Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Title: PASAPORTE

Format: Dulang Pantelibisyon

Duration: 10 minutes

Writer/Producer/Director:

Casts:

Scene 1: Harap ng bahay

01 (Kauuwi ni Flor galing trabaho, naabutan niya sa balkonahe (harap ng pintuan) si Aling
Celing ang nanay niya at mga kaibigan nitong nagsusugal.)

02 Flor: (nagmano bago pumasok sa sala… ibinaba ang bag sa upuan at sumalampak
sa upuan)

03 Celing: Flor, ano? Kailan darating ang sahod mo? Kailangan nang mabayaran yung
utang sa lending. Yung kuryente at tubig pa natin, mapuputulan na tayo.
(pasigaw)

04 Flor: Sa katapusan pa po ma…(halos pabulong na sabi… nakapikit)

05 Celing: Pahingi nga pala ako ng 500 mo dyan, wala na akong pantaya rito ohh…
(dinabog ang braha sa mesa) letse talo nanaman (Naiinis) FLOOOOOR
YUNG 500!

06 Flor: (Padabog na kinuha ang wallet… 550 na lang ang laman ng wallet… dinukot
ang 500… iniabot sa nanay)

07 Margarette: (Lumabas galing kwarto, lumapit kay Flor) Ate yung hinihingi kong 5000
pan- thesis ko. (Nakapamewang)

08 Flor: (Napasapo ng noo) Oo nga pala. Puwede bang sa katapusan na lang rin?
Ubos na ang pera ko, 50 na lang rin ang natira sakin.

09 Margarette: (Naiinis) Ala naman te, last week ko pa sinabi sayo yan. Kailangan ko na
ngayon. Pag ako bumagsak dahil wala akong pambayad, ikaw sisisihin ko.
(Padabog na umalis)

Scene 2: Sa kusina

10 Margarette: (umupo sa upuan…may kausap sa telepono) Sis, hindi ako makakasama sa


outing sa LU (La Union, I’m not feeling good kasi since yesterday pa. Next
time na lang, sorry.
11 Joy: (lumabas galing cr) Kaya pala anlaki-laki ng hinihingi mo kasi panggala mo
pala.

12 Maragarette: (Biglang baba ng telepono) Ano bang pake mo? (irap ng mata) Pinakealaman
ba kita nung nagsabi kang pam-project mo pero pinanlibre mo lang sa jowa
mo? Isa pa bakit ba nangingealam ka sa usapan ng may usapan? (Tumayo at
umalis…)

13 Joy: (lumapit kay Flor) Ate, may pera ka pa? Kailangan kasi ng pambayad sa
tuition para makapag take ako ng midterm exam. 10k pa ang balance ko ron.

14 Flor: ha? Diba halos bayad ka na ron?

15 Joy: Hindi te, may kulang pa po.

16 Flor: Sige, ako na ang pupunta roon para magbayad.

17 Joy: (Nanlaki ang mata… natataranta) Wag n ate, ako na magbabayad, sasayangin
mo lang oras at pamasahe mo. Ibigay mo na lang po sakin.

18 Flor: (napabuntong hininga) Sige, sige, hintayon mo na lang ha. (Tumayo papasok
ng kwarto)

Scene 3: Kwarto

19 Flor: (Naupo sa kama… naglabas ng papeles, at passport)

20 Rosa: (Pumasok sa kwarto) Ate, kailangan ko na ng pangbuwanang check-up ko…


(Napahinto at napatingin sa passport ni Flor) Mag-a-abroad ka talaga te?
(Dinampot ang passport at tinawag ang nanay, lumabas)

21 Flor: Rosa ano ba? (Humabol kay Rosa)

22 Rosa: Ma! Ma, tignan mo oh, (Ipinakita ang passport) Mag-a-abroad talaga si ate
Flor

23 Celing: Ano? Flor, dibasinabi kong hindi? Kailan ka pa sumuway sa akin?


(Nakapamewang)

24 Flor: Oo nga ma, alam kong hindi ka pumayag pero ma, sa dami ng gastusin dito
sa bahay, hindi na nagkakasya ang kakarampot kong sahod. Yung utang niyo,
babayarin dito sa bahay, yung pang-aral ng mga kapatid ko. Ma, hindi ko
alam kung paano ko pagkakasyahin.

