ang unang kumurap Triton! I am not lying. Right Ahmed?" Ngising
sabi ko. Tulala na rin si Ahmed habang nakatitig lang sa akin si Triton
na nakaawang pa rin ang mga labi.
"Ayaw ko na! Bibili na ako ng pagkain." Iritadong tumayo sa kanyang upuan
si Triton. Bahagya pa nitong nasipa ang nakaharang na upuan.
"Hindi daw inosente, hindi daw." Bubulong bulong na sabi niya.
Naiwan kami ni Ahmed sa lamesa.
"Ahmed what is wrong with you both?" nagkibit balikat na lamang siya sa
akin.
Natapos kaming kumain na hindi na ako tinanong ng dalawa, inihatid ako ni
Ahmed sa classroom ko at nauna na sa amin si Triton. Hapon na nang muli
kaming magkita kita.
"Kanino ka na sasabay?" tanong sa akin ni Ahmed.
"Ikaw na muna ang mag angkas kay Euphie, Ahmed. Mahina ang preno ko,
ngayon ko lang napansin."
"Hindi ba at mataas ang sa akin?" tanong ni Ahmed.
"Ngayon lang, ipaayos mo na lang bukas. Wait," Bumaba si Triton sa
bisekleta niya at walang kahirap hirap niyang hinawakan ang bewang ko,
binuhat at pinaupo niya ako sa likuran ng bisekleta ni Ahmed na hindi ko
nga agad maabot.
"Triton, galit ka na naman ba sa akin?" tanong ko sa kanya.
Pina-aangkas niya na naman ako sa bisekleta ni Ahmed kahit alam niyang
mas gusto kong sa kanya muna umangkas.
"Why would I?" nauna na siyang magbisekleta kay Ahmed.
"Away bati na naman kayo ni Triton, it's not good Euphie." Nagsimula na
rin tumakbo ang bisekleta ni Ahmed.
"Anong gagawin ko? Lagi na lang siyang nagagalit sa akin."
"Hindi ko alam, sanay na rin siguro ako sa inyo, sa'yo Euphie. You're
always calling Triton's name. Galit sa akin si Triton, nagtatampo sa akin
si Triton, inis na naman sa akin si Triton, paano kami magbabati ni
Triton. You still have me, hindi ako nagagalit sa'yo." My eyebrows
narrowed hearing his words.
"Ahmed,"
"Don't mind me Euphie."
Dumating kami sa compound namin kung saan magkakalapit ang bahay namin.
"See you tomorrow," sabay akong kumaway sa dalawang kababata ko.
Kapapasok ko pa lang ng bahay nang mapansin ko na nakaitim si Papa,
napansin ko na nandito din ang mga daddy ni Triton at Ahmed.
Where are they going? Wala akong kasama sa bahay, nasa Leviathan si mommy
ngayon.
"Papa, saan kayo pupunta?"
Sasagot na sana si Daddy nang marinig ko ang boses mula sa likuran ko.
"Dad, I got your message. I'm sorry about your friend, don't worry Tito
Paul ako muna ang kasama ni Euphie."
"Thank you Triton, kailangan lang namin makiramay." Hinalikan ako ni Papa
sa ibabaw ng aking ulo bago sila umalis nina Tito.
"Aalis ngayong gabi si Ahmed, ihahatid niya sa airport ang mommy niya."
Sabay kaming tumango sa sinabi ni Tito Khan.
Nang sandaling magsarado ang pintuan ay humarap na ako kay Triton.
"Kilala mo kung sino ang pupuntahan nila?"
"Ang sabong buddy nila, kaibigan nila sa sabungan. Yung may anak na
magandang nursing? Schoolmate natin siya Euphie."
"Oh, condolence for her."
"Magbihis ka na, dito muna ako sa baba."
"Bakit hindi ka muna umuwi? Magbihis ka na rin."
"Wala kang kasama."
"Hindi ka na galit sa akin Triton?" ngising tanong ko sa kanya. Tumikhim
siya sa sinabi ko at parang naalala niyang galit siya sa akin.
"Oo nga pala." Nag iwas siya ng tingin sa akin at nagsimula na siyang
maglakad sa sala.
"Triton wait,"
Hinabol ko siya at mabilis kong hinawakan ang mga braso niya.
"Yes, I lied. Wala pang first kiss si Euphie Triton, wala pa. I won't lie
again, promise. Bati na tayo? Inis ka na naman sa akin." Bahagya akong
tumingkayad at hinipan ko ang mga mata niya.
Ilang beses siyang napakurap sa ginawa ko.
"Hindi na magsisinungaling si Euphie, nagagalit si Triton. Huwag ka nang
magtampo kay Euphie." Ngusong sabi ko.
Ilang beses siyang napahakbang paatras sa sinabi ko at bigla na lamang
siyang napaupo at napasubsob sa kanyang mga tuhod.
I was shocked. What happened?
"Triton, what's wrong with you?" naupo na rin ako habang pinagmamasdan ko
siyang nakasubsob sa tuhod niya.
"Why are you so cute, sweetheart? Natusok na naman ako, natutusok na
naman si Triton. Tagos na tagos na Euphie. Tusok na tusok na si Triton.."
--
VentreCanard
Chapter 8
Chapter 8
Nakayuko pa rin siya sa tuhod niya at hindi niya ako hinaharap. He's
always like this, simula ng mga bata pa kami ganito lagi ang bisyo niya.
Bigla na lamang siyang susubsob kung saan, katulad ng ginawa niya kanina
sa lamesa, sa tuhod niya, arm rest ng sofa at sa upuan minsan. Lagi
niyang tinatago ang mukha niya sa akin na parang ako na lang lagi ang
lalabas na masama sa aming dalawa.
Noong bata pa kami, lagi na lang akong sinasabihan ng maldita ni mommy
dahil lagi ko daw inaaway si Triton pero ito talagang si Triton ang
problema dahil sobrang bilis niyang magtampo at mainis.
At mahirap siyang aluin at suyuin.
"Natusok? Napuwing ka ba? Hinipan ko lang ang mata mo Triton. Can I see
your eyes? Sorry na po Triton Octavious." Hinawakan ko ang braso niya
pero agad siyang gumalaw at tumalikod sa akin.
Naiinis na ako sa kanya!
"Stay away from me Euphie, you sadistic innocent girl." Sabi niya habang
nakayuko pa rin siya.
Hinampas ko na siya dahil sa pagkainis ko. Sadictic innocent girl?
Seriously? Kung ano ano na lang ang tinatawag niya sa akin. Hindi ba siya
nahihirapan sa ginagawa niya?
"I am not sadistic! Napuwing ba kita? Let me see Triton, let me see. I'm
sorry na." Pilit ko siyang pinapaayos nang pagkakaupo pero ayaw niya.
"Ano ba Triton?!" ilang beses ko na siyang hinampas.
"Euphie.." pakinig kong bulong niya.
"Ano Triton?" nakaluhod na ako at lumapit ako sa kanya na pagapang, gamit
ang tuhod at mga kamay ko.
Bahagya ko pa siyang sinilip pero mabilis din siyang nag iba ng posisyon.
"Ang arte arte mo Triton! Ikaw na ang nga sinusuyo ko, bati na tayo. Para
ka talagang bata."
"Euphie please? Dumistansya ka muna sa akin, please?" Gusto niya pa akong
paalisin. Ako na nga ang nagsosorry sa kanya.
"You're still mad Triton, ano pa ba ang gusto mong gawin ko? Kanina pa
akong nagsosorry sa'yo simula sa school. Huwag ka nang magalit sa akin
Triton. I won't lie again, hindi na ako magsisinungaling sa inyo ni
Ahmed."
"I am not Euphie. Hindi na galit si Triton, so please? Lumayo ka muna sa
akin. Ang kulit kulit mong babae ka." Bakit niya ba ako pinapalayo sa
kanya?
"Ako pa ang makulit Triton? You're always like this! Ako na nga ang
nagpapakumbaba sa'yo, aminado naman ako na mali ako Triton. Pero
pinagtutulakan mo pa rin ako! I hate you! Nag-sorry na nga ang tao. You
know that I've grown up, ayaw ko nang tumatagal ang away natin. We're not
kids anymore." Padabog akong tumayo. Bakit gustong gusto lagi nitong si
Triton na magtagal ang away namin?
"Shit! It was not like that! Bakit ang layo ng problema ko sa problema mo
Euphiemia Soren Arcega?"
Akala ko ay pababayaan niya akong makalayo nang hagipin niya ang
palapulsuhan ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong nakahiga sa
sahig.
Nasa magkabila ko ang mga kamay ni Triton na nakasuporta sa sahig. He's
on top of me, staring at me like a predator. I've never seen his eyes
like this before.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang dahan-dahang bumaba ang mukha
niya sa akin hanggang marinig kong bumulong siya.
"An innocent sheep can't play with untamed wolf Euphiemia. You can't do
that always, it's a torture sweetheart." Nanatili akong tahimik sa sinabi
ni Triton.
What is he talking about? Sinabi niya ba na ako ang sheep at siya ang
wolf?
"I can always play with the wolf Triton, he's my childhood friend. I
trust him, more than anyone else in this world. Hindi ba? You and and
Ahmed are always there to protect me, why would I stop playing with you?"
"My god Euphiemia!" bahagya siyang napasuntok sa sahig na parang
nadidismaya.
"What is wrong with you Triton?"
"Don't fully trust us Euphie, may mga bagay na wala kang nalalaman
tungkol sa amin ni Ahmed."
"Like what?" tanong ko sa kanya.
Magkatitigan na kaming dalawa. Ilang segundo siguro kaming magkatitigan
lamang bago siya nagsalita.
"Ikaw Euphie, kailan ka matutusok? Ako, araw araw na lang. And someone
can't notice it."
"Natutusok? What Triton?" umiling siya sa sinabi ko.
"Nevermind"
"Your eyes are not red. Akala ko napuwing ka?" mag- aangat sana ako ng
kamay para hawakan siya nang hawakan niya ito at pigilan.
Ibinaba niya ito, narinig ko ang pagbuntong hininga. At bumalik na sa
dati ang paraan ng pagtitig niya sa akin.
"Sometimes..no, it's always. Yes, I always wanted to take advantage to
that inno" hindi niya itinuloy ang sasabihin niya.
Sa halip ay kinagat niya na lamang ang kanyang pag ibabang labi. Bago
siya paulit ulit na nagsalita.
"You silly silly silly girl." Naglandas ang hintuturo niya simula sa
maliit na nunal ko sa aking noo pababa sa tungki ng aking ilong.
"Bati na tayo. Babawi ako, don't move. Okay? Magagalit si Triton kay
Euphie." Tumango ako sa sinabi niya.
Bumaba ang mukha niya sa akin at bigla niyang hinipan ang kanang mata ko
kaya napapikit ako.
"Pumikit ka, isa pa." Natatawang sabi niya sa akin.
"Dahan dahan naman Triton, mapapapikit nga ako." Umirap ako sa kanya.
"Bawal ang irap Euphie, kakagatin kita sa pisngi mo. Sige ka." Bahagya
kong hinawakan ang dalawang pisngi ko. Minsan na itong nakagat ni Triton
nang manggigil siya sa akin.
Bahagya akong ngumuso sa kanya nang maalala ko ang araw na kinagat niya
ako sa pisngi at sa ginawa kong ito biglang nawala ang ngisi niya sa mga
labi.
"Stop pouting baka 'yan ang makagat ko." Seryosong sabi niya at mabilis
na siyang bumangon.
"Uuwi muna ako, magbibihis lang ako. Don't worry I am not mad anymore,
bumangon ka na dyan." Hindi na niya ako hinintay na magsalita dahil
lumabas na siya ng bahay.
Nakatulala akong naiwang nakahiga sa sahig habang nakahawak sa mga labi
ko. He's going to bite my lips? No Euphie, he's just kidding. Ipinilig ko
ang ulo ko at nagsimula na akong bumangon.
Nagpunta na ako sa aking kwarto. Naglinis muna ako ng katawan bago
magpalit. Kalahating oras akong mag isa sa sala nang marinig kong
magbukas na ang pintuan, bumalik na si Triton.
Pansin ko na bagong ligo siya.
"Oh, naligo ka pala. I really love your scent Triton, ang tagal ko nang
itinatanong sa'yo ang perfume mo. Let me smell you." Natutuwang sabi ko.
I started crawling on our sofa but Triton got alerted. Kunot na kunot ang
noo nito sa akin.
Sa lahat ng pinupuri si Triton ang laging kakaiba ang reaksyon. Minsan ko
naman siyang nakikitang pinupuri ng ibang tao, ngumingisi siya at may
pagtawa pa. Pero kapag ako naman ang pupuri sa kanya parang laging
sumasama ang pakiramdam niya.
My compliments are sincere but he keeps refusing it.
"Euphie, kaliligo ako lang. Please, kaliligo ko lang. Mahirap magpakalma,
don't move, dyan ka lang." Sobrang layo namin sa isa't isa. Siksik na
siksik siya sa dulo ng sofa.
"Triton, naglinis naman ako ng katawan. You're making me feel that I have
a foul odor. Bakit ang layo mo sa akin? Mabaho ba ako?" Umawang ang bibig
niya sa sinabi ko.
"I am not! At hindi ka mabaho! Ano ba ang sinasabi mo Euphie? Itong utak
ko Euphie! Maduming madumi na." Nasabunutan na niya ang kanyang sarili.
"Then clean it Triton, stop watching rated x movies. Ang dami mo rin sexy
magazines nakita ko, ikaw rin ang may gusto, kaya 'yan sobrang dumi na ng
utak mo." Boys will be boys.
"I hope it was just from the movies Euphie, hindi ka pa ba kakain? Kumain
ka muna kaya? Pumunta ka na sa kusina." Pagtataboy niya sa akin.
"No, hihintayin ko na lang si Daddy. Sabay kaming kakain, what about you?
You're not going to eat? Kumain ka na dyan."
"No, busog pa ako."
"Oh, okay."
Inilipat ko ang channel sa Disney at eksaktong sleeping beauty ang
palabas. Matutusok na si Aurora sa spinning wheel. Hindi ko maiwasang
maalala si Triton.
"You're like Aurora, Triton. Bakit mo ba naisip itusok ang daliri mo sa
karayom?"
"I am just curious, okay? Hindi ko alam na karayom 'yon." Matabang na
sagot niya sa akin.
"Look, she have her three fairy god mothers. Hindi ba at may mga tita ka
na triplets? Ninang mo silang lahat hindi ba? Wow, this is a cute
coincidence. You're the real life Aurora, Triton." Natutuwang sabi ko.
"No, I will never be Aurora. Dahil kahit ilang beses akong makatulog sa
harap ng babaeng mahal ko, hindi niya ako mamahalin." Napalingon ako sa
kanya.
"I don't understand, I thought Britanny and you are fine? What's wrong
Triton?"
"Oh, nevermind. Minsan mahirap makipag usap sa'yo, I mean madalas. Hindi
ko alam kung sinasadya mo na ba dahil may Ahm--. Oh fuck, don't mind me."
Naiiling na sabi niya.
"Ikaw Triton ang madalas kong hindi maintindihan, hindi ako."
"Alright, yeah." Matabang na sagot niya sa akin.
Nabalot kaming dalawa ng katahimikan hanggang sa tuluyan nang matusok ng
karayon si sleeping beauty at makatulog ng mahimbing.
Tuluyan nang nawalan ng buhay ang buong palasyo.
"I was pricked Euphie, but I can't fall into a deep sleep. Because my
princess will never kiss me because she's in love with someone else."
--
VentreCanard
Chapter 9
Chapter 9
Naglalakad na kami sa hallway ng building namin para sa panghapon naming
klase. Maghihiwalay na ulit kaming tatlo.
"Euphiemia, huwag ka masyadong makulit sa daddy mo mamaya. Mainit pa ang
ulo nila ni Daddy. Ilang araw silang sunod-sunod na talo sa sabong."
Babala sa akin ni Triton.
Ngumisi naman si Ahmed sa sinabi nito.
Kung ang mga mommy namin ay magkakaibigan simula pa ng college, ang mga
daddy naman namin ay naging magkakaibigan sa loob ng sabungan.
Lumaki na kami ni Triton at Ahmed na may mga tandang nang pinalalaki ang
aming mga Daddy.
"Gusto ni Daddy na naglalambing ako sa kanya kapag malungkot siya." Sabay
umiling sa akin si Ahmed at Triton.
"Euphie, hindi ikaw ang makakapaglambing kay Tito kapag ilang beses na
silang natalo sa sabong. Mga tandang 'yon hindi ang pisngi mo." Ngising
sabi sa akin ni Triton.
"Triton!" nanlalaking mata tawag ko sa kanya.
Natatawa lang siya sa akin habang iritado akong lumalapit sa kanya. Gusto
ko siyang hampasin! Lagi na lang pisngi ko ang nakikita niya!
"Oh, hindi kita iniinis Euphie. Tingnan mo Ahmed, sasaktan ako ni fat
cheeks. Sadistic innocent girl." Nagtago si Triton sa likuran ni Ahmed na
ngumingisi lang sa amin.
He stuck his tongue out to annoy me. Halos mapapadyak ako sa pagkainis,
lalo na kapag pisngi ko lagi ang pinupunterya ni Triton.
"Ahmed, si Triton na ang kinakampihan mo. Bahala na kayong dalawa! Hindi
ako sasabay sa inyong umuwi. Magsama kayo!" iritado ko silang
tinalikuran.
"No, sinong may sabi na kakampi ako ni Triton? Lagi akong kakampi sa'yo
Euphie." Umakbay sa akin si Ahmed habang naglalakad na kami papalayo kay
Triton.
Bahagya akong lumingon kay Triton na nakaawang ang mga labi sa sinabi ni
Ahmed.
"You betrayed me Ahmed, I told you go with the flow para makita natin ang
pamumula ng pisngi niya." Humabol sa amin si Triton na natatawa. Lalong
kumunot ang noo ko sa sinabi nito.
Masayang masaya talaga si Triton kapag inaasar niya ako, pero kapag kami
na lang naman dalawa ang magkasama para siyang batang takot at laging
ilag sa akin na parang may gagawin akong masama sa kanya.
"I betrayed you? Who again Triton? Akala ko ba may usapan tayo? Sa tingin
mo ba ay hindi ko nalalaman ang ginagawa mo? Lalaki rin ako." Lalo akong
naguluhan sa sinabi ni Ahmed.
Ano pa ba ang pinag uusapan ng dalawang ito?
Pansin ko na bahagyang natigilan si Triton habang nakatitig kay Ahmed,
patuloy pa rin kaming tatlo sa paglalakad sa hallway.
"What are you talking about?" tanong ko sa kanilang dalawa. Si Triton
mismo ang nagtanggal sa pagkakaakbay ni Ahmed sa balikat ko.
"Wala akong alam sa sinasabi mo Ahmed." Seryosong sabi ni Triton.
"Really?"
"Do you think we can still stick with that promise Ahmed? Kung ikaw
nakakaya mo pa. Fuck, hindi ko na kinakaya. Tumitindi na Ahmed, tumitindi
na sa bawat araw. Tumatagos na, tagos na tagos na, tusok na tusok na
rito." Ilang beses tinapik ni Triton ang kanyang dibdib.
Nang magtama ang aming mga mata ay agad itong nag iwas sa akin at muli
siyang mariing nakipagtitigan kay Ahmed.
Pabalik balik ang tingin ko sa dalawang lalaking pinag gigitnaan
ako.Pansin ko na napapasulyap na rin sa amin ang ilang estudyanteng
nagdadaan. Ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa. Ano itong pinag
uusapan nilang dalawa?
"I was pricked too Triton, hindi lang ikaw ang paulit ulit na natutusok.
Araw araw din ako Triton, araw araw tumatagos." Hindi ko na rin
maintindihan ang sinasabi ni Ahmed.
"Anong natutusok?!" tanong ko sa kanilang dalawa.
Sabay silang tumitig sa akin sa kanilang nahihirapang mga mata. At kapwa
sila bumuntong hininga.
"Mauna ka na Euphie, may pag uusapan pa kami ni Triton." Ngumiti sa akin
si Ahmed.
"Nag aaway ba kayo?" tanong kong muli sa kanila.
"No, hindi kami nag aaway Euphie. Just go, dahil mas malilito ka lang
kapag nagtagal ka pa dito." Bahagya pa akong itinaboy ni Triton gamit ang
pagwasiwas ng kamay niya sa ere.
"Oh, okay. Ayusin nyo 'yan, nagbibiruan lang tayo kanina right? Hindi na
galit si Euphie, Triton. Huwag nyong palalain ni Ahmed." Sabay muli
silang bumuntong hininga.
Tumango na lamang silang dalawa sa akin.
Tumalikod na ako at naglakad na ako papunta sa aking classroom na may
katanungan sa aking isipan.
Ilang beses ko na bang narinig kay Triton ang salitang natutusok?
Nagsimula ito nang matusok siya ng karayom sa lumang bahay ni lola.
Pinili kong alisin ang gumugulo sa isip ko at nakinig na lamang ako sa
buong discussion ng mga propesor. Nagsasagot ako ng module na ibinigay sa
amin nang may nag abot sa akin ng isang matigas na papel.
"What is this?"
"Program ng student government mamayang hapon." Sabi sa akin ng katabi
ko. Binasa ko ang detalye nito at nakita kong ang program na ito ay para
sa mga cancer patients.
Magkakaroon ng libreng gupit sa gym ng university, kung saan inaanyayahan
ang mga estudyanteng magdonate ng kanilang mga buhok para sa mga cancer
patients. Nakalagay dito na kailangan ay birhen pa at may kagandahan ang
buhok.
Kusa akong humawak sa aking mahabang buhok. Wala naman sigurong masama
kung puputulin ko ito. Pumirma ako sa papel.
Yes, I will donate my hair. Nagtext na ako kay Ahmed at Triton na hindi
na ako makakasabay sa kanilang umuwi dahil may aasikasuhin pa ako.
Naunang nag-reply sa akin si Triton.
Triton: Euphie, hindi na galit si Triton. Sabay ka na sa akin umuwi,
hindi na kita iinisin. I am sorry. May preno na ang bike ko.
Ngumisi ako sa reply niya sa akin, ilang minuto lang naman akong mainis
sa kanya. Hindi katulad niya na isang linggo kung magtampo sa akin.
Ako: I am not mad Triton, may gagawin lang ako.
Hindi ako naghintay ng ilang minuto dahil nag-reply ulit ito. Sinulyapan
kong abala rin sa paggamit ng telepono ang aming propesor.
Triton: I can wait for you, hindi ka na galit sa akin? Hindi na tayo
galit sa isa't isa?
Magrereply na sana ako nang mag pop ang pangalan ni Ahmed, binasa ko muna
ang message niya.
Ahmed: Why? Projects? I can wait for you. Nasabi mo na ba kay Triton?
Ako: Yes, nagsend ako sa inyong dalawa. No, hindi projects. Basta!
Nagtext ulit si Triton.
Triton: Sweetheart..
Ahmed: Wala akong assignments ngayon, I'll wait for you.
Naisip ko na kung hihintayin ako ng mga kababata ko baka makita sila ng
mga girlfriend nila na ako ang hinihintay. Si Britanny pa naman at ang
council nito ang may hawak ng program, baka lalong uminit ang dugo nito
sa akin kapag nakita niyang kasama ko si Triton.
Sabay akong nagsend sa kanila.
Ako: Your girlfriend won't like it, huwag mo na akong hintayin. Hindi ako
manhid, nagseselos siya sa akin.
Itatago ko na sana sa bag ko ang aking telepono nang sabay lumabas ang
pangalan ni Ahmed at Triton.
Una kong binasa ang kay Ahmed.
Ahmed: I don't care. Hihintayin kita, ihahatid kita. You're more
important Euphie.
Natigilan ako sa message ni Ahmed, kahit kailan ay hindi ako nakatanggap
ng ganitong klaseng message galing sa kanya. My damn heart is hammering
so fast.
Ipinatong ko na ang noo ko sa aking lamesa habang nangangatal ang aking
mga kamay sa hawak kong telepono. Anong nangyayari sa mga kababata ko?
Kanina ko pang napapansin na may kakaiba sa kanilang dalawa.
Triton: Tell me, may ginawa ba siyang masama sa'yo Euphie? Tell me
sweetheart, I'll definitely break up with her. No one can ever hurt you.
Halos hindi na ako makahinga sa nabasa ko mula kay Triton. What is wrong
with them? There's something with their messages.
Natapos ang ilang klase ko na balisa ako dahil sa mga natanggap ko mula
kay Ahmed at Triton. Hindi ako nagpunta sa tagpuan namin tatlo dahil
sinabihan ko na naman akong hindi ako sasabay sa kanila.
Nang makapasok ako sa gym, pansin ko na may ilang council na napapasulyap
sa akin. Nakalapit na ako sa information desk nang mapansin ko ang grupo
ng mga babae, isa dito si Britanny at Syndey na mga girlfriend ng mga
kababata ko. Mugto ang mata ni Britanny.
"Innocent bitch!" malakas na sigaw nito. Bahagya akong lumingon sa kanya
pero eksaherada itong nag iwas ng tingin sa akin.
Nagkibit balikat ako at nagsign up na lamang sa mga magpapagupit.
"Siguro hanggang balikat lang."
"I shade mo na shoulder length, ibigay mo ito sa maggugupit sa'yo."
Ngumiti ako sa nagpaliwanag sa akin.
"Happy donation Ms. Euphiemia Soren Arcega, you'll make a cancer patient
happy." Ngumiti din ako pabalik sa babae.
Kung hindi ako nagkakamali ito ang ahensyang ka tie up ng council namin
para sa program na ito. Hahakbang na sana ako nang mapansin ko na kausap
ni Britanny ang baklang maggugupit sa aking buhok. Kita ko ang pag
aalinlangan sa mukha ng bakla habang sinusulyapan ako.
Ilang beses itong umiling sa sinasabi ni Britanny.
"Anong pa ang itinatanga mo Arcega?! Pumunta ka na dito, marami pang
magpapagupit! Masyado ka nang paimportante." Naagaw ang atensyon nang
lahat sa sinabi ni Britanny.
"Sorry," nagmadali na akong humakbang papunta sa may upuan sa harap ng
salamin.
"Now go!" nanlalaking matang sabi niya sa bakla. Nilagyan na ako ng tela
sa aking leeg.
"Britanny, do we have a problem?" tanong ko sa kanya. Nasa tabi lang siya
ng baklang nagsusuklay na ng buhok ko.
"Move," eksaherada nitong itinulak ang bakla at hinawakan nito ang
magkabila kong balikat.
Yumuko ito at marahan itong bumulong sa akin habang makakatitigan ang
aming mga mata sa salamin.
"Do you think you're out with the old school? You're wrong Euphiemia,
I'll definitely make your college life a living hell. Pagsisisihan mo ang
paglandi at pag agaw mo sa akin kay Triton. Painosenteng demonyita."
Napadaing ako nang eksaherada niyang hilahin ang buhok ko bago siya
tumayo nang maayos.
"Mas maganda kung kalbo Euphiemia, baka lalo ka nang maging inosente.
Hindi ba 'yon ang galawan mo? Inosenteng ahas." Hindi ako sanay na may
taong ganito sa akin kaya bigla na lamang may naglandas na luha sa aking
mga mata.
Tanda ko pa ang sabi sa akin ni mommy, kapag may mga taong nagbibigay
sa'yo ng maanghang na salita sa halip na bigyan ito sa kapareho nitong
lasa kailangan ko itong bigyan ng lasang sumasalungat dito.
Pinilit kong ngumiti kay Britanny sa kabila nang kanyang nanlilisik
nitong mga mata sa akin.
"Hate me, throw me stones, give me death glares, threatened me with your
power, but that won't make you great. Have a nice day, student council
president."
--
VentreCanard
Chapter 10
Chapter 10
Umawang ang mga labi ni Britanny sa sinabi ko. Handa na siyang sugurin
ako sa aking upuan pero napigilan siya ng mga kasama niyang mga officer.
Eksaherada siyang umirap sa akin bago niya ako tinalikuran habang hawak
ng mga kasama niya ang kanyang balikat. Huminga ako ng maluwag, hindi ko
alam ang gagawin ko kapag natuloy ang pagsugod niya sa akin. Hindi ako
tinuruan ni mommy na makipag away.
At lalong nakakahiya na mabalita ito sa buong school, nagalit siya sa
akin dahil inagaw ko sa kanya si Triton? Bakit ko naman aagawin sa kanya
si Triton? He's my childhood friend. Siguro ay tatanungin ko na lang
mamaya si Triton tungkol dito.
Bahagya akong natigilan sa naiisip ko, lalo na nang maalala ko ang mga
message nila sa akin ni Ahmed. Why everybody is so strange today?
"That was intense, pahiya siya. May pagkamaldita ka rin naman pala, akala
ko magpapaapi ka." Kibit balikat na sabi ng bakla na sinusuklayan na ang
buhok ko. Ngumuso ako sinabi niya.
"Hindi ko inisip na ipahiya siya. Sinabi ko lang ang nasa isip ko. Sinabi
rin sa akin ni mommy na sanayin ko ang sarili kong maging kalmado lalo sa
ganitong sitwasyon." Ngumisi sa akin ang bakla.
"Because the best decision will always come from a person's calm state."
Dagdag ko.
"I like your personality girl, nang-aasar at nakakasampal ka na hindi mo
pa alam." Nang-aasar? I don't intend to do that.
"So you're not going to bald my head?" kinakabahang tanong ko sa kanya
habang kinukuha na niya ang gunting.
"Yes, sila ang kumuha sa akin pero hindi pa nasisira ang ulo ko para
kalbuhin ka. You're a good girl, siya ang dapat kalbuhin. Napakabait mo,
ayos lang sa'yo na magpaiksi ng buhok para makatulong, itong mga officer
na ito wala man lang gustong magpagupit."
"Sila naman ang nag organize nito." Sagot ko. Umismid lang siya sa akin.
"Oo nga pala, hindi tatanggapin ang mga buhok nila. Their hairs are not
virgin anymore. Itong sa'yo birhen na birhen pa, hindi mo ba ito
pinapahawakan sa boyfriend mo kaya ganito kaganda?" bahagya akong natawa
sa sinabi niya.
"Wala akong boyfriend." Siya naman ang umawang ang mga labi sa sinabi ko.
"Oh my, ang ganda mong bata. Bakit hindi ka pa nag bo-boyfriend? Bulag ba
ang mga kalalakihan sa university na ito? Kaya naman pala ganito kaganda
ang buhok mo, hindi pa nadadapuan ng sumpa." Natatawang sabi niya sa
akin.
Sumpa? I don't get it.
"So wala pang nakakahawak dito?" nawala ang ngisi ko nang pumasok sa isip
ko si Triton. Lagi niyang nilalaro ang dulo ng buhok ko.
"Oh, mukhang may nakahawak na." Malisyosong sabi nito sa akin.
"Euphie!" sabay kaming napalingon ng bakla sa dalawang boses ng lalaki
mula sa gawing kanan namin.
Why are they here? Hindi ba sinabi ko sa kanila na mauna na sila sa akin?
Pareho silang nakangisi sa akin habang hindi naman ako makangiti sa
kanilang dalawa.
"Oh, oh, sino sa kanilang dalawa ang nakahawak? Putulin ko na ang buhok
mo Ms. Euphie, ang haba na talaga. Ang gagandang lalaki, infairness."
Bulong niya sa akin.
Humarap na lamang ako sa salamin at bahagyang ngumuso sa sinabi ng bakla.
"They're both taken."
Narinig ko pa na nagsalita ng ibang lengguwahe ang bakla, hindi ko na ito
gustong alamin pa. Mabilis natapos ang paggupit sa buhok ko at hanggang
balikat ko na lamang ito.
Pinagpagan ko ang uniform ko at sinuklay ko gamit ng kamay ang aking
buhok.
"Thank you po," ngiting sagot ko.
"Here," may inabot sa akin ang baklang naggupit na maliit ng kulay blue
na papel na may number.
"Sa bawat magpapagupit may stab na matatanggap, ibigay mo lang ito sa
council dun sa table na mahaba. I-claim mo ang token mo. Happy hair
donation Miss Euphie! May pinasaya kang cancer patient. God bless you."
Ngumiti ako sa bakla bago ako nagpaalam dito.
Pansin ko na nakaupo sa may bleachers ng gym si Triton at Ahmed na kapwa
nakatitig sa akin sa kanilang nakaawang na mga labi. What's wrong? Pangit
ba ang gupit ko?
Ramdam ko na sumunod na sila sa akin at nasa likuran ko na sila nang
papunta na ako sa lamesa ng council.
"Euphie, sobrang iksi ng gupit mo. Lalong tumaba tingnan ang pisngi mo."
Pang aasar niya sa akin.
Lumingon ako kay Triton na may naniningkit na mata.
"No, bagay sa'yo ang gupit mo Euphie." Ngiting sabi sa akin ni Ahmed.
"Thank you Ahmed." Umismid ako kay Triton.
Tumalikod na ako ulit sa kanila at nagpatuloy ako sa paglalakad.
"May pupuntahan ka pa ba Euphie?" tanong sa akin ni Triton.
"Wala na, uuwi na. Hindi ba sinabi ko sa inyo na pwede na kayong umuna sa
akin na umuwi? Okay lang naman ako." Walang sumagot sa kanila ni Ahmed.
Lumapit na ako sa mahabang table at inabot ko dito ang blue stab. Ano
kaya ang token na makukuha ko? Maybe tumbler? O kaya key chain.
"Happy donation! Sa uulitin! Bagay sa'yo Euphie, you're so cute." Ngiting
sabi sa akin ng lalaking council, nakikilala ko rin siya. He's the
intelligent, Ron Dwayne Bautista. Pakinig ko ang sabay na pagtikhim ni
Triton at Ahmed mula sa aking likuran.
Parang naalarma si Dwayne at mabilis na nitong inabot ang aking token. It
is a cloth pocket with red lace.
"Anong laman?" tanong ni Ahmed. Nakadungaw na silang dalawa ni Triton
dito. Tinanggal ko ang tali nito at sinilip ko rin.
"Coins?" nagtatakang tanong ni Triton.
Nang tinanggal ko ito, hindi coins. It's a literal token for timezones?
"Token 'yan sa karaoke house na malapit dito." Ilang beses akong
napatango sa sinabi ni Triton.
Napaisip ako, wala naman akong assignment ngayon. Pwede ko nang gamitin
ang mga ito dahil magiging busy na ako sa mga susunod na mga araw.
"I'll use this today."
"I'm in!" ngising sabi ni Triton.
"Wala rin naman akong gagawin, sasama ako." Sagot naman ni Ahmed. Gusto
ko sanang sabihin na okay lang sa akin, kahit ako na lang. Nababahala ako
sa mga girlfriend nila pero mukhang hindi ko na sila mapipigilang hindi
sumama.
Nakalabas na kami sa gym, tumigil ako sa paglalakad. Pansin ko na kanina
pa silang tahimik, nang lumingon ako sa kanila ay mabilis nilang iniwas
ang kanilang paningin sa ibang direksyon.
"Triton, is there something wrong with you and Britanny? She's crying a
while ago." Pilit kong isinantabi ang message na natanggap ko sa kanya
kanina.
Hindi nakasagot sa akin si Triton.
"What about you Ahmed? Hindi magpapahatid sa'yo si Sydney?"
"She's busy," tipid na sagot nito.
Nagkibit balikat na lang ako. Sumakay na ulit kami sa bisekleta, kay
Ahmed ako sumabay ngayon.
Dahil malapit lang naman ang karaoke house, hindi na nagtagal ang
pagpedal nilang dalawa. Maraming kwarto ito na may kanya kanyang videoke,
ako ang nagbayad ng renta ng isang oras.
Hindi naman mahilig kumanta si Triton at Ahmed, ako naman minsan lang ako
kumanta. Noong bata pa ako may voice lesson ako tuwing Saturday pero mas
nahasa ako sa pag ba-ballet. Kaya hanggang ngayon active pa rin ako sa
pag-perform nito kahit sa school.
Ibinigay ko ang song book sa kanilang dalawa.
"Kayo muna ang pumili, tapos ako naman." Sabay silang umiling sa akin.
"Manunuod na lang ako Euphie, ikaw na lang ang kumanta." Ngiwing sabi ni
Triton.
"I hate singing Euphie, pangit ang boses ko." Natatawang sabi ni Ahmed.
Sabay ko silang inirapan dalawa at inagaw ko sa kanila ang song book.
Nakaupo sila sa maliit na sofa, pansin ko parang kanina pa silang hindi
nag-uusap. Magkaaway ba silang dalawa?
Ibinalik ko ang atensyon ko sa song book hanggang sa makita ko ang
favorite song ko. Lumapit ako sa videoke at naghulog ako ng token. Nang
nag-intro na ang kanta ay lumapad na ang ngiti ko sa mga labi.
Humarap ako sa mga kababata ko habang hawak ko ang micropone. Hindi na
ako humarap sa screen ng videoke dahil saulado ko na ang lyrics. Nang
nagsimula na akong kumanta, bigla na lang nawala ang ngisi nila sa akin
pero pansin ko na parang hirap silang titigan ako.
I'm just a little bit caught in the middle
Life is a maze and love is a riddle
I don't know where to go I can't do it alone I've tried
And I don't know why
Bahagya pa akong nag-sway habang kumakanta. Pansin ko na namumula na
naman ang tenga nilang dalawa. Nagpatuloy lang ako sa pagkanta.
Slow it down
Make it stop
Or else my heart is going to pop
'Cause it's too much
Yeah, it's a lot
To be something I'm not
I'm a fool
Out of love
'Cause I just can't get enough
Nagtataka na ako sa ikinikilos ng dalawang kababata ko, para na silang
hindi mapakali. Parang hindi nila ako kayang panuorin nang maayos. Si
Triton ay yakap na ang throw pillow ng sofa at nakasubsob lang siya dito,
mata lang niya ang nakikita ko. Habang si Ahmed naman ay ilang beses nang
umiinom ng tubig, ano ba ang nangyayari sa dalawang ito?
I'm just a little bit caught in the middle
Life is a maze and love is a riddle
I don't know where to go I can't do it alone I've tried
And I don't know why
Hanggang sa makita ko na inihampas na ni Triton ang unan kay Ahmed na
biglang nasamid sa pag inom dahil sa paghampas ni Triton.
"Bakit siya ganyan Ahmed?! Bakit siya ganyan?" halos sabunutan niya ang
kanyang sarili.
"Tusok na naman tayo." Naiiling na sabi ni Ahmed. Inagaw na ni Triton ang
iniinom ni Ahmed at uminom na rin siya dito.
Nagtataka na talaga ako, pulang pula na silang dalawa. Ano ba ang iniinom
ni Ahmed at Triton? Nagpatuloy pa rin ako sa pagkanta. Tatapusin ko ito,
it's my favorite.
I'm just a little girl lost in the moment
I'm so scared but I don't show it
I can't figure it out
It's bringing me down I know
I've got to let it go
And just enjoy the show
Sa tuwing mag-chorus ang kanta ko kung hindi yayakapin ni Triton ang
throw pillow ay mahahampas na lang niya si Ahmed na poker face na sa
kanya.
The sun is hot
In the sky
Just like a giant spotlight
The people follow the sign
And synchronize in time
It's a joke
Nobody knows
They've got a ticket to that show
Yeah
Natapos ko ang kinakanta ko na nagtataka sa dalawa kong kababata, parang
nahirapan silang dalawa sa ginawa kong pagkanta.
"What's wrong with you both? Pangit ba ang boses ko?"
"No way," sagot nilang dalawa.
"Oh, punta lang ang restroom. Kumanta na rin kayo, magagalit si Euphie."
Umirap ako sa kanilang dalawa bago ko sila iniwan.
Nagtagal lang ako ng ilang minuto sa banyo, ngumisi ako sa salamin nang
makita ko ulit ang bagong gupit kong buhok.
It's so pretty, matutuwa si mommy.
Lumabas na ako, napansin ko na nakaharap sa may vendo machine si Triton
sa hindi kalayuan.
"Nakakanta ka na?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ba tinatanong mo ako kanina?" nagpatuloy ako sa paglalakad palapit
sa kanya.
"Kanina?"
"About Britanny.."
"Euphie, Triton.." narinig ko ang boses ni Ahmed.
Sasagot na sana ako kay Ahmed nang marahas akong hilahin ni Triton at
takpan niya ang bibig ko. Nagtapuan ko na lamang ang sarili ko kasama si
Triton na nagtatago sa tagiliran ng vendo machine.
Nasa likuran ko si Triton habang nakasandal siya sa vendo habang
nakayakap ang isang braso sa akin.
"Where are they?" pakinig kong tanong ni Ahmed.
Nagpupumiglas ako kay Triton. Ano ba itong ginagawa niya?
Nang mawala na ang mga yabag ni Ahmed ay narinig ko nang nagsalita si
Triton.
"Yes, nakipag break na ako sa kanya Euphie. Kasi hindi ko na kaya, hindi
na kayang pagtakpan. Sinubukan ko naman pero hindi na talaga kaya, sa
huli magkaribal pa rin ang kalalabasan namin ni Ahmed." Natigil ako sa
pagpigilas sa kanya.
Unti-unti niyang inalis ang kamay niya sa bibig ko. Mas iniyakap niya ang
mga braso niya sa akin at ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko.
"We tried Euphie, sinubukan namin ni Ahmed. We valued our friendship,
'yong maraming taong magkakasama tayo. Pero wala kaming nagawa ni Ahmed,
paulit-ulit kaming natutusok sa'yo." Bulong niya sa akin. Ramdam ko ang
init ng paghinga niya sa leeg ko.
My heart, my heart is beating too fast.
"Tapos nagpagupit ka pa, lalo kong nakita ang batok mo. Kumanta ka pa ng
ganyan. You are so cute and your innocence is killing me. Hirap na si
Triton, hirap na hirap na hirap na hirap na sweetheart."
Hindi ko magawang makapagsalita sa mga sinasabi niya.
Pero mas humataw ang tibok ng puso ko nang marinig kong marahang kumanta
si Triton. Kagaya ng tono ng paborito kong kanta.
"I'm just a little boy lost in your cuteness. Slow it down.. make it stop
sweetheart... Or else my heart is going to pop.."
--
VentreCanard
Chapter 11
Chapter 11
Hindi ako makagalaw sa yakap ni Triton. Hindi ko alam ang gagawin ko,
hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung ano na ang nangyayari.
Is he serious? Is he making fun of me? Is he really confessing on me? But
how? Why? I don't understand. Why suddenly like this?
"Euphie, magsalita ka naman." Bulong niya sa aking kanang tenga. Ramdam
ko na nagtataasan ang mga balahino ko sa aking batok. Kahit ang tibok ng
puso, hindi na tama.
Ano itong ginagawa sa akin ni Triton?
"Triton.." hinawakan ko na ang braso niyang nakapulupot sa akin. I am
still confused. How? Why? Seriously? Maybe he's just making fun of me,
again and again and again.
"Euphie.."
Magsasalita na sana ako nang kapwa kami napatalon ni Triton sa babaeng
sumilip sa amin na nakakunot ang noo na may hawak na dalawang C2. Agad
kaming nagkalas dalawa ni Triton.
Nahihiya akong napatungo at inunahan ko nang maglakad si Triton. Narinig
kong tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon. Bumalik
ako sa videoke room, nagbubuklat ng song book si Ahmed.
"Nakita mo si Triton? Nawala siya." Mahigpit akong umiling kay Ahmed.
Tumabi ako kay Ahmed, hindi ako makapagsalita. Kinakabahan ako, anong
ikikilos ko kapag dumating si Triton?
"Anong kanta ang gusto mo Euphie? Ako na ang maglalagay." Gusto ko pa
sanang kumanta pero parang hindi ko kakayanin pang tumayo sa harap ni
Triton at kumanta sa harapan niya mamaya. I am so confused.
Nahihiya pa ako kay Ate na nakakita sa amin, baka isipin niya na kung ano
ang ginagawa namin ni Triton.
"Why don't you sing Ahmed? Please? Please? Ikaw naman." Pamimilit ko sa
kanya.
"I don't sing Euphie, mapapahiya lang ako sa'yo." Umiiling na sabi niya.
"Hindi naman kita tatawanan, we're friends Ahmed. Ikaw, hindi na
makahingi ng pabor sa'yo." Nakangusong sabi ko sa kanya.
"The little girl is using my weakness." Natatawang sabi niya. Bigla na
lamang siyang yumuko at itinapat niya ang mukha niya sa akin.
"What will be my reward if I got a high score?" Nag-isip ako ng pwede
kong gawin.
"This Sunday, if you got a higher score than me I'll clean your pastries
shop." Ngising sabi ko sa kanya. Mabagal siyang tumango sa sinabi ko.
"Deal, then how can we seal it Ms. Euphiemia Soren Arcega? I'm a
businessman, we need a good agreement." Napatitig ako kay Ahmed na
nakayuko pa rin at hinihintay ang sasabihin ko.
Alam kong sa mga oras na ito ay sobra na ang pamumula nang pisngi ko.
Totoo ang mga sinasabi ng mga kaklase ko, there's something hypnotic with
Ahmed's face. From his red lips, his well shaped nose and even his eyes,
they are so alive.
Al-Muzaini's blood is really something.
"Ahmed"
"Ahmed!" narinig ko ang malakas na boses ni Triton. Tumuwid nang upo si
Ahmed, nagulat ako nang may ibato si Triton kay Ahmed na mabilis naman
itong nasambot.
Milkis, favorite namin tatlo.
Narinig kong bahagyang tumawa si Ahmed.
"Why I have this feeling na hindi mo ginustong masambot ko ito?" binuksan
na ni Ahmed ang Milkis niya at sinimulan niya itong inumin.
Lumapit sa akin si Triton at inabot niya ang sa akin, strawberry flavor.
Tinabihan ako ni Triton sa kanan.
I am between them, but why am I having a weird feeling? I can feel the
tension, the thick air and the damn awkwardness inside this videoke room.
"Magka-away ba kayong dalawa?" tanong ko. Sabay tumawa ang mga kababata
ko sa itinanong ko sa kanila.
"Don't worry we're fine Euphie." Sagot ni Ahmed.
"Yes, we're fine." Matabang na sagot ni Triton. Sumandal na sa sofa
Triton.
Hindi ko na mabuklat ang song book kahit titig na titig ako dito. Ano ba
ang nangyayari sa kanilang dalawa? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Hindi naman kami dating ganito.
"Triton, I know that you're making your move, don't expect me to stay
stiff and do nothing. I like Soren, I like you so much Euphie."
Napalingon ako sa sinabi ni Ahmed na may nanlalaking mga mata.
Mababaliw na yata ako ngayong araw.
"What the hell?" pakinig kong mura ni Triton.
"And if you're bothered with Sydney? Euphie, matagal na kaming wala."
Nangangatal akong napatayo mula sa sofa, hindi ko na inabalang pulutin
ang song book na nalaglag dahil sa pagmamadali ko.
Humarap ako sa kanilang dalawa at halos mapapadyak ako.
"What is wrong with you both?!" sigaw ko sa kanilang dalawa.
"We should accept the reality that there's no happy ending with three
persons." Seryosong sagot sa akin ni Ahmed na nagpakunot ng noo ko.
"Tulad nang sinabi ko Euphie, we did our best. Naghanap kami ng iba,
ideal, beautiful, talented. But, shit sweetheart. Isang tawag mo lang sa
pangalan ko, tusok. Tagos na tagos Euphie." Paliwanag ni Triton.
Nalilito ako kung sino ang titingnan ko.
Si Ahmed ba o Triton?
"Ano ba ang nangyayari sa inyong dalawa? Nagpagupit lang ako ng buhok,
nagpagupit lang ako! What are you saying? Are you sure? Why? How? I don't
understand. Bakit ako?"
"Euphie, we fight back. Sinubukan namin ni Triton na patagalin ang
samahan natin simula nang mga bata tayo. But as time passed by, as your
cuteness corrupted our system. Forgive me, but my damn selfishness is
growing. I want you mine Euphiemia Soren, alone." Matigas na sabi ni
Ahmed.
"Ahmed.." gusto ko nang sabunutan ang sarili ko sa mga naririnig ko.
What happened to me? Ito ba ang sinasabi ng bakla na sumpa? Dapat hindi
na lang ako nagpagupit ng buhok.
"Tang ina, agawan kung agawan. Hinding hindi kita ibibigay kay Ahmed,
Euphie." Napahakbang na ako paaatras sa sinabi ni Triton. Hindi ko na
kayang magtagal sa loob ng kwartong ito.
Hindi na ako nakasagot sa kanilang dalawa dahil patakbo na akong lumabas
ng videoke room. Hindi ko pinansin ang pagtawag nila sa akin at
nagpatuloy ako sa pagtakbo, wala na akong pakialam sa mga nasasagi kong
tao.
I need to run, I need to escape. Bakit biglaan? Pagkatapos nilang makipag
break sa mga girlfriend nila, gusto na agad nila ako?
Nagmadali na akong sumakay sa tricycle na nakapila at sinabi ko dito ang
address namin. Nang makarating kami sa lugar namin ay agad kong inabot
ang bayad, hindi ko na kinuha ang sukli at nagmadali na akong tumakbo
papunta sa bahay.
"Where's mommy?" tanong ko kay Daddy na agad kumunot ang noo nang makita
ang hitsura ko.
"What happened to my baby? May nangyari ba sa school?" tanong sa akin ni
Daddy. Natigil siya sa paghigop ng kape.
"Nandyan na si Euphie?" narinig ko ang boses ni Mommy. Halos tumakbo ako
sa kanya at agad ko siyang niyakap.
"Anong nangyari Euphie?" inalalayan ako ni mommy at pinaupo niya ako sa
sofa katabi si Daddy na nagtataka na sa akin.
"Mommy, mommy anong gagawin ko? Someone confessed to me." Naiyak na ako
sa sinabi ko. Ngumiwi si Mommy sa sinabi ko habang pinupunasan ang pisngi
ko.
"Anak, ikaw lang ang babaeng nakita kong ganyan. You should be happy,
someone is attracted to you. I like your new hair, kasing ganda mo talaga
si mommy." Tipid akong ngumiti sa papuri ni mommy.
"Oh, dalaga na ang anak ko. Kaiyak." Kung nasa ibang sitwasyon ako baka
matawa ako sa sinabi ni Daddy.
"Bakit ka umiiyak Euphie? Is he ugly?" marahas akong lumingon sa sinabi
ni mommy.
"They are not ugly Mommy.."
"They?!" sabay na sabi ni mommy at daddy. Nakanguso akong tumango sa
kanilang dalawa.
"Akala ko ba ay naputol ang buhok mo anak? Manang mana ka talaga sa akin,
napakaganda mo. Bakit ngayon lang sila naglalabasan? Ako mga sixteen pa
lang, mahaba na ang pila ng mga daddy mo." Narinig kong nasamid si Daddy
sa iniinom niyang kape.
"Eunice, sa pagkakaalala ko ikaw ang nanligaw sa akin." Tumawa si mommy.
"Euphie, nasobrahan na naman sa kape ang daddy mo." Pati ako ay natawa sa
sinabi ni mommy.
"Why don't you just invite your suitors here? Para makilala rin namin ng
daddy mo. Alam mo naman kami, hindi ka naman sasakalin sa lahat ng gusto
mo basta ang mahalaga naipapaliwanag namin sa'yo ng maayos ang mga
limitasyon mo. We're not against you, if you're going to enter in a
relationship Euphie. Just let us guide you to choose the right man. Right
love?" tumango si Daddy.
"Invite them Euphie, ilan ba ang manliligaw mo?" tanong ni Daddy. Nakagat
ko na lang ang pang ibabang labi ko at napapahikbi na naman ako.
"Anong gagawin ko mom, dad? They are Triton and Ahmed. They confessed me
to me, my childhood friends confessed to me! Ayokong pumipili sa kanila,
ayokong may masasaktan sa kanila!" Nag-iiyak na ako.
How I hate this situation. Sinong matutuwa sa ganito? I hate being torn,
I hate choosing between them. Kasi alam kong sa gagawin kong pagpili sa
pagkakataong ito, may isang maiiwan.
Kita ko ang tipid na pagngiti ni mommy sa sinabi ko.
"That's why you're crying, silang dalawa pala."
"Hindi na natiis nang dalawang batang 'yon. They confessed to me first,
Euphie." Natatawang sabi ni Daddy.
"Will you still guide me, mom and dad?" I am damn confused. Hindi ko na
alam ang gagawin ko. Masyadong biglaan ang lahat.
Sa pagkakataong ito sabay umiling si mommy at daddy sa akin.
"Those boys are both ideal, responsible, family oriented and most of all
they're both sincere with their feelings. Kung sinuman ang piliin mo sa
kanila, susuportahan namin ng daddy mo."
"Oh, ito na pala ang mga manliligaw mo Euphie. Minsan pagtataliin ko ng
manok ang dalawang ito nang mapakinabanggan." Lumingon kami sa may
pintuan, humihingal si Triton at Ahmed, halatang nagmadali sila para
makapunta dito.
"Paul!" saway ni mommy, ngumisi lang si daddy.
Tumayo na si mommy at ngumiti siya sa mga kababata ko.
"Come on boys, nagbake ng cake si Tita. Sabayan nyo kami ni Euphie
kumain." Kaswal na sabi nito. Hinawakan ni mommy ang kamay ko para
pumunta kami sa kusina.
Kasunod namin ang dalawa sa likuran. I am damn nervous. Narinig kong
biglang nagsalita si Triton.
"Tita hindi na po ako magtatagal, gusto ko lang pong sabihin na gustong-
gusto ko po ang anak nyo. Liligawan ko po si Euphie, hindi po ako
humihingi ng permiso. Ipinapaalam ko lang po ito sa inyo."
"I don't mind." Tipid na sagot ni Mommy.
Tahimik lang ako sa lamesa, nakaupo na rin dito si Ahmed at Triton.
"Liligawan rin kita Euphie, I won't back off." Kinakausap naman ako ni
Ahmed. Nakatungo lang ako sa mga nangyayari. I don't know how to react!
Nakita kong tumayo na si Triton.
"Tita, uuwi na po ako. Gusto ko pong manligaw mag-isa." Ramdam ko na
nakatitig sa akin si Triton.
"And for my fat cheeks, I like your hair. I like it so much, long or
short. See you tomorrow."
--
VentreCanard
Chapter 12
Chapter 12
Kung dati hindi ako kinakabahan tuwing umaga, ngayon nasa kama pa lang
ako ay ramdam ko na ang kaba sa dibdib ko. Nagtalukbong ako ng aking
kumot nang marinig ko ang pagbubukas ng pintuan.
Si mommy ang laging nagbubukas ng kurtina ng kwarto ko tuwing umaga.
Gusto ko na lamang munang tumigil sa kwarto ko, ayaw ko munang bumaba.
Today is Saturday, Triton's schedule for his water delivery. While
Ahmed's delivery for his baked breads and cookies.
Ilang beses akong gumulong sa kama habang iniisip kung papaano ako
haharap sa dalawang kababata ko.
"Good morning my baby girl, alam kong gising ka na. Mag-ayos ka na, may
dadating dyan mamaya." Natatawang sabi ni mommy.
"Mommy naman, dito na lang muna ako." Napanguso ako sa ilalim ng kumot.
Naramdaman kong naupo siya sa kama ko at sinimulan niyang tanggalin ang
kumot ko.
"Come on, bakit ka ba nahihiya sa kanila? They're still your friends
baby." Napatili akong nang sinimulan akong kilitiin ni mommy.
"Mommy!"
"Babangon na ang baby ko, babangon na ang dalaga ko." Tawa ako nang tawa
habang walang tigil sa pagkiliti sa akin si mommy.
"Alright, alright. Babangon na ng apo, tama na mommy!" naupo na ako sa
kama habang tinatawanan ko ni mommy.
"Ipaghahanda kita ng isusuot."
"Why? Ako na po, wala naman akong pupuntahan. Bakit kailangan kong mag
ayos?" ngumisi lang sa akin si mommy.
"Mommy, why am I having this feeling that you're enjoying my situation?
Hindi ko gusto ang nangyayari mommy."
"That's life Euphie, life is full of choices. Hindi pwedeng hindi ka
pipili, dahil sa huli anak ikaw lang ang mahihirapan." Tinapik ni mommy
ang pisngi ko at iniwan na niya ako.
Naupo muna ako sa aking kama ng ilang minuto bago ko naisipan na ayusin
ang sarili ko. Eksaktong pababa na ako ng hagdan nang makita ko si Triton
na papasok pa lang sa bahay habang buhat ang dalawang container ng
malaking mineral water.
Ngumisi siya sa akin at mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Suplada" natatawang sabi niya at nagtuloy siya sa aming kusina.
Sinundan lang ng aking mga mata si Triton, hihintayin ko na lang ba
siyang makalabas o tutuloy na ako sa kusina?
Ipinilig ko ang ulo ko at pinagpatuloy ko ang pagpunta sa kusina.
Nagtatawanan sila ni mommy nang pumasok ako.
"Oh, kumain ka na Euphie. Akala ko mamaya ka pa pupunta dito dahil
nandito si Triton."
"Mommy!" iritadong sabi ko.
Naiinis na ako kay Triton, bakit parang wala lang sa kanya ang mga sinabi
niya sa akin?
Bakit sa akin lang ang awkward?
"Huwag mo akong iwasan Euphie, sige ka hindi na ako magdadala ng tubig
dito." Pagbibiro sa akin ni Triton.
"Si Triton ang manliligaw na hindi ka uuhawin anak." Natatawang sabi ni
mommy.
"I like that Tita." Ngising sagot ni Triton bago kumagat ng green apple
pero nasa akin ang kanyang mga mata.
"May pupuntahan ka ba mamaya Euphie? Samahan mo naman ako. Tita can I ask
Euphie out?" tanong ni Triton.
"Lagi naman kayong lumalabas, si Euphie ang tanungin mo." Kibit balikat
na sabi ni mommy. Naglagay na siya ng pancake sa lamesa.
Bigla kong naalala na may ballet practice nga pala ako mamayang hapon.
"I'm sorry I can't Triton, may practice kami ni Spencer ng ballet
mamaya." Siya 'yong ka-partner ko lagi. He's gay.
"Gusto mo samahan kita?" tanong niya sa akin. Umurong ang dila ko, may
usapan na kami ni Ahmed na siya ang kasama ko.
Napag-usapan na namin ito bago pa silang dalawa umamin sa akin. Ito na
naman.
"Ako ang kasama niya Triton." Narinig ko ang boses ni Ahmed mula sa aking
likuran.
"Good morning Soren." Napasinghap ako sa ginawa niya.
Hindi pa rin ako masanay kapag inilalapat ni Ahmed ang supot ng mainit na
tinapay sa aking pisngi sa tuwing magdadala siya sa akin nito tuwing
umaga.
"Good morning Tita, Triton." Ngumiti dito si Mommy at tumango lang sa
kanya si Triton.
Nakagat ko na lamang ang pang ibabang labi ko, hindi kami dating ganitong
tatlo. Walang tensyon, magaan lang lagi sa pagitan namin tatlo, walang
naiiwan pero bigla na lang nagbago ang lahat.
"Is that so? Siguro sa susunod na lang ako." Simpleng sabi ni Triton.
"Idinaan ko lang rin ang tinapay Euphie, may aasikasuhin pa ako sa
bakery. I'll pick up at one, alright?" tumango ako kay Ahmed pero sa
gilid ng aking ay pilit kong pinagmamasdan ang naglalakad na Triton
palabas.
"Mag-ingat ka sa pagmamaneho Triton." Sabi ni mommy na hindi na rin
nakapagsalita kanina.
Nagmadali kong itinuon ang mga braso ko sa lamesa para magpahabol ng
sasabihin kay Triton.
"Huwag ka mag-oovertake Triton. Mawawalan si Euphie ng delivery boy."
Pagbibiro sa kanya, bigla siyang tumigil sa paglalakad at lumingon siya
sa akin.
"Tusok na naman Euphie." Kagat niya ang pang ibabang labi niya habang
dalawang beses niya tinapik ang dibdib niya ng kanyang kamao.
Ngumuso lang ako sa sinabi niya at naiiling na siyang lumabas ng kusina.
Pero agad din akong natauhan nang marinig ko ang eksaheradang pagtikhim
ni mommy.
Damn, Ahmed is still here.
"You and Triton always have that cute conversation." Natatawang sabi
niya.
Tama si Ahmed, si Triton kasi sa kanilang dalawa ang laging ginagaya ang
paraan ng pagsasalita ko. Kapag sinasabi ko na galit ako sa kanya,
gagayanin niya rin kapag nagagalit siya sa akin. Hanggang sa masanay na
kami sa isa't isa na laging 'si Triton' 'si Euphie'
Hindi kasi mahilig makipag-biruan si Ahmed, he's the serious type.
Binuklat ko na ang supot na ibinigay niya sa akin at pinili kong ibahin
ang usapan.
"Thank you for this Ahmed, hihintayin kita mamaya." Ngumisi ito sa akin
at bahagya niyang pinisil ang ilong ko.
"Tita, aalis na rin ako. Saglit ko lang pinatao ang kapatid ko, tamad pa
naman 'yon." Sabay kaming tumango ni mommy dito.
Natahimik kami ni mommy nang maiwan na kaming dalawa.
"See? Look what happened to us mommy? Lagi na lang may umaalis na isa,
hindi na kami magkasamang tatlo dahil laging pipiliin ng isa na umalis."
"Then what do you want to do baby? Reject them both?" hindi ako nakasagot
sa sagot ni mommy.
Nagsimula na akong kumain ng pancake.
"I know deep inside there is someone Euphie, may mas matimbang. Hindi sa
lahat ng pagkakataon kapag binigyan mo ng atensyon ang isa, bibigyan mo
rin ang isa. You will never keep them both anak. Laging may isa lang at
laging may maiiwan." Pinagpatuloy na lang namin ni mommy ang pagkain.
Inabala ko ang sarili ko sa pag gawa ng assignments at pag-browse sa
facebook. Nakita ko ang ilang nakapost na pictures, may bago ng kasamang
lalaki si Sydney at Britanny na parang nasa isang party silang dalawa.
Dumating na ang hapon, nag-ayos na ako ng aking sarili at hinintay ko na
si Ahmed. Dahil lagi naman siyang on time sa lahat ng lakad namin, hindi
na ako naghintay sa kanya. Isa pa, magkapit-bahay lang naman kami.
Naglalakad na siya patungo sa akin habang hawak niya ang susi ng kanyang
sasakyan.
"Nakaparada na sa labas ang kotse Euphie, let's go." Ngiting sabi nito sa
akin. Kinuha niya sa akin ang bag ko na may laman ng damit at sapatos ko.
"Thank you Ahmed," naglalakad na kami palabas nang makita namin ang owner
jeep ni Triton na kakapasok pa lang ng gate.
Inabot na siya ng hapon sa pagdedeliver, ang alam ko nagdeliver siya
ngayon sa dalawang bayan.
Saglit lang nagtama ang aming mga mata ni Triton bago ako hinawakan ni
Ahmed sa aking siko.
"Malelate ka na Euphie," tumango ako dito.
Sumakay na kami sa kanyang sasakyan at pinaandar na niya ito.
"What is your plan after your practice? Do you want to watch movie
Euphie?" ngising tanong sa akin ni Ahmed.
Napatitig ako kay Ahmed.
"Hindi kaya dapat yayain na rin natin si Triton? We can watch movie
together." Nawala ang ngisi niya sa sinabi ko.
"Euphie, ako ang naunang magyaya sa'yo. Hindi na tayo pwedeng lumabas
magkakasamang tatlo, nililigawan ka na namin dalawa. Hindi na katulad ng
dati." Paliwanag niya sa akin.
"Sorry.." iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi na katulad ng dati.
"Euphie," hinawakan ni Ahmed ang kamay ko. Ramdam ko na bumilis ang tibok
ng puso ko sa ginawa niya.
"You're not mad right? Gusto lang kitang masolo, I am sincere. Alam mong
hinding hindi kita sasaktan Soren, not in a million ways." Nakatitig na
ako sa kanya nang dalhin niya sa mga labi niya ang kamay ko at halikan
ito.
Sa kabila ng bilis ng tibok ng puso ko, ramdam ko ang saglit na pagkirot
nito.
Nakarating na kami sa studio, papasok pa lang kami sa room ni Ahmed nang
makasalubong namin si Spencer na nagmamadaling lumabas.
"Sorry Euphie, hindi ako makaksabay sa practice may emergency. Ilan lang
naman ang steps na bubuhatin ka, kahit si Ahmed na lang muna. Sorry
talaga." Nagmamadali na kaming iniwan ni Spencer habang natulala na
lamang ako.
"Tutuloy ka pa ba Euphie?" tumango ako kay Ahmed.
Naupo na siya at kinuha ko sa kanya ang bag ko.
"Magbibihis lang ako."
"Sure.."
Kinakabahan ako habang nagbibihis, kami lang ni Ahmed ang nasa studio.
Ipinusod ko na rin ang buhok ko bago lumabas. Naka-ballet shoes na rin
ako. Lumapit na ako sa stereo at ni play ko na ang music.
"I'll start Ahmed." ngumiti ito sa akin.
Kalahating oras akong nagsasayaw mag-isa habang habol ang tingin ni Ahmed
sa bawat galaw ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng aking pisngi habang
titig na titig siya sa akin.
Nang tumigil ako para uminom ng tubig ay lumapit ito sa akin para abutan
niya ako ng towel. Akala ko ay simpleng ibibigay niya ito sa akin pero
siya ang nagpunas ng pawis ko sa mukha.
"I was hoping that you'll ask me to carry you. Kinalimutan mo na ang
sinabi ni Spencer, narinig ko 'yon Euphie." Ngusong sabi nito sa akin.
Natawa ako sa sinabi niya.
"Ilang steps lang 'yon. Come here, I'll instruct you." Ipinaliwanag ko sa
kanya na pagtapos ng apat na ikot ko ay bahagya akong tatalon at
huhulihin niya ang bewang ko.
"Huwag mo akong ihuhulog Ahmed." Natatawang sabi ko sa kanya.
"I'll definitely catch you." Kumindat ito sa akin.
Nagsimula na akong umikot at nang matapos ako sa pang-apat ay tumalon na
ako, mabilis nahuli ni Ahmed ang bewang ko at agad niya rin akong
ibinaba. Sinabi ko rin sa kanya na maghahawak ang kamay namin at iikot
niya ako ng isang beses bago niya ako bitawan.
Pero sa halip na bitawan niya ako ay mas kinabig niya ako papalapit sa
kanya. He did bend me with his arms supporting me and he gave me a
handsome grin on his face.
Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa habang mabibigat ang paghinga
ko dahil sa aking pagsasayaw.
"Ahmed.."
Pansin ko na hindi na sa aking mga mata nakatigil ang kanyang mga titig.
He's staring at my lips.
"Euphie.." nangangatal ang kamay kong nakahawak sa braso niya.
Nagsimula nang bumaba ang mukha niya sa akin nang makarinig kami ng
eksaheradong tikhim. Sabay kaming napalingon ni Ahmed sa may pintuan.
Narinig ko ang mahinang mura ni Ahmed habang inaayos ang pagkakatayo
namin dalawa.
Nakahilig sa hamba ng pintuan si Triton habang naka-ekis ang kanyang mga
braso.
"Seems like you're attacking my ostrich." Sabay kaming bahagyang natawa
ni Ahmed.
Triton is an animal blind, lito siya sa pagkilala ng mga hayop.
"She's a swan Triton, ballerinas are swan." Pagtatama ni Ahmed.
Nagkibit balikat ito.
"Alam kong tagilid ako sa laban, pero wala pa naman tayo sa kalahati
Ahmed. Huwag kampante."
"But you're already triggered, Triton." Sagot ni Ahmed.
"Sinong hindi pagdating kay Euphie?"
--
VentreCanard
Chapter 13
Chapter 13
I didn't make my practice any longer. I had this strange feeling with
Triton and Ahmed's eyes on me. Kahit hindi ko na sila tinitingnan sa
repleksyon ng salamin, alam kong habol ang tingin nila sa akin.
What should I do now?
Sasama ba ako sa alok ni Ahmed? Papaano ko ito sasabihin kay Triton? But
I hate seeing Triton turning his back when I'm with Ahmed, ganito rin
naman ako kay Ahmed.
I'm going crazy.
Nang matapos ako ay sabay lumapit sa akin si Triton at Ahmed. Dala ni
Ahmed ang towel habang tumbler naman ang kay Triton.
Hindi ko alam kung kanina ang kukuhanin ko.
"Towel,"
"Water?"
Nagpalit-lipat ang tingin ko sa mga kababata ko.
"I'll take both," sabay kong itinaas ang kamay ko at inabot ang mga hawak
nila.
Sabay silang bumuntong-hininga sa ginawa ko.
"You can't always take the both sides, Euphie." Kumakamot na sabi ni
Triton.
"I need both, bakit ko iiwan ang isa?"
"Mas kailangan mo ng tubig kaysa sa towel, Euphie."
"Are you sure, Triton?" sabat ni Ahmed.
"Yeah, nakakamatay kapag walang tubig."
"Uminom na si Euphie kanina, Triton."
"Hey, wag na kayong mag-away. Ang babaw niyong dalawa." Sumingit ako sa
gitna nilang dalawa at kapwa ko sila itinulak.
"Kanino ka samama ngayon, Euphie? I told you, we can't go out together
again. It's dam awkward, pareho na kami ni Triton na nanliligaw sa'yo."
I looked confuse at muli akong tumitig sa kanilang dalawa.
"Can we do it for the last time? Please? Manuod tayo ng movie. Avengers."
I tried to give them my forced smile. Sana pumayag sila, I won't make our
atmosphere awkward.
"Alright," sagot ni Ahmed.
"No," sagot ni Triton.
I narrowed my eyes to Triton.
"Pagbigyan mo na si Euphie, Triton. She just used her charms, tapos na
ang laban." Umiiling na sabi ni Ahmed.
"Sa akin tatabi si Euphie," inagaw ni Triton ang braso ko.
"Hindi, ako ang unang nagyaya sa akin tatabi si Euphie." Hinawakan rin ni
Ahmed ang braso ko.
I pouted while looking at them.
"Hindi pa ba kayo matatapos? I will sit in between, hindi ba at lagi
akong nasa gitna niyo? Sige na last na naman ito, let's be friends again.
Huwag nyo munang ligawan si Euphie. Susubuan ko kayo ng pop corn."
Ngumisi ako sa kanila.
Sabay umawang ang bibig ng dalawang ito sa sinabi ko. They both released
my hands and they turned back on me.
"Oh god, what is wrong with this fat cheeks? Napapamura na ako Euphie!
Can't you quit that? Can't you stop being cute for a while?" Triton
kicked the floor out of frustration.
"Paano ka namin maliligawan niyan, Euphie? Ikaw na lagi ang nasusunod.
Soren, you're cuteness is so damn dangerous. Sa amin mo na lang gamitin
na nakakapagpigil pa." Natatawa na si Ahmed.
"What do you mean? I'll just change my clothes, you wait for me."
Iniwan ko silang dalawa ni Triton at pumunta muna ako sa dressing room
para ayusin ang sarili ko. Hindi pa man ako nagbibihis nang may mag-
message sa akin.
Nakatabi ko siya sa isang subject at natutuwa ako na may bagong gustong
makipagkaibigan sa akin. Si Patricia Anne Hanabishi. She's my newly found
friend, half-japanese.
Patricia: Are you free today? Let's go out.
I replied.
Me: Sorry, Patricia. I'm with my childhood friends, maybe tomorrow?
She immediately replied.
Patricia: Childhood friends? You mean Triton and Ahmed?
Me: Yes
Patricia: Can I join?
Me: Yes! Yes! I'll ask them.
Patricia: Oh no, hindi na lang muna. May gagawin pala kami ni mommy.
Hehe. Maybe next time.
Me: Oh, sayang naman. They are fun, but there's a next time. Ingat.
Patricia: Thanks Euphie.
Lumabas na ako at mukhang natagalan sila sa akin.
"I'm sorry," ngumisi lang sila sa akin.
Mas lalo akong nahirapan nang dalawang sasakyan na ang gagamitin namin.
"Can't we use one?"
"No!" sagot nilang dalawa.
"K-Kay Triton muna ako sasabay Ahmed, sa'yo ako sumabay kanina." I saw
how Triton grinned.
"Alright, sa akin ka sasabay mamaya Euphie." Tumango ako sa sinabi ni
Ahmed. Siya naman ngayon ang ngumisi kay Triton.
Sa isang mall kami pupunta na isang oras ang biyahe, dito na lang daw
kami magkita. Umuna nang magmaneho si Ahmed dahil may saglit lang daw
siyang dadaanan.
Pinaandar na ni Triton ang kanyang sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa
nang tumikhim si Triton.
"May pag-asa ba ako sa'yo, Euphie?" agad kong tinakpan ang tenga ako.
"I told you, ayaw ni Euphie ng ganyang usapan. Magagalit ako sa'yo
Triton, magagalit ako." He laughed at me.
"Hindi na po, hindi na po sweetheart. Cute cute po ni Euphie, cute cute."
Triton copied me and put his hands on both of his ears.
"Triton! Ang pagmamaneho mo! You're so bad! Ang kulit kulit mo!" halos
maiyak ako nang bitawan niya ang manibela habang siya ay tawa nang tawa.
"I hate you Triton,"
"Ang pisngi mo at ang paraan mo ng pagsasalita. Napaka-inosente,
nakakawala sa huwisyo Euphiemia Soren Arcega. I can't lose to Ahmed, damn
no."
"Wala akong naririnig,"
"Wala rin akong sinasabi," umirap ako sa kanya. Pang-asar talaga itong si
Triton.
When he noticed that I was so annoyed, he stuck his tongue out. Dinilaan
ako ni Triton!
"Fat cheeks, fat cheeks, fat cheeks."
Napapadyak na ako sa kotse.
"I will not talk to you! Kami na lang ni Ahmed! Naiinis na ako sa'yo!
Inis na ako sa'yo!" Kung hindi siya nagmamaneho ay hinampas ko na siya.
"Inis na si Euphie ko, lalong namumula ang pisngi niya. Kakagatin ka na
ni Triton." Lalong pang-aasar nito sa akin.
Gusto ko nang umiyak. Bakit natutuwa siyang asarin ako?
"Why are you so bad, Triton?"
"Am I? Love love nga kita."
Hindi ako nakasagot nang biglang nagpreno si Triton.
"Triton!" I shouted.
"I'm sorry Euphie, damn. What is he doing here at Enamel?" mabilis nag-U
turn si Triton.
"Where are we going?"
Hindi sumagot si Triton at tumigil ito sa tabi ng kalsada. Biglang bumaba
ang bintana na malapit sa akin.
I gasped and put my hand on my mouth when I saw the familiar guy.
"The fuckboy," kumunot ang noo ng lalaking kaharap ko na may diamond
earring sa kanyang tenga.
"Sinisiraan mo siguro ako sa kanya, Triton. Huwag ka maniwala, mas mabait
ako sa kababata mo."
"You looked annoyed. What happened?" sumakay na siya sa likuran ng
sasakyan ni Triton.
"I don't know, saan kayo pupunta? Can I join? Ayoko munang bumalik sa
Leviathan."
"Napagalitan ka ng lolo mo, Troy?"
"Pautang, naiwan ko ang wallet ko."
"Nasaan ang sasakyan mo?"
"Wala akong dalang sasakyan, pautangin mo na lang ako Triton. Huwag ka
nang maraming tanong." Sumipol si Triton.
"Paano ka nakarating dito?"
"Ang ingay mo Triton, ilalaglag kita isang tanong pa."
"Ang init ng ulo mo."
"Sinong hindi, iniwan ako ni Laura sa gitna ng kalsada. Fuck that woman."
"She's so mean naman," hindi ko na napigilang sumabat.
"Mabuti pa si Euphie, she's a nice girl. Cute cute pa." I rolled my eyes.
