Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Modyul 7 & 8: Saloobin Tungkol sa
Epekto ng Globalisasyon

Tagalikom/Tagakontekstwalisa:

ROBERTO A. GABUCAN JR.


Zapatera National High School

1
Modyul Saloobin Tungkol sa Epekto ng
7 & 88 Globalisasyon
Ikapito at Ikawalong Linggo
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at isyung pang
ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa pambansang
kaunlaran.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang ekonomiyang
nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

Pamantayan sa Pagkatuto
Naipapahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon.

Paksa: Saloobin Tungkol sa Epekto ng Globalisasyon

Subukin
Magandang araw muli masinop at butihing mag-aaral. Sa araling ito iyong
nasusuri at maipapahayag ang iyong saloobin sa paksa tungkol epekto ng globalisasyon
sa paggawa. Bigyang pansin ang bawat katanungan upang maiwasto sa pamamagitan
ng iyong matutunan sa ibat-ibang gawain sa aralin ito.

PAALALA: Sa pagsagot ng mga katanungan sa ibaba maging tapat at huwag munang


basahin ang talakayan. Pag-aralang mabuti ang bawat gawain at huwag kalimutan ang
pagpapahalaga sa aralin.

PAGPIPILIAN: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa status of employment ng isang empleyado ng kumpanya na


hindi lalagpas ng anim na buwan?
A. Mandatory Employment C. Regular employment employment
B. Underemployed D. Probationary employment

2. Ano ang ibig sabihin ng Filipino slang na “endo”?


A. End game C. End of job
B. End of contract D. End of work

3. Ayon sa itinakda sa Article 281 ng Labor Code ng Pilipinas ang probationary


employment ay dapat hindi lalagpas ng ilang buwan?
A. 4 buwan C. 6 buwan
B. 5 buwan D. 7 buwan

2
4. Ito ang matatanggap ng isang regular employee na wala sa contractual
employee?
A. Mabibigyan ng hazard pay.
B. Hindi kinakaltasan ng buwis.
C. Pagkakaroon ng overtime pay.
D. Mga benepisyo tulad ng 13th pay at vacation leave.

5. Ito ang mangyayari sa manggagawa kapag siya ay lumampas sa probationary


employment period na itinakda ng Labor Code ng Pilipinas at patuloy parin sa
nagtatrabaho sa kompanya.
A. Regular employee C. Unemployed
B. Contractual employee D. Employee of the month

6. Paano inaabuso ng ilang kompanya ang contractualization?


A. Pag-regularize ng empleyado.
B. Hindi pagbibigay ng 13th month pay sa regular employee.
C. Pagbibigay ng ng benepisyo at allowance sa mga empleyado.
D. Pagtatapos ng employment ng isang manggagawa bago pa ang anim na
buwan.

7. Bakit maraming kompanya ang hindi nag-regularize ng isang contractual


employee?
A. Upang tumaas ang antas ng employee performance ng kompanya
B. Upang masukat ang kaalaman at kakayahan ng bawat empleyado
C. Magkakaroon ng pagtaas sa kita dahil sa dami ng contractual employee
D. Upang maiwasan ang pagbibigay ng benepisyo sa isang regular employee

8. Ayon sa Philippine Daily Inquirer, sino-sino ang karamihan biktima ng “endo”?


A. Abugado at piskal
B. Mga doctor at nurse
C. Mga sundalo at pulis
D. Mga minimum wage workers at mga working students

9. Ito ay tumutukoy sa virus na nagmula sa Wuhan, China at nagresulta sa


pandaigdigang pandemya.
A. Malaria
B. Coronavirus 2019 (COVID 19)
C. Human Immunodeficiency Virus (HIV)
D. Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS)

3
10. Alin sa mga sumusunod na mandato ng Department of Labor and Employment
(DOLE) na nagbabawal sa labor only contracting?
A. RA 11058
B. RA 6715
C. Department Order 18-02 ng DOLE
D. Omnibus Investment Act of 1987 at Foreign Investment Act of 1991

11. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na OFW frontliners?


