Detailed For ESP DEMO-1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA ESP 2

MARICAR NEMBRIS-CALAMBRO
Pangalan ng Guro

September 15,2023
Petsa

KALAMTUKAN ELEMENTARY SCHOOL


Paaralan

Unang Markahan
Week 2

SINTO , AIRIZ N.
PABILLO , RIZAMY C.

I. Layunin:
1. Maunawaan ang kahalagahan ng pagbabahagi ng kakayahan at talento sa
pagpapaligaya ng ibang tao.
2.Magagamit sa klase ang taglay na kakayahan.
3.Magbigay ng inspirasyon at ligaya sa pamamagitan ng paggamit ng sariling
kakayahan at talento.

A.Content Standard: Naipamamalas ang pag unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa


sarili at pagkakaroon ang disiplina tungo sa pagkakabuklod-buklod o pagkakaisa ng
mga kasapi ng tahanan at paaralan
B.Performance standard: Naisasagawa ng buong husay ang anumang kakayahan o
potensyal at napaglalabanan ang anumang kahinaan.
C. Most Essential Learning Competencies (MELC): Nagpapahalagahan ang saya at
tuwang dulot ng pag bahagi ng anumang kakayahan at talento. (EsP2PKP-Ic-9)
II. Paksa:
A. Kakayahang taglay
B. Sanggunian: MELC sa Edukasyon sa Pagpapakatao ,p.9
C. Mga kagamitan: larawan, bond paper, Visual Aids
D. Pagpapahalaga : Malugod na pagtanggap na ang bawat isa ay may angking
kakayahan at kahinaan.

III. Pamamaraan

A. Pagahahanda

1.Panalangin “Mga bata inaanyayahan ko kayong magsitayo para sa ating


panalangin. Sa ngalan ng Ama, ng anak ng diyos Espiritu
santo, amen”

2.Pagbati “Magandang araw sa inyo mga bata.


Kamusta naman ang araw niyo ngayon?
Maganda,
Mabuti kung ganon.”

3.Pagtatala sa liban “May mga lumiban ba ngayon sa klase?


Mabuti't naman at wala.”

4.Pag-awit “Pero bago kayo mag si-upo mga bata, tayo muna ay
kakanta at mag e-energize. Kakantahin at sasayawin natin
ang ‘kung ako ay masaya tumawa ka hahaha’, sige sabay
sabay tayo mga bata,
Kung ako ay Masaya tumawa ka hahaha’
Kung ako ay Masaya tumawa ka hahaha'.kung ako ay
Masaya buhay ko ay sisigla kung ako ay Masaya tumawa ka”
Magaling! palak-pakan niyo ang inyong mga sarili mga bata
at pwede na kayung mag si-upo.

“Bago ang lahat, narito ang mga tuntunin na dapat ninyong


5.Mga tuntunin alalahanin;
1.Makinig ng mabuti sa guro,
2. Itaas ang kamay pag May sasabihin sa klase o isasagot,
3.Sasagot lamang pag ikaw ay tinatawag,
4.Iwasan ang paggawa ng ingay habang nasa klase.”

“Ngayon sa puntong ito, narito ang mga layunin na dapat


6.Layunin natin ngayong isa alang-alang.
1. Maunawaan ang kahalagahan ng pagbabahagi ng
kakayahan at talento sa pagpapaligaya ng ibang tao.
2.Magagamit sa klase ang taglay na kakayahan.
3.Magbigay ng inspirasyon at ligaya sa pamamagitan ng
paggamit ng sariling kakayahan at talento.” Ito ba ay naisa
-ulo ninyo mga bata?
Mabuti't naintindihan.

7.Unang gawain “Ngayun ay una tayong dadako sa pauna nating gawain,


handa naba ang lahat? Mabuti.”

“Ngayon, May mga larawan ng tao akong ipapakita sa inyo.


Sila ay sikat at nagtataglay ng natatanging kakayahan.
Pumalakpak kayo ng tatlong beses kung kaya ninyong gawin
ang kakayahang taglay ng sumusunod na litrato , at walang
gagawin kung hindi mo ito kayang gawin ang kanilang
ginagawa”
“Ito'y naintindihan ba ng maayos mga bata?”