Muntik nang abutin ni Triton ang pisngi ko.
"Siya ba si Euphie?" tanong ni Troy.
"Yes," sagot ni Triton.
Hindi ba nagkita na kami ni Troy? Mukhang makakalimutin ito sa mga babae.
Bigla na lamang lumapit si Troy mula sa likuran para mas pagmasdan ako,
agad akong sumandal sa pinto ng kotse.
"Hey! Bumalik ka sa likuran Troy, itatapon kita! Don't stare too much."
Pilit hinahawakan ni Triton ang balikat ni Troy para ilayo sa akin.
"Ngayon ko lang siya mas napagmasdan, para nga siyang manika. Sigurado ka
na kasing edad natin siya?"
"That's foul! Magkaibigan nga kayo ni Triton!" Gigil na sabi ko.
"Woah talking doll. Na-inlove ang gago sa manika, dapat nagpabili ka na
lang sa akin Triton."
"Get away from her, you maniac!"
Hindi nagpatinag si Troy Ferell, ngumisi ito sa akin.
"HiI am Troy Ferell, I am Triton's bestfriend." Mabagal ang pagpapakilala
niya sa akin na parang isa akong bata na hindi agad nakakaintindi.
I am damn offended. Inaano ko ba silang dalawa?
"Triton! Ilayo mo sa akin ang bestfriend mo! You are both bad!" Suminghap
si Troy Ferell nang sumigaw ako.
"Damn it, she's too cute. Kaya ka pala kinilig sa kanya Triton." Tumawa
ito habang napapasulyap sa akin.
"Susuntukin na kita Troy! Lumayo ka sabi kay Euphie! Akala ko ba ay
mainit ang ulo mong gago ka?!"
Hindi siya pinansin ni Troy Ferell at natutuwa itong pinagmasdan ako.
"Namumula ang pisngi niya Triton." Inilahad niya ang kamay niya sa akin.
"Can we be friends? I have big T, just like Triton. We have big T. We are
the big T bestfriends." He grinned.
Binatukan na ni Triton si Troy Ferell.
"What the fuck, Troy Alvis Ferell?! Out! Get out of my car!" sigaw ni
Triton. Tumigil ang sasakyan ni Triton sa tabi nang kalsada.
"I was just kidding, mainit na ang ulo mo T."
"Stop calling me T! For fuck sake Troy! Huwag ka nang uutang sa akin!"
tawa lang nang tawa si Troy Ferell.
They are crazy bestfriends and annoying.
"I hate both of you, bullies!"
Natulala si Triton sa sinabi ko.
"Hey, don't hate me sweetheart. Si Troy kasi, bumaba ka na kaya!"
"Don't talk to me Triton! Don't talk to me! Just talk to your T
bestfriend." Tumingin na ako sa labas ng bintana.
Walang tigil sa pagtawa ang kaibigan ni Triton.
"Welcome to the club Triton, baka halik hindi ka pa makaisa."
--
VentreCanard
Chapter 14
Chapter 14
Simula nang sumakay si Troy Ferell sa kotse ni Triton, pakiramdam ko ay
tumagal na ang oras.
Wala silang tigil ni Triton sa pag-uusap nang kung ano-ano, pareho silang
madaldal at nakakainis.
Isa pa, biglang umulan at na-traffic.
Tumawag rin sa akin si Ahmed na baka mahuli siya dahil naipit rin siya ng
traffic.
"But how many minutes, Ahmed?" I asked him.
Ayokong kasama si Triton at ang bestfriend niya.
"Why? Iniinis ka pa rin ba ni Triton? I told you, sa akin ka na lang
dapat sumabay Euphie." Gusto kong maiyak sa sinabi ni Ahmed.
"Sana sa'yo na lang ako sumabay, Ahmed. Ayaw ko na rito." I heard Ahmed's
deep sigh.
"Aray, ayos ka pa Triton? Massacre masyado ang words mo Euphie. Harapan,
parang si Laura lang. I feel you T." Sabat ni Troy Ferell na may kasamang
pagtawa.
"I am not talking to you!" sigaw ko sa likuran.
When I looked at Triton, sa kalsada na siya nakatitig.
"Who's that?" nagtatakang tanong ni Ahmed.
"Yung friend ni Triton, the other bully."
"Si Troy?"
"Yes," may pagtango pa ako.
"Hindi ko na lang papatayin ang telepono ko. I'll talk to you." Ngumiti
ako sa sinabi ni Ahmed.
Mabuti pa si Ahmed, kahit kailan hindi niya ako iniinis, ayaw niya akong
umiiyak samantalang si Triton tuwang-tuwa siya kapag halos umiyak ako sa
sobrang inis sa kanya.
"Pero nagmamaneho ka, baka masagasaan ka Ahmed. I don't want that to
happen." Mahinang sabi ko.
Narinig ko ang marahang pagtawa ni Ahmed sa kabilang linya.
"I'll be careful, titingin po ako daan Soren. Just don't turn off the
phone, okay?"
"Yes, yes.. Ahmed." Hinawakan ko ang pisngi ko dahil ramdam ko ang pag-
iinit nito.
I love it when I'm hearing Ahmed's voice on phone. He's always gentle and
nice.
"Sometimes innocence is the sharpest knife, right T? Uwi na tayo, inom.
Ibigay mo na 'yang manikang 'yan kay Ahmed."
"Shut up, Troy. Itatapon na kita."
"Ako na ang nasasaktan sa'yo T, kawawa ka naman. Mas maraming cute sa
Leviathan, hindi lang pisngi ang--"
"Shut up Troy!"
"I was just distracting you, para hindi mo marinig. Gago, wag ka na lang
makinig. You're killing yourself, eh?"
"I'm now regretting that I picked you up Troy."
Hindi ko na pinansin ang pag-aasaran nila Troy Ferell at Triton dahil
abala na ako sa pagkausap kay Ahmed.
"I have something for you, Euphie." Sabi sa akin ni Ahmed.
"What is that?" tanong ko.
"It's a secret, malalaman mo kapag nasa mall na tayo."
"D-Don't tell me, ang pinuntahan mo kanina ay para lang sa"
"No!"
"Are you sure?"
Natahimik ang kabilang linya.
"You're lying Ahmed! Dapat sa bahay mo na lang ibigay, naabala ka pa."
"Pero si Triton, okay lang maabala. Sakit men! Uwi na tayo. Kahit i-
import ako, dehado na tayo."
"Hindi ka pa ba tatahimik, Troy?" iritado na ang boses ni Triton.
Sumulyap akong muli sa kanya at kunot-noo na ito sa akin.
"W-Why?" I asked Triton.
Nakatitig na ito sa akin at napapasulyap na ako sa kalsada, baka mabangga
kami.
"Why are you so cruel to me, Euphie?" he asked me in serious tone. Inagaw
nito ang phone na hawak ko at inihagis niya ito kay Troy Ferell.
"No! That's mine! Kausap ko pa si Ahmed!"
Nang lumingon ako sa likuran ay nahuli kong inilagay ni Troy Ferell ang
phone ko sa likuran niya.
"Give my phone back! You bully earring fuckboy!"
And just like Triton he stuck his tongue out to annoy me.
"Wala akong itinatago, wala akong itinatago. You ask Triton, kapain mo
siya Euphie. Nasa body ni Triton."
Hinampas ko na si Triton sa kanyang braso. He's being too much! Lagi niya
na lang ako pinagti-tripan. Isinama pa niya ang bestfriend niya.
"Ano ba Triton?!"
"Ano ba Triton?" he mimicked me.
"Lagi ka na lang ganyan sa akin. Gusto mo lagi akong naiinis sa'yo, tapos
lagi mo akong pinaiiyak. You always wanted me to cry and cry and cry. T-
Then you told me that you l-like"
"That's because I want your attention Euphie!" napapikit ako nang sigawan
niya ako.
Lalong nag-init ang sulook ng mga mata ko.
He looked shock and confused.
"Y-You shouted at me, Triton.." nakarinig ako ng sipol sa likuran.
"Heavy drama pala ito, I wasn't informed." Troy Ferell commented from the
back.
"Oh shit, I'm sorry sweetheart." Nang akma akong hahawakan ni Triton ay
iniwas ko ang kamay ko mula sa kanya.
At muli akong tumingin sa bintana.
"Fuck! Lagi na lang Triton! Lagi na lang!" narinig ko ang hampas niya sa
manibela.
At halos manlaki ang mga mata ko nang muling mag-U turn ang sasakyan ni
Triton.
"W-Where are we going? Hindi dito ang daan sa mall!"
"It's a kidnap, why would I play fair kung alam kong matatalo lang rin
ako? Hate me, go hate me. You hate Triton, you always hate Triton.
Sosolohin kita."
"W-What? Ibalik mo ito Triton! Dun tayo sa mall! Ahmed will wait for us."
Hindi siya sumunod dahil diretso ang pagmamaneho nito.
"That's my fellow T, palaban kahit duguan."
"Troy, can you drive? I'll focus with Euphie."
"Woah, utangan mo na ako nang malaki pero hindi mo ako mapapagmaneho.
Kahit ang mga pinsan ko, hindi ako mapagmaneho. Flirt while driving, dito
lang ako."
"Wala ka talagang kwenta, Troy."
"Isusumbong kita kay Ahmed, Triton. Isusumbong kita!"
"Magsumbong ka," sagot niya sa akin.
Nagpatuloy sa pagmamaneho si Triton, kinakausap ko siya pero hindi ko na
siya pinapansin. I hate him! I hate him.
Hindi ko man lang na-message si Ahmed, siguradong maghihintay 'yon sa
amin. He's so bad, Ahmed is still his friend.
"Come on Euphie, pansinin mo na si Triton. Kawawa naman ang driver natin,
walang motivation."
"Euphie, saan mo gustong kumain?" tanong ni Triton. I rolled my eyes.
"Euphie, ayaw mo sa malalaki ang T? Masarap kaming magmahal."
"What the fucking fuck Troy?! Hindi ka ba napapagod sa kadadaldal mo? and
can't you stop talking green? You asshole."
"There's nothing wrong with it, wala namang naiintindihan ang manika mo.
Asar na nga ako, hindi pa ako naiintindihan." Muli itong tumawa.
Para hindi na nila ako makausap ay nagsuot na ako ng earphones. Natigil
lamang ako sa pakikinig ng music nang tumigil kami sa isang Jollibee.
Nagyayang kumain ang kaibigan ni Triton na wala namang pera. Dahil
nagugutom na rin ako sumama na ako sa kanilang dalawa.
Si Triton ang nag-oorder habang hindi ko pinapansin si Troy Ferell na
pasulyap-sulyap sa akin.
"Are you sick, Euphie?" I looked at him annoyingly.
"I don't like you, please don't talk to me. I don't talk to strangers."
"Mas nakakasakit pala talagang magsalita 'yong mga taong inosente, 'yong
hindi nila alam ang ginagawa. I pity Triton." Hindi ko siya pinapansin.
"If you're in love with Ahmed, diretsuhin mo na si Triton Euphie. Wag ka
magpaasa sa isa. Isa pa mahina ang puso ni Triton, ayokong makakatulog na
naman siya nang matagal."
"W-What?" naguluhan ako sa sinabi ni Troy Ferell.
Dumating na si Triton at hindi na ako kinausap ni Troy, tumabi sa akin si
Triton at inilagay niya sa harapan ko ang palagi kong order.
Habang inilalagay niya sa plato ko ang kutsara at tinidor, hindi ko
maiwasang hindi mapatitig kay Triton. Anong sinasabi ni Troy Ferell na
matutulog nang matagal?
Just like Aurora? Just like sleeping beauty?
May lumapit na crew ng Jollibee at may ibinigay na plato kay Triton.
Nagtaka pa ako nang mapansin na wala namang laman pero nang ibigay ito sa
akin ni Triton ay natahimik ako sa nakasulat na plato gamit ang ketchup.
'Sorry na'
"Pagkakain mo, I'll message Ahmed. I'll tell him that we're just late.
Huwag ka nang magalit sa akin Euphie. Love love ka ni Triton." He
whispered the last few words.
Hindi pumasok sa isip ko ang mga sinasabi ngayon sa akin ni Triton dahil
nagpapaulit-ulit ang mga sinabi sa akin ni Troy Ferell.
Anong makakatulog nang matagal? Is Triton sick? Is it still because of
his trauma? Bakit wala akong nalalaman dito?
"Sweetheart.." ipinatong na ni Triton ang kanyang baba sa ibabaw ng ulo
ko.
"Galit ka pa kay Triton? Anong gusto mong gawin ko? Should I kick Troy?"
Biglang humawak ang dalawang kamay ko sa laylayan ng damit ni Triton. Why
am I having a bad feeling?
Nang sulyapan ko si Troy Ferell ay wala na itong pakialam sa amin dahil
abala na siya sa pagkain.
"Euphie?" nagtataka nang sumulyap sa akin si Triton.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang makita ko sa sulok ng aking mga mata
ang tatlong teacher namin ni Triton at Ahmed noong highschool, ang
triplets na ninang ni Triton.
The three fairy god mothers! Why are they here?!
Bigla na lamang bumuhos ang mga luha sa mga mata ko habang nakangiti
silang patungo sa direksyon ni Triton.
"W-What the hell is happening to you, Euphie?" natuliro si Triton nang
makita akong biglang lumuluha.
Mahigpit ko siyang niyakap at isinubsob ko ang sarili ko sa kanyang
dibdib.
"No! Don't accept their gifts Triton! Don't fall asleep, love love rin
naman kita. Love love rin naman kita, please don't fall asleep."
"W-What are you talking about Euphie?" agad inihiwalay ni Triton ang
yakap ko sa kanya.
Hindi ko siya pinakinggan at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
"Hindi na ako galit, hindi na galit si Euphie, Triton."
Sabay kaming napalingon sa tawa ni Troy Ferell.
"I'm so proud of your love story Triton, disney plus heavy drama."
"Triton, hijo.." suminghap ako nang makarating ang tatlong fairygod
mother ni Triton.
"Ninangs,"
"Triton.."
"I'm sorry Ninangs, sasamahan ko lang si Euphie." Nauna itong tumayo at
hinila niya ako malapit sa washroom.
"What happened to you?" kumuha siya ng panyo sa kanyang bulsa at
pinunasan niya ang luha ko.
"I-I was just scared.."
"Scared of what?"
"T-Troy Ferell said that you're sick,"
"Sick? What thenaniwala ka sa kanya?"
"He's lying?"
"He's born to lie,"
"But the signs are coming, nagsasabay-sabay. Tapos biglang nagpakita ang
mga fairygod mothers mo." Bigla na itong tumawa.
"You're watching too much Disney movies, Euphie."
"But you're not going to sleep?"
"Gigisingin mo ba ako?" tumango ako sa kanya.
"You'll kiss me?" tumango ulit ako sa kanya.
"On cheeks for sure," tumango ulit ako.
"Then do it now or else I'll accept their gifts. Parang may dala sila
nina" I tiptoed and kissed Triton's cheeks.
Napasandal bigla si Triton sa lababo ng Jollibee at titig na titig ito sa
akin.
"Don't be Aurora, Triton. Ayoko, I don't want."
Agad akong hinila ni Triton papalapit sa kanya. He grabbed one of my
hands and picked my forefinger.
"But I am, Euphie. I was pricked, at hindi lang sa daliri---" hawak niya
ang dulo ng hintuturo ko.
Dinala niya ang hintuturo ko sa dibdib niya.
"Dito, dito Euphie. This Prince is bleeding, patuloy mong tinutusok."
--
VentreCanard
Chapter 15
Chapter 15
Binitawan ako ni Triton nang may isang crew ng Jollibee ang dumaan sa may
tapat namin na nakakunot ang noo.
I even heard some college students from the near table saying walang
forever sa Jollibee. Friend zone dito.
I can't understand them. Friend zone?
"How I hate commercials," I heard Triton's whisper.
Magtatanong pa sana ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko. We're
coming back to our table.
"Triton, you promised me. You won't accept something from" he cut me off
from talking.
"Yes Euphiemia but seriously, it isn't the fairy god mothers, it's the
spinning wheel sweetheart and it's you." I didn't heard his last few
words.
"What Triton?" tanong ko sa kanya.
"Nevermind,"
Nakarating kami sa lamesa, naghihintay na rito ang tatlong ninang ni
Triton at ang bestfriend niya. Ibinaba ni Troy Ferell ang telepono ni
Triton nang makita niyang papalapit kami.
"I borrowed your phone, Triton."
"You got the password?" ipinaghila ako ni Triton ng upuan.
"Always," Troy Ferell grinned.
Magkatabi pa rin kami ni Triton sila ng mga ninang niya. Binati rin ako
ng mga ito pero hindi na ako sumali sa usapan. While Troy Ferell can
easily get along.
Ang galang-galang ni Troy Ferell sa mga ninang ni Triton na parang ang
bait-bait niya.
Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ang mga ninang ni Triton, gusto pa
sana kami ng mga itong ibili ng ice cream pero mahigpit na tumanggi si
Triton dahil sa kagustuhan ko.
Troy Ferell didn't refuse, kaya siya lang ang kumakain ng ice cream
ngayon.
"Hindi ka rin nahihiya, kilala mo ba sila Troy? Ang lakas mong
magpalibre."
"Y-yourprfft fairy god mothers," natatawang sagot ni Troy.
"Aww!" agad hinawakan ni Troy ang kanyang binti sa ilalim ng lamesa.
"Hindi ka pa ba uuwi, Troy? Bibigyan na kita ng pera, pamasahe mo.
Sinisira mo lang ang araw ko." Sumubo muna ito ng ice cream.
"Dito muna ako sa Enamel, ayoko nga muna sa Leviathan. Aasarin lang ako
ng mga gago."
"Who wouldn't? Iniwan ka lang naman sa kalsada." Binitawan ni Troy Ferell
ang kanyang hawak na ice cream. He just raised his dirty finger.
Kung ako rin kay Laura, iiwan ko rin sa kalsada si Troy Ferell. He's too
noisy, annoying and bad.
Tapos na akong kumain nang tumunog ang telepono ni Triton.
"It's Ahmed," tipid na sabi nito nang mabasa ang tumatawag.
Pinagmasdan ko lang si Triton habang kausap si Ahmed, lalong kumukunot
ang noo nito habang tumatagal ang usapan.
"Are you sure? Malapit na kami ni Euphie, she's excited about your gift."
Sumulyap sa akin si Triton.
"No, I didn't say that! Ikaw Triton, ipinapahiya mo ako kay Ahmed!" hindi
ako pinansin ni Triton.
"Are you really sure? Better luck next time, Ahmed." Nawala agad ang
ngisi ni Triton sa telepono matapos ang tawag.
"A-Anong sabi ni Ahmed?" hindi agad ako sinagot ni Triton dahil nakatitig
na ito Troy Ferell.
"Did you manipulate something Troy?"
"Me? Ako? Troy Alvis Ferell? No way, ano naman ang gagawin ko? Ano ba ang
sabi? Don't judge me, okay?" siya naman ngayon ang hindi sinagot ni
Triton at lumingon ito sa akin.
"Ahmed can't make it, biglang nagkaroon ng emergency sa head office ng
catering service nila." Paliwanag ni Triton.
"Oh, kawawa naman si Ahmed. Pagod na pagod na siya sa biyahe. Nagpabalik-
balik na siya."
"Mas kawawa naman si T, pagod na pagod na rin naman siya." Sabat ni Troy
Ferell. Pansin ko na para na rin siyang si Triton na ginagaya ang paraan
ng pagsasalita ko.
Inirapan ko ito.
"Gusto mo na bang umuwi, Euphie?" tanong sa akin ni Triton.
"Wag muna, I'll treat you both. Basta pautangin mo muna ako Triton."
"I am not talking to you Troy."
"Magtataka si Mommy kapag umuwi agad ako nang maaga."
"Alright, may theme park na bagong bukas sa kabilang bayan. Wanna go
there, Euphie?" mabilis akong tumango sa sinabi ni Triton.
"Great," lumingon siya kay Troy.
"Magkano ba ang kailangan mo? Your treat, ikaw ang magbabayad ng entrance
natin."
"Ikaw lang ang ililibre ko T, hindi si Euphie. She doesn't talk to
strangers daw kasi." He stuck his tongue out.
Biglang humilig sa balikat ko si Triton.
"Hindi na rin ako sasama, kung hindi mo ililibre si Euphie. Can't go
without my sweetheart." Troy Ferell narrowed his eyes on us.
Lalo na nang iyakap pa ni Triton ang mga braso niya sa akin.
"Hindi iiwan ni Triton si Euphie, kahit di niya ako love love." He
whispered.
"Mga pabebe kayo, let's go." Nauna nang tumayo sa amin si Troy Ferell.
Triton chuckled.
"He's bitter," hawak ni Triton ang kamay ko habang palabas na kami sa
Jollibee.
Hindi naman siguro totoo ang mga sinabi ni Troy Ferell, Triton is
healthy.
Katulad nang kanina, nasa unahan ako habang nasa likuran si Troy Ferell.
Sabi ni Triton, tatagal daw ng dalawang oras ang biyahe namin kaya sinabi
nitong pwede muna akong matulog.
I listened to him. Kaysa naman asarin nila akong sabay ni Troy Ferell.
Pero siguro ay mag-iisang oras na, hindi pa rin ako nakakatulog. But I am
keeping my eyes closed.
"Troy, hihinaan ko ang aircon. Baka nilalamig na si Euphie." Ramdam kong
hinawi ni Triton ang buhok ko.
"Alright, nilalamig na ang manika ni Triton."
"Can you give me my jacket? Nandyan lang." I heard a little noise coming
from a flying jacket.
Hanggang sa may lumapat na sa katawan ko.
"Mahina sa lamig si Euphie?" tanong ni Troy Ferell.
"Yes," sagot ni Triton.
Tahimik lang silang dalawa, hanggang nagsalita ulit si Troy Ferell.
"I want to ask you something, but I hope you won't be offended."
"What is that?" tanong ni Triton.
"Is there something wrong with Euphie? Behavioural? She isn't acting"
hindi natapos ni Troy ang kanyang tanong.
Hindi ba sila natatakot na baka marinig ko ang usapan nila?
"There's nothing wrong with her, kaming nakapaligid sa kanya ang dahilan
kung bakit siya ganyan. But she's now attending a certain therapy, sabi
ni Tita." Triton answered.
"Therapy?"
"I don't know exactly the therapy. Dahil ayokong nagtatanong , but yes,
it will help her act maturely. She has a slow behavioural development,
because she was pampered too much since we were kids. Miracle baby,
sakitin noong bata at dagdag pa na nag-iisa siyang anak sa dalawang
angkan niya. Everyone is treating her like a baby and who wouldn't
anyway? Instead of Euphie adjusting for her development, people around
her tend to do the opposite way, kahit ako si Ahmed maging ang mga
parents namin and some of her friends. And we can't help it, parang kapag
kasama namin si Euphie or nakakausap siya. We can't stop treating her
like a baby."
"Yes, I noticed that. Kahit ikaw, pabebe ka masyado kapag kausap mo si
Euphie. Si Triton, si Triton." Ginaya niya ang paraan ng pagsasalita ni
Triton.
"What about you Troy? Kahit ikaw, hindi ba? Because she's too cute to
resist."
"Well.." tipid na sagot ni Troy. "Pero, hindi nga siya mag-mamature. You
should treat her maturely, kayong mga nakapaligid pala ang may problema.
How about academically? May epekto rin ba?"
"No, matalino si Euphie. Mas maganda pa ang grades niya sa akin."
"How about friends? Ganon rin talaga? Typical college girls nowadays are
wild. Lalo na sa Luciana, hindi ba at sa school mo ngayon ka kumuha ng
mga babae noon?"
"Kaunti lang ang nagiging kaibigan niya. Dahil binabantayan namin siya ni
Ahmed, natatakot kami na baka ma-bully siya. And most of her friends knew
her case, sinasabi ni Tita." Suminghap si Troy Ferell.
"Parang ayaw pa rin siyang bitawan ng parents niya sa pagiging bata.
That's unfair for Euphie's part."
"Yeah, but we're really trying."
"You should, hindi habang buhay kayo lang ang nakapaligid sa kanya. Soon,
mahihirapan na rin siya. But is she aware of her therapy? Alam niya ba
kung para saan 'yon? Or is her parents tried to talk to her about this?"
"Hindi ko alam, Troy. I think her parents are not taking this seriously.
Kasi baby pa talaga sa mata nila si Euphie."
I didn't know about this matter. One time I asked my mother when we're
meeting a certain doctor. The doctor asked me about my lifestyle and
everything, sumagot lang ako.
He's a psychologist. Nagtataka pa ako kung bakit ako dinadala dito ni
Mommy. Nang pangalawang beses na sana ay pupunta kami sa doctor, tinanong
ko na si mommy kung may sakit ba ako? Sinabi niya wala, sinabi rin nitong
huwag ko na lang isipin. Hanggang sa hindi na niya ako itinuloy sa
doctor, nagdiretso kami sa mall at nanuod ng sine.
"How about you? Is it okay with you?" natahimik si Triton. Pero hindi rin
nagtagal ay sumagot na ito.
"I love everything about Euphie, I know soon she'll mature. Madali lang
'yon, dahil nasa amin 'yon, sa mga taong nakapaligid sa kanya. But just
like her parents, I want to be selfish, Troy. Kahit ako natatakot na rin,
natatakot ako T. Alam kong sa sandaling mas malaman ni Euphie ang lahat,
the moment that she went out of her own cocoon. Madali na niyang masasabi
sa amin ni Ahmed kung sino ang mas gusto niya."
This is the first time that I heard Triton calling Troy as T.
"Hindi pa ako handa sa sasabihin niyang, hindi ako. It's not Triton."
--
VentreCanard
Chapter 16
Chapter 16
Hanggang sa makarating kami sa bagong theme park ay nagkunwari akong
tulog. Saka lamang ako nagmulat nang tapikin ni Triton ang pisngi ko.
"We're here fat cheeks,"
"Yehey!" I heard claps coming from Troy Ferell.
Bumaba na kami sa sasakyan.
Si Troy Ferell ang bumibili ng ticket namin.
"How's my sweetheart's sleep? Hindi ka nilamig?"
"Thanks for the jacket, Triton."
"No problem," nakapamulsang sagot nito.
Bumalik na si Troy Ferell dala ang mga ticket. Binigyan niya si Triton
nang akma ko nang aabutin ang sa akin ay pinataas niya ito.
"Abutin mo,"
"Tsss," mabilis inagaw ni Triton ang ticket kay Troy Ferell.
"You don't make fun with my fat cheeks, Troy. Susuntukin na talaga kita."
I rolled my eyes to Troy Ferell.
"Let's go there, Triton!" nagturo na ako sa kanya. Kusa nang kumawit ang
mga braso ko sa kanya. Tipid naman siyang tumikhim sa akin.
"Uhm, yes let's go."
Kapapasok pa lang namin sa theme park, hindi na maalis ang mga braso ko
kay Triton. Gusto ko siyang hilahin kung saan-saan at hindi naman siya
tumatanggi sa mga itinuturo ko.
"Masaya don, Triton!" humiwalay na sa amin si Troy Ferell dahil bigla daw
sumama ang pakiramdam niya.
Nakaupo na lang siya sa isang bench at itinaboy na kami papalayo ni
Triton. Hila ko ang kamay ni Triton nang may tumawag sa kanya. Pinatay
niya ito nang una at ganito rin sa pangalawa.
"Sagutin mo muna, Euphie can wait." Nanatiling magkahawak ang aming mga
kamay habang nagta-type siya sa kanyang phone na kunot ang noo.
"Damn," usal nito.
"Why?" nagtatakang tanong ko.
"No, n-nothing" nanlaki ang mga mata ko nang makapansin ako nang malaking
stuff toy na pusa.
"Oh my" pero mas lalong lumapad ang ngiti sa aking mga labi nang makita
ang lalaking may hawak nito nang bahagya niyang hawiin ito.
"Ahmed!" kusang bumitaw ang mga kamay ko kay Triton at halos takbuhin ko
si Ahmed.
"How are you my Soren? Sorry, I'm late. This big cat is for you. Hindi ka
na ma-a-allergy dito." He grabbed the cat's paw and he playfully scratch
it my face.
Sa tuwa ko ay halos nakayakap na ako sa pusa na nakapagitan sa amin ni
Ahmed.
"Pagod ka na Ahmed, may pawis ka na." I tiptoed and tried removing sweat
on his forehead.
"Nawala na ang pagod ko, nakita na kita." Pinisil nito ang ilong ko.
"Ahmed," dito ko lamang naalala si Triton.
Humiwalay ako sa pusa at sabay kaming lumingon ni Ahmed sa kanya.
"Triton," tawag nito pabalik sa kanya.
"I want you to join us, Ahmed. Si Troy Ferell na lang ang magbabantay ng
pusa." Buhat-buhat ni Ahmed ang malaking pusa nang binalikan namin si
Troy Ferell.
He looked bored wearing shades while sipping a buko shake.
"Troy, pabantay naman muna nito." Hindi ko na siya pinasagot dahil
ibinigay ko na ito sa kanya.
"You gave it to her?" tanong nito kay Triton.
"Tsss, saan ako kukuha ng pusa?" sagot ni Triton.
"Si Ahmed, he gave it to me. Alagaan mo muna ha?"
"Oh, may pa-pusa ang karibal. T, anong gusto mong ibili ko sa'yo? Marami
akong buhay na aso."
Hindi na sumagot sa kanya si Triton dahil tumalikod na ito at iniwan
kami.
"Oh, I'm sorry. Kung galing kay Triton ito Euphie, kahit kausapin ko pa
ang pusang 'yan maghapon. Just date the two of you, I have to go."
Basta na lamang kaming iniwan ni Troy Ferell at hinabol nito si Triton.
"Ilagay na lang natin sa sasakyan mo Ahmed." Sinamahan ko siyang ibalik
ang pusa sa sasakyan niya.
"It's okay with you? Hindi na sila sasama sa atin?" tanong ni Ahmed.
"B-But Troy did manipulate something, kaya ka na-late. They're both bad."
"Kahit ako Euphie, I can be bad for you. Laging madumi ang laro ng mga
lalaki." Hindi ako nakasagot sa kanya.
Inilahad ni Ahmed ang kanyang kamay sa akin at nang sandaling naglapat
ito, kusang nag-init ang pisngi ko.
Dahil sumakay na kami ni Triton sa ibang rides, sa mga rides na nababasa
ng tubig kami sumakay ni Ahmed.
Sa tuwing may tubig na bubuhos sa akin, yumayakap sa akin si Ahmed para
hindi ako mabasa nang tuluyan.
"Ahmed nababasa ka na!" natatawang sabi ko.
Kababa lang namin at tawa kami nang tawa.
"Pupunasan kita, bow down."
"Alright," nakangiti itong yumuko sa akin habang marahan kong pinupunasan
ang buhok niya.
"You are so cute Euphie,"
"Sabi nila, sobrang gwapo mo daw." Nag-iwas ako ng mata sa kanya habang
pinupunasan ang buhok niya.
"Nila lang?"
"Ofcourse, gwapo ka rin sa mata ni Euphie." Napasinghap ako nang mabilis
siyang humalik sa tungki ng ilong ko.
Nanlalaki ang mga mata ko habang hawak ang ilong ko.
"Y-You kissed me Ahmed.."
"Yes, I did.." ngising sagot niya sa akin.
"Sa susunod dito na, kapag sinagot mo ako." He playfully placed his
finger on his lips.
"Respeto sa mga single!" malakas na sigaw mula sa pamilyar na boses.
Then, I saw Troy Ferell inside the ferris wheel. Kasama nito si Triton at
pataas na ang sinasakyan nila.
Nakatalikod lang si Triton nang mapansin ko. Kumirot ang dibdib ko habang
nakikitang lalong tumataas ang ferris wheel. I should act maturely, dapat
hindi ko na pinatatagal ang mga bagay-bagay. Mas lalo akong nananakit ng
tao.
Pagkatapos naming sumakay sa mga rides ay nanuod kami ng fireworks
display, habang nakatitig si Ahmed sa nagliliwanag na kalangitan ay sa
kanya ako nakatigil.
"Euphie fat cheeks, meet Ahmed my friend." Pakilala sa akin ni Triton kay
Ahmed.
I was surprised! He is that silly boy during my art class!
"Hello Ahmed, you have a strange name." Tumawa ito sa akin. Naalala niya
pa kaya ako?
"But your name is as cute as you. Classmate tayo sa art class, hindi ba?
Ikaw 'yon." He grinned.
Akala ko ay hindi na kami magkikita. Isang session lang siya pumasok.
I blushed. He can still recognize me!
"She's not cute, she's cuter. Fat cheeks, fat cheeks, fat cheeks." Sabat
ni Triton.
Agad hinawakan ni Ahmed ang maingay na bibig ni Triton and sealed it with
his fingers.
"You should not annoy a cute girl like her, sige ka maiinis sa'yo si
Euphie. Just call me kapag iniinis ka ni Triton okay? Ipagtatanggol kita
sa mga villains, because I am your prince." Itinaas ni Ahmed ang kanyang
hintuturo.
Litong tumitig sa amin si Triton.
Natusok siya ng karayom nang tinulungan niya akong ayusin ang sewing kit
na nasagi ko noong art class. I called him Aurora when I saw his pricked
finger.
"Your finger is bleeding," I removed my ribbon on my hair and tied it on
his finger.
"Para ka namang si Aurora! Natutusok ng karayom."
"Yes, I am Aurora! I'm going to sleepoh boy!" kusang natumba si Ahmed sa
sahig.
"Oh my! Get up! Mahuhuli tayo ni teacher!"
"You should kiss the sleeping beauty" nakapikit ang isa nitong mata.
Pinilit ko siyang tumayo pero ayaw niyang pumayag. Nagpapanick na ako
dahil dadating na daw si teacher.
"Kiss him Euphie! Kiss him!"
I immediately closed my eyes and kiss the tip of his nose. Nang nagmulat
ako ng mata ay pulang-pula na siya.
"Kapag malaki na ako, babawi ako rito." Itinuro niya ang kanyang labi.
That was the time when I met my first Aurora.
Hindi na namin muli nakita si Triton at Troy Ferell, umuwi na kami ni
Ahmed. And I enjoyed his company.
Sinusuklayan ni mommy ang buhok ko habang tahimik kong iniisip ang pinag-
usapan ni Triton at Troy.
"Mommy, minsan ba ay nakakasakit na ako nang hindi ko nalalaman?"
"Lahat naman ng tao, anak."
"Why did you ask that?"
"Mom, can you treat me maturely? Hindi na ako bata." Natigil si mommy sa
pagsusuklay.
"What?"
"Mom, may mali na sa akin. I should act maturely."
"Euphie, hindi minamadali ang bagay na 'yan. Development is a process,
hindi pwedeng naisip mo na gusto mo nang mag-mature ay magagawa mo ng
isang araw. Who gave you this idea?"
"Naisip ko lang po,"
Huminga ako nang malalim bago ako muling nagsalita.
"Mommy, may napili na po ako sa kanila. May sasagutin na po ako, hindi ko
na po patatagalin."
"Really? Who? Love love siya ng baby ko?" ngumiti ako sa tanong ni mommy
at agad akong tumango sa kanya.
"He's always gentle and nice mommy. Tapos sa tuwing hinahawakan niya ako,
my heartbeat is getting wilder. Siya 'yong love love ko." Nawala ang
ngiti sa akin ni mommy.
"That's your definition of love?"
"That's in the movie mommy, I'm in love with him." Iniisip ko pa lamang
ang pangalan niya ay nag-iinit ang pisngi ko.
"You're basing your maturity with movies, Euphie?"
"No, I'm mature enough to choose already. Para wala nang masaktan."
Lalong kumunot ang noo ni mommy sa akin.
"Anyway, it's your lovelife anak. I'll wish them goodluck."
Natulog akong katabi ang malaking stuff toys na pusa na ibinigay sa akin
ni Ahmed.
Maaga akong nagising at nag-ayos ng aking sarili. Kailangan ko nang
sabihin ito nang maayos sa kanilang dalawa.
Nakaparada na ang mga bisekleta ng dalawa kong kababata habang hinihintay
ako sa labas.
"Good morning Euphie,"
"Good morning Triton, Ahmed."
"Kanino ka sasabay?" tanong ni Ahmed.
"I'll go with Triton this time."
"Alright,"
Nauna nang pumedal si Ahmed at hinintay na ako ni Triton na sumakay.
"Hindi ko na kayo nakita ni Troy kahapon,"
"Hindi na ako nakapag-paalam, after namin sa ferris wheel sumuka na siya
nang sumuka. Inihatid ko na rin siya sa Leviathan, naaawa ako."
"Oh,"
"How about you and Ahmed? You enjoyed?"
"Yes!" mabilis na sagot ko.
"Ofcourse, because you're with him."
Humigpit ang yakap ko kay Triton, hindi ko na dapat patagalin pa ito.
"Triton.."
"Yes sweetheart.."
"Triton.."
"Just say it Euphie, hinihintay ko na lang naman. Hindi na ako aasa."
--
VentreCanard
Chapter 17
Chapter 17
Hanggang sa makarating kami sa school ay hindi ko nasabi kay Triton. I
was so nervous during my entire subjects.
Especially the next subject, Foreign language. Lalo na at kaklase ko
silang dalawa pero mukhang pinag-usapan nila na hindi pumasok para sa
akin.
I feel bad about it.
Kung patatagalin ko pa, lalong maapektuhan ang dalawa. Vacant namin
ngayon at nagkakagulo ang ilang classmate ko nang dumalaw sa isang babae
si Dash Anthony Bello, sikat na basketball player ng school.
He was also my crush before, pero nawala nang matalo niya sa basketball
ang grupo ni Ahmed at Triton noon sa court ng bayan namin.
I was cheering for my childhood friends, pero tinambakan lamang sila. Si
Triton at Ahmed lang kasi ang magaling. While the other team were all
moving. Pero mayayabang sila, not like Ahmed and Triton.
That's why Bello isn't not my crush anymore, magsama sila ng apo ni
gobernor. Mayabang sila ni Arellano.
They are both bad.
Pero nagugulat ako kapag nakikilala nila ako. Hindi ko nga sila
nakakausap. Yumuko na ako para hindi na ako tawagin ni Bello.
"Hi cute Euphie! Sabihin mo sa mga kababata mo, laro ulit kami. Medyo
masakit ang paa ko, baka manalo na sila sa akin." Umirap ako sa kanya.
"I don't talk to strangers!"
Tinawanan niya lamang ako. Hindi ko na siya pinansin at inilabas ko ang
phone ko.
I texted Triton.
"C-Can we talk?" tulad nang lagi kong pag-text kay Triton, mabilis lang
siyang nagreply sa akin.
"Name the place, Euphie."
"After class, sa classroom ko na lang."
"Alright,"
Hindi na pinahahaba pa ni Triton ang usapan namin, ngayon ay tipid na ang
sagot niya.
I texted Ahmed at sinabi ko sa kanya na kung pwede ay umuna na siya. I
told him that I'll talk to Triton.
"Oh, okay. Ingat kayo."
Natapos na ang klase at hindi ko na alam ang gagawin ko para pakalmahin
ang sarili ko. Papaano ko ba sasabihin sa kanya?
Kung hindi pa ako pipili, lalo lamang kami mahihirapan tatlo. Ilang beses
akong huminga nang malalim nang marinig ko ang boses ni Triton.
"Euphie?"
"Triton, dito.." nanatili akong nakaupo sa aking pwesto.
Magkahawak ang mga kamay ko habang nagsisimula na siyang lumapit sa akin.
Kumuha siya ng upuan at iniharap niya ito sa akin.
Ilang minuto kaming tahimik bago ako nagpasyang magsalita. Come on
Euphie, talk to him.
Wag mo nang abalahin pa si Triton.
"A-Ano.."panimula ko.
Nakatitig lang sa akin si Triton. At kumikirot ang dibdib ko habang
pinagmamasdan ang kanyang mga mata. He never showed me this kind of
expression.
Gusto ko nang umiyak sa gagawin ko. I don't want to hurt him, I don't
want to do something bad for him.
Hindi ko alam kung saan ba ako tititig, sa kanya ba? Sa lamesa? Sa mga
kamay ko? Kinakabahan ako.
This is new to me, hindi ko alam ang mga bagay na ganito. Dapat ay
tinanong ko muna si mommy sa dapat kong gawin.
"Okay, I won't look at you. Nahihirapan si Euphie, hanggang dito pa ba
pahihirapan ka ni Triton?" mahinang sabi nito.
I want to disagree! No! It was not like that.
Hindi naman ako pinahihirapan ni Triton, it was me. Hindi siya ang may
kasalanan. Gusto kong sabihin ito sa kanya pero nagkakagulo na ang utak
ko.
"Triton, I-I have to tell you something." Nang nag-angat ako ulit ng
paningin ay agad ko itong ibinaba.
Bad Euphie! Hindi kayo matatapos!
"You don't need to look, kung nahihirapan ka." Bigla na lamang siyang
sumubsob sa lamesa.
At tahimik niyang inabot ang ilang dulo ng daliri ko. One of his favorite
gesture when we're alone.
Kung hindi dulo ng buhok ko ay daliri ko ang kanyang nilalaro.
"Now tell, sweetheart. Hindi na titingin sa'yo si Triton, ayokong
nahihirapan ka." Mahinang sabi nito habang nakasubsob siya sa lamesa.
"Triton.."
"Sige na, sabihin mo na sa akin. Tatanggapin ko naman, hindi magagalit si
Triton, masakit lang Euphie. Masakit, na hindi ako. It's not Triton."
Ramdam ko ang biglang paghapdi ng lalamunan ko nang marinig ko ang bawat
binibitawang salita ni Triton.
H-How can start now? Papaano ko sasabihin ang ganitong bagay sa kababata
ko?
Kahit ako ay nanghihina na rin yumuko sa lamesa at nanatili akong
nakatitig sa likuran ng kanyang ulo. Nanatiling nakahawak ang kamay niya
sa ilang daliri ko.
"I-I'm sorry Triton," mahinang sabi ko.
Hindi siya sumagot sa akin pero tumigil ang paglalaro ng kanyang kamay sa
aking daliri.
"I'm really sorry. I'm really sorry, sorry Triton. Sorry." Paulit-ulit na
sabi ko habang umiiyak.
"Hey, don't cry Euphie. Isipin mo na lang na mas sasaya ka sa desisyon
mo. You don't need to be sorry, sumugal lang naman ako. Talo pa rin."
Ramdam ko na umalis na sa pagkakayuko si Triton.
Hanggang sa bitawan na niyang tuluyan ang kamay ko. Buong akala ko ay
iiwan na niya ako pero nagulat ako nang humarap siya sa akin.
"Pero sana, ako na lang Euphie. Sana ako na lang. Si Triton na lang
Euphie.."
Hindi ako nakasagot sa kanya hanggang sa marahan niyang inangat ang
kanyang kamay para punasan ang aking luha.
"I'm so hopeless, hindi nga pala ako ang unang prinsipe mo. Mahirap
kalaban ang una, sobrang hirap."
Matapos niyang punasan ang luha ko ay tumayo na siya at tinalikuran ako.
"Una na ako umuwi Euphie, ingat ka sa pag-uwi. Bye, bye fat cheeks."
Hindi ko inalis ang aking pagkakayuko hanggang hindi pa tuluyang umaalis
si Triton pero nang sandaling ramdam kong wala na siya, dito ko
pinagpatuloy ang pag-iyak.
Pwede ba na ibalik na lang ang dati? Masaya naman kaming tatlo noon.
Pinili kong tumigil sa classroom ng kalahating oras bago ko
napagpasyahang lumabas.
Tahimik lamang akong naglalakad sa hallway nang biglang may sumabay sa
akin. Siya 'yong babaeng minsan kong nakita sa parlor na nakausap ni
mommy.
Siya rin daw ang anak ng sabong buddy ng mga Daddy namin. Iniisip ko pa
ang pangalan niya. I forgot.
"Hi Euphie,"
"Hi!"
Napatitig siya sa akin, mukhang pansin niya na galing ako sa pag-iyak.
"Nag-iisa ka lang yata ngayon? Where are your prince charming?" umiling
ako sa kanya.
"Oh, sorry for asking."
"No it's okay, but can I ask you?"
"Sure,"
"W-What is your name?" bahagyang tumawa ang babae sa akin. She's so
pretty. Akala ko ba ay siya ang nililigawan ni Bello? Sino ang sinusundo
ni Bello sa classroom?
"Aurelia, nakalimutan mo na ang pangalan ko."
"Sorry, hindi ako agad nakakatanda ng pangalan."
"It's okay,"
Tahimik lang kaming naglalakad nang makaramdam ako ng gutom.
"I want to eat sweets,"
"Sure? Alam mo nagtitinda ako ng halo-halo. Gusto mo?"
"Talaga?"
"Yes,"
"I want to try it, pwede?" natutuwang tanong ko.
"Kaso, hindi tayo sa tindahan pupunta sa mismong bahay ko. But I'm
warning you, hindi maganda ang bahay ko."
"It's okay, halo-halo naman ang pupuntahan ko. It's not about the beauty
of the house." She smiled at me.
"Ang cute mo at hindi ka pa maarte kahit anak mayaman."
"But you're pretty," sagot ko sa kanya.
I texted mommy, sinabi ko sa kanya na nasa bahay ako ni Aurelia.
"You're nice, ang ibang classmate kong babae parang ayaw sa akin." I
pouted.
"Really? Siguro ay may problema sa kanila." Sagot sa akin ni Aurelia.
Mabilis kaming nakarating sa bahay niya, tulad nga ng sabi niya hindi ito
kalakihan at simple lamang. Pero makikita na sobrang linis nito sa bahay.
Pinag-gagawa na niya ako ng halo-halo sa kusina habang tinitingnan ang
mga pictures niya sa sala.
"Wow, ang ganda naman ng blue gown mo dito. You're like Cinderella."
Kung hindi ako nagkakamali ay ball ito sa school namin, hindi ako
nakasali noon dahil nagkalagnat ako. Hindi na rin nag-attend si Triton at
Ahmed sa pagkakaalala ko.
"Really? Pinag-ipunan 'yan ni tatay para makasali lamang ako." Nawala ang
ngiti ko sa mga labi.
I heard about his father.
"Kapitbahay mo pala si Bello, that bad boy." Pag-iiba ko nang usapan.
Nagulat pa si Bello nang makita niyang magkasama kami ni Aurelia.
"Bad boy?" inabot na niya sa akin ang halo-halo.
"Yes, inaaway niya sila Triton at Ahmed. He's bad." Pansin ko na biglang
namula ang pisngi ni Aurelia sa sinabi ko.
"Inaaway is a bad term, yes he's bad." Ngising sabi niya sa akin.
Tumabi siya sa akin at sabay kaming kumain ng halo-halo. Yayain ko sana
si Patricia, pero sinabi nitong busy siya kaya hindi ko na siya inabala.
Nag-kwentuhan lang kami ni Aurelia, but she never asked me about Triton
and Ahmed again.
Ang bait-bait ni Aurelia. I like her now.
Umuwi ako sa bahay at nagulat ako nang naghihintay na si Ahmed. He's
speaking with my Daddy.
"Daddy," humalik ako sa pisngi ni Daddy at humalik naman ito sa ibabaw ng
ulo ko.
"How's my baby today?"
"I'm good Dad, nasaan po si mommy?"
"As usual, nasa kusina. Preparing our dinner."
"Ahmed, magbibihis lamang ako." Tumango ito sa akin.
Ilang minuto lang akong nag-ayos ng aking sarili bago ako nagtungo sa
sala, mag-isa na si Ahmed dito.
Tahimik akong tumabi sa kanya. I don't know what to say!
"H-How was it? Hindi ako mapalagay Soren, c-can you give me closure? Kasi
umaasa pa rin ako. Si Triton pa rin pala talaga." Nanlaki ang mga mata ko
sa sinabi niya.
"No.." agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi ni Ahmed.
Agad bumilis ang tibok ng puso ko kasabay nang pag-iinit ng pisngi ko.
"It's you, it's you Ahmed."
--
VentreCanard
Chapter 18
Chapter 18
"It's you. It's you Ahmed." I bit my lower lip.
I tried to meet his eyes but my heart was hammering so fast with Ahmed's
gaze.
"W-What? Soren?"
"A-Ayoko nang ulitin Ahmed, nahihiya na ako." I almost whispered while
holding my burning cheeks.
I continued looking down. Pero nakikita ko na ilang beses sinusubukan ni
Ahmed na hawakan ako.
"You made me so happy, Soren." I smile formed on my lips when I felt
Ahmed's embrace.
I even felt his kiss on the top of my head.
"I-I like you from the very start, Ahmed and I-I just figure it out." He
didn't answer.
Sa halip ay yumakap ito nang mahigpit sa akin. Nang makarinig kami nang
tikhim mula kay Daddy ay agad kaming naghiwalay ni Ahmed.
"Let's go kids, dinner is ready."
Magkatabi kami ni Ahmed sa may lamesa habang nakaharap namin si Mommy at
Daddy.
"So what's the news baby?" My mom asked.
Should we talk about this already? Bakit kailangan pag-usapan agad?
"Tita, Tito," binitawan ni Ahmed ang kanyang kutsara at hinawakan niya
ang kamay ko.
"Kami na po ni Euphie, sinagot na niya na po ako. I'll promise to take
care of your baby." Napainom ng tubig si Daddy at ngumiti naman sa amin
si Mommy.
"Wow, congrats. Ingatan mong mabuti ang anak namin Ahmed. Hindi namin
siya pinaiiyak." Babala ni Daddy.
"I will Tito, hindi ko rin gusto na umiiyak si Euphie."
Hindi na muli namin pinag-usapan ang tungkol sa amin ni Ahmed at
nagtanong na si Mommy tungkol sa school namin.
But my mother was careful about the topics related with Triton. After the
dinner, hindi na rin nagtagal si Ahmed dahil nagpaalam na siya sa amin.
"Goodnight Soren," paalam nito sa akin habang nakatayo ako sa may
pintuan.
Saglit akong napapikit nang halikan niya ako sa aking pisngi.
"Goodnight Ahmed," I waved him a goodbye.
Malapit lang ang bahay ni Ahmed kaya tanaw ko na nakapasok na siya sa
kanilang gate. Papasok na sana rin ako sa bahay nang makita ko na
kadarating pa lamang ng bisikleta ni Triton.
"Tri" I stopped myself from calling him. Hindi na kami katulad ng dati. I
broke his heart.
Buong akala ko ay hindi niya ako napansin pero lumingon ito sa akin.
Bahagya siyang tumigil sa pagpedal pero nang makita niyang nakatitig rin
ako sa kanya ay nagmadali na itong nagtungo sa kanilang garahe.
"Euphie, pumasok ka na. Malamig na!"
"Coming mommy!"
Ngayong gabi ay tumabi sa akin si mommy matulog. Pareho kaming
nakatagilid habang nagkukwentuhan.
"How's my baby? Masaya ka ba? Alam kong matagal ka nang may crush kay
Ahmed." I blushed.
"Mommy, how did you know that?"
"Because you are my daughter. I'm so happy that you're growing up."
Hinawi nitong buhok ko.
"Am I? Hurting is also part of growing up?" Nawala ang ngiti sa labi ni
Mommy.
"Are you still thinking about Triton?" I nodded.
"Oh my baby, nakakaroon ka na rin ng problema." Lumapit siya sa akin at
hinalikan ang aking noo.
"From the very start those boys were all aware of the consequences. Alam
nilang may isang pipiliin sa kanila, it was not your fault. Minsan
kailangan mo talagang pumili." Bigla kong naalala ang mga salitang sinabi
ni Triton sa akin.
"But I'm asking you again, are you happy with Ahmed?"
"Ofcourse mommy! Ahmed is so nice and lovable. Hindi rin siya nagpapaiyak
ng babae, I've seen how gentle he was before. That's why I like him."
Natutuwang sabi ko kay mommy.
"E-Euphie.." bahagyang nakakunot ang noo ni Mommy sa akin.
And she looked hesitant if she'll tell me something or not.
"Yes mommy?"
"Oh nothing baby, just sleep. May klase ka pa bukas."
Nagmamadali na akong lumabas ng bahay at inaasahan ko nang may sasalubong
sa akin sa labas.
"Good morning Ahmed Tri" nasanay akong silang dalawa ang naghihintay pero
ngayon ay si Ahmed na lang.
Nang tumingin ako sa main gate ay kalalabas pa lamang ng bisikleta ni
Triton. Biglang humarang sa aking paningin ang cupcake box ni Ahmed.
"Sweet for my sweetest. Good morning Soren," he kissed my cheeks.
"Good morning Ahmed," tumingkayad ako at mabilis rin siyang hinalikan sa
pisngi.
I saw how he blushed himself.
"Namumula na naman ang tenga mo."
"That's because of you, let's go. Male-late na tayo." Umangkas na ako sa
bisekleta niya at nagsimula na siyang pumedal.
Nang makarating na kami sa school ay dumaan muna kami sa canteen, we saw
Triton and Belo together, may kasama rin silang dalawang babae.
Tipid na sumulyap sa kanila si Ahmed bago ito muling lumingon sa akin.
"Do you want something, Soren?" umiling ako sa kanya.
Inihahatid na ako ni Ahmed sa classroom ko nang makasalubong namin si
Sydney. His ex girlfriend.
Napayuko ako nang umirap siya sa akin. She might pull my hair, hindi ko
naman inagaw sa kanya si Ahmed.
Nilampasan lang namin siya ni Ahmed pero nagparinig ito sa amin.
"Ilang buwan pa lang? Hindi na nakapaghintay? Seriously?"
"Don't mind her," bulong sa akin ni Ahmed.
Nagpaalam na siya sa akin nang malapit na kami at katatalikod niya pa
lang nang may humawak sa balikat ko.
"Patricia!"
"Hey Euphie, anong nangyari? Nasaan ang isa?"
"Oh," hindi agad ako nakasagot sa kanya.
Dahil wala ang professor namin sa unang session, nagkwento ako kay
Patricia. Hindi siya nagkukumento hanggang sa masabi ko sa kaya lahat.
"You mean, you let go Triton?"
"I-I can't have them both," mahinang sagot ko.
"Oh poor him, ibigay mo na lang sa akin." Nag-angat ako ng tingin sa
sinabi niya.
"Just kidding,"
Sa sunod na mga oras ay inabala ko na ang sarili ko sa pakikinig sa
klase. Putting down notes and everything.
Nang foreign language na. Bumalik na naman ang kaba sa dibdib ko. Unang
dumating si Triton kay Ahmed pero hindi na ito tumabi sa akin o sa linya
malapit sa akin.
He positioned himself at the front, nagulat pa ang ilang babaeng
classmate ko at nagtatakang lumingon sa akin.
Katabi niya si Patricia na nagkibit balikat sa akin. Pansin ko na nag-
uusap sila ni Patrcia nang makita kong papasok na ng classroom si Ahmed.
Ngumiti agad ako sa kanya. Sa unahan ko siya umupo.
"Hey, let's watch movie today."
"Sure, wala naman akong assignment."
"Sana, maglabasan na." Bulong niya sa akin bago makapasok ang professor.
Sa loob ng isang oras na klase namin, ilang beses napagalitan si Triton
at Patricia dahil sa pag-uusap ng mga ito sa tuwing nakatalikod ang
professor.
Ano kaya ang pinag-uusapan nila?
Dalawang subject na lang bago kami maglabasan. Kalahating oras na lang at
matatapos na ang pangalawa sa huli kong subject nang biglang pumasok ang
isang varsity na kaklase namin sa room.
"I'm sorry miss! I'm late, hinatid ko lang sa clinic si Montgomery."
"W-What?" Si Triton lang ang kilala kong may apelyido sa school nito.
"W-What happened to him?" naningkit ang mata sa akin ng prof.
"Miss Arcega, nasa klase tayo."
Wala sa sarili kong iniwan ang mga gamit ko at nagmadali akong lumabas ng
classroom. Biglang pumasok sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Troy
Ferell.
Totoo ba? Hindi ba at sabi ni Triton ay nagsisinungaling lang si Troy
Ferell?
Humahangos ako sa clinic nang salubungin ko ang dapat lalabas na nurse.
"Nandito po ba si Triton Montgomery?"
"Yes, he's at the fourth bed." Bumuhos na ang mga luha ko.
It's your fault Euphie, it's your damn fault.
Dapat ay hindi na lang ako pumili! Dapat ay pinilit ko na lamang silang
ibalik sa dati ang lahat.
"Ang sakit, tang-ina." Narinig ko ang malutong na mura ni Triton.
Nang hawiin ko ang kurtina ay nakaupo siya sa kama habang nakatungo sa
kanyang paa. Nagulat rin ako nang makitang nasa tabi nito si Patricia.
They both look at me confused with my tears on my eyes.
"FatEuphie,"
I saw how Patricia's narrowed eyes turned into smile.
"Euphie, wala ka nang klase?" tanong nito sa akin.
"S-Sorry," tatalikod na sana ako nang tumawag si Triton.
"Hey, you're worried. Bakit ka aalis? We're not friends anymore? Naging
kayo lang ni Ahmed?"
I want to shout at him. Siya naman ang unang hindi namamansin!
"W-What happened to your feet?"
"He tried to help me, muntik na akong mahulog sa hagdan. Then he saved
me. Nagkamali kami ng bagsak." Ipinakita sa akin ni Patricia ang kanyang
siko.
I was about to utter another words when someone almost pushed. Dumaan ito
sa tagiliran ko at halos yakapin niya si Triton.
"Britanny!"
I saw how Patricia smirked.
"Ano ba ang nangyayari sa'yo Triton? Noong tayo ay hindi ka nasasaktan
nang ganyan. You're hurting yourself babe." Matalim akong tinitigan ni
Britanny.
Umismid rin ito nang makita si Patricia na tumayo na mula sa pagkakaupo.
"Britanny, please.." tinanggal ni Triton ang mga braso sa kanya ni
Britanny.
"Triton, let me take care of you. Why are you even here Euphie? Hindi mo
pa rin ba alam ang ginagawa mo? Gaga ka ba?"
"Britanny!" halos mapapikit kaming tatlo sa sigaw ni Triton.
"Lumabas muna kayo, I need damn rest."
"B-But"
"I said I need a fucking rest, out."
Nanghihina itong tumayo sa sinabi ni Triton, hinawakan na ni Patricia ang
balikat ko para sabay na kaming umalis nang marinig ko ang tawag ni
Triton.
"Fat cheeks, stay. Please.."
--
VentreCanard
Chapter 19
Chapter 19
Patricia and I stopped from walking when Triton called. Why is he asking
me to stay?
Matalim ang mga mata sa akin ni Britanny habang dumiin ang kamay ni
Patricia sa balikat ko.
"May next class pa tayo," bulong sa akin ni Patricia.
"Euphie," tawag ulit sa akin ni Triton.
"I'll be quick, umuna ka na Patricia." Marahan kong tinanggal ang kamay
nito sa akin.
Triton asked me to pull the curtain, kaya sumunod ako sa gusto niya.
"W-Why?"
Nakatayo ako sa may kurtina habang nakaupo pa rin siya sa kama.
"Nothing I just want to look at you."
"T-Triton, I should go now." Hahawiin ko na sana ang kurtina nang hawakan
niya ang kamay ko.
I saw his pain reaction when he forced his feet to stand.
"Triton! You don't force yourself," inalalayan ko siya para umupo ulit sa
kama.
"Bakit ka aalis? Hindi mo pa naman time. Ganito na lang ba Euphie? You'll
forget about me, dahil kayo na ni Ahmed? I thought we're friends?"
But it's awkward!
"A-Ano kasi.."
"Ayaw mo talaga kay Triton,"
"No, it was not like that!" tipid na ngumiti sa akin si Triton.
Until I heard Ahmed's voice.
"Nandito po ba si Ms. Arcega?"
Hindi rin nagtagal ay nahawi ang kurtina, humihingal pa si Ahmed nang
makita ko.
His face hardened when he saw Triton.
"You cut your class?" tanong nito sa akin.
"Ugh," hindi ako makasagot.
"Magagalit sa'yo si Tita, Soren. What happened to you Triton? You asked
Euphie here?"
"No!"
"Yes," sagot ni Triton.
Magkaiba kami ng sagot.
"Euphie?" kunot noo na sa akin si Ahmed.
"No, he didn't ask me. Kusa akong pumunta rito, I was worried." Hindi na
sumagot si Ahmed at kinuha nito ang kamay ko.
"You can't bike Triton, should I call Aunt for you?"
"Hindi na kailangan, I can handle myself."
Ito na ang huling pag-uusap namin ni Triton. Three months have passed.
Marami na ang nagbago, hindi na sumabay sa amin si Triton sa pagpasok at
pag-uwi.
He's always with his guy friends. Nakailang girlfriend na rin ito sa loob
lamang ng tatlong buwan. He's back to his ownself, palabiro at laging
napapansin ng mga professor sa klase.
Pero hindi ito tumigil sa pagde-deliver ng tubig sa bahay. Si mommy at
daddy na lamang ang kinakausap nito, pero sa tuwing magkakasama ang
pamilya namin, napipilitan itong kausapin kami ni Ahmed.
I'm chatting with Ahmed, nasa manila ito dahil may malaking event na
hawak ang catering service nila.
He's the operation manager. I'm so proud of my boyfriend.
"Tita, may tubig pa ba kayo?"
I panicked. Wala si mommy at ako lang ang tao, natatakot akong hindi
pansinin ni Triton.
Should I hide?
Tumayo na ako sa sofa at magmamadali pa sana akong tumakbo patungo sa
kwarto namin sa may dulo nang marinig ko nang mas malapit ang boses ni
Triton.
"Where's Tita, Euphie?"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalan ko mula sa kanya.
After three months, he called my name again.
"Lumabas sila ni Daddy," napapikit ako nang sumagot ako sa kanya nang
nakatalikod.
"Are you running or something Euphie?"
"Ah no, I was just following my cats." I lied.
"Cats? I thought you're allergic with cats." Lumabas na si Triton at alam
kong kukuha na siya ng tubig.
Napahiya ako. I'm running and lying.
Sinamahan ko siya sa kusina at hinanda ko na ang pambayad. Kahit
magkapit-bahay lang kami ni Triton, parang ang daming nagbago sa kanya sa
loob ng tatlong buwan.
"Ang bilis humaba ng buhok mo," kumento niya habang nakatalikod at
inilalagay ang tubig sa water dispenser.
"Oh," tipid akong napahawak sa buhok ko.
Nang maayos na niya ay lumapit siya sa akin at inilahad niya ang palad
niya.
"Bayad," inabot ko na ito sa kanya.
"H-how are you Triton?" tama ba na tanungin ko siya?
"What do you think, fat cheeks?" he was about to touch my cheeks like
what he used to but he stopped himself.
"I'll go now,"
Mabilis lumipas ang oras, dalawang buwan na naman ang lumipas. Dumating
na rin ang buwan kung saan, inaabangan ng lahat ng estudyante ng Luciana.
School foundation day! It is a two weeks celebration and two weeks
preparation.
"Euphie," Ahmed opened his mouth. Sinubuan ko siya ng cotton candy.
"Hmm, mas matamis kapag galing sa kamay ng girlfriend ko." Nag-init ang
pisngi ko.
Sinundo ako ni Ahmed sa classroom ko, tapos na rin kasi akong tumulong
ganon din siya kaya lumibot muna ako sa mga tindahan na ginagawa na.
Sinabi niya sa akin na magturo daw ako ng gusto ko.
"Anong ganap sa section nyo?" I asked him.
"Coffee shop, the usual. Boring. But I'll serve you out best coffee."
"You'll serve to other girls, Ahmed?" he grinned hearing my question.
"Ofcourse, pero ikaw naman ang favorite kong customer. May kasama pa
nito!" I gasped when Ahmed kissed the side of my lips.
"Ahmed! Baka may magsumbong sa atin ng PDA!" he laughed.
"Wala naman, how about you?"
"Ginagawa na ni mommy ang wings ko, angel ako. We'll be having a
photobooth, model 'yong ibang girls sa amin."
"Oh, then the butler will serve an angel. Susunduin kita." Inubos ni
Ahmed ang natitirang cotton candy sa kamay ko.
Kababalik ko pa lamang sa loob ng classroom nang marinig ko ang isang
pamilyar na halakhak ng lalaki.
"Hotdog on stick, that was our product during our foundation day." My
eyes widened.
What is he doing here?
Troy Ferell wearing his Gyro Nella uniform. I refused to acknowledge him,
tumalikod ako at patay malisyang tumulong sa classmate ko.
"Gyro Nella Cup, hindi ako pwedeng lumaro dahil na-ospital ako last week.
Okay lang na nandito ako, dito ako graduate ng elementary. Hindi na ba
ako welcome?"
Bakit parang sikat siya dito sa school namin?
"Troy, let's go." I heard Triton's voice.
"Teka, hindi ko pa nakikita 'yong manika."
"She's with Ahmed, come on let's go. Huwag ka pagala-gala dito."
I ducked myself, ayokong makita niya.
"Coming!"
Nang makaalis na si Troy Ferell ay naging laman siya ng usapan ng mga
kaklase kong babae.
"Ang malalaki ang T, magkasama na naman." They giggled.
Nakayakap ako sa likuran ni Ahmed habang pauwi na kami.
"I saw Troy Ferell this afternoon,"
"Really? Ano na naman kayang kalokohan ang gagawin nilang dalawa?"
"Baka gusto niya lang makita kung paano mag-event ang school natin."
"I hope so, don't worry susunduin kita palagi."
Humalik muna ako sa pisngi ni Ahmed bago ako pumasok sa bahay.
"I love you, Soren.."
Ito ang mga salitang hindi ko masabi kay Ahmed. I am always this shy!
Tumatawa lamang siya sa akin kapag nakikita niya akong alanganin kung
papaano ko siya sasagutin.
"You don't need to answer," kumindat siya sa akin bago niya ako
tinalikuran.
"Euphie, come here. May bisita tayo." Nagmadali akong sumunod kay mommy.
Kapapasok ko pa lamang sa kusina nang makilala ko ang lalaking nasa
nakaupo katabi ng Daddy niya.
Si Arellano!
"Hi Euphie!" bati nito sa akin.
Inis ako sa kanya, kasi niyayabangan niya sila Triton at Ahmed. Why are
they here?
"Come here Euphie, kumain ka na rin."
Habang kumakain na kami, naririnig ko ang usapan ng matatanda. They're
asking my parent's support.
Campaign period na pala? Hindi ko sila iboboto! Ang sama ng ugali ni
White. Nauna akong natapos kumain, pansin ko na ganito rin si White.
Tatakbo na sana ako sa taas ng bahay namin nang tumawag ito sa akin.
"Euphie, can I ask something?" Are we close? Ang bad niya kaya!
"Boboto ako, don't worry."
"I'm sure you won't vote for our family, come on."
"Sinabi ko ba na kayo iboboto ko?"
"Woah, tumataray ka na. Saglit lang or you want me to ruin their good
dinner inside?"
I heard a lot of bad things about this White Arellano, ayokong sumakit
ang ulo ni mommy kaya sumunod na ako sa gusto nito.
We went outside our house. Pumunta kami sa may duyan at agad siyang naupo
dito at hinayaan niya akong nakatayo.
Our house is blocking our view, hindi kami makikita ni Ahmed dito. Pero
makikita kami ng kung sinuman na manggagaling sa kabilang direksyon.
Triton's house.
"Yes? What is it?" hindi lang ako ang galit kay Arellano. Many people
hate him because he's bad.
"Kilala mo si Olbes, hindi ba?"
"Olbes?" kumunot ang noo nito sa akin.
"Si Autumn Olbes, 'yong biology student."
"Yes, classmate ko siya sa dalawa kong subject."
"Good, may ibibigay ako sa'yo bukas tapos ibigay mo sa kanya."
"W-What? Bakit hindi ikaw ang magbigay?"
"Apo ako ng gobernor, ipapasara ko ang sabungan sa bayang ito. Siguradong
sa kabilang bayan magsasabong ang tatay mo, uuwi siya ng gabi na hanggang
sa makapang-babae na siya. Kawawang bata ka naman. Wawa naman si Euphie,
inaapi ng apo ng gobernor." I gasped.
Ang bad niya talaga!
And he's talking to me in a childish tone! I am mature now!
Sisigawan ko na sana si White nang isang malakas na suntok ang tumama sa
mukha nito dahilan kung bakit siya nahulog sa duyan.
Then I saw Triton gasping for air, na parang kagagaling lang nito sa
pagtakbo. Papaano ito nakarating dito?
"You don't talk to her like that Arellano." White laughed while wiping
the blood on his nose.
"Ikaw ba boyfriend? Basted ka diba?"
--
VentreCanard
Chapter 20
Chapter 20
Mabilis kong hinawakan ang braso ni Triton nang magtangka itong humabang
papalapit kay Arellano.
"Asshole, do you think Autumn will like you? Papaano kung ligawan ko? She
likes me. Sinong basted ngayon? Gago." Nagulat ako sa sinabi ni Triton.
Arellano's face darkened.
My eyes widened when he's about to reach and hurt Triton. Agad akong
yumakap kay Triton para hindi siya tamaan.
"No! Don't hurt him! You bad Arellano!"
"Damn it, umalis ka dyan. Away lalaki ito Euphie," iritadong sabi ni
Arellano. Pilit tinatanggal ni Triton ang braso ko sa kanya.
"Fat cheeks," halos napapadyak ako at ayaw kong kumawala kay Triton.
"No!"
"Hey, what's going on?" nanlamig ang mga braso kong nakayakap kay Triton
nang makilala ko ang boses ni Ahmed.
Nanghihina kong ibinaba ang yakap ko mula kay Triton nang makitang
nakatitig sa amin si Ahmed.
"I heard you screaming, anong ginagawa mo rito Arellano?" he turned his
eyes to White.
"None of your business," humakbang na si Ahmed papalapit sa akin at
inagaw niya ako mula kay Triton.
"Kung mag-aaway kayo ni Arellano, Triton. Huwag dito, ofcourse Euphie
will take your side."
"Ang girlfriend mo ang yumakap kay Montgomery and he's taking advantage.
Baka mamaya magising ka na lang Al-Muzaini, naagaw na siya sa'yo."
Arellano grinned at me.
Humigpit ang hawak sa akin ni Ahmed. Gusto ko nang kalmutin ang mukha ni
White Arellano! He's the most evil guy I've ever met!
He's a liar! At gusto niya lagi ng away!
"It was not like that, Triton saved me from him Ahmed! He's threatening
me!"
"Hindi ako nagbabanta sa mga bata. I was just asking you a favor,
sinuntok ako bigla ni Montgomery. Nagyakapan pa kayo and voila! Nahuli ng
boyfriend."
"Fuck off!" muli itong nasuntok ni Triton.
Pero sa pagkakataong ito ay gumanti na si Arellano.
"Ahmed, awatin mo sila!" tumango sa akin si Ahmed.
Pero ang huli, naging tatlo na silang nagsusuntukan. I cried and shouted
for help.
Hanggang lumabas na si mommy, daddy at ang daddy ni Arellano. Hindi rin
nagtagal ay lumabas na rin ang parents ni Triton at Ahmed.
Natigil lamang sa suntukan ang tatlo nang nagpaputok na ng baril ang
daddy ni Triton.
Mabilis nakalapit si Tita Taliya kay Triton at hinila ito papalayo kay
Ahmed at White. Ngayon ko lang napansin ang naka-jogging pants na Troy
Ferell sa likuran ni Tita na parang naabala sa pagtulog.
"Are you okay honey Triton?" nag-aalalang tanong ni Tita Taliya.
Troy Ferell's eyes narrowed, like he was blaming everything to me.
"I'm all good mom," hinawi ni Triton ang kanyang mommy.
Nakalapit na rin sila Tita at Tito kay Ahmed at pinagagalitan ito. Ganito
rin si White sa kanyang Daddy.
Lumapit na rin sa akin si mommy.
"What happened here, Euphie?"
"Nothing," sabay na sagot nilang tatlo.
The parents wanted to settle the issue and talk about it inside, but the
boys refused. Naunang umalis si Triton na hinabol ni Troy Ferell.
Arellano keeps grinning, lumapit na ako kay Ahmed. Nagtangkang magtanong
sa akin ang mommy ni Ahmed, but he brushed the question away.
"Let's just talk tomorrow, Euphie." Bahagyang may putok sa gilid ng
kanyang labi si Ahmed.
Si Triton kanina ay pansin ko sa kanyang kilay, habang si Arellano ay may
pasa na sa kanyang mukha.
Hindi na nagtagal sila Arellano sa bahay dahil inuwi na rin ito ng
kanyang Daddy.
"What happened there Euphie? Bakit biglang nagkaroon ng suntukan?" tanong
ni mommy.
"Because of that Arellano! Hindi ko sila iboboto!"
"Why?"
I explained everything. Bumuntong hininga lamang sa akin si Mommy at
Daddy.
"Tomorrow, we'll apologize to Ahmed and Triton's parents. Magpahinga ka
na Euphie, napakaganda mong babae anak. Noong kabataan ko, hindi ko rin
alam kung paano ihahandle ang mga boys."
"Wow," tipid na sabi ni Daddy.
Kinabukasan ay kasama ako ni Mommy sa harap ng bahay ni Ahmed, may dala
kaming macaroni para sa mga ito.
Si Ahmed ang sumalubong sa amin.
"Hi Ahmed, we're sorry about yesterday. Nandyan ba ang mommy at daddy
mo?" humalik si mommy sa pisngi niya.
Hindi ako iniimikan ni Ahmed nang makarating kami sa kusina. Nahuhuli na
ako sa paglalakad nang hawakan ko ang laylayan ng damit ni Ahmed.
"A-Are you mad at me, Ahmed? I'm sorry."
Nauna na si mommy sa kusina, hinuli ni Ahmed ang kamay ko at dinala niya
ako sa sala ng kanilang bahay.
"Gamutin mo ako, look what happened to my lips." Agad akong humawak sa
magkabilang balikat niya at hinalikan ko ang gilid ng labi niyang may
sugat.
"I'm sorry Ahmed, huwag ka nang makikipag-away ulit." Akala ko ay hindi
na siya ngingiti sa akin pero nakahinga ako nang maluwag nang gumanti
siya ng halik sa aking noo.
"Forgiven,"
Matapos mag-usap ng mga mommy namin ay nagpaalam na kami. We're going to
Triton's house.
Si Tita Taliya ang sumalubong sa amin, I heard Triton and Troy's voice
cursing each other. Naglalaro ang dalawa ng xbox.
"Boys, may merienda."
Nawala ang ngisi ni Triton nang makita niya ako, nang mapansin ni Troy
Ferell na malayo na si mommy. He mouthed me few words, why are you here?
Hindi na kami kumain ni mommy, si Triton at Troy na lamang ang kumakain
sa lamesa. Nagsimula nang magsalita si mommy.
"Sorry about what happened, are you fine now Triton?" natigil sa ere ang
pagsubo ni Triton.
"I am always fine Tita," Triton meaningfully looked at his mother.
"May ampon ka yata Taliya, who is this handsome boy?" gusto kong pumikit
nang biglang kumislap ang diamond earring ni Troy Ferell.
"Anak po ng katulong namin Tita." Sagot ni Triton.
"What?" ngiwing sabi ni Troy.
"He's Don Ferell's youngest grandson, Troy. I asked him to stay here for
a while, kasi bakasyon naman sa school nila."
"Walang pagkain sa kanilang mansion. That's why he's here." Segunda ni
Triton.
"Hi Tita, I'm hearing a lot of things about you from Triton. Totoo nga
ang sabi ni Triton, maganda rin daw ang mommy ni Euphie." Kita ko kung
papaano ngumiwi si Triton.
I bet Troy Ferell is lying, bakit naman nila pag-uusap kung maganda ang
mommy ko o hindi?
"I like him, hindi lang siya gwapo, matapat pang bata." Sinungaling siya!