A. Ang mga OFW na inhinyero at arkitekto
B. Ang mga OFW na waitress at cashier
C. Ang mga OFW na doctor, nurse at grocery store staff
D. Ang mga OFW na hotel manager, supervisor, at staff

12. Alin naman ang HINDI nagpapakita ng kabayanihan ng OFW bilang frontliners
sa panahon ng pandemya?
A. Sila ay nagtitiis malayo sa kanilang pamilya
B. Sila ay nananatiling tapat sa kanilang trabaho
C. Sila ay humaharap sa mga panganib dala ng COVID-19
D. Sila ay hindi sumusunod sa standard protocol sa panahon ng pandemya

13. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kabayanihan ng OFW bilang


frontliners sa panahon ng pandemya?
A. Sila ay dumanas ng lockdown dahil sa pandemya
B. Sila ay hindi nakabalik sa ibang bansa dahil sa pandemya
C. Sila ay umuwi sa Pilipinas dahil sa pagsara ng pinapasukang kompanya
D. Sila ang humaharap sa mga panganib dala ng COVID-19 bilang OFW na
doctor at nurse

14. Ayon sa artikulong nabasa bakit dapat ituring na, “Modern-day Heroes, Ang
Mga OFW Frontliner”?
A. Dumanas sila ng matinding hirap at takot sa panahon ng COVID 19
B. Naging mas maingat at mapagmatyag upang proteksyunan ang sarili
C. Dahil inuna nila ang kanilang pamilya kaysa sariling kapakanan at nagtiis
sa ibang bansa sa panahon ng pandemya.
D. Mas napapadali ang paggaling ng mga nagpositibo sa COVID-19 dahil sa
abilidad at dedikasyon ng mga health professionals.

15. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamahal ng isang OFW frontlier
sa pamilya?
A. Sila ay nananatiling tapat sa kanilang trabaho
B. Sila ang humaharap sa mga panganib dala ng COVID-19
C. Sila ang nagiging daan para mabawasan ang mga COVID-19 patients
D. Sila ay nagtitiis malayo sa kanilang pamilya at ginagampanan ng buong
husay bilang OFW frontier

4
Aralin 1 – Ang Aking Saloobin sa Epekto ng
Globalisasyon sa Paggawa
(Ikapitong Linggo)

Alamin

Magandang araw! Muling sariwain ang iyong natutunan sa aralin tungkol sa epekto
ng globalisasyon sa paggawa at ibahagi ang iyong saloobin sa pamamagitan ng paggawa
ng reaction paper. Sa pagkatapos ng aralin ito, inaasahan na maisagawa ang mga
sumusunod:
1. nasusuri ang kasalukuyang pangyayari na may kaugnay sa epekto ng
globalisasyon sa paggawa,
2. naipapahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon sa paggawa, at
3. nakagagawa ng reaction paper tungkol sa epekto ng globalisasyon sa paggawa.

Panimulang Gawain

Panuto: Magbalik tanaw sa natutunan tungkol sa epekto ng globalisasyon sa paggawa.


Basahin at sagutin ang mga hinihingi sa loob ng diagram at sagutin ang pamprosesong
katanungan. Gumamit ng sagutang papel.

Epekto ng Globalisasyon sa
Paggawa

Magbigay ng tatlong Magbigay ng tatlong


positibong epekto ng negatibong epekto ng
globalisasyon sa paggawa globalisasyon sa paggawa

1. 1.
2. 2.
3. 3.

Pamprosesong tanong:
1. Sa iyong palagay, alin sa mga kasagutan mo ang may pinakamabigat na epekto
sa mga manggagawang Pilipino sa loob at labas ng bansa? Ipaliwanag
2. Ano sa tingin mo, ang kasalukuyang kinakaharap na hamon ng mga
manggagawang Pilipino?

5
Tuklasin/Suriin

Basahin at suriing mabuti ang artikulo sa ibaba upang magkaroon ng mas


matalinong pagsusuri sa kabuuang epekto ng globalisasyon sa manggagawang Pilipino
sa loob ng bansa. Ang artikulong ito ay tumatalakay tungkol sa kontraktwalisasyon na
isa sa pangunahing isyu sa paggawa sa kasalukuyan.

Contractual Habambuhay: Ano Nga Ba Ang Endo?


ni Paulo Vargas

Sa pelikula ni Jade Castro na Endo noong 2007, isinalaysay niya ang buhay ng
dalawang contractual workers na nakahanap ng pag-ibig sa trabaho nila sa Pilipinas.
Ngunit bukod sa drama, makikita rin natin ang hirap na dinadanas ng mga contractual
employees sa pelikulang ito. Kada-limang buwan, lumipat sila ng pinagtatrabahuhan,
at sinuswelduhan ng minimum wage sa mga trabaho tulad ng pagiging waiter o waitress
o pagiging cashier. Sa pagkatapos ng pelikula, ang kanilang love story ay kasing-bilis
lang ng kanilang mga trabaho.

