Si Mariya Sa Malamig Na Taglamig

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Si Mariya Sa Malamig Na Taglamig

Noong unang panahon may isang bata na nagngangalang Mariya. Si Mariya ay isang napakabait na bata
at napakamasayahin nito, sa kabila ng kanyang pinagdadaanan. Siya ay siyam na taong gulang lamang at
sya ay inaalagaan ng kanyang lola nita, sapagkat ang kanyang mga magulang ay ayaw ni Mariya.

Nung nakatira pa si Mariya sa kanyang mga magulang palaging sinasaktan siya at sinasabihan palagi si
Mariya ng kanyang nanay, “Ikaw bata ka nung dumating ka sa amin ay dumagdag ka lang sa mga
problema namin.”

Lubos na nasaktan si Mariya pero binalewala lang nya yon sapagkat ang kanyang tatay naman ay bugbog
sarado si Mariya.

Napagdesisyunan ni Mariya na pumunta sa kanyang lolo Nito at dun na tumira.

Si lolo Nito ay nagtitinda sya ng kandila at wala ng kabiyak si lolo Nito. Mahal na mahal si Mariya sa
kanyang lolo Nito. Napakasunurin ni Mariya sa kanyang lolo Nito at palaging pinapangiti ni Mariya ang
kanyang lolo dahil mahal na mahal niya ito higit sa anumang bagay.

Sa katandaan ng kanyang lolo Nito, ito ay nagkasakit ng lubha kaya si Mariya ang nagtinda ng mga
kandila, para may makain sila araw araw. Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, sya ay masayang
inaalagaan ang kanyang lolo dahil mahal nya ito.

Panahon ng kapaskuhan iyon, sa simoy ng malamig na hangin, at puting nyebeng nakapaligid.

Isang araw, lumabas si Mariya sa isang malamig na taglamig, at makulimlim na kalangitan, upang
magtinda ng kandila. Simple lang ang kanyang kasuotan at wala syang sapatos na sinuot. Isang pares ng
tsinelas lang at nilalamig, habang nagtitinda sya ng kandila sa gilid ng kalsada na naghahangad na
makabenta ng mga kandila. Nag-alala ng husto si Mariya dahil wala pang nakain si Mariya at ang
kanyang lolo Nito. Naiwan lang si lolo Nito sa bahay nila Mariya at ito ay nagpapahinga. Malubha pa rin
ang sakit ni lolo Nito.

Habang nagbebenta si Mariya ay lumapit si Mariya, sa isang mayamang babae at binibenta nya ang dala
nyang kandila. Ngunit tumingin lang ito ni Mariya, habang pinangdidirian si mariya at may sinabi ito;

“Umalis ka ngang madungis na bata ka! Hindi ko kailangan ng kandilang iyong tinitinda.”

Kaya umalis si Mariya at ipinagwalang bahala nalang niya, ang masasakit na salita sa isang mayamang
babae.

Pinagpatuloy niya ang pagbebenta ng mga kandila ngunit pinagtitinginan lang sya ng lahat ng tao. Nang
Hindi talaga nakabenta si Mariya ng kanyang kandila, nang nadulas naman sya bigla at sabi niya,
“Arayyyyy, ang sakit!”

Nagtinginan ang lahat ng tao kaya tumayo siya ng mabilis at may mga bata pang pinagtatawanan si
Mariya.
Napakasakit ng kanyang buong katawan kaya humanap nalang sya ng isang pwesto na uupuan. Umupo
si Mariya sa harap ng isang malaking magandang bahay at nagpahinga siya doon. Nararamdaman niya
ang gutom at ang lamig ng kanyang buong katawan. Napaluha si Mariya ngunit nilakasan niya ang loob
kaya nag-isip siya ng paraan upang mawala ang lamig na nararamdaman.

Nang paglingon niya sa gilid na bobong sa malaking bahay. Nakita niya ang isang repleksyon ng pagkain
na mga masasarap at isang pamilyang masayang kumakain. Si mariya ay napangiti habang napabuntong
hininga.

Sabi ni Mariya, "Sana makaranas rin ako ng isang masayang pamilya na may masasarap na pagkain at
mainit na tahanan di katulad ng nararanasan ko ngayon, sabay tulo ng kanyang luha.”

Nawala ang repleksyon ng mga pagkain, nang nawala ang apoy sa kandila dahil sa malamig ng simoy ng
hangin, kaya nagsindi uli siya at nung humarap si Mariya ay nakita nya naman ang kanyang lolo na
ngumingiti sa kanya. Napatayo siya bigla.

Napatanong si Mariya, “Ba’t nandito ka lolo? Kailangan magpahinga ka lolo upang ikaw ay gumaling.”

Napangiti ang kanyang lolo Nito sabay sabing, “Nagpapahinga na ako apo at magaling na rin ako.”

Napangiti rin si Mariya at tumakbo tas niyakap niya ng mahigpit ang kanyang lolo Nito. Ramdam niya
ang init na yakap ng kanyang lolo na lubos nagpasigla at nagpasaya sa kanya.

Sa oras na iyon, habang may sindi pa ang kandilang dinadala ni Mariya ay may sinabi ang kangyang lolo
Nito at sabi ni lolo Nito, “Halika apo kong minamahal! Sumama ka sa akin sa paraisong walang
hangganang kasiyahan at di makakaranas ng mapait na buhay, sabay ngumiti ang kanyang lolo Nito.”

Si maria ay napangiti at sabay sabing, “Sige po lolo hanggat nandyan ka sa tabi ko, sasama ako dahil ikaw
ang pinakamamahal kong lolo Nito.”

Kinuha ang kamay ni Mariya at sabay naglakad sina lolo Nito. Lumakad sila sa isang liwanag na
magandang paraiso.

Nang namatay ang ilaw ng kandila, dun din sa oras na iyon ay ang batang si Mariya ay napapikit ang
mata. Sabay tulo ng kanyang munting luha ng kasiyahan na may halong paghihinagpis, at hindi na
nagising sa isang malamig na taglamig.

Sumama na siya sa kanyang lolo Nito na nasa langit na, at sya ay masaya sa piling ng kanyang lolo Nito.

You might also like