25 Celing: Pag-umalis ka, sino na ang mag-aalaga sa mga kapatid mo? Marami akong
inaasikaso, Flor.
26 Flor: (Napaupo sa upuan at napasabunot sa sarili) Pag hindi ako umalis, sabaysaby
tayong mamamatay sa gutom dito ma. (Pumasok sa kwarto… Kinuha ang
maleta)

Scene 4: Sa harap ng bahay

27 (Paglabas ni Flor sa bahay hila ang maleta.)

28 Flor: Margarette, ikaw na muna bahala rito ahh. Fely, Janel, Isa, magpakabait kayo
ha.

29 Isa: Ate padala ka ng chocolate ahh.

30 Fely: Ate sandal ko ahh size 7 ahh

31 Janel: Ate make-up, mura daw yun don.

32 Flor: Oo, basta magpakabait kayo. Ma, tatawag-tawag na lang po ako. Mag-ingat
kayo rito.

33 Celing: Daming drama, oo na, ingat ka ron. Yung unang sahod mo, samin mo
ipadala. Balita ko Malaki ang sahod ng Engineer don.

34 (Umalis na si Flor)

35 (Insert; Airplain departure and arrival, Saudi Arabia Airport videoclips)

Scene 5: Embahada ng Pilipinas

36 (Insert Philippine embassy)

37 Flor: (lobby) Hi, ma’am! Saan po puwedeng kunin ang IQAMA?

38 Receptionist: Hello, po! Diretso lang po kayo, yung unang pinto po.

39 Flor: Salamat po! (Pumunta sa opisina)

40 (pumasok sa opisina)

41 Flor: Good morning, ma’am! Kukunin ko po sana ang ni-request ng employer ko


na IQAMA.

42 Officer: Good morning. Ano pong buong pangalan ma’am para ma-check ko sa
system.

43 Flor: Flordelisa Magtanggol po.

44 Officer: (tinignan ang pangalan ni Flor sa system) Saglit lang po ma’am, nagloloko po
yata ang system, wala po kayong pangalan. Hanapin ko po ulit, saglit lang po.
45 Flor: Sige po ma’am.

46 Officer: Ma’am, wala po talaga kayong pangalan sa system namin.

47 Flor: Pano po nangyari yun?

48 Officer: Ano po bang pangalan ng agency nyo, ma’am.

49 Flor: Pacific Moon Agency

50 Officer: (Gulat) Mukang naloko po yata kayo, ma’am. Marami na rin pong pumunta
rito gamit ang agency nay an. Maaaring pumunta na lang po kayo sa OWWA
ng bansa para i-confirm ang employment nyo.

51 Flor: Bakit po ganun? Nagbayad naman po ako.

52 Officer: Baka po tourist visa lang po ang kinuha ng employer nyo para sayo.

53 Flor: (Nanlulumong lumabas sa opisina… napaupo sa waiting area at napaluha…)

Scene 7: Labas ng Embahada

54 Flor: (Nakaupo, umiiyak)

55 (May lumapit na babae)

56 Beth: Miss! Miss, are you ok?

57 Flor: (Napatingala)

58 Beth: Kabayan! Bakit ka umiiyak? Ano nangyari?

59 (kinuwento ni Flo rang nangyari)

60 Beth: E tang aka rin pala eh. Ang ganda nan g trabaho mo sa Pinas, iniwan mo pa.

61 Flor: Kasya ba sa pamilya ko ang sahod ko? Pano ko ngayon sasabihin sa kanila na
naloko ako?

62 Beth: Hindi lang ikaw ang may ganyang sitwasyon, Flor. Ahh, may kakilala akong
kailangan din ng employee. Matagal na silang naghahanap ng worker, Malaki
ang pasahod don.

63 Flor: Sige nga, Beth. Para makasimula na akong makapagtrabaho at


makapagpadala na sa pamilya ko.

Scene 8: Restaurant
64 (Naghihintay si Flor at Beth)

65 (pumasok ang isang babaeng balot na balot)

66 Beth: Masa’ alkhayr sayidati (masa al hay ri sayidati) this is Flor, the one I’m
telling you

67 Employer: Hello.

68 (Umupo silang lahat)

69 Employer: So you’ll be working for me. Don’t worry, you will never work under the
sun. You will be fine as long as you do what I say and you do your best.