Hindi naman masama ang loob ng mommy ni Triton, she always nice and kind.
Lumabas na sa kusina si Triton at Troy, bumalik na sila sa paglalaro.
Nag-uusap pa sila mommy nang may tumawag sa telepono niya.
"Wait lang Taliya,"
"Okay,"
Naiwan kami ni Tita. And from the very first time, I felt awkwardness
with her, hindi na ito masyadong lumalapit sa akin nang naging kami ni
Ahmed.
"How are you Euphie? Hindi ka na dumadalaw rito, nagtatampo na ako."
"Sorry po,"
"It's okay, I can understand." Nagsimula na siyang kunin ang mga plato sa
lamesa.
Nakatalikod na ito at binuksan na niya ang gripo.
"Pero sana si Triton na lang Euphie, mahal na mahal ka ng anak ko."
That was the last words I heard from Tita Taliya before we went home.
Nagkaroon pa sila ng usapan ni mommy pero hindi na ako sumali.
Sumapit na ang foundation week namin. My parents are so supportive taking
shots of my pictures.
Walang tigil sa pagtuturo sa akin si mommy ng aking pose para mas maging
maganda ang anggulo ko.
"Ang ganda ganda naman ng anak ko. Smile widely Euphie," sumunod ako sa
sabi ni mommy.
Panay lang ang kuha nila ng pictures sa akin nang dumating si Ahmed.
"Ang pogi ni Ahmed! Come here, I'll take your pictures." Hindi agad
nakalapit si Ahmed sa akin nang makita niya ako.
"That angel is so cute," kumento niya sa akin.
Nang makalapit na siya sa akin ay agad niya akong hinapit.
"You're so pretty, Euphie."
"Ang gwapo mo rin!" ngumisi kami sa isa't-isa nang mag-flash ang camera.
Katulad ko ay nabiktima rin si Ahmed sa kagustuhan ni mommy na kumuha ng
maraming pictures.
Hindi na bike ang ginamit namin dahil sumakay na kami sa kotse. Nahirapan
pa akong pumasok dahil sa malaking pakpak ko.
"Ahmed, my wings can't enter." I pouted.
He laughed and helped me.
"Don't ruin my wings,"
"Kapag hindi ka na makalipad, bubuhatin na lang kita. Okay?" ngumisi ako
sa sinabi ni Ahmed.
Hirap na hirap akong sumakay sa kotse habang naiiling siyang
pinagmamasdan ako.
Nakarating kami sa school at halos pagtinginan si Ahmed, ang gwapo kasi
ni Ahmed. Hinatid niya muna ako sa classroom ko bago siya pumunta sa
classroom niya.
"I'll pick you up before lunch."
"Okay," pinisil nito ang tungki ng ilong ko bago niya ako iwan.
"Euphie, ang ganda naman ng wings mo. A for the effort!"
"Ginawa 'yan ni Mommy," naka-fairy naman si Patricia.
"Pat! Nasilip mo na ba ang section nila, Triton? Ang cute ng theme nila."
May lumapit sa amin na isa sa mga kaklase naming babae.
"What is their theme?" I asked curiously.
"Demon! Speaking of the devil!"
Lumingon ako sa labas ng classroom, I saw Triton wearing an evil costume.
Kung ako ay may halo sa ulo, siya naman ay sungay. Kasunod niya ang
alalay niyang si Troy na naka-freestyle lamang.
He's walking proudly, but when his eyes landed on my spot he stiffened.
Nabangga sa likuran nito si Troy Ferell na nagte-text.
Itutulak sana nito si Triton nang tingnan niya ang tinititigan ni Triton.
Ilang beses umiling si Troy Ferell nang makita ako.
Until he shouted.
"Uwi na Euphie, may pa-sungay pa kami dito. Come on T, don't look at the
angel. Siya ang kasalanan. Siya ang bad."
--
VentreCanard
Chapter 21
Chapter 21
I looked away. I am not bad, wala naman akong ginagawang masama sa
kanila. Some of my classmates confusedly looked at me, but I didn't
entertain their curiosity. Instead, I sat on my chair and used my phone
as a cover up.
I unintentionally pouted my lips. My mom told me to avoid pouting if I
didn't like the situation, but I can't help it.
Troy Ferell is always throwing words on me.
Narinig ko na nakikipag-usap na siya at Triton sa ibang classmate ko,
gusto kong takpan ang tenga ko.
Minsan ay sabay silang tatawa ni Triton, then they'll curse at each
other. Lumapit na sa akin si Patricia.
"May nangyari ba?" umiling ako sa kanya.
Wala na naman ang putok sa labi ni Ahmed, wala na rin ang putok sa kilay
ni Triton at wala akong pakialam kay White.
Saka lamang ako tumayo sa aking upuan nang nagpaalam na si Triton at
Troy.
After the brief preparation our section opened the photo-booth. Sa harap
ng pinto ng classroom namin ang registration ng mga gustong magpa-
picture.
We're not accepting money as payment, instead we ask for sweet candies or
chocolates.
We had a cute booth design, curtain of beads flowing at the door,
registration officers at the front desk wearing their pink uniform, pink
table cloth, glowing pens and free mashmallows and stick-O.
After registration our guest will proceed at the entrance, they'll see
our booth dolls or should I say the section models. We're actually six
models and we're placed inside a modified doll box. Pinalaking doll box
na nakikitang naka-display sa mall.
Sa gilid ng doll box namin ay may nakadikit rin na parang mail box, dito
ilalagay ng guest namin ang pink paper na ibig sabihin ikaw ang napili.
The first box is Patricia, she is the fairy model. Second box is Ava
wearing a goddess. Third is Charlotte as a princess, fourth is Evelyn as
a Barbie, fifth is Grace as a wizard and me as the sixth one, wearing an
angel outfit.
We had our specific default words to greet our guest. Sabi ng mayor ng
klase namin, kung sino daw ang may pinakamaraming pictures sa amin
bibigyan niya ng isang box na marshmallow.
I love marshmallows.
Lalo na 'yong marshmallow na dala niya kahapon, he told us that it was
imported.
Dahil magaganda ang mga babaeng nakahilera sa unahan, hindi na ako
nadadaanan ng mga guest. They were always ending up with Patricia the
fairy, the goddess charming smile and our wizard's sexiness.
Masakit na ang paa ko, my mom insisted that I should wear high heels to
make me taller. Pero maliit talaga ako.
Agad akong ngumiti nang may first guest nang lumapit sa akin.
"I'll cleanse all your sins! I am your angel, let's have some pictures
master!"
Nang tumama ang mata ko sa unang lumapit sa akin, I wished that my wings
were real so that I can fly and refuse him.
Si Arellano!
"Alright, let's go!" he said with full of energy. He placed his pink card
inside my mail box.
"W-What are you doing here?!" he exaggeratedly widened his eyes and he's
about to call our president when I stopped him.
"Let's make this quick," I said lazily.
Naglakad na kami sa cute studio, but I noticed that he's looking for
something. Nakatapat na kaming dalawa sa camera at nanghahaba pa rin ang
leeg nito, and when Autumn Olbes entered our room he immediately snaked
his arms around my waist.
"Ang ganda ganda naman ng angel dito!" halos sumigaw pa siya.
White got Autumn's attention, I saw grinned on his face but Autumn just
shrugged her shoulders making White's jaw dropped.
"Pinagseselos," bulong sa akin ng isa sa mga cameraman namin na inayos
ang pakpak ko sa likuran.
I smiled wickedly. Lalo na nang unti-unting nawala ang braso sa akin ni
White.
"Hindi naman nagselos, maybe she's not really interested with you. Poor
White."
"Shut up, tapos na ba?" tanong niya sa camera man.
"Wawa naman ang apo ni gobernor, Autumn didn't like him. Poor. Inaaway pa
siya ni Euphie, inaaway siya ng anak ng sabungero. Okay lang ipasara mo
ang sabungan nila daddy, hindi naman nagseselos si Autumn." I stuck my
tongue out.
He gasped at ilang beses siyang napaatras sa sinabi ko.
"Fuck, how I hate kids." Nagmadali na itong lumabas ng classroom namin
habang tawa ako nang tawa.
May tatlo pa na nagpa-picture sa akin, bago dumating si Ahmed.
"Ahmed!" I almost jumped on his but my wings stopped me.
"How's my angel? Marami na ba nagpa-picture sa'yo?"
"Konti lang,"
"Nice, ako nga lang dapat."
Gusto akong buhatin ni Ahmed pero hindi kaya dahil matatanggal ang pakpak
ko. So we just held each other's hand on our pictures.
Niyaya niya ako sa booth nila, pero nang dumating ang hapon ay marami na
rin ang nagpapa-picture sa akin.
"Kapag medyo free na ako," ngumiti siya sa akin at tumango.
Sunod-sunod ang nagpa-picture sa akin, nagulat pa ako nang dumating sila
mommy at daddy kahit marami na akong picture sa kanila.
Tuwang-tuwa sila ni Daddy sa akin, and they even asked our mayor if they
can bring my doll house after the event.
I refused but since my mom is a good negotiator, napapayag niya si mayor.
Gagawin na naman akong manika ni mommy.
They waved a goodbye when a bunch of highschool girls asked for my
pictures, hindi na nagkakalayo ang height namin.
I am so small.
After few minutes, wala na ulit nagpa-picture sa akin. Sinimulan kong
kainin ang pizza bar sandwich na dala ni mommy, nakakagutom rin pala na
maging angel.
Nasa kalahati na ako ng pagkain nang makita ko sa harap ng studio si Troy
Ferell, umirap ako. Buong akala ko ay aalis na ito pagkatapos niyang
magpa-picture kay Grace, pero may picture siya sa lahat ng model.
Ngumunguya ako ng pizza bar nang tumigil siya sa box ko.
"Ayoko dito, she is bad."
"Ayaw ko rin sa'yo. You are bad too."
"Hey, I want this angel."
Tumigil ako sa pagnguya nang maglagay ng tatlong pink paper si Triton sa
aking mail box.
He's not wearing a coat anymore, just a white long sleeve but tucked in
his hugging black jean pants and he's still wearing his devil horn.
Biglang nawala si Troy Ferell. Kami na lamang ni Triton ang magkaharap.
Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin.
Number one rule, don't refuse our guest.
"Euphie, I gave you my pink papers."
"Uubusin ko muna ito Triton, wala akong paglalagyan."
"Tsss," inagaw niya ang kamay kong may hawak na pizza bar at agad niyang
isinubo ang natitirang pagkain ko.
"Shall we?" he asked with his full mouth.
Tumango na lamang ako sa kanya. Nagpunta na kami sa studio, nasa tabi ng
cameraman si Troy Ferell.
He's grinning from ear to ear.
"Okay, in a count of three!" ramdam ko na may hinahawakan si Triton sa
likod ng pakpak ko. What is he doing?
Lilingon na sana ako nang maramdaman kong binuhat niya ako.
"One!"
"Fat cheeks! Cheese!"
Hindi na ako nakangiti sa harap ng camera dahil sa pagkabigla.
Papaano niya ako nabuhat? When I tried to look at my back, my eyes
widened. He folded my wings! It can be folded?
"Another shot!" hindi pa rin ako ibinababa ni Triton.
"Triton put me down," hindi ito nakatitig sa akin, nasa camera ang mga
mata nito.
And he's playfully biting my halo.
"Triton, baka masira!" pilit kong inabot ang sungay niya kasabay nang
pag-flash ng camera.
Talon ako nang talon para makita ko ang pictures namin ni Triton sa
computer, nakahara kasi ang kaklase ko, si Triton at Troy Ferell.
"Muntanga lang si Triton sa mga kuha, napaghahalataan ka. Huwag mong
ipahiya ang malaki nating T. Patay na patay? Patay na patay?"
Sa wakas ay nakasingit na rin ako sa kanila. Akala ko ay sasagot si
Triton kay Troy Ferell, pero nang sulyapan ko ay nakangiti ito sa screen.
After long months, I've seen his smile again.
I felt a sudden pang on my chest, then it skipped fast, and then faster,
then-- then super fast.
What is happening heart? Lumingon ako sa screen at nakita ko ang mga kuha
namin ni Triton.
Our first shot, he's smiling at the camera while I looked shock. Second,
I'm biting my lower lip because of annoyance while Triton is biting my
halo with a grin. Third shot, Triton was sticking his tongue out while I
was trying to reach his devil horn.
While looking at the pictures, my tears suddenly fell. It's been five
months, we're always this close butbut what happened?
"Euphie," lumingon ako kay Triton.
Halos mapatalon si Troy Ferell at ang classmate ko nang makita nilang
umiiyak ako.
"You didn't like the shots Euphie?" tanong ni Meynard.
Umiling ako habang pinupunasan ko ang luha ko. I just realized that I
miss Triton, so much.
"Hey, ayaw mo ba? Ipapabura ko na lang." Sinubukan akong hawakan ni
Triton pero umatras ako.
I want to stay close to him, pero hindi na pwede. But I miss him, I miss
the old us.
"You delete it, Meynard." Utos ni Triton.
Agad kong hinawakan ang kamay ni Meynard.
"No,"
"Then tell me, why are you crying? I shouldn't have force you. Delete it
Meynard."
"I said no! No don't delete it!"
"Delete it Meynard."
"Shit! Bahala kayo!" tumayo na si Meynard at iniwan kami.
Wala na rin si Troy Ferell dahil may kausap na itong classmate kong
babae.. Everyone is busy, walang nakakapansin sa amin ni Triton.
"I'll delete it," yumuko si Triton at hinawakan na niya ang mouse.
Lalong bumuhos ang luha ko at pinaghahampas ko ang braso niya.
"I am not crying because I hate our pictures, I-I miss you Triton andand
I don't know what to do."
Natigil siya sa pagpindot sa mouse at dahan-dahan siyang humarap sa akin.
"Again? Wala akong narinig."
"I-I miss"
"Euphie!" I heard Ahmed's voice.
Malalaki ang hakbang niya patungo sa akin at hinawakan niya ang mga kamay
ko.
"Triton, kami na ni Euphie. Value our friendship, respect Euphie's
decision. Come with me Euphie," napatungo ako sa sinabi ni Ahmed.
Ano itong ginagawa ko?
Hindi sumagot si Triton, nanatili na akong nakayuko habang hila ni Ahmed
ang kamay ko.
Hindi pa kami nakakalabas ng classroom nang magsalita si Troy Ferell.
"Kung uso ang three-month rule sa mga nagbe-break. Uso rin ang three-
month rule sa mga na-basted! Kapag hindi maka-move ng tatlong buwan o
kahit limang buwan, tang-ina agawin!"
Tumigil sa paglalakad si Ahmed. Lumingon ito sa direksyon nila Triton at
Troy Ferell na nag-iigting ang bagang.
Most of our classmates are now watching the whole scene. Hindi ko na alam
ang gagawin ko.
Tuluyan na akong nag-angat ng paningin nang nagsalita si Triton.
"Euphie's now confused Ahmed, thank you for our long years of friendship
but I was born selfish. Alam mo 'yon. Tighten your grip not because
she'll slip away, but because I'll pull her away from you."
--
VentreCanard
Chapter 22
Chapter 22
Wala akong tigil sa pagso-sorry kay Ahmed. It was my fault, I should have
tried harder to avoid Triton. Dahil 'yon naman ang tama, Ahmed won't like
it when I'm sticking with Triton. Someone who confessed to me.
I should have stopped myself from crying and telling him what I felt.
Hindi na ito tama, dahil kami na ni Ahmed. Our friendship can't be
considered healthy if Ahmed's always getting angry.
"I'm really sorry Ahmed, I promise I'll do my best to avoid him. H-Huwag
ka nang magalit sa akin."
We're on the rooftop while he's still keeping his mouth shut. I leaned my
forehead on his arm.
"I'm sorry Ahmed, I'm sorry. Hindi na ako uulit, please don't be mad at
me."
"I am not mad at you, Soren. Kay Triton ako nagagalit, something like he
wasted all those years of our friendship." Sa unang pagkakataon ay ngayon
ko nakikitang nagagalit si Ahmed.
He was always calm and composed, ginalit ko talaga siya.
"H-He's always like that, Ahmed. Triton is selfish when I've met him."
Lumingon sa akin si Ahmed.
"And you're ta" agad akong umiling sa kanya.
"No, I am not taking his side. H-Hindi na lang ako nagulat, ito ang ugali
ni Triton matagal na."
"And you're fine with that, Soren? Papaano kung totohanin niya? What if
he stole you away from me?" I can see pain in his eyes.
"Don't you trust me, Ahmed? I chose you, ikaw. I'll stand on my decision.
I love you Ahmed since we were kids." Napatitig sa akin si Ahmed.
Nanlalaki ang mga mata nito sa akin na parang hindi niya mapaniwalaan ang
mga sinabi ko.
I'm sure that I'm in love with Ahmed, hindi siya ang pipiliin ko kung
hindi ko siya mahal.
"I heard it right, Soren?" tumango ako sa kanya.
He smiled.
I blushed when I felt his arms around my waist, he pulled me closer until
I felt his warm breathing. The tips of our nose are touching.
He's going to kiss me.
Sinimulan ko nang ipikit ang aking mga mata at nang hinihintay ko nang
maglapat ang aming mga labi, bigla na lamang akong napasigaw sa
naramdaman ko.
I automatically snaked my arms around his nape and looked down. Kahit si
Ahmed ay nagulat rin sa pagsigaw ko.
"It's a cat!"
Narinig kong tumawa si Ahmed.
"It's just a cat, Soren. You're really this cute." Humalik siya sa pisngi
ko habang nakatitig ako sa pusa na nakikipaglaro sa mahabang binti ni
Ahmed.
I want to play with that cat but I am allergic.
"Let's go, this cat is too risky for you."
Buhat ako ni Ahmed sa paglalakad sa rooftop habang nakatitig ako sa
kanya.
"Still mad at me?"
"Hindi na," ngumisi ako sa sinabi niya.
"I love you Ahmed,"
"I love you more, Soren."
Ako mismo ang humalik sa matangos niyang ilong. Bigla na lamang namula
ang tenga niya.
Ibinaba niya na ako sa may hagdan at hinatid niya na ako sa aking
classroom. Bati na kami ni Ahmed. Sinabi niya sa akin na susunduin niya
daw ako mamaya.
"I'll wait for you, by the way we'll have our dance number later."
"Dance number?"
"Yes, sabi ni Mayor bawat section daw meron. How about your section?"
kumunot lamang ang kanyang noo.
"I wasn't informed,"
"Oh, you should ask them. Baka mamaya kasali ka pala sa sasayaw."
"Not going to happen," pinisil niya ang ilong ko bago niya ako iniwanan.
Habang naghihintay ako ng ibang guest, nag-isip na ako ng sasabihin kay
Triton kapag lumapit ulit siya sa akin.
I should stop him from doing that, kasi nasasaktan si Ahmed. He should
value their friendship afterall.
I pouted when the face of Troy Ferell popped inside my mind, dapat ay
siya ang may devil horn. Because he's been dictating bad things to
Triton.
Dalawang oras ang lumipas bago kami tinawag ni mayor. He said that we
should start preparing for our dance number. We're totally rehearsed,
kaya hindi na rin kami nag-practice.
Aside from ballet dancing, I can also dance in modern blame everything to
my mother. She's always this supportive with this so called talents, I
joined different lessons since I was a kid. From different intruments,
singing and dancing.
Hindi na kami nagpalit ng custome, according to our tactical mayor this
performance will serve as an advertisement for our booth. Kaya hindi niya
na kami pinagpalit ng costume.
We will perform this in trend dance craze from a famous girl group in
korea. The boom boom.
Sumilip ako sa labas ng kurtina, nagulat ako sa dami ng tao. Kinakabahan
akong bumalik sa mga kaklase ko.
"Ang dami nila, bakit konti lang ang tao sa unang nag-perform sa atin?"
"Come on Euphie, our section shouts hotness. Oh well, ikaw nga lang
ang--" tiningnan ako ni Evelyn mula ulo hanggang paa.
Ako rin, I copied her. I looked at her and I tried to spot our
difference.
"I can't be hot, my mom told me that it isn't necessary to show too much
skin during performance. It's the dance and not the body." I smiled at
her.
I saw how they arched their eyebrows on me. My mom told me that if
someone gave you that kind of gesture, they need smile.
I smiled widely.
"Goodluck sa atin!" agad na akong tumalikod sa kanila.
I heard few whispers but I just shrugged my shoulders.
Dahil ako ang pinakamaliit, nasa unahan ako at nasa gitna. They debated
our position during practice, masaya naman ako kahit saan ako but our
mayor insisted that I should position myself in front.
Nagsasalita na ang emcee sa likuran ng kurtina habang naghihintay na
lamang kami ng pagbubukas nito. Bahagya na itong nakabukas kaya nakikita
ko na ang mga nanunuod sa unahan.
I can't see Ahmed, but I can clearly see White Arellano and Autumn Olbes.
I saw Troy Ferell, nagulat pa ako nang siya na nga ang may suot ng sungay
ni Triton kanina, mas bagay sa kanya.
I silently grinned.
Then Triton, pilit itong sumisilip sa kurtina ng stage, and when our eyes
met I immediately avoided my eyes.
Nang mabuksan ang kurtina ay agad nagsigawan ang mga estudyante. I didn't
know that I'll feel this kind of nervousness, I was used to this kind of
performance, I don't understand my feeling right now.
"Dearest Luciana students! Let's welcome the momoland in the
Philippines!"
Boom Boom!
It's gettin hot in here
It's gettin hot in here
Boom Boom!
It's gettin hot in here
It's gettin hot in here
Nagsimula na akong sumaya na nakangiti sa harap ng mga tao, pero hinding-
hindi ako lumilingon kay Triton. Ang tapang ko nang sabihin kong madali
ko lang masasabi sa kanya na itigil na niya ang masasamang inuutos sa
kanya ni Troy Ferell.
But right now? I can't even look at him. Lagi namang nanunuod si Triton
sa mga performance ko noon, why nervous now Euphie?
OK the gang's are here and everything feels alright.
Ladies the drinks on me
Yeah we can do the shots all night, that's right.
Nagkakaroon kami ng pagpapalit ng pwesto kaya aksidente na akong
napapatingin sa gawi nila Troy Ferell at Triton.
Titig na titig sa akin si Triton, while Troy Ferell is head banging his
head while watching my hot classmates. I even heard him calling my
sexiest classmate.
Nakailang pagsiko na ito kay Triton para lamang tumingin ito sa iba at
hindi lamang sa akin. Pero hindi siya pinapansin ni Triton.
When Troy Ferell noticed that Triton is not responding with his elbow
shot, he looked at my direction. Ilang beses nagpabalik-balik ang tingin
nito sa nakatulalang si Triton at sa akin.
Nakangiwi na ito sa amin ni Triton.
Nasa chorus na kami ng pagsayaw nang bigla na naman sumigaw si Troy
Ferell.
"Euphie! Uwi na! Hinihika na si Triton dito, hindi na makahinga, hindi na
makapagsalita. Wala akong dalang nebulizer!"
What?!
Nagsimula nang magsayawan ang mga tao sa unahan dahil sa sigla ng sayaw
namin. I was expecting that no one will notice me during the performance.
Sabi ng mga classmate ko, mas gusto ng nakararami ang hot, ayaw nila sa
maliliit na katulad ko.
Pero mas madalas kong marinig ang pangalan ko. Nang nagpalit ulit kami ng
posisyon ay nakita ko na si Ahmed.
I smiled at him.
Nagsimula na kaming humakbang papunta sa unahan para sa huling step
namin. I can still clearly see the good space, kaya hindi ako natatakot
humakbang pero may biglang sumagi sa akin mula sa likuran dahilan kung
bakit ako nawalan ng balanse.
No way! Mahuhulog ako sa stage!
"Euphie!" narinig kong sumigaw si Ahmed.
"Shit! Fat cheeks!"
Nakarinig ako ng malakas na sigawan galing sa taas at baba ng stage. Ang
bilis ng tibok ng puso ko, mataas ang stage at hindi biro ang mangyayari
sa akin sa pagbagsak ko.
I was just waiting for the pain when someone caught me, but that doesn't
stop the heavy impact.
Ramdam ko pa rin ang sakit ng pagbagsak ko.
"Ouch," I complained.
At nang nagmulat ako ng aking mga mata, pakiramdam ko nanlamig ang buo
kong katawan.
W-Walang malay si Triton.
"Triton!" I cried his name.
Agad akong umalis sa pagkakadagan sa kanya. Bigla na lamang nagsilapitan
ang mga tao. Habang wala akong tigil sa paggising sa kanya.
Mabilis at marahas hinawi ni Troy Ferell ang mga tao. He's too red and
angry.
"Fuck off people! Huwag nyong pagkaguluhan! He'll damn suffocate! Ang
hihina ng utak nyo!"
--
VentreCanard
Chapter 23
Chapter 23
Masyadong mabilis ang pangyayari. Buong akala ko ay dadalhin nila si
Triton sa school clinic pero bigla na lamang itong dinala sa hospital.
Tanging ingay lamang ng ambulansya ang narinig ko hanggang sa tuluyan na
itong mawala sa aking paningin.
"Euphie, calm down." Ilang beses akong umiling sa sinabi sa akin ni
Ahmed.
I can't calm down right now, dinala sa hospital ngayon si Triton nang
dahil sa akin. Triton was sensitive about the hospital.
He was traumatized before, kaya malaki na lamang ang takot ko noon nang
matusok siya ng karayom at magdugo ang kanyang hintuturo.
Triton was the first witnessed when his eldest sister had her suicide. We
were still kids back then, pero tandang-tanda ko ang naging epekto noon
kay Triton.
Yes, Triton got a sister but she's far long gone. She committed suicide
because of depression. Ate Trina was a very beautiful and cheerful girl,
lagi siyang nakangiti at nakatawa noon, pero inaasahan ng lahat ang
ginawa nito.
Hanggang ngayon ay katanungan sa akin ang kanyang dahilan, kahit minsan
hindi ko tinanong si Triton o kahit ang mga magulang ko. But I'm hearing
reasons that it was because of her boyfriend.
I didn't ask further, but I heard that Montgomery family were not a good
handler of hopeless love.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang maalala ko ang ginawa ko kay
Triton. This was all because of me.
Gusto ko nang umiyak sa mga nangyayari. I can't help but to think deeply.
"I want to follow him, I'll go. Susunod muna ako." Halos hindi ko na
masulyapan ang mukha ni Ahmed habang mabibilis ang mga hakbang ko
papalabas ng school.
I annoyingly removed my halo and wings, hindi agad ako makakasakay ng
dyip kung may pakpak sa aking likuran.
"Pupunta tayo, hindi lang ikaw. Come on Euphie. Calm down," mariin nang
hinawakan ni Ahmed ang kamay ko.
Dito na ako tuluyang napaharap sa kanya.
"I can't calm down, Ahmed. Ako ang dahilan kung bakit nadala sa hospital
ni Triton. Let's go now, please? Please Ahmed? Kawawa naman si Triton,
this was my fault." Halos magmakaawa ako sa kanya.
Hindi na nagsalita si Ahmed sa akin nang sumakay na kami sa sasakyan.
Nanghiram pa siya ng sasakyan sa isa niyang kaibigan para lamang mabilis
kaming makarating sa hospital.
I was expecting that we'll see Triton at emergency room but the nurse
told us that he already got his room. Hindi pa man kami nakakailang
hakbang papalapit sa kanyang kwarto nang marinig ko ang boses ni Tita
Taliya.
"Ano ba ang nangyayari sa'yo Triton Octavious Montgomery!? I told you to
be careful! Alam mo naman anak ang sitwasyon mo. Please, please be
careful." Ito ang unang beses na narinig kong sinisigawan ni Tita si
Triton.
We were still kids when I heard her calling Triton's full name with
anger. Lagi itong kalmado. She often calls her son with endearment,
Triton honey.
"Sorry Ma, hindi na po mauulit. Si Troy kasi,"
"W-What?! Tita no, wala akong alam dyan. Huwag mo akong idamay dito
Triton! Si Eu--"
"Troy!" pinatigil ni Triton si Troy nang babanggitin nito ang pangalan
ko.
"What really happened? Isusumbong kita sa Daddy mo Triton. Sunod-sunod na
ang nangyayari sa'yo, nag-aalala na ako sa'yo. That's why I asked Troy to
be here, nang mabantayan ka!"
Hindi ko na naiintindihan ang pinag-uusapan nila. Bakit kailangang
bantayan si Triton?
"No Ma, okay lang ako. We can go home right now, I'm fine. And please?
Kahit pauwiin mo na si Troy, I am always fine. Abala lang si Troy sa
akin."
"I was expecting that you'll say naaabala pa natin si Troy," natatawang
sabi ni Troy.
"Naabala ka ba hijo, Troy?"
"No, actually bakasyon pa rin naman po ako. I can stay here at Enamel for
another week."
"Or you can't just properly eat in your mansion?"
"Shut up and rest Triton."
"Anong gusto nyong kainin, boys?"
Huminga ako nang malalim at sinimulan ko nang kumatok. Lahat ng mga mata
ay sumalubong sa amin, nakaupo sa kama si Triton, katabi nito si Troy
habang si Tita ay nasa dulo ng kama.
"Hi Euphie, Ahmed," bati sa amin ni Tita. Lumawak ang ngiti ni Tita nang
mas mapagmasdan niya ang suot ko.
"You're so cute naman Euphie," umismid si Troy Ferell.
"Fat cheeks, Ahmed," tawag ni Triton.
"Kamusta Triton?" tanong ni Ahmed.
Humiwalay si Ahmed sa akin at nagtungo ito malapit sa may kama, mukhang
natuwa sa akin si Tita at basta niya na lamang ako hinila.
Dahil matagal nang walang anak na babae si Tita Taliya, tuwang-tuwa ito
sa akin simula nang bata pa ako, inaayusan at binibihisan niya rin ako
katulad ni mommy na parang manika.
Habang si Triton naman, ang mga kuya niya ang taga sabi kung bagay sa
akin ang mga isinusuot ni Tita.
I was actually the living doll or should I say baby doll inside our
compound.
"Triton just stay there, Euphie will change her dress."
"Okay! I'll wait for Euphie," hinawakan na ni Tita Taliya ang kamay ko at
dinala niya ako sa kwarto.
Tuwang-tuwa sila ni Ate Trina sa pagbibihis sa akin.
"Ang cute cute talaga ng Prinsesa ng mga Arcega, parang laruan si Euphie.
Ang sarap sarap bihisan!" sinuotan ako ni Ate Trina ng headband ng yellow
bug.
Sinuotan rin ako ni Tita Taliya ng makapal na dress na may color yellow
at black stripes, may gloves rin akong black.
"Mukha nang cute na bubuyog si Euphie!" Pinisil ni Tita at Ate Trina ang
pisngi ko bago nila ako inilabas sa kwarto.
Naghihintay dito si Triton, Kuya Tyrell at Travis na mga kuya ni Triton.
"Wow! Ang cute cute naman ni Euphie! I-ki-kiss namin ni Tyrell sa pisngi
si Euphie, Triton!"
Triton exaggeratedly went in front of me. I can see his back while he's
spreading his arms guarding me from his kuyas.
"No one is going to kiss her! Magagalit si Triton! Magagalit si Triton!"
"Sus, crush crush ni Triton si Euphie. Territorial ang bunso mo, Ma."
Umupo sa tabi ni Triton si Ate Trina at ginulo nito ang buhok ni Triton.
"Ang tanong crush crush din ba siya ni Euphie? Kami yata ni Travis ang
crush ni Euphie." Kuya Travis winked at me.
"No, si Triton ang crush ni Euphie." Mabilis akong yumakap sa braso ni
Triton, I stuck my tongue out to Kuya Tyrell and Travis.
They were laughing at us.
"He's blushing, god! Yung bunso mo Mama! Binata na!"
When I looked at Triton his ears were turning red.
"Sino crush mo Euphie?" tanong ulit ni kuya Travis.
"Triton and Ahmed,"
That was when their laughter stopped.
"Euphie, ayaw namin ng may kahati. Montgomery can't share."
"Hey, Travis stop that." Sabat ni Ate Trina.
"Kawawa si Ahmed, we're actually selfish. Kapag lumaki ka na Triton,
itatakwil kita kapag naagawan ka."
"Hey, Tyrell, Travis itigil nyo na 'yan." Nagsalita na rin si Tita.
Nabalot silang muli ng tawanan bago ako hinigit ni Triton papalayo sa
kanila at nagsimula na kaming maglaro ulit.
Bigla kong naalala sila Kuya Tyrell at Travis, ang alam ko nagtatrabaho
na sila sa Manila. They even studied there, nagtaka nga ako nang sabihin
ni Triton na dito siya sa Enamel magka-college hindi katulad ng mga kuya
niya. While their youngest Montgomery laging wala sa bahay dahil may
tutor, pero sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni Triton, they are so
sweet together.
Akala ko dati si Triton na ang magiging bunso pero noong mga bata pa
kami, nagbuntis ulit si Tita Taliya, having their youngest. Trent.
Kahit sila Kuya Tyrell at Travis, lagi nilang ni-ba-baby si Triton kapag
nandito sila. When we were kids, laging napapagalitan ni Tita Taliya sila
kuya kapag inaaway nila si Triton.
"What happened to Triton?!" lahat kami ay napalingon nang may dalawang
lalaking naka-corporate attire na biglang pumasok sa kwarto.
I was actually thinking about them, bigla na lamang silang dalawa
dumating.
"Kuya!" nagulat rin si Triton.
"Tyrell! Travis, anong ginagawa nyo rito?"
Akala ko ay nasa Manila sila?
"Ma," mabilis silang humalik kay Tita Taliya.
"Ano na naman ba ang nangyayari sa anak nyo, Mama? Noong isang araw pa
yata siyang nagkakaganyan." Lumingon sa kama ni Triton si Kuya Travis.
"Troy," bati ni kuya Tyrell kay Troy na hindi natitinag at prenteng
nakaupo sa kama ni Triton.
"He's in love, ofcourse. Dinadala sa hospital ang mga Montgometry, kapag
basted."
And there, the little genius Montgomery suddenly appeared with his big
school bag.
"Hindi siya ang love love ni Ate Euphie, kaya hospital hospital si kuya
Triton. Wawa."
This was when all eyes went on me.
--
VentreCanard
Chapter 24
Chapter 24
When all their eyes turned on me, I can't help but to bowed my head. I
want to run away from their eyes. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"I-I uh--" I tried to talk but no words were coming from my mouth. Ahmed
was about to hold my hand when I heard Triton's voice.
"Ma," he called his mother.
Nang nag-angat ako ng tingin ay ilang saglit na tumitig si Tita Taliya
kay Triton hanggang sa bigla na lamang itong pumalakpak para kuhanin ang
atensyon ng lahat.
Nawala ang kanilang mga mata sa akin at lahat kami ay nakatitig na kay
tita. She smiled at me, mabilis siyang lumapit sa akin at marahan niyang
hinawakan ang aking mga balikat.
"Bakit hindi muna kayo bumili ng foods ni Ahmed, Euphie? Idamay mo na rin
sila Kuya Travis at Tyrell. Please? Hindi ko na kasi mauutusan ang mga
kuya mo dahil siguradong napagod sila sa biyahe."
"It's okay Tita," si Ahmed na ang sumagot sa kanya.
"Thanks Ahmed," tipid na sagot ni Tita bago ito lumingon kay Trent na
hindi pa rin umaalis sa kanyang posisyon.
"Trent, come here. Who told you na dito ka dumiretso?" hindi na nakasagot
si Trent dahil tumawag na sa kanya si Troy Ferell.
"Let's go Euphie," bulong sa akin ni Ahmed.
Kumuha ng cash si Tita sa kanyang wallet at ibinigay niya ito sa amin ni
Ahmed. Pansin ko na bahagyang tumango si Ahmed kay Tita Taliya bago niya
ako tuluyang hinila papalabas ng kwarto ni Triton.
Tipid akong sumulyap kay Triton pero siya na mismo ang nag-iwas ng tingin
sa akin.
I'm sorry Triton.
Nasa labas na kami ni Ahmed, hindi niya binibitawan ang kamay ko habang
naglalakad kami sa pinakamalapit na fast food chain.
"Tita Taliya intentionally brushed us," tumango ako sa sinabi ni Ahmed.
Maybe she'll explain everything to her sons, na kami na ni Ahmed. Dati ko
pa napapansin na lagi nilang inaasar si Triton sa akin.
I really don't mind before, dahil buong akala ko ay nagbibiro lamang sila
at gusto lamang nilang inaasar si Triton. I really didn't know that
there's something behind their silly teases.
Nanatili akong tahimik at naghihintay sa lamesa habang si Ahmed ang
bumibili ng pagkain. Ilang beses siyang sumusulyap sa akin at ngumingiti
ako sa kanya.
Nang makatapos siya sa pag-order ay naupo na rin siya dahil may
hihintayin pa kami na dadalhin na lang daw sa lamesa.
"You okay? Ayaw mo ba na malaman nila?" mabilis akong umiling sa tanong
niya.
"Bakit naman? No, it's okay with me."
"But you looked so down."
"It's because Triton got an accident because of me, Ahmed. That's all the
reason. Wala nang iba and I can't but to feel so down." Hindi na ulit
nagtanong sa akin si Ahmed hanggang dumating na ang orders namin. I
helped him carrying some of our orders, nagtatawanan sila nang makabalik
kami sa kwarto ni Triton.
This is awkward because everyone went on silence. Pero agad din itong
naputol nang tumikhim si Triton.
"Thanks Euphie, Ahmed," siya ang unang nagsalita sa kanilang lahat.
Si Tita na ang kumuha ng mga binili namin.
"Hindi ba at may mga gagawin pa kayo sa festival? I am fine here, you
both can go. Naaabala na kayo." Sabi ni Triton.
I want to stay and talk to him, pero parang hindi na kami bigyan ng
pagkakataon. Dahil sumang-ayon na rin sila kuya Travis at Tyrell, sinabi
ng mga itong pumunta na lang muna kami sa school dahil ayos na si Triton.
Ramdam ko ang biglang panlalamig sa akin ni Kuya Travis at Kuya Tyrell,
dati ay lagi nila akong pinupuri at pinapansin, ngayon ay hindi man lang
silang nawiwiling kausapin ako.
And yes, I can understand that. I broke their brother's heart.
Nagpaalam na rin kami ni Ahmed at bumalik kami sa school. Pero buong araw
akong nawalan ng gana dahil sa nangyari kay Triton. Kahit wala akong
ginawa maghapon, ramdam ko na parang pagod na pagod ako.
Nakakailang hakbang pa lamang ako sa loob ng bahay nang sumalubong sa
akin si mommy. Yumakap na siya nang mahigpit sa akin at mukha siyang
alalang-alala.
I can't help myself but to cry.
"Mommy! Triton got an accident because of me! Nasasaktan ko na naman
siya, nasasaktan ko na naman si Triton. I am bad, totoo ang sinasabi ni
Troy sa akin, ang bad bad ko na."
Iyak ako nang iyak habang inaalalayan ako ni Mommy, wala siyang tigil sa
pagpupunas ng aking luha habang wala rin akong tigil sa pag-iyak.
"Mahal, ikuha mo ng tubig ang anak mo." Mabilis na sumunod si Daddy sa
sinabi ni Mommy.
"Hey, don't blame yourself that was an accident. Nag-usap na kami ni
Taliya."
"Pero hindi madadala sa hospital si Triton kung hindi ako nag-ingat. He
hated the hospital, I made him stay to his hated place. Bad ako mommy!
Bad ako! Bad nga ako sabi ni Troy." Pinigilan na ni mommy ang pagpupunas
ng aking kamay sa aking mga luha.
"Here's the water," pansin ko na nangangatal pa ang kamay ni Daddy sa
pagmamadali.
"Mahal naman, ang bagal ng tubig." Akala ko ay sa akin ibibigay ni mommy
ang tubig pero siya ang uminom nito.
"Oh, akala ko ay sa anak mo? Anak kita? Anak kita?" tanong ni Daddy.
"Asawa mo ako, kumuha ka ulit ng tubig mahal. Nauuhaw na si Euphie. Ano
ba itong asawa ko?" Walang nagawa si Daddy dahil bumalik na siya sa
kusina para kumuha ulit ng tubig.
Ang tagal bago ko napatigil ang sarili ko sa pag-iyak, maaga akong humiga
sa kama ko para magpahinga at katabi ko si mommy para patulugin ako.
"Gusto mo ba kausapin si Triton? Umuwi na rin siya kanina." Bahagyang
nakayakap sa akin si mommy habang magkatabi kami sa kama.
"Ayaw na yata niyang makipag-usap sa akin Mommy, I can understand."
"No, mabait na bata si Triton. He's actually concerned about you,
tinatanong ka niya sa akin kanina." Lumingon ako kay mommy.
"Really? But he refused to look at me, hindi man lang ako nakapag-sorry
sa kanya kanina. Galit na rin yata sa akin sila kuya Tyrell at Travis."
"Oh, my poor little girl. Anong gusto mong gawin ni Mommy?"
"Wala po mommy, I'll just sleep." Sinubukan ko nang ipikit ang aking mga
mata pero lumipas na yata ang kalahating oras pero gising pa rin ang diwa
ko.
Tulog na si mommy nang bumangon ako sa kama, lumabas ako ng terrace ng
kwarto ko. And to my surprise, I saw Triton sitting in his terrace too.
Likuran niya lamang ang nakikita ko dahil nakaupo siya sa balustre ng
terrace ng kwarto niya.
"Tri--"
Pinigilan ko ang sarili kong tawagin siya pero huli na ang lahat dahil
naagaw ko ang atensyon niya.
Agad akong tumalikod at mabilis na umupo sa sahig para magtago sa kanya.
Pinili kong umupo sa sahig habang yakap ang binti ko, mamaya na lang
siguro ako tatayo at papasok ng kwarto kapag alam kong napasok na si
Triton.
I want to talk to him, pero ang duwag duwag ko. I am so terrible.
"Hey, still hiding?" dahan-dahan akong lumingon sa akin likuran sa aking
nanlalaking mata.
"T-Triton?"
Ngumisi siya sa akin, he placed his forefinger near his lips asking me to
keep my voice lower.
"Baka mahulog ka," mabilis akong tumayo para abutin ang kamay niya.
Nakasampa siya sa terrace, mukhang umakyat siya gamit ang malapit na puno
sa bahay.
"Matagal nang nahulog, hindi mo nga sinalo." Natigilan ako sa sinabi
niya.
"Hey, I'm just kidding fat cheeks." Marahan niyang pinisil ang pisngi ko.
"Stop that Triton,"
"Stop that Triton," ito na naman siya at ginagaya ang paraan ng
pagsasalita ko.
"Now let's sit," nauna na siyang umupo at hinila niya ako.
"W-Why are you here Triton?"
"He called me, mag-thank you ka na sa akin. Come on, alam kong ito ang
kanina mo pang gusto sabihin sa akin." Umiling ako sa kanya at nakagat ko
na lamang ang aking pang-ibabang labi.
"I want to apologize, sorry Triton, I'm sorry. Saan ang masakit?
Shoulders? Sa ulo ba? Sa mukha? Sa braso? Sa binti?" wala sa sarili kong
hinawakan ang pwedeng nasaktan sa mga katawan niya.
"Dito Euphie, dito.." he grabbed my hand and he placed it on his chest.
"Dito masakit Euphie, ako na lang. Ako na lang Euphie."
--
VentreCanard
Chapter 25
Chapter 25
Inaamin ko, simula nang naging kami ni Ahmed kahit minsan ay hindi
lilipas ang araw na hindi ko maiisip si Triton.
What will happen if I pushed them both? What will happen if I didn't
choose? Magiging masaya pa rin ba kami katulad ng dati? Hindi na ba ako
makakaranas ng ganito? Hindi ko na ba masasaktan si Triton at Ahmed?
Hindi na ba ako matatawag na bad ni Troy?
But the wisest thing was to decide as fast as I could, the longer I give
the decision, the longer the agony of the both parties, na siyang ayaw
kong mangyari.
I never expected that I'll be facing a situation like this. Yes, I am
always in the middle of my two childhood friends but this wasn't part of
the thing that I used to.
Hindi ko alam na ang tawanan namin tatlo na magkakasama ay bigla na
lamang mapupunta sa aking pag-iyak at sa pag-aaway nilang dalawa.
I missed the old us, I missed everything about us three. Bagay na hindi
na kayang ibalik.
I talked to Patricia about this, for the first time I shared it with
someone else. But she told me that I made a good decision. I've been
careful, trying to make good decisions to lessen the heartaches, pero ito
at nauuwi lamang lagi sa ganito.
The pain between choosing and leaving someone behind.
"T-Triton, I already chose Ahmed." I almost said in whisper. Kung maaari
lang ay hindi ko na ito gusto pa na pag-usapan.
And I'm nervous that someone might caught us. Ano na lang ang iisipin
nila? But I am thankful that my room's terrace is dark now. I can't stand
the pain in Triton's eyes, lagi ko na lamang siyang sinasaktan.
"Do you think you're in love with him? Can you still breathe with him,
Euphie? You are not being you when you're with him." Lumingon ako sa
kanya.
What is he talking about?
Kahit madilim sa terrace, bahagya ko pa rin siyang nakikita.
"Euphie, I gave you space. Binigyan ko kayo ni Ahmed ng distansya, I gave
you months. Nanahimik ako, I didn't make a move, hinayaan ko kayo. I
respected your decision, I respected Ahmed and I respected your
relationship with him." I remembered the months that he never spoke to
me. Ito ang tinutukoy niya.
"I accepted the fact that you're in love with him but I noticed
something, you're not being you Euphie and it's not love." Ramdam kong
ipinatong na niya ang kanyang noo sa aking balikat.
"My sweetheart was not being her and Triton didn't like that. Triton
hates it when Euphie force herself to do something." Malumanay na sabi
nito.
"W-What do you mean, Triton?" I don't understand. I heard him sigh.
"You are forcing yourself to act maturely with Ahmed, pinipilit mo ang
bagay na hindi ikaw. That you want to mature in an instant, it's a
process Euphie and forcing you about something that you weren't used to
was not good." Kusa nang yumakap ang mga braso sa akin ni Triton.
I almost complained but his arms tightened. Hindi ako makakilos nang
maayos dahil natatakot akong gumawa ng ingay.
We're just merely whispering with each other right now.
"Nahihirapan si Euphie, ayaw ni Triton na nahihirapan si Euphie." He
again, whispered.
"Triton, umuwi ka na. Baka magising si mommy, she will not like this and
I-I have a boyfriend. This is not good." Nahihirapang sabi ko.
I felt Triton stiffened, but he immediately composed himself. Hanggang sa
maramdaman kong humigpit ulit ang yakap niya sa akin.
"But your mom wants me more than Ahmed, fat cheeks." Muling bulong niya
sa akin. "Walang makakakita sa atin dito, I have my look out. We talk
now, hindi mo ba ako na-miss fat cheeks? Miss na miss ka na ni Triton.
Miss na miss na kita. Kausapin mo na na naman ako."
Why a sudden turned of events? Hindi ba at siya naman talaga ang hindi
pumapansin sa akin?
"Triton, I-I miss you too but we can talk at daylight. Not now," pilit
kong inaalis ang mga braso niya sa akin.
He chuckled. "Miss daw ako ni fat cheeks,"
"I miss you too, I miss you too." Ilang beses na ulit niya. He played the
tip of his nose on my cheeks.
"Triton!"
"Hey, lower your voice. Mahuhuli tayo, but hey I like your dancing with
your angelic costume. Mas maganda ka pa kay Nancy."
"Who is Nancy?"
"You're cute than her, don't worry."
"Uwi ka na Triton, gabi na."
"Umuwi na ako fatcheeks, sa'yo." What?
"Buong akala ko ay talo na ako, Euphie. You were just confused, you chose
Ahmed dahil hindi ka niya iniinis? Not like me? Just like that? You used
that basis?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.
"I-I am not forcing myself to act maturely, Triton. Ahmed is helping me."
Katwiran ko.
But I am starting to doubt my own words. How did Triton notice it? Was
that really it?
"He is not helping you, when you're with me you don't need to force
yourself. I can always adjust for you, Euphie. Hindi kita hahayaang
mahirapan, you'll be my free fat cheeks. Hindi ka na mahihirapan mag-isip
ng gusto mong sabihin, you're free to act as my innocent sweetheart.
Hindi na hirap si Euphie kapag kasama ni Triton."
"Triton.." I almost cried calling his name.
He's at it again, Triton and the way he talks to me.
Totoo ba ang mga sinasabi niya? Am I forcing myself to act mature with
Ahmed? Totoo ba na nakikita ni Triton na nahihirapan ako?
"Love love ka ni Triton, fat cheeks. Kahit lagi mo akong tinatalikuran."
Halos humikbi na ako sa mga sinasabi ni Triton.
"That's it Triton! You are not helping me, you are always talking to me
like that. Lagi mo na lang akong ni-bi-baby talk. I want to be mature,
but you're tolerating me."
"Because it's a process, you should take it slow Euphie and uhyour
boyfriend uh whatever Ahmed, he is not doing it good. Nahihirapan ka." He
keeps insisting.
"Triton, no. Let's stop this." Hindi niya pa rin ako pinakakawalan.
"Then ask your mother, Euphie. Hindi niya nagugustuhan ang ginagawa mo,
you can't just change yourself in an instant. It will not give you a good
result."
"And your baby talks with me is good, Triton?"
"Yes, because just what I have told you I'll make it slow. You are still
my innocent little sweetheart and I'll talk to you like a baby until
you're ready enough." Ilang beses akong umiling sa kanya.
Hindi na nakapatong ang baba niya sa balikat ko at ngayon ay lumingon na
ako sa kanya.
I can see that he's pouting his lips.
"Come on, break him up. Triton can wait."
"Are you not ashamed talking to me like this, Triton? Hindi ka ba
nahihiya na makipag-usap sa akin sa paraan na hindi naman dapat? I used
to behave and talk which is quite late for my age and you're not being
bothered."
"It wasn't like that Euphie, I told you, your case needs a slow
adjustment. Hindi pwedeng bigla, why? Did Ahmed made you feel like that?
Didn't he try to adjust for you? He knew your case." Bahagya akong
natahimik sa sinabi ni Triton.
Ahmed never tried talking to me in a babylike conversation, just like
Triton. Kung paano siya makipag-usap sa ibang tao ay ganito rin siya sa
akin.
Hindi ako nakasagot sa kanya.
"See? Fat cheeks, you've been making yourself difficult for months."
"Do you think it will be easy if I'm with you? Hindi ka ba napapagod sa
pagkilos ko Triton? No one wants a childlike behavior girl like me."
"But I like you, with or without your case. I won't get tired talking to
you like a baby, I knew that it will be temporary Euphie. You'll develop,
pansamantala lang 'yan."
"Triton," naiiyak na ako sa pinag-uusapan namin.
H-He's right, I hate to admit it. But he's right, I've been trying
myself, nag-iisip pa ako kung anong sasabihin ko, I can't act like I used
to a-and-- how did Triton notice this?
Hindi ba at iniiwasan niya ako noon?
"Come on fat cheeks," muling yumakap sa akin ang isa niyang braso at
marahan niyang hinawi ang maiksi kong buhok.
"You'll be my baby sweetheart for now, pero sa sandaling mag-mature ka na
Euphie, you need to pay me of course."
"What? Payment?"
"Of course, kahit love love ka ni Triton. You should always pay for your
debt, I am still a businessman. Remember?"
"Oh,"
"But I have to go, my sweetheart should sleep, think about my proposal,
okay? Triton is good when it comes to deals." I gasped when I felt his
lips on my right cheek.
"Bye bye, Euphie."
Tuluyan nang humiwalay sa akin si Triton at nagsisimula na siyang
humakbang sa baluster ng terrace.
Uuwi na siya.
"What payment Triton?" I asked him curiously.
Tumayo na rin ako at sinundan siya habang nagsisimula na siyang bumaba sa
may puno. Sana hindi siya mahulog.
He grinned, then he stuck his tongue out.
"When you're matured enough, ako naman ang i-bi-baby mo."
--
VentreCanard
Chapter 26
Chapter 26
After that night Triton never tried approaching me again. He gave me time
to think, kahit si Ahmed ay nagtatanong sa akin kung nilalapitan pa ba
ako ni Triton.
"Hindi na,"
"Nakakapagtaka lang, he's always this aggressive. Suddenly backing off? O
dahil umuwi na ang si Troy?" natatawang sabi ni Ahmed.
Yes, last week ay umuwi na si Troy sa Leviathan. Ang lakas pa ng loob
nitong dumaan sa bahay namin at sabihin kay mommy at daddy na friends
kami.
I can still remember how he managed to play kind and innocent.
"Euphie, may tao sa labas. Buksan mo muna." Sumunod ako sa sinabi ni
mommy pero nagsisi ako nang makita ko ang mukha ni Troy Ferell at ang
kislap ng earring niya.
May dala siyang pie.
"Why are you here?"
"We're friends, remember? Magpapaalam lang ako."
"Who's the Euphie?"
"Oh, he's that boy right. Akala ko ay" nagsumbong ako kay mommy na masama
ang ugali ni Troy.
But I did contradict it, ayoko na ng gulo.
"No mommy, he's the different Troy."
"There's another Troy?"
"Yes tita, I am the other Troy. The handsome one." And because my mom
loves humor, Troy Ferell got her.
"Pasok, sabi ko na nga ba at hindi ikaw ang sinasabi nitong si Euphie na
bagay na magkasungay." Kumunot ang noo sa akin ni Troy Ferell.
I stuck my tongue out.
"Actually tita, uuwi na po talaga ako. I just brought this pie, sabi kasi
ni lolo bigyan daw ng ganito ang kapitbahay kapag aalis ka na. And since,
I had the experience to eat your foods, why not giving you something in
return? Besides, friends rin naman kami ni Euphie." I want to clap!
Bakit ang galing magbait-baitan ni Troy Ferell?
"Such a nice boy, dyan muna kayo ni Euphie sa sala. Bibigyan rin kita ng
desserts, bigyan mo ang lolo mo."
"Oh, thanks tita!"
Naiwan na nga kami ni Troy Ferell sa sala, he's looking at me. Seriously.
"I'm leaving,"
"Yeah,"
"Pero babalik ako, dapat kayo na ni Triton."
"I got my boyfriend, Troy." I heard him curse.
"Idiot, but are you in love with him? Wake up kid, Triton is better."
Pansin ko na sumulyap si Troy sa likuran ko.
"Kapag bumalik ako rito at hindi mo pa sinasagot si Triton, you'll
definitely regret it."
"Why?" nalilitong tanong ko.
"Magdadala ako ng maraming babae, tatabunan ko siya ng maraming babae.
Mas maganda at sexy sa'yo hanggang sa makalimutan ka na ni Triton. And
I'm serious. You're still the bad girl. Mas bagay sa'yo ang sungay." He
stuck his tongue out.
"Siguro, bad influence naman kasi si Troy Ferell." Sabat ko.
Today is my date with Ahmed, we're inside a coffee shop and I'm busy
digging my cake.
"Do you love me, Euphie?"
Bigla akong nasamid sa itinanong niya sa akin. Agad niyang inabot sa akin
frappe ko na agad kong hinugop.
"Of course! You are my boyfriend."
"Sure? Or you're just in love the idea that your boyfriend is your ideal
type?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ahmed, what are you talking about? I love you."
"No, you're not." Suminghap ako sa sinabi niya.
"Ahmed," nagsisimula nang lumuha ang aking mga mata. "Why? May nagawa ba
akong masama sa'yo? I've been good, I've been sweet and I never lied to
you. Ikaw ang gusto ko Ahmed."
"Yes, you never lied Euphie. You're a faithful girlfriend, you're sweet
and I knew that you liked me. Pero tama nga ang sinabi ni tita, we
shouldn't have pressured you in a relationship. Masyado ka naming binigla
ni Triton. Sarili lang namin ni Triton ang inisip namin."
"My mom talked to you? Kaya ba ito ang mga sinasabi mo?"
"Actually, ako mismo ang lumapit kay Tita, Euphie. I apologized for
everything." Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Triton.
Sinabi niya na mas gusto siya ni mommy para sa akin. Oh mom, hindi dapat
ganito.
I like Ahmed.
"But I love you, Soren. I really do, na natutuwa ako na ako ang pinili mo
kaysa kay Triton. Kahit alam kong hindi pwedeng panghawakan ang
paniniwala mo sa pagmamahal. I risked everything. Because I love you
since we're still kids."
"Ahmed,"
"Pareho kami ni Triton, simula pa lamang na bata kami ikaw na lang ang
babaeng nakikita namin. Siguro ang pagkakaiba lang namin, hindi kami
pareho pagdating sa pagpapansin sa'yo. Hindi ko kayang makitang naiinis
ka sa akin, that's why I am always playing to be your knight in shining
armor, I never tried talking to you in a child-like way because I want
you to mature, hindi ako katulad ng parents mo, ni Triton at ng mga
nakapalibot sa'yo. Because I knew that you deserve to mature in your
right age. Gusto ko ang babaeng mamahalin ko, kaya na niyang panindigan
ang kanyang magiging desisyon. I want you to mature at the right time for
you not to suffer at the end. Hindi para sa akin, kundi para sa'yo
Soren."
"I talk and act in front of you the way I treat the others. Habang hindi
pa sila handa pakawalaan ang batang babaeng si Soren, ako naman ay pilit
ka nang hinihila sa totoong dapat ikaw. I can't be selfish and let you
tied up inside your cocoon if you can grow as a beautiful butterfly. Pero
hindi ko alam na itong iniisip ko pa lang ito ay hindi magiging maganda
sa mata ng ilang tao."
"I was just trying to help while loving you, Soren. But people tends to
see it in negative way."
Bigla kong naalala ang mga sinabi sa akin ni Triton.
"W-Who told you? Who told you Ahmed? Mom? Dad?" umiling sa akin si Ahmed.
"Do you want that, Soren? Should I talk like Triton? Should I settle you
down to something that you should have left years ago?"
"No! no, you are good Ahmed. I'll talk to mom, Ahmed. I'll talk to her.
I'm sorry for her words."
"No, it's okay Euphie. Alam ko naman na mas gusto na ni tita si Triton
noon pa man."
"But we're talking about me, Ahmed. Ikaw naman ang gusto ko."
"Are you sure about that?"
"Yes!"
"Euphie since we started dating, I never felt different. Walang pinagbago
noon na magkaibigan tayo at ngayon. Nang naging tayo, dumalang ang mga
ngiti mo. Those genuine smiles when we were still together, tayong tatlo.
I hate to accept this, but you were so much happy before. At wala man
lang akong magawa." Kusa nang tumulo ang mga luha ko.
"I-I made you feel that way, Ahmed? Masaya naman ako kapag kasama ka,
hindi naman ako nalulungkot. I am happy being your girlfriend. What made
you feel like that?"
"It's not your fault, Euphie. Kasalanan ko, buong akala ko mas
malalamangan ko na si Triton noon. That I'll be better, dahil ako ang
sinagot mo. Ako ang pinili mo. But in the end, we're still the same.
Pareho pa rin kaming umaasa sa'yo. That we're both hoping that you'll
realize the real description of love. I'm really sorry."
"No, I love you Ahmed." Umiiyak na ako sa harapan niya at pinagtitinginan
na kami ng mga tao.
"You're a good girl, Euphie. Alam kong hindi ka tinitigilan ni Triton,
nakikita kong ginagawa mo ang lahat para iwasan siya. You're sticking in
the idea that you're already committed with me and I am thankful for
that." Marahan niyang pinunasan ang mga luha ko.
"Please, don't cry Euphie. Kapag mas pinatagal ko pa na ganito tayo mas
mahihirapan tayo sa isa't-isa. I hope that I realized this sooner."
"W-What do you mean?" hinawakan ko ang mga kamay ni Ahmed.
"Malaya ka na Euphie, I am breaking up with you."
"What? Because of mom? Because of my mom's words? Don't worry, kakausapin
ko siya Ahmed. I am not breaking up with you. I don't like this." Lalong
tumulo ang mga luha ko.
Okay pa naman kami ni Ahmed, bakit bigla na lamang nagkaganito?
"Euphie, you're not yet ready. You're just in love with the idea that you
have me, that you have your ideal guy. And I can't be proud having you
with that kind of idea, hindi ko kayang ipagmalaki na akin ka kung 'yon
ang tingin mo sa pagmamahal sa akin. I want to have you Euphie, if you
can finally understand the real meaning of love. Hindi ganitong litong-
lito ka pa."
"I am not confused, Ahmed! I thought you trusted me?"
"Yes Euphie, you're the most honest woman I've ever met. But I can't
trust your description of love Euphie, hindi ko alam kung ako ba talaga o
si Triton." Suminghap ako sa sinabi niya.
"Bakit kailangan lagi nating isama si Triton, Ahmed? I chose you over
him. It's you."
Bumuntong hininga si Ahmed at muli niyang pinahid ang luha sa aking mga
mata.
"I'll give you space, Euphie. Katulad ni Triton ay di-distansya muna ako.
But I promise that the moment you've realized the real meaning of love,
I'll come back at papatunayan kong ako talaga ang dapat mong piliin sa
pangalawanag pagkakataon."
"Ahmed," tumayo na siya.
Hindi rin nagtagal ay nagpakita na sa amin si Patricia, tumango ito kay
Ahmed bago ito nagpaalam sa akin.
And yes, Ahmed just left me crying in the arms of my friend.
"It's okay Euphie, let them distance for a while."
Gabi na nang umuwi ako, inihatid ako ni Patricia sa bahay. Hindi ko
kinausap si mommy nang salubungin niya ako.
I had enough for this day.
Akala ko ay ang pag-iwan sa akin ni Ahmed ang magiging dahilan ng kawalan
ko ng tulog ng araw na ito.
But I was wrong, because later at night. My family received two emergency
calls.
Both of my childhood friends were rushed to two different Medical
Hospital, South and North Enamel Medical Hospital.
And their mothers crying voice begged for immediate appearance.
"Euphie hija, my boy Triton, he's calling your name. Please come here."
"Euphie, Ahmed my son needs you. Your name was his last word before he
lost his consciousness."
Lumuluha akong humarap sa aking mga magulang habang nangangatal ang
dalawa kong kamay na may hawak na telepono.
"Saan ako pupunta?"
--
VentreCanard
Chapter 27
Chapter 27
After two months.
Dalawang buwan ang ang lumipas, graduating na si Triton at Ahmed. While I
still have a year to study since I'm taking a five year program.
What happened with the incident? Hindi ako nakarating sa kahit saang
hospital, because my mother didn't allow me to.
Tita Taliya and Tita Paislee called my mother asking her the same thing.
To bring her daughter, she asked me and I couldn't answer.
Nang mga oras na 'yon, hindi ko alam kung sino ang pupuntahan ko. I want
to split my body into two and run towards them, hug them and comfort
them.
But that decision made a total changed.
Cold war.
Ang dating magkakaibigan, my mother, Tita Taliya and Tita Paislee were no
longer talking to each other. Nawala na ang mainit nilang pakikitungo sa
isa't-isa nang dahil lamang sa akin.
I hated myself for that. If I was just matured enough, maybe this will
not happen.
Tanging ang mga Daddy na lamang namin ang nag-uusap, still, sabong is
life.
And Triton and Ahmed?
Nagulat na lang ako nang bigla silang ipadala ng kanilang mga pamilya sa
ibang lugar para magbakasyon.
Triton was sent to states for his medication while Ahmed stayed at Manila
for their business.
And for the first time in my entire life, I spent my vacation without any
presence of Triton and Ahmed.
After my mother's refusal no one dared to talk about the incident, no one
opened up. I tried to approach Tita Taliya and Tita Paislee but they
refused to talk to me.
Sinubukan kong magtanong kay Daddy dahil kahit papaano ay magkakasama pa
rin sila nila Tito, pero sinabi ni Daddy na hindi nila isinisingit sa
usapan ang nangyari.
That's why right now, I am still clueless about what happened. Papaano
naaksidente si Ahmed? Ano ang sakit ni Triton?
But during my vacation, I found a new circle friends and I think I can
considered them genuine. Pero ako ang pinaka-kakaiba sa kanila.
We're all waiting for the ice cream to be served.
Yes, I got closer with Autumn Olbes, Antonia and August.
"Here's your order ladies."
"Kamusta na kayo ni Dylan, Antonia? Hindi ka pa rin pinapansin?" tanong
ni Autumn.
"Oh shut up Olbes, mind your own man."
"And what about you August? Hindi ka pa rin pinapansin?" August rolled
her eyes.
"What is wrong with you, Autumn? Bakit hindi ka na lang kumain?" Ito lagi
ang nangyayari sa tuwing magkakasama kami.
They often fights and I'll keep quiet.
"But how about the pretty Euphie?" August asked.
"I always feel so different with you." Ilang beses ko na itong sinabi sa
kanila.
"No, the only different is just you're too beautiful, you didn't need to
make efforts just to make the guys stay. While Antonia, she needs to
seduce. August needs to seduce."
"Autumn needs to seduce." Bato ni Antonia kay Autumn.
I already knew Autumn before, dumagdag lamang si Antonia at August nang
ipakilala sila sa akin ni Autumn.
Autumn and I became friends when I complained to her about White
Arellano's rudeness. Sinabi niya sa akin na friend niya ang lahat ng mga
kaaway ni White Arellano.
She's weird, I heard Arellano is her boyfriend.
"Pero malapit na talaga ang pasukan and someone here will be on her
hotseat again." Sabay-sabay silang lumingon sa akin.
"Their comeback," ngising sabi sa akin ni Autumn.
"Yes," sagot ko.
"The one from states? Or the one from manila?" tanong ni Autumn.
"I thought we're not going to talk about the boys here Autumn?"
"Oh sorry, but you really need to get ready Euphie."
"I am ready," tipid na sagot ko.
"Really?" they asked in unison and I nodded.
Mom told me that it will be a great help if I have matured friends. And I
am happy that I found these girls, Autumn explained them about my case
but that didn't change how they looked at me.
Most people will always say that maaarte sila, but they're actually nice
girls and fun to be with.
"You know what? Dapat ipinapasok natin sa bar itong si Euphie." Agad
akong umiling sa sinabi ni Antonia.
"Not a good idea." Sabat ni Autumn. "Her mother will kill me!"
"Bakit natin sasabihin? Come on, she's at legal age. She needs blinking
lights."
"No, it's a no." Agad na sabi ni Autumn.
"Yes for me," kumindat sa akin si August.
"Yes for me," sagot ni Antonia. "Majority wins, Autumn."
Ngayon ay nakatitig na silang lahat sa akin.
"Isang beses lang ito Euphie, you're at right age. You need to party and
get drunk."
"ANTONIA!" sigaw ni Autumn.
"Hey, hey lower your voice, tikim. Alright, patikimin lang natin. Oh
gosh, paranoid? Ikaw magulant Autumn? We're here to help her mature and
one good process of it is to make her experience the every evil first."
"Antonia naman, mapapatay ako ni Tita Taliya. Euphie's too precious!"
"Come on, this is for Euphie. Next week darating na ang dalawang prinsipe
mo, you don't expect them to be calm? Siguradong mag-uunahan na naman
silang dalawang lumapit sa'yo. You need to freshen up."
"She's a bad influence." Kumento ni Autumn. "I regretted introducing her
to you."
"W-What Autumn Stassi Olbes?!"
"Alright, I'll go." Antonia and August grinned, while Autumn looked
shocked.
We're now up to the first step. Lie.
Autumn can't stop from cursing the moment we stepped out from Dylan's
car.
"Ano ba talaga ang gagawin nyo? You looked awfully nervous girls."
Kumento ni Dylan, Antonia's boyfriend.
"Just go home Dylan. I'll meet you next week, right?"
"Yes, keep safe." Sabi nito.
Agad na akong hinila papalayo ni Autumn sa nag-uusap na mag-boyfriend.
"He needs good bye kiss." Bulong nito sa akin.
Hindi rin nagtagal ay nakahabol na din sa amin si Antonia.
"Anong trabaho ng boyfriend mo, Antonia?"
"He's an engineer."
"Sana engineer din si Wayto, kaso maging senador yata ang gusto ng gagong
'yon with underground business. Benta lang nang benta ng smuggled na
kotse." Ngumiwi ako sa sinabi ni Autumn.
"You're too harsh for your boyfriend, Autumn." Tumawa lamang ito.
Kumatok sila sa pinto ng bahay habang kapwa nakahawak ang mga braso ng
dalawa sa akin.
"Tita!" bati ni Antonia at Autumn.
Pareho silang nagbeso kay mommy.
"How are you girls? Come in, tama naghanda na ako ng dinner."
"Actually Tita, hindi na kami magtatagal. Ipagpapaalam sana namin si
Euphie, mag sleep over sa bahay namin." Panimula ni Autumn.
"Yes, tita we'll have our movie marathon." Saglit na tumitig sa akin si
mommy. Pilit akong ngumiti.
"Sure, why not? Pumasok na kayo, ihahanda ko lang ang gamit ni Euphie."
"Thanks Tita!"
Nang sandaling tumalikod na si mommy ay nakahinga nang maluwag si Autumn
at Antonia. Hindi na kami nagtagal dahil umalis na rin kami.
I kissed my mom's cheeks before leaving.
Pinagtulungan nila akong ayusan hanggang sa hindi ko na makilala ang
sarili ko sa salamin.
My mom never gave me a fierce make-up and I never thought that it will
suit on my features. I looked different and matured.
They gave me dress but not too revealing just like them, they even forced
me to wear high heels. I tried to complain but they're powerful enough.
"Let's go!" August announced.
Humaharurot na ang sasakyan habang todo ang lakas ng music. Antonia,
Autumn and August were all eager. While I keep myself silent.
Minsan naiisip ko kung saan nila nakukuha ang malakas nilang energy sa
araw-araw. They are the literal girls with too much power.
"Come on Euphie, don't be nervous! We're here for you." Pagpapaalala sa
akin ni Autumn
"For Euphie's first drink! Kampai!" Antonia gave me a colored drink.
Binagbangga namin lahat ang mga baso namin at sabay-sabay naming iniinom
ito.
I almost vomit but I pushed myself to drink it all. Tatlong beses kaming
uminom nang sabay-sabay nang higitin nila ako sa dance floor. The crowd
was too wild and loud.
Tatlong baso pa lamang ang naiinom ko pero mukhang inaantok na ako. Why
did I agree? I shouldn't have said yes. Nagsisisi ako.
I just want to sleep and rest. Play with cats if possible.
I was trying my best to dance with the wild beat of the music when my
blurry eyes pictured a familiar figure walking towards me. Even pushed
harshly those people who were blocking his way.
"Why are you here?" tanong ko na parang maririnig na niya ako mula dito.
The music was too strong that it can even make someone deaf, I almost
fell when someone bumped me from behind.
Hindi ko na naalalayan ang aking sarili hanggang sa tuluyan ko nang
masagi ang lalaking malapit sa akin.
"Oh, I'm sorry." Pilit kong tinapik ang pisngi ko.
I'm hallucinating, hindi ba at next week pa ang uwi niya?
I was about to look for my friends when I felt that someone grabbed my
arms, my eyes cleared its vision. He's nearer looking at me with full of
confusion.
"Euphie?" my eyes watered. I lifted my hand to touch his face. He's true.
"Triton.."
--
VentreCanard
Chapter 28
Chapter 28
Everything went so fast. I just found myself being dragged by Triton
outside from the bar.
His hands were too tight that it can even hurt my arms. This is the very
first time that Triton treated me this way. Triton held me this way and
Triton angry this way.
"Triton.." hindi siya sumasagot sa akin.
He's still pulling me away from this awful place with wild people.
"Euphie! Where are you going?!" I heard Autumn's voice from the back.
And when I looked on my shoulder to answer her, I saw her shocked face
staring at Triton.
Tumigil si Triton sa paglalakad at lumingon kay Autumn.
"So it's her," I heard his cold voice.
Hindi pa man nakakabawi si Autumn sa pagkagulat ay nasundan ito ni August
at Antonia, nagulat rin ang mga ito nang makita si Triton.
"Follow us!" he shouted.
"Triton.." I tried to call his attention but he's refusing my eyes. Pero
nanatiling mahigpit ang hawak nito sa akin.
Nang mapansin niya na hindi gumagalaw ang tatlo ay muli itong sumigaw.
Nagugulat ako sa ipinakikita ni Triton.
"I said follow us!" wala itong pakialam kung makaagaw kami ng atensyon.
Parang natauhan sila Autumn, Antonia at August dahil nagsimula na ang mga
itong humakbang papalapit sa amin.
Muling tumalikod si Triton at muli akong hinila hanggang sa makarating
kami ng parking lot ng bar.
"Triton, w-why are you here?" I asked in my shaking voice.
This is a lot of first time, Triton never shouted in front of me, he
never grabbed my arms like this, he never pulled me like this, he never
ignored me like this and he never showed me this kind of anger.
"Kid!" he shouted again.
Inagaw nito ang atensyon ng isang bata na nag-aassist ng pagparada ng mga
customer ng bar.
He gave the boy a five hundred pesos.
"Dalawang mineral water, sa'yo na ang sukli. Paki-bilisan, huwag mong
itatakbo ang pera ko. Tanda ko ang mukha mo." Nanlaki ang bata nang
makita ang perang inabot sa kanya ni Triton.
Tumango ito at nagmadaling tumango.
Naiwan kami ni Triton at hindi pa rin ito lumilingon sa akin.
"Triton, ang higpit ng hawak mo sa akin." Sinubukan kong alisin ang kamay
niya sa akin pero lalo lamang itong humigpit.
"Euphiemia Soren Arcega, behave." Umawang ang bibig ko nang marinig ang
buong pangalan ko mula sa kanya.
"W-What happened to you, Triton? This isn't you." Sa pagkakataong ito ay
lumingon na siya sa akin.
"What happened to you?" balik niyang tanong sa akin. Kunot na kunot ang
noo niya sa akin habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
"B-Bakit ba galit na galit ka? Wala naman akong ginagawang masama sa'yo!"
"Alam ni Tita Taliya kung nasaan ka ngayon, Euphiemia?" natigilan ako sa
tanong niya.
"Fuck," mura nito kasabay ng paggulo ng buhok niya. "What did they do to
you? Nasaan na ang mga babaeng 'yon?"
"W-Wala silang kasalanan, sumama ako. They are my friends."
"Friends?! Sa lahat ng pwedeng maging kaibigan sa Enamel, sa maaarteng
'yon ka pa sumama?! You really can't think maturely Euphie!" suminghap
ako sa sinabi niya.
"Don't talk about my damn maturity Triton!" umawang ang mga labi ni
Triton sa pagsigaw ko.
"Now my sweetheart is cursing! Anong ginawa nila sa'yo?!"
Natigil kami sa pagtatalo ni Triton nang bumalik ang batang inutusan
niya.
"Thanks kid," hindi na nga kinuha ni Triton ang sukli.
"Come here," muli akong hinila ni Triton at hindi man lang ako makapaglag
sa kanya.
And when we're about to reach his familiar car, he immediately grabbed my
waist using one of his arms. Ramdam kong sumandal kami sa harapan ng
sasakyan.
Nang makakuha ng suporta si Triton ay bumitaw ang braso niya sa akin, but
it was replaced by one his legs. Yumakap ito sa binti ko para hindi ako
makatakbo.
Nakita ko na lang na ibinuhos niya sa kanyang kamay ang mineral water
hanggang sa hantaran niya itong ipahid sa mukha ko.
Triton is erasing my make-up!
"Hihilamusan kita Euphie!"
"Triton! M-ma-la-mig!" halos hindi ko maituloy ang mga sasabihin ko dahil
paulit-ulit akong hinihilamusan ni Triton.
"Triton!" pinipigilan ko na siya sa ginagawa niya pero nakayakap na ito
sa akin.
Halos maubos niya ang dalawang bote ng mineral water sa mukha ko.
"Triton! Na-lu-lunod! Nalulunod na ko!" I shouted.
