Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
SCHOOLS DISTRICT OF NASUGBU EAST
Nasugbu

SALIGANG BATAS NG SAMAHAN NG MGA GURO AT KAWANI


SA PUROK NG SILANGANG NASUGBU

PANIMULA

Ang mga guro at kawani sa Purok ng Silangang Nasugbu ay mataimtim na dumadalangin


sa dakilang Lumikha na gawing karapat-dapat sa Kanyang pagpatnubay, pagtulong at pagbasbas
upang sila ay magkamit at magkaroon ng kaalaman, katatagan at kaisahan sa kanilang napiling
gawain. Ang mga binalangkas na adhikain ay binubuo ng mga alituntunin na siyang magiging
gabay at saligan ng samahan.

ARTIKULO I – PANGALAN NG SAMAHAN

Seksyon 1 – Ang samahang ito na binuo ng mga guro at kawani ay makikilala sa pangalang
Nasugbu East District Public Schools Personnel Association (NEDPSPA).

Seksyon 2 – Ang punong tanggapan nito ay matatagpuan sa Paaralang Sentral ng Silangang


Nasugbu, Nasugbu, Batangas.

ARTIKULO II – MGA LAYUNIN NG SAMAHAN


2.1 Magkaroon ng matibay at walang maliw na pagkakaisa ang mga kawani at dating
kawani ng mga paaralan sa Purok ng Silangang Nasugbu.

2.2 Mapaunlad at mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga kasapi nito.

2.3 Mapayabong, mapagyaman at mapalawak ang kalinangang Maka-Diyos, Maka-


Kalikasan, Makatao at Makabansa.

2.4 Magkaroon ng tiyak at malinaw na batayan at panuntunan sa pagdadamayan bilang


magkakapatid sa tungkulin.

ARTIKULO III – KASAPI NG SAMAHAN


Ang mga kasapi ng samahang ito ay ang lahat ng mga guro at kawani na kasalukuyang
naglilingkod sa mga pampublikong paaralan sa Distrito ng Silangang Nasugbu at para sa
mga retiradong guro ng distrito na boluntaryong sumapi.

ARTIKULO IV – ANG PANIMULANG SAMAHAN


Seksyon 1 – Ang pamunuan ng samahan ay bubuuin ng mga sumusunod:
1 Pangulo
1 Pangalawang Pangulo
1 Kalihim
1 Katulong ng Kalihim
1 Pangkalahatang Ingat-Yaman
1 Katulong ng Ingat-Yaman
2 Tagasuri/Tagapamahala ng Kalakalan
2 Tagapamahayag
20 Bokal
31 Tagapayo ( 1 Pampurok na Tagamasid at 30 Pinuno ng mga Paaralan sa
Silangang Nasugbu)
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
SCHOOLS DISTRICT OF NASUGBU EAST
Nasugbu

Seksyon 2- Ang mga opisyal ay magbubuhat sa mga guro at kawani sa Purok ng Silangang
Nasugbu.