Ano nga ba ang "endo?" Isa siyang Filipino slang para sa "end of contract." Tawag
naman ng iba sa ganitong pagtatrabaho ay "5-5-5." May mandato sa Pilipinas na
pagkatapos ng anim na buwan ng pagtatrabaho sa isang kumpanya, ang contractual
employee ay maaari na maging regular na empleyado. Ayon sa Article 281 ng Labor
Code ng Pilipinas:

“Probationary employment shall not exceed six (6) months from the date the
employee started working, unless it is covered by an apprenticeship agreement stipulating
a longer period. The services of an employee who has been engaged on a probationary
basis may be terminated for a just cause or when he fails to qualify as a regular employee
in accordance with reasonable standards made known by the employer to the employee
at the time of his engagement. An employee who is allowed to work after a probationary
period shall be considered a regular employee”.

Kapag na-regularize na ang empleyado, ibig sabihin ay makakamtan na ng


empleyado ang mga benepisyo na nararapat sa bawat nagtatrabahong Pilipino, gaya ng
leaves at 13th month pay, at iba pa. Maraming kompanya ang sinusubukan iwasan ang
pag-regularize ng mga probationary o contractual employees nila sa pamamagitan ng
paggamit ng endo — tatanggapin nila ang mga empleyado at papatrabahuhin sila ng
limang buwan, ngunit winakasan ang kanilang mga kontrata pagdating ng limang
buwan upang hindi sila maging obligado sa pag-regularize sa kanilang mga empleyado.
At tatanggapin na naman sila uli para sa isa pang cycle ng “endo”, ayon sa ulat ng
Philippine Daily Inquirer. Karamihan sa mga biktima ng endo ay ang mga minimum wage
workers at mga working students.

6
Legal nga ba ito?
Ayon sa isang ulat ng Interaksyon, binabawalan ng Labor Code ang labor-only
contract na tinatanggal ang obligasyon ng mga kumpanya at employers na magbigay ng
mga benepisyo sa kanilang mga empleyado (hal.: healthcare at social security). Legal
lamang ito kapag ang pagiging contractual ay hindi "labor only contracting," o ang
pagtanggap ng walang iba kung hindi contractual employees. Ibig sabihin nito ang mga
hotel, malls, at restawran ay maaring mag-endo hangga't sa mayroon silang mga
regularized employees.
Si (dating) Labor Secretary Rosalinda Baldoz mismo ang nagtangkang hulihin
ang mga employers na ginagawa ang ilegal na endo, sa pamamagitan ng pagpasa
ng Department Order 18: “Through Department Order No. 18- A, which I issued to amend
D.O. 18 on subcontracting, we have whittled down the number of registered sub-
contractors registered under D.O. 18-02 from 17,000 to only 5,581 as of March 2014.
“What remains are legitimate subcontractors who comply with labor laws and are
registered with the DOLE under the requirements, terms, and conditions of DO 18-A,” she
said.
- Isinalin ito galing sa Ingles na artikulo ni Paulo Vargas
____________________________________________________________________________________

Isaisip
Kumusta muli! Masinop na mag-aaral, matapos mong basahin ang artikulo
nagkaroon ka ng mas makabuluhang kaalaman at pag-unawa tungkol sa paksang
kontraktwalisasyon sa ating bansa. Ibahagi ang iyong natutunan sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong sa ibaba. Gumamit ng sagutang papel.

1. Makatarungan ba ang pagpapatupad ng “endo” sa mga manggagawang Pilipino?


Ipaliwanag
2. Kung ikaw ay may-ari ng isang kompanya, ipapatupad mo ba ang “endo”?
Ipaliwanag

7
Isagawa/Pagyamanin

Reaksyong Papel Gumawa ng reaksyong papel tungkol sa nabasang artikulo na,


Contractual Habambuhay: Ano Nga Ba Ang Endo? Ibahagi ang iyong natutunan at
saloobin sa paksa. Gamitin ang pormat sa ibaba at basahin mabuti ang rubrics upang
magkaroon ng tamang gabay sa gawain. Gumamit ng isang buong papel.