And then I cried.
Kumawala ang binti niya sa akin at binitawan na niya ang bote. Humarap
ako sa kanya at ilang beses kong hinampas ang dibdib niya.
"I hate you! I hate you! I hate you!" iyak ako nang iyak.
"I won't say sorry. Kahit sampung bote ng mineral water pa Euphie,
hihilamusan kita." Lalong lumakas ang paghampas ko sa kanya at ang aking
pag-iyak.
"W-Why are you so harsh now? Why? Sinasaktan mo na ako Triton." Sumbat ko
sa kanya.
Pero sa halip na sumagot ay yumakap lang siya sa akin. I felt a soft kiss
on my head.
"Sorry..sorry, I just did that because I was too angry. Nagagalit ako sa
mga tao dahil pinipilit ka sa bagay na hindi mo pa kaya."
"Euphie.." I heard Autumn's voice.
Triton's embrace tightened.
"Sinong tang-inang nagsabi sa inyo na dalhin nyo si Euphie sa bar?!"
sigaw ni Triton.
He cursed and shouted with too much anger.
"Triton, huwag ka magalit sa kanila. They never forced me." Pilit akong
kumakawala sa yakap niya pero hindi niya ako hinahayaang kumawala.
Triton is still leaning on the bumper of his car while embracing me.
Hindi ko makita sila Autumn.
"We didn't intend to do other things, binabantayan namin siya." Sumagot
si Antonia.
"Binabantayan?! She's damn dancing alone when I saw her! Dalawang beses
siyang nabangga! Some bullshit tried to come near her! And--and--" ramdam
kong ilang beses inamoy ni Triton ang buhok ko.
"Amoy alak! Amoy alak si Euphie! Amoy alak! Anong ginawa nyo sa fat
cheeks ko!? Alam ng parents niya ito?! Or you even taught her to damn
lie?!" sunod-sunod ang sigaw ni Triton at walang makasagot sa kanya mula
sa mga kaibigan ko.
"What?! Ano? What now?! Bullshit! Umuwi na tayo! Sumabay kayo sa akin!"
"W-What? May sasakyan kami Triton."
"Sumakay kayong lahat sa sasakyan ko." Madiing sagot ni Triton.
Halos buhatin ako ni Triton para isakay sa shotgun seat, he buckled my
seatbelt. Ilang beses siyang bumusina, kaya nagmadali nang sumakay ang
mga kaibigan ko sa likuran.
"Seat belts,"
"Come on Triton,"
"I said seat belts!" malakas na sigaw ni Triton na halos magpapikit sa
akin.
"Oo na, oo na. Ang puso mo, ang puso. Kalma." Nagbibirong sabi ni
Antonia.
"Papaano ako kakalma kung makikita ko ganito ang ginawa nyo kay Euphie?!
Tell me how to fucking calm?! From all the people? Si Euphie makikita ko
sa bar?! Dancing?! Look at her fucking dress! What did you to her?! Why
did you do to my sweetheart?!" gigil na gigil si Triton habang itinuturo
ako at lumilingon siya sa tatlong babae na hindi na magkaintindihan kung
saan pa aatras.
"Baka mabangga tayo, Triton. Ang puso mo." Sabat ni Antonia.
"Hindi ko ibabangga dahil nasa loob si Euphie."
"Ang sweet kahit highblood." Kumento ni Antonia.
"This isn't a good time to joke around, kung ayaw nyong makarating ito sa
magulang ni Euphie. At sa mga boyfriend nyo." Suminghap ako sa sinabi ni
Triton.
"No! You can't tell this to mommy Triton." Natigil ako sa pagsasalita
nang lumapat sa labi ko ang hintuturo ni Triton.
"Sweetheart, we have our time to talk. Please sleep." Marahang sabi nito.
Muli siyang sumulyap sa rearview mirror. Agad nagbago ang tono ng boses
niya. "Lahat kayo sa apartment ko titigil ngayong gabi."
"Wow, we need more scolding from you? Tapos isusumbong mo pa kami?"
tanong ni Antonia.
"Oo, kulang pa. Hindi ko gusto ang itinuturo niyo kay Euphie. Hanggang
ngayon ay kumukulo pa rin ang dugo ko sa inyo." Sagot ni Triton.
Nabalot ng katahimikan ang loob ng kotse habang nagmamaneho na si Triton
pero hindi rin nagtagal ay nagsalita si August.
"Bakit ka nasa bar ngayon, Triton? You're with?" lumingon ako kay Triton.
"You're cold? Hihinaan ko ba ang aircon Euphie?"
"You're with?" tanong ko.
"Wala akong kasama," sagot niya at bumaling na ulit ito sa kalsada.
Hininaan na niya ang aircon.
Lumipas ang kalahating oras, ramdam kong malapit na akong makatulog.
"Listen girls, I know your motives. Alam kong gusto niyong tulungan si
Euphie, but please. Don't force her. The process of change can't be
force. Huwag nating pilitin ang hindi pa kaya. Just accept her and wait."
"Triton..." tawag ko sa pangalan niya habang pilit kong iminumulat ang
aking mga mata.
"Huwag nyo nang uulitin, hindi ako magandang magalit. Lalo na pagdating
kay Euphie."
Ramdam kong muli niyang hinaplos ang pisngi ko.
"Sweetheart, sleep. Hindi na galit si Triton." Habang papasara na ang
aking mga mata. I saw Triton slightly leaned on me before returning his
attention on wheels.
I heard his sweet whisper.
"Love love, I missed you."
--
VentreCanard
Chapter 29
Chapter 29
I thought we're already at Triton's apartment. But our car just stopped
near a boutique. I can hear how my friends groaned in frustration when
lights started to get inside our car.
Binuksan ni Triton ang mga bintana sa likuran. Nagtataka akong lumingon
kay Triton, bakit kami nandito?
We're inside the night market of Enamel, inaabot pa ito ng madaling araw
na bukas ang lahat ng iba't-ibang tindahan.
"Why are we here, Triton? Akala ko ay dadalhin mo kami sa apartment mo?"
tanong ni Antonia.
"Get inside that boutique, choose a decent clothes." Nagsimula nang
magreklamo ng mga kaibigan ko.
"Come on, we'll just sleep. Sa tingin mo ba ay makakapagpalit pa kami ng
damit Triton? Siguradong kapag nakarating na kami sa apartment, bagsak na
kami. Let's go now." Sagot sa kanya ni August.
"No, get inside that boutique. Choose decent clothes, hindi tayo aalis
dito hanggang hindi kayo bumaba at pumipili nang maayos na damit."
"Triton we're sleepy," reklamo ni Autumn.
"We're tired na," sabi rin ni August.
"W-What?! Pero may lakas kayong mag-bar? Bakit kanina hindi kayo mga
pagod? Out girls. Find a decent clothes." Madiing sabi ni Triton.
Sa pagkakataong ito ay sa akin naman lumingon si Triton. His annoyed face
softened and he caressed my face again.
"You're awake, join them fat cheeks. Ayaw ni Triton ng suot mo, baka
magalit na naman ako sa'yo." I just heard how my friends made an oh sound
from the back.
"Iba rin,"
"Ang bilis magpalit, from ogre to prince charming."
"Real quick,"
"Sobrang harsh sa atin, tapos biglang lalambot kay Euphie." Nawala ang
pagtitig sa akin ni Triton at iritado ulit itong lumingon sa tatlong
babae mula sa likuran.
"Sweetheart ko ba kayo? Sweetheart ko ba kayong tatlo?!"
Nang sumulyap ako sa mga kaibigan ko. Pansin ko na nagpipigil sila ng
kanilang pagtawa.
"Sinabi ba namin Triton? Sinabi ba namin?! Gigil na gigil ka na sa amin
kanina pa!"
"Because you three are damn bad influence for Euphie!"
"Ang puso! Ang puso mo Triton! Oo na, lalabas na kami! You can stay here
Euphie, kami na ang pipili ng damit mo, pakalmahin mo ang isang 'yan."
"Hindi ko akalaing gago ka rin pala Triton!" iritadong sabi ni Autumn.
"Since birth Autumn, now girls. Move." Ibinagsak nilang tatlo ang pinto
ng kotse.
Kami na lamang ni Triton ang naiwan.
"Sorry," ito ang unang lumabas sa bibig ko. A lot of sorry.
Hindi agad sumagot si Triton. Pinili kong tumitig sa labas ng bintana.
"I'm really sorry Triton, sa lahat. I'm really sorry."
"Sorry? Wala ka namang ginawang kasalanan Euphie." Dito na ako lumingon
sa kanya.
"Meron Triton, ang laki nang nagawa kong kasalanan. Sa inyong dalawa ni
Ahmed, sa mga magulang natin. I made the gap, I made the damage because
of this damn innocence. I'm really sorry for everything Triton. I really
do."
"Hey, Euphie. Don't cry." Mas lumapit siya sa akin para lamang punasan
ang mga luha ko.
"Let's not talk about this now, go join them. Hush, let's stop talking
about this for now." Nang matapos niyang punasan ang mga luha ko ay muli
niyang hinalikan ang aking noo.
Lumabas na ako ng kotse at sinundan ang mga kaibigan ko. Akala ko ay
hindi susunod si Triton pero nakita kong pumasok rin ito.
He's now standing near the counter.
"I'll pay for you girls. Make it quick."
Nang sabihin ito ni Triton, sabay-sabay tumaas ang kilay ng tatlo kong
kaibigan.
Hinila na ako ng mga ito hanggang sa halos lahat ng daanan namin ay
ilagay nila sa basket.
"Siya daw ang magbabayad, pumili na kayo nang pumili. Tayo pa ang tinakot
niya." Antonia and August giggled.
Tahimik na kaming pumipili ni Autumn. I'm still dizzy and I felt so weak.
"I never saw him like that, he's always gentle and kind. He's not even
harsh, love is really something Euphie." Hindi ko sinagot si Autumn.
Si Autumn ang nagpuno ng basket ko at paulit-ulit niyang sinasabi na
bagay ang mga ito sa akin.
Nang mapuno na rin ang basket niya, sumunod na kami kay Antonia at August
na nakangising nakapila sa counter.
Lahat kami ay lumingon kay Triton, making his tsk sound while slowly
shaking his head.
Again, both of his hands on his waist with crossed eyebrows. In other
word, he's looking annoyed.
"Choose decent, I'll pay one set for each head. You can't put that inside
my car."
"Triton naman, you're so evil. Kanina ka pa." Maarteng sabi ni Antonia.
"Just choose one set for this night."
"Shit," rinig kong mura ng mga kaibigan ko.
They can actually pay the dresses but the problem here is, their money is
still inside their car which was still parked at the bar.
Tulad ng kagustuhan ni Triton, wala na naman kaming nagawa. We only got
one pair of clothes. It wasn't big deal for me, itong mga kaibigan ko
lamang ang mukhang nalugi.
Nagda-drive na ulit si Triton habang halos isumpa na siya ng mga kaibigan
ko.
We're all expecting that we'll see a small apartment, but it was actually
a simple house. Sobrang layo nito dahil malapit na ito sa pagitan ng
Leviathan at Enamel.
"This is yours, Triton?" I asked.
"Yes,"
"I got three bathrooms, isa sa baba dalawa sa taas. Girls you can use the
bathroom here in ground floor or inside my guestroom." Hinatid kami ni
Triton sa kanyang guestroom.
Halos mamangha kami nang makita ang lawak at ganda nito. Hindi na nag-
aksaya pa ng oras ang mga kaibigan ko at nagsimula na ang mga itong
humiga sa kama.
"Don't make my sheets dirty girls. Clean yourselves, I'll be back inside
this room after 30 minutes. I'm serious." Umawang ang bibig ng mga
kaibigan ko sa paraan ng pakikipag-usap ni Triton sa amin.
He's mad again?
Saglit lang sumulyap sa akin si Triton bago siya muling humarap sa mga
kaibigan ko.
"I'm serious, this is my house. Ayoko ng mga maaarteng spoiled brat. Sa
labas kayo matulog kung hindi kayo magpapalit ng mga damit." Kanya-
kanyang mura ang mga ito nang makalabas si Triton sa kwarto namin.
"Ano ba ang problema ng Triton na 'yon? Dinaig pa niya ang mga magulang
natin." Reklamo ni Antonia na papasok na sa banyo.
"We pushed his buttons, mabait naman talaga si Triton. Hindi niya
nagustuhan ang nakita niya kay Euphie. I told you, it was not a good
idea."
"Magtuturuan pa ba tayo? Hindi ba at nandito na tayo? Tanggapin na lang
natin ang sermon ng prinsipe ni Euphie or we can use Euphie to turn the
table." Ngising sabi ni August.
"Ayoko na August, patutulugin tayo ni Triton sa labas. Sinasabi ko sa
inyo." Habang nagtatalo sila ay tipid ko na lamang naupo sa kama.
I need to have a proper talk with Triton.
We divided the time para makapag-ayos kaming apat. Eksaktong bihis na
kami nang pumasok si Triton.
Wala itong salita na kinuha ang remote at binuhay ang malaking tv sa
harapan namin.
"Bakit mo bubuhayin ang tv? Tutulog na kami Triton." Sita ni Autumn.
"W-What? Bakit kayo matutulog? Hindi ba at mag-momovie marathon ang
paalam niyo kay Tita Taliya? Hanggang bukas hindi ba? Manuod kayo ng
movie, walang matutulog." Umawang na ang bibig naming lahat sa sinabi ni
Triton.
"A-Are you crazy Triton?! Antok na antok na kami!"
"Mag-movie marathon kayo. Huwag nyong papatayin ang tv, don't turn off
the lights. Manuod kayo ng movie."
"Why are you so mean, Triton? Hindi na nakakatuwa." Kumento ni August.
"Hindi rin ako natuwa sa ginawa nyo." Pinasadahan niya kami ng titig
lahat. "It's either you girls commute now and go home or you'll watch
movies all night."
"You're so mean!" sigaw ni Antonia.
Hindi na kami pinansin ni Triton at nagsimula na itong humakbang
papalabas ng kwarto.
"Malalaman ko kapag pinatay nyo ang tv. Manuod kayo, mag-movie marathon
kayo hanggang umaga. Ginusto nyo 'yan, mga maaarte." Pakinig kong may
ibinubulong na sa akin sina August at Antonia.
They're telling me to do something to save our eyes from terrible
eyebags.
"Triton," natigil ito sa paglalakad nang tawagin ko siya.
"Yes sweetheart?" umismid ang mga kaibigan ko sa likuran.
"C-Can we talk? I'm good now." Saglit na sumulyap ito sa mga kaibigan ko
bago muling itinitig ang kanyang mga mata.
"Sure," hinintay niya akong makalapit sa kanya bago ulit siya tumitig sa
mga kaibigan ko.
"Watch, babalikan ko kayo."
Si Triton mismo ang nagsarado ng pinto.
"Ang bad mo sa kanila Triton."
"Because they tried to corrupt my sweetheart, they tried to corrupt my
fat cheeks." Hinawakan ni Triton ang kamay ko.
"Do want to eat something? Or you want to sleep? I can lend you my bed."
Umiling lamang ako sa kanya.
We went downstairs until I found ourselves on sofa. Nakaupo ako dito
habang nakahiga na sa kandungan ko si Triton.
He asked for it, nang itanong ko kung anong pwede kong gawin para hindi
na niya pilitin mag-movie marathon ang mga kaibigan ko.
"Did you miss me fat cheeks? Si Triton miss na miss ka." Nakanguso nitong
sabi habang nilalaro ng hintuturo niya ang baba ko.
"Sige na fat cheeks, let me baby you. Tapos kapag okay ka na, ako naman
I-baby mo. I promise, Triton will be good, hindi na kita iinisin. Hindi
ka na iinisin ni Triton." Bumango na siya.
He held both of my hands and he placed it on his face.
"Sweetheart, please give me the chance this time. Si Triton naman. Love
love kita, kahit sa pagtulog ko Euphie."
Dahan-dahan na niyang dinala ang aking mga kamay sa kanyang dibdib.
"Kahit saan ako dalhin, natutusok pa rin dito Euphie. Natutusok pa rin na
ikaw ang hinahanap."
--
VentreCanard
Chapter 30
Chapter 30
We stopped talking about his natutusok. Sinabi ni Triton na kami na lang
dalawa ang sabay manuod ng movie, dahil masikip daw sa kwarto namin ng
mga bago kong kaibigan.
"Dalawang buwan lang ako nawala, then you got your new friends. And take
note, the maarte's in town." Matabang na sabi ni Triton.
"They are kind," pagtatanggol ko sa mga kaibigan ko.
"Kind ba 'yon? I can understand Autumn Olbes, you can handle her
kaartehan pero kapag naging tatlo na sila? God, sweetheart. Didn't you
know about Antonia and August?"
"They are kind, Triton." Pilit ko sa kanya.
Pero mukhang wala itong balak maniwala sa akin, mas kilala niya ba ang
tatlo kong kaibigan?
Akala ko ay titigil na siya sa pagsermon sa akin, pero hindi pa rin
natigil si Triton. Halos hindi ko na maintindihan ang movie dahil kanina
pa si Triton sa pagsasalita na nagsisimula na daw akong maging pasaway.
"Sweetheart ang sutil, sutil mo na." Magaan ngunit nanunumbat na boses ni
Triton sa akin.
Kahit pinagagalitan ako ni Triton, he never brushed his child like tone
to me. Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya, magagalit o matatakot.
"H-hindi ako sutil Triton," ilang beses akong umiling sa kanya.
"You are,"
"Hindi nga sabi ako sutil, Triton!"
"I never imagined you inside the bar, I never imagined your hair smelling
like alcohol." Mas lumapit sa akin si Triton.
I stiffened and just straightened myself looking at the tv. I felt his
nose sniffing my hair.
"This is what you naturally smells, bakit pati buhok mo amoy alak
Euphiemia? Iniinom ang alak hindi ibinubuhos sa buhok."
"P-Pinapagalitan mo pa rin ba ako Triton?" naiiyak na tanong ko sa kanya
nang lumingon ako sa kanya.
"Oo," mabilis na sagot niya.
I pouted and continued watching the movie.
"Kahit love love kita Euphie, naiinis pa rin ako. Paano kung wala si
Triton sa bar na 'yon?" he softened his voice and leaned his forehead on
my shoulder.
"Nagalit si Triton, alam mo ba 'yon?" ilang beses akong tumango sa kanya.
"Galit ka pa rin sa akin ngayon,"
"Hindi na masyado, basta huwag mo nang uulitin. You promise me, my fat
cheeks won't do it again." Hindi ako nakasagot agad.
"Euphiemia Soren Arcega."
"Yes, hindi na ako uulit."
"Good girl, hindi na magagalit si Triton." He played the tip of his nose
on my right cheek.
"A-Akala ko ay next week ka pa uuwi?"
"I want to go home early," sagot niya.
"I want to know what happened two months ago, wala akong ideya sa
nangyari Triton. Look at our mothers, hindi pa rin sila nag-uusap. They
were bestfriends and I shattered them apart."
"Hmm? Magbabati rin sila, don't worry about them."
"How can you say that? Hindi na sila nag-uusap. Sila Daddy na lang ang
nag-uusap Triton." Biglang natawa si Triton sa sinabi ko.
"Sabong is life," ngumisi ako sa sinabi niya.
"But I want to bring back their friendship."
"They'll be okay, fat cheeks. I can tell. And about the reasons two
months ago, c-can we talk about it some other time? Huwag muna ngayon."
"But are you fine now, Triton?"
"Yes, not until I saw you inside the bar."
"I'm sorry,"
"Hindi ka na uulit, Euphiemia?" I nodded.
"Good, dahil sobrang magagalit na si Triton. Do you want to sleep? I can
lend you my room, dito na ako sa sofa." Mabilis akong umiling sa kanya.
"No, tatabi na lang ako sa kanila."
"You sure?"
"Yes,"
Inihatid ako ni Triton sa guestroom kung saan natutulog na ang mga
kaibigan ko. Buhay pa rin ang tv at bukas na ang ilaw. Kapwa na nakadapa
ang mga ito habang nakatakip ang unan sa kanilang mga ulo.
"Movie marathon pa," natatawang sabi ni Triton.
"Goodnight fat cheeks," humalik sa ibabaw ng ulo ko si Triton bago niya
pinatay ang tv at iwan ako sa kwarto.
Hindi na ako nag-isip nang kung anuman dahil ipinikit ko na ang aking mga
mata at mabilis akong nakatulog.
Inaasahan kong ako ang huling magigising pero nang magmulat ako tulog pa
rin ang tatlong mga kaibigan ko. I fixed myself before walking out from
our room. Agad akong nakaramdam ng pagkagutom nang maamoy ko ang pagkain
mula sa kusina.
Triton and Ahmed are good cooks.
"Triton?" tawag ko dito.
Papasok na sana ako sa kusina nang matigil ako sa paglalakad nang
makilala ko ang lalaking katabi ni Triton na nakadungaw sa niluluto nito,
may hawak na itong plato na parang hindi na makapaghintay sa pagkain.
Mas nauna nitong narinig ang pagtawag ko sa pangalan ni Triton.
Umawang ang bibig ni Troy Ferell at nabitawan nito ang plato nang makita
ako.
"T, y-you got her. You got her! Tang ina mo Triton, ang bilis mo. I'm so
proud of you, hindi ka na T, talunan." Hindi makapaniwalang sabi ni Troy
Ferell.
Kumunot ang noo ni Triton at bahagya nitong sinuntok ang dibdib ni Troy
Ferell.
"She's with her friends, dito sila natulog. Kahit kailan ang dumi ng utak
mo. Linisin mo ang plato."
"What do you mean with her friends?" yumuko na si Troy Ferell at
sinimulang linisin ang platong binasag niya.
"Long story," humakbang na papalapit sa akin si Triton.
"You sit, I'll prepare something for you." Kumindat sa akin si Triton.
"Why is he here?" tanong ko kay Triton habang pinaghihila niya ako ng
upuan.
"I'm the bestfriend, dumadalaw. Bawal ako dito? Bawal?" Simula pa lamang
alam kong mainit ang dugo sa akin ni Troy Ferell.
Bakla siguro siya at may gusto siya kay Triton.
"Don't mind him, may lakad sana kami ngayon. And I postponed it."
"You didn't even inform me, hindi mo ba alam na mahal ang gasolina
Triton?" asik na tanong nito.
Umupo na rin siya sa harapan ko habang pinagtatakal na ako ng pagkain ni
Triton.
Just a fried rice, sunny side up and ham.
"Eat a lot fat cheeks, ayaw ni Triton na nagugutom ka." Malambing na sabi
sa akin ni Triton na parang walang Troy Ferell na nasa harapan namin.
Marahan pa nitong pinisil ang pisngi ko. Triton gave me his cute smile.
Hindi ko maiwasang hindi ngumiti pabalik sa kanya.
I missed this. I missed Triton.
"Mga pabebe kayo, agang-aga."
"Bakit hindi ka na lang umuwi, Troy?" marami pa sanang sasabihin si
Triton nang lumingon na kami sa bagong dating sa kusina.
My three friends.
"Oh shit, Ferells everywhere." Kumento ni Antonia.
Autumn told me that Antonia's first kiss was Troy Ferell, what a small
world. Hindi rin ako makapaniwala na dati na palang nakatira sa Enamel
ang pamilya ni Troy Ferell kaya kilala ang mga ito sa probinsiyang ito.
"Huwag ka na palang umalis, you entertain my other guest Troy."
"You mean, Antonia? That woman stole my first kiss. Ilayo nyo siya sa
akin." Suminghap si Antonia sa sinabi ni Troy Ferell.
"You asshole!"
"Come on, I hate fights in mornings. Kumain na lang tayo Tanya." Autumn
and August grabbed Antonia's arms.
Lumayo sila sa posisyon ni Troy Ferell.
Lahat pala kami dito ay kaaway ni Troy Ferell.
"Why are they here?" nagtatakang tanong ni Troy Ferell.
"Long story, kumain na lang kayo." Tamad na hinawi ni Triton ang kanyang
kamay sa ere.
Wala na ang atensyon nito sa mga taong nakapaligid sa amin.
Nakapangalumbaba ang isa nitong kamay habang nakatitig na sa akin.
"Troy, how's your cousin Aldus?" tanong ni Autumn.
"Mas magandang lalaki pa rin ako," kibit balikat na sagot nito.
Sabay-sabay kaming gumawa ng eksaheradang reaksyon sa sagot ni Troy
Ferell.
"Lakas,"
"Ang hangin,"
"Gutom lang 'yan,"
"Will you guys, shut up? Baka palayain ko kayong lahat dito? Can't you
eat silently?" iritado na naman si Triton.
"Kahapon ka pa mainit ang ulo Triton." Kumento ni Antonia.
"Yeah,"
"Eat or leave?" tanong nito.
Walang nakasagot sa kanila dahil kumuha na sila ng kanilang mga plato.
Nang sumulyap ako kay Troy Ferell ay wala na itong pakialam dahil
kumakain na siya.
Pansin ko na simula nang bumalik si Triton, nagsimula na siyang kumilos
ng ganito sa akin. Like he doesn't mind the people around us, lagi na
lamang nasa akin ang kanyang buong atensyon.
"Kumain ka na rin Triton,"
"Nah, I'm already full. But if you insist, you can feed me." Pakinig ko
ang ilang beses na pagkasamid ng mga tao sa paligid.
"Triton, they can hear you."
"So? Wala nang pipigil sa akin Euphie. I won't restrain myself from
moving, katulad ng ginawa ko noon. Ahmed and I were both back from the
start, at nagsisimula na akong kumilos. You don't expect me to hide it
from everyone."
"Iba rin,"
"Palaban,"
"Nagagawa ng hangin sa United States of America,"
"Actually, it's the big T everyone." Sabat ni Troy sa mga kaibigan ko.
Lumingon sa kanilang lahat si Triton.
"Isa pa, palalayasin ko kayong lahat sa pamamahay ko." Tumahimik muli ang
kabuuan ng lamesa at bumaling ulit sa akin si Triton.
"So how's your vacation Euphie? Naisip mo ba si Triton kahit minsan?"
Triton showed me his signature movement, marahan siyang yumuko sa lamesa
habang nasa akin ang kanyang mga mata.
Bakit ba ganito si Triton sa akin ngayong umaga?
Akala ko ay malambing na siya na galit kagabi, pero mas malaming siya
ngayong umaga.
And my heart is now hammering with a lot of emotions.
"Iniisip rin naman kita, Triton." Mahinang sagot ko.
I heard the gasps from our audiences.
"Yun naman pala,"
"May laban 'to,"
"Buy one take one na ang deliver ng tubig,"
"After how many years," huling sabi ulit ni Troy Ferell.
I saw how Triton smiled with my answer. I was expecting that he'll talk
angrily with my friends and Troy.
But I just heard him calling his bestfriend's name.
"Troy,"
"Oh shit! Tang ina! May magnanakaw! Look girls!" malakas na sigaw ni Troy
Ferell dahilan kung bakit palingon na ako sa bintana na tinuturo niya.
But when I was about to look at his given direction, I was answered by a
soft and quick kiss on my lips.
Natulala ako sa nakangising mukha ni Triton matapos nitong pakawalan ang
labi ko.
Napahawak na lamang ako sa aking mga labi. He placed his forefinger on
his lips telling me to keep quiet.
"Wala naman Troy e!"
"Fake news!"
"What is that ba, Troy?"
"Maaarte kayo," natatawang sagot nito.
"Thanks T," tipid na sabi ni Triton.
"No problem," Troy stuck his tongue to annoy me.
Nang muli akong lumingon kay Triton pansin ko na di nabubura ang ngisi
nito.
He leaned on my ear and whispered something.
"Now, I'm full. Love love ka ni Triton, sweetheart."
--
VentreCanard
Chapter 31
Chapter 31
My friends were complaining about the foods, they're requesting for
delivery, while Troy was laughing and Triton's still watching me with his
grin.
"Nakaisa na po mga kaibigan, nakaisa na." Troy announced.
Lalong nag-init ang pisngi ko habang pinagmamasdan ako ni Triton na
walang pakialam sa mga tao.
Triton just kissed me. He kissed me on my lips.
At hanggang ngayon ay hindi pa humuhupa ang malakas na tibok ng puso ko.
Hindi na umalis sa kanyang pwesto si Triton, nakayuko pa rin ito sa
lamesa na tanging ako lamang ang nakakita ng mukha niya.
Nang sandaling magtama muli ang mga mata namin, inilagay niyang muli ang
isang daliri niya sa kanyang labi para sabihing huwag akong maingay.
"Nakaka-proud, after so many years of being T."
"Shut up Troy and eat." Sagot ni Triton habang nakapangalumbaba sa akin.
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo Troy? You dial now and ask for delivery."
"Bakit ang aarte nyo? Kainin nyo kung ano ang nakahain. Spoiled brats."
"Are you okay, Euphie? Natahimik ka bigla." Agad kong sinalubong ang mga
mata ni Autumn.
"Of course, I'm fine. Bakit ako matatahimik? I'm actually eat--" nasagi
ko ang kutsara dahilan kung bakit nahulog ito sa lamesa.
Akma ko nang kukuhanin ito nang pigilan ako ni Triton.
"Hey, let me sweetheart. I'll get you a new one."
"Seriously? Boys, anong ginawa nyo kay Euphie? She looked tense." Tanong
ni Autumn.
"Ikaw Autumn, wag nyong I-judge ang mga lalaking may malaking T!"
Sabay-sabay napamura ang mga kaibigan ko sa narinig nilang T.
"Huwag kayong mga judger, inaano namin kayo ni Triton? Sa may nakita
akong magnanakaw, hindi ko na kasalanan kung hindi nyo nakita."
Nangangatwiran na si Troy.
"Yes, I second the motion." Sumunod na rin si Triton.
"Defensive ang mga gago." Ismid na sabi ni Autumn.
"Euphie, just tell us kung pinagtutulungan ka ng dalawang 'yan. We're
always here to back up." Tatango na sana ako kay Antonia pero humarang si
Triton.
"No no, they are bad influence. Walang back-up na mangyayari. At kapag
mag-movie marathon kayo, dito sa bahay ko." Madiing sabi ni Triton.
My friends gasps in complain.
"It's a girl's date, bakit ka extra Triton?" tanong ni Antonia.
"I just don't trust you girls."
Umiiling na lamang si August at Antonia, wala silang pinagpilian kundi
kumain ng mga inihain ni Triton.
"You're not eating?" I asked him.
Nasa tabi ko lamang siya at hindi man lang kumakain.
"I told you, I'm full."
"H-Hindi 'yon nakakabusog Triton. Eat." Tipid akong sumulyap sa mga
kasama namin sa lamesa, hindi na kami pinapansin ng mga ito.
"I'm already full nga, Euphie. Do you want to feed me? I will gladly
eat."
"Nakakahiya Triton," I almost whispered.
"Nakakaasar ang dalawang ito, bakit hindi ka na lang kasi kumain Triton?"
Ako na ang nalilito kay Troy at Triton, kanina lang ay magkakampi silang
dalawa.
"Pumikit ka na lang Troy, kung nabi-bitter ka sa amin ni Euphie. Asar
'to."
"I can tolerate some of your T-moves, pero hindi ko talaga masikmura ang
pagiging pabebe mo Triton. Sakit sa mata."
"Kayong dalawa ba gago? Gago?" pagsingit ni Autumn.
Hindi ko alam kung papaano pa ako nakakain nang maayos, dahil sobrang
gulo naming lahat sa lamesa.
Naiwan sa kusina si Triton at Troy, sinabi ni Triton na silang dalawa na
lang daw ni Troy ang maghuhugas ng plato. Though, Troy complained but he
didn't win against Triton.
Hinayaan na kami ng mga itong manuod ng tv. Sinabi ni Triton na mamaya pa
daw sundo ng mga kaibigan ko kaya wala silang pagpipilian kundi tumigil
muna dito.
"Naghuhugas ba ng plato si Ferell?" tanong ni Autumn.
"Mahirap man paniwalaan, oo." Sagot ni Antonia.
"Hindi halata sa kanya, kung sabagay kahit naman kay Triton hindi halata.
They look like a typical hearthrob with maids. You know? Walang alam sa
gawaing bahay."
"Just like White Arellano?" tanong ni Antonia.
"Come on, huwag nating pag-usapan dito si Wayto." Ismid na sabi nito.
"Nakaisa, means nakahalik. Right Euphie? Nauto kami ng dalawang T na
'yon." Nagulat ako sa sinabi ni August.
Hindi niya nakita, hindi ba?
Tulalang napatitig sa akin si Antonia at Autumn.
I just nodded. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko.
"Oh gosh,"
"Ang bilis ni Triton,"
"Mautak ang dalawang 'yan kapag magkasama." Kumento ni August.
"Cute," maiksing sabi ni Autumn.
"Kaasar, hindi naman sila nag-usap hindi ba?" tanong ni Antonia.
"May T language yata silang dalawa." Kibit balikat na sabi ni August.
"Mahirap kapag napadikit sa isang Ferell, kahit isa sa kanila malaki na
ang lagim na ihahasik. Maniwala kayo sa akin. Proven and tested. I
handled the five of them before. Pinatay nila ang aso ko. Kahit ano kaya
nilang gawin, makipagsabwatan pa kaya?"
Autumn brushed something in air na parang may makapal na usok na nabubuo
sa aming apat.
"Remove the bad vibe girls, just look at the bright side. Si Antonia,
basher ka talaga ng mga Ferell."
"Matagal na,"
"Pero, don't deny it girls. Gwapo naman talaga silang dalawa. Can't you
imagine? We're inside the house of the hottest guy in town, with his
bestfriend." Habol ni Autumn.
Antonia and August rolled their eyes.
"Mas gwapo si Troy," kumento ni August.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
"No, mas gwapo naman si Triton." I answered.
Huli na bago ko narinig ang sarili kong boses. My friends were now
staring at me with their shocked eyes.
Na napalitan din ng ngisi at sunod-sunod na tili.
"Oh my gosh, nagiging dalaga na ang baby natin."
"Mas gwapo daw si Triton." Ngising sabi ni Autumn.
"Actually it was just a trap, wala akong bet sa kanilang dalawa. We're
starting to be proud of you, Euphie." Sabi ni August.
"Gosh, I'm starting to enjoy this game. Makipaglaro tayo sa mga
malalaking T na 'yon. Bakuran natin si Euphie." Natatawang sabi ni
Antonia.
"I'm in," mabilis na sabi ni Autumn.
"Yeah, whatever girls." Sagot ni August.
Nang lumabas na mula sa kusina si Troy at Triton, nakaupo na kami sa sala
at pinaggigitnaan na ako ng mga kaibigan ko.
Triton frowned.
Tipid na ngumisi ang mga kaibigan ko.
Pansin ko na saglit nagkatitigan si Troy at Triton bago lumapit ang mga
ito sa amin.
"Change position girls, color blind ako. Move." Humarang sa harapan namin
si Troy.
"Nanunuod na kami Troy, you move!"
"Maayos na ang position namin dito. Manggugulo ka pa."
"Colorblind your face."
Umawang ang bibig nito. Hindi tumalab ang una nilang atake ni Triton kaya
sa huli, silang dalawang T ang magkatabi sa dulo.
Pero nasa kanilang dalawa ni Triton ang remote.
Itinigil ni Triton sa bagong simulang movie.
"Midnight sun?" tanong ni Antonia.
"Yeah," sagot ni Triton.
"Heavy, huwag 'yan." Kumento ni August.
"Ayoko rin ng heavy, bakit may mamamatay? Parang gago Triton." Iritadong
sabi ni Troy. Inagaw nito ang remote kay Triton at siya ang pumili ng
channel.
Itinigil ni Troy sa skyscraper, kalahati pa lamang ng movie ay narinig na
namin na tumawag na ng delivery ng pagkain si Triton.
"Ano? Ano ka ngayon Triton? May I'm full ka pa na nalalaman? Tang ina mo,
gutom ka ngayon. Pabebe pa."
"Shut up, Ferell. Manuod ka na lang. I asked for delivery, dahil hindi na
ako makakapagluto. Idiot."
Hindi namin pinansin ang nagtatalong magbestfriend sa dulo at nagpatuloy
kami sa panunuod.
Sa pangalawang movie, ang mga kaibigan ko na ang pumili. Antonia chose a
horror movie.
"Oh god, no way. That's boring." Troy complained.
"Ayaw ni Euphie ng horror, are you really her friends?" hindi rin sang-
ayon si Triton.
Pero walang nagawa ang dalawang T, lalo na nang nagsisimula na kaming
sumisigaw. Pansin ko na sinasadya ni Antonia at Autumn na yumakap sa akin
kapag sobrang nakakatakot na ang nasa tv.
"Sana ikaw ang kayakap, kaso hindi ikaw ang katabi." Nagpaparinig na sabi
ni August.
"Fuck, stop the movie Triton. Shit! Boring." Kanina pang mura ng mura si
Troy Ferell sa dulo.
"Aabutan na sila!" hindi ko na rin mapigilan hindi mapatili.
"Let's hug Euphie, she's scared na." Madramang sabi ni Autumn.
Mahigpit na yumakap sa akin ang mga kaibigan ko.
"I'll give you 5 seconds to move or else I'll tell everything to Tita
Taliya. One! Two!" malakas na sabi ni Triton.
Naalarma ang mga kaibigan ko at mabilis silang tumayo sa kanilang mga
position.
"This is blackmail! Unfair!"
Tumayo na si Triton sa kanyang upuan at agad siyang tumabi sa akin habang
inilagay na niya ang kanyang braso sa aking sinasandalan.
"The fat cheeks is mine, go get the pizza outside girls." Mabilis
inihagis ni Triton ang remote kay Troy na nasambot nito.
He changed the channel before laying on the sofa with his straightened
legs. Nakapatong pa ang paa nito sa hita ni Triton na ilang beses
hinampas ni Triton.
Habang nasa dulo naman ako at nahaharangan ni Triton. Umismid ang mga
kaibigan ko sa posisyon ni Triton at Troy.
"Iniiwasan mo yata ako, fat cheeks." Nanunumbat na bulong sa akin ni
Triton.
Nagsalita na rin si Troy habang iwinawagayway ang remote na hawak niya.
"Walang tatalo sa lalaking may malaking T kapag in love, so girls just go
outside you get our pizza. Right T?"
"Yes T,"
--
VentreCanard
Chapter 32
Chapter 32
Troy successfully changed the movie. From horror to actions movies. He's
still lying on Triton's sofa, kaya wala na sa mga kaibigan ko ang
makakaupo dito.
While Triton's sitting beside me.
"Nakakagutom rin pala manuod ng movie, Euphie." Pansin ko na nakaakbay na
si Triton sa aking sandalan.
"Pabebe ka lang kaya nagugutom ka ngayon." Triton didn't mind Troy's
words.
"Mamaya na kita iuuwi Euphie, dito ka muna kay Triton."
"But please, don't be mean with my friends. Mabait naman sila Triton."
"Sure," tipid na sagot niya.
Bumalik ang mga kaibigan ko na may tig-isang dalang box ng pizza. Sabay-
sabay umismid kay Triton at kay Troy ang mga ito bago sila naupo sa kani-
kanilang upuan.
Hindi pa man naghahati ang bagong movie, nakahilig na sa balikat ko si
Triton. I remained myself stiffened while concentrating on the movie.
"Iba rin,"
"May pahilig-hilig na si Triton,"
"Mga galawan ng mga blackmailer,"
"Kumain na lang kayo ng pizza, mga maaarte." Kumento ni Triton sa kanila.
Everyone were silently watching, tanging si Troy lang ang hindi dahil
kung ano-ano pa ang sinasabi nito sa bida.
Ang ingay niyang manuod ng movie.
Pansin ko na bored na ang mga kaibigan ko, sinong hindi? Simula nang
dumating sila sa bahay ni Triton wala na itong ibang ipinagawa sa amin
kundi manuod ng movie.
"Gusto ko nang umuwi, kung hindi lang ako lowbat tumawag na ako kay
Wayto. He's worried, I'm sure." Autumn complained.
"Hindi ba at cool off kayo?" tanong ni August.
"What the hell is cool off? Sa mga pabebe lang 'yon Autumn. Duh?"
"Whatever girls, kumain na lang kayo ng pizza." Sagot ni Autumn.
Tahimik na si Triton at Troy na nanunuod ng tv, nakailang pizza na rin
ang dalawang ito.
"You're really hungry, I told you to eat."
"Do you want?" umiling ako nang alukin ako ng pizza ni Triton.
"I'm full,"
We ended watching three movies.
Hapon na nang dumating ang mga sundo ng mga kaibigan ko, their
boyfriends. At hindi gaya namin, hindi sila magkakasundo.
Pansin ko na matagal nang mainit ang dugo ni Arellano kay Triton at
Ahmed. And Autumn said that her boyfriend was just insecure because
Triton and Ahmed have their fair complexion.
"I've been calling you Autumn," hinawakan na ni Arellano ang kamay ni
Autumn at hindi man lang ito nagpaalam sa amin.
He's always this rude.
Sunod na sumundo ang mga boyfriend ni August at Antonia, they had few
conversation with Triton and Troy before they left.
Natira na lamang kaming tatlong nakatayo sa harapan ng bahay ni Triton.
"Maaga pa, I talked with her friends. They'll cover up everything,
pwedeng iuwi ng gabi si Euphie." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni
Troy.
"W-What?!"
Ngumisi si Triton kay Troy, bago pinagbangga ng dalawang ito ang kanilang
mga kamao sa isa't-isa.
After grinning to each other, the T bestfriends looked at me in unison.
"Minsan napapaisip talaga ako, sa manika ka talaga naulol Triton."
"Why? Is it bad? She's really pretty." Triton held my hand.
"Sweetheart, let's date. Pupunta tayo sa Leviathan."
"Leviathan?"
"Yes, sa bayan nila Troy. He'll show us something. Hindi ka pa
nakakapuntang Leviathan, right?" tumango ako kay Triton.
"Let's go, he'll drive us. For the first time." Pansin ko na nauna na sa
amin si Troy.
Kahit ako ay nagulat nang makitang sa driver's seat ito nagdiretso.
Sumakay kami ni Triton sa likuran.
"Sisingilin kita balang araw, Triton. It's not free."
"I'll gladly pay you, T."
Kahit mas madalas akong naaasar kay Troy, I can't help but to feel happy
because Triton found someone like him.
I can see that they're really fond of each other.
"Saan sa Leviathan tayo pupunta?"
"Magyayabang ng yaman si Troy, actually this is a business trip Euphie.
Gusto ko lang makita ang hawak ni Troy ngayon sa Leviathan, but I really
want your company. He's changing into someone else, when he's talking
about business."
"Oh, building?"
"Yes,"
Ilang oras an gaming biyahe hanggang sa dumaan ang sasakyan namin sa
isang pataas na daan.
It only took few minutes before we reached the warehouse. Dalawang
malalaking warehouse at hanggang walong truck ang nakaparada sa harapan
nito.
I saw a certain product name of biscuits.
"Oh, Ferells bought this food product?" pansin ko na kahit si Triton ay
humahanga.
Triton is a businessman at hindi na ako magtataka kung bakit ganito ang
reaksyon niya, but hearing that this place was being operate by Troy
Ferell.
Unbelievable.
"Well yeah, hindi pa masyadong maganda ang sistema. But we're polishing
everything. I'm the operations manager for the meantime, hindi pa
makahanap si LG."
"Sir!"
Ilang beses bumati kay Troy ang mga kalalakihang nagbubuhat ng mga kahon
ng biscuits.
"Paano ba Triton? Mas magaling na yata ako sa'yo. I can handle four
provinces with hundreds of accounts."
"Mayabang," kumento ni Triton.
"Let's go inside my office, ang init dito sa labas. Baka mangitim ako."
Unang pumasok si Troy at sinundan namin.
He was greeted by five staffs.
"Hi team,"
"Sir!"
Troy Ferell just nodded. Sumunod lang kami ni Triton sa kanya hanggang sa
makarating na kami sa kanyang opisina.
"Akala ko nagbibiro ka lang, Troy." Naiiling na sabi ni Triton.
"Kailan mo pa hinawakan ito? Four provinces are not easy to handle."
"Yeah, lalo na kung sabog ang sistema. I have already proposed some
changes to LG, we need system like SAP. Though we can still handle the
transactions and record manually, an organize system will always do good.
Less time and effort." Tama nga si Triton, nag-iiba si Troy Ferell kung
negosyo ang pinag-uusapan.
"So ito pala ang pinagkakaabalahan mo."
"Yeah, sort of. But don't think this is free, binayaraan din ako ni LG
dito. Though before I handled everything, ilang beses akong napuyat
kasama ang matanda. It took weeks before I finally understood the
process."
Nag-uusap na silang dalawa ni Triton ng tungkol sa business nang may
kumatok sa opisina ni Troy.
One of his staffs brought different item products.
"You can have your free taste. Huwag na kayong kakain ng ibang biscuit,
'yan na lang." Tipid akong natawa sa sinabi ni Troy.
"Alam ng mga pinsan mo na ikaw ang may hawak nito?" ilang beses umiling
si Troy.
"Everyone's busy, wala nang makakapansin. Or maybe, just like me LG's
silently training them."
Hindi ko akalain na minsan akong hahanga kay Troy Ferell, buong akala ko
sa kanya ay isa lamang siyang anak mayaman na laging gutom dahil laging
nauubusan ng pera sa pagiging gastador.
"I'm starting to be proud of you, Troy. Buong akala ko ay wala na
talagang patutunguhan ang buhay mo." Hindi makapaniwalang sabi ni Triton.
"Idiot, para namang hindi ka humahawak ng malalaking poultry farm. We're
even. Mas maganda na nga ang proseso mo, dito nananakawan pa ako. Mahirap
talaga sa sales and distribution." Kibit balikat na sabi nito habang
kumukuya ng biscuit.
Hindi ko man linya ang negosyo, natutuwa akong pakinggan ang pag-uusap ni
Triton at Troy.
They're talking like matured individuals.
"But my business got the higher risk."
"Risk is everywhere, Triton." Tipid na sumulyap sa akin si Troy habang
mayabang itong nakaupo sa kanyang trono.
Sitting like the greatest boss.
"Yeah, risk." Sa pagkakataong ito ay si Triton naman ang sumulyap sa
akin.
"Isa pa, my grandfather is a businessman. Dapat makabisado ko ang mundong
ginagalawan niya. And it was rumoured that among his grandsons, ako ang
paborito. Kailangan ko nang magsanay bumilang ng pera." Umismid na si
Triton sa huling sinabi ni Troy.
"Minsan hindi ko alam kung kailan ako dapat maniwala sa mga sinasabi mo,
Troy."
"Why? I was telling the truth. Kapag hindi nag-aapoy ang fireplace namin,
pera ang ginagamit ko para lumingas. Bumili na rin kami ng money counter,
kasi nangangalay na ang daliri naming magpipinsan sa pagbibilang ng mga
pera naming nakapatas sa mansion."
"Come on, I'm tired of hearing those. Simula nang makilala kita, lagi mo
na lang ipinagyayabang na literal ka nang nagsusunog ng pera.
Katangahan."
The whole hours were filled by business topics and I saw how enjoyed the
two of them. Sa halip na makisali pa ay kumain na lang ako ng maraming
biscuits.
Troy even gave us boxes of biscuits.
Si Troy na ang nagpakuha ng sasakyan ni Triton nang uuwi na kami. Kapwa
na kami nasa harapan ng sasakyan Troy habang hinihintay namin si Triton.
He's in comfort room.
"Euphie," I heard Troy called my name.
***
Nang nasa biyahe na kami ni Triton pabalik sa bahay, nabalot kami ng
sobrang katahimikan.
Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya. I had this heavy
feeling, na sa kabila ng mga tawanan namin para may nakakatakot na bagay
na bigla na lamang dadating.
"Balik na naman ba tayo sa dati Euphie?"
"Dati?"
"Same scenario, alam mong babalik na rin si Ahmed. At katulad ko, hindi
ka rin niya titigilan. We've been secretly liking you for years, Euphie.
Ilang taon namin pigilan ang sarili namin na magbigay ng motibo sa'yo."
"Triton,"
Hindi na muli nagsalita si Triton at nagpatuloy ito sa pagmamaneho.
"I'm sorry for all, I'm really sorry for being an immature for years.
Hindi ko alam na napakarami nang naaapektuhan sa akin. And I can't even
notice those things that I should have notice from the very beginning."
"But I fell for you because of that, because of your innocence. Kahit
minsan, nakakasakit na."
"I'm really sorry Triton."
"Nah, it wasn't your fault Euphie."
"Maybe a lot of people are now hating me for my late development."
"Who would hate you? You're lovable Euphie. Everyone likes you."
Tumanaw na lamang ako sa bintana habang inaalala ang mga sinabi sa akin
ni Troy bago kami tuluyang umalis.
"Euphie,"
"Don't talk to me Troy if you're going to annoy me again."
"Do you know why I invited you and Triton here?"
"Triton told me that it was purely business."
"Nah, I flaunted how rich I am."
"Yeah," matabang na sagot ko.
"This is just the 0. 0001% of my wealth, I could even buy the whole
Enamel." Lumingon na ako kay Troy Ferell. He looked serious.
Standing like a powerful guy with hands on his pocket.
"Why are you telling this?"
"I am just informing you that I can pull some strings." Kumunot ang noo
ko sa sinabi niya.
"Among my friends, Triton's the kindest and yeah gentle idiot but
fragile. If someone gave him reason to get worst. Ipapatay ko ang
dahilan." He gave me a fake smile.
"Pinagbabantaan mo ba ako Troy?"
"Why would I? Afterall, I'm quite confident with T. Pinatatagal mo lang,
kaya nagiging komplikado ang lahat." Hindi ako sumagot dito.
Sabay namin napansin ni Troy na pabalik na si Triton.
"Of course, I was just kidding about the threat. I might just buy the
cockpits and banned your father. Hindi na makakapagsabong ang tatay mo."
Ilang beses na ba akong pinagbantaan tungkol sa sabungan?!
I even heard this from Arellano!
"I'll end everything here Euphie, I won't interfere anymore. Afterall,
it's Triton's way that will always last. I hope you enjoyed my biscuits."
--
VentreCanard
Chapter 33
Chapter 33
Inihatid na ako ni Triton sa bahay. Eksaktong pagdating namin ay nandito
si Tito Timothy, Triton's father. Nag-uusap sila ni Daddy, kapwa naagaw
ang kanilang mga atensyon ng pumasok kami.
"Oh, my baby is back." Natutuwang sabi ni Daddy.
Tulad ng lagi kong ginagawa, lumalapit muna ako sa kanya at humahalik sa
pisngi. Ngumiti naman ako kay Tito Timothy.
"Akala ko ay bukas ka pa uuwi, Triton?" Triton held his father's hand.
Nagmano ito kay Tito.
"Tito Paul," tumango si Daddy kay Triton.
"Dito na kayo kumain, bakit hindi mo tawagin si Taliya?" my father asked.
Sabay kaming halos masamid ni Triton, dahil alam namin na hanggang ngayon
ay hindi pa rin nag-uusap ang mga mommy namin.
"I'll call them, hindi ba at kumpleto tayo ngayon?" pansin ko na parang
nag-usap sa kanilang mga mata si Triton at tito.
They battled with their eyes until Uncle Paul surrender in defeat.
"Alright, ask them."
"Thanks Dad," lumingon sa akin si Triton. "I'll go get them,"
Katulad ko ay gusto ko na rin magkabati si Tito Taliya at mommy, kaya
nagmadali akong pumunta sa kusina at yumakap kay mommy.
"Mommy, we'll be having visitors. Triton, Tito Timothy and all were going
to join us. Is it okay?" hinawakan ni mommy ang braso ko at humarap sa
akin.
"Papayag ba si Taliya? Hindi niya pa rin ako pinapansin."
"Of course, ang tagal nyo na rin hindi nagpapansinan. Why fixing it now?"
tipid na pinisil ni mommy ang pisngi ko.
"As you wish,"
Nang sumilip si Triton sa may kusina, akala ko ay sasabihin nito na hindi
pumayag si Tita. But the moment he smiled at me, alam ko nang pumayag
siya.
"Do you need help, ladies?" lumapit sa akin si Triton at nag-alok ng
tulong sa amin.
"Nah, you're a visitor Triton. Sa labas ka muna, malapit na kaming
matapos." Natatawa si Triton habang pilit ko siyang itinutulak.
We're both teasing at each other, pero natigil ito nang muntik na naming
mabangga si Tita Taliya.
"Tita!"
"Where's Eunice?"
Bahagya kaming tumabi ni Triton sa daan at hinayaan namin si mommy at
Tita Taliya.
"Eunice,"
"Taliya,"
They both moved from their positions. At nagyakapa silang dalawa na
parang ilang taon silang hindi nagkita.
"I told you so, well mothers." Bulong sa akin ni Triton. "Let's go fat
cheeks, let them talk for a while."
Nang makalabas kami ni Triton sa kusina ay kapwa na nakangisi ang lahat
sa amin.
"So what happened to the dramatic mothers?" Kuya Tyrell asked.
"Bati na sila kuya," ngiting sagot ko.
Hindi muna kami pumasok sa kusina at hinayaan namin lahat mag-usap ang
mga mommy namin.
Nasa labas si Daddy at Tito Timothy, talking about their usual roosters.
Busy si Kuya Tyrell at Kuya Travis sa panunuod ng tv, having ako naman
ang napapansin ni Tyrent.
Ang bilis lumaki ni Trent, dati ay hindi pa siya masyadong mabigat kapag
kumakalong sa akin.
"Ate Euphie, hindi ka na misyado punta sa amin." Trent is innocently
sitting on my lap with both of his hands on my shoulder.
"I'm sorry, I was a bit busy."
"But you're already this pretty!"
"Mabigat ka na Trent, bumaba ka na kay Euphie. Dito ka na lang kay kuya
kumalong." Ngumuso ito kay Triton.
"Sabi ni Kuya Tyrell wag ako pakalong sa boys. Si Ate Euphie, girl."
Tipid na tumawa ang mga kuya ni Triton sa sinabi ni Trent.
"Nice one younger brother," kumindat sa diretsyon namin si kuya Travis.
Yumakap sa leeg ko si Trent habang dumidila ito kay Triton.
"You don't play with me at home kuya Triton, si Ate Euphie na lang."
"Seriously Trent? Come here with kuya, ang liit liit ni Ate Euphiemia.
Nabibigatan na siya sa'yo." Sinubukang agawin ni Triton sa akin si Trent
pero mas lalo lamang yumayakap sa akin ang kapatid niya.
"No! Kuya Triton isusumbong kita kay mommy!"
"Get away from Euphiemia, ang bigat mo na Trent!" naghihilahan na silang
mag-kuya habang tawa nang tawa si Kuya Tyrell at Travis.
"Trent!" gigil na si Triton dahil namumula na ito.
"Trent, nagagalit na si kuya! Hindi kita susunduin sa school."
"I have my school bus!" umawang ang bibig ni Triton.
Muling humarap sa akin si Trent, he smiled at me.
"When I grow up, I'll marry Ate Euphiemia. She'll be my bride because
she's so pretty like a princess." Lalong humagalpak ng tawa si Kuya
Tyrell at Travis.
"Finish na, may bago nang karibal si Triton."
"Mas aggressive pa si Trent kay Triton sa ganyang edad, torpe since
birth."
"W-What?" iritado na talaga si Triton.
"Nisabi ni Kuya Tyrell at Kuya Travis na mas pogi daw ako kay Kuya
Triton."
"W-What? Anong itinuturo nyo kay Trent?" tanong ni Triton sa kanyang mga
kapatid na nagkibit balikat lang sa kanya.
"Trent, go get your own bride." Sinubukan ulit hilahin ni Triton mula sa
akin si Trent pero hindi pa rin ito bumibitaw.
"Kuya naman!" Kay Kuya Tyrell at Kuya Travis na humarap si Triton, like
he was asking for help.
"Okay, okay. Aping-api ka na naman Triton." Tumayo na si Kuya Tyrell.
"Come here Trent, I'll tell you something." Trent was hesitant at first,
pero sa huli ay sumama na ito.
Eksaktong tumawag na si mommy at Tita Taliya.
"Ang kulit ni Trent," bulong ni Triton nang sabay na kaming naglalakad
papuntang kusina.
Nakahilera na kaming lahat sa kusina. Sobrang daming inihain ni mommy at
Tita Taliya. Ibinigay ni kuya Tyrell si Trent kay Tita.
"Oh, what happened to my baby boy?"
"Of course, nag-away na naman sila ng ating second baby boy." Natatawang
sagot ni Kuya Travis.
"Shut up Travis," mabilis na sagot ni Triton.
"Triton," simpleng tawag lang ni Tito Timothy sa pangalan nito ay agad
nang yumuko si Triton.
"I'm sorry Dad,"
Mabilis naman nawala ang tensyon dahil inagaw na ito ng dalawang mga
mommy.
"Just tell us if you wanted more boys." Ngayon ko lang napansin na tatlo
lang pala kaming babae.
"So kailan kayo uuwi sa manila?" My Dad asked Kuya Tyrell and Travis.
"Sabay na po kami next week," sagot ni kuya Travis.
"Mabuti at napagsasabay nyong dalawa ang leave nyo nang nakakapagsama-
sama kayo." Mahabang sabi ni mommy.
"We're talking about our leaves, hindi maganda kung uuwi kami tapos
kulang." Tumango si mommy at daddy.
Magkakatabi ang mga Montgomery, habang pinaggigitnaan ako ni mommy at
daddy.
"Triton's turning 20 this month, right? October 24. Any party? I can help
for the foods." Tanong ulit ni mommy.
Malapit na nga ang birthday ni Triton.
"It depends, kung gustongg maghanda ni Triton why not? What is your plan,
honey Triton?"
"I want party," si Kuya Tyrell ang unang nagsalita.
"Yes, it's good to have a party." Sabat rin ni kuya Travis.
"Mga kuyas, si Triton ang tinatanong ko."
"Sure, let's try." Tipid na sagot ni Triton.
"Great!" sabay na sabi ng mga mommy namin.
Natapos rin kami sa pagkain pero hindi kami agad umalis dahil nagkaroon
pa ng maraming kwentuhan.
"I'm still curious, itong si Tyrell at Travis hindi pa nagpapakilala ng
babae sa akin dito sa Enamel."
"Bring them here, para makilala namin ng mommy mo." Natatawang sabi ni
mommy.
"That would be a trouble, saka na lang." Kumakamot na ulong sabi ni kuya
Travis.
"Why? Still not sure? Huwag nyo akong gugulatin na may nabuntis kayong
babae sa Manila. You should bring your girlfriend here." Sermon ni Tita.
"Paano namin dadalhin ni Kuya Tyrell? Your ideal image for a woman is a
cute innocent doll, like Euphie. Ang hirap maghanap ng ganon sa Manila."
Kapwa natawa ang dalawang Daddy na kanina pang hindi nagsasalita.
"You know Eunice, kayang-kayang magdala ng mga anak mo ng ipakikilala sa
inyo. But they are just afraid with your standards. Everyone of us here,
adored Euphie so much. Even my little boy Trent, natatakot lang ang
dalawa nating binata." Hindi nakapagsalita si Kuya Tyrell at Kuya Travis.
Pagkatapos naming kumain ng dessert ay lumabas na kami sa kusina.
Hinintay ni Triton na unang makalabas ang buong pamilya niya bago siya
lumapit sa akin.
"See? I told you, love love ka nilang lahat." Ngumisi ako sa sinabi ni
Triton.
"Triton, let's go. Bukas ka na manligaw anak." Tawag ng kanyang daddy.
Saglit na lumapit sa akin si Triton at mabilis itong bumulong sa akin.
"Pero mas love love pa rin kita, goodnight sweetheart."
--
Few days have passed. Bumalik na rin si Ahmed at katulad nga ng sinabi sa
akin ni Triton, ganito rin ang sinabi sa akin ni Ahmed.
They're back at zero.
And just like what happened before, I am now facing Ahmed and Triton with
smiles on their faces.
"Good morning Euphie,"
"Good morning, Ahmed, Triton."
"Euphie, I need you to come with me. Magdedeliver ng buko si Daddy, hindi
pwede ang tatlong driver natin, puro emergency."
"Magbubuhat po ako ng buko, Daddy?"
Sabay natawa si Triton at Ahme sa tanong ko, kahit si Daddy ay natawa sa
tanong ko.
"No, of course. Magbibilang ka lang, kayong dalawang manliligaw. Samahan
nyo muna kami. May gagawin ba kayo?" sabay umiling ang mga ito.
"Good,"
Lumapit na si mommy at binigyan ako ng malaking bag na may lamang
pagkain.
"Huwag kayong magpapagutom. Paul, nakakuha ka ng magkakarga?" sabay
itinuro ni Ahmed at Triton ang kanilang sarili.
"Are you sure boys? Mainit sa labas. What about you Triton?"
"I'm fine Tita, matagal na po."
Nag-aalangan pa si mommy pero tumango rin ito.
"Basta, huwag mong masyadong papagudin ang amga ito Paul, kapag sobrang
init itigil nyo muna."
"Yes, Tita."
Sumakay na kami sa truck, si Daddy ang driver, nasa tabi niya ako tapos
si Ahmed, malapit sa pintuan si Triton.
"Hanggang saan Tito ang deliver ng buko?" tanong ni Triton.
"Hanggang Leviathan lang,"
"Mangingitim kayong dalawa, sobrang init." Kumento ni Daddy.
"It's alright, mabilis namang bumalik ang kulay ko." Sagot ni Triton.
Ibinigay sa akin ni Daddy ang listahan ng mga tindahan na dadaanan namin
at kung ilang buko ang ibababa ni Triton at Ahmed.
"Sana dalawa ang anak kong babae, hindi na tuloy kailangang pumili ng
dalaga ko sa inyong dalawa."
"I'm sure, she's also pretty and cute." Tipid na sumulyap sa akin si
Ahmed. Nag-init ang pisngi ko.
"Tito sundan nyo na lang ni Tita Eunice si Euphie, paliligawan ko kay
Trent." Tumawa si Daddy sa sinabi ni Triton.
"Puro ka kalokohan Triton," kumento ni Ahmed.
"Kill joy as always, kamusta ka naman Ahmed?"
"Same, walang bago. Ikaw?"
"Not the same, maraming bago."
"Baka mag-away kayong dalawa, hindi pwede 'yan dito. Ibababa ko kayong
dalawa, magbiyahe na kayo."
"Wag kayong mag-aaway,"
"Don't worry Euphie, we won't." Tipid na sagot ni Ahmed.
Tumigil na kami sa unang tindahan, thirty pieces ng buko ang ibababa nila
Triton at Ahmed.
Pansin ko na ilang beses napapasulyap sa amin ang ilang napapadaan sa
tindahan. Naka-tig tatlong balik si Triton at Ahmed sa truck.
Bumaba na rin si Daddy para makipag-usap sa magtitinda.
"Bossing bakit ang popogi naman ng mga boy mo ngayon? Mga namumula ang
kutis sa init ng araw. Hiring sa tindahan ko." Nagbibirong sabi ng
matandang babae.
"Hindi sila mga boy, manliligaw ng anak ko. Euphie baby, come here."
Sumunod ako sa tawag ni Daddy.
"My daughter,"
"Ay kagandang bata! Kaya pala mga mestizo ang mga manliligaw."
"Go get them water anak," tumango ako sa sinabi ni Daddy.
Bahagya akong napatigil nang makitang medyo mataas ang truck, kanina ay
inalalayan pa ako dito.
Hahawak na sana ako dito para umakyat nang may maramdaman ako sa bewang
ko. Umangat ako hanggang sa makapasok ako sa unahan ng truck.
"Thanks Ahmed,"
Agad ko rin napansin ang pagtalikod ni Triton.
"K-Kukuha lang ako ng tubig," nagmamadali ang mga kamay ko sa pagkuha ng
mineral water.
Inalalayan ulit ako ni Ahmed sa pagbaba, ibinigay ko sa kanya ang tubig.
"Thanks,"
Lumapit rin ako kay Triton at binigyan siya.
"Akala ko si Ahmed lang," sumulyap si Triton sa bote ng mineral water.
"Hindi ito sa akin galing sa akin, nagtataksil ka na sa akin. Saang
mineral water ito, Euphie?" tiningnan ko rin ang bote.
"Hindi ko alam, si mommy ang bumili niyan." Ilang beses akong umiling sa
kanya.
Agad siyang ngumisi at pinsil ang ilong.
"I'm just kidding, let's go."
Dahil nasa loob na ng truck si Ahmed, nagbago ang posisyon namin.
Pinaggigitnaan nila akong dalawa.
Sa pangalawa naming deliver, hindi na kinaya ni Triton at Ahmed ang init
kaya naghubad na sila ng kanilang damit.
Kumpara sa unang tindahan, mas malaki ito at maraming tao. May napapansin
pa ako na ngumingiti at ilan ay napapatigil kapag nakikita nila si Ahmed
at Triton na nagbubuhat ng maraming buko.
Lumapit muli si Daddy sa may-ari ng tindahan, ilang beses rin ito
napapalingon kay Ahmed at Triton.
"Gumamit ng papaya soap ang mga boy mo, bossing? Mga foreigner pa yata."
Hindi maalis ang titig ng may- ari ng tindahan kay Triton at Ahmed na
halinhinan sa pagbaba at taas sa truck.
My father laughed.
"I think I need a scripted explanation for every store, anak. Ang ganda
ganda kasi ng anak ko." Kinurot ni Daddy ang pisngi ko bago nito inagaw
ang atensyon ng babae.
"Manliligaw ng anak ko,"
"You're with your daughter po?" dito lamang ako napansin ng babae.
"She's pretty! Hi, ilang taon na po ang anak nyo? Pinaliligawan nyo na
agad? Ang bata pa niya."
"She's nineteen," nanlaki ang mga mata ng babae sa akin.
"She looked fourteen!"
"Maraming nagsasabi, mana sa kanyang Daddy."
Pansin ko na magaling si Daddy makipag-usap at wala man lang ito naging
problema sa mga tindahan na pinuntahan namin.
"Ano mga pagod na? Manliligaw pa kayo?" biro ni Daddy sa dalawa.
"Sanay akong mag-deliver Tito, si Ahmed ang tanungin nyo. Laging naka-
aircon sa bakeshop niya."
"Nag-bukid rin ako Triton, don't underestimate me."
"Calm down boys, may last trip pa tayo."
Mas matagal ang biyahe namin sa huling pupuntahan namin. At nang
makarating na kami, dito lamang sinabi ni Daddy na hindi na tindahan
kundi malaking bahay ang dadalhan namin.
"Seriously? Nag-order po tito sa inyo sila Troy?" tanong ni Triton habang
nagsisimula nang magbukas ang gate.
"His grandfather,"
"Oh, so this is Troy Ferell's house?" humahangang tanong ko.
Buong akala ko ay sa tv lang ako makakakita ng isang parang mala-mansion
na bahay. Mayroon pala nito sa Leviathan?
Umikot ang truck namin sa malawak ng pabilog na daan. I saw a large
fountain with lively falls.
"Ang ganda naman sa bahay nila,"
Tumigil ang truck namin sa limang magpipinsan na nakahilera na at mukhang
alam na may dadating na buko.
"Ano ba ang gagawin ni Warden sa buko?"
"I don't fucking know, basta magbuhat na kayo."
Gulat rin sila nang bumaba si Triton at Ahmed.
"Anong meron? Bakit mga naging kargador kayo?" tanong ni Troy.
Lumapit na si Daddy, sinalubong siya ng mukhang antukin sa kanila. I
forgot his name.
"Tumulong na kayo, Troy. Ang dami nyong order na buko, matagal pa naman
ang fiesta dito hindi ba?"
Kaya ang nangyari, tulong-tulong silang pito sa pagbubuhat ng maraming
buko habang binibilang ko.
"Tito Paul, hindi po ba muna kayo kakain sa loob?" tanong ulit ng kausap
ni Daddy kanina.
"No, nagmamadali kami. Nag-deliver lang kami. Pakisabi na lang sa lolo
mo, salamat."
"Sige Tito, salamat din po."
"Baka maasim ang buko na ito Euphie, ibabalik namin sa inyo." Umirap ako
sa sinabi ni Troy.
Dahil halatang napagod si Triton at Ahmed, tahimik na ang buong biyahe.
Nakatulog na rin ang mga ito.
"Ang hirap pumili anak, hindi ba?"
"Have you been in this kind of situation Daddy?"
"Yes, and I chose your mother because I'm in love with her. At hindi ko
pinagsisihan 'yon hanggang ngayon. I hope you'll do the same, anak."
--
VentreCanard
Chapter 34
Chapter 34
Bumalik sa dati ang lahat. Yes, I'm now happy with the presence of Ahmed
and Triton around, but the setup isn't healthy.
Kahit ilang beses kong hilingin na sana bumalik na lang sa dati ang
lahat, hindi na mangyayari.
The friendship, the laughter between us three shattered into pieces. When
I chose Ahmed, sinaktan ko si Triton. I even hurt our own families, hindi
man namin gustong isali sa ganitong usapan ang aming mga pamilya, hindi
maiiwasan.
We've grown together, we've grown attached. Bawat desisyon ko na
konektado sa isa sa kanila, siguradong maapektuhan ang pamilyang mayroon
sila.
"Mommy, I think I have my answer now."
Lumingon ako kay mommy na katulad ko ay nasa terrace ng kwarto ko. Kung
dati ay nagmadali ako sa pag-aakalang hindi ako makakasakit ng tao, sa
pagkataong ito alam kong nasa tamang panahon ang desisyon ko.
"You know mom, I've realized that the best development will always come
within yourself. Your own discoveries, your own searching, your own
curiosity and your own will to improve in your own. Bagay na kulang sa
akin." Halos mabitawan ni mommy ang hawak niyang tasa nang marinig niyang
nagsalita ako.
She didn't expect that her baby will say this kind of words.
I just realized that it wasn't just my parents, my family, friends,
Triton and Ahmed. Everything was actually my fault, it was my choice not
to develop sooner, and it was my choice to have my long time stop over
because I was afraid of growing up.
Natatakot akong tumayo sa sarili kong mga paa, natatakot akong hindi
dumepende at natatakot akong mahirapan.
A kind of behavior that made me weak, a kind of behavior that made
everyone suffer. Pagkakamali kong lumipas nang ng ilang taon bago ko
malaman.
I gave my mom my whole answer. Hindi na ako nagulat nang makitang umiiyak
si mommy habang pinakikinggan ang mga sinasabi ko.
"Oh my baby girl is growing up. You're now being a lady, Euphiemia."
Yumakap sa akin si mommy mula sa aking likuran.
"Right now, I need to learn more, I need to discover more about life and
I need to know myself more than anybody else, Mommy."
"I'm so proud of you, Euphie. You're really growing up." Tipid akong
ngumiti kay mommy.
"Not really, marami pa po akong kailangang malaman."
Nang mas maramdaman namin ni mommy ang lamig ng hangin pumasok na kami sa
aking kwarto. Pansin ko na nakahanda na ang isusuot kong dress para sa
pag-attend ng graduation ni Triton at Ahmed.
Tomorrow's their graduation day. At dito ko na rin nagpagpasyahang
sabihin ang sagot ko.
"Everything will be fine, Euphie." Humalik si mommy sa aking noo bago
niya ako iwanan sa aking kwarto.
I simply glanced on my bedside table. Nakapatong dito ang picture namin
tatlo ni Triton at Ahmed, mga panahong magkakaibigan lamang kami.
***
Dahil kapwa nasa business department si Ahmed at Triton sabay ang oras ng
graduation nila.
Ahmed pulled me near the entrance of our school gymnasium, nandito ang
wallpaper ng school logo namin.
"Say cheese!" ngiting sabi sa amin ni Tita.
"Happy graduation Ahmed," I greeted him with a big smile.
"Thank you, Soren. You're so beautiful today." Pinisil nito ang ilong ko.
Mahigpit akong niyakap ni Ahmed habang paulit-ulit kaming ngumingiti sa
camera. My mom is silently smiling at me.
Nasa akto kami ni Ahmed na magbabago ng posisyon nang marinig ko pagtawag
ni Triton kay mommy.
He's smiling widely while holding his graduation cap.
"Tita Eunice! Si Euphie po---" he stopped when he saw.
"Oh sorry, mamaya na lang siguro! Congratulation Ahmed!" tipid na
sumaludo sa amin si Triton at nagmadali itong humalo sa dagat ng mga tao.
"Tri" nang nagsimulang humakbang ang paa ko ramdam ko ang kamay ni Ahmed
sa balikat ko.
"So it's really him, right Euphie?" hindi ako agad nakasagot kay Ahmed.
"Mom, susunod na lang kami ni Euphie. Please?" ngumiti lang sa amin ang
parents ni Ahmed bago ang mga ito tumango.
Tumango rin sa akin si mommy.
Ahmed immediately grabbed my hand and he pulled me inside our gymnasium.
Nagsisimula nang maubos ang mga tao, they're all excited for their own
graduation party.
"This will end here, Euphie. I know. I tried to win you, pero hindi na
pala talaga kaya. I regretted letting you go before, sana pala hindi na
lang kita pinakawalan. Sana niyakap na kita nang mga panahong, ako ang
pinaniniwalaan mong gusto mo. I shouldn't have act so noble."
"I'm really sorry, Ahmed. Sorry." This time I didn't cry in front of his
eyes.
Sa halip ay pinili kong salubungin ang titig niya.
"Habang sabay pa kaming nanliligaw ni Triton, ramdam ko na. But yeah, I
tried, I really tried or maybe I just continue to make Triton's life
quite harder." Nagkibit balikat sa aking harapan si Ahmed at ibinuka nito
ang kanyang mga braso sa akin.
"Now give me a hug, I don't like dramas in my graduation." Tipid akong
ngumisi kay Ahmed at mabilis ko siyang niyakap.
I buried my face on his chest and embrace him so tight.
"I'm sorry.."
"Nah, you should congratulate me."
"C-Congratulations.." ramdam ko ang halik niya sa ibabaw ng ulo ko.
"Life's so unfair," marahan nitong hinaplos ang buhok ko.
Habang nagsasalita si Ahmed, hindi ko mapigilan ang pagkirot ng dibdib
ko. His voice and words were so calm, na mas nagpapahirap sa akin.
Because I knew that behind his calmness is sadness and pain.
"I was the first prince who pricked his finger, ako naman ang unang
natusok ng karayom Euphie." Natatawang sabi nito.
"I find it really cute when you told me that you're favorite disney movie
was sleeping beauty, lalo na nang maalala ko ang una nating
pagkakakilala." Tipid akong ngumiti sa alaala namin ni Ahmed.
"But Ahmed, you're really my first love." I'm sure of it.
"I know, but first love isn't the sweetest all the time." Yumuko ako sa
sinabi niya.
Pero hindi niya ito pinatagal, marahang inangat ni Ahmed ang mukha ko at
sinalubong niya pa rin ako ng ngiti.
"I was really pricked by a damn needle, Euphie." He slowly brushed my
cheek.
"But pretty bad for me, my beautiful princess chose to mend someone
else."I looked into his eyes and my heart ached seeing the pain mirrored
in his orbs.
"I love you," humalik sa aking noo si Ahmed. "I need to go first, sundan
mo na siya. He's actually the baby, it's not you Euphie."
Naiwan akong tulala sa loob ng gymnasium ng iwan ako ni Ahmed. I was just
standing there for a minute before I realized that I should look for
Triton.
I texted him.
Sinabi nitong wala na siya sa school, he's there waiting at the
playground of our subdivision.
It took about thirty minutes before I finally reached the playground.
Naka-itim na toga pa rin si Triton habang paulit-ulit nitong inihahagis
ang kanyang cap.
Bahagya niyang iginagalaw ang duyan habang dahan-dahan akong naglalakad
papalapit sa kanya.
"Triton.."
Natigil ang paghagis niya ng kanyang cap nang marinig niya ang boses ko.