Seksyon 3 – Mga katungkulan ng Bawat Opisyal ng Samahan


A. Pangulo
Ang Pangulo ang punong tagapagganap ng Samahan. Siya ay mangungulo sa
bawat pulong ng Samahan, maging karaniwan o espesyal. Siya ay binibigyag
karapatan na lumagda sa mga mahahalagang kasulatan o kasunduan na
tungkol sa samahan.
B. Pangalawang Pangulo
Siya ay tutupad ng tungkulin ng pangulo kung ang pangulo ay hindi
makaganap sa kanyang tungkulin o kailanman naisin ng pangulo na ang
pangalawang pangulo ay bigyan ng pagkakataon na siyang mangulo.
C.Kalihim
Siya ay tagapagtala at tagapag-ingat ng katitikan ng bawat pulong. Tungkulin
niya ang magpadala ng katitikan ng pulong sa bawat paaralan ng panuruan
kung kinakailangan.
D. Pangalawang Kalihim
Siya ay makikipagtulungan sa anumang gawain ng Kalihim
E. Ingat- Yaman
Siya ay nag-iingat ng salapi at ari-arian ng samahan. Sa kanyang
pamamagitan gagawin ang mga pag-iipon at pagbabayad ng anumang
paggugugulan ng samahan. Ito’y ilalagak sa bangko dito sa Nasugbu at
ilalahad ang financial report bago matapos ang taong panuruan. Siya ay
mag-uulat ng katatayuan ng pananalapi pagkatapos ng bawat
pinagkagastusan kung ito ay nasuri at nilagdaan ng samahan.
F. Katulong ng Ingat-Yaman
Sila ang bahala sa pangungulekta at pananalapi ng mga nasasakupang
paaralan.
G. Tagasuri
Sila ang titiyak at susuri ng kalagayan ng pananalapi, ari-arian at mga bayarin
ng samahan. Sila rin ang magpapatibay sa mga paggugol at pagpasok ng pera
sa kaban ng samahan. Sila ay magsusuri ng kalagayan ng pananalapi bago
ilahad ng ingat-yaman.
H. Tagapamahayag
Ang paglalathala ng mga mahahalagang balita ukol sa samahan ay
pangunahing tungkulin ng mga tagapamahayag.
I. Tagapamahalang Pangkalakalan
Sila ang gaganap na tagapangasiwa ng mga gaganaping gawain, kasayahan,
pagtitipon o proyekto ng samahan. Sila ang makikipag-ugnayan sa kalakalan.
J. Bokal
Sila ang mga kumakatawan sa kanilang kinabibilangang paaralan at malayang
maghahatid ng lahat ng napagpulungan ng samahan.
K. Tagapayo
Sila ang tagapagbigay ng mga mahahalagang tagubilin sa higit na ikabubuti ng
samahan. Sila ay bubuuin ng (1)Pampurok na Tagamasid at (30)
Punungguro ng mga Paaralan sa Distrito ng Silangang Nasugbu.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
SCHOOLS DISTRICT OF NASUGBU EAST
Nasugbu

ARTIKULO V – PAGHAHALAL NG PAMUNUAN AT PAGPUPULONG


Seksyon 1:
1.1 Ang lahat ng manunungkulan sa samahang ito, maliban sa mga tagapayo ay ihahalal
ng lahat ng pangulo ng samahan ng bawat paaralan sa Silangang Nasugbu. Ang kanilang
tungkulin ay sa loob ng dalawang taon (2years) at puwedeng magkaroon ng isang (1) re-
eleksiyon kung kinakailangan at pinagkasunduan. Kung sakali na mabakante ang isang
posisyon sa hindi inaasahang dahilan, ang kasunod na nanunungkulan sa sunod na
posisyon ang uupo o tatanggap ng tungkulin.

1.2 Ang pagpili ng pamunuan ay gaganapin kada-dalawang taon, sa huling Biyernes ng


Hulyo, sa bulwagang pulungan ng Paaralang Sentral ng Distrito.

1.3 Ang namumuno ng paaralan ay hindi pinahihintulutang kumandidato o mahalal sa


mga katungkulang nabanggit.

1.4 Ang batayan kung sino ang siyang nahalal ay pagtatamo ng pinakamaraming boto
buhat sa pangkahalatang kasaping guro ng samahan.

1.5 Ang pagpupulong ng pamunuan ay idaraos tuwing huling Biyernes ng buwan.


Maaring tumawag ang pangulo ng di-pangkaraniwang pulong kapag ito ay kailangan at
ang pulong na ito ay bubuuin lamang ng pamunuan ng samahan, mga namumuno at
mga presidente ng mga paaralan.

1.6 Ang bawat karaniwang pulong ay pagbabatayan ng korum o dalawang-katlong


bahagi (2/3) ng lahat ng kasapi ng samahan.