Reaksyong Papel sa Araling Panlipunan 10


Ikalawang Markahan
Pangalan :
Taon at Seksyon: Petsa:
Pangalan ng Guro:
Paksa: Contractual Habambuhay: Ano Nga Ba Ang Endo?
I. Pagbubuod sa artikulo / Summary (Gumawa ng pagbubuod sa artikulong
binasa gamit ang graphic organizer)

II. Positibong Reaksyon: III. Negatibong Reaksyon:

IV. Ang aking mahalagang natutunan sa artikulo:

V. Gintong aral o Moral lesson

Pirma ng magulang/guardian: Pirma ng mag-aaral:

8
Rubrik sa Pagsusulat ng Reaksyong Papel
Mga Krayterya
Puntos Lalim ng
Organisasyon Paggamit ng Wika Presentasyon
Repleksyon
Mahusay ang
pagkasunud sunod
Napakalalim na Mapakahusay ang
ng ideya sa
makikita ang pag- paggamit ng wika,
kabuuan ng talata, Malinis at
uugnay ng dating walang mali sa
20 mabisa mag maayos ang
kaalaman at grammar, baybay,
panimula at pagkakasulat
karanasan sa at gamit ng bantas,
malakas ang ng talata
bagong kaalaman. may mayaman na
konklusyon batay sa
bokabularyo.
ebidensya.
Maayos ang
Mahusay dahil Malinis ngunit
pagkasunod-sunod Malalim na
kakaunti lamang hindi maayos
ng ideya sa talata, makikita ang dati
15 ang mali sa ang
may angkop na at bagong
grammar, baybay pagkakasulat
simula at kaalaman.
at gamit ng bantas. ng talata
konklusyon.
May lohikal na May
Mababaw at hindi
organisasyon ngunit Maraming mali sa kahirapang
gaanong nakikita
hindi masyadong grammar at baybay unawain ang
10 ang pag-uugnayan
mabisa ang ganun din sa gamit pagkakasulat
ng dating at bagong
panimula at ng bantas. ng mga
kaalaman.
konklusyon. pangungusap
Kailangang
Mahirap
Napakababaw at baguhin dahil
Hindi maayos ang basahin, hindi
walang pag-uugnay halos lahat ng
organisasyon at maayos at
5 ang dati at bagong pangungusap ay
walang panimula at malinis ang
kaalaman. may mali sa
konklusyon. pagkakasulat
grammar, baybay
ng talata
at gamit ng bantas.

9
Aralin 2 – Ang Aking Saloobin sa Epekto ng
Globalisasyon sa Migrasyon
(Ikawalong Linggo)

Alamin

Malugod na pagbati masipag na mag-aaral, muling balikan ang kaalaman sa mga


epekto ng globalisasyon sa migrasyon. Sa araling ito maibabahagi mo ang iyong
saloobin sa pamamagitan ng reaction paper at ikaw ay inaasahang maisagawa ang mga
sumusunod:

1. nasusuri ang kasalukuyang pangyayari na may kaugnay sa epekto ng


globalisasyon sa migrasyon,
2. naipapahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon sa migrasyon, at
3. nakagagawa ng reaction paper tungkol sa epekto ng globalisasyon sa migrasyon.

Balikan
Crossword Puzzle Alamin ang mga kasagutan sa puzzle words sa ibaba at gamiting
bakas/clue na mga katanungan sa loob ng kahon. Sagutin ang pamprosesong
katanungan at gumamit ng sagutang papel.

Paharang:

1. Tawag sa virus na nagmula sa


Wuhan, China at naging sanhi
ng pangdaigdigang pandemya

Pababa:

2. Salitang Inglis, na ang ibig


sabihin ay pagkalat ng sakit sa
buong mundo

3. Tinaguriang mga “Bagong


Bayani”

10
Pamprosesong katanungan:

1. Ano-ano ang nabuo na mga konsepto?


2. Sa iyong pananaw, ano-ano kaya ang hamon na kinakaharap ng mga OFW sa
pandemyang COVID 19?

Tuklasin at Suriin

Basahin at suriing mabuti ang artikulo sa ibaba. Upang masuri ang mahalagang
ginagampanan ng mga Overseas Filipino Workers sa panahon ng pandemya. Ang
artikulong ito ay sumasalamin sa mga sakripisyo ng mga OFW na tinawag ring, Modern-
day Heroes.

Bakit Dapat Ituring na Modern-day Heroes, Ang Mga OFW Frontliner?

