Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Filipino

Pangalan: Irish Eloisa G. Maligalig


Seksyon: Jhs 9B
Guro: Ma’am Jeannette Ann Canuel
Maria Clara
Ako si Maria Clara,Ang buong pangalan ko ay Maria Clara Delos Santos y Alba, o kung minsan

tawagin ay “clarita”, ako ay tinaguriang pinakamaganda at bantog na ginang sa bayan ng San

Diego, Si Kapitan Santiago Delos Santos at Doña Pía Alba ay ang aking mga magulang o yun

ang aking akala, ang aking ina na si Doña Pía Alba ay namatay nang ako’y isinilang niya kaya

hindi ko siya nakikila o Nakita, si Crisostomo Magsalin Ibarra ay ang aking kababata na anging

nobyo ko at ang yumaong ama ni Crisostomo, Si Don Rafael Ibarra, ay kaibigan ng aking ama na

si Capitan Tiago kung tawagin, at si tita Isabel ay ang kapatid ng aking ama, at pang huli ang

aking ninong ko na si padre damaso,para sa kanya ako ay isang kung tawagin ay banal na babae

dahil ako raw ay mestiza, maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, mapagpakamalasakit ngunit

may matatag na kalooban. Ang aking talento ay pagkanta at ako ay Ipinadala ni Kapitan Tiago,

ng aking ama,sa Colegio de Santa Catalina at dun nag-aral ng doktrina relihiyon , Ako’y

nakapag-aral ng ganoong paksa ay dahil ako ay isang Romano Katoliko,kinakaugalian ko na

magdasal,mag-aral ng bibliya, laging nasimba tuwing may misa sa simbahan,sumusunod sa

hangarin ng simbahan at nasunod sa prayle kaya rin noong una ako ay isasama sa prusisyon,at

ang mga prayle ang mag-aasikaso akin at ako raw ay bibihisan ng katulong ng puting suotin, At

kaya ako ay ang nagging “perpektong kababaitan” ng mga filipino noon, Ang Katolisismo ang

nakaimpluwensya sa paglikha ng isang “babaeng iidolo” ng mga babaeng Pilipina.kaya’t Ako, Si

María Clara ang nagging isang kolonyal na pigura at naging huwarang babaing Pilipina dahil ang

mga katangian ko ay pang Virgin archetype, pinapangunahan ang kadalisayan, kalinisang-puri at

sakripisyo, at naging huwaran ng kabutihan; "mahinahon at nagpapakawala sa sarili" at

pinagkalooban, napakabait at maalalahanin, at napapansin ang mga tao na hindi nakikita ng iba.

Sumisimbolo rin ako na isang walang kapangyarihang Pilipina. mga pinahirapan at nagdusang
inosenteng pilipino na ginawa ng mga paring Katoliko gawa ng kanilang mga masasamang

ginawa sa mga Pilipino noon. Aking pysikal na pigura ay sabi nila na hindi ko raw katulad si

ama na maliliit ang mata sapagkat katulad ko ang aking ina ,malalaking mata at maitim, mahaba

ang pilikmata at ako raw nakangiti kapag ako ay naglalaro, malungkot at madamdamin at nag-

iisip kapag hindi siya tumatawa. Mula pagkabata man ay ang aking buhok ay may halos

ginintuang kulay,ang aking ilong tama lamang hindi matangos o pang, ang aking bibig ay

pagtinitignan nila ay naalala nila ang aking ina, maliit at perpekto,Ang aking balat ay kasing pino

katulad ng balat ng sibuyas at ang kulay nito ay kasing puti ng bulaklak, sa aking ama ko naman

ang aking maliit at mabilog na mga tainga. Aking papanalita ay halong filipino at Espanyol,

pananamit naman ay traje de mestiza ito ay isang uri ng tradisyonal na damit na isinusuot ng mga

kababaihan sa Pilipinas kasama ng pañuelo at tapis Isang gabi ang aking ama,kasintahan at mga

prayle, kasama na dun ang aking ninong,si padre damaso ay nagkasalohan para sa haponan at

ang aking nobyo na si ibarra at si padre damaso ay nagkatalo at dun nagsimula ang lahat ng

kaguluhan sa buhay naming dalwa ni Crisostomo ang aking kasintahan, Ang aking ama ay sunod

sunuran sa aking ninong kaya nung sinabi ng aking ninong na kami ay paghiwalayin ni

Crisostomo at siya ay ginawang ay sumunod ito agad at pinaglayo kami agad sa pamamaraan na

itiniwalag si Crisostomo upang di siya makalapit saakin at di matuloy ang pagiging isang dibdib

naming, gusto rin akong ipakasal ni padre damaso sa inaanak ng kanyang kamag-anak na galing

sa espanya at siya ay punong kastilla pero kahit ito ay punong kastilla ang habol lamang niya

saakin ay aking kayamanan at ang aking mana na galing sa aking ama ako ay nagkasakit at

Pinilit ako ni Padre Salvi na umamin matapos sumama ang aking pakirarmdam at na isiniwalat

na si Padre Damaso talaga ang aking tunay na ama.

You might also like