Paalala Sa Bawat Tao - Sermon - Death - Tere Diaz

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Paalala sa Bawat Tao

Genesis 2:7

Isang mabuting kwento na may aral ang tungkol kay Alexander the Great sa kamatayan.

Sinasabi na bago pumanaw ang dakilang conqueror, mayroon siyang habilin.

Una, kapag siya ay ililibing, siguraduing nakalawit ang kanyang mga kamay para makita ang kanyang mga palad.

Pangalawa, ang mga magdadala sa kanya sa libingan ay mga manggagamot.

Nang tanungin kung bakit, ganito ang kanyang paliwanag.

Una, nais niyang nakalawit ang kanyang mga palad upang ipaalala sa lahat na bagamat siya ay napakayaman,
wala ng dadalhin na anuman sa kanyang kamatayan. Pangalawa, mga doctor ang magdadala sa kanya sa hukay
upang ipaalala sa lahat na walang sinumang matalinong doctor ang makakapigil sa kamatayan ng sinumang tao.

Madalas tayong makalimot. Kaya nga sinulat ang Biblia upang ipaalala sa atin ng Diyos ang kanyang presensya at
ang kanyang pagmamahal sa atin. Ipinapaalala rin ng Biblia ang ating mga sangkap sa ating katawan at ang ating
espiritu, upang lalo natin makita ang pagpapahalaga ng Diyos sa atin.

Ang Genesis 2:7 ay paalala sa ating pinanggalingan - na siyang ating kahihinatnan...ang lupa.

Una, galing sa alabok, tayo ay babalik sa alabok.


Pangalawa, ang ating hininga ay mula sa Diyos, at ito ay babalik sa Diyos.
Pangatlo, may simula ang buhay at ito ay may hangganan.

Aralin natin ito isa-isa. Pagpalain nawa tayo ng Diyos sa pakikinig ng kanyang salita.

1. Una mga kapatid, kapag inalala natin ang kamatayan, ipinapaalala sa atin ang ating mababang kalagayan.
Alalahanin natin na tayo ay mula sa lupa kaya babalik tayo sa lupa. Ang ginamit ng Diyos sa paggawa ng
katawan ng tao ay putik. Kaya tandaan natin, sa ilalim ng hukay -lahat ay pantay-pantay. Tulad ng sabi ng isang
kasabihan;

Six feet under the ground, all are equal.

Hindi nararapat ang mang-agrabiyado ng kapwa tao dahil kapantay po natin ang isa't isa. Matalimo man o
mayaman, hindi po tayo nakakahigit sa ating kapwa kung mahirap man sila o kulang sa pinag-aralan, dahil
pagdating sa kamatayan - lahat tayo ay maaagnas. Lahat tayo ay matutunaw. Lahat sa kamatayan ay babalik sa
alabok.

2. Pangalawa, ipinapaalala ng karanasan ng kamatayan sa atin na ang ating hininga ay hininga ng Diyos. Ang
buhay natin ay hiram sa Diyos. Ito naman ang karangalan ng tao. Buhat sa Diyos ang ating buhay.

Kanina, nasabi natin na ang ating katawang mula sa lupa ay nagpapalala sa atin sa ating mababang pinagmulan,
ito namang pangalawa ay nagsasabi na may sangkap tayo na banal, at mula sa Diyos.

Dala natin ang hininga ng Diyos. Ayon sa Biblia, "Hiningahan ng Diyos ang tao, at ito ay nagkabuhay."

Dala natin ang hininga ng Diyos sa bawat sandali ng ating buhay.

Nasa bawat tao ang wangis ng Diyos. Nasa bawat tao ang hininga ng Panginoon.

Huwag na tayong magtataka kung bakit napakahalaga ng bawat tao sa Diyos. Tayo ay bahagi ng buhay ng
Panginoon.

At dahil hininga ng Diyos ang isa sa atin, mabuti ngang ingatan natin at pakamahalin ang ating buhay. Panatilihin
natin itong malinis at banal. Dahil ibabalik mo yan sa may-ari.

3. Panghuli, ang kamatayan ay nagpapa-alala sa atin na may hangganan ang buhay. Dahil dito, ituring nating
isang maigsing pagkakataon ang buhay dahil pansamantala lamang ito.

Mahalin natin ang ating mga kapatid. Paglingkuran natin ang ating mga magulang habang nandiyan pa sila.
Maigsi lang ang buhay. Huwag natin itong sasayangin. Pinapakilala ng kamatayan ng tao na hindi natin
hawak ang ating buhay. Gamitin natin ito para sa kaluwalhatian ng Diyos.

You might also like