Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

CHARACTER MONOLOGUE

CHARACTER: REMEDIOS NABLE JOSE


“Goyo: Ang Batang Heneral”

Ako si Remedios Nable Jose na anak ni Don Mariano at Dona Paz Borja kilalang
mayayamang negosyante at malapit na pamilya ni Antonio Luna. Isang babaeng
mahinhin at sing tahimik ng lawa. Isang mayumi at marilag na dalaga na nagpa-ibig sa
manggogoyong si Goyo ang kilalang pinakabatang heneral na noo’y nakilala ko sa
Dagupan kung saan sya nadistino upang bantayan ang dalampasigan sa posibleng
pagsalakay ng mga Amerikano. Tinanghal syang pinakamatapang, makabayan, at
tampok na bayaning kilala. Diyan ay wala akong duda, ngunit hindi ibig sabihin nun na
tinatanggap ko na ang alok nyang kasal, gusto kong magmahal ng isang lalaking
mayayakap ko at hindi isang bayaning sa ulap ko lang makikita. Gusto kong sumandal
sa bisig ng isang lalaking alam ang kanyang hangganan ‘pagkat na tupad na nya ang
kanyang tungkulin para sa bayan. Isang taong batid na kahit anumang oras ay maaari
kaming pumanaw, isang taong batid ang mahalagang bagay sa buhay at oo, inaamin ko
na pinapangarap kong si Goyo ang lalaking iyon. Handa kong ibigay ang aking buong
puso para sa lalaking nasa loob ng batang heneral. Kaya ang pakiusap ko ay sana
magbalik sya, magbalik sya matapos ang labanan, magbalik sya bilang lalaking
mamahalin ko. Ipinapangako ko na sa pagdating ng araw na iyon, handa na ako, handa
na ang aking puso. Sa tuwing masisilayan ko ang kalangitan, naaalala kong minsan
nyang itunuro ang pinakamaliwanag na bituin na nandoon at sinabing kapag dumating
ang araw na magkakalayo kami ay mamasdan ko lang ang bituing iyon at ganoon din
ang kanayang gagawin habang iniisip ako subalit lahat ng iyon ay pawang ala-ala na
lamang sapagkat para bang hindi umaayon sa amin ang tadhana. Naudlot ang
hinahangad kong makasama ng panghabang buhay ang batang heneral isinakripsiyo
ang sarili para sa kalayaang minimithi. Muli, ako si Remedios Nable Jose ang huling
pag-ibig ng ni Gregorio Del Pilar.

You might also like