1.7 Ang wikang gagamitin sa pagpupulong ay ang Filipino.

Seksyon 2
2.1. Ang alinmang tungkuling nakamit sa pamamagitan ng paghahalalan ay nararapat na
mapunan sa pamamagitan ng paghahalal ng Pamunuan ng Samahan at hindi lalagpas sa
dalawang buwan buhat ng ang tungkulin ay maiwan.

2.2. Kapag ang sinumang opisyal ng samahan ay mawawala sa loob ng anim (6) ng
buwang sunud-sunod, ito ay ikukunsiderang permanenteng bakante at magkakaroon ng
paghahalal sa bakanteng posisyon, katulad ng nasa Artikulo V, Seksiyon 2.A

2.3. Kapag ang pagkapangulo ang nabakante, ito ay gagampanan ng pangalawang


pangulo ng samahan.

ARTIKULO VI – PANANALAPI NG SAMAHAN


Seksyon 1 – BUTAW
1.1. Ang bawat kasapi ng samahan na nasa serbisyo o retirado pati na ang mga tagapayo
ay magbabayad ng halagang limampung piso (P50.00) bilang Membership Fee.
1.2. Ang bawat kasapi ng samahan na nasa serbisyo o retirado ay magbabayad ng
Annual Fee na isang daang piso (P100.00) tuwing ika-25 ng Mayo.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
SCHOOLS DISTRICT OF NASUGBU EAST
Nasugbu

Seksyon 2 – Ang paggugugulan ng taunang butaw ng mga kasapi ay pagpupulungan at


pagtitibayin ng lahat ng mga kasapi ng samahan.

Seksyon 3 – Ang anumang pagkakagastusan na nangangailangan ng karagdagang halaga ay


pagpupulungan at pagtitibayin muna ng mga bumubuo ng pamunuan at kinatawan o kaya
naman ay mga kasapi.

Seksyon 4 - Ang mga tiyak na paglalaanan ng pondo ng samahan ay ang mga sumusunod:
4.1. Pagtanggap ng mga Pandistrito/Pansangay na Panauhin o Bisita.
4.2. Gawaing pangkalinangan ng mga guro.
4.3. Pamasahe ng guro para sa pampurok na representasyon.
4.4 Paglalaan ng pondo para sa Handog Pasasalamat sa mga Kawani ng SDO Batangas at
lokal na pamahalaan.

Seksyon 5- Ang ingat-yaman ng paaralan ang magsusulit ng anumang dapat isulit sa ingat-
yaman ng samahan tuwing huling Biyernes ng buwan.

ARTIKULO VII- TULUNGAN AT ABULUYAN

Seksyon 1 – Ang bawat kasapi ay magbibigay ng tulong o abuloy sa namatay na miyembro ng


halagang DALAWANG DAANG PISO (PhP 200.00) sa mga naulila na lehitimong nakasaad sa
kanyang nilagdaang registration form at ito ay pararaanin sa Ingat-Yaman ng samahan na siyang
magbibigay nito sa lalong madaling panahon.
Kung sakaling ang kasapi ay wala ng asawa ang benepisyaryo ay ang kanyang mga anak
at magulang.

Seksyon 2 – Kapag ang kasapi ay namatayan ng asawa, mga anak, at magulang, siya ay
makakatanggap ng halagang TATLUMPUNG PISO (PhP 30.00) mula sa bawat kasapi ng samahan
at tulad din ng Seksyon 1 ang gagawin.

Ang tulong na kanyang matatanggap mula sa samahan ay lilimitahan lamang sa tatlong


claims sa loob ng 1 taon.

Seksyon 3 – Kapag ang kasapi na walang asawa ay namatayan ng magulang at mga kapatid,siya
ay makakatanggap ng halagang TATLUMPUNG PISO (PhP 30.00) mula sa bawat kasapi ng
samahan at tulad din ng Seksyon 1 ang gagawin.

Ang kasaping Single ay malayang makapamili ng kanyang 3 priyoridad na benepisyaryo


na lilimitahan lamang sa tatlong claims sa loob ng 1 taon.

