Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BUSOG

By: Xyquielyn L. Madjus

Kapag busog ay malusog, ito ang palaging nasa isip ko kapag may pagkain

sa aking harapan. Nagkakaroon ako ng sigla tuwing ako ay nabubusog, lahat ng

libre ay hindi ko tinatanggihan basta ang kapalit lamang ay mabusog ako, makapal

na kung makapal ang mukha, pero libre na’to e, aayaw paba?

“Xy, plaza ta, libre nako.” Agad na umaaliwalas ang aking mukha kapag naririnig ko

ang mga katagang ito. Mga katagang nagbibigay ng sigla sa aking mga tenga at

nagbibigay buhay sa aking dugo.

Kapag ako ay nakakakita ng mga pagkain na tinitinda, kapag ay gusto ko itong

kainin, kahit pa paubos na ang aking pera, hindi ko ito aatrasan at bibilhin parin, para

sa kapakanan ng aking sikmura na mabusog lang.

Sariwa pa sa aking isipan ang mga kaganapan noong kaarawan ng aking pinsan,

siya ay mag tatatlumpung taong gulang, sobrang saya ko sapagkat kami ay inimbita

ng kanilang pamilya, hindi masukat ang saya ng aking mga kapatid nang pumayag

ang aming ina na pumunta sa selebrasyon. Kasama ko ang aking mama at ang

aking apat na kapatid na nagpunta sa kanilang bahay, sa malayo kasi gaganapin

ang selebrasyon kung kaya ay nangangailangan ng masasakyan, sa kadahilanang

wala kaming sasakyan kung kaya't kami ay makikisakay na lamang. Isang malaking

truck ang aming sinakyan, muntik pang hindi makasakay ang aking bunsong kapatid

dahil bumaba siya ng truck buti nalang ay nakita siya ng isa sa aming mga kasama,

sabi pa ni mama " Bisag layo nata, magpahunong jud ko ug mobalik sa agi". Hindi
umabot ng isang oras ang aming byahe, pagkarating namin sa nasabing lugar ay

agad akong namangha sapagkat, napakaganda ng lugar, maaliwalas at tahimik,

pagpasok namin sa loob, makikita ang maraming slides, ibat ibang pools na may iba

ibang lalim, may pambata at may hanggang dibdib at may 7ft pa. Kami ng kapatid ko

ay na eexcite nang maligo ngunit nahihiya naman kaming pumunta agad sa pool,

kaya kinuha ko nalang muna ang aking cellphone at nagpakuha ng maraming

pictures sa aking kapatid, kinuhanan ko rin ng mga litrato ang paligid, ang mga

handa at ang mga kasama namin sa lugar, mga ilang minuto pa ay unti unting

nagkakatao ang mga swimming pools dahil sa mga batang gusto na maligo, hindi

nagtagal ay sumunod na rin ang aking mga kapatid, habang ako ay nanatili muna sa

isang bench at nagtitiktok. Dumating ang oras ng kainan kaya ang lahat ay umahon

sa pools at nagsipuntahan sa lamesa, sobrang dami ng handa, may lechon, manok,

puto, pancit, spaghetti, at iba pang ulam, may mga panghimagas din tulad ng cakes,

ice cream, ice candy at iba pa, diko na matandaan yung iba, hindi pa naman ako

masyadong gutom kaya kumuha nalang ako puto at nagpunta sa pool na may 6ft na

lalim. Sa gilid lang sana ako kaso tinawag ako ng kapatid ko, sabi niya " Sa ilalim

tayo, ate", hindi ako pumayag at hindi siya pinansin, ngunit siya ay unti unting

bumababa sa mga hagdan kaya akoy nainggit at sinunod ang ginawa niya, sa

kasamaang palad ako ay dumulas at dumiritso sa ilalim, nahawakan ko rin siya kaya

kaming dalawa ang nadulas, sa mga oras na iyon ay para akong nakikipaghabulan

sa aking hininga, hindi ako marunong lumangoy kaya ako ay nataranta na lamang,

sa lalim ng pool, mga kamay ko ay walang makapitan, gusto ko nalang magmura

sapagkat hindi ko na kaya, nakita ko ang aming mga kasama na nakatingin lamang

sa amin, akala ata nila na kami ay naglalaro lamang, gusto ko nang umiyak, ang

kaninang nararamdamang galak ay napalitan ng takot at pangamba, pano na?


bigla nalang may humila sa aking kamay at dinala ako sa ibabaw ng pool, para

akong nanghina at hindi alam ang gagawin, marami akong nainom na tubig, sa

sobrang dami, hindi ko na naisip na kumain pa dahil sa tubig ng swimming pool,

ako'y busog na busog na.

You might also like