May kaakibat na hirap at sakripisyo ang pagtatrabaho sa ibang bansa ngunit ito
ay tuluy-tuloy na tinitiis ng mga OFWs. Dagdag pa sa pagsubok na ito ay ang
kasalukuyang pandemic crisis na COVID-19. Hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na
rin sa ibang bansa ay walang humpay ang pagtatrabaho ng mga OFW frontliners mula
sa mga doktor, nurse, grocery store staffs at iba pang kinakailangang lumabas ng
kanilang tahanan para magserbisyo sa mga panahong ito.

Dahil dito, maituturing din silang modern-day heroes dahil sa kanilang pagharap
sa pagsubok na dala ng COVID-19. Alamin ang ilan pang dahilan kung bakit dapat
kilalanin at bigyang pugay ang mga paghihirap ng mga OFW frontliners:

1. Sila ay nagtitiis malayo sa kanilang pamilya


Sa kahit na anong panahon, lahat ng OFWs ay nagtitiis mawalay sa
kanilang mga mahal sa buhay para kumita ng pera. Ngayon nga lang ay mas
matinding lungkot, takot, at pangamba ang maaari nilang maramdaman habang
hindi nila kasama ang kanilang pamilya dahil sa krisis na kinakaharap ng buong
mundo. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang kanilang pagseserbisyo lalo na kung
ang kanilang trabaho ay kinakailangan para mabigyang-lunas ang sakit na
COVID-19.

2. Sila ay nananatiling tapat sa kanilang trabaho


Matinding pagod din ang nararanasan lalo na ng mga doktor, nurse, at iba
pang health professionals na nagtatrabaho sa mga ospital sa ibang bansa. Ngunit
kahit konti lamang ang pahinga dahil sa dami ng mga pasyente ay ginagawa
parin nila ang kanilang makakaya para mabigyan ng maayos at kalidad na
medical services ang mga ito.

11
3. Sila ang humaharap sa mga panganib dala ng COVID-19
Matinding takot ang dulot ng COVID-19 sa kalusugan ng lahat at kahit
nangangamba rin ang mga OFW frontliners na nasa mga bansang may kaso ng
COVID-19 ay hindi ito pumipigil sa kanila para gampanan ang kanilang
tungkulin. Sa bawat araw na sila ay nasa labas at patuloy na nagtatrabaho ay
may kaakibat na panganib silang kinakaharap hindi lamang para sa sarili nila
kundi para sa ibang tao rin. Kaya matinding pag-iingat ang kanila ginawa para
maprotektahan ang kanilang kalusugan pati na ang mga pasyente, mga
customers at lahat ng tao sa paligid nila.

4. Sila ang nagiging daan para mabawasan ang mga COVID-19 patients
Mas napapadali ang paggaling ng mga nagpositibo sa COVID-19 dahil sa
abilidad at dedikasyon ng mga health professionals na maging maayos ang
kanilang kalagayan. Ang ilang health experts din ang nagiging daan para
makapagbigay ng mahahalagang impormasyon kung paano mapapangalagaan
ang kalusugan ng bawat isa para maiwasan ang sakit tulad ng COVID-19.

Kahit ito ay parte ng kanilang trabaho, isang matinding pagsasakripisyo


pa rin ang kinakaharap ng mga OFW frontliners. Hindi madali na gampanan ang
tungkulin kung malayo sa mga mahal sa buhay at kung nangangamba rin sa
kanilang kalagayan. Mahalagang pangalagaan nila ang sarili para sila ay
makapag trabaho at para na rin sa ibang tao. Kaya huwag natin kalimutan mag-
alay ng isang simpleng pasasalamat sa lahat ng mga Pilipinong frontliners, nasa
ibang bansa o nasa abroad.

Isaisip
Magandang buhay! Sa pagtatapos ng aralin higit mong mapahahalagahan ang
sakripisyo ng mga OFW dahil sa papel na kanilang ginampanan bilang mga frontliners.
Ngayon ibahagi ang iyong saloobin sa mga sumusunod na katanungan sa ibaba.
Gumamit ng sagutang papel.
1. Sino-sino ang mga tinutukoy na OFW Frontliners?
2. Bakit sila tinawag na, Modern-day Heroes sa panahon ng pandemya?

12
Isagawa/Pagyamanin

Reaksyong Papel Gumawa ng reaksyong papel tungkol sa nabasang artikulo na,


Modern-day Heroes, Ang Mga OFW Frontliner. Ibahagi ang iyong natutunan at saloobin
sa paksa. Gamitin ang pormat sa ibaba at basahin mabuti ang rubrics upang
magkaroon ng tamang gabay sa gawain. Gumamit ng isang buong papel.