70 Flor: When will I start ma’am?

71 Employer: Right away. Let’s go. (tumayo)

72 Flor: Thank you very much ma’am! (tumayo, inabot ang kamay upang
makipagkamay)

73 Beth: (Hinawi ang kamay ni Flor pababa) Bawal yan.

Scene 9: Opisina

74 (Inaayos ni flor ang kanyang sarili… tumawag sa pamilya)

75 (Video call)

76 Flor: Margarette kay mama nga

77 Margarete: Ma, si ate

78 Celing: Oh flor, kumusta? Sumahod ka na ba? Kalian ka magpapadala?

79 Flor: Sa susunod na lingo po ma, day off ko po.

Scene 10: Bahay nila Flor

80 Celing: Lakihan mo naman ang ipadala mo ngayong buwan. Bitin yung binigay mo
last month. Tinitipid mo naman yata kaming pamilya mo.

81 Margarette: Ma, ako naman. (sumingit sa screen) te, yung bayad pang laboratory naming
8k yun. Kailangan na naming.

82 Flor: Sige hintayin mo… (pinutol ni Margarette)

83 Margarette: Puro hintay ka naman, kailangan na nga ngayong lingo ehh. (Naiinis)
84 Rosa: (Sumingit sa screen) ate, yung pambili ko ng damit ng baby ko paglabas.
Isabay mo na rin yung sa pang CS ko. Sa private ko gusto manganak
ayokong makipag siksikan ah..

85 Joy: (Sumingit) Te, yung pangbayad ko sa uniform.

86 Fely: Ate yung sapatos na pinadala mo last month ayoko ng gamitin, gusto ko ung
uso ngayon. Bilhan mo nga ako.

87 Janel: Ako rin te

88 Flor: Isa-isa lang muna, pagkasyahin nyo muna yung pinapadala ko, unahin nyo
muna yung pinaka importante.

89 Celing: Aba, lahat ng sinabi ng mga kapatid mo importante. Anlaki-laki ng sahod mo


ah. Ano lang ba tong hinihingi naming sayo. Kaya nga pinilit mong mag-
ibang bansa diba? Oh ngayong nadyan ka na, ibigay mo lahat ng hinihingi ng mga
kapatid mo. Rerekla-reklamo ka pa.

90 Flor: Opo ma, hintayin nyo na lang po padala ko.

Scene 11: Opisina

91 (May pumasok na tao sa opisina)

92 Employer: Madha tafaeala? (ma;l;ha ta;ha;lu)

Scene 12: Bahay nila Flor

93 Flor: balik na ako sa trabaho ma.

94 (Namatay ang video call)

95 (May tumawag kay Celing mula sa labas)

96 Marites 1: Celing!

97 Marites 2: (Dumuungaw sa pintuan) Tara tongits, mare.

98 Celing: Sige sandali lang. (kinuha ang braha… lumabas… umupo sa harap ng
sugalan.)

99 (Nagsusugal)

100 Marites 3: Oy Celing, balita ko Malaki raw magpadala ang anak mo ah.

101 Marites 2: Oo nga, asensado na.


102 Celing: Sinabi mo pa. Kung alam ko lang na ganun pala ang kitaan sa abroad di
matagal ko na sana siyang pinaalis.

103 Marites 1: Paambon naman kami, mare.

104 Celing: Pagka kuha ko ng padala niya, ako na sasagot sa inuman natin.

(Siguro sa part na ito kahit puro actions and then dagdagan nalang ng background music.
Ipakita alternate scenes kung paano lustaying ng pamilya ni Flor ang kaniyang padala.
From her mother to her siblings and then show how she struggles to provide for their
need. Better chose a song narin to be the theme song of your movie)

Scene 12: sa sala ng bahay nila Flor

105 Margarette: (Lumabas ng kwarto) Ma, hindi ko ma-contact si ate.

106 Celing: (Nakahiga sa upuan habang namamaypay) Bakit naman kaya hindi na
sumasagot satin yang magaling mong ate. Dalawang buwan na siyang hindi
nagpapadala ahh. Naputulan na tayo ng kuryente.