Hindi siya tumayo sa duyan at hindi man lang ito kumibo para lingunin
ako.
I made my few steps towards him.
"H-Happy graduation Triton!"
"And my gift?"
Dahan-dahan na akong nakalapit at naupo ako sa libreng duyan. My heart is
beating so fast while waiting for his gaze.
"So any news?" muli nitong itinuloy ang paghagis ng kanyang cap.
"Triton..I.. I.."
Nang sandaling lumingon na siya sa akin, halos tumigil ako sa paghinga,
nawala ang ingay na nagmumula sa duyan at tanging tibok ng puso ko na
lamang ang aking naririnig.
The blowing wind gives me a different kind of chills, isang uri ng
panlalamig, matinding kaba na may kasamang kasiyahan.
Nanatiling nakahawak ang mga kamay ko sa duyan habang magkatitigan na
kami ni Triton.
"I'm sorry for" tumayo na rin Triton nang marinig niya ang una kong
salita.
"Hanggang dun na lang Euphie, wag mo nang tapusin. Shit." Inihagis niyang
muli sa ere ang kanyang graduation cap pero sa pagkakataong ito ay hindi
na niya nasambot.
"Why not me?" iritado niyang sinabunutan ang kanyang sarili. "Let's go
home Euphie."
Tumayo na rin ako mula sa aking duyan.
"Si Triton, hindi pinapatapos magsalita si Euphie." I used my usual tone.
"M-Masakit Euphie, don't make this hard for me. Mauulit nang mauulit sa
isipan ko na basted na naman ako."
"Basted? Hindi naman kita binabasted. Who told you?" agad itong lumingon
sa akin nang sabihin ko ito.
"You were just telling me that you're sor"
Naiwas ako ng tingin sa kanya, hindi pa rin ako bumibitaw sa duyan habang
marahan ko itong iginagalaw.
"I am not matured enough, Triton. B-But I think, I can baby you..a
little. Just a little." I made small gesture using my fingers giving him
a form of a little.
Ramdam ko ang tindi nang pag-iinit ng pisngi ko habang sinasabi ko ito.
"H-Holy motherfucker,"
"I hate baby's with foul mouth, though." Nakangusong sabi ko.
Dalawang beses na nag-alangang humakbang patungo sa akin si Triton, pero
sa ikatlo ay halos tumakbo na ito sa akin.
Hinawakan nito ang magkabila kong kamay na nakahawak sa duyan. And I
didn't wait for another second just to feel his soft lips on mine.
Ngumisi sa akin si Triton nang pakawalan niya ang mga labi ko.
"My sweetheart is blushing,"
"B-Bigla ka na lang umalis kanina."
"Umiiwas lang ako sa selos, sa gulo. I avoided conflict." He sat on the
swing, natigilan ako nang ilang beses niyang tinapik ang kandungan niya.
"Triton.."
"But you told me" sumunod na ako sa kanya. I sat on his lap.
He placed his chin on my right shoulder.
"So..am I a good boy now? Umiwas si Triton sa gulo kanina." I nodded.
"So baby me now, Euphie.."
I said these words, kailangan kong panindigan. Nangangatal pa ang mga
kamay kong humawak sa kanyang magkabilang pisngi.
Triton's eyes are now sparkling the way he stares at me. I closed my eyes
until I softly kissed the tip of his nose.
I saw how his face reddened in an instant.
"Happy graduation, sweetheart. H-How can I spoil you?"
--
VentreCanard
Chapter 35
Chapter 35
Hindi kami umalis ni Triton sa playground. Nanatili kami sa aming mga
posisyon.
I'm still seated on his lap while he's playfully moving the swing.
"Euphie will spoil me," ilang beses na niya itong sinabi simula nang
sabihin ko ito sa kanya. Then he'll laugh a little after saying these
words.
"Triton, paulit-ulit ka na lang." Nakangusong sabi ko.
Alam kong kanina pa siyang nakatitig at pinagmamasdan ako, pero simula
nang itanong ko sa kanya kung paano ko siya i-spoil, hindi na ako
makaharap sa kanya.
"My sweetheart will spoil me," ulit muli nito.
Pahina na nang pahina ang pagbulong-bulong sa akin ni Triton na iisa
naman ang mga salitang sinasabi.
At pagkakatapos niyang ulitin ang kanina pa niyang salita, lalaruin niya
lang naman ako na parang isa siyang naglalambing na bata.
He repeatedly plays the tip of his nose on my right cheeks.
"Love..love.." nagtindigan ang mga balahibo ko sa batok nang sinadya ni
Triton na marahang ilapat ang kanyang mga labi sa aking pisngi habang
kung ano-anong kalambingan ang kanyang sinasabi.
I think I'll have my stiff neck one of these days. Hindi ko na magawang
makalingon kay Triton.
Kung hindi niya ilalaro sa pisngi ko ang dulo ng kanyang matangos na
ilong, ilalagay niya naman ang kanyang mukha sa balikat ko.
"Sweetheart, am I dreaming?" Of course not!
Pero paano pa ako makakasagot sa kanya? I can't even utter a single word
because of his clingy gestures.
"Euphie.. love love mo si Triton?" hinuli nito ang isa kong kamay.
And he intertwined our fingers together while he's waiting for my answer.
"Y-Yes.."
"You'll kiss me everyday?" umawang ang bibig ko sa tanong niya.
"Why everyday Triton?" nangangatal pa ang boses ko.
Ilang minuto pa lang ang lumilipas nang sabihin kong siya ang pinili ko,
pansin ko ang bilis na ng pag-iiba ni Triton.
From a graduate college to a kindergarden, innocent baby boy.
"I thought you'll spoil me? Love love mo ako, hindi ba?" nagsimula nang
maghinanakit ang boses ni Triton na parang isang batang inagawan ng
sandwich ng kanyang kaklase.
"Triton naman! Stop that baby talk, please." Ngumisi siya sa akin nang
halos makita niyang mapapadyak na ako kung papaano ko siya kakausapin.
Tinanggal ni Triton ang isang braso niya sa bewang ko at binitawan ng
kamay niya ang kamay ko.
He quickly cupped my face.
I slowly closed my eyes when he's about to lean on me. Naramdaman ko ang
saglit niyang halik sa aking noo.
"I.."
Bumaba ang halik niya sa tungki ng ilong ko.
"love.."
Hanggang sa muling kong naramdaman ang mga labi niya sa labi ko. And just
like the recent kiss, it was fast yet sweet.
"you,"
Nag-iinit pa ang pisngi ko nang marahang haplusin ni Triton ang mga labi
ko.
"Euphiemia Soren Arcega, belongs to T. Akin ka na." Triton grinned before
he stuck his tongue out to tease me.
I rolled my eyes before I answered him. Dumila rin ako sa kanya, isang
kilos na pinagsisihan ko.
"Triton!" I shouted.
Ilang beses kong hinampas ang dibdib niya habang hawak ng isa kong kamay
ang pisngi ko.
Triton just bit my cheeks!
"I hate you Triton! Kinagat mo ako." Tawa lamang ito nang tawa habang
sinasalag ang paghampas ko.
"Sorry, nanggigil ako sweetheart. Let's go home, baka kung ano pa ang
magawa ko sa'yo." Umirap ako sa kanya na sinalubong niya lang ng pagtawa.
Naglakad na kami ni Triton pauwi. Nakakailang hampas na ako sa kanya
dahil kung ano-ano na lang ang ginagawa niya sa akin.
Bigla na lamang nito isusuot sa akin ang kanyang graduation hat at
biglang magnanakaw ng halik.
"Triton! Pang apat na 'yon!"
"Pang apat na ba?" he tried counting his kisses innocently with his
fingers.
"Bring back my hat," hinubad ko ang sombrero niya at inabot ko sa kanya.
"Isuot mo sa akin, Euphie. Masakit na ang kamay ko." Mahinang sabi ni
Triton sa tonong parang kinawawa naman siya.
"Bakit sumakit?" tanong ko.
Sinilip ko ang kamay niya pero mukhang wala namang problema.
"Isuot mo na lang sa akin,"
"Yumuko ka, hindi ko abot Triton."
"Masakit ang tuhod ko sweetheart." Kumunot na ang noo ko.
"Bakit bigla naman yatang sumakit ang kamay at tuhod mo, Triton?"
"Euphie, sige na. I need to wear my graduation hat."
Wala akong nagawa kundi ilang beses na tumalon habang pilit isinusuot kay
Triton ang graduation hat niya.
Sa bawat talon ko, biglang lalapit ang mukha ni Triton sa akin dahilan
kung bakit ako nakakatanggap ng halik sa iba't-ibang parte ng mukha ko.
Nakakalimang talon na ako at limang halik si Triton pero hindi ko pa
naisusuot ang sombrero.
"Triton! Stop kissing me!" itinulak ko na ang dibdib niya at iritado ko
siyang tinalikuran.
Tumatawa siya habang hinahabol niya ako sa paglalakad.
"Pikon?" bahagya na itong yumuko para salubungin ang mukha ko.
This is the best opportunity. Mabilis kong inangat ang kamay ko at agad
kong isinuot ang graduation hat niya.
"It's back, silly Triton." I stuck my tongue out.
Nang sumingkit na ang mga mata sa akin ni Triton dito na kusang tumakbo
ang mga binti ko.
We were laughing at each other when we arrived in front of their house.
"Happy graduation Triton!"
Sabay-sabay na bati sa kanya ng pamilya niya. Mabilis nakalapit si Tita
Taliya kay Triton para halikan ito sa kanyang pisngi.
Tinapik naman ni Tito ang balikat ni Triton, habang sila kuya Tyrell at
Travis ay bigla na lamang sabay hinawakan si Triton at guluhin ang buhok
nito.
Tanging si Trent lamang ang hindi lumapit kay Triton dahil sa akin ito
lumapit.
"Ate Euphie, mommy prepared lots of food. Let's eat! You seat beside me!"
Bigla ko na lamang naramdaman ang braso ni Triton na pumulupot sa bewang
ko.
I saw how Kuya Tyrell and Travis grinned. Trent pouted while Tita Taliya
and Tito's eyes were sparkling from excitement.
Ilang beses tumikhim si Triton, habang nagwawala ang dibdib ko sa bilis
ng pagtibok nito.
Triton made his favorite gesture, he leaned his head on my shoulder while
still looking in front of his family.
"I got her at last, Euphie's now my girlfriend."
Kita ko kung paano napasuntok sa hangin na may kasama pa na pagtalon ang
dalawang kuya ni Triton, I even heard the words sa wakas.
Ngumiti sa amin si Tito at Tita habang may nag-iisang tao na hindi sang-
ayon sa sinabi ni Triton.
"What?" unti-unting humikbi si Trent hanggang sa tumakbo ito sa binti ni
Tita Taliya at nag-iiyak.
"Trent's first heartbreak," natatawang sabi ni Kuya Tyrell.
"Mang-aagaw ka talaga Triton, si Trent naman talaga dapat ang boyfriend
ni Euphie e. Kawawa naman si Trent." Pinanlalakihan na ng mata ni Tita
Taliya ang dalawa niyang anak dahil ginagatungan pa ng mga ito si Trent
para umiyak.
Nakarating kami sa dining area na masama pa rin ang loob ni Trent kay
Triton. And they're having an eye fight.
"Triton, Trent," tipid na sabi ni Tito.
"Lagi nga silang magkaaway ni Triton, silang dalawa rin naman ang laging
magkasama. Come on, stop the fight brothers. Ma! Ang mga baby natin
magkaaway na naman." Nagtawanan kami sa sinabi ni kuya Travis.
Yes, hindi lang naman ako ang kung ituring ay baby ng mga magulang. Also
Triton!
Hindi ko lang napapansin noon, Tita Taliya treats Triton like Trent.
Kahit si Kuya Tyrell at Travis ay ganito rin kay Triton.
"He's still a kid, nakikipagkumpetensiya sa akin. Tapos ginagatungan niyo
pa. Euphie's mine, bawal hati. Kahit kapatid." May paghilig pa sa akin si
Triton.
Hindi man lang naiilang si Triton, samantalang ako ay hindi na makatingin
sa kanyang buong pamilya.
"What about your parent's Euphie? Hindi ba sila pupunta dito?"
"I messaged my mother, susunod na daw po sila."
Nagsimula na kaming kumain, pinaglagay pa ako ni Triton ng pagkain kahit
naabot ko naman ang plato.
Naiiling na lang sa amin ang kanyang mga kuya habang parang wala nang
nakikita si Triton.
"Taliya, manang-mana sa'yo si Triton. Ganyang-ganyan ka sa akin noon,
hindi ka na makausap kapag katabi mo ako."
"Wow," kumento ni Tita Taliya.
"Wow," sabay na sabi nila Kuya Tyrell at Travis.
"Ang cute cute naman kasi ni Euphie, simula bata pa lang crush na crush
na ni Triton. Pagbigyan nyo na ang anak nyo, mom, dad. Hopeless. Ilang
taon rin 'yang torpe." Muling sabi ni Kuya Tyrell.
Natawa si kuya Travis, ngumisi si Tita Taliya at nailing lang si Tito.
"Seriously guys? Pinag-uusapan nyo ako sa mismong harapan ko. Today's my
graduation, let me be happy."
Dumating na din si mommy at daddy, Triton told them that we're already
official. Pansin ko na hindi man lang nagulat ang mga magulang ko.
They're still my parent's afterall.
Naging matagal ang kwentuhan at sayahan ng lahat, bago kami magpaalam.
Hindi na kami nakapag-usap nang kami lamang dahil siya ang sentro ng
usapan at kailangan niyang sagutin.
Tanging pagngiti na lang sa isa't-isa ang nagawa namin bago kami
maghiwalay. Hindi naman ito mahirap dahil magkapitbahay lang naman kami.
But just like the old times, I heard a familiar noise coming from my
terrace. Ngumiti ako at nagmadaling bumaba sa kama.
I opened my curtain and my glass door.
And there, I saw my prince sitting on the baluster with a red rose on his
hand.
"Triton, gabi na."
He jumped in front of me, mabilis niyang nahagip ang kamay ko para ibigay
ang bulaklak.
"Sweetheart, patulugin mo naman ako. Triton can't sleep."
--
VentreCanard
Chapter 36
Chapter 36
"You'll sleep here?" hindi na ako muling nakahakbang papalapit sa kanya.
Sa halip na magsalita, tumango lamang sa akin si Triton bilang sagot sa
akin.
"P-Paano kung mahuli tayo, Triton? Magagalit sila mommy at daddy."
"Uuwi rin naman ako, Euphie."
"P-Paano ka makakatulog? Uuwi ka rin naman pala."
"Oh, okay. Uuwi na ako. I'll leave the rose here. Muntik pa akong mahulog
sa puno sa pag-akyat ko dito, tapos pauuwiin rin pala ako. Spoil daw.."
bulong nang bulong si Triton habang nagsisimula siyang bumaba.
I bit my lower lip while hearing his complaints. Bakit naririnig ko pa
ang pagbulong-bulong nitong si Triton?
"Triton wait! Sige na, sige na. Just be quick, okay? Hindi matutuwa si
mommy at si daddy."
Hindi ako bumilang nang minuto dahil mabilis nakabalik si Triton,
nakatalon pa ito na parang sanay na sanay na sa pagtalon-talon sa mga
akyatin.
Minsan na napapaisip na rin ako, masyadong malaki ang distansya ng puno
sa terrace na kwarto ko, ang galing pala talaga ni Triton mag-akyat
bahay.
Tumigil si Triton sa harapan ko at iniharap niya sa akin ang isang
tangkay ng pulang rosas.
"A beautiful flower for my fat cheeks," aabutin ko na sana ang bulaklak
sa kanya nang tumikhim ito.
"I mean, a rose for my girlfriend." Bahagyang nilaro ni Triton sa tungki
ng ilong ko ang rosas bago niya ito inabot sa akin.
"Tulog na tayo Euphie, antok na si Triton." Lumambot muli ang boses ni
Triton bago ito yumakap sa akin.
Halos mapatili ako nang muntik na kaming matumba.
"Triton, walk straight. Matutumba tayo." Hindi nakikinig sa akin si
Triton.
Dahil nakangisi na ito at nilalaro na naman ang pisngi ko.
"You smell so sweet, Euphie." Tinakpan ko ang mukha nang mas maramdaman
ko ang init ng hininga niya sa leeg ko.
"Triton, please? Walk straight, para ka namang lasing e!" reklamo ko.
Humalik siya sa pisngi ko bago siya tumayo ng tuwid, kapwa na kami
nakaharap sa aking kama.
"May lamok ba sa kwarto mo, Euphie?" tanong ni Triton.
"I'm sorry, nasanay kasi ako na nagkukulambo. Hindi na natanggal, hindi
ako makatulog kapag wala." Ilang beses tumango si Triton sa sinabi ko.
Nauna na akong sumampa sa aking kama. Inaayos ko ang mga unan ko para may
magamit si Triton.
He's still there, standing and watching me.
"Come here na po, mahal na prinsipe." Kahit malamlam na lampshade na
lamang ang ilaw ko, pansin ko pa rin ang pagngisi ni Triton sa akin.
"Mahal na prinsipe huh?"
"Hindi ba? Ano ka? Akyat bahay?" tanong ko.
Umiling sa akin si Triton habang dahan-dahan na itong lumalapit sa aking
kama.
He's grinning while slowly pulling up the white net against us.
"Mangungulambo ako ngayong gabi."
"W-What?"
Agad nang nakasampa si Triton sa aking kama. He quickly pulled me against
him and he immediately covered our body with my thick blanket.
"Ang lamig lamig pala ng aircon nyo, Euphie."
Triton preferred to positioned lower, para nakasiksik siya sa leeg ko.
Wala siyang pakialam kahit lumagpas na ang paa niya sa kama.
"Triton, pumunta ka sa unan. Lampas ang paa mo sa kama."
"Hindi ako makakatulog, sweetheart." May tono na naman ang boses niya.
Sa ilalim ng kumot ay mahigpit na nakayakap sa akin si Triton. Paano
naman ako makakatulog?
"Pero ano ang mangungulambo? I don't get you, gumagawa ng kulambo? Gabi
na sa paggawa ng kulambo Triton." He chuckled.
"I was just kidding, Euphie. Saka na kita kukulambuin kapag kasal na
tayo."
"W-What? Anong kukulambuin, Triton?" hindi siya sumagot sa akin.
"Triton?"
"Triton.."
"Huwag mo akong gisingin, Euphie. Patutulugin mo ako, hindi ba?"
"Ano nga 'yong sinasabi mo?" bumuntong hininga si Triton.
Sa pagkakataong ito ay bumitaw siya sa akin at nagsimula na siyang humiga
sa kanyang unan.
"Saka na ako mangungulambo, Euphie kapag hindi ka na inosente. But right
now, you should focus on how to spoil me."
Sa huli hindi rin kami agad natulog ni Triton. We played card games at
hirap na hirap ako sa paglalaro dahil sa posisyon namin ni Triton.
How come that we'll be having a nice card game, kung ang kalaban ko ay
nakayakap sa likuran ko?
"Triton, nakikita mo naman ang cards ko. Humiwalay ka muna saglit. Sa
harapan ka muna. Parang ano naman ang paglalaro natin."
"Hindi ko nga tinitingnan, fat cheeks. Ayaw mo lang yata magpayakap sa
akin, uuwi na lang ako."
"Kanina pa akong natatalo, Triton. Nakikita mo ang cards ko. Lipat ka
muna kasi."
"Huwag na, ayoko na. Huwag na tayong magbaraha Euphie kung wala nang
yakap."
"Ang clingy mo," umawang ang bibig ni Triton sa sinabi ko.
"A-Ako clingy?"
"Oo,"
"Hindi ako clingy, Euphie." Pagtanggi ni Triton, pansin ko na bigla
siyang napaisip sa sinabi ko.
Hinihintay ko siyang magsalita nang hindi ko na mapigilan ang paghikab.
Inaantok na talaga ako.
"Matulog na tayo, Euphie."
Si Triton na ang unang humiga sa kami. He lay his arms, para ito mismo
ang aking gawing unan.
"Goodnight Euphie,"
"Goodnight Triton,"
Si Triton na ang pumatay ng lampshade at isang halik sa aking noo ang
tuluyang nakapagpatulog sa akin.
Pagkagising ko, wala na si Triton sa tabi ko pero amoy ko pa rin sa aking
unan ang bango niya.
Triton's usual scent.
Hindi ko na hinintay pa na pumasok sa kwarto ko si mommy dahil nagmadali
na akong nag-ayos ng sarili bago bumaba mula sa aking kwarto.
Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng hagdan, rinig ko na ang tawanan ni
mommy, daddy at ni Triton sa kusina.
Ang aga naman niya!
"Triton, you're so early. Hindi pa ako nakakapag-ayo" natigil ako sa
sasabihin ko.
Agad akong napatungo, kasabay nang pag-iinit ng pisngi ko. Of course,
he's always this early! Nagdedeliver nga pala si Triton ng tubig!
Narinig kong tumawa si mommy.
"Good morning, fat cheeks. How's your sleep?" tanong sa akin ni Triton.
He's now wearing his usual delivery outfit. Pogi ni Triton.
"Maaga yatang nagising ang baby ko," humalik sa noo ko si mommy.
"Napasok po kasi ng lamok ang kulambo ko, kagabi mommy." Muntik nang
mawalan nang balanse si Triton sa isinagot ko kay mommy.
"Oh my, hindi ka naman nakagat anak?"
"H-Hindi naman po,"
"Tita, pwede ko po isama si Euphie mamaya?"
"Saan tayo pupunta?"
"Date," dumila sa akin si Triton.
"Si Euphie ang tanungin mo, Triton."
"Hindi ako sasama," pang-aasar ko sa kanya.
"Bakit hindi ka sasama sa akin? Ibibili naman kita ng bagong kulambo.
Baka may butas na tita ang kulambo ni Euphie."
Bakit biglang bumalik sa akin ang pang-aasar?
"So sasama ka?"
"Anong oras?"
"After lunch, hintayin lang natin ang driver ko."
"Dito ka na mag-almusal Triton,"
"Thanks Tita,"
"Basta, no monkey business Triton. I trust you, Euphie's still a baby."
"I know Tita, I know. Baby pa rin naman po kasi ako.."
Natigilan si tita at lumingon ito kay Triton na nakangisi sa akin.
"Baby po ng anak nyo.." umirap na ako kay Triton.
"Hay, kabataan. Nang panahon ko, ang haba ng pila ng mga lalaking gustong
magpa-baby sa akin. Yung daddy ni Euphie ang pinaka-pababy."
"Eunice, agang-aga. Edi wow." Kapapasok lang ni Daddy at may dala itong
tandang na manok.
"May laban po kayo nila Daddy mamaya?" tanong ni Triton.
Here we go again, our the daddies the ultimate sabungers in town.
"Kung nalaman ko nang mas maagang sabungero 'yang Daddy mo, Euphie hindi
ko 'yan ibi-baby. Kaya ikaw Triton, huwag na huwag ka gagaya sa tito mo
at sa Daddy mo. Mga sabungero!"
"No, hindi po talaga ako mahihilig sa manok. Baka po patayin ako ni
mommy." IIang beses pa umiling si Triton.
"Good boy," hindi nagtagal ay sumunod rin naman si mommy kay Daddy nang
lumabas ito sa kusina.
"Sinong driver? Don't tell me si Troy Ferell na naman."
"Siya nga," napatuwid ako sa pagkakaupo nang kumpirmahin ito ni Triton.
"Pagtutulungan nyo na naman akong i-bully!"
"Kailan kita ni-bully, Euphie? Love love nga kita. Love na love."
Suminghap ako nang agad tinawid ni Triton ang malaking distansya namin sa
lamesa.
Nakanakaw na naman ito ng halik.
"Triton! Baka mahuli tayo ni mommy.." nakailang lingon ako sa may
pintuan.
"They won't, naglalambingan na rin siguro ang mommy at daddy mo. Ganun
din si mommy kay Daddy kapag nagseselos sa mga manok."
Sabay kaming ngumisi ni Triton, sa ganitong bagay talaga kami
nagkakasundo ni Triton.
Pareho kaming lumaki na may mga daddy na mahilig magsabong.
"Pero ang driver mo, mas mayaman pa sa ating dalawa Triton. Mabuti at
pumayag? He hates me."
"Really? He likes you, kasi alam nyang ikaw ang sweetheart ko."
"Hindi Triton, malaki ang galit sa akin ng bestfriend mo. Why am I having
a feeling na may crush sa'yo si Troy kaya galit siya sa akin?"
"What the fuck?" isang malutong na mura hanggang sa halos hindi na
makahinga si Triton sa pagtawa.
"I'm telling you the truth, I think he's gay."
"Magpapaputol ako ng daliri kapag naging bakla si Troy, come on. Ikaw
yata ang may galit sa kanya Euphie. He's a good guy, trust me."
"Hanap ka na lang ng ibang driver natin, Triton. Inaaway ako ni Troy
kapag hindi ka nakatingin!"
"Really? Aawayin ko rin siya kapag inaway niya ang sweetheart ko."
"Basta wag" biglang tumunog ang telepono ni Triton.
"Speaking of the devil,"
It's a video call pa sila.
"Anong oras? Pa-kotse ko na nga, pa-gas ko pa tapos ako pa ang driver?
Ayos ka rin Triton."
"Tutulungan naman kita kay Laura, mamayang 1pm."
"Hindi ko na kayo susunduin, magkita na lang tayo sa boundary ng Enamel
at Leviathan. Tang-ina, hindi na ako pupunta dyan sa Enamel. Nagiging mga
pabebe ang mga lalaki dyan, mga kabaklaan nyong mga taga Enamel kayo.
Baka mahawa ako."
"Sabihin mo, bitter ka lang. Sige, kumakain pa kami ng almusal ng
girlfriend ko. Ikaw meron?"
"Hindi naman ako pabebe!" pinatay na ni Troy ang tawag.
"Seriously, you have a very weird friendship." Ngumisi lang sa akin si
Triton bago niya itinago ang kanyang telepono.
"But he's one of the happiest when I announced that I got you. He'll
definitely be our bestman, kapag kinasal na tayo Euphie."
--
VentreCanard
Chapter 37
Chapter 37
Tulad nang napag-usapan, hindi na nga pumunta pa nang Enamel si Troy.
Nagpahatid pa kami ni Triton kay Daddy sa may boundary ng Leviathan at
Enamel.
"Anong dalang sasakyan ng kaibigan mo Triton? Saka na kayo lumabas ng
sasakyan ni Euphie kapag nandyan na siya. Mainit sa labas." Pansin ko ang
pagkamot sa ulo ni Triton mula sa rearview mirror.
Nakatingin ito sa kanyang telepono at ilang beses na itong pumipindot
dito.
"Something's wrong Triton?"
"He's not replying sweetheart, pang-asar talaga si Troy."
"Sabi na sa'yo e!" I blurted.
"Or do you want me to be your driver?" tanong ni Daddy na nakapagpatigil
sa amin ni Triton.
A date with your boyfriend, kasama ang Daddy?
"Daddy naman.." nakangusong sabi ko.
"A-Ano Tito.." hindi ko pa man sinisilip ang reaksyon ni Triton, base pa
lamang sa pagkautal na boses niya alam kong hindi na ito sang-ayon.
Sabay kaming lumingon ni Daddy kay Triton.
He's speechless.
"I-Ikaw na lang po?"
Hinintay namin sumagot si Daddy pero humalakhak lang ito sa amin.
"I've been there, son. Don't worry, darating naman siguro ang kaibigan
mo. Hindi ko rin gustong makita na unti-unti mo nang inaagaw ang baby
girl ko." Madramang sabi ni Daddy na pinisil ang pisngi ko.
"Hindi ko naman po siya aagawin, she's still your baby. Right Euphie?"
mabilis akong tumango kay Triton bago ako ngumisi kay Daddy.
"Just promise me Triton, no monkey business. Gaya nga ng sinabi mo, my
little girl is still a baby. But I trust you, hijo." Daddy said with
affirmation.
"Of course Tito, I am a good boy. Hindi ba Euphie?"
"Y-Yes, he's a good boy Daddy." Ramdam kong biglang nag-init ang pisngi
ko.
Good boy naman talaga si Triton, hindi naman siguro masama ang pumasok sa
kulambo ko? Natulog lang naman kami nang sabay. And Triton didn't do
anything that night.
Pumunta siya sa kwarto ko para patulugin ko siya, pero mukhang
kabaliktaran ang nangyari sa amin ni Triton kagabi.
We're in the middle of waiting for Troy's whatever car when we heard
Triton's phone.
"Where are you? Kanina pa kaming nandito ni Euphie, I gave you the exact
time." Agad na salubong nito sa telepono.
Ilang minuto muna silang nagtalo ni Troy bago nito ibinaba ang tawag.
"Pupunta siya?" nagtatakang tanong ko.
"He's here,"
May pumarada sa aming harapan na kulay itim na Ford Ranger.
"Apo ni Don Ferell ang kaibigan mo, hindi ba Triton?"
"Yes, the youngest. Yung nachichismis po na magmamana ng lahat. My rich T
bestfriend." Ngising sagot nito kay Daddy.
Ilang beses lang naman tumatango si Daddy habang nakatingin sa unahan.
"Let's go sweetheart. Bye Tito, salamat po." Lumapit sa akin si Daddy,
mabilis akong humalik sa kanyang pisngi.
"Ingat sa pagda-drive Daddy. Uuwi rin ako mamaya."
"Mag-ingat rin kayong tatlo."
Si Triton na ang nagbukas ng pintuan ko, inalalayan niya ako, narinig
kong muli siyang nagpaalam kay Daddy bago nito isinarado ang pinto.
Nagtaka pa ako nang nagdiretso si Triton sa backseat.
"Hindi ka uupo sa unahan?"
"Si Troy ba ang date ko? Of course, ang sweetheart ko ang tatabihan ko.
He's the driver." Pinagbukas na ako ni Triton ng pintuan.
Kinakabahan pa ako nang una akong sumampa, tipid lamang akong sumulyap
kay Troy na nasa unahan.
Inaasahan ko nang aasarin na niya ako agad, pero nanatili itong tahimik.
Agad din sumunod sa akin si Triton.
"You're late, Troy."
"Traffic,"
"Kailan pa nagkaroon ng traffic papunta sa Enamel?"
"Ngayon lang, saan ang punta natin?" tanong nito.
"Gusto ko sanang mag-resort."
"W-What? Wala akong dalang damit Triton." Pag-alma ko.
"Pa-sasakyan ko na kayo, pa-gas, pa-drive? Padamit rin? Para saan ang
boyfriend mong hilaw na supplier ng tubig kung hindi ka mabili ng damit?"
"Gago, wag ka ngang bitter." Mahinang sumuntok si Triton sa braso ni
Troy.
"Saan nga tayo?" tanong ulit nito.
I pouted my lips, sinabi ko na kay Triton na hindi magiging maganda ang
date namin kapag kasama si Troy.
"Montenegro Resort,"
"Nice choice, I've been there a lot of times."
**
Nang nagsimula nang mag-drive si Troy, nagsimula na rin sumiksik sa akin
si Triton.
Kanina lamang ay kamay ko ang hawak niya ngayon ay nagsisimula na itong
humilig at yumakap sa akin.
"How's your sleep? Nakatulog ka ba nang maayos kagabi?" tipid akong
tumango.
"H-How about you Triton? Anong oras ka na umuwi kagabi? Your parents
didn't notice?" nang tanungin ko ito ay mas humigpit ang yakap ni Triton
sa akin dahil sa biglaang pag-preno ni Troy.
"Troy! Ano ba 'yan?"
"Sinagot lang kahapon nakatabi na kagabi. Iba rin ang ilang taong torpe.
Nakaka-proud ka na T." Triton just proudly grinned.
"Hindi ka dapat nakikinig sa usapan namin, Troy. That's bad."
"Oo nga naman, that's really bad. Bakit ka nakikinig sa usapan namin ng
sweetheart ko? He's really bad." Natatawang sabi ni Triton.
Nagsimula na ulit itong magpayakap-yakap sa akin. At wala nang pakialam
si Triton kahit mahirapan siya at mangalay sa pilit niyang pagyakap sa
akin.
"Si Troy kulang lang sa lambing ng girlfriend, right Euphie? kawawa naman
si T, mabuti na lang nilalambing ako ng sweetheart ko." Nagsimula na
namang humina at lumambot ang boses ni Triton na parang mas bata pa sa
kanyang kapatid na si Trent.
"Kasi magtatampo ka sa akin kapag hindi kita nilambing, si Triton pa
naman ang nagtatampo ng isang linggo." I answered him with his same tone.
Ako ang nahihirapan sa posisyon ni Triton na pilit yumuyuko sa pagkakaupo
para lamang yakapin ako.
"Because you promised me, am I suffocating? Am I too clingy?" halos
umawang na ang bibig ko sa mga tanong ni Triton.
Yes! Yes! He's clingy and super duper baby! Kaya kami na-babash ni Troy
Ferell.
"Tang-ina ng mga pabebe, mabaog sana ang lahat ng pabebe sa mundo."
Triton chucked while playing the tip of his nose to my neck.
Napapaisip tuloy ako, papaano siya napapayag ni Triton na maging driver
namin?
"Oh, wala nga pala siyang girlfriend. Paano malalambing?"
"Fuck off Triton," tawa lang nang tawa si Triton dahil sa pang-aasar kay
Troy.
Tumigil na kami sa may gasoline station.
"Walang trabaho ngayon? How's your business pala?"
"I'm off to sales, may dumating na silang operation's manager."
"So wala ka na sa biscuitan, Troy?" tanong ni Triton.
"Yeah,"
"So? What's your plan? Ang balita ko naghiwa-hiwalay kayong magpipinsan?"
"Yes, but I'm still into business. Actually, I'm already building my own
empire. Pero syempre maliit pa lang. But I've already signed a contract
to china, we've already settle a laboratory in Shenzhen, China."
Wow, maliit pa lang pero may laboratory na sa China.
"Goods again,"
"Yes, but I'm also planning for service. Itatayo ko sa Dumary." Isa rin
ito sa kalapit probinsiya ng Leviathan.
"Minsan naman maayos ka talagang kausap Troy, bakit lagi ka na lang
inaaway ng girlfriend mo? Is she bad?" hindi ko na napigilang hindi
magtanong sa kanya.
Simula nang dalhin niya kami sa warehouse ni Triton noon, biglang nagbago
ang tingin ko kay Troy.
This Ferell is something like his bestfriend Triton, masipag rin siya
pero hindi halata sa hitsura niya.
"No, she's not really bad Euphie. Bad lang siguro ako sa paningin niya."
Nagsisi ako sa paulit-ulit na pagsasabi sa kanya na bad siya.
Kilala ko si Triton, hindi siya mapapalapit kay Troy kung hindi nga
maganda ang ugali nito. Bagay na hindi ko pinaniniwalaan noon, dahil
matindi ang galit ko kay Troy.
"Come on, don't worry. I'll help you to win her back."
"Nagsalita ang ilang taong torpe. We're here people," nag-U turn na si
Troy.
Sinalubong na kami ng crew at kinausap lang itong saglit ni Troy bago
ituro sa amin kung saan magpapark.
Hindi pinakakawalan ni Triton ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa
receptionist desk.
Nang akma nang lalapit si Triton para siya ang makipag-usap sa
receptionist ako na ang kusang bumitaw sa kanya.
"Pupunta lang ako sa washroom."
"Alright,"
Akala ko ay maliligaw pa ako sa paghahanap kung nasaan ang washroom nang
agad ko na itong makita.
Nagmadali na akong pumasok sa cubicle. Habang nasa loob ko, narinig ko
ang ilang habang ng mga paa.
"Ang popogi ng kausap ng receptionist ngayon."
"Hala? Hindi mo kilala ang isa sa kanila? Regular na nating customer
'yong mestizo."
"Sinong mestizo? Pareho naman silang mestizo."
"Yung nakasuot ng itim na salamin." They're talking about Troy and
Triton.
"Basta ang popogi," hinihintay ko pa na may papuri silang banggitin sa
dalawang lalaking kasama ko nang biglang natahimik ang magkausap na
babae.
Nang lumabas na ako ng cubicle, unang tumama sa aking mga mata ang isang
magandang babae na kasalukuyang nag-aayos sa harapan ng salamin.
Hahakbang na sana ako patungong pintuan nang marinig ko itong nagsalita.
"Hi, c-can you please wait for me? Natatakot kasi akong mag-isa sa banyo.
Please? I'll be quick."
Sumilip muna ako sa labas ng pinto, wala naman sigurong masama kung
pagbibigyan ko ang babaeng ito?
Sa huli humakbang na ako pabalik at mas humarap na ako sa salamin.
Sinubukan kong suklayin gamit ang mga daliri ko ang aking mahaba na
muling buhok.
"So you're with?"
"M-My boyfriend and his bestfriend."
"Oh, that's sounds fun."
"Yes, how about you? May kasama ka?"
"Wala,"
"Bakit hindi ka nagsama? Mas enjoy ang resort kapag may kasama ka sa pag-
eenjoy."
"Siguro sa ibang tao? But not me." Sa pagkakataong ito ay naglalagay na
siya ng lipstick.
"Hmm," tumango na lamang ako.
Nang mapansin ko na tapos na siya, tipid na akong ngumiti sa kanya para
magpaalam. Katulad ko ay gumanti rin siya ng ngiti sa akin.
When I was about to step outside, I heard the small noise coming from the
closing cover of her lipstick.
Kumunot ang aking noo nang may mapansing babaeng humahangos papasok ng
washroom, halos masagi ako nito habang may dalang telepono.
"Emergency call, mistress."
Mistress?
"Thanks sweetie," akala ko ay ang babaeng dumating ang sinasabihan niya
pero nang lumingon ako ay sa akin siya nakatingin.
"I just want to remind you that there is always another side for every
gentle prince."
--
VentreCanard
Chapter 38
Chapter 38
Ilang segundo kaming nagkatitigan ng babae, hindi na ako nagsalita at
tuluyan na akong humakbang papalabas ng washroom.
What does she mean by that? What again?
There is always another side for every gentle prince.
Hindi pa man ako nakakalayo mula sa washroom, nakita ko ang babae at ang
kasama nito na nagmamadaling lumabas ng entrance.
Halos mapatalon pa ako nang lumingon sa akin ang magandang babae bago
niya isinuot ang kanyang itim na shades.
Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib ko, bigla itong pumintig ng
hindi tama, ramdam ko ang pangingilabot ko at ang matinding pagtatanong
sa sarili ko.
Nanatili akong nakatayo habang ang aking mga mata ay nagsisimula nang
gumapang sa maamong mukha ni Triton.
Having a funny conversation with his bestfriend.
"Hindi naman ikaw ang sinasabi niya, Triton hindi ba?"
It might be Troy and she had mistaken me as his girl. Sana ay ganito nga
ang totoong nangyari.
Kung iisipin, may mga bagay pa ba akong hindi nalalaman kay Triton bukod
sa sakit na hanggang ngayon ay hindi namin napapag-usapan?
He stopped chatting with Troy when his gaze met mine.
"Euphie!" Hindi niya ako hinintay na makarating sa kanya dahil siya na
mismo ang naglakad para salubungin ako.
"We got the best spot."
"Great,"
"Yeah great," pinisil muna ni Triton ang ilong ko bago niya ako
inakbayan.
Naglalakad na kaming tatlo, nasa gitna namin si Triton habang abala sa
kanyang telepono si Troy.
"What took you so long?" tanong ni Triton sa akin.
"I just encountered a weird woman."
"What? Weird?"
"She told me this, there is always another side for every gentle prince.
Weird right?" ramdam ko ang biglang pagluwag ng akbay sa akin ni Triton
at ang pagtigil ni Troy sa pagpindot ng kanyang telepono.
This is something I've noticed about these two, they have this unison
reaction. Yes, they'll react differently but their strange movement at
the same time made me realize that they're hiding something.
Triton and Troy's reaction gave me this answer. Isa sa kanila o tamang si
Triton talaga ang tinutukoy ng babae.
Is this something about his health? Or anything else?
"Yeah, that's weird." Tumikhim ito at muling tumingin sa unahan para
magpatuloy sa paglalakad.
"Probably prank." Sabat ni Troy.
They are literally partners in crime.
Nagpatuloy kami sa paglalakad, I think this isn't safe for a starting
relationship to have a puzzle on the platter.
I should enjoy this date with Triton, saka ko na lang siguro iisipin ang
mga salita ng babaeng 'yon.
"You're healthy, right Triton?"
Sa pagkakataong ito sabay na silang lumingon sa akin.
"W-What are you talking about Euphie? Yes, of course! I am healthy."
"You should Triton, you should."
"I'll leave you here guys, see you later." Paalam sa amin ni Troy.
"Where are you going?" tanong ni Triton.
"Somewhere away from sweets, do you expect me to follow you all the way?
My god, T malaki ka na sa dalawang bagay. Nangungulambo ka na nga, just
enjoy guys. Mambabae muna ako." Kumindat sa akin si Troy bago nito
ibinalik ang kanyang salamin.
"Oh okay, don't get drunk." Troy just gave a lazy salute to Triton before
he turned his back.
Nagpatuloy kami ni Triton sa paglalakad. But this time we're now holding
each other's hand.
"I haven't been here Triton, yes this place is so beautiful but what is
their highlights?"
"Hmm, aside from their foods, clean place and beautiful views. They are
also performing different kind of dances with symbolic meaning." Lumingon
ako kay Triton.
"Really? Nakapanuod ka Triton?"
"Just once and it was so beautiful, Euphie."
"I'm excited!"
"Most of their dances are being associated with fire, mahilig sa fire
dance ang mga Montenegro. Kahit saang resort nila may mga fire dance at
kung hindi ako nagkakamali, resort lang nila ang may iba't-ibang uri ng
fire dance."
"Wow,"
"Ang napanuod ko dati, pumipili ang mga crews ng magagandang guests. They
will ask them if they are willing to dance with the performers, I was
with Ate Trina that time." Triton bitterly smiled.
Triton, Ate Trina and I were very close before. Halos hindi na rin
humiwalay noon si Triton kay Ate Trina, sabi ni Tita Taliya kung hindi
lamang kami nakilala ni Ahmed.
But now that Ate Trina's gone, ramdam ko pa rin ang sakit sa mga mata ni
Triton sa tuwing binabanggit niya ang pangalan nito.
I can still remember how Triton's parents suffered. Na-trauma noon si
Triton dahil siya ang nakakita ng katawan ni Ate Trina.
"And she was the most beautiful girl dancing around the fire with a white
veil and basket of flowers. She gracefully danced there, throwing flowers
around the fire with her sweet laughters. Lahat yata ng lalaki kay Ate
Trina nakatingin nang gabing 'yon Euphie."
"Because she's very beautiful." Kapwa na kami nakatitig sa tabing dagat.
"I'm really sorry, ate." I heard him whisper.
"Why are you sorry?" nagtatakang tanong ko kay Triton. Para siyang
nabigla sa tanong ko.
"W-What?"
"You said sorry for Ate Trina." Nagkatitigan kami ni Triton bago siya
bumuntong-hininga.
"I was sorry because I came late, kung maaga siguro akong pumasok sa
kwarto niya baka napigilan ko siya."
I know this is our date and we shouldn't have talk about his sister's
death, but it is really my long mystery.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang totoong dahilan kung bakit
nagsuicide si Ate Trina.
"M-May iniwan ba siyang sulat o kahit ano sa inyo Triton?"
"Nothing," mabilis na sagot nito.
"S-So the reasons are still unknown?"
"But I'm aware that most of the people were hearing rumors."
I was hesitant to say to ask but I gathered all the courage to spill the
words. Yes, I've been hearing this rumors but I'm still hoping that this
wasn't the real reason of her suicide.
"Weak in terms of failure love?" humigpit ang mga kamay ni Triton sa
akin.
"What if I am, Euphie?" agad nagwala ang tibok ng puso ko sa sinabi ni
Triton.
Agad kumalas ang kamay ko sa kanya. Sumiklab ang galit sa buo kong
sistema, kusa na lamang nag-init ang kamay ko hanggang sa matagpuan ko na
lamang ang sarili kong hinahabol ang sariling paghinga dahil sa malakas
na sampal na tumama sa pisngi ni Triton.
I-I just slapped his face.
Nanlalaki ang aking mga matang nakatitig kay Triton, nangangatal ang mga
kamay ko habang siya ay tulala rin sa akin.
Nakahawak ito sa kanyang pisngi habang paulit-ulit na lumilipat ang mga
mata ko sa kanya at sa palad ko.
T-This is my first time that hurt someone physically. This is the first
time that I felt the intense anger, fear and loneliness at the very same
time. This is the first time that I wanted to hurt Triton because of his
words.
"No Triton, you can't be like that."
"I am weak in terms of you, Euphie. That chose to prick myself again and
again." Nangunot ang noo ko sa sinasabi niya.
"I don't understand, what are you talking about Triton?"
"What if there's another side of me? P-Paano kapag nalaman mo na hindi
ordinaryong karayom ang pinili kong tumusok sa akin?" I gasped with his
words.
Napahawak na ako sa aking mga labi habang napapaatras papalayo sa kanya.
"So it was you, you're the prince she's telling about."
"I am, I am that prince. Euphie. Hindi si Ahmed ang unang natusok Euphie,
ako. Ako." He pointed himself.
Nalilito na ako sa sinasabi ni Triton, if he's telling about my fantasy
about the fairy tale sleeping beauty. Anong karayom ang nakatusok sa
kanya?
"A-And if you're going to ask me about the incident in the attic? Kung
bakit ako natusok ng karayom kahit alam ko naman kung ano ang nasa ilalim
ng puting kumot? I did that on purpose Euphie!"
Suminghap ako sa sinabi niya.
"I took the risk and the memories that might comeback just for you to see
me bleeding my damn finger for your fantasy! Can you hear this? C-Can you
hear this Euphie? Baliw na baliw ako sa'yo simula pa lang!"
He brushed his hair and made his signature abrupt sitting, naupo na ito
at yumuko sa kanyang mga tuhod.
"I thought everything will be alright, kasi akin ka na. Akin ka na, wala
nang kaagaw. But I am being haunted by that damn needle. Akala ko si
Ahmed na ang pinakamatindi kong problema, but he was just the beginning."
Nanatili akong nakatayo at nakatitig kay Triton.
Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. And I hate seeing him
struggling like this.
I sat on the sand beside him. Nanatili siyang nakasubsob sa mga tuhod
niya habang patuloy ako sa paglapit sa kanya.
I leaned my forehead to him, while trying to peek on his handsome face.
"I won't say sorry for slapping you, Triton. Hindi ko gusto ang tanong
mo, if you're weak then I'll be weak too. We fall down together. Your
failure will be my failure too." Nanatiling hindi gumagalaw si Triton.
"Nagtatampo ka ba sa akin dahil sinampal kita?" I tried to remove his
arms but Triton's stronger.
"I promise not to ask things, I'll give you time Triton. But not too
long, not too long sweetheart."
When I used our endearment Triton slightly moved his head, nanatili pa
rin ang kanyang buong mukha sa kanyang mga tuhod pero nasa akin na ang
mga mata nito.
He's like an innocent little boy who was scolded by his mother.
"You're using my weakness." Umangat ang kamay ko sa parte kung saan ko
siya nasampal.
"I'm your first, right?" tumango ako sa kanya.
Sa halip na magalit ay ngumisi si Triton sa akin.
"I got your first anger as an adult, Euphie."
"And you're happy with that?"
"It hurts," ngusong sabi nito.
Humawak ako sa braso niya at mabilis kong hinalikan ang pisngi niyang
nasampal ko.
"Wala na.."
Hindi sumagot si Triton dahil muli itong sumubsob sa tuhod niya.
"Hey, what's wrong? Triton.." I tried to whisper his name and call his
atensyon.
"Damn, I'm so inlove with you Euphie. Anong gagawin ko? Natutusok na
naman ako." He never tried changing his position.
Walang forever mga Ate! Kuya!
Hindi namin sila pinansin ni Triton.
Ngumiti ako kay Triton. I gathered my legs and sat in same way with him.
Placed my face on my knees and I slowly met his eyes.
His face reddened. I don't know if it is because of the sunlight.
"I love you too, Triton."
--
VentreCanard
Chapter 39
Chapter 39
I didn't ask further, I shouldn't ruin our first date. Gusto ko man na
may malaman, gusto ko man siyang paulanan ng mga katanungan, may parte sa
pagkatao kong pumigil para huwag nang pahirapan si Triton.
I saw how he struggle when I tried to ask. Maybe, maybe giving him enough
time will ease the tension when I tried to ask him again.
Lumipat kami ni Triton sa ilalim ng isang mababaw na puno ng niyog. We
stayed sitting on the sand while watching the guests enjoying the
beautiful pleasure of the place.
Nanatili sa kanyang madalas na posisyon si Triton, he's not talking and
he's just simply watching the moving waves of the sea.
"Triton, galit ka pa rin ba sa akin?"
Nagsimula na akong lumapit sa kanya para mas magkatabi kami habang
nakaupo sa puting buhangin.
"Bakit naman ako magagalit?" he softly asked me while partly showing his
face.
Nanatili pa rin itong nakayuko sa kanyang mga tuhod habang kinakausap
ako.
"You're not talking,"
"I am just too happy Euphie, after so many years. I heard your I love
you." Agad nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.
Kahit ako ay nagulat nang bigla na lamang itong lumabas sa bibig ko.
"I really just can't imagine, akala ko puro I hate you Triton na lang ang
matatanggap ko sa'yo mula sweetheart." Biglang nagkaroon ng panunumbat
ang boses ni Triton.
"Hey, those multiple I hate you were just a joke. H-Hindi naman ako
nagagalit sa'yo Triton, naiinis lang ako kasi lagi mo akong inaasar."
"Kailan kita inasar Euphie? Love love nga kita simula pa lang." Umangat
na ang isang kamay ni Triton at marahan nitong hinaplos ang pisngi ko.
"Pakasal ka na sa akin Euphie, pagkatapos ng graduation mo." Suminghap
ako sa biglaan niyang sinabi.
"W-What? Ang babata pa natin Triton! I can't!" ilang beses akong umiling
sa kanya.
He can't be serious, what's with this Triton? Kanina pa siyang kung ano-
ano ang sinasabi.
Narinig ko siyang tumawa nang makita niya ang pangungunot ng aking noo sa
kanya.
"I'm just kidding sweetheart, but you should start spoiling me."
Nagsimula na siyang umayos sa kanyang pagkakaupo at marahan niyang
itinuro ang kanyang pisngi.
Mabilis akong nakalapit kay Triton at humalik ako sa pisngi niya.
"Dito pa," he pointed another part of his cheek. Humawak na ang isang
kamay ko sa kanang balikat niya at humalik akong muli sa pisngi niya.
"Here," itinuro niya ang gilid ng labi niya.
Mariin ang aking isang kamay sa balikat niya habang pilit ko siyang
inaabot ng halik.
"Dito pa, Euphie." Itinuro niya ang kanyang sentido.
He's already pouting when I gave him the quick kiss.
"Gusto ko may tunog, Euphie." Sumimangot na ako kay Triton.
"Si Triton ang arte arte na, hinahalikan na nga kita e. Ang PDA na natin,
sisigawan na naman tayo dito ng walang forever."
Dito siya tuluyang natawa, hindi ako nakakilos nang siya naman ang
humalik sa pisngi ko.
"Ang alam ko may duyan dito, wait I'll check." Tumayo na si Triton,
sandali lang niya pinagpagan ang damit dahil sa buhangin bago siya
nagpunta sa may likuran ng puno.
Habol ang tingin ko sa kanya habang pinapanuod ang dapat niyang gagawin
hanggang sa may makita akong puting duyan na parang net na hawak ni
Triton.
"See?"
"Paano mo nalaman?"
"I told you, I've been here." Dahil hindi naman kami kalayuan sa isang
puno ng niyog dito na itinali ni Triton ang isang dulo ng duyan.
Ilang beses niyang tiningnan nang mabuti kung maayos ang kanyang
pagkakatali bago niya ako inalok na tabihan siya.
Nag-aalangan pa ako sa umpisa pero nang hawakan na ni Triton ang kamay ko
at hilahin niya ako para humiga na rin sa malaking duyan, bigla nang
nawala ang kaba ko.
The feelings of safeness in his arms made me calm and feel at ease.
"We can sleep here, gumising na lang tayo kapag gabi na. We'll watch the
fireworks and fire dance."
Nagpapasalamat ako dahil nasa parte kami ng resort na hindi natatamaan ng
matinding araw dahil sa mga punong hindi kalayuan sa amin.
"H-How about your bestfriend?"
"You heard him, nambabae daw siya." Ngumuso ako sa sinabi ni Triton.
"Same birds flock together, what if I'm away? Siguradong magkasama na
kayo ngayon ni Troy Ferell."
"No, I am always fateful to you Euphie. Hindi ako katulad ni Troy."
Triton waved his hand like he's removing a dirty cloud in front of our
faces.
"Let's just sleep, okay?"
Bakit pansin ko na lagi na lamang gustong matulog nitong si Triton? Hindi
naman
Tumango ako sa sinabi ni Triton. Buong akala ko ay magiging unan ko ang
kanyang braso.
But Triton just made another position, mas bumaba ito dahilan kung bakit
hanggang leeg ko lamang siya.
"Sing me a lullaby, Euphie." Ngumiwi ako sa sinabi ni Triton. He's
grinning from ear to ear.
"Triton, tanghaling tapat. What's with lullaby?" umangat ang isa kong
kamay at marahan kong hinaplos ang mukha ni Triton dahilan kung bakit
sabay na pumikit ang kanyang mga mata.
"Wag ka nang mumulat Triton, sleep."
"Akala ko ba" I stopped him using my forefinger.
"Alright, I'll sing. Basta wag ka mumulat Triton!"
"Sure, sure." Sagot nito sa akin.
Mas humigpit ang yakap niya sa akin habang nanatiling nakapikit ang
kanyang mga mata.
Anong kanta ba ang gusto ni Triton?
I've been singing and dancing, pero hindi ko masasabing magaling ako.
Tama lang siguro.
"Euphie, I'm waiting."
"Yes, yes.." pilit akong nag-isip ng kanta hanggang sa matandaan ko ang
isa sa paborito ko.
This isn't a lullaby, pero bahala na si Triton. Wala naman akong alam na
kantang pampatulog dahil wala naman akong pinapatulog!
"Euphie.."
"Ito na.." huminga ako nang malalim bago ako nagsimulang kumanta.
I use a soft and low voice, na si Triton lamang ang makakarinig. Kasabay
ng unang mga salitang binitawan ko, ang banayad na ihip ng hangin na
parang sinasabayan ang awitin ko.
Keep giving me hope for a better day
Keep giving me love to find a way
Through this heaviness I feel
I just need someone to say, everything's okay
Kasabay nang pagkanta ko ay ang tipid na paglalaro ng kamay ko sa
maaamong mukha ni Triton na nakapikit ngunit malaki ang pagkakangisi.
Woke my weary head
Crawled out of my bed
And I said, "Oh, how do I go on?"
Nothing's going right, shadow's took the light
And I said, "Oh, how do I go on?"
The tip of my forefinger slightly pressed the tip of Triton's pointed
nose. Nagsisimula na rin akong mapangisi habang pilit niyang
pinaninindigan ang kanyang pagpikit habang wala akong tigil sa paglalaro
sa kanyang mukha.
Sometimes I need a little sunshine
And sometimes I need you
Humalik akong muli sa kanyang pisngi.
Keep giving me hope for a better day
Keep giving love to find a way
Through this messy life I made for myself
Heaven knows I need a little
Nagpatuloy ako sa pagkanta habang marahan nang hinahaplos ng aking kanang
kamay ang kanyang malambot ng buhok.
Hindi pa man kami at kaibigan o kababata pa man ang tingin ko sa kanya
noon, alam kong sobrang gwapo ni Triton.
I often tell him that he's super gwapo, pero naiinis siya sa akin o kaya
umiiwas sa tuwing sinasabi ko ito.
Now, I just realized everything. Bakit hindi ko agad nalaman ang
nararamdaman ng mga kababata ko?
Kung nalaman ko nang mas maaga, ano kaya ang posibleng nangyayari ngayon?
I saw how Triton bit his lower lip as I continued singing this cute song.
Hope for a better day
Keep giving me love to find a way
Through this heaviness I feel
I just need someone to say, everything's okay
This time I gave him a kiss on his forehead. Ramdam ko ang mas lalong
paghigpit ng yakap niya sa akin.
I gave my hope to you
When you were early through
And you said, "Oh, I can't go on
Well, now I need it back
'Cause I have got a lack of all that's good
And I can't go on
Nagsimulang manulay ng daliri ko mula sa gitna ng kanyang noo habang
unti-unti ko itong pinaglalandas sa kanyang matangos na ilong pababa sa
kanyang mga labi.
I can feel my heated cheeks and my fast beating heart as I stared on
Triton's face.
Sometimes I need a little sunshine
And sometimes I need you...
I whispered to him.
At kagaya nang lagi naming ginagawa sa isa't-isa tuwing mga bata pa kami,
mas inilapit ko ang mukha ko sa nakapikit na mga mata ni Triton at
magkasunod ko ang mga itong hinipan ng marahan.
"Open your eyes, sleeping prince."
Nang nagsimula nang imulat ni Triton ang kanyang mga mata, mas lalong
nagwala ang pagtibok ng puso ko na parang ngayon lang kami muling
nagkatitigan nang mas malapitan sa loob ng mahabang panahon.
"Sometimes I need a little sunshine. And sometimes I need you..." he
tried to sing my song.
But he's not really a good singer. We both grinned at each other.
I stuck my tongue out to annoy him, pero gumanti lamang ito sa akin dahil
ginaya niya lamang ang ginawa ko.
And we just laughed at each other.
Sa pagkakataong ito siya naman ang lumapit sa akin. And he played his
pointed nose with mine.
"Huwag na lang pala tayo matulog, just baby me instead."
--
VentreCanard
Chapter 40
Chapter 40
"You really mastered most of Lenka's songs Euphie," kumento ni Triton.
Sa huli nakatulog rin kami ni Triton, nagising lamang kami nang may
tumamang bola sa aming duyan.
Galit na galit si Triton sa may-ari ng bola na parang hindi siya ang
kaninang inaantok na lalaki na kailangan kong kantahan.
Naniniwala na ako sa kasabihan na mas mabuting sumalubong sa lasing kaysa
sa prinsipeng bagong gising o tamang sabihin na prinsipeng nagising.
Kung hindi ko napigilan si Triton, malamang nasuntok na niya ang nakatama
sa amin ng bola.
"Yes, hindi masyadong mataas ang mga kanta niya."
"And her songs are cute just like you." Ngumuso ako sa sinabi niya.
"Binobola mo na ako, Triton."
"I am not, ang cute cute mo ngang kumanta." Umirap ako sa kanya.
Mas sumiksik siya sa akin nang umihip ang malamig na hangin.
"Ang tagal yata ng tulog natin, Triton. Look ang dilim na,"
"Yeah," kapwa na kami nakatanaw sa may tabing dagat.
Pansin namin na nagsisimula nang mag-set up ang crew ng resort sa
mangyayaring fire dance mamaya.
"I wonder where's Troy now? Sana hindi 'yon napaaway."
"You shouldn't have asked him to join us, Triton. Kung totoong nag-break
na naman sila ng girlfriend niya, hindi ba parang mas hindi nakakatulong
kapag nakikita niya tayong dalawa?"
Namamanghang nakatitig lamang sa akin si Triton na parang hindi niya
inaasahan na makakapagsalita ako ng ganito.
"You're just hurting your bestfriend, Triton."
Pero agad din siyang nakabawi at ngumisi sa akin.
"No, of course. You mean bitter? Ganon lang talaga siyang magsalita,
gago. He won't come with us, kung ayaw niya. And this isn't charitable
Euphie, hindi gumagawa ng libre si Troy kahit kanino. May kapalit ito."
"I heard it, you'll help him with his ex?"
"Yeah? Bahala na siya, susunod lang naman ako."
Nang nagsisimula nang dumami ang tao, umalis na kami ni Triton sa duyan.
Naghanap kami ng makakainan na malapit, hindi naman kami nahirapan dahil
nagkalat ang iba't-ibang mga kubo na nagbebenta ng maraming pagkain.
Maraming pagpipilian.
We're already eating when someone sat near beside us. Agad naman namin
siya nakilala ni Triton.
"Where have you been?"
"Nambabae nga," tumaas ang kilay ni Troy nang mapansin nito ang buhok ni
Triton.
It was quite messy because of our long sleep.
"Ayos tayo Triton ah? Nakakulambo ka yata kahit walang kulambo."
"Gago,"
"Anong paalam mo sa magulang ng manikang 'yan? Baka mamaya mabaril tayong
dalawa, pwedeng abutin ng gabi o bukas?"
Natigilan ako sa tanong ni Troy. Naalala ko si mommy at daddy!
"Oh shit, oo nga pala." Kahit si Triton ay mukhang nakalimot.
"Kulambo pa, kulambo pa Triton." Natatawang sabi ni Troy bago ito muling
uminom ng alak.
Nanunuod sa akin si Triton habang hinihintay ko ang pagsagot sa akin ni
mommy.
"Mommy.." kinakabahan pa ako kung paano ako magpapaliwanag. I really want
to watch that fire dance.
"Euphie, let me talk to Tita." Inilahad ni Triton ang kanyang palad sa
akin.
"On the way na ba kayo, baby?" tanong sa akin ni mommy.
"Mommy, kasi.."
"Euphie.."
"Mommy, kakausapin daw po kayo ni Triton." Hindi sumagot si mommy sa
kabilang linya, inabot ko na kay Triton ang telepono.
"Hello Tita, si Triton po ito. Sorry po, hindi ko po na-inform kaagad
kung saan kami papunta. We're in Montenegro Resort po, we're still
waiting for the fire dance. Gagabihin po kami Tita pero kung hindi po
talaga kayo mapalagay, iuuwi ko na po si Euphie. Sorry po talaga, hindi
ko agad nasabi."
Tumigil sa pagsasalita si Triton at pinakinggan niya ang mga sinasabi ni
mommy sa kabilang linya.
Pauuwiin niya na kaya ako?
"Or Euphie can call her friends? Autumn and the other girls, kung hindi
po kayo kumportable." Kumunot ang noo ni Troy sa sinabi ni Triton.
Ilang beses tumango nang tumango si Triton na parang nakikita siya ni
mommy.
"Yes, yes po. Yes, of course Tita. I'll keep my promise." Tipid na
ngumiti si Triton at sumulyap sa akin.
"Of course Tita, I'm a good boy. Right Euphie?" I bit my lower lip before
I nodded to him.
"Kakausapin ka daw ni Tita," ibinalik na ulit sa akin ni Triton ang
telepono.
"Bukas na kayo umuwi, Euphie. Mas delikado kapag pinilit nyo ngayong
gabi, please be a good girl. Alam mo na ang tama sa mali."
"H-How about Daddy? H-Hindi nagagalit si Daddy?"
"Nasa sabungan ang magaling mong ama, Euphie. Mauuna pa niyang hanapin
ang nawawala niyang tandang kaysa sa anak niyang babae."
"Si mommy naman.." natatawang sabi ko.
"I'll just inform him, pinagkakatiwalaan ko kayong dalawa ni Triton.
Sleep separately." Nag-init ang pisngi ko nang sabihin ito ni mommy.
Kagigising lang naman namin ni Triton.
"Y-Yes, yes mommy."
"Good girl, sige na. Enjoy the show! Minsan tayo naman ang pupunta dyan."
"I'll wait for that mommy, I love you. Goodnight."
"I love you too, anak."
Nang ibaba ko ang telepono muling dumungaw sa amin si Troy Ferell.
"So? Hindi ako magda-drive ngayong gabi? Marami na akong nainom, biyaheng
langit na ang punta natin."
"Bukas na daw tayo umuwi, Triton." Ngumisi sa akin si Triton habang
nakarinig ako ng mahabang pagsipol mula kay Troy.
"Euphie, may 7-eleven dyan na malapit. Bumili ka na ng off-lotion, walang
kulambo dito sa resort." Natatawang sabi ni Troy habang nangungunot ang
noo sa kanya ni Triton.
"Why can't you just eat and shut up?"
Nagkibit balikat lamang ito, nagsimula na ulit kaming bumalik sa pagkain
habang pilit sumisingit sa pang-aasar si Troy.
Nang mabusog na kami, naghanap na kaming pwestong tatlong kung saan uupo
para mapanuod ng maayos ang fire dance.
Tatlong bote ng alak ang dala ni Troy na nakapatong na sa buhangin habang
kapwa na kami nakatanaw sa malaking apoy na sumasayaw sa ihip ng hangin.
We're all silently gazing at the dancing fire reflecting its light to the
sea mirror giving a kind of beauty that will soothes every beating heart.
Iba talaga kapag nagsasama ang iba't-ibang elemento. From fire, wind and
water gracing the hundred of human eyes.
Nawala ang atensyon naming tatlo sa unahan nang marinig namin ang
telepono ni Triton. Pansin ko na wala itong balak sagutin ang tawag.
"Triton, it might be important."
"Wala akong inaasahang tawag ngayon, Euphie. I cancelled everything for
you."
"Baka nga importante," tamad na kinuha ni Triton ang kanyang telepono at
natigilan ito nang mabasa kung sino ang natawag.
"Who?"
"It's Ahmed," mabilis na itong sinagot ni Triton.
Kapwa namin pinagmamasdan ni Troy si Triton habang unti-unting kumukunot
ang noo nito sa anumang sinasabi ni Ahmed.
"W-What? Are you damn kidding me? You asshole!"
"Triton!"
"Gago! P-Paano? I thought" sumulyap sa akin si Triton. "Gago, where are
you now?"
"W-What? W-Where? I can't hear you. S-Saan? Again?"
"Ano ba ang nangyayari?" tanong ko.
"Oh shit, we're here. Malapit kami sa malaking apoy, mag-isa ka lang?"
"Triton anong nangyayari? What happened to him?" walang tigil sa
pagmumura si Triton bago nito ibinaba ang kanyang telepono.
"The dumbass is here, ngayon lang rin niya nalaman. Gago."
"Anong nangyari?" tamad na tanong ni Troy.
"Nakabuntis si Ahmed, napikot."
"W-What?!"
"You heard it right, sweetheart."
"In other words Euphie, higit sa kulambo ang napasok ni Ahmed."
Tumatawang sabi ni Troy.
"What the fuck Ferell?" muling uminom ng alak si Troy.
"What's wrong? Mas pinadali ko na lang, bakit nagugulat ka pa Triton.
Hindi na bago ang nakakabuntis ng maaga. Kami na lang mga Ferell ang
natitirang mga lalaking makapaghihintay sa altar. My god, boys nowadays."
Umiiling na sabi nito habang nilalaro ang hawak niyang bote ng alak.
"But that's Ahmed we're talking to, the Magna Cumlaude. My good friend,
shit. I can't imagine." Natulala na ako sa pinag-uusapan ni Triton at
Troy.
Tama ba ang naririnig ko? Nakabuntis si Ahmed? How? Who? I can't
understand.
Ngumiwi si Troy sa sinabi ni Triton.
"It's easy, nabutas ang condom niya. Napikot? Seriously? Paulit ulit ko
na ba itong sasabihin? Kami lang mga Ferell ang nasa listahan ng mga
lalaking gustong mapikot. Your damn friend is a demon inside. Trust me,
Triton."
"Gago ka talaga Troy, hindi ka na matinong kausap. Lasing ka na." Bahagya
nang sumuntok sa braso ni Troy si Triton.
"W-Wait? Nakabuntis si Ahmed?!" tanong ko sa dalawang lalaki.
Sabay lumingon sa akin ang dalawa sa paraang pinagmamasdan ako ng
pagtataka.
"Still loading Euphie? Yes, ngayon niya lang nalaman. Tayo ang unang
nakaalam. He's wreck right now. Sinong babae kaya?"
"And how can you simply say that? B-Bakit parang hindi ka gulat na gulat
Triton? S-Si Ahmed? Si Ahmed nakabuntis? Our friend is a good boy." Muli
akong nakarinig ng mahabang pagsipol mula kay Troy.
"Kami na lang mga Ferell ang mga lalaking good sa mundo, huwag na huwag
ka maniniwala sa mga lalaking nasa Enamel." Ilang beses pa itong umiling
sa akin.
"Don't look at him, he's already drunk." Hindi na namin pinansin ni
Triton si Troy.
"But are you really serious? Si Ahmed talaga?"
"Nagulat rin ako, let's just wait for him. Pupunta daw siya dito."
"S-Sinong babae?" nagtatakang tanong ko.
"H-Hindi ko rin alam, Euphie. Biglaang balita lang ito o sana lasing lang
rin si Ahmed katulad ni Troy. But I've been with him when he's drunk,
hindi siya nagsasalita nang kung ano-ano."
"Kawa---" hindi na ako nakatapos ng sasabihin nang may biglang humiga sa
buhangin na siyang nasa tabi ko.
"Ahmed!"
Mabilis nakatayo si Triton at agad itong umupo sa pagitan namin ni Ahmed.
"Nakabuntis ka nga?"
"S-She poisoned me! N-Nawalan ako ng boses, nahilo hanggang sa hindi ko
na matandaan ang nangyari. I thought it was just a single night mistake,
ilang buwan na rin. But fuck! She's pregnant."
Suminghap ako sa sinabi ni Ahmed.
Poison? Stolen voice?
"Y-You're Ariel.." sabay lumingon sa akin si Triton at Ahmed na halos
hindi maipinta ang mga mukha.
Bumuntong-hininga si Triton at kumamot sa ulo si Ahmed.
"Not with your fairy tale Euphie."
--
VentreCanard
Chapter 41
Chapter 41
Walang pumansin sa akin sa loob ng kalahating oras. Triton and Ahmed were
talking while cursing at each other, while Troy Ferell's busy laughing
and talking to himself, still with beers on both of his hand.
I tried to join Triton and Ahmed, but they refused to join me. Lalo na si
Triton.
"Euphie, this is no fairy tale. Please talk to Troy for a while. Usapang
lalaki ito." Kaya wala akong pinagpilian kundi humarap kay Troy Ferell.
I placed my chin on my knees while pouting in front of Troy Ferell, still
talking to his beers.
Ang daldal na nga niya kapag walang alak, mas lumala pa ngayong lasing na
siya.
I just ignore him, hearing his words from my right ear and letting it
pass to my left ear. Sometimes there are some interesting words coming
from his mouth, pero ngayong lasing siya hindi na ako umaasang ang
kalahati ng mga sinasabi niya ay totooo.
I wonder how did Triton handle his bestfriend for years? Siguro
nakukulitan sa kanya si Laura kaya lagi siyang iniiwan or maybe because
he's super duper mayabang?
And I wonder why he's still sticking with that girl, kung lagi naman
siyang sinasaktan. He's a Ferell, having the looks and money, bakit hindi
na lang siya kumuha ng iba?
Typical rich kid with face. Mga bagay na naririnig kong madalas kay
Autumn, August at Antonia.
"Troy, I know sometimes you're not being real." Inaakala ko nang hindi
siya sasagot sa akin pero tumigil ito ng pag-inom at pilit sinalubong ang
mga mata ko.
"No way, you mean fake? I am always the original." Tumawa ito bago muling
sumisid ng alak.
"Kumento ko lang naman," kibit balikat na sabi ko.
Nag-abot sa akin ng beer si Troy na agad kong tinanggihan. Hindi ko pa
nakakalimutan ang reaksyon ni Triton nang malasing ako.
"But sometimes, you really need to hide something. Mga bagay na tamang
ikaw na lamang ang nakakaalam. Less involvement, less complication."
Napahanga ako sa biglaan niyang sinabi.
"But how can you say that hiding will give you less complication? The
word hiding itself is considered as complicated already, Troy Ferell."
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.
"You're talking like an adult now, interesting." Hindi ako sumagot dito
pero siya ay nagpatuloy ng pagsasalita.
"It will never be complicated if you'll remain silent or you're just
literally keep it to yourself, but once that you shared it to someone,
make sure that he/she is really a trustworthy one. And this is when the
complication starts."
Hindi ko akalain na makakakuha ako ng mga ganitong klase ng salita mula
kay Troy Ferell habang lasing.
Sumulyap muna ako kay Triton, nakatalikod pa rin ito at abala sa
pagkausap kay Ahmed.
And then I turned to face Troy Ferell again. Mas lumapit ako sa kanya at
halos bumulong na ako sa kanya. Hindi ko alam kung may mas malalim pa
akong malalaman sa lasing na Troy, but atleast I tried.
I just want to know any hint about Triton's secret. At alam kong
imposibleng nalalaman ito ni Troy.
"Now tell me about Triton's secret." Kumunot ang noo nito sa akin.
Pero hindi rin nagtagal ay bigla itong ngumisi sa akin. He playfully
stuck his tongue while moving his head like a childish kid enjoying to
annoy his playmate.
"Akala mo lasing ako? Baka ikaw ang lasing, Euphie. Ipakukulambo kita kay
Triton, akala mo maloloko mo ako? No, no, no." Muli nitong pinagtuunan ng
pansin ang kanyang beer.
"J-Just give me a hint, what does he mean by the needle?"
"Wala akong alam, Euphie. Bakit hindi mo itanong sa boyfriend mong
hilaw?"
"It will take time, Troy. Just give me a hint, kaysa bigla na lamang ako
magugulat. Just give me a small information about the needle." Muli akong
lumingon kay Triton.
Abala pa rin ito sa kausap niya.
"Ayoko,"
"So that's it, may alam ka nga?"
"H-Hindi niya alam na may alam ko, that's all." Bahagya itong natawa.
Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan o hindi.
"Then, how did you know? How did you discover?"
"Come here, I'll tell you." Pansin ko na tipid sumulyap si Troy Ferell sa
likuran ko para tingnan kung nakatingin sa amin ni Triton.
"Come on, faster. I'll tell you," mabilis rin akong sumulyap kay Triton
bago ako nagmadaling lumapit kay Troy Ferell.
He placed his right hand to cover my ear.
"Nasa lahi.."
"W-What?!" dumistansya ako sa kanya.
"Hey, what's going on there? Huwag kayong mag-away, kausap ko pa si
Ahmed. Pambihira kayong mga lasing kayo."
"We're good, hindi ba Euphie? Sige, mag-usap lang kayo ni Ahmed. Kapag
usapang mga nakabuntis ng maaga, allergy talaga ako." Tumaas ang middle
finger ni Triton sa sinabing ito ni Troy bago niya kami muling
tinalikuran.
"Ano na?" I almost whispered.
"Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Are we friends?"
"Hindi," mabilis na sagot ko.
"So why would I tell you?"
"Just tell me, kainis ka naman Troy." Bumuntong-hininga ito sa akin.
"Everything was just a cover up, Euphie. I am not a fan of fairy tales
but I'm aware of their stories. Yours and Triton's quite complicated,
you've been deceived. The question was not who was pricked by the needle?
The real question is what needle pricked him?" bigla akong kinabahan sa
sinabi ni Troy Ferell.
Agad bumalik sa mga alaala ko ang mga salitang binitawan ni Triton na
halos hindi ko maintindihan.
"Anong karayom ang nakaturok?" muling tanong sa akin ni Troy.
"Then tell me.."
"It's for you to find out, Euphie. I told you before, wala na akong
gagawin pa. This is Triton's fairy tale."
Nawalan ako ng salitang sasabihin kay Troy Ferell, hindi naman ako nito
hinintay dahil bumalik na siya sa pag-iinom.
We stayed quiet for long minutes and no one bothered to create another
conversation.
Hindi na nakatagal pa si Troy Ferell dahil bagsak na ito sa buhangin at
natutulog na. But we're still hearing some of his weird words, na
aakalaing gising pa rin siya sa mga oras na ito.
Minsan ay bigla itong tatawa na parang baliw habang sa kanan ko naman ay
si Triton at Ahmed. Paulit-ulit ko nang naririnig si Ahmed at sinasabing
naiiyak na siya sa nangyayari.