Reaksyong Papel sa Araling Panlipunan 10


Ikalawang Markahan
Pangalan :
Taon at Seksyon: Petsa:
Pangalan ng Guro:
Paksa: Modern-day Heroes, Ang Mga OFW Frontliner
I. Pagbubuod sa Artikulo / Summary (Gumawa ng pagbubuod sa artikulong
binasa gamit ang graphic organizer)

II. Positibong Reaksyon: III. Negatibong Reaksyon:

IV. Ang aking mahalagang natutunan sa artikulo:

V. Gintong aral o Moral lesson

Pirma ng magulang/guardian: Pirma ng mag-aaral:

13
Rubrik sa Pagsusulat ng Reaksyong Papel
Mga Krayterya
Puntos Lalim ng
Organisasyon Paggamit ng Wika Presentasyon
Repleksyon
Mahusay ang
pagkasunud-sunod
Napakalalim na Mapakahusay ang
ng ideya sa
makikita ang pag- paggamit ng wika,
kabuuan ng talata, Malinis at
uugnay ng dating walang mali sa
20 mabisa mag maayos ang
kaalaman at grammar, baybay,
panimula at pagkakasulat
karanasan sa at gamit ng bantas,
malakas ang ng talata
bagong kaalaman. may mayaman na
konklusyon batay sa
bokabularyo.
ebidensya.
Maayos ang
Mahusay dahil Malinis ngunit
pagkasunod sunod Malalim na
kakaunti lamang hindi maayos
ng ideya sa talata, makikita ang dati
15 ang mali sa ang
may angkop na at bagong
grammar, baybay pagkakasulat
simula at kaalaman.
at gamit ng bantas. ng talata
konklusyon.

May lohikal na May


Mababaw at hindi
organisasyon ngunit Maraming mali sa kahirapang
gaanong nakikita
hindi masyadong grammar at baybay unawain ang
10 ang pag-uugnayan
mabisa ang ganun din sa gamit pagkakasulat
ng dating at bagong
panimula at ng bantas. ng mga
kaalaman.
konklusyon. pangungusap

Kailangang
Mahirap
Napakababaw at baguhin dahil
Hindi maayos ang basahin, hindi
walang pag-uugnay halos lahat ng
organisasyon at maayos at
5 ang dati at bagong pangungusap ay
walang panimula at malinis ang
kaalaman. may mali sa
konklusyon. pagkakasulat
grammar, baybay
ng talata
at gamit ng bantas.

14
Tayahin
PAGPIPILIAN: Isulat ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng sagutang papel.

1. Si Robert ay isang factory worker sa isang pagawaan ng sapatos sa loob ng isang


taon. Ano dapat ang kanyang employment status sa kompanya ayon sa Labor
Code of the Philippines?
A. Mandatory Employment C. Probationary employment
B. Underemployed D. Regular employment

2. Ano ang Filipino slang ng end of contract?


A. Endo C. End of work
B. End of job D. End of the month

3. Ang hindi pag-regularize ng employment status ng isang empleyado sa paglampas


ng anim na buwan ay labag sa batas. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatibay
dito?
A. RA 11060
B. RA 6715
C. Article 281 ng Labor Code ng Pilipinas
D. Omnibus Investment Act of 1987 at Foreign Investment Act of 1991

4. Si Rita ay clerk sa isang hotel sa loob ng apat na buwan, ano ang kanyang
employment status sa kompanya?
A. Mandatory Employment C. Regular employment
B. Underemployed D. Probationary employment

5. Alin sa mga sumusunod na benepisyo na matatanggap ng isang regular


employee na wala sa contractual employee?
A. Leave with pay
B. Leave without pay
C. Sick leave without pay
D. Paternity leave without pay

6. Si Luke at ang mga kasamahan sa kumpanya ay hindi nakatanggap ng benepisyo


sa kompanya tulad ng 13 month pay. Alin sa mga sumusunod ang dapat nilang
gawin?
A. Tumigil sa trabaho at magprotesta sa labas ng kompanya.
B. Maging mas masipag sa trabaho upang bigyan ng kompanya.
C. Ipagwalang bahala dahil mas mahalaga merong siyang regular na trabaho.
D. Kausapin ang kompanya at ipagbigay alam sa Department of Labor and
Employment para sa collective bargaining agreement.