107 Margarette: (Nakatayo sa pintuan ng kwarto) kaya nga kailangan ko pa man din ng pera
ngayon.

108 Celing: Para san? Panggagala mo nanaman.

109 Margarette: Kayo nga pinangsusugal nyo lang mga pinapadala niya. (Padabog na
pumasok sa kwarto)

110 Rosa: Baka naman lumandi na don kaya kinalimutan na tayo. Kabuwanan ko pa
man din ngayon.

111 Celing: Bakit kasi nagpabuntis ka ng maaga. Dagdag palamunin pa yan.

112 Rosa: Aba, kung kaya akong suportahan ni ate Flore di dapat sagutin niya rin tong
anak ko. Pamangkin naman nya no.

(Pwede rin sigurong dagdagan dito… maaring nagkagulo na sila dahil wala ng sumosuporta sa
kanila. Mararamdaman nila ang hirap dahil wala ng nagpapadala etc.)

Scene 13: Sa harap ng bahay nila Flor

113 (Nagsusugal si Celing at kaniyang mga kaibigan)

114 (May tumatakbo papalapit sa kanila)

115 Kapitbahay: Celing! Celing! Nako Celing!

116 Celing: Ano ba naman yan Sioning…


117 Kapitbahay: (Hinahabol ang hininga) Nako, Celing, napanood mo na ba yung balita?

118 Celing: Ano nanaman?

119 Kapitbahay: May babae raw na sinalvage sa Saudi Arabia. Hanggang ngayon hindi pa
nako- contact ang pamilya nya.

120 Celing: Ohh tapos? (Habang nabumubunot sa deck ng card sa mesa) Ikaw na,
Conching.

121 Kapitbahay: Diba matagal nyo ng hindi nakakausap si Flor? Wag naman sana, pero pano
kung siya yon?

122 Celing: Dami mong alam, dun ka na nga.

123 Kapitbahay: Sinasabihan lang naman kita… (tumalikod… padabog na naglakad palayo)
wag ka sanang magsisi kung siya nga yon.

Scene 14: Bahay ni Flor

124 (nag ring ang telepono sa mesa)

125 Isa: (Dinampot ang telepono at sinagot) hello! Sino po sila?

126 Boses: Ito po ba si Celia Magtanggol?

127 Isa: (Sumigaw) MAAAAA!

128 (Lumabas si Celing)

129 Isa: Hinahanap ka po, ma. (Inabot ang telepono)

130 Celing: Hello!

131 Boses: Ito po ba ang nanay ni Flordeliza Magtanggol?

132 Celing: Ako nga po. Bakit?

133 (Katahimikan)

134 (nanghina…. Unti-unting napaupo habang unti unting ibinababa ang telepono)

135 (dahan-dahang humagulgol)

136 Celing: Hindi! Flor! Anak ko!


137 (Nagtakbuhan ang magkakapatid palapit)

138 Joy: Bakit ma?

Scene 15: Kung saan man

139 (Sinalubong ng pamilya ang labi ni Flor)

140 (iniabot ng isang crew ang maleta ni Flor)

(Give justice to this scene dapat ang acting skills lalo na ng pamilya sa pag-iyak natural sa eksena.. ito
yung mga part kung saan naantig ang mga manonood. Tip: try to put yourself in the
situation kunyari pamilya ka nung namatay sa ibang bansa.)

Scene 16: Sa kwarto

141 (Binubusisi ni Celing ang mga gamit ni Flor sa maleta)

142 (Nakita ni Celing ang diary ni Flor)

143 (Focus sa maleta)

144 (Binasa ni celing)

(Same se previous comment, the actor herself can add adlibs here)

…FLASHBACK…

(This is the flashback, whag niyong tipirin ang scene na ito, show how flor really struggles,
pwede rin siguro na kunyari while showing the acting may voice over ng boses ni flor
sa kung anong nangyayari. First person point of view)

Scene 17: Bahay ng amo

145 (dinala ng employer si Flor sa kanilang bahay)

146 Employer: This is where you will work

147 (iniabot ng employer ang uniform pang kasambahay kay Flor)

148 (Iniabot ni Flor ang kanyang passport sa kanyang employer)

Scene 18: Bahay ng employer

149 (Kinukuskos ni Flor ang sahig)


150 (Napatid ni Flor ang amo niya)