To some everything up, someone is laughing from my left side and someone
is about to cry from my right side.
"Mga lasing na sila," kumento ni Triton.
Pinaggigitnaan kaming dalawa ni Triton habang pinababayaan na namin ang
dalawang lasing.
"Paano hindi malalasing si Ahmed, habang nagkukwento sa akin, inom nang
inom. Anong pinagsasabi sa'yo ni Troy? Don't take his words seriously."
Tumango lamang ako kay Triton.
"But I can't still believe from Ahmed's news." Sabay kaming lumingon ni
Triton kay Ahmed.
Nakalagay na ang isa nitong braso sa kanyang mga mata habang naririnig ko
na siyang nagmumura.
I seldom hear him curse, ngayon ko lang ulit ito narinig na halos ayaw na
niyang tumigil.
"Everything seems so fast, it was just few days ago when I see him as a
rival." Hindi ko napigilan si Triton nang mahina nitong suntukin ang
isang braso ni Ahmed.
"Makikiagaw ka pa sa akin, may nabuntis ka na pala. Gago, kung hindi ka
lang lasing binugbog na kita Ahmed."
"Triton," hinawakan ko na ang braso nito para pigilan siya. "Pero
ipakilala mo sa akin ang nabuntis mo bukas. I'll thank her. Kahit ako pa
ang ninong." Buong akala ko ay seryoso lamang si Triton kanina pero ito
at natatawa na siya sa sarili niyang sinasabi.
Nanatili akong nakatitig kay Triton habang tawa siya nang tawa, until he
noticed my intense stares that made him stop from laughing.
Umangat ang dalawa kong kamay sa buhangin at kapwa ito humawak sa kanang
balikat ni Triton. He was still sitting with both of his hands on the
sand while I am now kneeling to meet his height.
I softly kissed his lips. It was a quick kiss, but the feeling and
outburst beating of my heart is something unexplainable.
Nanlalaki ang mga mata niya nang bahagya lamang akong humiwalay mula sa
kanya.
I placed my chin on his shoulder, bagay na lagi niyang ginagawa sa akin.
"Love love ka ni Euphie, Triton." I stuck my tongue out. His lips parted
while still looking at me abducted.
I waited for few seconds before he exaggeratedly cleared his throat.
Marahan niyang inuyuko ang sarili niya para maglapat ang mga noo namin sa
isa't-isa.
"I love you too, sweetheart." Bahagya akong pumikit nang halikan nito ang
tungki ng ilong ko.
I giggled.
"Let's go, we join them." Sabay kaming lumingon sa mga taong nagsisimula
nang pumalibot sa malaking apoy.
"H-How about these two?"
"Lasing pa rin, don't worry hindi naman mawawala ang dalawang 'yan dyan."
Nauna nang tumayo sa akin si Triton, inilahad niya sa akin ang kanyang
kamay.
At nang tanggapin ko ito ay halos lakad takbo na kami para makarating
malapit sa mga nag-pa-fire dance.
Pansin ko na mga magkakapares na lalaki at babae ang naghahanda sa sayaw.
"Anong sayaw po ngayong gabi?" tanong ni Triton sa isang matandang babae
na mukhang nag-aabang din sa fire dance.
"Sayaw daw ng mga malapit nang ikasal," sabay kaming napatango ni Triton.
"Ang dami nila,"
"Let's join, fat cheeks!"
"W-What? No Triton," pero hindi na ako nakaangal nang hilahin na rin ako
ni Triton malapit sa apoy.
May lumapit sa amin na mag-aassist.
"H-Hindi po kami ikaka" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang humawak
sa kanyang bewang ang nag-aassist sa amin ni Triton.
"Sir, mamaya na muna po ang hawak kamay." Tumaas ang kilay sa akin ni
Triton at binitawan niya ang kamay ko.
I'm pouting at him as the crew started to instruct me everything. Sunod
na lumapit ang crew kay Triton, tango lamang ito nang tango habang
sumusulyap sa akin. Nag-abot ito sa kanya ng manipis na puting tela na
parang isang mahabang belo. Katulad ko niya ay may hawak na rin ang mga
kalalakihang kasali.
When the crews gave us the signal we precede to our position. The music
starts, Triton and all male participants made their first few steps.
Dalawang hakbang patungo sa amin habang nasa likuran ang kanilang mga
kamay.
Nang sandaling tumigil sila, sabay-sabay kaming umikot mga kababaihan ng
dalawang beses dahilan para lumiit ang distansya sa pagitan namin ng mga
lalaki.
This time all the male participants shove the white cloths and the wind
blew the fabric like it was really part of the performance.
Muling umikot ang mga kababaihan dahilan kung bakit halos abot kamay na
kami ng mga lalaki.
Nagtama ang aming mga mata ni Triton habang kapwa nakangiti sa isa't-isa.
"Balang araw, hahawiin ko rin ito sa'yo Euphie." Kusang inilagay sa akin
ni Triton ang manipis na puting belo para takpan ang mukha ko.
"And by the time that I shoved your veil, I'll prick you endlessly
sweetheart.."
--
VentreCanard
Chapter 42
Chapter 42
"You'll prick me?" I asked him in confusion.
I'm already pricked by him and it took time before I realized and
understood my real feelings for him, making it very difficult for all of
us.
If I just realized sooner, siguro hindi nag-away ang mga mommy namin.
Siguro hindi ko lubos nasaktan kay Ahmed.
Wala na sigurong mas nadamay na tao. Tipid akong sumulyap kay Troy na
siyang kausap na ni Ahmed.
"Of course, in so many ways." He grinned.
"But I'm already pricked, Triton." Nagtatakang sagot ko.
Tumikhim siya at ngumisi bago niya itinuro ang tapat ng kanyang puso.
"Here, I'll prick you every day here. So everyday you'll fall in love
with me." Ngumiti ako sa sinabi niya.
We're both holding each other's hand while waiting for another beat of
the music.
Wala sa sarili akong muling lumingon sa direksyon ni Ahmed at Troy na may
sarili nang mga mundo.
"Euphie, look at me. What are you thinking?"
"Nothing," sagot ko sa kanya.
Hindi man sabihin ng mga tao sa akin, I know that I am partly liable for
the things have happened to Ahmed.
And I am very sorry for that.
I tried hard to mature, to overcome my incompleteness but it's hard to
accept that I needed to cause pain to others before I learn, before I
realize something.
Nasaktan ko muna si Triton, si Ahmed, our family and even our friends.
Pananakit na hindi ko kailaman pinangarap gawin sa mga taong mahal mo.
When we heard another hum of the song, Triton and I started moving.
Barefooted on the sand together with him, the harmony given by a natural
music coming from the combinations of native musical instrument made the
place so intimate.
Sumabay ang kalmadong hampas ng mga alon, liwanag ng buwan na sumasalamin
dito, aninong likha ng apoy na isinisayaw ng banayad na hangin at
musikang parang yumayakap sa buong paligid.
The crowd went on silence as their eyes witness a union of fire dance
that symbolize a fresh love.
Triton and I made a few steps forward before he released my hands. The
female dancers with veil on their faces were now standing in circled
around the dancing fire, while the male dancers were facing us.
The thin cloth covering my whole face didn't even had the power to hide
the kind of stares that Triton Octavious Montgomery had been giving me as
the ritual dance started.
He's staring me lovingly with his tender eyes with gilt of dancing fires
reflecting like a crystals.
"Triton.." I can't help but to call his name.
My heart hammered so fast, my breath is now having a hard time and my
knees were shaking as his gazes continued to dart beyond my soul.
Na parang nakikita na ng kanyang mga mata ang mabilis na pagtibok ng puso
ko.
And just like a mighty prince, Triton just made a royal vow in front of
me. Sabay-sabay yumuko ang mga kalalakihang nakapalibot sa aming mga
kababaihan.
I felt a sudden goosebumps as I Iooked to Triton with his prince like
gesture. I've been a fan, a girl dreaming to have her own kind of prince,
a girl wishing to see a white horse and a royalty that might pick me up
for his castle.
I didn't realize that he was just near.
Waiting for me to look at him.
Waiting for me to be pricked.
Hindi na tumigil sa tamang pagtibok ang puso ko nang sandaling muling
iangat ni Triton ang kanyang mga mata matapos siyang yumuko sa akin na
parang isang tunay na prinsipe.
This time, this time..
I can properly say that I found him, I found my prince.
And our story wasn't like Aurora and Prince Philip, because Triton didn't
try to wake me up to my long sleep.
Triton waited while hurting.
Triton waited before I turned into a matured lady.
"Thank you for your patience Triton, thank you for loving me when I was
still sleeping."
"Always, Princess Euphiemia of Enamel." Ngising sagot nito sa akin bago
niya halikan ang aking mga kamay.
When his lips left my hand, he gently pulled me against him. Marahan
nitong inangat ang isa kong kamay at inikot niya akong parang isang tunay
na prinsesa.
And that night together with Prince Triton of Enamel aka Auroro, was the
best dance I've had. No fancy ball gowns, no orchestras, no royal foods
and not even royal horses.
I've experienced to dance with a handsome Prince.
**
It's been three months when Triton and I started dating. Tatlong buwan na
akong may boyfriend at may baby.
Now that he'd noticed that I've been trying to act maturely, sinusulit
ito ni Triton. Bigla na lamang bumaba ang edad nito, na parang kasing
edad lamang ng kanyang kapatid na si Trent.
Triton's a clingy type of boyfriend.
Anim buwan na rin simula nang maging malimit na ang pag-uwi ni Triton sa
Enamel.
He's now busy with his work, lalo na at hindi na pag-deliver ng tubig ang
pinagtutuunan niya ng pansin. He's up to bigger business, at kailangan
nito ng matinding oras at atensyon.
Kahit si Ahmed ay ganito na rin, hindi na rin ito masyadong tumitigil sa
Enamel.
And about him being an instant father, we heard that Al-Muzaini's offered
a marriage, pero hindi daw pumayag ang babae at sinabing pagkatapos na
lang niyang manganak.
I haven't seen the girl, kahit sila Tita Paige at ang mga kapatid ni
Ahmed ay hindi minsan napapag-usapan ito kapag kausap nila si Mommy at
Daddy.
I just hope that they do not hate the girl.
Tipid akong ngumiti habang nakapangalumbaba sa isang coffee shop. I'm
waiting for Triton, today is our date. Ngayon araw na ito pa lamang kami
magkikita sa loob ng isang buwan. My mommy even gave me a different shade
of lip tint, sinabi niya sa akin na bagay ito sa akin.
Sa tuwing nagvi-video call kami ni Triton lagi niyang napapansin ang
kulay ng labi ko, agad niyang napapansin kung nagpa-trim ako ng buhok,
kung kulang ako sa tulog at lahat ng maliliit na bagay na hindi ko
maaasahang mapapansin niya.
That's why my mom and I have this lip tint collection, o tamang sabihin
na sa akin? Kasi love love daw ako ni Triton si Euphie if she's trying to
be cute eventhough she's already cuter.
Ilang beses kong tinapik ang pisngi ko sa tuwing naalala ko na humihingi
sa akin ng halik si Triton sa harap ng laptop.
"Triton's really a sweetheart baby." Ngising sabi ko.
I texted him.
"Where are you?" I'm excited to see him, pansin ko na mahaba na rin ang
buhok niya dahil hindi na ito nakakapagpagupit.
But hey, he's still looking like a prince.
"I'm sorry sweetheart, I'll be late."
"It's okay, I can wait."
Ibinaba ko na ang phone ko at bumalik ako sa paghalumbaba. Being late is
no big deal, isa pa busy si Triton.
Kahit hindi man kami madalas magkita ni Triton, hindi ito nakakalimutan
na tumawag at mag-text sa akin.
"Ma'am, here's your frappe." Umiling ako sa crew.
"No, hindi pa po ako nag-oorder."
"May nagpapabigay po," kumunot ang noo ko. Pero sa huli ay napalitan ito
ng ngisi.
Agad kong kinuha ang frappe.
"Thank you," gumala ang aking mga mata sa loob ng coffee shop habang
hinahanap ang pamilyar na pigura ni Triton.
My prince is hiding and playing with me.
I texted him again.
"Come out sweetheart, I miss you." I grinned when my message sent.
But my grinning face turned sour, my heart filled of excitement washed
out and my hands started to shake when I saw the message from Triton.
"What? I'm still outside from Enamel sweetheart."
Then I saw the familiar woman exiting the coffee shop as she put her
glasses to cut our eyes together.
Dahan-dahang naglandas ang mga mata ko sa frappe na ibinigay sa akin ng
crew at halos itapon ko ito nang makita ko ang nakasulat dito.
Maleficent
Napatayo ako sa aking kinauupuan habang nanlalaki ang aking mga mata sa
mga letrang nakasulat sa frappe.
Agad akong nilapitan ng crew at napatalon na lamang ako nang hawakan nito
ang balikat ko.
"What's with the name?!"
Nagtitinginan na sa akin ang mga tao. Napapikit na lamang ako sa
kahihiyan na bigla kong ginawa.
Mabilis kong kinuha ang bag ko at lakad takbo ako para lamang makaalis sa
loob ng coffee shop.
But what made my knees shake out of fear was the sight of the three women
approaching inside the coffee shop.
Triton's triplets fairy god mother!
Oh my god, this isn't happening. Alam kong tatawanan ako ni Triton kapag
sinabi ko ito sa kanya, my mom and father will definitely think that I am
getting weird again and everyone will think that here am I again,
returning to be childish!
But what's with these?
Yumuko ako at nakailang dasal ako para lamang hindi ako makilala ng
tatlong ninang ni Triton, but they have the sharpest eyes.
"Euphie,"
I don't want to look rude, that's why I faced them and I tried my very
best to smile with them.
"Hi po,"
"We heard that Triton and you"
"Yes, yes po. I'm sorry but I really need to go po. Enjoy po!" nagmadali
akong lumabas at pilit na hinanap ang babae.
She knows something! And she's been giving me a hint!
But she's maleficent!
Habang kinakabahan ako sa paghahanap sa babae, muling tumunog ang aking
telepono ko.
It's mom.
"Y-Yes mommy?"
"T-Triton's in the hospital baby.."
"W-What again?!" nanghihina akong napaupo sa aking pwesto.
"N-Nawalan ng preno ang sasakyan, where are you? We're picking you up."
Hindi ko na nagawang sumagot pa kay mommy nang may humarurot nang motor
papalapit sa akin.
The familiar woman threw a helmet, still with elegance.
"Hop in,"
--
VentreCanard
Chapter 43
Chapter 43
"W-Who are you?" I asked her nervously.
She's maleficent! Her presence all over says it all. Her black outfit,
her aura and even her evil grin.
Anong kailangan niya sa akin? Why is she threatening me with this
character? Why I felt like she's aware of everything?
And why the hell she's going to help me? Bakit ako sasama sa kanya?
This is so wrong, no, no.
"Is it necessary to ask right now? Your prince needs your right at this
moment. I think he needs a kiss to wake him up." She arched one of her
eyebrows.
"Stop! Please stop! This isn't a damn fairy tale and Triton's not--"
"But he's sleeping right now, I guess?"
"W-Who are you? M-May alam ka ba tungkol"
"Partly yes?" she answered with a shrug. "Are you going or not?"
Isinuot na nitong muli ang kanyang helmet, ilang beses akong naghanap
lumingon kung saan ako pwedeng pumunta.
It will take time!
"W-Wait!"
"Let's go,"
Nagmadali akong nagsuot ng helmet. I was hesitant at first, pero nang
muli itong tumitig sa akin and she motioned her back seat, wala na akong
nagawa.
Ilang beses akong umiling sa gagawin ko, pero alam kong kailangan kong
magmadali.
Sumakay na ako sa likuran niya at mariin akong humawak sa kanyang
balikat.
I didn't wait for another minute, the woman or maleficent made an
accelerated speed making me feel that we're actually flying.
"Lower down your speed! I don't want another car accident please." But
instead of taking my life advice, the woman just made another
acceleration.
I seldom curse, but today right at this moment. I started cursing
nonstop.
"We're damn coming 0011, ilang beses ko na ba itong nagawa? Bringing a
princess to a prince? Come on, I need my own prince. Kahit pababy na
rin." Mas lalong humarurot ang motor nito dahilan kung bakit hindi ko
narinig ang sinabi niya.
What is she talking about?
"W-What? Are you talking to me Maleficent?"
Sa halip na sumagot ito sa akin ay tumawa lamang ito ng malakas kasabay
ng bilis ng pagtakbo ng kanyang motor.
We stopped near the emergency door, nagmadali na akong bumaba at ibinigay
ko sa kanya ang helmet.
"Thank you! thank you! Maleficent!" muling natawa sa akin ang babae.
"I like you better than Aurelia, you're cuter." I got offended when she
tried to pinch my cheeks.
"Sorry, but I don't like you. Kung sino ka man, but I'm hoping to meet
you again. Kung hindi kayang sabihin sa akin ni Triton, m-maybe I'll try
to find my own way. This isn't working at all."
"Maybe? Maybe I can help you, but I don't really give free service."
"I can pay you,"
"Money?" she laughed sarcastically. "Let's meet soon and you'll help me
to convince your boyfriend."
"C-Convince what?" muli itong nagkibit balikat.
"Hey wait! Convince what?" pero hindi na ito bumaling sa akin at iniwan
niya akong punong-puno ng katanungan.
She's really something.
Nawala ako sa aking pagkakatulala nang marinig ang tawag sa aking
telepono.
"Yes mommy, I'm already here at the hospital. Yes, yes! Someone helped
me, please let's just talk here."
Agad na akong pumasok sa emergency room. I immediately asked the nurse,
kung nasaan si Triton.
Nagsisimula nang magluha ang aking mga mata habang tinitingnan niya ang
nasa record.
Habang naghihintay ako hindi ko maiwasang mapasilip sa pintuang
nagsisimula nang masarado. There are a lot of nurses around and a doctor
trying to revive someone. No, no please, it's not him. It's not him.
"He's already been transferred to his room, Ma'am. Room 302."
"Oh god! Thank you po!"
I ran as fast as I could, para lamang makarating sa kwarto ni Triton. And
when I'm about to reach the door which was partly open, I heard a
conversation.
"A-Are you sure?"
"Yes, I never travelled without checking everything Troy. Maayos ang
preno ng sasakyan ko. But I got a lot of stop over from different
investors, hindi ko alam kung saan at kailan ako nasalisihan."
"You mean tinanggalan ka ng preno?"
"What else? Hindi ako gago para magpakamatay at magmaneho ng walang
preno. Shit, I still have my date with Euphie."
Nangatal ang mga kamay ko, hindi ko natuloy pumasok at napasandal na
lamang ako sa pader.
What am I hearing?
Tama ba talaga ang kwartong pinuntahan ko? I tried to look at the door,
ito ang ibinigay sa akin ng nurse.
Nawalan ako ng lakas pumasok sa kwarto ni Triton at nagsimula akong
maglakad papalayo.
Little by little the soft features and characteristics of Triton that
have been imprinted in my mind or even in my heart are now slowly fading
away.
Hindi ko kailanman inisip na may taong gustong saktan si Triton, someone
wanted him hurt physically. And he's well informed about it!
Car accident is serious! It could even kill him.
Biglang bumalik sa akin ang alaala ng mga salitang sinabi sa akin ng
babae. There is always another side in every gentle prince.
What is this?
"Euphie!"
Hindi ko napansin na halos makakalabas na ako ng hospital.
"How's Triton?"
"H-He's okay, hindi po ako pumasok mommy. Magkausap pa sila ni Troy."
Kumunot ang noo ni mommy sa sinabi ko.
"Let's go, papunta pa lang ang mga magulang niya. Galing sila sa manila."
I just nodded.
Hawak ni mommy ang kamay ko habang pabalik na kami sa kwarto ni Triton,
ilang beses akong kinakausap ni Daddy pero tipid lamang akong ngumingiti.
Paano ako kikilos na parang wala akong narinig? What if they'll notice?
"He'll be alright, baby. Triton we'll be alright." Humalik sa akin si
mommy.
Kanina ko pa rin nararamdaman ang pag-vibrate ng phone ko. Siguradong si
Triton ito.
Halos hindi ko masalubong ang mga mata ni Triton nang makapasok kami,
gusto ko siyang tanungin, gusto kong umiyak sa harapan niya dahil hindi
man lang niya sinasabi sa akin ang dapat kong malaman.
Why? Dahil ba maliit pa rin ang tingin niya sa akin? Na hindi ko pa rin
maiintindihan ang totoong nangyayari?
That I am not capable of thinking and analyzing the situation?
"Tita, Euphie.."
Tumango si Troy sa amin.
"What did happen to you young man? Dapat nag-iingat ka." Naunang lumapit
sa kama ni Triton si Daddy.
Hinawakan ni mommy ang balikat ko, kumamot sa kanyang ulo si Triton at
bahagyang ngumisi kay Daddy pero pasulyap-sulyap ito sa akin.
"Accident, nawalan po ng preno Tito. I didn't check." He's lying.
Naiiyak ako, naiiyak ako. He's damn lying.
"Ilang beses ka na ba nasugod sa hospital? Dapat nag-iingat ka hijo,
maraming nag-aalala sa'yo." Sabay silang isinugod ni Ahmed sa hospital
noon.
Ahmed got a car accident and Triton was still a mystery. He's unknown
disease or whatever that I haven't even had a slightest hint.
Pansin ko na kapwa na nakatingin sa akin si Triton at Troy, kailangan ko
nang lumapit kay Triton bago nila mapansin na narinig ko ang
kasinungalingan nilang dalawa.
"Padating na rin ang mga magulang mo, Triton."
"I told them na okay na ako, ang titigas talaga ng ulo nila."
"Euphie, hindi mo ba lalapitan si Triton?"
"I want to scold him alone, Daddy." I tried to sound natural.
Unang tumayo si Troy.
"I'll go get some drinks."
"Honey let's go, pagagalitan muna ni Euphie ang boyfriend niya." Hinila
na ni mommy si daddy.
Nagsunod-sunod na silang lumabas hanggang kami na lang ni Triton ang
natira sa loob ng kwarto niya.
Nanatili akong nakatayo malayo sa kanya, both of my hands on my back
trying to calm myself not to burst out from tears.
Takot, pagtataka, galit at kung ano-ano pang emosyon na pilit kong
isinasawalambahala simula nang sagutin ko si Triton.
"Euphie.."
Lumapit na ako sa kanya at tahimik akong naupo sa kanyang kama.
"What happened to you?"
"Nawalan ako ng preno, Euphie. Sorry about our date. Galit ka ba sa
akin?" malambing na tanong nito.
"B-Bakit naman ako magagalit? That was an accident."
"B-But you're not looking at me, you're mad." Sinubukan niyang hawakan
ang kamay ko.
"Hindi nga Triton, naiinis lang ako. You should be more careful, hindi
naman kita pinagmamadali."
"Lapit ka na sa akin Euphie, lapit ka na sa akin." Umirap ako bago ako
tuluyang nagpahila sa kanya.
"Sorry na kasi, I'll be careful next time. Bati na tayo, sweetheart.
Lambingin mo naman ako, baka mawala na ang sakit ng katawan ko."
Madramang sabi ni Triton.
Ngayon ko lang napansin na may cast siya at dahil mas malapit na ako sa
kanya mas nakita ko na ang ilang galos niya sa kanyang mukha.
"Look, look what happened to you.." nanunumbat na sabi ko sa kanya habang
marahang humahaplos ang kamay ko sa kanyang pisngi.
"Natakot ako Triton, natatakot na ako sa mga nangyayari."
Hinawakan ni Triton ang mga kamay ko.
"Sorry, sorry, I promise I'll be careful. Hindi kita gustong takutin
Euphie." Habang pinagmamasdan ko si Triton bumalik sa isipan ko ang
narinig ko mula sa kanila ni Troy.
His unknown disease, someone wanted him down and the woman who keeps
giving me clues, na hindi ko alam kung nagbibigay ba talaga ng kasagutan.
"Don't worry please.." when Triton tried to kiss my lips I made a sudden
movement away from him.
I can't do this anymore. I really can't pretend.
"What is 0011?"
--
VentreCanard
Chapter 44
Dedicated to Beadch Peral
Chapter 44
"What is 0011?" I asked.
The whole hospital room went in silence as Triton stared at me blankly.
"Triton, I am asking you. What is 0011?"
"W-What are you talking about Euphie?" lumaglag ang mga balikat ko sa
isinagot sa akin ni Triton.
At natagpuan ko na lamang ang sarili kong umiiling at pilit kinakalas ang
mga kamay niya sa akin.
"J-Just tell me the truth, Triton! I heard it! I heard it! You were
talking with Troy, sinabi mong may tao sa likod ng pagkawala ng preno ng
sasakyan mo! Someone wanted you down!"
Mas lalong natigilan si Triton sa sinabi ko.
"I deserve to know the truth, Triton. There were a lot of questions! Na
natatakot na ako na sa isang araw bigla ka na lang mawala nang wala
akokaming kaalam-alam!"
"Where did you get the number Euphie?" nanlaki ang mata ko nang walang
pakundangang lumapit sa akin si Triton at hindi niya alintana ang kanyang
swero para hawakan lamang ako.
I pushed him, at ako na mismo ang lumapit sa kanya.
"Troy's not aware of that number, Euphie! Who told you that number?"
seryosong tanong nito sa akin.
"Ako ang nagtatanong sa'yo Triton!"
"May lumapit ba sa'yo? May kumausap? Anong sinabi nila sa'yo? Did they
hurt you?" sunod-sunod na tanong ni Triton.
Mas lalo akong kinabahan nang makapa ko ang takot sa boses at sa kanyang
mga mata. At tuluyan nang tumulo ang mga luha ko habang sunod-sunod ang
tanong niya sa akin.
"What is really happening Triton? I am clueless, natatakot na ako sa
nangyayari. Natatakot na ako sa mga ikinikilos mo, ano itong itinatago
mo?" I felt so frustrated, puro tanong, walang katapusang tanong at kahit
isa ay wala akong nakukuhang kahit anong klase ng kasagutan.
"Anong hitsura ng lumapit sa'yo Euphie? Did they threaten you? Tell me,
sweetheart."
Yes, I vowed to myself not to hurt people again. Emotionally or even
physically, but Triton's teaching me to do something that I shouldn't.
Huli na bago ko pigilan ang sarili ko, dahil isang malakas na sampal ang
tumama kay Triton mula sa aking mga palad.
"Euphie.."
"Fucking answer me Triton, hindi mo ako sagutin sa katanungan ko ngayon.
Tapos na tayo."
Umawang ang bibig ni Triton nang marinig niya ang mga salita ko. I might
be his innocent Euphie but he can't treat me as dumb as shit.
Alam ko kung may itinatago sa akin ang isang tao, alam ko kung
pinagkakaitan ako ng impormasyong dapat nalalaman ko.
I love him, I really do. And I am trying to change my weakness and
incompleteness.
But how about him? Hindi naman yata tama ang ginagawa sa akin ni Triton.
Not because my mind and damn maturity can't be as matured as them,
ginagawa na nila akong bulag sa mga bagay.
"Hey, sorry. I'm really sorry Euphie.." sinubukan niyang muling hawakan
ako pero tumayo na ako mula sa kama.
"Stop the sorry Triton! Please enlighten me!"
"I can'tI really can't Euphie." Lalo akong nanlumo sa mga sinabi niya.
"That's not what I want Triton, binigyan na kita ng panahon. Naghintay
naman ako, I gave you enough time. Do you think I can still tie myself to
you if I'm clueless about everything?"
"You don't need to know, Euphie. Please, let's settle this."
"Settle? How Triton? Ikaw ang ayaw umayos nito! You are treating me like
a dumb girl who knows nothing! Can't you see? You are degrading me, you
are fooling me and you've been feeding me with lies. Dahil pinaniniwalaan
mo na madali lang naman akong maniwala! Na hindi ako marunong mag-isip ng
komplikadong bagay! You're settling me aside because you never looked at
me as woman, but still a damn girl." Nasapo ko na ang mukha ko dahil sa
matinding pagpatak ng aking mga luha.
"I've been trying to act maturely, to blend with my damn age, to analyse
everything just like a real adult, pero 'yong lalaking mahal na mahal ko.
He never looked at me as a grown woman, hindi mo ako hinahayaang
intindihin ang lahat ni Triton. You are not healthy for me."
"W-What? What sweetheart? What are you talking about Euphie? I love you!
Matured or not, girl or a woman. I never degrade you or even looked down
on you." Iritado nang tinanggal ni Triton ang dextrose at bumaba na ito
sa kama.
"We are healthy for each other, Euphie. Let's stop fighting, please." He
forced to remove the cast on his shoulder.
"Are you sick? What was the accident about? What are your secrets Triton?
Please tell me." Paulit-ulit kong tanong sa kanya habang humahakbang ako.
"I am not fucking sick Euphie, I am not since then. It was staged. It was
fucking staged."
"S-Staged? B-But whylahat your family, my familyeven Troy have an idea
about yourstaged for years?!"
"H-How? What? Why? I don't really understand. Anong nangyayari?"
"Please, just that. Ito lang ang kaya kong sabihin sa'yo Euphie. It's the
most important right, sweetheart? I don't have any diseaseikaw lang ang
nakakaalam na wala akong sakit."
"Triton, tell mewhat are you?"
Natigilan siyang muli sa sinabi ko. Bakit sa halip na masagot ang
katanungan ko ay mas nadagdagan lamang ito?
His disease was staged! How was that possible? Sinong katulong niya dito?
Is it just Troy and his money?
"I-I don't know you anymore. I think you are not my Triton, you are not
my prince anymore." Napahilamos si Triton sa kanyang mukha nang sabihin
ko ito sa kanya.
"Euphie, there is no such thing as an ideal prince! And no matter how we
cover up, no matter how we appeared gentle, lalabas at lalabas pa rin
kung anong klaseng prinsipe ang katulad ko, ang mga katulad ko. Maybe
some people might consider me, us as fearless. But I have my biggest
fearit's my princess. It's you, Euphie."
"Katulad mo?"
"Euphie, please sweetheart. Don't ask more, please just allow me to love
you. Huwag ka nang magtanong, please." Yumakap sa akin nang mahigpit si
Triton.
No matter how we love each other if someone's hiding something, this will
not definitely work. Lalo akong mabubuhay sa takot, tanong at pangamba.
"Triton, ayoko na." Mas humigpit ang yakap nito sa akin. "Triton! Bitawan
mo ako, ayoko na."
"Wala akong naririnigwalang naririnig si Triton, Euphie." Pilit na akong
kumakalas sa yakap niya.
"No, ayoko na Triton. This isn't healthy for us. Balikan mo ako kung kaya
mo nang sabihin sa akin, ayoko nang ganito. Ayoko na Triton, please let
me go." Ilang beses na akong nagpupumiglas.
"No, wala akong naririnig."
"TRITON ano ba?! Please! Let me go! L-Let's cool off!" humugot nang
paghinga si Triton at inihiwalay niya ako sa kanya.
But he leaned to look straight into my eyes. Ilang beses itong umiling sa
akin.
"W-Walang cool off Euphie, walano." I saw mixtures of pain, fear and
bitterness in his eyes.
I hate to see him like this, pero kung magpapatuloy ito walang mangyayari
sa pagitan namin. This relationship was toxic from the very beginning.
"No, walang cool off Euphie!"
"Then let's break up, Triton! I can't, I really can't continue like
this." Nanlaki ang mga mata nito sa akin.
"Nono Euphie," he cupped my face until his lips captured mine. I felt the
pain in his kisses and it was making my heart arched more.
Ilang beses kong hinampas ang dibdib niya para kumawala, hindi ako
sumagot sa halik niya at pilit kong isinasara ang aking mga labi na may
luha sa aking mga mata.
I felt a sudden push from him that made me land on the hospital bed.
"Tri" I tried to get up but Triton trapped with his strength like he was
not a patient with an injury.
He pinned both of my hands above my head as he lavished my lips with his
intense disapproval.
This was the first time that Triton kissed me with harsh and rage, this
was the first time that Triton refused to listen to me and this was the
first time that Triton showed me his other side--- the other side of my
prince.
I was sobbing between his kisses when I heard a barged noise coming from
the door.
"Fucking Triton!" malakas na mura ni Troy.
I heard the instant clicked of the door next were heavy and rushed
footsteps until Troy shoved Triton above me.
Isang malakas na suntok ang tumama kay Triton dahilan kung bakit bumagsak
ito sa sahit.
I was crying helplessly while sitting lost on Triton's bed.
"A-Are you mad, Triton?!" sigaw ni Troy.
Natulala na si Triton habang nakatitig ito sa akin.
"Oh fuckI'm sorry Euphie.." nagmadali itong tumayo at akma itong lalapit
sa akin nang humarang si Troy.
"W-What the fuck really happened to you both?" iritadong tanong ni Troy
sa aming dalawa.
"I'll go now" tipid na sagot ko habang pinapahid ang mga luha ko.
"Euphie, I'm sorryEuphie" pansin kong naalarma si Triton nang makita
niyang bumaba na ako sa kama.
Troy didn't allow him to reach me dahil humarang na ito kay Triton.
"Euphie! Please, I'm sorry Oh god, bitawan mo ako Troy! She's leaving me!
She's damn leaving me--"
"S-She what?!"
I pushed the button near the door and I called the attention of the
nurses, sinabi ko sa mga itong nagwawala ang pasyente.
"What did you tell him? Bakit nagwawala si Triton, Euphie?!" tanong na
rin sa akin ni Troy.
"EuphieI'm sorryI'm sorry."
Hindi ako lumabas habang hindi pa dumadating ang mga nurse. Patuloy ako
sa pag-iyak habang hindi ko mapagmasdan si Triton.
Nang makapasok na ang mga nurse at tulungan ng mga ito si Troy, dito ko
lamang sinalubong ang mga mata ni Triton.
He was broken, broken, my prince was broken.
"Find me if you're ready to tell me everything, find me if I am totally a
grown woman."
Tumalikod na ako sa kanya at nagmadali na akong lumabas ng kwarto habang
walang tigil si Triton sa pagsigaw ng pangalan ko.
"You are just like my sister, Euphie! You are just like my sister! I
sacrificed all yet you're leaving me! I will never look for you!"
--
VentreCanard
Chapter 45
PLEASE READ THE AUTHOR'S NOTE. PLEASE. This is just an additional chapter
to make the story clearer. But the flow is still the same.
Nang isinulat ko ang mga dating chapters, hindi ko naisip na may mga
readers pa rin na hindi nakakabasa ng Prince Series 1 at Eyes Series, na
medyo connected dito. I didn't detail everything, kaya nagdadagdag po
ako.
Maraming salamat po sa nagbasa ng author's note :)
I need to add something that's why I removed some chapters. I'll bring it
back, soon. Thanks.
Chapter 45
I ran as fast as I could. Wala akong tigil sa mabilis na pagtakbo na
hindi man lang inaalintana ang mga taong maaari kong mabangga.
My tears were falling like a river while Triton's words continued to play
all over my mind. He compared me to his sister, isang uri ng
pagkukumparang hindi ko pinangarap.
To all the people, why his sister?
Sumakit ang lalamunan ko nang dahan-dahang bumalik ang mga alaalang pilit
kong ibinabaon sa limot. Mga alaalang pilit kong pinaniniwala sa aking
sariling isang uri lamang nang masamang panaginip
Kahit anong pilit kong gawing pagtatago o pagkukunwari, hindi pa rin nito
maaalis ang katotohanan matagal ko nang tinatakbuhan.
At nagpaparamdam na ito. Triton was being hunted!
Dapat itigil ko na ito.
I didn't bother to wipe my tears until I finally made out of the
hospital. Agad akong sumakay sa nakatigil na taxi at ibinigay ang nag-
iisang address na alam kong mabibigyan ako ng kalayaang mag-isa.
My grandparent's address.
Pinagpatuloy ko ang pag-iyak ko hanggang sa makarating ako dito, hindi ko
na inabala pa na batiin ang tagapamahala ng bahay ni lolo at lola nang
makita ako nito habang nagwawalis siya ng harapan.
He tried to call my name, pero para akong walang narinig.
All I did was to run fast, hide inside my room and cried as louder as I
can.
Kasabay nang malakas kong pag-iyak ay ang walang tigil na pagwawala ng
aking telepono, agad ko itong kinuha at walang sabing itinapon ito
dahilan kung bakit ito nagkapira-piraso.
Why? Bakit hayaan na lang nila kami?
Tuluyan na akong natulala habang walang tigil pa rin sa pagtulo ang mga
luha ko. Kahit anong gawin ko, namin ni Triton hahabulin at hahabulin pa
rin kami ng katotohanan.
Napasigaw na ako sa sama-samang emosyon na siyang nararamdaman ko. I just
want to explode and disappear. Nasapo ko ang aking mukha at mas ibinuhos
ko ang buong nararamdaman ko na pilit kong kinalimutan sa nakalipas na
mahabang taon.
I should stop doing this, I should stop now, I should stop fooling my
damn self that my scripted innocence might be able to save us.
But it's all over.
I am no fucking innocent!
I am not the fucking nave girl!
My innocence was a farce, it was a mask that I believed that would save
us from our reality.
O tamang sabihin na ito ang karakter na gusto kong mayroon ako, isang uri
ng karakter na malayo sa totoong ako, isang karakter na pinangarap kong
sana ay taglay ko kumpara sa kung anong totoong pagkatao ko.
I lived with it for years, sa pag-aakalang magiging maayos ang lahat. But
everything was wrong and I did hope for impossible. Ilang taon kong
niloloko ang sarili ko at umaasang sa ginagawa kong pagkilos na isang
inosente ang magiging sagot sa lahat.
But I should accept that fact that facing everything with farce will
never give a good result. Tama na ang mahabang taong pagloko sa sarili
mo, tama na ang mahabang taon na pagtatago sa katangiang malayo sa
totoong ako.
Nagsisimula nang sumabog ang katotohanan, nagsisimula nang humabol ang
mga bagay na aking tinatakbuhan.
Because all along I knew what was really Triton behind his identity.
Dahil hindi lang siya ang nagtatago at hindi lang siya ang nagkukunwari.
The biggest lie was hiding behind my innocence.
Isinubsob ko ang sarili ko sa aking kama at muli na namang umulit ang
sagutan sa pagitan namin ni Triton.
Kung maaari lang na masunod ang gusto ko, that our conflict was just
Triton's secret but that was not just that. I was playing dumb with that
fucking 0011! I was playing dumb about the fake car accident! Alam ko,
alam ko ang lahat ng mga ito!
Because it wasn't just Triton who was born to live in that kind of world,
it was not just Triton who was trained to deceive people and it was not
just him who were trapped inside an institution that we didn't even ask
from the very start.
At alam kong ang pakikipaghiwalay sa kanya ang pinakamagandang paraan
para matulungan ko siya.
Naiipit na si Triton! Why?
Dahil hindi siya ang pakay ng mga taong posibleng ilang beses nang
nagtangka sa kanya. It was me! umpisa pa lamang ay ako ang pakay nila.
And Triton was making his damn best way to help me and cover me up even
if it cost his own life.
That's it!
I don't want to accept the reality and I just want to stuck myself up to
the farce world I've created where innocence was my weapon and savior.
Pero hindi na kaya, hindi kayang pagtakpan nang magpapanggap ko ang mga
bagay na kailangan naming harapin.
Buhay na ang pinag-uusapan dito. And it was just a fucking simple life,
it was the life of the man I loved the most. Buhay na ni Triton ang
pinag-uusapan dito. No matter how I tried myself to trust and believe
that this fake innocence might do something to help us, the deeper
foolishness I might dig dragging us to death.
Matalino ako, pero hinayaan ko ang sarili kong maniwala sa imposible.
I tried to cover my head with pillows like I could successful stop the
memories from the past, pero wala akong nagawa.
Halos dalawang oras kong isinubsob ang sarili ko sa kama bago ko
napagpasyahang muling kumilos.
I got up from my bed, throw the damn pillows, fixed myself before leaving
my room.
Eksaktong makakasalubong ko si Mang Arthur. Hindi ko na inabalang itago
ang namumula kong mga mata.
"Euphie, hija. Anong nangyari? Nag-away na naman ba kayo ni Triton?"
Lalong kumirot ang dibdib ko sa tanong ni Mang Arthur.
He's always the witness of our childhood memories, kung kailan lagi na
lang akong pinaiiyak ni Triton.
If I could just turn back the time, sana ganito na lang kababaw ang bawat
mga luha ko.
Umiling ako sa kanya.
"May maiinom po ba ako sa kusina?"
"Oo naman hija! Buti na lang at binuhay ko ang refrigerator. Nagtimpla
ako ng juice, gusto mo ba ipagdala kita?"
"Hindi na po, ako na lang po ang kukuha. Ituloy nyo na lang po ang
ginagawa niyo." Pilit akong nagbigay ng ngiti sa kanya bago ako nagtuloy
sa kusina.
Agad akong nagsalin ng juice, naupo at tahimik na inisip ang sunod kong
gagawin.
I should start making my plans now. Kung gumagalaw na sila, mas mabuting
magsimula na rin ako.
Marahan kong pinaglaro ang yelo sa aking baso habang nagsisimulang
bumalik ang nakaraan.
If I could just pull my little self from the scene, if I could just
change the past, hindi siguro kami nagkakaganito.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Ilang beses ko na ba ito hihilingin?
Kung maraming beses ko ba ito ipagdasal may magbabago?
Of course, the damage has been done. Years ago, at kailanman ay hindi na
ito mababago.
Humigpit ang kamay kong nakahawak sa baso nang muling luminaw sa akin ang
mukha ng babaeng siyang nagbago sa buhay ko. I've been trying to remember
the good memories I had with her and buried the dark ones, but here I am
cursing my past with her.
My little self was scared, but a very beautiful woman gave me an assuring
smile that everything will be alright. Humigpit ang hawak nito sa aking
kamay habang nakaupo kami sa harap ng isang entablado.
The whole place was filled with heavy atmosphere, at karamihan sa mga
taong may kasamang bata ay kapwa may mga matang uhaw at naghahanap.
Of course, it was all about competition. Who would bring the best
product? Who would bring the best asset in the future? Who would take the
large amount of money?
Gusto kong magsisigaw sa batang ako, gusto ko siyang hablutin, gusto kong
saktan ang babaeng siyang naging dahilan kung bakit nasa mundo akong
hindi ko pinangarap.
Ilang beses akong humakbang at pilit hinahawakan ang batang sarili ko na
umaasang may magagawa pa ako, pero tumatagos lamang ang sarili ko. I was
dreaming! My damn dream was giving me another torture to witness this
again.
There were a lot of kids all over the huge room. Minsan naisip ko, ano na
kaya ang nangyari sa mga ito? Katulad ko rin ba sila na hindi na
kailanman pa nakalabas at sapilitang naglingkod sa trabahong hindi nila
gusto?
Katulad ko rin ba ang mga itong tinanggalan ng karapatang maranasan ang
maging normal na bata?
Sa kasalukuyan, masaya kaya sila? Minsan ba ay nagsisisi silang pumasok
sa mundong ito? Kailan sila natutong tumanggap? Anong sitwasyon nila sa
kasalukuyan?
Or are they still alive?
Ilang beses kong ipinilig ang sarili ko, pinunasan muli ang luha ko at
nagpatuloy sa pag-alala. Ilan lamang ito sa napagdaanan ko, hindi pa ito
ang simula at lalong wala pa ito sa kalagitnaan pero itong alaalang
bumabalik sa akin ang panahong opisyal na akong naging miyembro.
The beautiful woman held my hand, dinala ako nito sa unahan habang
nakataas ang noo nito sa lahat.
There's a long column in front, dalawang babae ang nasa magkabila nito at
habang mas lumalapit kami ng babaeng may hawak sa kamay ko mas nakita ko
kung ano ang nakapatong dito.
It was the hourglass. I was instructed that I should switch its position.
Nang sandaling ibaliktad ko ito at bumilang muli nang panibagong oras,
isang malakas na sigawan ang sumalubong sa akin.
If Triton was agent with his 0011 as his number, Euphiemia Soren Arcega
was beyond that.
--
VentreCanard
Chapter 46
PLEASE READ THE AUTHOR'S NOTE. PLEASE. This is just an additional chapter
to make the story clearer. But the flow is still the same. READ PLEASE.
Nang isinulat ko ang mga dating chapters, hindi ko naisip na may mga
readers pa rin na hindi nakakabasa ng Prince Series 1 at Eyes Series, na
medyo connected dito. I didn't detail everything, kaya nagdadagdag po
ako.
Maraming salamat po sa nagbasa ng author's note :)
I need to add something that's why I removed some chapters. I'll bring it
back, soon. Thanks.
I added few chapters for more details. Thanks.
Chapter 46 (READ THE AUTHOR'S NOTE, sa taas. Salamat po.)
If you're given a chance to possess an ability that's beyond ordinary are
you going to embrace it or not? Maybe you'll try to ask, what is the
ability? How will it help me as a person? What are the strengths and its
weakness?
Anong magagawa nito sa akin o sa buhay ng mga taong nakapaligid sa akin?
Of course, people will ask about the possible outcome. Sa panahon ngayon,
wala nang taong basta na lamang tumatanggap ng mga bagay-bagay na hindi
iniisip ang posibleng mangyari sa hinaharap.
But my life was quite different, dahil ang bagay na inalok sa akin ay
hindi ako nagkaroon ng pagkakataong tanggihan o takbuhan. Someone's born
with unusual ability can't run with his/her fate. No matter how we tried
to bury it and hide behind the mask.
At kung iisipin, pwede ba talagang tanggihan? Talikuran o pumili? Kapag
sandaling ibinigay sa'yo ang isang abilidad na sadyang nakalaan sa'yo, sa
sandaling malaman mo kung ano ito, dito masasabing magsisimula nang
umikot ang 'yong buhay.
Hindi na ako muling dumalaw kay Triton matapos ang sagutan sa pagitan
namin.
We're just fooling each other, sinusunod ni Triton ang lahat ng
kagustuhan ko. If I want to stay hiding behind my farce innocence, he'll
definitely live with it gaya nang ilang taong ginawa niya kahit mapahamak
ang kanyang buhay.
And I just realized that his love for me is not healthy anymore.
Hindi magandang habangbuhay kaming mabuhay sa pagtatago at pagpapanggap.
After my whole day stay inside my grandparent's house, I've already
decided. I need to go away, bagay na siyang pinakamagandang gawin sa
pangyayaring ito.
I told my parents about my plans and just like before, I gave them lies.
Binigyan ko sila ng ibang dahilan kung bakit nais kong lumayo at katulad
nang dati, idinahilan kong muli ang pagiging inosente ko.
That I need to grow like a lady.
Pinili kong ilang araw manatili sa bahay nila lolo at lola habang habang
hinihintay matapos ang lahat ng dokumento na gagamitin ko sa pagpunta ko
sa ibang bansa.
I thought everything was at peace, pero pumutok na ang balitang wala na
kami ni Triton.
I got endless of messages coming from my friends, Antonia, Autumn and
August. They tried to ask me what happened, pero pagod na akong
magpaliwanag ng kasinungalingan.
Kahit daw si Triton ay walang balak ipaliwanag sa lahat ang dahilan. Ito
ang mahirap kung masyadong malapit ang mga pamilya namin, hindi man namin
gustong mangyari, pero sa tuwing magkakaroon ng kahit maliit hanggang sa
malaking problema hindi maaaring walang makakaalam na iba.
Maging ang mga magulang ko ay nais rin magtanong sa akin, pero
nirerespeto nila ang kagustuhan ko.
Hindi na ako tumuloy sa pagpasok, while Triton continued his life
according to my source. Thanks to my friends who were my active
messengers, kahit hindi ko tanungin.
At ilang araw bago ako umalis, sinabi ni August na lagi na daw magkasama
si Triton at Patricia, my friend. Hindi man lang ako nakatanggap ng
message kay Patricia simula nang tumigil na ako sa pagpasok at hindi ko
inaasahan ang balitang natanggap ko.
Autumn, August and Antonia were furious about her. Nakailang mura yata
ang narinig ko mula sa kanilang tatlo, lalo na nang nadulas si Antonia.
"The fuck Triton was kissing her near the locker."
"Tanya!" malakas na sigaw ni Autumn at August.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at inihis ko ang aking mga mata sa
screen ng laptop.
"Euphie.." Autumn called my name.
"I-I think I need to rest, girls. Kayo din." I gave them a force smile.
Hindi ko na hinintay pa na masundan ang kanilang sasabihin dahil
nagmadali na akong patayin ang video call.
Agad kong ibinagsak ang sarili ko sa kama at ipinatong ang aking kanang
braso sa aking mga mata para maitago ang nagbabadya kong mga luha.
Dapat ko nang sanayin ang sarili ko, he's safer with normal girls. He's
safer away from me.
I didn't waste my time waiting for my flight date. I started coordinating
with my agency.
Madali naman magagawan ng agency ko ng paraan ang paglipat ko sa ibang
bansa, but I need to follow the process of my parents. Sila ang siyang
nag-aayos ng mga papeles na gagamitin ko dahilan kung bakit ako
natagalan.
Sumulyap ako sa kalendaryo, binigyan ako ng aking ahensiya ng anim na
buwan bakasyon. Ibig sabihin nito, hindi ako magkakaroon ng kahit anong
komunikasyon sa kanila sa loob ng bakasyong ito pero mukhang mas
mapapaaga ang pagbalik ko.
Nasa Pilipinas pa lamang ako ay nagpadala na ako sa kanila ng mensahe na
maaari na ako muling tumanggap ng operasyon at hindi ako naghintay ng
ilang araw dahil agad akong nakakuha ng sagot sa kanila.
Inabala ko ang aking sarili ng pagbabasa ng mga operasyong nakabinbin sa
aking ahensiya. Pinili kong maupo sa tabi ng bintana habang binabasa ang
mga ito.
Until I remembered the first time I've discovered my expertise.
I smiled bitterly while watching for the nth time my little self. Sa
tuwing inaalala ko ang nakaraan, lagi itong sa paraang parang nasa loob
ng pangyayari ang kasalukuyang ako na nakasunod sa bawat detalye at
umaasang may mababago pa.
Hindi tumigil ang sunod-sunod na pagsusulit sa mga ka-edad kong bata,
matapos ang opisyal na kompirmasyong na miyembro na kami ng ahensiya.
From written exams to actual exams. Ilang beses rin kaming pinapanuod ng
mga ito ng iba't-ibang uri ng video, tungkol sa mga baril at mga klase ng
armas, sa mga importanteng lugar at sa kung anong maaari naming maging
importansiya sa ahensiya.
Most of us were categorized in intelligence team. Pero ang grupong ito ay
nahahati pa rin sa iba't-ibang dibisyon.
At our young age, the agency introduced us the great impact of bombs,
that once that we've master the manipulation of the bomb, even the
skilled and the toughest agent won't even have the opportunity to surpass
our usefulness for the agency.
The video explained the number bombs, from those easy made until to the
difficult ones. Hindi man ipinakita ang lahat ng klase ng bomba na
nalikha sa mundo, ipinakita dito ang ilan sa madalas na ginagamit sa
bawat ahensiya o maging sa mga militar.
Our first exam for the bomb lesson was memorization. We were all given a
raw bomb.
"Don't be afraid children, it won't explode. But you won't like it when
the time runs out. So you better pick the best wire to cut."
Our instructor made a quick movement cutting a certain wire. Kung hindi
mabilis ang mga mata mo ay hindi mo makikita kung saang parte ito
nagputol. Yes, there were different colors but it was not a single color
wire, may magkakapareho ng kulay!
Mabilis tinakpan ng instructor namin ang kanyang bomba. I heard
complains, pero wala ang mga itong nagawa kundi tumungo at bigyan ng
pansin ang bomba.
The wires were scattered. Pero hindi nawawala ang paulit-ulit na imahe ng
kamay ng aming instructor at sa posisyon kung saan niya ito pinutol.
We were tasked to stop the running of the time. Nang sandaling may
maglakas na ng loob maggupit sa amin ng wire, bigla na lamang bumuhos ang
ceiling sprinkler sa tapat nito.
Nagsimula na kaming magtawanan.
"He's wrong,"
Sumunod naman ay ang batang nasa kaliwa ko biglang nawala ang paa ng
kanyang upuan dahilan kung bakit siya biglang bumagsak.
"Another wrong wire!" muli kaming nagtawanan. "Faster! The time is
running children." Muli akong tumungo sa lamesa at sinulyapan ang
tumatakbong oras. Katabi nito ang nagkalat na kagamitan na maari kong
gamitin para manipulahin ang bomba.
We were also given a scenario. Kasalukuyan daw kaming nasa loob ng isang
hideout and our comrade or the agent had located a bomb inside, wala na
kaming natitirang oras para sumakay pa sa isang sasakyan at patakbuhin
ito nang napakabilis dahil sa sobrang lakas ng magiging epekto nito.
So our last chance is to dissect the bomb and the agent gave us the damn
pleasure to fix the thing.
What are we gonna do?
Of course, most of the kid will definitely stop the ticking time to save
their lives.
But mine was different, I didn't grab the pliers to cut the wire. Instead
I held the screwdrivers and started to unscrew the crucial part of the
bomb.
Nangangatal pa ang mga kamay ko sa takot na may kung anong mangyari sa
akin, pero habang tumatagal ay patuloy kong nagawa ang gusto kong
mangyari.
My first intention was to glance at our instructor but I just noticed
that most of the kids were gaping at me with astonishment.
"E-Euphie, nasa wires pa lang tayo." Sabi ng nasa unahan ko.
Hindi ako sumagot at muli akong tumungo sa ginagawa ko.
"Why would I cut the coordination of the bomb and time, if I could just
pause it? Try to analyse, we might survive from the bomb but the moment
that the enemies got the signal that we had successfully dissected the
bomb, they will definitely wait for our exit." The last movement of the
screw driver stopped the coordination of the time and the bomb.
Patuloy pa rin sa pagtakbo ang oras, pero malakas ang kumpeyansa kong
wala nang mangyayari sa akin.
"The time is still ticking at sa panahong ito maaari na tayong tumakas.
Saka lamang malalaman ng kalaban na hindi sila nagtagumpay sa sandaling
maubos ang oras at walang nangyayari. Siguradong malayo na ang narating
natin. We have a bigger possibility of survival if we deceived them about
their bomb still working."
Nang sandaling matapos ang paliwanag ko, isang mabagal na palakpak ang
natanggap ko mula sa aming instructor.
"I think the bombing world will suit you very well, Soren."
And this was when I preferred bombs over guns.
Dumating na ang oras ng pag-alis ko. Hiniling ko na huwag na akong ihatid
ng mga magulang ko sa airport na pilit nilang hindi sinang-ayunan, pero
ginawa ko ang lahat ng paki-usap kaya labag man sa loob nila ay hanggang
sa pinto lamang ng aming bahay ang kanilang paghatid sa akin.
My mom told me that we're lucky because I was the 200th passenger of this
certain plane and there's a promo, dahilan kung bakit libre ang ticket ko
at halos wala nang nabayaran ang mga magulang ko sa pag-alis ko sa bansa.
The promo was unusual and weird.
Nakakailang hakbang pa lamang ako habang hila ang aking maleta nang
marinig ko ang boses ni Triton.
But our story wasn't the usual airport chasing romance. Because I just
found out that it was not a damn promo.
Triton paid everything for my airfare, matuloy lang ang pag-alis ko sa
bansa. Some prince might pull me against him and stop me from running but
Triton made sure I'll definitely leave the country.
"Don't come back, Euphie. Don't come back."
--
VentreCanard
Chapter 47
Chapter 47
After 4 years
"I can't wait to see you, doktora." Israel said with a chuckle.
He returned in the Philippines sooner than I thought and I was expecting
that he'll stay in US for good, but just like me he preferred staying in
our own country.
Iba pa rin talaga sa Pilipinas.
Dr. Israel Guevarra, was my colleague during my final years in my
dentistry. Until we finally got our license, our series of training and
even being an item for residency in a known hospital.
I was surprise when he announced that he'll be coming back in the
Philippines, he's already stable and good in US, pero katulad ko may
malaki pa rin parte sa sarili kong bumalik sa bansa.
It's been years. Ang tagal na rin nang huli akong tumapak sa Pilipinas.
"Kung magsalita ka parang hindi tayo magkasama last week," naiiling na
sabi ko habang inaayos ang aking maleta.
Kilala na rin ng mga magulang ko si Israel. We've been together for
years, hindi na rin mahirap sa mga magulang kong pagkatiwalaan siya.
"I'm just trying to be sweet."
"Really?" ngising sagot ko. "So where are you now?"
"I'm on my way to your house, your parents invited me for dinner."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
He's driving!
"Oh, you'll love my mom's cooking. But I need to hang up doc! You're
driving! Bye, ingat. See you soon." Hindi ko na siya pinatapos magsalita
dahil agad ko nang pinatay ang telepono.
Pero hindi pa man nakakailang minuto muling tumunog ang telepono ko.
Inaakala kong si Israel ito, but I was wrong.
Antonia.
"Hey, what's up?"
"Kami na ang susundo sa'yo." I heard August's voice.
Simula nang umalis ako sa bansa, hindi nawala ang komunikasyon ko sa mga
kaibigan ko. At hindi man lang sila nakatulong sa akin. I tried to avoid
Triton's news before, pero wala akong nagawa dahil sinasabi nila sa akin
ang mga nangyayari sa Pinas.
It was really frustrating, pero nasanay na rin ako.
Ilang araw matapos akong umalis sa bansa, nabalitaan kong nakipagbalikan
daw si Triton kay Britanny. Buong akala ko ay sila na ni Patricia, pero
sinabi ng mga kaibigan ko na nagkaroon pa ng agawan sa dalawang babae.
Wala akong nagawa kundi umiyak na lamang nang tahimik.
Bumuntong hininga ako at pinagpatuloy ang pag-eempake ng mga damit ko. I
remembered Ahmed, kamusta na rin kaya ito?
Nang huli kong balita ay natuloy ang kasal nito. But unfortunately his
wife had a miscarriage, hindi daw naging maganda ang samahan ng dalawa
dahil naghiwalay rin ang mga ito at binalikan ni Ahmed si Sydney. To sum
everything up, sinabi ni August, Antonia and even Autumn that my
childhood friends made a huge transformation.
From gentle to harsh. From pababy to gago.
Pero mas madali daw sabihin na, nabaliw na daw ang dalawang inakala kong
prinsipe at lumabas na ang totoong mga kulay.
I was hoping that they were giving me exaggerated information but my
parents confirmed everything.
"You're really going home," kumento ni Autumn.
"Yes, I think I can go home now."
Bumalik sa mga alaala ko ang mga pangyayaring nagtulak sa akin para
umalis at magpakalayo.
I was crying when I went back home. I buried myself on my pillows seeing
the image of Triton struggling against Troy just to stop me from running.
Pero ang higit na nagpapaulit-ulit sa akin ay ang mga salitang binitawan
niya.
He'll never look for me. Buong akala ko ay mahihinahon ko ang sarili ko
nang manggaling na ako sa bahay nila lola at ibuhos ang lahat pero hindi
ko pa rin mapigilan ang sarili ko.
Malakas na pagbagsak ng pinto sa aking kwarto ang umagaw sa aking
atensyon. It was my mother, mabilis itong nakalapit sa akin at niyakap
ako nang mahigpit.
She tried to ask me what happened, kung bakit bigla na lamang nagwala si
Triton. And I told her everything, that I broke up with him. That Triton
was keeping a damn secret from me.
Another lie! Another lie!
Hindi na magandang manatili pa ako dito at pagsunod-sunurin ko pa ang
pagpapanggap na ito.
"Mom, I want to stay with Tita."
"You mean states?" I nodded.
"I want to grow mom, habang nanatili ako dito sa bahay. Sa mga taong"
gusto ko nang murahin at sampalin ang sarili ko.
I've been lying with my parents! Hanggang kailan ko ito gagawin sa mga
taong nagmamahal sa akin?
"Sa mga taong nasanay na sa paraan ng pagtrato sa akin bilang
isanginosente, na dapat alagaang mabuti. I really need to go away. Hindi
ako matututo sa sarili kong mga paa. I will never adjust, dahil alam kong
kayo pa rin ang gagawa ng paraan para sa akin. I'm running out of time
mommy, tumatanda na ako. Gusto kong tumama ang edad ko sa pagkilos ko. I
don't want to be a girl anymoreI want to be a lady, hindi lang para sa
mata ng iba kundi para na rin sa sarili ko." Mahabang paliwanag ko kay
mommy na parang ito talaga ang aking matinding dahilan.
I want to stop pretending, pero alam kong ito rin ang natitirang paraan
na maaari kong gawin para magawa ako ng distansya kay Triton.
My sweetheart has been risking his life for me. At kung mananatili ako sa
tabi niya, mas mapapahamak ang buhay niya.
My parents never asked and they respected my decision. Pinadala ako sa
ibang bansa at tumira sa mga tita ko.
And this was when I started to continue my journey with my real identity.
Sa pagtigil ko sa ibang bansa, dalawang tao ang naging malapit sa akin.
Isarael and the mysterious woman, Savannah. She's my regular patient.
"You're going home tomorrow, right? So.." tumaas ang kilay niya bago niya
ibinaba ang frappe na hawak niya sa lamesa.
"So?"
"Any come back scandal?"
"What do you mean comeback scandal?"
"May babalikan ka sa Pilipinas, Euphie."
"Family, of course." I smiled.
"It's eleven,"
Sa tuwing napapag-usapan namin si Triton, mas pinipili nitong tawagin
siyang eleven. And just like what I've used to do, I always pretend that
I know nothing.
"You mean Triton? Tapos na kami bago pa man ako umalis ng Pilipinas.
Can't you move on? Masaya na rin 'yong tao, Savannah. I was really
wondering, kung paano kayo nagkakilala ni Triton." Tumaas ang kilay nito
sa sinabi ko.
I believed that she's one of us, an agent. Pero hindi ko alam kung saang
ahensya siya nabibilang.
"Do you want me to tell you?" agad akong umiling sa sinabi niya.
"It doesn't matter anymore," nagkibit balikat siya sa sinabi ko.
"But you know, matatapang lang naman sila sa umpisa. They are just too
full with their words, pero sa sandaling makita ka, nilulunok na nila ang
mga sinabi nila. Trust me, I've seen a lot of male like Triton." Umiling
ako sa sinabi ni Savannah.
I sipped a portion of my frappe while she's staring at me with my
reaction.
"Maniniwala na sana ako, but he never tried to approach me for four years
Savannah. Wala na talaga kami ni Triton."
"And you're being serious with Israel now?"
"He's just a friend. I learned my lesson. Alam ni Israel na hanggang
magkaibigan lang kami. And I heard he's meeting his fianc, kaya rin siya
bumalik sa Pilipinas."
"Oh,"
"Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung bakit ka nakipag kaibigan sa
akin Savannah, as far as I remember you told me that you want my help to
recruit Triton for something. Ilang taon na kaming walang koneksyon ni
Triton. And I am not helping you by any means." Tumaas muli ang kilay
nito sa akin.
"Paano kung sabihin ko na hindi talaga si Triton ang pakay ko?" natigilan
ako sa sinabi niya.
"And it's me?" nagkibit balikat ito sa akin.
"Hindi ko alam," tipid na sagot niya.
Saglit kaming natahimik dalawa, bago ko binasag ang katahimikan namin.
"So kailan ulit tayo magkikita?" I asked her.
"For now, wala pa ulit akong balak bumalik sa Pilipinas. But I'll
definitely inform you." Nauna na itong tumayo at lumapit sa akin.
She kissed me on my cheeks before saying good bye.
**
"Welcome home Dra. Arcega!" my friends greeted me in unison.
Few days after my arrival my mom hosted a small celebration in a private
resort. She invited my friends, our neighbors and some of my classmates
before.
Tuwang-tuwa rin sila Tita Taliya and Tita Paisley nang makita ako.
"She's not cute anymore! Come on she's gorgeous now! Where's our cute
Euphie, anyway?" natatawang sabi ni Antonia.
Kahit si August at Autumn ay ganito rin ang kumento sa akin.
"She's happy for me right now," tipid na sagot ko.
"So who's the hottie?" August asked while pouting his lips to Isarael's
direction.
"Fellow dentist,"
"Wow, nag-upgrade ang boylet ni Euphie. From water delivery boy to
dentist na." Sabay-sabay kaming nagtawanan sa sinabi ni Autumn.
"But I heard your mom invited the them, pupunta kaya sila?" tanong ni
Antonia.
"Maybe?"
Nagtilian ang mga kaibigan ko, buong akala ko dahil sa isinagot ko. But I
was wrong, dahil nang sandaling lumingon ako tumama sa aking mga mata ang
pamilyar na tindig ni Triton.
He's now smiling widely at my mother.
"Triton! Euphie's here, your beautiful ex. Siya lang naman ang sinayang
mo!" Antonia blurted out na halos magpalaki ng mata ko.
She's drunk!
"Oh come on, you're drunk Antonia!" Autumn complained.
Napabuntong-hininga ako nang mapansing papalapit sa amin si Triton. Shit.
"Oh oh boy, let's retreat girls! Iwan na muna natin sila."
"No" halos magpanic ako nang nagsimula nang tumayo ang mga kaibigan ko.
"D-Don't leave me here" I almost whisper.
Nasa akto na sana akong tatayo nang mabilis nakaupo si Triton sa posisyon
ni Autumn kanina.
Mabilis nakalayo ang mga kaibigan ko.
"Going somewhere?"
"Oh, hi Triton"
"Let's get this straight you tricky womandid you accept?"
"W-What?"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Triton." Tatayo na sana ako nang hawakan
ni Triton ang palapulsuhan ko.
"Triton,"
"We're still talking Euphiemia." Marahas kong inagaw ang kamay ko sa
kanya.
"I have to go,"
Hinayaan niya akong tumalikod sa kanya pero hindi pa man ako nakakalayo
narinig ko itong nagsalita.
"Sinayang ba talaga kita, Euphie? I doubt that." Huminga ako nang malalim
at muling humarap sa kanya.
"Yes, I accepted it and we're even, 0011. Hindi rin kita sinayang. So
please, excuse me."
--
VentreCanard
Chapter 48
Chapter 48
I was gasping for an air when I left Triton with his stunned reaction.
What did he expect? That I'll be giving him lies? Of course not! He
already knew everything!
I didn't even notice Israel's voice at first, my initial plan was to find
my friends and pretend to listen to their stories until midnight but then
I bumped into another kind of mess.
"Ahmed!" I felt his hands on both of my arms.
"Euphie, long time no see. Why in hurry?" I gulped. Not with another
prince.
Hindi ko inaasahan na ganito ang salubong na ibibigay sa akin ni Triton.
"K-Kamusta?" tanong ko kay Ahmed. Pansin ko na saglit siyang sumulyap sa
pwestong pinanggalingan ko.
"I'm good, how about you?"
"So he told you already?" umawang ang bibig ko sa tanong ni Ahmed.
"Euphie, you got a call." Tahimik akong nagpasalamat nang lumapit na sa
amin si Israel. He gave an apologetic look to Ahmed.
"Dr. Miles, hindi ka niya ma-contact. Ako ang tinawagan,"
"Oh, Ahmed I need to pick this up."
"Yes please, doktora." Ngumisi siya sa akin bago siya nagtuloy sa
paglalakad. Hindi ko na sinubukan pang lumingon dahil kilala ko na kung
sino ang pupuntahan niya.
I heard from my friends that Triton and Ahmed were back with being the
best fiends. I wonder what happened to Troy? Nakapag-asawa na kaya ito?
Inilahad ko na ang kamay ko kay Israel.
"No call, I just saved you. Problem eh?"
"Come on, don't mention it." Umirap ako kay Israel na ngumisi sa akin.
"You need rest? I can take you home, ako na ang bahalang magbigay ng
dahilan."
"No, it's okay Rael. I think I need to introduce you to some of my
friends. Just beware, they're wild." Tipid siyang natawa sa sinabi ko
bago siya umakbay sa akin.
"But I'm wilder, alam mo 'yon."
"Yes," naiiling na sabi ko.
Sabay kaming naglakad ni Israel patungo sa grupo ng mga kaibigan ko. They
were all laughing like there's no tomorrow.
Seriously? Ngayon lang ba ulit sila nagkita?
"Arcega, who's your ex again? Sino sa dalawa? Hindi na maganda ang titig
sa akin ng isa sa kanila."
"Sa'yo ba nakatingin o sa akin? He's mad at me, Israel."
"So what now? Ano sa tingin mo ang gagawin niya?"
"Hindi ko na alam, Rael. Hindi ko na alam, I thought he'll let everything
slide. Na parang wala nang nangyari, na pwedeng kalimutan na ang lahat.
But Triton did ask me bluntly!" Israel chuckled.
"Oh please, let's brush this away. Wag na nating pag-usapan." Pilit kong
pinakalma ang sarili ko.
We sat on another round table, tulad nang inaasahan inulan ng tanong si
Israel ng mga kaibigan ko. They even asked him if we're dating.
"Ilang taon ko na rin nililigawan si Euphie, pero ayaw niya talaga sa
akin." Natatawang sagot ni Israel.
"It's not like that," pagtututol ko.
"Why not ask the other boys? Si Euphie nag-mature lang sumama na ang
ugali. Come on, bisita mo rin 'yong mga kababata mo. Triton! Ahmed! Come
here!" I tried to stop Antonia but she's damn unstoppable.
Bumuntong-hininga na lamang si Autumn at August.
I was silently hoping that Triton and Ahmed will refuse but they're not
giving any kind of favor to me. Sa huli, kasama na rin namin sila sa
bilog na lamesa.
"Truth or dare!"
"Oh," umikot ang mga mata ni August at Autumn sa pakulo ni August.
Nakangiti lamang si Ahmed at Israel habang kapwa may hawak na rin bote ng
alak habang tahimik lang si Triton.
Unang tumigil ang bote sa harap ni Ahmed.
"Truth or dare?"
"Truth," mabilis na sagot ni Ahmed.
"Sex life, active or not?"
"Gosh, Tanya!" ilang beses itong nahampas ni August at Autumn.
"Come on, wala nang inosente dito. Innocent Euphie is dead." May
pagkindat pa ito sa akin.
"Active," nanlaki ang mata ko sa sagot ni Ahmed habang nagsigawan naman
ang mga kaibigan ko.
Gusto ko sanang itanong kung kamusta na sila nang nabuntis niya, pero
pinili ko na lamang sarilinin ang tanong ko.
Tumigil ang bote sa tapat ni Israel.
"Truth or dare?"
"Dare! Dare! Dare!" paulit-ulit na sabi ni Autumn at August.
"Truth girls," ngising sagot niya.
"Have you and Euphie kissed on lips?"
"W-What?!" hindi ko na mapigilang magsalita sa tanong ni Antonia. At
hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako sumulyap kay Triton!
Nakasandal na ito sa kanyang upuan habang hawak ang basong may kaunting
alak na lamang at malaking yelo na kasalukuyan niyang pinaglalaruan.
He's silently waiting for Israel's answer!
Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil may parte sa sarili kong gusto
kong pigilan si Israel sa anumang isasagot niya.
Please lie, lie Israel.
"Yes," mabilis na sagot ni Israel na halos humugot sa aking paghinga.
Nag-iritan ang mga kaibigan ko nang sumagot ito at hindi ko na muli
narinig ang ingay ng malaking yelo sa baso ni Triton.
"Ikaw Euphie ah? Ang landi mo na, we're so proud of you." Sabay-sabay
kumindat sa akin ang mga kaibigan ko.
It was a different kiss! Gusto kong mangatwiran.
Hindi na ako nagtangkang sumulyap sa gawi ni Triton sa muling pag-ikot ng
bote. Hindi rin lumampas ang bote sa mga kaibigan ko na mas pinili ang
dare, silang tatlo rin naman ang nag-utusan habang tipid na natatawa ang
tatlong lalaki na kasama namin.
Habang umiikot ang bote, ramdam ko ang pag-vibrate ng phone ko. It was
Autumn.
He's still into you, I think.
Hanggang sa tumigil ang bote sa harapan ni Triton. Bigla akong kinabahan,
lalo na nang muling nagtama ang aming mga mata.
"Truth or dare?"
"Truth, I don't like your dare girls."
"Okay, okay. Ang killjoy ng boys, ayaw ng dare." Antonia complained.
"Sinong magtatanong?" Autumn asked while giving me a meaningful look. At
mukhang nakuha ito ni August at Antonia.
"Si Euphie naman ang magtatanong,"
"W-What? No, wala naman akong itatanong sa kanya."
"Ako, ako ang magtatanong." Mabilis inikot ni Triton ang bote at itinapat
niya ito sa akin.
He leaned one of his arms on the table but before he was able to give his
question, I gave him my words.
"I'm sorry, I'm sorry for everything Triton." Hindi ko na napigilan ang
sarili ko.
Natahimik ang buong paligid sa sinabi ko at nanatiling nakatitig sa akin
si Triton.
"Sorry sweetheart," I whispered together with my stubborn tears that I've
been keeping for four damn years.
Nagmadali na akong tumayo sa aking upuan at tumalikod sa kanilang lahat.
I refused to listen to their calls even from my parents.
Halos tumakbo na ako sa parking lot at hindi matigil sa pangangatal ang
kamay ko habang hinahanap ang susi sa aking bag nang marinig ko ang
mabibigat na yabag ng pagtakbo mula sa likuran ko.
I knew it's him.
It's Triton!
"Why?" ito lang ang salitang lumabas mula sa kanya.
Nanghihina na akong humarap sa kanya at ilang beses akong umiling na may
luha sa aking mga mata.
"Maganda na ang mga buhay natin, Triton." Hindi siya sumagot sa akin, sa
halip ay nanatili itong muling nakatitig sa akin.
Bumalik ang mga alaalang buong akala ko ay hindi na gugulo pa sa aking
isipan.
I was expecting that my relatives will be there waiting for me at the
airport but a stranger did approach me, nasa pagitan ako nang hindi
pagpansin sa kanya at paglayo nang bigyan ako ng lalaki ng matamis na
ngiti.
"Don't be afraid, I'm here to pick you up. You're the Cagge, right?"
Ilang beses akong lumingon sa magkabila ko nang tanungin ako ng lalaki at
banggitin niya ang salitang bihira ko lamang marinig.
"Who are you? Tauhan ka ba nila?"
"Israel at your service, Ma'am." Tumango ako sa sinabi niya.
Inagaw ni Israel ang maleta ko at sumunod ako sa kanya hanggang sa
makarating kami sa sasakyan.
"I've read your record, soyou have a multiple personality complex?"
bumuntong-hininga ako at tumingin na lamang ako sa labas ng bintana.
"Please, I don't want to talk about it right now."
"Very well,"
Hindi na ako muling kinausap ni Israel hanggang sa makarating kami sa
magandang villa na ilang oras ang biyahe.
And I just noticed that they've already manipulated my exchange of
messages with my parents and relatives.
I got a delayed flight and I'm currently staying a certain hotel. Lies.
"I think this is too early for me, I just arrived in US and then" Israel
interrupted me.
"I'm sorry Miss Arcega but we badly need you, we badly need an efficient
and effective Cagge."
Hindi na ako muling nagsalita sa isinagot sa akin ni Israel.
I was welcomed by number of men in their black suit uniform, black shades
in their eyes, earpods and guns.
I wonder who's the woman I'll be handling now? What happened to the
previous one? Ilang beses kong ipinilig ang sarili ko habang naalala ang
huling babaeng nahawakan ko.
"I don't have plans to stay here, I'll be working from home."
"You're taking what again?" bahagya pa itong natatawa sa akin na parang
nakakatawang bagay ang pagpasok sa katulad ko.
"Dentistry, final year."
"Oh, what a destiny! Dentistry is a good cover up, really." Tumaas ang
kilay ko sa sinabi niya.
Natigil na kami sa pag-uusap nang mabuksan ang pintuan at tumama sa aking
mga mata ang panibagong babae na siyang hahawakan ko.
