Inbound 5487795587491782244

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GIYERA

NI HONORIO BARTOLOME DE DIOS

Matapos kumalat sa San Martin ang pagpapaganda ni Bernie sa mukha ng yumaong


anak ni Donya Estela na si Estrelita sa paraang halos hindi na ito makilala ng
kanyang mga kaibigan at kamag-anak, di magkamayaw ang mga tao sa
pagpapaayos nila ng buhok at mukha kay Bernie, lalong-lalo na tuwing may
espesyal na okasyon gaya ng binyag, kasal, debut, pagtatapos at flores de mayo.
Pagkatapos mahalal si Romano Alvares Jr. bilang punongbayan, apat na baryo sa
San Martin, kabilang na ang pamilya ni Bernie, ang sapilitang inilikas sa mga karatig-
bayan upang magtayo ng planta ng kuryente sa dalampasigan. Pagkauwi ni Jaime
pabalik ng San Martin mula Los Baños, dumalaw ito sa parlor ni Bernie at nalungkot
sa nasaksihan: sira na ang mga lupain sa San Martin, maitim ang usok na
nanggagaling sa may planta at kakaunti na ang mga huli ng mga mangingisda sa
dagat. Tatlong bangkay ng mga magsasakang nakatali ang mga kamay at paa,
wasak ang mukha at luwa ang bituka ang natagpuan sa bundok ng Matalim na
kidlat; pinapalabas ng mga bodyguard ng alkalde na NPA ang mga biktima pero
alam ng taong bayan na ang tanging kasalanan ng tatlo ay ang pagtanggi sa pag-
alis sa lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay at puno ng mangga na
masasagasaan ng itatayong planta. Muling nahalal si Romano Alvares Jr. bilang
alkalde at sa ikapitong taon ng operasyon ng planta, sa araw mismo ng kapistahan
ni San Martin, pinaslang sina Jaime at apat pa nitong kasamahan. Kumalat ang
balita tungkol sa napakalaking donasyon na ibinigay ni Donya Estela sa kura ng
parokya para sa kapistahan ng San Martin kaya't nang tumakbo ito sa pagka-alkalde
laban sa maybahay ni Romano Alvares Jr., nanalo ito. Biyernes ng gabi, nakatulog
na sa harap ng telebisyon si Bernie nang maalimpungatan sa mga katok ni Gabriel,
kaibigan ni Jaime na may pagbabanta sa buhay; pinatuloy ni Bernie si Gabriel at
inayusan (ginupitan, kinulayan ng kulay mais ang buhok, nilagyan ng foundation ang
mga pisngi) para hindi ito makilala pagpunta nito sa estasyon ng Bus patungong
Maynila kinabukasan. Isang araw, natagpuan na lamang ang bangkay ni Bernie sa
loob ng kanyang parlor na tadtad ng pasa at saksak.
1. Ang pangunahing tema ng akda na "Giyera" ni Honorio Bartolome de Dios ay
maaaring kaugnay sa digmaan, kung saan masusing tinalakay ang iba't ibang
aspeto nito.

2. Ang akda ay maaaring nakatutok sa mga isyu at pangyayari sa lipunan sa


pamamagitan ng paglalarawan at pagsusuri sa mga epekto ng giyera sa mga
tao at komunidad.

3. Ang pangunahing mensahe o aral ng akda ay maaaring naglalaman ng


kahalagahan ng kapayapaan, pagsusuri sa mga dahilan ng digmaan, at ang
epekto nito sa buhay ng mga tao.

You might also like