Kung ang kasapi ay single parent, siya ay malayang makapamili ng kanyang 3 priyoridad
na benepisyaryo na lilimitahan lamang sa tatlong claims sa loob ng 1 taon.

Kung sakaling ang mga miyembro ay biyolohikal na magkakapatid sa samahan, at sila ay


namatayan lahat sila ay makakatanggap ng abuloy mula sa samahan na lilimitahan sa
tatlong claims bawat isa sa loob ng isang taon.

Seksyon 4 – Kapag ang miyembro na kasapi ay naospital o nagpatingin sa ospital dahil sa


pagkakasakit, lahat ay magbibigay ng “medical aid” na halagang SAMPUNG PISO (PhP 10.00).
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
SCHOOLS DISTRICT OF NASUGBU EAST
Nasugbu

4.1 Ang pagbibigay ng medical aid sa kasapi na naospital ay magsisimula lamang sa


pagbilang ng 24 oras mula ng maipasok sa ospital 2 beses sa loob ng isang taon.

4.2 Kapag ang miyembro ay hindi na confine subalit sasailalim sa isang matinding
medical procedures tulad ng mga nagpapa chemotherapy at dialysis ay kinakailangan
lamang magsumite ng medical abstract kalakip ang mga resibo ng pinagbayaran 2 beses
sa loob ng isang taon.

4.3 Kapag ang miyembro ay hindi na confine subalit sasailalim sa isang matinding
laboratory tests ay kinakailangan lamang magsumite ng medical abstract kalakip ang
mga resibo ng pinagbayaran na lilimitahan sa LIMANLIBONG PISO (PhP 5,000.00) o
higit pa 2 beses sa loob ng isang taon.

Seksyon 5- Ang bawat miyembro ng samahan ay magbibigay ng halagang bente pesos (PhP
20.00) sa kasapi na magreretiro.

5.1 Kapag ang miyembro ay magreretiro subalit nais padin ipagpatuloy ang pagpapa
miyembro sila ay makakatanggap ng retirement fee subalit marapat pading ipagpatuloy
ang pagbabayad ng taunang butaw at mga iba pang obligasyon sa buong panahon nya
ng pagsapi base sa sariling kagustuhan, at ang mga benepisyo ay patuloy padin nyang
matatanggap katulad ng mga kasapi na patuloy pa na nagseserbisyo.

5.2 Kapag ang miyembro na magreretiro ay nais makuha ang death aid sa mas maagang
panahon, ito ay hindi mapahihintulutan ng samahan.

Seksyon 6- Kung sakali na ang kasapi na naglingkod ng hindi bababa ng 3 taon ay mag resign,
natapos ang serbisyo, bawat miyembro ay magbibigay ng halagang sampung piso (PhP10.00).

ARTIKULO VIII- SUSOG


Seksyon 1 – Ang anumang alituntunin o bahagi ng Saligang Batas na ito ay maaring masusugan
sa pagpapatibay ng lahat ng kasapi ng samahang ito.

ARTIKULO IX – PAGKAKABISA
Ang saligang batas na ito ay magkakabisa at magsisimulang isakatuparan matapos pagtibayin ng
dalawang-katlo (2/3) ng kabuuang bilang ng mga opisyal at tagapayo ng samahan.

ARTIKULO X – CULMINATING ACTIVITY


Seksiyon 1 – Ito ay gaganapin sa huling Sabado ng Taong Panuruan o sa araw na itinakda
makalipas nito, ayon sa pinagkaisahan ng samahan at ang hindi dadalo ay magbabayad din ng
kaukulang kontribusyon.

***********TAPOS***********
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
SCHOOLS DISTRICT OF NASUGBU EAST
Nasugbu

PAULINA GALIT
Katulong na Kalihim, NEDPSPA

BERNADETTE CAPOQUIAN
Kalihim, NEDPSPA

PINATUNAYAN NI:

RACHEL I. BACIT
Pangulo, NEDPSPA

SINANG-AYUNAN :

AVELINA O. GAA
Pampurok na Tagamasid

You might also like