Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

ARELLANO, CRISTY V

ARC-3101
GAWAIN 2: PAGSULAT
1. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng teoretikal na batayan sa pagsasagawa ng pananaliksik?

Ang pananaliksik ay isang proseso ng pagtuklas ng mahahalang imormasyon at pag-aanalisa ng mga teorya
na kaugnay ng paksang tinatalakay. Ito ay isinasagawa upang lutasin ang problema o hadlang sa buhay ng isang
suliranin na nangangailangan na bigyan ng solusyon. Sa pamamagitan ng teoretikal na batayan ay mapag-uugnay
ng mananaliksik ang mga konsepto, teorya at kahulugan na nagpapakita sa sistematikog pananaw ng isang
phenomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon o kaugnayan ng mga baryabol sa isang paksang pinag-
aaralan. Inilalahad dito ang sariling pagtingin sa paksang pinag-aaralan ng mananaliksik gayundin ang mga ideya
at konseptong dapat palitawin sa ginawang pananaliksik sa tulong ng mga teoryang may kinalaman sa paksa.
Maipagkukumpara ng mananaliksik ang nilalaman at mga literatura na ginamit upang mabuo ang konklusyon at
nilatag na mga impormasyon. Maari din makakuha ng solusyon o posibleng kalalabasan ng isinasagawang
pananaliksik.

2. May pagkakaugnay ba ang ang teoryang Nasyonalismo at teoryang Dependensiya?

Pangatwiranan ang sagot.

Parehas nagkakaroon ng epekto ang dalawang teorya kapag nagkaroon ng imbalanse ang isa. Sinasabing
ang nasyonalismo ang nakapagbibigay ng iisang pagkakakilanlan o hangarin at ang teoryang dependensya namn
ang nakapagsasabi na sa pag-unlad ng isa ay pag-hirap naman ng iba. Sa madaling salita ang dalawang teorya ay
pangangalap ng solusyon ukol sa isang bagay na nais nating makamit para sa ating pang-sariling pag-unlad at para
sa ating bansa. Ang nasyonalismo ay isang kaisipan o higit na pagtangkilik at pagmamahal sa ating lokaliad o
pinagmulan. Ito ay isang terminong ginagamit upang malaman kung saang bansa tayo nakapanig at nakasuporta.
Ang teoryang dependensya ay isang kaisipan na kasabay ng pag-unlad na nagmumula sa labas ng pinaka sentro
ng ating bansa o ekonomiya ay kasunod ang paghirap o pagkalimitado ng nakakamit na pagunlad sa ibang tao o
lugar ng isang lugar.

3. Ano ang teoryang Marxista at paano ito ginagamit sa pagsusuri ng isang teksto?

Ang teoryang ito ay inuunawa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan at hinahanapan ang akda ng
patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at
matapang, mahirap at mayaman. Inilalahad ng teoryang Marxista ang mga impormasyong batay sa paghahanap
para sa pagkakapantay-pantay ng mga klase sa lipunan, kung saan ang proletaryado ay maaaring magkaroon
ng parehong mga benepisyo at karapatan bilang ang natitirang lipunan. Isang serye ng mga ideya na pumuna
sa sistemang kapitalista para mapalakas ang pakikibaka sa klase at itaguyod ang kapangyarihang pang-
ekonomiya ng burgesya na tumutukoy sa halaga ng paggawa at ang mga konsepto ng halaga ng paggamit at
halaga ng palitan, batay sa kanyang inilalantad bilang kalakal. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at
kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, hindi padadaig
ang naaaping tauhan, babalikwas ito upang magapi ang nang-aaping lakas.
4. Ano ang pinakamahalagang ambag ng Pantayong Pananaw at Sikolohiyang Pilipino?
Magbigay ng mga halimbawa.
Sa pamamagitan ng pantayong pananaw, nagkaroon ng mas epektibong pakikipag-ugnayan ang
bawat Pilipino. Malayang naibabahagi ang mga kaalaman, karunungan, halaga, katangian, hangarin,
kaugalian, pag-aasal sa wikang atin. Ditto nagsimula ang salitang ‘tayo’, ‘kayo’, ‘sila’ at ‘kami’. Pinapahayag
nito na may roong komunikasyong nagaganap sa pagitan ng bawat Pilipino. Ito’y nangangahulugan na may
naiambag ang pantayong pananawsa mga Pilipino noon at ngayon. Samantala, sa Sikolohiyang Pilipino, ang
naiambag nito sa atin o sa Pilipino ay pagkakakilanlan at kamalayan sa wika o kultura. Ito’y isang pagkakatain
para sa paglaki, pag-abot, at epekto na maaaring magdulot ng kagandahan sa bansa. Halimbawa nito ay ang
pagkakaroon ng ating bansa ng mg produktong sa atin lamang makikita at maaring maipapalit sa produkto
ng iba pang mga bansa dahil may pagkakakilanlan ang bawat.Sinasabi na ang Sikolohiyang Pilipino ay ang
bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyon ng ating bansa o Pilipinas.

5. Ipaliwanag ang teoryang bakod, bukod, buklod gamit ang sarili mong perspektiba.
Sa aking palagay, ang teoryang bakod ay ang limitasyon ng isa o iba pang panig maging teritoryo or
lugar. Ang bakod ang nagsisilbing gabay upang magkaroon ng kani-kaniyang pagkakakilanlan. Sa
pamamagitan ng teoryang bakod, malalaman nating may hangganan ang mga impormasyon at ilalahad sa
madla o sa pananaliksik. Samantala, ang bukod naman ang tumutukoy sa pagkakahiwalay ng isang bagay
mula sa dating kinabibilangan. Ang buklod namn sa kabilang banda ay ang pagkakaroon ng pangkat at
pagkakabuo ng isang bagay o istraktura. Ditto ay may kani-kaniyang kinabibilangan ang lahat.

You might also like