151 Employer: What the hell?

152 (Sinabuyan ng tubig si Flor)

153 sound: intense sad sound, fade until end of scene

154 (Sinabunutan at sinipa)

Scene 19: Dining Area

155 (Naghahain si Flor)

156 (Nagbuhos ng tubig sa baso ng lalaking amo)

157 (Hinipo ng amo ang kamay ni Flor)

158 (Dinakma ng lalaking amo ang puwet ni Flor)

159 (Napaatras si Flor)

160 Flor: Sir, What are you doing?

Scene 20: Office

161 (Nakaupo sa office chair si Flor kausap sa telepono ang pamilya)

162 (Pumasok ang among babae)

163 Employer: What are you doing? (Lumapit kay flor)

164 Flor: Balik na po ako sa trabaho, ma. (agad ibinaba ang telepono… napatayo)

165 Employer: Why are you waering my clothes? (Hinila ang bohok ni Flor)

166 Flor: Madam. Please, I’m sorry.

167 Employer: Why are you here? Are you stealing from me?

168 Flor: No, ma’am. I’m just talking to my family.

169 Employer: You can’t fool me, you rascal. (isinubsob sa sahig si Flor) From now on, you
will never have your phone.

170 Flor: Please ma’am, no.


Scene 21: sa kwarto ng bahay na pinagtatrabahuhan ni Flor

171 (Umiiyak si Flor)

172 (Puno ng pasa ang muka ni Flor)

173 Flor: Ialis mo na ako dito Beth. Parang awa mo na.

174 Beth: Wala na akong magagawa para sayo. Ginusto mo yan eh. Tiisin mo na lang
para sa pamilya mo.

175 Flor: (Umiiyak…dumukot ng pera, inilagay sa sobre… iniabot kay Beth) Ipadala
mo na lang to sa pamilya ko, Beth. Please!

176 Beth: Sige, sige.

177 (Kinuha ni Beth ang pera at nilagay sa bag… tumayo at umalis na…)

Scene 22: Sa kwarto

178 (Nagpapalit si Flor sa kwarto)

179 (Pumasok ang among lalake)

180 Flor: (Nagulat… nagtakip ng katawan…) Sir, why are you here?

181 (Mabilis na lumapit ang among lalake kay Flor…)

182 (Nanlaban si Flor…)

183 sound: intense sad sound, fade until end of scene

184 (Ginahasa)

185 (Pumasok ang among babae)

186 Employer: AHHHH

187 (Napatayo ang lalaki)

188 (Umiiyak na nagtakip ng katawan si Floor gamit ang kumot)

189 Employer: (tumakbo papalapit kay Flor… sinabunutan… sinipa) How dare you to
seduce my husband

190 Flor: Ma’am, he raped me.

191 Employer: How dare you! (sinubsob si Flor)

192 Flor: Please believe me.


193 Employer: (sinakal si flor)

194 (Nag-umpisang manlaban si Flor)

195 (Lumapit ang among lalake… hinawakan sa maglabilang kamay si Flor…)

196 (Ipinakita ang paa ni Flor na naginginig)

Scene 23:

197 (Isinara ang maleta…)

198 (Nakalawit ang kamay… isinuksok sa loob… isinara ang maleta)

199 (Itinapon ang maleta sa labas)

…Reyalidad…

Scene 24: Kwarto nila Celing

200 (Binabasa ni Celing ang diary ni Flor)

201 (Umiiyak)

202 Celing: Flor, bakit di mo sinabi? Anak ko!

203 (Niyakap ang diary… humagolgol)

- WAKAS -

(After the ending pwede sigurong magdagdag ng epilogue, a scene after the ending. Filipino’s
are addict to happy endings. Maybe you can add a scene na nagbagong buhay na ang
pamilya niya…)

The storyline is good, even the exchange of lines just needs some improvements and addition of
details. Follow the comments and suggestions. Feel free to return the script for
checking and final revision after that you can rehears for the actual scenes)

Regarding the props and costumes, assign someone as in-charge and start gathering all the
props needed even the setting where the scenes will be taken. Consider it in revising
your script. If you think you cannot provide the props and setting for the scene…
better revise or think of another set-up you might adapt. Congratulations in advance.
Just please give justice to the nice story you have crafted.

You might also like