"Sweetheart, did you accept?" lalo akong nanlambot sa tanong ni Triton.
My tears can't help but to fall continuously. Why is he talking to me
like this? Hindi ba at halos ipagtulakan na niya ako noon para lamang
umalis?
"I don't have anything to accept anymore, Triton. I've been a Cagge from
the very beginning." Lumaglag ang mga balikat ni Triton sa sinabi ko.
"So it was all true? The myth about the Cagge from all over the
agencies?" nakagat ko ang pang-ibabang labi ko bago muling tumango sa
kanya.
"Yes, in every hummingbird there's a Cagge-- and I'm the last Cagge."
--
VentreCanard
Chapter 49
Chapter 49
"Euphie"
"Please Triton, don't make this damn complicated for us. Kalimutan na
lang natin ang mga nalalaman natin sa isa't-isa. Napatay na natin ang
apoy, apat na taon na ang nakalilipas simula nang umalis ako." Hindi siya
sumagot sa akin at nanatili lamang siyang nakatitig sa akin nang ilang
segundo.
I can see the mixtures of his emotions. From struggled pain, confusion,
anger andconcern?
After what I've done to him?
"For how many years?" mahinang tanong niya sa akin.
Napapikit na ako sa katanungan, halos hindi ko na alam kung ilang taon na
ako sa loob ng mundong ginagalawan ko.
"W-Why? How? Tell me Euphie," ilang beses humakbang patungo sa akin si
Triton dahilan kung bakit ako humakbang paatras.
"Please Triton.."
Kapwa naagaw ang atensyon namin ni Triton nang marinig namin ang tawag sa
akin ni Israel.
I was about to call his attention but Triton was already alerted. Bago pa
man ako magawa pa nang sunod na kilos, nakaramdam ako ng maliit na kirot
sa aking leeg.
And before I finally realize what just happened to my neck, I saw Triton
throwing a small ballpen like tube.
Tranquilizer pen!
He caught me in his arms before his whispers.
"It's been four years, sweetheart and I still do love you"
I wonder if it was just my imagination but the words were very heart-
warming, a very beautiful words before closing my eyes.
***
I was expecting that I'll wake up inside an unfamiliar room but I just
saw myself standing barefooted in front of a certain scene, years ago.
Mga panahong buhay pa ang kapatid ni Triton, si Ate Trina. Ang babaeng
puno't dulo ng lahat.
I knew that this was a dream but just like before, I don't know where was
the way out. Muli na namang lumalabas ang panaginip na ito.
Or should I say my past?
Wala akong nagawa kundi muling saksihan ang bagay na ilang beses ko nang
pinagsisihan.
"Hi Ate Trina, where is Triton?" I asked Ate while she's busy playing a
certain wooden puzzle with unfamiliar symbols.
Natigil siya sa paglalaro nang agawin ko ang atensyon niya.
"Oh hi cutie Euphie, nasa tutor pa si Triton." Ilang beses akong tumango
kay Ate Trina bago ako naupo at tumabi sa kanya.
I was curious about her unusual wooden puzzle with a bit similar concept
of rubiks cube, a kind of curiosity I regretted the most.
"Wanna try Euphie?" I nodded enthusiastically.
Ibinigay sa akin ni Ate Trina ang puzzle at nang sandaling ibigay niya
ito sa akin, kusa na lamang gumalaw ang mga kamay ko na parang alam na
nito kung paano mabubuo ang wooden puzzle.
Ate Trina was looking abducted when I gave her the completed puzzle
within a few minutes.
"You're a genius, Euphie!"
And that's the beginning of everything. Simula nang mabuo ko ang
kakaibang puzzle ni Ate Trina, lagi na ako nitong hinihiram kay mommy.
Ate Trina's always giving me chocolates, candies and toys until one day
she told me that we need to go somewhere fun.
Fun for her.
Sumisikip ang dibdib ko habang pinapanuod ang sarili ko na parang sariwa
pa ang lahat nang nangyari.
Dinala ako ni Ate Trina sa isang tagong ahensiya. I was scared back then
but she keeps on smiling and telling me that everything will be alright.
That she'll give me everything that I want.
I remembered the big room before, it was filled by young kids like me. At
sabay-sabay kaming binigyan ng mga papel para magsagot ng isang exam.
Ate Trina was very happy when a tall guy told her that I've passed the
exam. And by the way, they are not calling Ate Trina by her name.
She was called as the hummingbird.
While she's busy talking with the tall guy I saw the big black bag that
was given to her right after I've passed the exam. It was full of money.
"Hummingbird, where did you get this kid? She'll definitely be a great
asset someday." Ngumiti lamang sa kanya si Ate Trina.
Hawak ni Ate Trina ang kamay ko at yumuko siya sa akin para bigyan ng
ngiti.
"We'll go shopping, papasalubungan natin si Triton, Euphie!" And just
like an innocent kid, I jumped with joy while clapping my damn hands.
Too innocent that I didn't even know that my ability was being sold.
Yes, Trina as Montgomery was an angel and ideal sister. But she was the
wicked hummingbird flying from different agencies.
Wala akong alam sa mga ahensiya noon pa man, sa mundong ipinakilala niya
sa akin at sa mundong ngayon ay pilit kong sinasayawan.
Hindi lamang utak ang pinag-aaralan sa ahensiyang kumuha sa akin, maging
ang aking kalusugan. They got all the information about my abilities and
capabilities.
I mind was a candidate for the next hummingbird but my strength refused
the title. Hindi ako kasing lakas at gilas ng ibang mga babae, higit sa
lahat hindi ko kayang gawin ang mga kilalang istilo ng pagiging
hummingbird.
But first, what was really the hummingbird? Sino ang unang babaeng
nagpasimula nito? Why did a hummingbird exist?
The only visible information about a hummingbird was her beauty,
immortality, seductiveness and her purpose to steal endless of priceless
jewels.
Hanggang ngayon ay katanungan pa rin kung papaano ang totoong proseso ng
pagpasa ng titulo nito. Hummingbirds are good in keeping their identity
and it was hard to identify the difference of every hummingbird in every
generation.
But the question, what was really the purpose of hummingbird? How did it
started? Until now it was still a mystery. Walang nakakaalam kung sino
ang unang babaeng humawak sa titulong ito, nasaan siya at kung papaano
siya nawala?
Lahat ay katanungan at misteryo, noon pa man hanggang sa may natuklasan
ako. The Cagge.
The Cagge that was made known by a woman dressed with innocence named
Euphiemia.
There were not just hummingbirds but there were Cagge, if the
hummingbirds are wicked and deceiving Cagges were sharp and poisonous.
Tumutusok at nakalalason.
Originally, hummingbirds were not agency related. Wala itong kahit anong
koneksyon sa kahit anong ahensiyang nakakalat sa buong mundo.
What were those agencies? If I was not mistaken, there were more than
twenty secret agencies around the globe, but there were few with great
power, strength and authority.
There were six powerful agencies silently fighting the world's black
society, namely Sous L'eau, Wheels, Whistlers, Hourglass, Sceptres and
the Keys.
But the hummingbird that I've first encountered was already affiliated
with a certain agency. The Horru Glasseo Agency, ang ahensiyang
kinabibilangan ko.
Ate Trina was not the gentle sister that I've been wishing for, she sold
my intelligence and talent to my agency. Bagay na hindi ko pa nalalaman
nang mga panahong 'yon.
I might have the intelligence and advance brain functions compared to
other kids but my adaptation and realization around me were still in the
process. Hindi ko agad nakuha ang totoong nangyayari sa loob at hindi ko
na nalalaman na nagagamit na pala ako.
As time passed by, as I grew older and as I discovered more thingsI
learned something about Ate Trina. She abandoned her Cagge, her original
partner to keep the money alone. Ate Trina's been receiving message from
this certain Cagge that she'll reveal her secret to the agency.
I blocked Cagge's messages for Ate Trina, at gumawa ako nang paraan para
malaman kung ano pa ang ugnayan nila sa isa't-isa.
And by that I discovered that the Cagge was the responsible for the every
hummingbird's movement. They were the partners in crime.
I was confused back then, bakit hindi na lang ito lumabas at magpakita
kay Ate Trina? Was she injured?
Who was this Cagge? Is it just a money?
Ilang beses kong sinubukang magtanong kay Ate Trina pero hindi ako
makakuha nang lakas ng loob.
When I tried to tell her that I want out, tinakot niya akong mapapahamak
ang mga magulang ko.
And yes, I was trapped inside this agency. Kasama ang hindi ko
mapangalanang ambisyon ng kapatid ni Triton.
It was too late when I discovered that it wasn't just me who was sold.
Because Triton and Ahmed were both gifted too!
Nasisilaw na sa kayamanan si Ate Trina, na hindi niya nakikita ang halaga
naming tatlo. She was very different, ibang-iba sa Trina na siyang kilala
naming lahat.
And instead of breaking my heart with the idea that we're all trapped
inside different agencies with our abilities which we can considered gift
and curse, I pretended to be pure. I pretended to be innocent and weak.
"Euphie.." I heard Triton's voice.
"Euphie.."
Nang sandaling magmulat ako nang mga mata, sumalubong sa akin ang nag-
aalalang mukha ni Triton. Mabilis akong bumangon at yumakap sa kanya nang
mahigpit.
He tried to calm me down by brushing my hair, but I can't help but to cry
even more. Ilang taon ko itong kinimkim, ilang taon ko itong pilit
kinalimutan at ilang taon akong humiling na sana hindi na lang ako, hindi
na lang si Triton o si Ahmed.
Humagulhol ako nang pag-iyak hanggang sa tuluyan nang luminaw sa aking
mga alaala ang araw kung kailan narinig ko ang malakas na paghagulhol na
Tita Taliya.
Triton, Ahmed and I remained silent.
Because Trina Montgomery didn't commit suicide, it was foul play. Someone
killed her, someone killed her.
At isa ito sa aming tatlo.
--
VentreCanard
Chapter 50
Chapter 50
Buong akala ko magiging maayos ang lahat. Pagkatapos ng apat na taon ay
tuluyan nang mabubura ang problemang iniiwasan ko noon pa man.
But running away and coming back to something I wasn't even tried to
solve before was never been a good solution.
Instead of properly extinguishing the bomb, I just hid it somewhere, very
far but no matter how far I tried to keep it, the explosion will always
have an effect on me.
What are we? Sinong naloko? Sino ang nagpaloko? Was that really the
question?
Or should I properly ask, how did we fool ourselves? Why did we fool each
other? Why did we pretend fool like we know nothing?
I remained seated on Triton's bed while leaning on its headboard.
Nanatili rin nakaupo si Triton sa kama at hindi man lang nito inaalis ang
mga titig niya sa akin.
"You said that you'll never look for me. What now Triton? What now?"
"Why did you leave me Euphie?"
Bakit kailangan niya pa itong itanong sa akin?
"Uuwi na ako Triton, we're already settled. Ayoko na nang gulo."
I was about to get down on his bed when he abruptly pulled my hand to
stop me.
"Euphie" I tried to pull myself but his grip went tight.
Muling tumulo ang luha ko habang pilit kong inaagaw ang kamay ko sa
kanya.
"You will never look for me, right? Right? Bitawan mo na ako Triton!"
"Binabawi ko na! Tang-ina binabawi ko na Euphie! Mag-usap tayo!"
"How can I even talk to you?! You compared me to your sister! Someone who
ruined our life! Someone who had a soul to sell her own blood! Someone
who stole our innocence!" I shouted in tears.
Bumalik ang sakit ng mga salita niya nang araw na 'yon. How dare him for
comparing me to the woman he didn't even value the lives of the innocent
kids just for money? Someone who didn't even value companionship just for
money?
"Because just like her! You want out of my life, gusto mo akong iwan
katulad niya! I sacrificed all! I fucking embrace the damn agency for her
because she's my sister! But she chose to leave, to leave me hanging in
that hell like agency! She planned to leave me in the mess! Even our damn
family! And you just did the same thing Euphie! I've been covering you up
for my entire life! My agency's been hunting you down! But all I want was
you to staybe with me as I tried to fight and stand about your innocence
from the case but you chose to leave me! Iniwan mo akong mag-isa Euphie!"
I never expected that Triton will blow this everything up.
So I was right, the other agencies involved were looking for me. For the
possible culprit for Ate Trina's death. And again, I was right. May
iniwan siyang bagayand it was possible that the culprit had this thing
that the agencies been looking for.
But what was that?
"Or you actually just used me? Katulad ka rin ni Ate Trina? Dahil ba
sunod-sunod na akong naaaksidente noon? Dahil ba nararamdaman mong
malapit na ang mga taong humahabol sa'yo noon and then you considered me
useless? Dahil hindi na kita maitago?" My heart sank with his words.
Kusa nang nag-init ang kamay ko at sa unang pagkakataon matapos ang apat
na taon muling tumama ang palad ko sa pisngi ni Triton.
"How dare you?! I leave you because I want you to stop covering me! Those
people! Those people who tried to hurt you were from your own agency
right?! Triton wake up, we can't save each other because we're in
different agencies! Umalis ako dahil alam kong natutunugan ka na nang
ibang kasamahan mo!"
"Damn it! Just stop! Fucking stop! Why can't we just accept that we had
the silent connivance? Us three. We ended up covering each other's ass
for that damn fucking foul play!" Sabay kaming lumingon kay Ahmed na
kapapasok pa lamang sa kwarto.
Natahimik kami ni Triton sa pagtatalo.
"Why can't we just calm down and talk? Nagkahulihan na tayong tatlo, we
already unmasked each other's secret that we refused to do before."
Paliwanag ni Ahmed. "We're already aware of each other's identity since
then, pero tayong tatlo mismo ang lumaro sa pilit nating pinaniniwalaan.
We pretended as fools like it would do better in the future, but what
happened to us?"
"Sumabog, damn fucking explosion." Kumento ni Triton.
"When did you both" hindi ako pinatuloy ni Triton sa katanungan ko.
"Remember when we were rushed in the hospital at the same time? That was
the time that we formally identified ourselves, Euphie. That we formally
introduced ourselves in different agencies, we confirmed that we're both
aware that you're also one of us. The whole details were a history. Ayoko
nang pag-usapan pa."
Natigilan ako sa sinabi ni Triton. Kung maaari lang akong pumalakpak para
sa mga araw na 'yon. We really did a great job for hiding everything, na
parang wala kaming alam sa isa't-isa.
That we were actually having our love conflict but it was really deeper.
"Why can't we just let this slide? Tahimik na ang bawat mga ahensiya
natin." I lied.
"Foolish!" halos mapapikit ako sa sabay na sinabi ni Triton at Ahmed.
"Why can't we just help each other this time? Tinulungan natin ang isa't-
isa noon na hindi man lang nag-uusap. It was merely just our instinct,
why can't we do it while were all informed now Euphie?" tanong ni Ahmed.
"We're being haunted Euphie, someone's framing us three. The real
culprit's giving false traces to the three agencies turning to our
direction. Sa ahensiya ko, pinaghihinalaan nilang ang pumatay kay Ate
Trina ay ang dalawang bata bukod sa akin na dinala niya sa magkaibang
ahensiya." Suminghap ako sa paliwanag ni Triton.
"Same goes with my agency, they were looking for you both." Sagot ni
Ahmed.
Kapwa na sila nakatitig sa akin ngayon at nanghihina akong tumango sa
kanila.
"My agency too,"
"See? If we're not going to fucking help each other, we'll all die inside
our own agency." Madiing sagot ni Ahmed.
"Probably, because they will definitely think that we betrayed them. We
should move while they haven't identified our identities. Dahil sa
sandaling makilala tayo ng mga ahensiyang naghahanap sa atinwe'll be
doomed. Even though we didn't have a formal connivancethey will look at
us in that way. " Sagot ni Triton.
Triton got the point.
"They are not seeking for justice, right? Hindi sila naghahanap ng
hustisya dahil sa pagkamatay ni Ate Trina." Tipid na sabi ko.
"They were looking for something, our agencies were looking for
somethingna posibleng--" pansin ko na nahihirapan si Triton. "Something
she stole from the three agencies."
Sabay kaming tumango ni Ahmed sa sinabi ni Triton. Those agencies will
not give years of effort looking for us just to seek for justice.
Trina Montgomery was a traitor hummingbird. She introduced herself loyal
to every agency, pero hindi nalalamn ng mga ito na nagpapalipat-lipat
lamang ito sa bawat ahensiya.
"At pinalalabas ng totoong pumatay kay Ate Trina na isa sa ating tatlo
ang nakakaalam kung ano itong ninakaw ni Ate Trina." Ramdam ko ang
pagbigat ng tensyon sa pagitan naming tatlo.
"Or maybe the culprit was right? Paano kung isa nga sa ating tatlo ang
may hawak? Paano kung naglolokohan na naman tayong tatlo?" kapwa kami
sinulyapan ni Triton.
"Well maybe? Hindi malayong mangyari ang sinabi mo Triton. We, the three
of us were all aware of this game. Tayong simula pagkabata pa lamang ay
namulat na sa iba't-ibang klase ng kasinungalingan."
Sa pagkakataong ito ay sa akin na muli nakatitig ang kanilang mga mata.
"Why are you looking at me like that? Hindi lang ako ang nagtago at
nagkunwari. Not just me, tayong tatlo." Katwiran ko.
"Now tell us what you've got, we should plot this everything up Euphie.
If the real culprit was trying to frame us up, now let's try to caught
him or damn her." Triton said.
"W-What? Can we just identify first what was that item? What did Ate
Trina steal from our agencies? Why was she killed? Is it just for money?
How can I be sure that no one from you was the real culprit?" tanong ko
kay Ahmed at Triton.
Triton's jaw tightened. I know that was foul words because Ate Trina was
still his sister, but can I just say that he's innocent?
The three of us were all capable of killing and we all had our reason for
hating Ate Trina. We were not be inside this situation if she let us live
like normal kids.
"Sa tingin mo ba mapapatay ko ang sarili kong kapatid, Euphie? What about
you? Where were you last four years ago? Was that really the reason
Euphie? You want to save me that's why you left?"
"Oh come on! Bahala na kayong dalawa sa mga buhay nyo! Just fucking call
me if you're both calm down!" iritadong sinipa ni Ahmed ang pintuan at
lumabas ito nang kwarto.
Kanina pa akong binabato ni Triton nang maaanghang na salita na parang
hindi ko man lang ipinaramdam sa kanya kung gaano ko siyaipinilig ko ang
sarili ko at nagmadali na akong bumaba ng kami.
"I need to go,"
"Euphie, I'm still talking to you!"
"Papaano tayo mag-uusap Triton kung binubugahan mo ako ng apoy?! I left
because I loved you! And I don't fucking care if you'll believe me or
not!"
I was expecting that I can finally reach the floor to save another batch
of my tears in front of his eyes, but my years of yearning with this
nostalgic feeling just burst with my mixture of emotions the moment I
felt the familiar lips dominating mine.
And he just whispered between his kisses.
"Welcome back sweetheart,"
--
VentreCanard
Chapter 51
Chapter 51
We're both breathing heavily when our lips parted. Triton tried to make
his move again for another kiss, but this time I made a quick movement.
Agad na akong nakalayo sa kanya habang akaharang na ang dalawa kong kamay
sa aking harapan para lamang mapatigil sa paghakbang si Triton at
paglapit sa akin.
"But I missed you, so bad Euphie."
"Triton, tama na. Once is enough. I won't go, alright! I won't go. Let's
talk. J-justdon't kiss me again! Not now that we have tons of problems to
solve."
"Did you miss me, Euphie?" suminghap ako sa tanong ni Triton. Bakit
parang hindi nito narinig ang sinabi ko sa kanya?
"Triton, we better get out of this room. Naghihintay na sa labas si
Ahmed, tama kayo. We should talk about this seriously, yes I changed my
mind. I am now willing to cooperate."
"Hindi 'yon ang gusto ko Euphie! Alam kong alam mo ang gusto ko."
"J-Just like that Triton? Just like that? Afterall that had happened?
After so many years? Bakit naghintay ka pa nang taon? Why just now?"
"I tried Euphie, I fucking tried to follow you. But--" natigil ito sa
dapat sasabihin niya.
Muli itong nakalapit sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. "Let's just
forget about the past Euphie, now that we're both aware of our identities
we can finally help each other."
"Triton, alam mong mahirap nang ibalik ang dati." Ngayon naman ay
hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko.
"Balikan mo na ako, sweetheart. I promise, I'll be a good boy. Gagawin ko
lahat ng gusto mo, I can give you leakage information to my agency, just
tell me everything you want and I'll give it to you." Nanlaki ang mata ko
sa sinabi ni Triton.
The idiot is doing it again!
"Leakage information?! Are you out of your mind? Mapapatay ka ng sarili
mong ahensiya sa sandaling malaman nila!"
"Then tell me, tell me what to do. I'm sorry, I'm really sorry Euphie. I
was so desperate that time, halo-halo na ang emosyon ko. Ginawa ko naman
ang lahat, ginawa ko, pero 'yon lang? ganon na lang? Iiwan mo ako?"
"I told you my reason Triton! Ito na naman ba tayo?"
"Naniniwala na ko! Naniniwala na Euphie! Just come back to me,
sweetheart. Come back to me.." humina ang boses nito na parang naging
bulong na lamang sa aking tenga.
"Come back to me.."
Halos manlambot ang mga tuhod ko sa boses ni Triton. Kung iisipin, isa
lamang ang naging dahilan nang paghihiwalay namin.
Our reason to protect each other.
Hindi ko na kayang isipin na araw-araw itinataya ni Triton ang kanyang
buhay para lamang ma-protektahan ako.
Alam kong may mga kasamahan na itong posibleng may ideya na kung sino pa
ang dalawang bata na siyang ibinenta ng dating hummingbird.
They were looking for us with the same reason. They all believed that
someone from the three gifted kids had the possession of the stolen item.
That unknown item that was stolen by the traitor hummingbird.
Dahil kapwa kami pinagkakatiwalaan ng aming bawat ahensiya, laging ang
natitirang dalawa ang matinding bibigyan ng pansin.
At sa tatlong ahensiya, alam kong ang ahensiya ni Triton ang siyang
nagkakaroon na ng ideya na kami ni Ahmed ang siyang kanilang hinahanap.
And I knew that Triton's had been receiving numbers of threat.
Pinag-isipan ko nang mabuti ang kalagayan ni Triton noon, posibleng
mataas na ang posisyon ni Triton sa kanyang ahensiya at hindi maaaring
bigla na lamang magbigay ng impormasyon ang mga kaahensiya nito laban sa
kanya, malaki ang posibilidad na manipulahin niya lamang ito.
To avoid Triton's mind tricks or any manipulative action, mas pinili ng
mga kasamahan niya na tuluyan siyang patahimikin. They tried to kill
Triton!
They tried to kill my sweetheart.
"Paano mo sila napatahimik, Triton?" tanong ko sa kanya.
"What do you mean, Euphie?"
"Alam kong may nakakaalam na sa ahensiya nyo, paano mo sila napatahimik?"
"Foul play," tipid na sagot ni Triton.
"So you killed them? And it is another foul play?" kumunot ang noon ni
Triton sa sinabi ko.
"I didn't kill my sister, Euphie. Please." Huminga ako nang malalim at
marahan akong yumakap sa kanya.
His body stiffened, hindi nito inaasahang yayakap ako sa kanya.
"How many lives, Triton?" ramdam ko ang marahang yakap nito sa akin bago
ito humalik sa ibabaw ng ulo ko.
"Almost one thousand? Hindi ko na mabilang sweetheart. How about you?"
"Almost six?"
"Six hundred?" tanong ni Triton.
"Six thousand, Triton." Napahiwalay sa akin si Triton at natulala ito sa
akin.
"Fucking six thousand lives"
"Not totally, I was just responsible for pressing the button of the
bombs. Mostly in syndicate's nest."
"So we're back together, Euphie?" bigla nitong binago ang usapan.
"It depends if you'll" hindi na ako pinatapos ni Triton at muli ako
nitong hinalikan sa aking mga labi.
***
"Hindi mo tinigilan hanggang sa pumantal. Fucker Triton." Nag-iwas ako
nang tingin kay Ahmed habang pinagmamasdan ako nito.
Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng labi ko. Damn
Triton.
Where is my gentle Triton? Where is he now? This one is savaged and damn
harsh!
But what should I expect from agents? They have the thickest mask to
disguise.
Nang sumulyap ako kay Triton na malapit lang sa akin, agad nag-init ang
pisngi ko nang tumama ang mga mata ko sa labi niya.
"We need that kiss, Ahmed. I don't want playing and hiding anymore. Lalo
na at harapan na nating alam ang tungkol sa isa't-isa. But I can always
be gentle, just tell me Euphie. Ibibigay ko." Umirap ako sa sinabi ni
Triton at tumaas lamang ang kilay niya sa akin.
"Let's go to my office." Sumunod kami ni Ahmed kay Triton.
"Where are we, by the way?" I asked.
"New quarters? New house, Euphie." Tumigil kami sa isang malaking
pintuan.
At first sight, it was just a simple wooden sliding door but I was wrong.
Inakala kong bubuksan na ito ni Triton, pero may binuksan itong maliit na
parte ng pintuan.
It was like some kind of cabinet with different doors, ang pinagkaiba nga
lang, isa lang ang maliit na bukasan at hinding-hindi basta mapapansin.
I heard few sounds of pressing buttons until we heard an unlocked noise
coming from the door. Isang parte lamang ng pintuan ang bahagyang hinila
ni Triton pakanan.
"Come in, kapag na-ambush ako. Siguradong isa sa inyo ang nagturo sa
akin." Pagbibirong sabi nito.
But jokes are always half-meant, lalo na sa mga katulad namin na nasa
ganitong klase ng mundo.
My original plan was to think for two to three days, but everything
shattered into pieces when Triton Montgomery manipulated me through his
kisses.
He's really a brother of a hummingbird, he knew when to use his dangerous
charm.
Napapayag ako nang wala sa oras! And yes, we're having our meeting.
Triton's agent quarter was simple as I had expected. Pero kahit simple
lamang ang disenyo nito, agad nagala ng aking mga mata ang kumpletong mga
gamit niya na siyang madalas namin ginagamit.
Inaasahan ko nang magtutungo ito sa unahang lamesa para umupo sa kanyang
pwesto at pakiharapan kami ni Ahmed ng pormal. Pero mas pinili nitong
tumayo sa harap ng lamesa.
Nagsimula na itong magsalin ng alak na parang nakahanda na ito sa amin.
Pinagsalin niya ako at si Ahmed.
"Have a seat my rival agents." Inagaw ni Ahmed ang isang baso kay Triton.
"Wala naman siguro itong lason, Triton?"
"Tikman mo,"
Tahimik lamang akong naupo, ganito na rin si Ahmed habang hinihintay
namin magsalita si Triton para sa plano nito.
Until now, I don't have any idea from where we should start. Paano namin
hahanapin ang taong siyang pilit nagdidiin sa amin?
"But before anything else, who was that fucking guy?" tanong ni Triton.
"Who?"
"Ang lalaking dikit nang dikit sa'yo simula nang dumating ka dito."
"You mean, Israel? He's a friend."
"But you kissed. Friends, kissing." Matabang na sabi ni Triton.
"Bakit nasa kanya ang usapan natin Triton? We're should talk about the
case and not Israel."
"Why not? He's a threat."
"Anong klaseng threat, Triton? Sa misyon o kay Euphie? Akala ko ba tapos
na kayo? Ano na naman 'yan?" saway ni Ahmed.
"It's not jealousy Ahmed! Ohfuck!" huli na bago bawiin ni Triton ang
sinabi niya dahil narinig na namin ito ni Ahmed.
"Nadudulas ka, gago." Natatawang sabi ni Ahmed.
Sa pagkakataong ito, si Triton naman ang hindi makatingin sa akin.
"Hanggang ngayon hindi ko alam kung saang mga ahensiya kayo nabibilang."
Tipid na sabi ko.
Maraming beses na akong nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng ideya kung
saang ahensiya sila nagbibigay ng serbisyo pero pinili kong lumayo sa
impormasyon.
"Wheels," mabilis na sagot ni Triton.
"Sceptres, sagot ni Ahmed.
Kapwa na sila nakatitig sa akin habang hinihintay nila ang ahensiyang
kinabibilangan ko.
"Sous L'eau?" tanong ni Triton. "Hindi ba ang mga taga-Sous L'eau ang may
hawak sa hummingbird ngayon?"
Ilang beses akong umiling sa sinabi ni Triton.
"No, I am not from Sous L'eau. I'm working for hourglass." Kapwa nagulat
si Triton at Ahmed sa sinabi ko.
"Sinong may hawak sa hummingbird ngayon?" tanong ni Ahmed.
"Kung hindi ako nagkakamali, labas ang hummingbird ngayon sa kahit anong
ahensiya." Kumento ko.
"But you should hear this, Triton, Ahmed. Until now Sous L'eau Agency's
still convincing to join them. They've been trying to pirate me."
Kapwa umawang ang bibig ni Triton at Ahmed. And they answered in unison.
"Me too,"
--
VentreCanard
Chapter 52
Chapter 52
In the world full of agents, there is only one thing that we should
master from the very beginning. To lie, to manipulate lies in every
realistic twist.
"I got their interest."
I typed the short message before sending it to someone very important.
"Doktora, may pasyente na po kayong naghihintay sa labas." My nurse
informed me with her apologetic look.
My eyebrows crossed. Napaka-aga nang una kong pasyente, it's not even
eight yet!
"Tell him that I'm busy-" natigil ako sa pagtayo nang may sumilip na
pamilyar na mukha sa may pintuan.
Triton! My regular patient!
"Manliligaw nyo po, Doc." Ngising sabi ni Wena.
"Maaga pa," Triton glanced on his wristwatch. "Let's have some coffee,
doc." Ngumisi ito sa akin bago niya inilabas mula sa likuran ng pintuan
ang mga bulaklak na dala niya.
Mabilis nagpaalam si Wena at naiwan kami ni Triton mag-isa. Lumapit ito
sa lamesa ko at inilapag niya ang kanyang dalang bulaklak.
"Good morning, love love ko." Malambing na sabi nito habang sabay niyang
inihawak ang kanyang mga kamay sa lamesa para kumuha ng suporta.
He quickly made a soft kiss on my cheeks. "How's my pretty dentist? Hindi
kita nadalaw kahapon. I'm sorry for that."
"Because?" muling ngumisi si Triton sa tanong ko.
"Hinanap mo ko?"
"Yes," tipid na sagot ko na mas lalong nagpalawak nang ngisi ni Triton.
"That's why I am here now, babawi ako." Tumama ang mga mata nito sa isang
folder na nakatapatong sa lamesa ko.
"Let me see this-"
"Triton, no!"
Mabilis akong tumayo para agawin ito kay Triton, nagmadali pa akong
umikot sa aking lamesa para lamang maabot siya.
But everything was just a trap. When I lower my guard down, Triton made a
fast movement.
Agad nitong naibalik ang folder sa lamesa at sa isang iglap ay nakakulong
na ako sa kanyang mga braso habang nakaupo ako sa kanyang kandungan.
"I missed your smell," bulong nito.
"Triton, the door isn't locked."
"So?"
"Where have you been?" tanong ko dito.
"Business,"
"Business like?"
"Clean business, Euphie." Bumuntong-hininga ako at kusa na akong sumandal
kay Triton.
"Gusto ko nang mamuhay nang normal, Triton. That we're just simple
individuals, na walang hinahanap, walang sinusunod at walang dapat
kinatatakutan. We've been living in a complicated world, na hindi pwedeng
umalis hanggang walang nasasagot."
Yumakap sa akin si Triton at isinandal nito sa aking balikat ang kanyang
baba.
"I'm sorry for everything, Euphie. I was just a kid back then, kung pwede
ko lang pigilan si ate. Kung pwede lang na sana ako na lang, sana hindi
na kayo nadamay ni Ahmed." Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya.
"I've been living in this world wearing masks, Triton. I even deceived my
own parents, how cruel was that?"
"They were never been fooled or deceived, Euphie. Trust me, they are your
parents. Can't you notice? They never initiated to send you to
professionals." Natigilan ako sa sinabi ni Triton.
"What do you mean by that?" tanong ko.
Bigla kong naalala ang nakaraan. Triton was right, my parent's tried to
ask some help from a professional because of my case, pero mabibilang
lamang ito sa kamay. They are not persistent, because they knew. They
knew from the very beginning that I was something.
"Just like me and Ahmed, your parents didn't ask, they didn't entertain
their curiosity. Pinili nilang maging tahimik, katulad namin ni Ahmed.
Hinayaan ka namin sa bagay na gusto mong ipakita sa amin." Hindi ako
makapaniwala sa mga sinasabi ni Triton sa mga oras na ito.
My parents knew everything? Why didn't I realize? Bakit hindi ko napansin
noon pa man gaya nang kaalamang mayroon ako tungkol kay Triton at Ahmed?
"That's it Euphie, everyone of us chose to keep quiet. Inakala natin na
pwedeng maayos ang lahat kung mananatili tayong nabubuhay na parang
normal, na walang itinatago, walang hinahanap pero sa huli hinahabol pa
rin tayo ng bagay na pilit nating tinatakbuhan."
Natahimik ako sa sinabi ni Triton.
All I this time I believed that I had successfully deceived everyone
through my innocence, but it turned out that everyone of us were
pretending to be innocent about the reality.
"Nakapag-isip ka na ba?" humigpit ang yakap nito sa akin.
"You mean about the Sous L'eau?" tanong ko.
Hinawakan ni Triton ang kamay ko at ramdam ko ang mainit niyang paghalik
dito.
"Hindi pa," tipid na sagot ko.
"Sayang ang apat na taon natin, Euphie. Where have you been for past four
years? Was it really because of me or you're still hiding something?"
bumuntong-hininga ako sa tanong ni Triton.
"Please, let's not talk about the past four years Triton. Please."
"Then tell me your life as the Cagge, Euphie. Tell me your life as an
agent." Mapait akong ngumiti sa sinabi ni Triton.
"It was a nightmare." Tipid na sagot ko.
"Mine as well," mas hinigpitan pa ni Triton ang yakap sa akin bago
bumalik ang lahat nang alaalang naranasan ko sa pagtakpak sa mundong nais
angkinin ang kakayahan ng aking isipan.
My mommy and Ate Trina were close. And this closeness between them served
as the key to my hell.
Dahil malaki ang tiwala ni mommy kay Ate Trina, hinahayaan ako nitong
isama nito madalas sa mall. Kung mall ba talaga ang dapat itawag dito.
It's been 2 years when I've passed the examination. I tried to cut my
ties to Ate Trina, I tried to refuse coming with her. But she threatened
me that the big guys inside that secret building will hurt my parents if
I will not help her.
I was introduced to Hourglass at my young age and most of the
intelligence team in the agency were astonished with my skills and
ability to learn.
Yes, I did enjoy inside the control room. I also enjoyed improvising
weapons about bombs, missiles and guns. The world of agents can really
nourish the rights of my IQ.
"Euphie, it's your turn." Hinawakan ni Ate Trina ang balikat ko at
sinamahan niya ako sa clinic ng agency.
A beautiful doctor was waiting for me. I was examined in different ways,
ilang beses pa akong nakatanggap ng turok hanggang sa naupo ito sa harap
ko habang katabi ko si Ate Trina.
"She's Dra. Meneses, my friend. You should hear her, Euphie. For your
safety." Ngumiti muna ang doctor sa akin at hinawakan nito ang aking
kamay.
"You have a multiple personality disorder."
"W-What? No!" Impossible! "What is she talking about Ate Trina?" seryoso
ang mukha nito.
"Euphie, listen. Dra. Meneses, manipulated your record inside this
agency. You should live with it for a while, Euphie. You need to hide
everything and this disorder will cover you safely. Kahit sa labas, you
need to live with it."
"What for?!" nagtatakang tanong ko. "This agency's already aware of my
capability, bakit kailangan kong magkunwari sa labas?"
"Because someone's off to kill kids like you! You can't let your guard
down. You need to be careful."
"Pero bakit pati sa loob? I can pretend outside, but why do I need to
have the disorder inside this place?"
Hinawakan akong mahigpit ni Ate Trina sa balikat at dumilim ang mga mata
nito sa akin.
"Just do what I say, Euphie. Pretend, pretend and you'll live long. I
hope you'll understand me."
That was the last words she had told me before her scandalous suicide
exploded like a bomb in the province of Enamel.
The hummingbird was dead. At tanging siya lamang ang pwedeng magbigay ng
titulo sa ibang babae para maipagpatuloy ang pangalan. Who was the next
hummingbird? That was the question.
But there was another bomb revelation exploded. Pumutok na ang malaking
balita sa aming ahensiya, na hindi lamang ang Horru Glasseo ang
ahensiyang nilalapitan ni Trina Montgomery.
And she had acquired something very important from the three agencies. I
tried to help my own agency and I exposed everything that I had found
out. Ibinigay ko sa ahensiya ko ang kaalamang may matagal nang kasamahan
si Ate Trina, but she abandoned her partner for some reason. Yes, they
assumed that it was for money.
Malaki ang paniniwala ko na ang Cagge na siyang kasamahan ni Ate Trina
dati ang siyang dahilan nang pagkamatay niya. And maybe the Cagge was
after that stolen thing, para maagaw niya kay Trina, mas pinili niya
itong patayin.
I tried to find justice for Ate Trina, hindi na dahil sa kanya kundi para
kay Triton. Kaya tumulong ako sa abot ng aking makakaya para mahanap ang
dahilan ng pagkamatay niya.
They were several ambush happened, pilit hinabol ng ahensiya namin ang
Cagge. Until my agency announced a success, they had already killed the
Cagge. It was very fast, na halos hindi ako makapaniwala.
Nasa loob ako ng control room noon habang hinihintay mag-play ng video na
naka-save sa isang flash drive. My fellow agents told me that the answer
for the missing item was inside the flash drive.
But it was all wrong!
My plan to capture the Cagge had back fired! Hindi lang sa akin, kundi
para sa mga taong iniingatan ko.
The Cagge was smart! Binaliktad nito ang lahat!
It was a video of a woman with a cover on her face, revealing that Trina
Montgomery the hummingbird was affiliated with two highly intellectual
kids. Sinabi nitong isa sa dalawang bata ang nakakaalam kung saan itinago
ni Trina Montgomery ang mga nanakaw nito.
And just like that the table had turned. The video was also sent to Ahmed
and Triton's agency. That's why the agencies were damn hunting us. Sa
kasalanang hindi namin ginawa.
Sa bagay na hindi namin ninakaw.
The Cagge was dead in the eyes of the agencies but not with my eyes.
Because the night after the video, I just received a message.
"Play as the Cagge and give life to the next hummingbird, I'll keep your
lover's identity away from the two agencies."
This was the reason why I proposed something inside my agency. Since they
were all aware that the previous Cagge was dead, it can easily be
replaced. I volunteered for the sake of Triton.
I handled two hummingbirds, the first one was Georgina, siya ang sumunod
kay Ate Trina, she was also an agent and the title was passed a long time
ago. She told us that it was just a question with humor coming from Ate
Trina, pero sinabi niyang seryoso siya kung aalukin siyang hawakan ang
pangalang hummingbird. But unfortunately, she was killed headshot during
her mission.
The second Hestina, I handled her for three years but again she
sacrificed herself to save a bestfriend named Gisela.
I was just waiting for the message coming from the Cagge for my next
action, but until now I haven't receive anything from him/her. I never
bothered looking for the next Hummingbird, kung kanino ito pinasa ni
Hestina. But I got the hint that she gave it to her bestfriend.
If I was not mistaken, Gisela was a daughter of a lord of syndicate.
She's definitely difficult to handle if I'll try to coordinate with her.
Pero isang taon na ang nakalipas wala pa rin akong natatanggap na
mensahe. I lost track of the hummingbird but the agencies were still
eager to find us, three.
"I love you, Triton." I whispered.
Saglit itong napahiwalay sa akin dahil sa biglaang sinabi ko.
"That was a sudden, Euphie." Hindi makapaniwalang sabi nito.
A sudden knock interrupted us. Dahan-dahan nabuksan ang pintuan hanggang
sa iluwa nito ang kaisa-isang taong alam kong makakatulong sa amin.
Narinig ko ang malakas na mura ni Triton dahil sa pagkabigla.
"Holy motherfucker, Commander Satchel f-from Sous L'eau?"
--
VentreCanard
Chapter 53
Chapter 53
I was expecting that we'll be encountering one of his men but I think
Commander Satchel was really something.
Kahit ako ay hindi makapaniwala nang sabihin nito sa akin na siya mismo
ang magtutungo sa aking clinic.
Who would expect? He's the Commander of the agency! And looking at him
right now, he's not even armed!
Should I call him foolish or what? Does he ever think that there might be
a possible ambush and everything was a trap?
"W-Why is he here?" tanong sa akin ni Triton.
"I invited him here, Triton. I already contacted Ahmed." Tipid na sagot
ko kay Triton.
"Please, have a seat sir." Tumango lamang sa akin si Commander Satchel.
Naupo ito sa aking couch habang si Triton ay nananatiling hindi
makapaniwala.
"D-Do you have comrades outside?" tumayo na si Triton at sumilip ito sa
bintana.
"Yes, may bibilhin lang daw." Kaswal na sagot ni Commander Satchel na
parang pasyente lamang na magpapabunot ng ngipin.
"Do you want coffee sir?" tanong ko.
"Yes please,"
"How about you, Triton?" umiling sa akin si Triton.
Habang abala ako sa pagtitimpla ng kape rinig ko ang pagbubukas ng
pintuan.
"Wala silang tinda, damn it." Saglit akong sumulyap sa lalaki. Mas gwapo
si Triton. I grinned silently.
He was about to sit near Commander Satchel, pero nakuha ko yata ang
atensyon nito.
"Oh shit, she's really a beauty. Bagay nga sila ni Miss Lina na
magkasama. Kailan siyang magsisimula?" nagmadaling lumapit sa akin ang
lalaki.
Nasa akma na itong ilalahad ang kamay niya sa akin nang mabilis nakalapit
si Triton.
"She's mine," matigas na sabi ni Triton na siyang nasa unahan ko.
Suumipol ang lalaki at nakipagsukatan ito ng tingin kay Triton. "Who is
this Commander?"
"Behave, Armando."
"I was just trying to be friendly." Kibit balikat na sabi nito. Tamad
siyang naupo sa tabi ni Commander Satchel.
"Do you want coffee sir?" tanong ko sa lalaking may pangalawang Armando.
Bahagya pa akong sumilip dahil nakaharang sa unahan ko si Triton.
"Yes, thanks and please, remove the sir." Nagawa pa niyang kumindat sa
akin dahilan kung bakit napamura si Triton.
"Triton, behave." Babala ko rin dito.
Sunod na dumating si Ahmed at mukhang malayo pa ang pinanggalingan nito.
He looked so stressed, na parang tumakbo lamang ito para makarating dito
sa clinic.
"Sorry, I'm late. I got an emergency." Tipid itong tumango kay Commander
Satchel.
"Where have you been?" tanong ni Triton.
"Business, emergency. Name it."
"Are we still waiting for someone?" tanong ko. Tipid na ngumiti sa akin
si Commander Satchel.
"The hummingbird," nabalot kaming tatlo ng katahimikan. Kung may isang
salitang maaaring maging dahilan kung bakit biglang mag-iiba ang timpla
sa pagitan naming tatlo, ito ay ang bansag sa babaeng naging dahilan kung
bakit kami naiipit sa ganitong sitwasyon.
"Who's the current hummingbird?"
"My daughter,"
Muli kaming nakarinig nang ilang katok mula sa pintuan. The door slowly
opened and a very beautiful woman with a great body faced us with a smile
on her face.
"Hi," gumala ang mga mata niya sa amin. Pansin ko ang pagkunot ng noo
nito na parang nakikilala niya kami.
"Familiar faces," kumento nito. "Have we met before?" tanong nito kay
Ahmed at Triton.
"You looked like Tristan's girlfriend." Sagot ni Ahmed.
"Yes, he's actually my boyfriend." Umawang ang bibig ni Ahmed. "Does that
mean--"
"Yes, that filthy boy is my son in law." Sagot ni Commander Satchel.
"He's also one of us." Suporta ng babae.
Saglit akong natigilan habang hinahabol ko ang usapan. Tristan? They mean
the Ferell? He's an agent?!
What a small world.
"And you? I believed that we've met each other before." Humarap ang
hummingbird kay Triton.
"Probably because of Troy? He's my friend." Sagot ni Triton. "Oh, too
small world. Hindi ba at taga-Enamel rin sila? Do you think Rashid's
aware of the agents all over his place, Dad?"
"He's busy, niaaway na 'yon." Natatawang sabi ni Armando.
"Anyway, hi, you can call me Isabelle or Valentine. You're the Cagge,
right?" inilahad ng babae ang kanyang kamay sa akin.
"Yes," sagot ko. "I'm looking forward to work with you." Tinanggap ko ang
kamay nito.
"Why us?" biglang tanong ni Ahmed.
Isa rin ito sa katanungan ko, bakit pilit kaming isinasali ng mga taga
Sous L'eau? Are they running out of agents?
Kung sabagay, sa aking pagkakaalam hindi madalas ang recruitment ng Sous
L'eau kumpara sa mga naglalaking agency sa lipunan.
There was a big difference between our agencies compared with Sous L'eau.
Most of the outstanding agencies were purchasing intelligence, just like
what Ate Trina did to us. She sold us to those agencies that were willing
to lay down money to hoard people with highly intellectual mind. While
Sous L'eau, they were just recruiting people through legal permission of
the guardians.
There were no money matters in Sous L'eau, kung hindi ako nagkakamali ay
sila pa ang nagpapaaral sa mga batang nakukuha nila. Ibig sabihin nito,
hindi pilit ang lahat ng nagpupunta sa Sous L'eau. Karamihan ay lihim na
suportado ng pamilya. O kung hindi man, hindi ito labag sa loob ng mga
taong ipinapasok dito.
Most of the agencies now were molding the agents since its child days. It
was now very unusual for the agencies to recruit agents and have them
trained with the age of twenty and above, kung tutuusin ay mas gugustuhin
pa nilang sobrang bata.
So does it mean that Tristan Matteo Ferell had the support of his family?
So Troy knew? Alam din kaya nito ang tungkol kay Triton? Probably yes.
"First, it's for my own daughter." Tipid na sagot ni Commander Satchel.
"My Isabella, she's the hummingbird right now and I want her to have the
best partner."
"Hindi ba sapat ang mga nakasuporta sa kanya?"
"Hazelle and Enna, were also good for her support. But there jobs were
overlapping, marami nang trabaho ang dating nakaalalay kay Isabella,
they're good in intelligence team but they're better in combats. We need
someone with great mind." Ilang beses itinuro ni Commander Satchel ang
sentido niya.
"If I am not mistaken, her IQ exceeds Cap Theo's right?" sabay tumango si
Commander Satchel at hummingbird sa tanong ni Armando.
"Amazing, napapagloko na siguro ang boyfriend." He said with a light
laughter.
Hindi na ako nagulat nang may lumipad na ballpen patungo kay Armando, but
he dodged it successfully.
"Triton," I warned him.
"How about us? Kung Euphie lang naman pala ang kailangan nyo?"
"We need more team. I know that you're all aware that we're really
running out of good agents. It will take time if we'll have our session
of recruitments." Paliwanag ni Commander Satchel.
"So you better choose to pirate?"
"Well, I won't pirate you if I'm not confident enough. Inaalagaan ba kayo
ng mga ahensiya nyo?" Commander Satchel asked us.
Saglit kaming hindi nakasagot sa tatlo. Malaki ang posibilidad na alam na
ni Commander Satchel ang sitwasyon naming tatlo.
"Let's get this straight, Dad." Sabat ni Hummingbird.
"Before we proposed something, we first check your backgrounds and of
course your current situation. We can help you."
"How Commander Satchel? Affiliating with you will just give us another
Trina Montgomery act, because we came from her hands, masasabi nilang
kaya rin namin lumipad sa ibang ahensiya. Moving from your agency will
just justify that we can also be a traitor. How could you be so confident
that we will not do this thing again with you when we're already at your
base?" tanong ko. Pansin ko na napatitig sa akin si Triton at Ahmed.
"Many tried to betray me but they're always coming back." Tipid lamang na
sagot nito. He never explained but his eyes were determined and full of
sincerity.
"We're all aware that your agencies were after you. Someone's trapping
you for something that you didn't even acquire. We'll help you to locate
the real culprit." Sunod ni Hummingbird.
"Then why are you running out of agents?" tanong ni Triton. "Killed?
Betrayal? What?"
"Some were killed but some fell in love." Ngumiti si Hummingbird sa akin.
"Oh,"
"We'll give you few days to decide. We prepared some proposals, the
background of our agency and the FAQs. You may contact me if you have
more questions." May inabot sa amin si hummingbird na folders.
"Kami lang ba tatlo ang sinusubukan nyong agawin sa ibang ahensiya?"
tanong ni Ahmed.
"Yes, I think you're wasting your time and talents inside your agencies.
They are not good in handling agents, they are just considering as robots
with functions. That's not healthy." Huminga nang malalim si Commander
Satchel. Nagsimula na itong tumayo at sinundan na rin ito ni Armando.
Inilahad ni Commander Satchel ang kamay nito sa akin, kay Triton at
Ahmed.
"I'm hoping for a positive response. The whole Sous L'eau will welcome
you, wide open." Kumamay rin sa amin si Hummingbird at tanging ako lamang
ang kinamayan ni Armando.
"See you soon, Euphie." Bulong nito sa akin.
Agad kong iniharang ang katawan ko nang maramdaman kong nagtangkang
humakbang si Triton.
Naiwan kaming tatlong magkababatang tahimik sa loob ng aking clinic.
Ilang minuto na akong tulala sa harap ng folder na ibinigay nila sa akin.
"What now? Magta-traydor ba kayo sa mga ahensiya nyo?" tanong ni Ahmed.
"Are we not deceiving them from the very beginning? Ilang taon natin
itinago ang mga sarili natin sa ating bawat ahensiya." Sagot ko kay
Ahmed.
"Why would we reveal each other kung alam natin na mga inosente tayo?
That wasn't deception Euphie." Sagot ni Triton. "I'll go if you'll go
Euphie." Habol nito.
"Well, sasama na rin ako sa inyo. The three of us, again." Sagot ni
Ahmed.
Kapwa na sila nakatitig sa akin at hinihintay na nila ang aking sagot.
"What?" tanong ko.
"We're waiting for your answer, sweetheart." Huminga ako nang malalim at
muli kong sinulypan ang nasaradong folder.
"Then let's go, Sous L'eau isn't bad at all."
--
VentreCanard
Chapter 54
Chapter 54
"I'm off to clinic, let's meet tomorrow." I messaged Triton before I went
out of my clinic. I didn't inform him that I was going with Israel. He'd
definitely ruin my plans.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalas ng clinic nag-reply na agad sa akin
si Triton.
"Where are you going? I'll pick you up."
"No need, focus on your work Triton."
"I'll look for you." Tumaas ang kilay ko.
"I thought you'll never look for me?"
"Binawi ko na matagal na! Damn it, sagutin mo ang tawag ko. I'll follow
you. I have a tracker on your body." Naalarma ako.
Tracker? Saan nilagay ni Triton?
"I'll visit you tonight, sweetheart." I messaged him to calm down. Where
was my gentle Triton, again?
"I'll follow you." I rolled my eyes before putting my phone inside my
bag.
Isinarado ko na ang clinic, ramdam kong nakatitig na sa akin mula sa
likuran si Israel. He gave me a smile when our eyes met. He was my good
friend when I struggled during my years away from Triton and he gave me
his full support inside and outside of the agency. I was still wondering
why he hasn't tried reporting my outlaw move back then and now.
Kahit minsan ay hindi nito pinaramdam sa akin na kailangan ko siyang
pangilagan. Israel made my life easier inside the agency when I felt
alone, when I needed comfort and support. He's a good friend and I want
to have a proper goodbye with him before I cut my tie with my agency.
Pinagbuksan ako nito ng pintuan ng sasakyan.
"Where do you want to go?" tanong nito sa akin.
"Sa tahimik, Israel."
"Sure,"
Tahimik kami ni Israel buong biyahe, hindi ko rin gustong pag-usapan ang
pagpapaalam ko sa kanya sa kotse gusto ko ay kapwa nasa isa't-isa ang
aming atensyon.
Kung maaari ko lamang siyang isama ay gagawin ko. But the invitation was
for us, three. Wala akong balak pangunahan si Commander Satchel, lalo na
at sobrang laki na ng tiwalang ibinigay nito sa amin kahit wala pa kaming
buong kumpirmasyon.
"What is this date all about, Euphie?" he broke the silence.
"I just missed hanging out with you, magagalit ba ang fianc mo?" he
chuckled.
"I don't have a fianc." Lumingon ako sa kanya. "But you told me that you
have one."
"I was lying, uso 'yon sa atin hindi ba?" nagkibit balikat ako at bumalik
sa bintana ang tanaw ko.
"Or you just wanted to tell me that you like me better than Triton?"
"Triton's the only one." Tipid na sagot ko.
"You're always this straight, Euphie." Natatawang sabi niya.
"Because you're not serious with your words. Your eyes were sparkling for
someone else. And it was not screaming for my name." I've seen how Israel
looked at me for years, I saw adoration and admiration but it was never
been deeper.
Alam kong may hinahanap ang kanyang mga mata o tamang sabihin may babae
nang nakalaan sa mas pagkislap ng mga ito.
"Now tell me, why are you so good to me Israel? Hindi mo ba alam na
pwedeng madamay ka sa ginagawa ko?" hindi ko na matiis ang sarili ko.
Nawala ako sa paninitig sa bintana nang biglang itabi ni Israel ang
sasakyan at natulala na lamang ako nang makitang may nakatutok na baril
sa harapan ko.
"That you've been selling information from our agency to different
agencies, just like the hummingbird before?" sinalubong ko lamang ang mga
mata ni Israel.
I didn't even mind the mouth of the gun in front of me when I saw his
eyes. Because it was declaring the opposite of his words. Cagges are the
greatest observers, I could easily tell if someone's lying or not. Lalo
na kung hindi mahusay ang pagsisinungaling nito.
"Why not pulling the trigger, Israel?" nangangatal ang kamay nito habang
nakatutok ang baril niya. "You'll get yourself killed when you let this
slide, Israel." I said.
But the end he laughed while putting his damn gun. Ilang beses nitong
hinampas ang kanyang manibela at yumuko siya dito.
Binuksan na rin nito ang mga bintana para kapwa kami makahinga.
"What pushed you to help me, Israel? You're risking your life." Biglang
pumasok sa akin ang alaala ni Triton. He's doing the same thing.
"I can't help but to help her. I can't help but to please her."
"Her?"
"The mistress, Savannah." Suminghap ako sa sinabi ni Israel. "W-What?"
"Your friend, Euphie. I am inlove with Savannah and yes, she's also an
agent. She was an agent in Sous L'eau agency." Umawang ang bibig ko sa
sinabi niya.
I knew that there were too much from Savannah, but the fact that she had
a connection with Israel and an ex Sous L'eau agent!?
"She asked me to help you inside and I can't help but to follow her
orders. I love her." Biglang bumalik sa mga alaala ko ang mga panahong
magkasama kami ni Savannah sa ibang bansa.
The first time we've met she told me that I should help her to recruit
Triton, during our last coffee date she told me that I was her real
target. So she was still part of Sous L'eau?
"Who the hell is she?" natanong ko na lamang kay Israel.
"She is the woman who possessed the greatest beauty, mind and power. The
only queen of the world's black society. The Mistress." Mas lalo akong
natigilan sa sinabi ni Israel.
I heard some information about the word mistress, hindi ko nagawang
bigyang pansin ito noon at inisip na isa lamang kwento ito. But I didn't
even know that the woman who had been playing words with mine was the
mistress.
Bumalik muli sa alaala ko ang mga panahong pumapasok pa kami ni Triton.
I've met Savannah before, inside the comfort room and another woman
called her as mistress. Shit.
Bahagya akong napamasahe sa aking noo. Buong akala ko ay magaling na
akong kumilala ng mga tao. But I was wrong, may isang lumusot sa aking
obserbasyon.
"W-why? Why did she ask you to help me?"
"She cared for the Sous L'eau. Hindi man siya kasali sa ahensiyang ito,
hindi niya maiwasang tumulong. She's aware that the agency was running
out of agents, that's why you and your friends got her interest. Maybe
you noticed that she did stop spending time with you when you got your
first invitation from Sous L'eau." Tumango ako sa sinabi ni Israel.
Kung ganoon, matagal na niyang alam kung ano ako, kung ano kami nila
Triton at Ahmed. She's also a great actress. Kung sabagay, para sa mga
katulad namin isa ang pag-arte sa bagay na kailangan naming kabisaduhin.
It was like an agent trying to learn different kind of guns. I hate it
when we played with emotions but it was really our act of survival. If
we're not going to learn on how to play with emotions our lives will be
shorten.
"H-How did you two met? She's a complicated woman! How come a very calm
and fun loving like youfell for her?" She could be using Israel for her
own good!
"I've been in the world of agent, Euphie. I stayed longer in the field
more than you. I've met her several times, she tried to help me once,
kahit sa makaibang ahensiya kami. We became friends and I fell for her.
She's a usual flirt, alam ko. But there were sides of her that you can't
help but to love. It was impossible to call her pure, but for me she's
the purest among the woman I've met. You're so lucky that she considered
you as an important girl."
"W-Why?" naguguluhang tanong ko. "I got her interest because? P-Paano
niya ako nakilala?" nagkibit balikat lamang si Israel.
"I don't know, most of the time the mistress had her own fight. She's
always been ruling a chess game, like a queen. And just like pawns and
lower officials, we're not even had the chance to get the clue of her
plans. Gagalaw na lang siya nang hindi natin nalalaman."
"I heard the mistress hated men?" tanong ko.
"Not all," natatawang sabi nito.
Huminga na ako nang malalim at tipid akong ngumiti sa harap nang daan.
Hindi na dapat ako nagugulat. Revelations were part of our world.
"I was really thinking about your reasons. So it was Savannah."
"Yes,"
"So what was this all about?"
"I was planning to have a proper goodbye to you," panimula ko.
"So you're accepting their offer?"
"Yes, Sous L'eau is safer. Hindi rin magtatagal malalaman na ng tatlong
ahensiya kung sino ang mga hinahanap nila. We never had been a formal
connivance, ni hindi namin ito pinag-usapan. Pero sa sandaling pumutok
ang impormasyon tungkol sa amin, kahit anong sabihin at paliwanag namin,
walang maniniwala. Kaya bago pa ituro sa amin ang bagay na hindi naman
talaga namin ginawa, ginawa na namin. It's for the better." Tumango sa
akin si Israel.
"But how about you? Your plans? Malaki ang posibilidad na balikan ka ng
ahensiya natin. You were close to me and they will start doubting you if
the scandal of my movement spread all over the agency."
"I can handle myself, Euphie. Don't worry."
"Or you wanted me to help you for your fake death? Alam kong hindi lang
ako ang gustong kumalas sa mundong ito, Israel. You are just like me--"
hindi natapos ang sasabihin ko nang may tumutok na baril sa sentido ni
Israel.
"Or I can volunteer as the killer for the fake death."
"Triton!"
Agad kong napansin ang motor sa harapan ng sasakyan. Damn it, we didn't
even notice! Ibinaba nito ang baril at umikot ito para buksan ang pintuan
ng kotse.
Hinila ako nito palabas ng kotse. He gently smile at me, na parang hindi
siya nanggulo sa usapan namin ni Israel.
"We're just talking, idiot Triton."
"I told you, I'll follow you."
--
VentreCanard
Chapter 55
Chapter 55
Bumaba na rin si Israel sa kotse, tipid lamang itong tinapunan ng tingin
ni Triton.
"I can handle myself, I preferred a fake suicide instead of getting
killed by your childish boyfriend."
"Very well, have a fake suicide then." Ngiting sagot ni Triton. Naningkit
ang mata ko sa kanya na hindi man lang nito pinansin.
"I have to go, thank you for informing me. I promise to keep this a
secret. You have my word, Euphie. And please, take good care of her."
"You don't need to mention it." Sagot sa kanya ni Triton.
Tumango lamang kami ni Israel sa isa't-isa bago kami nito iwan ni Triton.
"You,"
"Yes, me? Sweetheart." He answered innocently.
"I need a proper talk with him and you've ruined it. Idiot." Sa
pagkakataong ito mga mata naman ni Triton ang naningkit.
He lowered his face and gave me a smack.
"You're never used to foul words before, where's my sweetheart?"
malambing na tanong nito sa akin.
"And you're not too jealous before. Israel and I were friends. Bakit ba
hindi ka mapalagay?"
"I'm not too jealous, sinundo lang kita. That's different." Katwiran
nito.
"I don't know anymore, Triton. You're being childish." Hinawakan niya ang
kamay ko at sabay kaming humakbang sa motor niya.
Now my Triton's showing me his other side, nakita ko na ba siyang nag-
motor noon? And this one was no ordinary.
"When are you going to contact the Sous L'eau?"
"Soon," tipid na sagot ko.
"And are you planning to stay for good?"
"Alam mo ang sagot ko sa tanong mo, Triton." Hindi na muli ito nagsalita
at sumakay na kami sa kanyang motor.
And yes, after long years of being away from each other, finally we had
our proper date.
**
I didn't contact the hummingbird to send further questions since we're
already assured with our decision. Few days after our date, I sent the
letter to the address given by the hummingbird informing them that we're
all willing to be their official agent.
I was expecting that they'll ask for my immediate presence, but they
called Triton and Ahmed's first. That didn't bother me, since I was quite
busy with my clinic.
But Triton, my ex-boyfriend and now I think boyfriend again told me he's
been asking the Sous L'eaus authority about their reasons for still
hanging me out of the base.
Pero ako rin ang pumigil sa kanya na huwag nang kulitin ang mga ito.
Hindi rin naman ako nagmamadaling pumasok, isa pa, marami akong pasyente.
But it's been two months, why taking so long Sous L'eau people?
I sighed. Ibinaba ko ang librong binabasa ko at hinarap ko si Triton na
nakaupo sa aking couch.
"How's work? Paano ka nakaka-adjust? Are they aware already?"
"Probably," tipid na sagot ni Triton.
Well, what's good about the agencies? Yes, they're competitors in
underworld. But they don't do attacks from each other. They were merely
competing from the qualities of agents, their numbers of success
missions, facilities and equipment.
Wala pa akong nababasa o napapag-aralan na halos magpatayan na ang bawat
ahensiya. They were never been friends not even enemies in combatsbut a
serious competitors.
At kung malaman naman nila ang paglipat ng kanilang tauhan sa ibang
ahensiya. Hindi sa agency ang mga mata nito, kundi sa mga tauhang pinili
silang talikuran.
That's it. Sous L'eau might help us to catch the real culprit for Ate
Trina's death. But they're not effectively helpful when we're about to be
hunted by our previous agencies. Were they willing to risk other agent's
lives to support us newbies?
"What are you thinking, sweetheart?" tanong ni Triton.
"Nothing,"
Another good thing about our agencies, they don't meddle with our
personal lives. Yes, Trina Montgomery threatened me before that someone
might harm my parents if I won't follow her rules but later on, I've
discovered that agencies won't take any interest with our outside concern
as long as we're doing our job well and clean.
Kaya kahit minsan, hindi ako natakot para sa mga magulang ko. Besides,
agencies were not bad. No matter how cruel the rules they have, they
still fight for peace and justice.
"Do you want me to ask them again?"
Hindi ko na napansin na nakalapit na pala sa akin si Triton. He's already
near my seat while perfectly leaning his back on my table.
"No, it's okay."
I stood on my feet, Triton was about to move when I stopped him. "Stay
where you are, sweetheart." He stiffened.
Pansin ko na sa tuwing tinatawag ko si Triton sa paraan nang pagtawag
niya sa akin ay parang gulat na gulat pa rin ito. Marahan akong tumalikod
sa kanya at nagsimula akong sumandal sa kanya.
Triton got it and he gave me a soft and warm back hug. I smiled when he
buried his face on my neck.
"Gustong magpalambing ni Euphie," he softly chuckled.
"I am, hindi ba pwede?"
"Of course, you are very much welcome to ask for a cuddling service." He
gave me a kiss on my right cheeks. "Now tell, what's bothering you?"
Muli akong napabuntong-hininga.
"I was just thinking about your mission inside Sous L'eau, I hope we have
different quarters. I think I can't watch you during your missions,
Triton."
"So you're worried,"
"I am, really. Yes, I've been curious on how you accomplished your tasks.
Pero hindi ko kailanman hiniling na sana makita o mapanuod ko. Yes again,
I am not in the position to watch over you because I should focus myself
to the hummingbird but there are always possibilities that I might
witness you. That's why I never liked the idea of having couples inside
the agency. They'll ruin their work." Humigpit ang yakap niya sa akin.
"Oh not really, sa ilang buwan kong pagtigil sa Sous L'eau may mga
nalaman ako. Troy's cousin, Tristan and his girlfriend. Ang tagal na
nila, masaya naman sila. We can do it too, Euphie." Biglang pumasok sa
isip ko si Troy.
"Speaking of Troy, does he know?"
"Yes," mabilis na sagot ni Triton. "You told him?"
"No," maiksing sagot niya. "Hindi ko rin alam Euphie, he's an observant.
Hindi lang halata." Tumango na lamang ako.
"You know--" nagtaasan ang balahibo ko dahil sa bulong ni Triton sa akin.
"Cap Theo and his girlfriend even had their baby inside the agency, well
we might--" I cut him off.
Humarap na ako sa kanya at marahan kong hinawakan ang magkabilang pisngi
niya.
"Si Triton hanggang halik lang muna kay Euphie, no silly thoughts. I am
not open for unwanted injections, sir." This time I tiptoed to give him a
soft kiss on his lips.
He smiled and he bowed at me like a real prince.
"I can wait, just like Aurora waiting for a kiss."
And then, we laughed at each other.
**
Pagkatapos nang ilang linggo, tumawag na rin ang hummingbird sa akin.
Siya mismo ang sumunod sa akin sa clinic. While she's busy driving she
told me the brief history of agency, the locations of their different
headquarters and some other basic information.
Hindi na rin siya nag-aksaya oras dahil habang nasa biyahe kami ay
nagsimula na itong ipakilala sa akin ang mga madalas kong makikita sa
headquarters na naka-base dito sa Pilipinas.
She pressed a certain button in front of her making the whole windshield
darkened. The half part in front of her could still perfectly see the
road while my part was now showing pictures.
"Let's start with the boys, my adoptive brother, Ace Hidalgo. Our sniper,
he's stiff and not so friendly. Pero mapagkakatiwalaan sa lahat ng oras.
And yes, he's still single." Tumaas ang kilay ko sa huli niyang sinabi.
The screen showed number of his pictures and even his firing videos. He's
good. But I've noticed that something was not right with the video.
Pansin kong saglit na sumulyap sa akin si Hummingbird bago ito bahagyang
natawa.
"I'm sorry about the video, Enna made an exaggerated video. Instead of
just a formal video of introduction, ginawa niyang parang trailer ng hot
ng mga lalaki sa isang teleserye."
That's it. The video even showed his brother wiping his topless body with
white towel. Was that necessary? Seriously?
"Next one, Armando George Al-farri Ortega, you've met him. He's always
playful but he's good in everything, guns, bombs, ambushname it. Plus
women." The hummingbird rolled her eyes.
Lumabas rin ang mga pictures in Armando at ang ilang training videos nito
sa isang combat arena. There were clips like he's winking, biting his
lower lips and trying to supress his laughter.
"Gosh, Armando you idiot." Natatawang komento ni Hummingbird.
"Next one, Amadour or Argo his twin brother. He's also a newly hired
agent, but he's capable enough. Tulad ni Armando, he's also good in
ambush tasks. He also got a great IQ, mas nagkakasundo sila ni Cap Theo,
kapag may misyon."
His video clips were all taken from a gym training, punong-puno ito nang
pawis at ilang beses ipinakikita ang katawan nito at ang pagtaas-baba ng
dibdib nito dahil sa tindi nang training.
"I'll definitely pull that Enna's hair! I'm really sorry about these
videos, Euphie."
"It's fine,"
"The last but not the least, Cap Theo. The minerI mean, the Captain of
Sous Leau's first unit division."
I was expecting another hot body trailer, but it was answered by a huge
laughter coming from the hummingbird. The video showed how he tried to
scoop the powered milk from the container down to the baby feeding
bottle, with his black uniform on and guns on his waist while carrying
his crying son.
"Now, I love you Enna. Tristan ruined the trailer. By the way, he's my
boyfriend. A hot daddy agent." Kumindat sa akin ang hummingbird.
Indeed.
Nakarating na kami sa headquarters. We proceeded inside the intelligence
team, it was located at the upper part of the control room where we could
clearly see the entire movements the whole control team.
Both of my hands made a slow touch at the edge of the controlling plate.
My eyes roamed over the glass cover, looking at the entire Sous Leau's
brain team.
It's Cagge time, Soren.
Unti-unti akong tumalikod at humarap sa mga yabag ng mga paa na sunod-
sunod nang pumapasok sa loob ng pinaka-mataas na silid.
I held my head up high before facing the top agents of Sous L'eau agency.
"Allow me to manipulate your playroom,"
--
VentreCanard
Chapter 56
Chapter 56
Tonight, I'll let them witness how the last Cagge's work. I'll show them
what they had acquired. I'll show them what I've got, I'll show them what
I've learned and I'll show them the Soren behind her innocent mask.
I took a deep breath while looking at the mirror. The reflection of a
woman who was forced to face the world she never wanted, the woman who
was forced to mask herself by someone else and I woman who've been trying
to get off from her own cage.
Muli kong hinilamusan nang malamig ng tubig ang mukha ko. If water could
really clean someone from all her sins, I will never stop drenching
myself from it. Kung pwede lang baguhin lahat ng malinis na tubig ang
maduduming nakaraan, siguro hindi na ako lumayo sa tabi ng malamig na
tubig.
Marahan kong pinunasan ng puting tuwalya ang mukha ko. Ipinusod ang
mahaba kong buhok na hindi man lang nagtira nang ilang hibla, isinuot ang
aking itim na relo, inayos ang aking itim na uniporme, na kaiba sa
kanilang lahat at itinaas ang noo para muling salubungin ang sariling mga
mata.
I am the real Euphiemia Soren Arcega, I am no innocent, not even a damsel
in distress waiting for her Prince, but a wicked witch who have been
betrayingeveryone.
Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. I should go now. Everything was
already prepared. Bago pa man sumapit ang misyon namin ng hummingbird,
ilang araw ko nang pinaghandaan ang mga gagawin niya.
I already gave her the instruction yesterday and yes, it's about time to
get into the spotlight.
Hindi na ako masyadong nagulat nang makitang nasa labas ng kwarto ko si
Triton. He's leaning against the wall with his similar black uniform. He
straightened when noticed my presence.
Triton's eyes hovered all over my body. It's his first time to see me
wearing an agent suite.
"Very nice,"
"Thank you, eleven."
Sinabi niya sa akin na humiling siyang kung maaari ay hindi mabago ang
numerong nakasanayan niya. Mukhang hindi naman mahirap kausap ang Sous
L'eau, kaya madali itong nakuha ni Triton.
Sabay na kaming naglakad ni Triton patungo sa control room.
"Today is your first mission as an official Sous L'eau agent. Kinakabahan
ka ba, Euphie?"
"Yes," tipid na sagot ko.
"I know you can do it."
"Thanks,"
Before the metal door opened, Triton gave me a quick kiss. Since they're
all witnessing how the Cagge work, Commander Satchel allowed the other
agents to watch inside the control room. But they were all positioned for
back-ups.
Mabilis humiwalay sa akin si Triton at naupo na rin ito sa harap ng isang
monitor. Nandito na rin si Ahmed at tipid na ngumiti sa akin nang
lingunin niya ako.
Enna called my name and the whole intelligence team acknowledge my
presence, Commander Satchel nodded at me. Armando held his right hand up
before he returned facing his monitor, near him was his brother I assumed
who's still focus with his monitor.
Hummingbird and his brother Ace, as well as Hazelle were already on their
way to the mission site.
Tonight, it was not about the jewel. The mission of the hummingbird about
the gems were far long gone, this time she needed to acquire a very
important file.
Bumalik ang pagmamasid ko sa mga tao sa loob ng control room. Until it
landed to the familiar man.
The last but never been the least of Sous L'eau, the powerful man
standing in front of the largest hologram monitor. He's seriously
scanning the different views of the mission site.
"Theo, it is not your place anymore." Pormal na sabi ni Commander
Satchel.
The man wearing the same uniform as Triton, slowly faced me with his damn
serious look. His eyebrows narrowed when our eyes met each other, he held
both of his hands on his waist and he started walking towards me.
He scanned me with his most beautiful brown eyes. "We've met again, Miss
Soren."
"Yes," tipid na sagot ko.
Minsan nang nagkrus ang mga landas namin, hindi sa mundong ito kundi sa
labas kung saan, masasaya ang iniisip namin. He attended Ahmed's bakery
opening.
"I wonder why I didn't notice you back then."
"You're pre-occupied with the freebies, Cap Theo. And I wonder why you
didn't notice my childhood friends." Nagkibit balikat lamang ito.
"I am giving you the position, please keep my wife safe."
"Girlfriend," Armando and Enna said in unison.
I heard him curse before giving me another fake smile. "Please,"
"You don't need to mention, it is my job."
"Thanks,"
Nagsimula na akong muling humakbang patungo sa malaking hologram monitor.
This time I started to check my needed spots.
"Connect me to the hummingbird," tipid na sabi ko.
"This is your Cagge speaking, hummingbird do you copy?" I asked.
They were currently located at Mojave Desert in Lancaster. The
hummingbird, her back up Hazelle and her sniper were in different
locations.
I remained silent as I waited for her response. Nanatili akong nakatindig
sa harap ng hologram at natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa
nakasanayan kong posisyon.
My right arm across my stomach and my left elbow on the back of my right
hand. I continued clicking the pen while waiting for her answer.
"Copy,"
Sa pagkakataong ito ay mga kamay ko naman ang gumalaw sa hologram.
"I'll send you additional data, continue your speed for the next five
minutes."
"Alright," she answered.
She's driving a rally truck, having this might catch too much attention.
Lalo na at hindi na siya nalalayo sa kampo ng mga kalaban.
Commander Satchel didn't inform me anything about the files but I don't
care at all. My only mission was to keep the hummingbird alive.
"Hey, five fucking minutes? She'll get noticed!" hindi ko pinansin ang
lalaking nasa likuran ko.
"I told you Commander, I should have this mission instead!"
"Trust her, ilang taon na siya sa larangan niyang 'yan." Pagtatanggol sa
akin ni Commander Satchel.
"But her previous hummingbirds fucking died! We can't fucking--"
"Cap!" sigaw ni Enna at Armando.
"Stop fucking insulting her, Ferell." Nakarinig ako nang sunod-sunod na
mura nang naglabas ng baril si Triton at itinutok ito kay Cap Theo.
Agad tumayo si Enna, Armando at ang kambal nitong si Argo. Bumunot rin
ito ng mga baril para tutukan si Triton. Ahmed didn't stay on his seat,
dahil dalawang kamay nito ang may baril na kapwa gumagala kay Enna,
Armando at Argo.
Natulala na ang natitirang intelligence team sa buong nangyayari.
"Not because we're new and you're the captain, you can easily step on us,
Ferell." Madiing sabi ni Triton.
"Triton," I called his name. Pero hindi man lang ito nag-abalang ibaba
ang kanyang baril.
"Put the damn guns! What the hell?!" sigaw ni Enna.
Nanatiling mariing nakatitig si Cap Theo kay Triton, hindi man lang ito
bumubunot ng baril.
"Kayo ang magbaba ng baril." Sabat ni Ahmed na nasa panig ni Triton.