15
7. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng paglabag sa Article 281
ng Labor Code ng Pilipinas?
A. Si Liza na may maternity leave with pay.
B. Si John ay regular empleyado ng kompanya.
C. Si Jenny na hindi regular sa trabaho sa loob ng 10 taon sa kumpanya.
D. Si Khiddie ay may company benefits tulad ng 13th month pay at salary.
incentives

8. Paano inaabuso ng ibang kompanya ang contractualization?


A. Hindi pag-regularize sa empleyado.
B. Pagbibigay ng paternity at maternity leave.
C. Pagbibigay ng 13th month pay at sick leave.
D. Pagbibigay ng health benefits at social insurance.

9. Dapat na bang wakasan ng pamahalaan ang “endo’?


A. Oo, dahil hindi naman ito nakakaapekto sa empleyado at kompanya.
B. Hindi, dahil pwede tayong pumunta sa ibang bansa upang magtrabaho.
C. Hindi, dahil nalulugi ang mga kompanya at mga dayuhang manunuhunan
D. Oo, dahil patuloy ito na nagpapahirap sa kondisyon ng manggagawang
Pilipino.

10. Ang mga OFW na doctor, nurse at grocery store staff ay halimbawa ng ______?
A. OFW headliners C. OFW caretakers
B. OFW Frontliners D. OFW leaders

11. Alin sa mga sumusunod na virus ang nagpapahirap sa mga OFW frontliners ayon
sa nabasa mong artikulo?
A. Malaria
B. Coronavirus 2019 (COVID 19)
C. Human Immunodeficiency Virus (HIV)
D. Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS)

12. Alin sa mga sitwasyon ang patunay ng kabahaniyan ng OFW frontliners sa


panahon ng pandemya?
A. Si Juliet na bilang nurse sa Pilipinas.
B. Si Jade na bilang doktor sa ibang bansa.
C. Si Jasmine na bilang waitress sa ibang bansa.
D. Si Jason na bilang hotel manager sa ibang bansa.

13. Ayon sa artikulong binasa alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng
kabayanihan ng OFW bilang frontliners sa panahon ng pandemya?
A. Sila ay nananatiling tapat sa kanilang trabaho.
B. Sila ay umuwi sa pamilya dahil lungkot at pangamba sa COVID-19.
C. Sila ang nagiging daan para mabawasan ang mga COVID-19 patients.
D. Sila ang buong tapang na himaharap ang panganib dala ng COVID-19.

16
14. Bakit tinawag na, Modern-day Heroes, Ang Mga OFW Frontliners ayon sa
artikulong binasa?
A. Dahil sa dollar remittances nila sa panahon ng pandemya.
B. Dahil sa pagkawalay sa pamilya sa panahon ng pandemya.
C. Dahil sa nakatulong sila sa kawalang ng trabaho sa panahon ng
pandemya.
D. Dahil sa hirap, sakripisyo, at pagsubok sa pagtatrabaho sa panahon ng
pandemya dulot ng COVID-19 sa iba't-ibang panig ng daigdig.

15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagpapahalaga sa


kabayanihan ng mga OFW bilang frontliners?
A. Ang pagbibigay pasasalamat sa pamamagitan ng social media.
B. Ang pagbibigay ng sapat na suporta ng sikolohikal at pinansyal ng
pamahalaan.
C. Ang pagbibigay panalangin para sa seguridad at proteksyon sa mga OFW
frontliners.
D. Ang pagwawalang bahala sa kanilang sakripisyo dahil malaki naman ang
kita nila sa ibang bansa.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba at gumamit ng sagutang papel.

1. Ibahagi ang iyong natutunan sa paksang globalisasyon, ano ang epekto nito sa
mga sumusunod na aspeto?
A. Paggawa
A.1 Negatibo
A.2 Positibo
B. Migrasyon
B.1 Negatibo
B.2 Positibo

2. Sa kabuuan, nakatulong ba ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao?


Ipaliwanag ang kasagutan.

17
Susi sa Pagwawasto

Balikan
COVID 19
PANDEMIC
OFW

Sanggunian

● DepEd LM, CG, TG


● https://news.abs-cbn.com/news/05/01/18/alamin-bakit-may-end
● https://www.workabroad.ph/blog/item/283/modern-day-heroes-ofw-
frontliners-article

18

You might also like