"Fucking children! Remove the fucking guns!" I large voice stormed all
over the control room which was followed by four gun shots.
It was Commander Satchel holding his gun. Ilang beses itong bumaril sa
itaas dahilan kung bakit sabay-sabay nalaglag ang mga baril na hawak ng
lahat sa malamig na sahig.
All hands were up. Dalawa lamang ang nanatiling hindi kumikibo, it was
Triton and Cap Theo.
"Matteo Ferell! Ilang beses ko sasabihin sa'yong ayusin mo ang ugali mo
sa tuwing nasa misyon ang anak ko?!"
"I'm sorry sir," ito na ang unang nagkalas nang mariing titig kay Triton.
"And you!" tinutukan nito ng baril si Triton. "Ako lang ang pwedeng
uminit ang ulo dito!"
"I'm sorry sir,"
"Back to work!"
Natahimik kaming lahat at nagsimula muli kaming bumalik sa trabaho. We
continued watching the scene in the hologram.
Sa pagkakataong ito, mas lumakas ang singhapan.
"She is being followed!" sigaw ni Cap Theo.
Kasalukuyan nang may nakasunod na limang rally truck sa likuran ng
sasakyan at nagpapaulan na ito ng bala. Nanatili akong tahimik.
"W-What are you doing?! You are killing her!"
Nagsisimula na rin lumingon sa akin si Enna, Armando, Argo at maging si
Ahmed dahil nakikita na nila ang kasalukuyang nangyayari.
Hindi na napigilan ni Cap Theo ang kanyang sarili. Inagaw nito sa akin
ang posisyon.
"Baby, do you copy?! You need to get out from there! Turn rightturnwhat
the hell are you doing?! Alam mong may mga kalaban nang nakaabang! Y-
Youshe's a traitor!"
Tuluyan nang na-trap ang sasakyan, kaunti na lamang ang distansya nito sa
mga humahabol sa kanya. Natulala na ang lahat nang nagsimula nang bumaba
ang mga kalaban sa mga sasakyan nito na may mga dalang baril.
"Lina!"
I silently made my count down.
"Threetwoone.."
The rally truck exploded together with the enemies. Punong-puno nang
galit na humarap sa akin si Cap Theo, I didn't even blink.
"Euphie!" I heard Triton's voice.
I immediately held my earpods.
"It's about time," tipid na sabi ko. "Mirrored switch, give us the hidden
tile. Spot the location and the current time speed."
Malakas na sigaw at pagtawa ang narinig namin mula sa speaker. The
hologram showed the unused tile, giving us the sight of the hummingbird
with another open rally truck.
She's wearing ordinary shades, a summer hat while holding a shoal she
sent flying with the wind as her brother drove the truck with fast speed.
Enna used a telescope to look at the previous scene, the explosion.
"Too poor for them, they been following their own comrade trapped inside
a programmed truck." Tumaas ang kilay ko kay Cap Theo.
And most of the agents have their mouths half-opened. Muli akong
humakbang at sinadya kong sagiin si Cap Theo.
"Let's get started Hummingbird." Tipid kong sabi.
"Copy," saglit lamang akong lumingon sa likuran ko para bigyan ng ilang
salita ang lalaking sinubukang maliitin ang kakayanan ko.
"I think they didn't inform you that I have a better IQ than you, Cap
Theo. You've been deceived, hindi pa ako nagsisimula."
--
VentreCanard
Chapter 57
Chapter 57
Hindi na muli nagsalita pa si Cap Theo nang mga sumunod na oras, at mas
pinili na lamang nitong tumayo sa likuran ko katabi ni Commander Satchel.
But I could still felt the pressure and tense coming from my back
audience. Hindi ko man ipakita sa kanila na naapektuhan ako, nagsisimula
na rin bumilis ang tibok ng puso ko.
I've never been pressured like this before. Kung dati ay halos hindi ko
na alintana ang mga taong nanunuod sa akin, kung anuman ang posisyon nito
sa ahensiya, ngayon ay bigla ko na lamang itong naramdaman.
And I considered it as the worst, maybe because I was all aware that my
audiences were no ordinary. But my previous agency was no ordinary too!
Huminga ako nang malalim at mas pinagmasdan ko ang hologram sa harapan
ko. Now I get it, it's not because my audiences were no ordinary but the
fact that they were not just a mere comrades. Nandito si Triton, na sa
sandaling may masabing hindi maganda si Cap Theo ay mabilis iinit ang
ulo, nandito rin si Ahmed na katulad ni Triton ay suportado ako.
I couldn't just disappoint them. Especially my new boss, who took the
risk taking us even we had a history of betrayal.
Habang nakaalalay sa akin si Enna pansin ko na ilang beses na
napapalingon mula sa unahan si Armando na hanggang ngayon ay walang tigil
sa paghanga sa akin.
From the very start, alam kong maliit lamang ang tingin nito sa akin.
He's just like Cap Theo who doubted my ability. Ganda lang yata ang
napansin nito sa akin.
Habang nagpapatuloy ako, wala na muling gulong nangyari at pinagpatuloy
ng mga itong mas bigyan ng pansin ang misyong nangyayari sa labas.
Maybe some of them might think that my previous trick was just a hidden
monitoring screen, na simpleng itinago ko lamang ito sa kanila at hindi
ipinakita ang totoong pangyayari, where nothing special really happened.
But that was beyond that.
Bakit ko kailangang itago sa kanilang mga mata ang totoong plano ko kung
mga kakampi ko sila?
I did that not because I want to impress them or something. My motive was
not to make them look dumbfounded about the truck deceptions. It was all
about the possible hacking system, I was still in the process of
analyzing the capability of the system's skills of the enemy. There's
always the possibility that they could successfully infiltrate the
monitoring system of the agency and to have a safe movement, I did hide
the current movement of the hummingbird.
If it happened that they had successfully entered our system, all they
could witness was the fake movement of the truck. I had spent few days of
secret movement with the hummingbird before this mission.
At first, it was just the coordination between me and the hummingbird but
Enna and Ace did help. Ilang araw silang nagpabalik-balik sa area, having
their disguise before they had fully detailed the place, the routines of
the people and their alertness when something happened.
It took few hours before I had the plate of my plans and I immediately
contacted the hummingbird as soon as I settled everything, from Plan A to
E. The combats, ambush and the coordination of intelligence team in the
actual mission.
It was a video conference with the three of them.
"They have a huge security scattered, their formation is quite tight and
one wrong move, they can trap you in an instant. So all we have to do is
to get their attention. Not just the security one, two or three. We need
their whole attention." Sabay-sabay silang tumango sa sinabi ko.
"But of course, they are not dumb to leave their respective places as
soon as we gave them our presence. Mayroon pa rin mananatili at masasabi
kong masyado silang marami para sa inyo. We can't take a risk, lalo na at
kayong tatlo lamang. Sous L'eau headquarters is quite far from the place
and we can't exhaust number of agents, since Commander Satchel declared
that most of the agents are now training for the upcoming biggest."
Yes, my role is to guide and protect the hummingbird but that doesn't
mean that I shouldn't take a background check around her. I never
bothered asking about that certain mission, but I'm all aware that the
hummingbird is still included with that mission.
"So our best plan is to have a huge and massive attention, na
mapipilitang gumalaw ng mga nakatigil sa kanilang position."
"And how are we going to do that?" tanong ni Hazelle.
"I already sent different devices I've created."
"The first device was designed to implant to the truck, it is an
explosive device that will trigger series of explosives scattered in the
area." Since I'm a master of explosives, the devices I've sent them were
quite different.
"The device won't explode if the initial explosion isn't coming from the
mother bomb. You're going to implant it to the truck and some crucial
part of the area. Dahil tatlo lang kayo, isa lang ang laban natin sa
kanila. We bomb them." Nagpatuloy lamang sila sa pakikinig sa mga
paliwanag ko.
"I've prepared two different trucks that you're going to use. One is for
your own movement, of course and the other one is to gain the attention
of the enemies." Nagsimula na akong mag-type sa aking laptop at sinimulan
ko nang ipadala sa kanila ang impormasyong kakailanganin nila para
malaman kung paano gamitin ang pinadala ko sa kanila.
"Another device I've sent you is something you're going to implant to
someone. All you have to do is to abduct someone from the inside. Since
you've gave me the information needed, I've found out that every person
inside their base has a tracking device on their nape. So for them to
block the identification signal coming from the explosive truck, you need
to extract the tracking device and replace it with our device. This
device will manipulate the enemy's nervous system, giving us the
domination of his movement and thinking nang walang kahirap-hirap." Wala
man lang nakurap sa kanilang tatlo habang nagpapaliwanag ako.
"Successfully place him inside our truck with explosive device." Tumango
muli sila sa sinabi ko. "But you are not allowed to break it, for you'll
use it to hide. Hayaan nyo itong buhay habang nakasakay kayo sa truck na
inaakala nilang kanila. Got it?" sa ikatlong pagkakataon ay tumango ang
mga ito sa akin.
"Of course, hindi kayo magpapakita. You place the truck somewhere, na
iisipin nilang sadyang madalas tigilan ng mga sasakyan nila. I'll send
you the best place to hide, na hindi nila paghihinalaan." Wala nang tigil
ang mga kamay ko sa pag-type sa laptop.
"Before the ambush, you need to place the trucks near the area, find the
suitable prey and contact me for more questions."
Ito ang huli naming pag-uusap tatlo bago ang mismong misyon. And they are
doing great job tonight.
Ngayon ko nasabing hindi rin naman pala masama kung may ahensiyang
katulong ang hummingbird. Sasang-ayon na sana ako nang maalala ang
lalaking nasa likuran ko.
Well maybe, mayroon pa rin natitirang problema. The hummingbird's
movement is quite limited with the eyes of the captain.
Tumaas na ang kilay ko nang bigyan na ako ng signal ni hummingbird. We
agreed that we're going to make Cap Theo sleep for the last part of her
mission. Because the file was being handled by an illegal businessman, an
old Korean hustler of hot female performers.
I also informed Enna about this. Nagsisimula na akong makarinig ng pag-
alma sa likuran nang isa-isa nang tinatanggal ng hummingbird ang ilang
damit nito. She's going to seduce the damn hustler while Hazelle's trying
to get the files to his office.
If they had the soft copy, we don't really need to fly all over their
hideout. Dahil magagawan na namin ng paraang pasukin ang sistema nila.
But they chose the safest way of hiding the files.
"Lina!" he called the hummingbird's name.
I made a silent count again. Agad kong kinuha ang ballpen na itututok ko
sa lalaking nasa likuran ko para makatulog na ito, pero nang sandaling
humarap na ako dito, mukhang hindi lang ako ang nag-iisip na patahimikin
siya.
Most of us, inside the intelligence quarter had the tranquilizer pen
pointed to Captain Theo Ferell, as well as Commander Satchel, na mismong
baril.
Kunot na kunot ang noo nito sa aming lahat na katulad ko ay gulat rin
nang makitang lahat kami ay iisa ang iniisip. Nakataas na ang dalawang
kamay ni Cap Theo at nakailang mura ito habang iginagala ang mga mata sa
aming lahat.
"Bakit pinagtutulungan nyo ako?"
"Sorry Cap, trabaho lang." Natatawang sabi ni Armando.
"Napag-utuasan lang Cap." Sagot rin ni Enna.
Inosenteng nakataas lamang ang mga ballpen ni Ahmed at Argo na
nakatututok rin habang nanatiling walang emosyon si Triton at ako na
lamang ang nagbaba ng ballpen ko.
When we heard the unfamiliar song, sunod-sunod nang bumaril ang mga agent
kay Cap Theo na hindi na nagawang umilag. Bagsak.
I am a shining solo..
The hummingbird is currently dancing seductively in front of the old
businessman with her mouth-watering outfit.
"Armando, itabi mo ito sa apo ko. Hayaan mong matulog na lang silang mag-
ama." Utos ni Commander Satchel.
Nagmamadaling sumunod si Armando at pilit nitong binuhat ang nakahandusay
na si Cap Theo.
And yes, everything went smoothly. Walang makapasok sa loob ng kwarto
kung saan nababaliw ang matandang businessman dahil may sniper nang
nakaabang sa bawat magtatangka dito.
Bago pa man matauhan ang matandang businessman, nabigyan ito nang isang
malakas na sipa mula sa magandang hubog na binti ni hummingbird. Mabilis
itong nakalabas habang nakaabang na si Hazelle sa sasakyan.
At hindi man lang ang mga ito nasundan dahil sa tracking device na gamit
nila mula sa kalaban.
"One last request, dear Cagge?" tanong ni hummingbird.
"Burn the place."
"As you wish," sabay nilang sagot tatlo.
The hummingbird made the final blow of the controller, making another
mother bomb exploded with its chain reaction.
Kasabay nang mabilis na pang-arangkada ng kanilang sasakyan ay ang
paghabol ng sunod-sunod na pagsabog na hudyat ng una kong tagumpay sa
aking bagong ahensiya.
--
VentreCanard
Chapter 58
Chapter 58
"Tama ba itong ginagawa natin, Triton? Ilang araw pa lamang tayo sa Sous
L'eau ay humingi na ako tayo ng leave." Hindi sana ako papayag pero
nakapagpaalam na pala ito kay Commander Satchel.
He's planning without even informing me.
"Katatapos lamang ng una mong misyon, hindi ba at dapat magpahinga naman
ang sweetheart ko?" malambing na sagot sa akin ni Triton dahilan kung
bakit nawala ang kunot sa aking noo.
"Triton naman, kailan pa naging rason 'yon?"
"Ngayon lang?" ngising sagot nito sa akin.
Bumitaw ang isa nitong kamay sa manibela at mabilis nitong pinisil ang
pisngi ko katulad ng dati.
"Let's date for a while, katulad ng dati Euphie. Apat na taon rin hindi
nakatanggap ng lambing si Triton." Mahinang sabi nito na parang aping-api
ko na naman siya.
He held one of my hand and he softly kissed it while driving.
Mukhang nakakalimutan na nito na siya mismo ang nagbayad ng plane ticket
ko noon para lamang mapaalis ako. He even told me to do not come back.
Pero nang sandaling muli kaming nakita dito sa Pilipinas, bigla na lamang
itong nagka-amnesia at nakalimutan na ang mga sinabi sa akin.
"Apat na taon nga ba, Triton? Sa tingin mo ba hindi umabot sa akin ang
balita na naging kayo ni Patricia at binalikan mo rin si Britanny. Hindi
ka nila nilambing sa loob ng apat na taon? Tinitigan ka lang nila?"
hinablot ko ang kamay ko mula sa kanya.
I rolled my eyes to him.
Natigilan si Triton nang sabihin ko ito, kung siya ay mabilis makalimot
ng mga bagay-bagay huwag niya akong igaya sa kanya.
"Tinitigan ko lang sila, Euphie." Umawang ang bibig ko sa sagot ni
Triton.
"Oh, stop fooling me around Triton. I trust my source."
"I wasn't serious, hindi kami nagtagal ng mga babaeng sinabi mo. And your
source? Sino? Ang tatlo mong kaibigan na laging may dagdag ang balita?
Those maartes in town na puro mga bad influence?"
"They were never been a bad influence, Triton."
"W-What? Dinala ka nila sa bar, Euphie. Yes, you maybe a one of hella
genius girl. Pero alam kong hindi ka nag-iinom o nagpupunta sa bar! For
pete sake, you're always secluded during your missions. Tapos dinala ka
nila sa bar at pinaliguan ng alak sa buhok. God."
"Naalala mo pa ang mga bagay na 'yan Triton, pero hindi mo natatandaan
kung ano ang mga sinabi mo sa akin bago ako umalis ng bansa?" huminga ito
nang malalim bago saglit na sumulyap sa akin.
"Mag-aaway ba tayo tungkol sa nakaraan, Euphie?"
"Ikaw ang nag-umpisa Triton," I crossed my arms and I pouted my damn
lips. "Apat taon daw na hindi nilambing, dalawa lang naman ang reserba
niya nang umalis ako." Bulong ko.
Muli itong humugot ng mabigat na paghinga.
"W-Why? You and that Israel did kiss, he damn confessed during that damn
truth or dare na pakulo na naman ng mga pasaway mong mga kaibigan. Hindi
ako nagpahalik kay Patricia at Britanny sa loob ng apat na taon, Euphie!"
tumigil na sa pagmamaneho si Triton at hinarap niya ako.
"Si Euphie nagpahalik, tapos si Triton hindi. You're the unfair one." Mas
lalong umawang ang bibig ko sa pinagsasabi ni Triton.
Bakit bigla niyang binaliktad ang pangyayari?
"Y-You are lying! There is no way that" he cut me off.
"Wala pang isang linggo! Hiniwalayan ko na sila. Your friends lied. Galit
sila sa akin, galit silang tatlo sa akin."
"But you were caught kissing" hindi ko mabanggit ang pangalan ng babae.
"S-Sa locker room!"
"W-What?" lalong nangunot ang noo ni Triton na parang pilit niyang
inaalala ang nangyari hanggang sa biglang nagliwanag ang mukha niya.
"Binaliktad nila! I saw Antonia kissing another guy instead of Dylan!"
ilang beses nang sinabunutan ni Triton ang kanyang sarili.
Pulang-pula na ito at mukhang gigil na gigil na naman sa mga kaibigan ko.
"Pipilipitin ko nang buhay ang tatlo mong kaibigan, Euphiemia. They are
my three evil fairy godmothers! They are ruining my image as your
Prince."
Kung kanina ay halos makipagtalo ako sa kanya pero sa pagkakataong ito ay
hindi ko na napigilan ang sarili ko.
I laughed so hard.
Sa nakalipas na apat na taon ay muli akong tumawa.
"W-What Triton?!" hindi ko mapigilan ang pagtawa ko dahilan kung bakit
may tumakas nang luha mula sa gilid ng aking mga mata.
Sa pagkakataong ito ay si Triton naman ngayon ang bahagyang nakanguso
dahil sa pagtawa ko sa kanya.
"They are my evil fairy god mothers, now I get it. Kung bakit tatlo ang
kaibigan mo. It was not my triplets' ninang, ang mga kaibigan mo Euphie.
Silang tatlo ang mga kontrabida kay Triton." Tuluyan nang napalitan ang
pagtatalo namin ni Triton.
"I will forget about the kiss that I heard during the truth or dare if"
bumaba na ang tingin ni Triton sa mga labi ko.
"If " sinadya nitong ibitin ang kanyang sasabihin nang unti-unti nang
bumaba ang kanyang mga labi sa akin.
"Euphie" he whispered with our lips inches apart.
Triton was about to tilt his head to fully claim my lips when I placed my
forefinger between our lips to stop him.
"Why?" he looked so frustrated. Nalugi.
Akma nitong tatanggalin ang kamay ko nang umiling ako sa kanya.
"Not here, malapit tayo sa kalsada Triton. And your car isn't tinted." I
stuck my tongue out to annoy him.
Nang makita niyang gawin ko ito, agad siyang napangisi at tumuwid nang
pagkakaupo.
"Alright, we find a better place to make out."
"Just a kiss, Triton!"
Sa pagkakataong ito siya naman ang gumaya sa ginawa ko. Prince Triton
just stuck his tongue out just like what he used to do, just to annoy me.
Ramdam ko ang biglang pag-init ng pisngi ko sa ginawang ito ni Triton.
From the very start, I was not the cute one.
It was really Triton, it was him who's been trying to mimic my acts and
when he's struggling to copy it, he's damn doing it more adorable.
Damn Triton and his cuteness. He's still my gentle Triton, hindi siya
katulad ni Cap Theo, Armando, even Ahmed who's a silent killer or whoever
agent inside the Sous L'eau.
My Triton is different.
"Sweetheart.." tawag ni Triton sa akin para muling agawin ang atensyon
ko.
Lilingon na sana ako sa kanya nang maalintana ito ng magaang haplos na
dahan-dahang tumataas mula sa aking tuhod papunta sa aking hita.
Unti-unting tumaas ang kilay ko nang makita ang kamay ni Triton na
humahaplos sa aking hita.
"Triton!" para itong nagulat at mabilis tinanggal ang kanyang kamay sa
aking hita.
"I'm sorry sweetheart, akala ko kambyo." Kumamot ito sa kanyang ulo.
"W-What? Malabo na ang mata mo, Triton? From where did you learn that?"
nagkibit balikat lamang ito.
Bigla kong naalala ang babala sa akin ni hummingbird nang minsang mag-
usap kami.
"Huwag na huwag ka magpapabiktima sa kambyo, Euphie. Lahat ng lalaking
nasa loob ng Sous L'eau biglang nagkakaroon ng sira sa mata kapag
nagkalapit na ang hita at kambyo."
Agad nang nagsalubong ang kilay ko. Binabawi ko na ang sinasabi ko!
Triton are now starting to be like them.
"Kambyo pala, Triton?" siya naman ngayon ang natawa at ako ang nanuod sa
kanya.
"Sorry sweetheart, hindi na ako uulit. Nakita ko lang na ginawa ni
Armando kay Enna nitong isang araw." Natatawang sabi nito.
"At ginaya mo?"
"Why not? Sweetheart naman natin ang isa't-isa. Sorry na, hindi na uulit
si Triton. Magpapaalam na lang ako sa susunod." Mabilis itong nakayuko sa
akin at masyado nang huli para umilag ako.
Triton gave me smack on my lips.
Hindi na muli kami nagtalo ni Triton, pinili namin magkwentuhan ng mga
magagaang bagay na malayo sa aming trabaho, mga bagay na siyang pinag-
uusapan namin noon.
Hanggang sa makarating kami sa isang parte ng Leviathan, kaunti pa lamang
ang mga gusali dito at halos puro mga damo pa lamang at mga puno ang
nakikita.
"May burol dito na iilan pa lang ang nakakaagaw ng atensyon, Euphie. I
want us to stay there for a while."
Hindi rin nagtagal ay tumigil na ang aming sasakyan. Kinuha ni Triton sa
likuran ng sasakyan ang mga gamit namin at nagsimula na kaming maglakad
papasok sa gubatan.
It was a thirty minutes' walk before finally saw the hill with a lively
tree on top of it. Bahagya akong natigilan sa paghakbang nang umihip ang
banayad na hangin at isayaw nito ang mga sanga ng puno.
"It's so beautiful, Triton."
"Yes, masarap sa pakiramdam ang manatili dito. Nakakagaan ng pakiramdam."
Ngumiti ako sa sinabi ni Triton.
"I guess I need to work out, sweetheart." Hinawakan nito ang kamay ko at
ibinigay niya sa akin ang basket.
Nang sandaling hawakan ko ito ay agad niya akong binuhat at nagmadaling
tumakbo si Triton paakyat ng burol.
"Triton!" for the second time around, he stuck his tongue out.
"Bahala ka, mapapagod ka."
"I love you.." bulong nito.
Nanlambot ang puso ko sa biglaan niyang sinabi at kusa ko na lamang
inihilig ang sarili ko sa kanyang dibdib.
Agad itong naupo sa ilalim ng puno habang kalong ako nang makarating kami
sa tuktok.
Marahan kong inangat ang sarili ko at bumulong rin ako sa kanya.
"I love you, Triton."
Nang sandaling muling nagtama ang aming mga mata, mas lalong tumindi ang
pagwawala ng dibdib ko.
Marahan nang umangat ang mga kamay ni Triton para hawakan ang magkabilang
pisngi ko.
"Once that everything has been solved, marry me Euphie. Please, be my
cage sweetheart at habang buhay akong malugod na magpapakulong sa'yo."
--
VentreCanard
Chapter 59
Chapter 59
I was proud of Triton before, sinabi ko sa sarili ko na hindi siya ang
tipo ng lalaking madaling maiimpluwensiyahan ng mga katulad ni Cap Theo o
kaya ni Armando. Pero sa pagtagal namin sa Sous L'eau, unti-unti nang
natitibag ang paniniwala ko.
Today's the fifth time that he did sneak into my room.
Kapwa kami nakahiga sa kama ko. And he's positioned in his favourite
spot, on my neck. Mas gusto ni Triton na lagi siyang mas mababa sa akin
para mas madali kong mahaplos ang buhok niya.
He wants me to pet him.
"Sweetheart, dito na lang ako tutulog."
"No,"
"Please? Tutulog lang naman ako. Hindi na makakatayo si Triton, inaantok
na ko." Mahinang bulong nito kasabay nang mas paghigpit ng yakap niya.
Hindi na ako sumagot sa halip ay muli kong marahang sinuklay ng mga
daliri ko ang buhok niya.
We stayed quiet for few minutes before I broke the silence for a
question.
"Are you not bother about the flashdrive that your team had acquired?"
tanong ko.
"Of course," Ito ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog.
"Tomorrow, they'll dissect the file. Sa harap nating lahat, do you think
we can get the answers?" muling tanong ko.
"Maybe?" sagot ni Triton.
Hindi ko masyadong tinutukan ang misyon na may kinalaman sa flashdrive na
sinabi ni Commander Satchel, dahil hindi naman kasama sa misyon ang
hummingbird. Nakakagulat na bigla na lamang may lilitaw na mga bagay na
may koneksyon sa amin.
"Saan daw nakita ang flashdrive?"
"Jasper Valdez, katulad rin natin siya Euphiemia. Highly intellectual for
his young age, pero wala siyang bahid ng kahit anong ahensiya simula
pagkabata niya. He's now a successful doctor." Paliwanag sa akin ni
Triton.
"Maybe, Ate Trina tried to" hindi ko matuloy ang sasabihin ko kay Triton.
"To sell his intelligence?"
"I'm sorry, Triton." Mahinang sabi ko.
"No, it's okay sweetheart."
"Pero bakit nasa kanya ang flashdrive? And he's somewhat part of the
previous mission?"
"Not really, kailangan lang ng data tungkol sa isang pasyente niya.
Instead of hacking, Enna sneaked to his clinic, have a copy of his files
until she found a familiar alias."
"Hummingbird," tipid na sagot ko.
"Maybe she's expecting that it was all about Miss Lina, but when she did
glance the inside file. It was the earlier hummingbird, and yes my
sister. Wala na daw itong oras para halungkatin pa ang laman nito, kaya
limitado lang ang nalalaman niya at dahil malaki ang respeto niya kay
Commander Satchel, agad niya na itong ibinigay dito." Ilang beses akong
napatungo.
"Commander Satchel wants us to witness everything about the files
tomorrow."
"I'm nervous, Triton."
"Don't be, nasa tabi mo lang ako Euphiemia." Humalik na siya sa leeg ko.
Napabuntong-hininga na lamang ako, kaya na ba sagutin ng isang flashdrive
ang napakaraming katanungan?
I have eight questions about our case with Trina Montgomery. Na hindi ko
alam kung masasagot ba talaga.
What really happened to Ate Trina? Murder or suicide?
Or if it was a murder, who was the murderer? Was it really the Cagge?
Who was her Cagge?
Why did the Cagge stop communicating with me?
What were those stolen item from the agencies?
Why did she steal something from them? Was it really for the money?
What made her sell her own brother?
May masasagot kaya sa mga katanungang ito? Isa pa sa malaking tanong ko,
bakit nanatiling tahimik ang mga ahensiya namin sa nangyaring paglipat
namin tatlo? Was it because they're too afraid of Sous L'eau?
Ipinilig ko ang sarili ko, I should sleep now.
"Goodnight Triton," I kissed his forehead.
Hindi na ako nakatanggap ng sagot sa kanya. My prince is sleeping
already.
Nagising ako na wala na siya sa tabi ko, hindi na ako nagulat dahil
magmamadali pa itong maligo at mag-ayos ng sarili.
He's always late during our assembly. At sa tuwing mahuhuli ito, kanya-
kanyang ngisi ang mga lalaking agent sa kanya.
Hindi ko alam kung dapat ko ba ikatuwa na malapit na sila ngayon ni
Armando. He's a bad influence!
Kasalukuyan na kaming nakaharap sa white screen, sa gilid nito ay si Enna
at Hazelle na nakaharap sa laptop.
Kumpleto ang mga kilalang agent ng Sous L'eau. Cap Theo and his
girlfriend, Armando and his twin, Triton and Ahmed, the duo in front Enna
and Hazelle and Commander Satchel.
"Gustong-gusto ko talagang malaman kung sino ang kauna-unahang
hummingbird." Nasasabik na sabi ni Miss Lina.
Hanggang ngayon ay katanungan pa rin ito.
"It's not really important, ang mahalaga ang hummingbird ngayon." Sagot
ni Cap Theo.
"Mga salitaan ng mga boyfriend." Agad na pagsingit ni Armando na sabay-
sabay sinaway ng mga babae sa loob ng malaking kwarto.
Humawak agad sa braso nito si Miss Lina para pakalmahin ito sa anumang
pwede niyang gawin kay Armando.
What a big mouth for an agent.
"Enna," tipid na sabi ni Commander Satchel.
Buong akala ko ay mag-isa na lamang ako sa aking upuan, ramdam kong
tumabi na sa akin si Triton at hinawakan niya ang kamay ko.
Alam kong ramdam na niya ang panlalamig ng kamay ko, lalo na nang ipakita
na mismo ang laman ng flashdrive.
A single video, hindi pa man ito napi-play agad nang makikita kung sino
ang nasa loob nito.
Trina Montgomery, the hummingbird, the root of everything.
Nang sandaling i-play na ito ni Enna, halos marinig ko na ang malakas na
tibok ng puso ko.
Kasalukuyan na nitong inaayos ang camera sa kanyang harapan at nang
makuha niya ang tamang anggulo ay ngumiti na ito. Her familiar smile.
"Ate.." Triton whispered.
Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa
kanya. I've seen pictures of different hummingbirds, kasama na si Miss
Lina. Pero masasabi kong wala pa rin higit na papantay sa kagandahan ng
isang Trina Montgomery.
Kusa nang tumulo ang luha ko. Why?
Was it really a beauty hiding an evil?
Halos hindi kami kumurap habang hinihintay ang bawat salitang bibitawan
ni Trina Montgomery.
Humugot ito nang malalim ng paghinga bago muling ngumiti sa harap ng
camera. Dahilan kung bakit mas nakita ang totoong emosyon nito.
It was a fake smile.
"First, I love you Triton. Mahal na mahal na mahal ka ni Ate, I'm sorry
for everything, for our parents, for leaving you hangingfor everything."
Mas humigpit ang kamay ni Triton na nakahawak sa akin.
"Sa mga oras na itoalam kong wala na ako. This means, I failed to" hindi
na nito naituloy ang sasabihin niya dahil humagulhol na ito ng pag-iyak.
"I-I did a lot of thingsna alam kong malayo na sa kapatawaranand I'm not
asking for forgiveness. Wala na akong karapatan sa bagay na 'yon."
Magkadaop na ang mga kamay nito sa lamesa at pilit siyang humaharap sa
camera.
"I made this video not to confess everything, after my life as a
hummingbird, how I fooled numbers of people and how I hurt my love ones.
I made this for youTriton, Euphie and Ahmed. The biggest damage that I've
done with my whole life." Bumuka ang bibig ko para magsalita at magtanong
na parang masasagot niya pero pinigilan ko ang sarili ko.
Why? What was your reason, Ate Trina? Bakit mo ginawa ang lahat ng ito?
"Alam kong sa mga oras na ito ay naiipit na kayo sa sitwasyong hindi nyo
ginawa. Your own agencies are after you, sa mga bagay na wala kayong
alam. And yes, I stole them, ninakaw ko ito sa kanila. At hinding-hindi
ko ito pagsisihan." Lalong bumigat ang tensyon sa loob ng kwarto.
Hinihintay na naming sabihin niya kung ano at bakit niya ito ninakaw.
"I stole them for justice."
Justice?
"At alam kong isa sa inyo o mismong kayong tatlo ang makakapagturo kung
ano at saan ito nakatago."
Where? What are those?
"The items are" biglang nag-pause ang video.
"ENNA!" nagsigawan ang lahat ng agent sa loob ng kwarto.
"I'm sorry, the video was intense."
"The items that started it all." Natigilan kaming lahat sa sinabi ni Ate
Trina.
"W-What?" tanong ng lahat maliban sa amin tatlo na natulala na sa screen.
"Started it all?" tanong ni Triton sa sarili.
Ilang beses kong inisip kung ano ang bagay na tinutukoy ni Ate Trina bago
unti-unting luminaw sa akin ang mga alaala.
"T-The spinning wheel!" I blurted out.
Umawang ang bibig ni Triton at Ahmed sa sinabi ko habang naguguluhan ang
ibang mga agent.
"It's the spinning wheel and its needle, Triton!"
Hindi ko makakalimutan ang araw kung kailan natusok ng karayom si Triton,
I asked my grandmother few days after the incident about the spinning
wheel and she told me that it was not hers. Pero sinabi nitong ang
yumaong si Trina Montgomery ay minsang nagpaalam sa kanya na kung maaari
ay may ipahabilin muna siya sa malaking attic ni lola.
Tulad ng ahensiya naminposibleng, dahan-dahan akong lumingon kay Triton
na mukhang nakukuha na rin ang nangyayari.
Was it Triton's initiation? Kung sa ahensiya ko ay kailangang ibaliktad
ang buhanging orasan para sa kompirmasyon ng pagiging miyembro, mukhang
nakukuha ko na kung paano ang ahensiya ni Triton.
"You were pricked right?" tanong ko kay Triton.
He slowly nodded.
"Old spinning wheel, we should prick our finger and make it bleed."
Marahang tinitigan ni Triton ang kanyang hintuturo.
Naiintindihan ko na ang nangyari ng mga oras na 'yon. It was not the
blood that made Triton collapsed. It was the presence of the spinning
wheel, bumalik ang mga alaala niya sa mga unang araw na ipinapasok siya
sa ahensiya dahilan kung bakit wala sa sarili nitong tinusok ang sariling
daliri na parang nasa harap siya ng napakaraming nakaitim na taong may
mga baril.
"So that was the reason why you collapsed years ago, Triton?"
Hindi na sumagot sa akin si Triton, agad ako nitong kinabig at niyakap
nang mahigpit.
"Yes.."
"Probably the hourglass and the sceptre were also located at your
grandmother's attic, Soren." Mahinang sabi ni Ahmed.
Now I get it.
Alam ko na kung ano ang totoong nakatusok kay Triton.
The curse, the poisonous needle and the deep sleep.
Trina Montgomery was the wicked witch who cursed the spinning wheel. The
poisonous needle was the entrance of the realm that Triton didn't wish
from the very beginning and the deep sleep was Triton's endless nightmare
inside the agency that gave him painful memories of his dead sister.
Now I get it.
Too different from a fairytale, it was really dark and painful.
Buong akala namin ay tapos nang magsalita Trina pero may inihabol pa ito.
"Once that you've found the items, your questions will be answered."
Papatayin na sana ni Ate Trina ang video nang may huli pa itong sinabi.
"Euphie, Triton, Ahmed I know that you're already inside the Sous L'eau,
please do look around you" she gave us a wicked smile, na tanging mga
hummingbird lamang ang kayang magbigay.
"My Cagge was one of them."
--
VentreCanard
Chapter 60
Chapter 60
From my eight questions, there was only one question answered.
The stolen items. Trina Montgomery, stole the symbolic items of each
agency.
Sa halip na masagot ang lahat na siyang inaasahan namin, mas nadagdagan
pa ito. The Cagge was one of us.
I did expect that Triton and Ahmed would react about the video, but they
simply went on silence.
O tama ba sabihin na nahihirapan na rin silang paniwalaan si Ate Trina?
She's a tricky woman, hindi maaaring hawakan ang lahat ng sinasabi nito.
Commander Satchel dismissed us after we watched the video but he
announced that our operation would be tonight, to my grandparent's house.
The other team cleared out the location and made it safe for the next
twenty four hours.
And I just heard from my parents that my grandparents decided to have
their few weeks vacation in Leviathan. Kaunti lang rin naman ang mga
kapitbahay nila na madalas ay nasa ibang bansa.
I told to my parents that I have another seminar to attend, dahilan kung
bakit ilang araw akong mawawala.
"Just don't stress yourself, honey. Mahal ka namin ng Daddy mo." Ngumiti
ako sa malambing na boses ni mommy.
"I love you too, mom. I'll be back soon."
Nang matapos ang tawag ni mommy, inihiga ko na ang sarili ko sa kama.
Hindi na kami nag-usap pa ni Triton o Ahmed matapos namin mapanuod ang
video.
Ano kaya ang iniisip nila?
Are we going to believe her?
Itinaas ko ang aking kamay at pilit kong inabot ang ilaw sa ceiling na
parang magagawa ko talaga itong maabot.
Maraming beses na kaming pinaniwala ni Ate Trina sa kanyang
kasinungalingan, wala akong mahanap na dahilan kung bakit nasa Sous L'eau
ang Cagge.
Ibinaba ko ang aking kamay at marahan akong tumagilid sa aking kama.
Bakit? Bakit niya kinuha ang tatlong bagay na ito mula sa mga ahensiya?
Iniwan niya kami nang napakaraming katanungan. Her dead. Her Cagge. Her
reasons.
Suicide or not?
Her Cagge and its real reason.
Trina Montgomery and her real fight.
We're done with the video that gave us answers about the stolen items.
Ano naman kayang kasagutan ang maibibigay sa amin ng mga bagay na iniwan
niya dahilan kung bakit habulin kami ng mga ahensiyang nagpalaki sa amin.
**
The night of our mission was filled with heavy atmosphere. Most of us
were wearing black uniform, maging ako ay mayroon na rin nito.
We used three different large vehicles.
"Everything will be alright, Euphie. I've been in the same situation
before, pero kinaya ko." Hinawakan ni Lina ang kamay ko.
"What situation?" hindi ko man gustong pahabain ang usapan ay bigla na
lang kusang nagbukas ang bibig ko.
"As complicated as yours, alam ko na mahirap malagay sa mundong ito.
Pero, Euphie ang sarap sa pakiramdam na may natutulungan ka. That you
would do everything for those who can't fight. Kasi tayo 'yong may
kakayahan."
"Hindi mo ba inisip na mabuhay ng tahimik? Peace."
"Everyday!" natatawang sabi nito.
"Pero matatahimik ba ako kung ang mismong mahal ko, alam kong
nahihirapan? Na alam kong may magagawa naman ako para tulungan sila?"
kibit balikat na sagot nito.
"I don't know."
"Pero kung saan ka talaga masaya, mas mabuting ito ang tahakin mo."
"So you don't have plans to quit? Do you want your children to live with
guns? Lumaki na putok ng baril ang naririnig?" natigilan siya sa tanong
ko.
"Maybe, when everything is settled Euphie."
Habang papalapit kami sa lugar na siyang inaasahan naming magbibigay ng
kasagutan lalong lumalakas ang pintig ng puso ko.
Anong gagawin ko kapag nalaman kong isa nga sa kanila? Hindi ko alam kung
paano ko iisipin ang dahilan at kung anong takbo ang nais iparating ng
mga nangyayaring ito.
Naunang pumasok si Armando at ang kambal nito. Sumunod si Enna at
Hazelle, hummingbird at Commander Theo. Ahmed and Triton, ako at si
Commander Satchel.
Maingat ang lakad naming lahat hanggang sa makarating kami sa attic kung
saan nagsimula ang lahat.
I heard a soft click until the lights turned on. Bumungad sa amin ang
iba't-ibang lumang kagamitan na ilang taon na nang huli kong makita.
This small and old attic that started everything.
I stared back to all agents inside this place. Why do we need all their
presence? Hindi ba sapat nang kami na lamang tatlo?
Or Commander Satchel was also trying to believe that one of us was really
Trina Montgomery's Cagge?
Hinanap ng aking mga mata ang pamilyar na puting tela na siyang hinila ni
Triton, ilang taon na ang nakalilipas.
Until my eyes landed to the brownish cloth at the edge of the dusty room.
I was about to make my few steps when Ahmed walked, agad itong humarang
sa aming lahat habang nakabuka ang kanyang mga braso na kapwa may hawak
na baril.
"Those items should be touch first by the three of us, I'm sorry."
Madiing sabi nito.
"Sa ating lahat, kaming tatlo ang may karapatang humawak nito sa unang
pagkakataon. Yes, masasabi nating hindi totoong ang sinabi ni Ate Trina
na isa sa inyo ang taong humawak sa kanya noon. But we need to play safe.
Kaming tatlo, ilang taon na kaming napapaglaruan. Please, allow us three
to examine the items first." Paliwanag ni Ahmed.
Nagsimula na akong humakbang patungo sa kanya at katulad nito ay humarap
na rin ako sa mga taga Sous L'eau.
"Allow us, please." Mahinang sabi ko.
Unti-unting gumala ang aking mga mata habang mariin kong pinaglalandas
ang aking titig sa kanila hanggang tumigil ang aking mga mata kay Triton
na hindi man lang kumikibo.
Siya, sa lahat ng tao sa loob ng lugar na ito ang siyang dapat lubos na
maging apektado sa operasyong ito. But he's all blank.
I was expecting that he would be eager to know everything about her
sister.
"H-Hindi nyo pa rin kami kayang pagkatiwalaan? After all that we've done
to you? Do you think Sous L'eau is capable of betrayal?" tanong ni Enna
sa amin.
"You've been insulting our Commander who took the risk to save your
asses." Matigas na sabi ni Hazelle.
"Girls," sabay na sabat ng kambal na pilit pinapakalma ang dalawang babae
na mukhang naubos na ang pasensiya sa amin.
"Why too worried?" tanong ni Ahmed sa dalawang babae.
Sabay suminghap si Enna at Hazelle na parang nalalaman na ng mga ito ang
punto ng tanong ni Ahmed.
"You let Commander Satchel examine the items. He is our Commander."
Matigas na sabi ni Enna.
"No, please let us." Naalerto kami ni Ahmed.
Nagsisimula na akong magtaka kay Triton na halos hindi na gumalaw sa
gilid sa kabila nang nangyayari.
Was it still because of the spinning wheel? May trauma pa rin ba dito si
Triton?
"Enna, Hazelle," seryosong tawag ni Cap Theo sa dalawang babae.
"They've been disrespecting Commander Satchel!" sigaw ni Hazelle.
Lumapit na ang kakambal ni Armando dito pero agad nitong sinalag ang
kamay nito.
"Don't fucking touch me!"
"Then fucking calm down!" sigaw rin nito.
"Fucking out!" sigaw ni Cap Theo sa dalawa.
"W-What?"
"Tama pa ba ang ugali ng tatlong ito? Sa totoo lang hindi ko gusto ang
pagpasok nila sa Sous L'eau!" iritadong sabi ni Enna.
"Masisisi mo ba kami Enna? We've been deceived since we were kids!
Kasalanan ba namin na hindi magtiwala agad? Mabuti ka Enna, you were
sheltered by an agency with good policy, an agency that could look at you
like a human. But we were just merely instruments before." Mahabang
paliwanag ko dahilan kung bakit tumulo ang luha ko.
"Hindi namin intensyong mambastos o hindi rumespeto. We're just scared.
Natatakot kami." Nang mas bumuhos na ang mga luha ko nagsimula nang
lumapit sa akin si Triton.
Humawak na ito sa mga balikat ko para simulan akong pakalmahin. Hanggang
sa mahigpit na ako nitong yakapin.
"Siguro kung tatanungin ako, hindi ba at si Triton ang siyang may
karapatan sa ating lahat? He should approach the items first. Dahil hindi
ako nagkakamali, kapatid niya ang siyang dahilan ng lahat ng ito." The
hummingbird said.
"Armnado, Argo, bring Enna and Hazelle out." Mahinang utos ni Commander
Satchel.
"W-What?" sabay na pag-angal ng dalawa.
"We were just" nang sandaling lumingon na si Commander Satchel sa
dalawang babae ay natahimik na ang mga ito.
"They can stay Dad, but please, behave girls." Hindi na natuloy sa
paglalakad papalapit sa kanila ang si Armando at Argo dahil sa panlilisik
ng mga mata nito.
Hindi na muling nag-utos si Commander Satchel.
At sa pagkakataong ito ay nasa aming tatlo na naman ang atensyon.
"Go on, Triton." Tipid na sabi ni Commander Satchel.
"I love you, Euphie. I'm sorry." Triton whispered before letting me go.
Mas lalong gumapang ang kaba sa dibdib ko nang marinig ko ang bulong
niya.
What does it mean?
Tumalikod na sa amin si Triton at marahan nang tumabi sa akin si Ahmed.
Hinawakan nito ang balikat ko para alalayan ako sa maaaring mangyayari.
Pakiramdam ko ay mas bumigat ang tensyon sa loob ng lumang attic nang
gumawa nang marahang hakbang si Triton sa kubon ng maduming tela.
At natagpuan ko na lamang ang mga braso kong kusa yumayakap sa aking
sarili.
Nagtitindigan ang mga balahibo ko habang pinagmamasdan ang mabagal na
paglalakad ni Triton na parang nahihipnostismo.
It was like a hypnotic scene of Aurora when she pricked her finger on the
spinning wheel.
And when he pulled the dirty cloth, the spinning wheel that started it
all welcomed us with its old state.
Naglandas ang nangangatal na kamay ni Triton bawat parte nito hanggang sa
matigil ito nang mas mapagmasdan niya ang nangangalawang na karayom.
"My sister was right, the Cagge was one of them."
Mas humigpit ang hawak sa akin ni Ahmed para mas alalayan ako. Nangatal
ang tuhod ko habang nanatili akong nakatitig sa likuran ni Triton.
"W-Who? Sino sa inyo?" I asked.
"W-Who was her Cagge?!" ulit ko.
Unang gumala ang mata ko sa mga babae, Hazelle and Enna were both
confuse. Nanatiling tahimik at nakatitig lamang sa akin ang hummingbird.
Maging si Armando at ang kambal nito ay mukhang nalilito na rin sa
pangyayari at katulad ng hummingbird ay wala rin emosyong nakatitig sa
akin si Cap Theo.
Habang hindi ko mabasa ang ekpresyon ni Commander Satchel.
"W-What is really happening?" tanong ni Ahmed.
"Euphie.." tuluyan nang humarap sa akin si Triton.
"I was her Cagge."
Umawang ang mga labi ko sa diretsong sabi ni Commander Satchel. Lahat ay
natulala maliban kay Triton, hummingbird at Cap Theo.
"Trina Montgomery is not evil." Mahinang sabi nito. "There was no
hummingbird born for evil, Euphie." Madiing sabi ni Commander Satchel.
Nakarinig kami ng sunod-sunod na pagbagsak mula sa likuran. It was the
hourglass and the scepter.
The sand and the pieces of specter shattered on the floor until it showed
small pieces of folded paper.
Nangangatal na yumuko si Triton at isa-isa niyang kinuha ang maliliit na
papel. There were three pieces of small paper.
"Because my sister saved the hundred kids from illegal recruitment,
Euphie. And my sister killed her own life because we were left behind.
Naiwan tayong tatlo. I failed to save her, I failed to stop her from
killing her life, I killed her."
"The papers have the list of the children who were freed by the
hummingbird."
--
VentreCanard
Epilogue
Happy anniversary Flamingos!
Epilogue
I swirled my car like I was in some sort of race track. Gumawa nang
matinding ingay ang gulong ng sasakyan ko dahilan sa matindi kong
pagpreno.
I immediately opened my window.
"Damn it!"
Ilang beses kong hinampas ang manibela. Mali ako sa linya!
"Come on, get the fucking out of the car, hindi ka naman bumangga. Ang
laki ng problema mo. Gago!" Sigaw ni Troy habang nakapangalumbaba sa may
window ng aking maliit na water station.
"Why are you here?" I shouted back.
Ibinagsak ko ang pintuan ng sasakyan ko habang nananatili pa rin itong
nakapangalumbaba. "Nasaan ang bantay?" Bakit si Troy ang nandito?
"Ako, sinabi ko na ako na muna ang magbabantay. Kilala naman ako." Tipid
nitong sagot.
Huminga ako nang malalim. Or probably, he heard that my sweetheart just
left.
Pumasok na ako sa maliit na water station. Pulled another monoblock and I
sat with him, we stared blankly outside the window while waiting for the
customers.
"Hindi ka ba iiyak, Triton?" he asked.
"Why would I? I even paid for her plane ticker. Umalis lang siya."
Sumipol ito sa sinabi ko.
"Hindi ka nagsisisi? Paiyak ka na, T. Konti na lang."
"Fuck off, Troy. You're not funny."
"Your face, damn funny." Natatawang sabi nito.
Lumingon ako sa kanya nang may nakakunot na noo. "What is your problem?"
"Ako ba talaga ang may problema sa atin?"
"Tsss," katulad niya ay pinili kong pumangalumbaba rin sa tapat ng
bintana.
"Hindi ko kaya 'yon, Triton." Matabang na sabi nito.
"Anong hindi mo kaya? Na umalis siya? Why? Because you can't live away
from her?" I asked him.
"Hindi, dahil mahal ang plane ticket T!" uminit lamang ang ulo ko dahilan
kung bakit nasuntok ko siya sa braso.
"Fuck! I'm just trying to lighten the mood. Paiyak ka na talaga." Nag-
abot ito sa akin ng isang bote ng mineral water.
Ibang water station ang pangalan.
"Saan mo 'to binili? Gago ka. Nagde-deliver ako ng tubig sa inyo."
"Nadaanan ko lang, uhaw na uhaw na ako. Hahanap pa ako ng mineral water
nyo?" umikot lamang ang mga mata ko.
Inabot ko na ang bottled water mula sa kanya. May hawak rin siyang kanya
kaya pinagbangga namin ito pero nakakadalawang lagok pa lamang ako bigla
ko na lamang ito naibuga.
"What the fuck, Troy?! What is this?"
"Gin, parehong malinaw."
"Gago," muli itong nagkibit balikat.
Hinayaan akong uminom nang uminom ng gin ni Troy habang siya na ang
nagbebenta at nagsasalin ng mineral water kapag may customer.
Nagsisimula na akong umiyak habang paulit-ulit sinasabi nito sa mga
customer na huwag akong pansinin.
Until the alcohol in my system overpowered my whole emotion.
"She left, T! She left!" paulit-ulit na sabi ko sa kanya na may kasamang
suntok sa braso.
"Oo, ikaw pa ang nagbayad ng plane ticket."
"She left T!" sumubsob na ako habang inaalala ang magandang mukha ni
Euphie.
Why did I compare her to my sister? Because just like my beloved sister,
gusto niyang akuin ang lahat, gusto niyang siya lamang ang kikilos para
sa ikabubuti ng lahat, gusto niyang gumalaw mag-isa na hindi man lang
humihingi ng tulong.
Ibinigay ko ang lahat ng gusto niya, gusto niyang mabuhay na parang wala
kaming itinatago sa isa't-isa? Sumunod ako! Nabuhay ako sa lahat ng
kagustuhan niya, hindi ako kailanman nagtanong, hindi ako kailanman
nagbigay sa kanya ng kilos na may nalalaman ako, nabuhay akong sumusunod
sa kagustuhan niya.
I did everything! Sumunod naman ako, all I want her was to stay beside
me. Lalaban naman kami pero pinili niya akong iwan.
Why? Sa tingin niya ba sa paghiwalay niya sa akin, mawawala ang hinala ng
mga kasamahan ko? No!
But she made up her mind. Kilala ko si Euphie, sa sandaling nakapag-
desisyon na siya, hinding-hindi na ito mababago.
I tried to stop her, pero iba ang lumabas sa bibig ko. Why? To damn save
myself from embarrassment.
"I love her, T." Nagpaulit-ulit ako at hindi man lang siya nagsasalita.
"Mahal naman natin talaga, T. Pero kapag gustong kumawala, wala tayong
magagawa. Malalaki naman ang T natin, pero kapag ayaw, ayaw talaga." He
smiled bitterly.
Ngumisi rin ako sa kanya.
"Malaki naman ang T ko, pero bakit iniwan ni Euphie si Triton?" I asked
while turning my gaze to the other side.
Sinimulan ko nang ipikit ang aking mga mata. Inaantok na ako.
"Fuck off, stop the baby talk. Kinikilabutan ako sa inyong mga taga
Enamel kayo, nababakla yata ang mga lalaki dito?"
"We're not gays, T. It's just that we, the Enamel boys were gentler than
the Leviathan boys. Isa pa, marunong kaming maghintay. Kayo ba? Sunggab
kayo nang sunggab. Kaya hindi kayo ni-bi-baby."
Nakarinig ako nang ilang mura kay Troy.
"Mga bakla kayo. That's it."
Nagtalo pa kami ni Troy hanggang sa tawanan namin ang isa't-isa. We
laughed and then we went on silence.
Inakala pa nitong natutulog ako dahilan kung bakit ilang beses niya akong
niyugyog sa aking balikat.
"Troy, may aaminin ako sa'yo." I said.
"Gising pa pala, what is that?"
We never talked about this before, hindi ko rin ito binuksan sa kanya
nang direkta pero alam kong may alam siya tungkol sa pagkatao ko.
Yes, we talked about my car accident, na sinabi ko sa kanyang posibleng
may sadyang nagtanggal ng preno. But he didn't ask further.
This is what I've noticed about Troy, kapag alam niyang sensitibo at
hindi ko gustong pag-usapan, pinipili na lamang nitong hindi magtanong.
"You knew all the way, right, Troy?" nanatili akong nakasubsob sa lamesa
habang pinaglalaruan ang bote ng mineral water.
Natahimik ito nang ilang minuto dahilan kung bakit pilit kong sinalubong
ang nakakaloko niyang mata.
Ngumisi sa akin ang gago.
"Of course!"
The asshole just pulled me. Agad ako nitong inipit ang leeg ko sa pagitan
ng kaliwang braso niya at sinimulan ako nitong kutusan sa ulo gamit ang
kanang kamao niya.
"What the fuck Troy! Get off me!"
"Sino pa ba ang magkakaintindihan? Tayong malalaking T na lang! No
secrets, T. Wala pang nakakapaglihim sa akin." At humalakhak ito nang
napakalakas.
Of course, he knew. He's my bestfriend afterall.
"How did you two meet and turned bestfriends?" a friend asked me.
Actually Troy isn't my bestfriend, ipinipilit niya lang. Hanggang sa ito
na rin ang tingin sa amin ng lahat, from his cousins, his family until
the idea went to my family and friends as well.
"Hindi ko na matandaan," I lied.
It was my MTAP class during my elementary, grade 6, hindi ko ka-section
si Euphie at si Ahmed kaya hindi ko sila kasama.
I was late running for our first session, pero ihing-ihi na ako. Kaya sa
halip na dumiretso sa classroom ay nagpunta muna akong CR.
Nasa kalagitnaan ako nang pag-ihi nang 'yong lalaking katabi ko na umiihi
rin ay sumilip sa akingI won't name it. I thought he's gay or something,
handa na akong suntukin ito. But when I looked at his face, I saw him
grinning with this kind of expression, "Mas malaki ang akin" I was
offended!
That's why I looked on his.
Pero nang makita ko, ako naman ang ngumisi. Ang yabang niya, mas malaki
ang akin.
"Bulag ka pala,"
"20'20 vision ko pre," sagot nito sa akin.
Magtatalo na sana kaming dalawa kung sino ang mas malaki nang may mga
grupo ng estudyante na pumasok sa banyo. May binubully sila hanggang sa
magkasuntukan na silang lahat.
Riot. Wala kaming nagawa kundi makisuntok dahil kami ang masasaktan kapag
wala kaming ginawa. We ended up as partner.
Dito nagsimula ang letrang T, ito ang itinawag namin sa isa't-isa habang
magkatulong kami sa rambulan.
Nadala kami sa principal's office. Dumating ang mama ko habang ang lolo
naman niya ang pumunta.
We received endless scolding. Nagsimula lang kaming dalawa sa palakihan
ng T, pero bumagsak kami sa palakasan ng mura sa magulang.
And yes, it was the first session of my MTAP class when I met Troy Alvis
Ferell.
**
Inihatid na ako ni Troy sa bahay, sinalubong kami ni mama at ng mga
kapatid ko. Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari,
naalimpungatan lamang ako nang marinig ko ang boses ni Trent.
My little brother was talking me.
"Kuya Triton, Ate Euphie will come back. Don't cry, I already gave her to
you. Please don't be sad, mommy is getting worried." My little brother
whispered.
Pero sa halip na gumaan ang pakiramdam ko mas lalo lamang itong bumigat.
Mabilis kong kinabig ang kapatid ko at niyakap ito.
I embraced him too tight, para hindi ako nito makita.
"Niaaway ako ni Ate Euphie, Trent. Niiwan niya ako, matapos niya akong
nitusok. Niaaway niya si kuya, Trent. Love love ko siya pero nitusok at
niiwan niya ako." I used my brother's way of talking, sa paraang
nagsusumbong.
Nagpumilit kumalas ng yakap sa akin si Trent at dahan-dahan nitong inabot
ang pisngi ko.
"Don't cry kuya, love ka ni Trent, ni mommy at daddy, ni kuya Tyrell,
kuya Travis at ni Ate Trina. Si Kuya Triton, gwapo, gwapo katulad ni
Trent." I smiled when I felt his small hands on my face.
Ginulo ko ang buhok ni Trent at mas niyakap ko ito.
"Sleep here with me, Trent. Hindi makakatulog si kuya Triton." Tumango sa
akin si Trent at kusa na itong yumakap sa akin.
Sumagi sa aking mga mata ang litrato naming magkakapatid na nakapatong sa
bed side table. One picture frame was with Ate Trina, ang iba naman ay
kaming apat na magkakapatid, tanging si Trent lamang ang hindi nakaabot
sa kanya, pero sinigurado nila mommy at daddy na kilala si Ate Trina ng
bunso naming kapatid.
Sana may nagawa ako ate, sana may nagawa ako noon para sa'yo. Maybe,
you're here with us. Sana nararamdaman mo kung paano maglambing ang bunso
nating kapatid.
Hinalikan ko sa ibabaw ng kanyang ulo ang kapatid ko bago ko tuluyang
ipinikit ang aking mga mata kasabay nang pagtulo ng aking mga luha.
When I was a kid, I remembered myself on the hospital bed. A doctor
talking with mom and dad and Ate Trina, beside me.
The doctor was explaining about a certain heart disease that made my mom
cried so hard. Until the doctor advised that I should stay inside
hospital for days and should visit him for regular check-up.
Yes, may sakit daw ako.
Because my parents were both busy with work, si Ate Trina ang siyang lagi
kong nakakasama sa hospital.
"Ate, magtatagal pa ba ako dito? I really don't feel anything wrong about
my body." I told her.
Magsasalita na sana si Ate Trina nang biglang nabuksan ang pinto. It was
the same doctor. "Trina, I will damn lose my job for this."
"Babe, please.." bago pa man lumapit si Ate Trina sa doctor ay lumingon
ito sa akin.
"Triton, look at the left side for a while. Be a good boy, okay?" tumango
ako kay Ate Trina.
And when I turned my head on my left side, I heard few strange noises. I-
I think they arewhen I tried to turn my head, nakita kong itinulak na
siya na Ate Trina.
The doctor's hair was messy and his uniform was ruined. Tumikhim ito at
ngumiti kay Ate Trina.
"I should go,"
"Bye doc, see you."
Agad ini-lock ni Ate Trina ang pinto at nagmadali itong lumapit sa akin.
"Triton, I have a story to tell, do you want to hear it?" I nodded at her
twice.
This was when she told me everything. At my young age, she explained to
me everything about the dark world. That her work was far more different
from those Ate's in Enamel.
"You're a wonderwoman." I smiled at her.
Marami siyang tinutulungang tao.
"No, Triton. I am no wonderwoman, I am the hummingbird."
We were interrupted by a soft knock. My smile turned wider when I saw my
friend.
"Troy!" kasama nito ang kanyang lolo.
"Hi, Ate Trina," si Ate ang unang binati nito bago ako pinansin. Sumampa
siya sa kama habang si Ate naman ang kumausap sa kanyang lolo.
"I heard you're sick." Ilang beses akong tumango sa kanya.
"I got a weak heart."
"Oh, that's bad. Marami akong pera, T. I can tell to my LG if you need--"
"We have our money too! Idiot!"
"Troy, I got a phone call. Behave, Trina, ikaw muna ang bahala." Tumango
si Ate Trina kay Don Ferell.
Habang nag-uusap kami ni Troy about sa isang video game, lumapit na si
Ate Trina sa amin.
"Troy, Triton got a weak heart. You look after him, okay?" I rolled my
eyes when Troy suddenly blushed.
Crush niya yata ang ate ko, lalo na nang pisilin nito ang ilong ni Troy.
He's gay.
"Of course, we're bestfriends." Marahas akong inakbayan ni Troy sa harap
ng ate ko.
"Aww, you're too sweet." Humalik sa kanya si Ate nang mapansin ni Ate
Trina na umawang ang bibig ko ay mabilis rin itong humalik sa akin.
"Ikaw Triton, seloso."
"W-What?!"
My heart disease was fake. Sa tuwing alam ng lahat na sa hospital ang
tungo namin ni Ate, dinadala niya ako sa ibang lugar.
Everything was easy with Ate Trina because of my fake weak heart. Pero
hindi rin nagtagal ay inamin ko kay Troy na hindi totoo, hindi niya ako
piniwalaan at dinala niya ito hanggang paglaki namin.
Buwan ang mga lumipas. Until I finally met Commander Satchel.
"Commander Satchel, I got the fucking list from all of their sources.
Sobrang daming inosenteng bata ang madadamay, tatanggalan nila ng
kalayaang pumili ang mga bata sa bagay na gusto nilang tahakin. They will
snatch their innocence. There is no way that I'll let them do that. Yes,
their mission is to save people, how about those people that they're
going to use to save the others? Hindi ba at tao rin sila? At mga
inosenteng bata." Umiiyak na sabi ni Ate.
"Lumapit ako sa inyo, dahil alam kong pareho tayo ng paniniwala. I want
to save the kids, yes, I'm late. Unti-unti na nilang naipapasok ang mga
bata, pero may magagawa pa ako, may magagawa tayo. Please help me,
Commander Satchel. I'm begging you." Nagmamakaawang sabi ni Ate.
"B-But you're going to use your own brother, Trina."
"Triton is no ordinary kid, Commander and my brother is willing to help.
Right, right baby?" ilang beses akong tumango kay Ate Trina.
"But you need to get the trust of hourglass and spectre. You can
infiltrate the wheels because of Triton, what about the other two
agencies?"
"I have Euphie and Ahmed, they are both highly intellectual kids." I
gasped.
"No! Ate! Don't let them get involved!"
Bakit pati si Ahmed at Euphie? Why not just me?
I saw the hesitation of Commander Satchel, pero matibay ang paninindigan
ni Ate Trina na iligtas ang napakaraming bata.
Pinilit ko si Ate Trina na huwag nang isama si Ahmed at Euphie, but she
told me that we were the only key to save the kids. She needs us to save
hundreds of innocent children.
Hindi pa rin ako pumayag, pero buo na ang desisyon ni Ate Trina.
Few weeks after their conversation, she successfully entered Ahmed and
Euphie to different agencies.
Sinabi sa akin niya, na hindi niya ipinaliwanag kay Ahmed at Euphie ang
totoong dahilan, dahil mas magiging mapanganib sa mga kababata ko kung
may nalalaman sila.
Sa una ay hindi ako makapaniwalang, hindi lang ako ang may kakayahan,
kundi ang mga kababata ko ay mayroon din angking talino na hindi normal
sa mga bata.
When we were playing, it was like we were just too innocent to think
about the world, but behind our laughter and smiles were intelligence
that could pull us to hell.
The Cagge was born and it was Commander Satchel. He was the first Cagge,
walang nauna o kaya sumunod. Nabuo lamang ito sa pagitan nila ni Ate
Trina. Siya ang tumutulong kay Ate Trina sa kanyang bawat kilos sa isang
misyon, minsan narinig kong nahuli daw ni Euphie ang ilang mensahe ni
Commander Satchel kay Ate Trina.
And to trick Euphie about the real meaning of the message, Commander
Satchel gave uneven messages without any connection about the real
mission. Until he gave an impression that my sister stole a big about of
money and she did left her comrade because of greed. But it was all
staged just to cover up the name of Sous L'eau agency.
Ate Trina and Commander Satchel agreed that the operation had nothing to
do with Sous L'eau agency, it was just the hummingbird and her Cagge. The
Sous L'eau wasn't stable as now before.
Kaya hindi magawang isangkalang ni Commander Satchel ang kanyang ahensiya
para sabay ibangga sa tatlong malalaking ahensiya.
The plan was to ambush and abduct all the kids inside their quarters.
Sabay-sabay sa tatlong ahensiya, nanguna si Ate Trina sa malaking misyon
dahil kabisado nito ang bawat parte ng ahensiya.
But the mission was not as successful as what they had expected. Because
Euphie, Ahmed and I were left behind.
Kapwa kami hiwalay tatlo sa karamihan ng mga bata dahil higit na mataas
ang kakayahan namin sa nakararami.
It was a huge scandal in our agency. Nanatili pa rin kaming malayang
tatlo, but we're all tied up with our organization.
Nanatili pa rin nagkukunwari si Ate Trina na kasamahan ng tatlong
ahensiya, pero habang tumatagal ay naririnig ko na ang usap-usapan
tungkol sa kanya.
Until I heard another conversation of Ate Trina and Commander Satchel.
"Ipinain ko silang tatlo! I shouldn't have initiated the mission,
Commander. A-Anong gagawin ko? They gave them the best security a-andthe
operation wasn't clean as expected! May isang tauhan ang natanggalan ng
maskara, he's being interrogated."
"We need to kill the"
Yes, the missing kids were obedient. Ang lahat ng naibalik ng bata ay
nanatiling tahimik at hindi man lang nagbigay ng kahit anong impormasyon
gaya nang hiniling ni Ate Trina.
But there were few flaws that made a huge damage.
"He got the best security! I tried, hinanapan ko ng butas. Mas
mapapahamak ang tatlo! They will definitely look at them as my
accomplice. I-I should do somethingmadadamay ang pamilya ko"
"This time, I am willing to let the Sous Leau's name to be involved."
"No, Commander."
"Trina, my agency is not stable right now but we can fight."
"No, Commander. Isa lang ang pwede kong gawin, darating ang oras na
malalaman nila. They will definitely chase me and look for my connection,
mapapahamak ang tatlong bata. But it will stop when they have the best
news." Nabalot ng katahimikan ang dalawa hanggang sa marinig ko ang pag-
angal ni Commander Satchel.
"No!"
"That is the only way, Commander Satchel."
"No, Trina! You've been this far, bakit kailangan mo pang gawin ang bagay
na 'yon?"
"Alam mong ito na lang ang natitirang paraan, Commander Satchel."
"Then let's have your fake death." Death?!
"They will look for my body, Commander."
"No Trina,"
Tuluyan nang tumulo ang luha ko at nagpumilit akong pumasok sa pintuan
para mapuntahan ang kapatid ko.
"No! You are not going to die, Ate Trina!" I shouted at the front door.
"Please, have them in the future Commander Satchel. My little angels
deserve a good leader like you. Mangako ka sa akin, Commander. Mangako
ka."
"T-Trina, we can do something"
"Please, Commander. I need assurance."
"Trina"
"Commander, parang awa niyo na."
"I will! Damn I will! I can also be their father!"
"Thank you, Commander Satchel. It was grateful working with you."
Si Ate Trina mismo ang nagbukas ng pinto at pilit ako nitong binuhat. She
didn't entertain my tears and complaints about the things I've heard.
Pero ginawa ko ang lahat para bantayan siya, hindi ako umalis sa tabi
niya sa takot na baka gawin niya ang kinatatakutan ko.
But just like what she had planned. Trina Montgomery's death hovered all
over the news. She committed suicide.
I cried endlessly at tanging pagtulog lang ang pahinga ko. Wala akong
tigil sa pag-iyak sa tuwing naalala ko si Ate Trina na hanggang sa
pagtanda ko ay dinala ko ito.
Yes, my agency was informed that we're siblings, but Ate Trina made my
plate clean and safe. Hindi na ako muli kinausap ni Commander Satchel sa
nakalipas na maraming taon, because he wanted me safe.
It took years, bago muling magparamdam si Commander Satchel. Lalo na nang
mas lumakas na ang pondasyon ng ahensiya nito. I just discovered back
then, that during his operation with Ate Trina, kasalukuyan rin itong
naghahanap ng nawawalang anak. It must be too difficult for him.
Pero ang isa pa sa masakit sa akin, hindi nagkaroon ng pagkakataon ang
kapatid kong linisin ang kanyang pangalan sa mata ng mga kababata ko. It
was too painful for me, dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulang
linisin ang pangalan niyang may dungis na simula pa sa aming pagkabata.
Commander Satchel made his move to fulfil his promise. Gumawa ito ng
paraan para ang mga kababata ko mismo ang siyang magkusang lumapit sa
ahensiya niya.
Huli ko nang nalaman na si Commander Satchel ang dahilan kung bakit
nagkakaroon ng ideya ang bawat ahensiya na ang tatlong bata na dinala ni
Trina Montgomery, ang may hawak sa mga nawawalang bagay.
I didn't know about these items.
Dahil walang impormasyon ang bawat ahensiya sa mga miyembro nito, lalo na
at may mga bago silang muling ipinasok, tanging pangangapa lamang sa
dilim ang nangyayari.
But the three of us were having our panic, yes, walang alam si Euphie at
Ahmed pero alam nilang malaki ang posibilidad na ipapatay sila dahil kami
lamang ang mababalikan.
Nagsimula nang magpadala sa akin ng mensahe si Commander Satchel at
sinabi nitong ganito rin siya sa mga kababata ko. But I told him that I
will let Euphie decide.
Siya rin ang nagbigay ng ideya kay Euphie na gumanap bilang Cagge, para
sa mga susunod na hummingbird. His reason was to stop her agency for
trying to train Euphie for combats, na posible pala talaga dito. Having
her intelligence and title will keep her being untouched from brutality.
Ito daw ay isang pangakong binitawan niya sa kapatid ko.
I thought it will take more time to convince them, but Commander Satchel
surprised me with his presence when he entered Euphie's clinic.
It was not Euphie who had the connection first, Commander Satchel and I
witnessed everything.
And yes, he is indeed a wise Commander.
Huminga ako nang malalim, masyado nang malayo ang narating ng isip ko
dahil lamang sa kaunting paglandas ng kamay ko sa bagay na sumalubong sa
akin sa ahensiya.
Ikinuwento ko sa kanilang lahat ang totoong nalalaman ko at nanatiling
tulala sa akin si Euphie at Ahmed.
"The hummingbird did fail to save us, but her Cagge promised that he
would do everything to get us, safe and alive." Tipid na sabi ko.
Nagsimula akong muling humakbang papalit kay Euphie at marahan kong
pinunasan ang luha niya.
"W-Why didn't you tell me? Maniniwala ako sa'yo, Triton." She said with
her shaking voice.
"I want proof, gusto kong may susuporta sa lahat ng sasabihin ko. You and
Ahmed were both hating my sister, na hindi ko kayang ipagtanggol dahil
naiintindihan ko ang nararamdaman nyo."
"But you kept it for years, you carried the heavy feeling for years,
Triton. I'm sorry." She said with her sobs. "I'm sorry Triton, h-hindi ko
sinasadya. I was blinded, ito 'yong ipinaniwala sa akin, ito lamang ang
nakikita ko." I pulled her closer and I let her cry on my chest.
I can understand.
"I'm sorry for getting you too late, my agency were too messy to welcome
you before. Sobrang dami naming pinagdaanan na hindi ko na kakayaning
pagsabay-sabayin. I'm sorry children." Kumirot ang dibdib ko sa sinabi ni
Commander Satchel.
"What made them stop hunting us? They didn't even react when they
discovered that we switched agencies." Tanong ni Ahmed.
"I threatened them, my agency are now on top list. Hindi nila kakayanin
ang ahensiya ko habang nabubuhay ako." Madiing sabi ni Commander Satchel.
"So you we're not really running out of agents?" tanong ni Euphie.
Umiling lamang si Commander Satchel.
"Euphie, his agency approached us because he's fulfilling his words to my
sister." Marahan kong hinaplos ang pisngi niya.
"B-Bakit nyo pinatagal pa? Why didn't you tell us earlier?"
"We didn't know about the items, Euphie. The video that Enna acquired was
not stolen, kusa lamang itong ibinigay ni Dr. Vargas kay Enna nang
sabihin nitong nasa kamay ka na ng Sous L'eau. Ate Trina made sure that
video will be given inside the Sous L'eau the moment that the three of
us, entered this agency. Isa si Dr. Vargas sa iniligtas ni Ate Trina at
nangako itong ibibigay lamang ang video sa sandaling ligtas na tayo sa
loob ng Sous L'eau. Kaya imposimbleng sabihin namin sa'yo ang lahat
habang wala ka pa sa loob ng ahensiya. Imposibleng makuha ang video kung
hindi tayo kumpleto, we didn't hang the information."
"Everything is connected," mahinang bulong ni Euphie.
"Ate Trina made sure that we will have the best support."
"She also saved me, but I chose to come back." Kitang-kita ko ang
pagkagulat ni Euphie nang makita niya si Israel. Nagulat rin ako nang
malaman kong isa rin siya sa iniligtas ng ate ko.
"I lied to you, it's not about Savannah. Sorry."
Hindi na ako nagulat nang makita ko si Savannah. I knew her, she's always
with Commander Satchel before. But we never talked.
"Please stop dragging my names, everywhere. I'm merely helping my
favorite Commander. Hi Euphie," kumindat ito sa kanya.
"This is too much for surprises."
"The real aim of this mission is to clean her name. Trina Montgomery
deserves endless thanks, hindi niya man kayo naalis sa mundong hindi niyo
gusto, ginawa niya ang lahat para may magbago sa hinaharap. I'm sorry for
fulfilling my promise, too late." Mahabang paliwang ni Commander Satchel.
Lumapit na si Lina sa kanyang ama at hinawakan nito ang balikat nito.
"This is Commander Satchel of Sous L'eau Agency, I am now giving your
freedom. Alam kong hindi ito ang mundong gusto niyo."
Hindi kami nakasagot ni Euphie sa halip ay kusang nagtama ang aming mga
mata.
We have our same decision.
**
"This is it," minasahe ni Troy ang dalawang balikat ko na parang wala
kami sa harap ng altar.
"Makakatusok ka na T, makakatusok na mga kaibigan."
"Shut up Troy, tigilan mo ako." Tinanggal ko ang mga kamay niya sa
balikat ko. "Bakit ang tagal ni Euphie?"
"Nakaka-proud, dati nagtitinda ka lang ng mineral water. Ngayon, ikakasal
ka na." Hindi nito pinansin ang tanong ko.
Maraming naging bisita, simula sa mga kamag-anak ko at ni Euphie, maging
ang mga kaibigan namin.
Our mothers were both crying with joy, ah, at last. Natuloy rin kami ni
Euphie sa simabahan. Our fathers were still the sabong buddies.
My brothers who were truly supportive, of course the three evil fairy god
mothers, the A's, Autumn, August and Antonia.
Ferells were also complete, Belo, White Arellano and other familiar
faces. Our mothers did invite a lot of people!
Nang sandaling mabuksan ang pinto ng simbahan kusa nang tumambol ang
tibok ng puso ko.
I saw my sweetheart with her beautiful wedding dress with her innocent
angelic face.
"T, congratulations."
"Salamat, Troy."
Hindi ko na napigil ang sarili ko, I cried a lot of times because of this
deceiving woman!
I heard different noises when people noticed my tears. The hell with it.
Sa pagkakataong ito, hindi na ako ang humahakbang patungo sa bagay na
siyang tutusok sa akin.
The beautiful spinning wheel with the glittering white cover all over her
body was now slowly hypnotizing me.
Until I finally have her hand.
"Allow me to prick you, endlessly, Triton." She said with a smile.
"Allow me to prick you, everynight." I whispered that made her blush.
Kapwa na kami humarap ni Euphie sa altar.
The beginning of our real life fairy tale.
This is Mr and Mrs. Montgomery, 0011 and the Cagge. We're both happily
signing off.
-- END --

You might also like