“Sa unang litrato, kilala niyo ba ang taong ito? Si Leah


Salonga, tinataglay niya ang galing sa pagkanta, kaya niyo
bang gawin ang kakayahang taglay niya?
Magaling ,May ilan sa inyo ang May kaya”

Sa pangalawang litrato naman ay si vice ganda, siya ay


mahilig magpatawa sa napakaraming tao na karamihan ay
tinatawag din nating komedyante, ngayon ang tanong kaya
niyo bang gawin ang kakayahan na meron siya?
Wala, so napaka bihira pala ng kakayahan ni Vice mga bata”

Sa pangatlo,kilala niyo ba ang taong to? Yes si Billy


Crawford, si Billy Crawford ay may kakayahang sumayaw sa
harap ng madla o mga tao, May kakayahan rin siya sa
pagiging actor. Kaya niyo ba ang ito?”
May iilan, mabuti kung ganon, May iilan rin sa inyo ang may
kaya.”

B.Paglalahad “So ngayon mga bata, ano kaya sa tingin niyo ang paksa na
tatalakayin natin ngayon? Tama, ito ay tungkol sa
Kakayahang Taglay”

“Ano nga ba ang kakayahang taglay?


Ang kakayahang taglay ay ang mga natatanging kakayahan,
talento, o abilidad ng isang tao na ginagamit upang
magtagumpay sa iba't ibang larangan ng buhay. Ito ay mga
natatanging galing na maaaring gamitin sa iba't ibang
paraan, depende sa indibidwal na mayroong mga ito.”

Naintindihan niya ba mga bata? Mabuti namn kung ganon”

C.Pagsasanay “So ngayon mga bata natapos na nating talakayin ang


patungkol sa kakayahang taglay. Meron akong ipapagawa sa
inyo, handa naba kayo?”

“Magaling! “

“So Meron akong ibibigay na short bond papers. So eto yung


gagawin ninyo.

Iguhit ninyo sa bond paper ang thumbs up 👍 kung kaya

mamaya tas iguhit naman ang thumbs down 👎


ninyo gawin ang mga susunod na larawan na ipapakita ko
kung eto
naman ay hindi niyo kayang gawin at pagkatapos niyan itaas
niyo lang ang inyong iginuhit na thumbs up and thumbs down
pagkatapos niyong makita ang mga larawan naintindihan
lang ba mga bata?
Okay so ngayon handa naba kayo?”
“Magsisimula Tayo sa unang litrato(and so on)
Nasiyahan ba kayo sa ating ginawa ngayong gabi?
“ Magaling”!

D.Paglalahat “Mga bata, Ano nga ba ang dapat gawin sa iyong


kakayahan?”

“Tama!”
“Mahalaga na maunawaan natin ang kahalagahan nang
pagbabahagi nang ating kakayahan at talento upang mas
lalo nateng mapalinang ito. Hindi pwedeng itago natin ang
ating mga kakayahan at talento dapat naipapamalas din natin
ito sa ibang tao naintindihan niyo ba mga bata? Very good!”

“Ano ang dapat gawin sa kahinaan?”

“Very good!”

“Upang malampasan ninyo Ang inyong kahinaan kailangan


mataas nng kumpiyansa at tiwala ninyo sa inyong sarili.
Nakuha niyo ba mga bata? Mahalaga na may tiwala kayo sa
inyong sarili at wag na wag ninyong iisipin Ang mga sinasabi
nang ibang tao para masaya lang lagi Diba?”

“Very good! Palakpakan ninyo Ang inyong mga sarili.”


IV.Pagtataya “Okay so wala naba kayong mga katanungan mga bata?”
“Magaling!”

“So sa puntong eto magbibigay ako nang pagsusulit. Okay so


kumuha kayo nang papel at lapis at sagutin ang mga
sumusunod na tanong ilagay lamang ang Tama kung eto ay
nagpapahayag nang katotohanan at Mali naman kung eto ay
nagpapahayag nang kamalian. Naintindihan niyo ba ang
panuto mga bata? Very good so meron kayong 3 minuto para
sagutan ang mga katanungan.”

“So tapos na yung oras. Ipasa na ang mga papel ako nalang
ang magchecheck niyan.”

“Okay assignment”
V.Kasunduan
“Isulat ang mga kakayahang taglay nang bawat mag aaral at
kung paano nila ito nabigyang halaga lalo na sa pag bahagi
nito sa iba. Isulat niyo Yan sa inyong kuwaderno. “

Narito ang criteria na dapat nyong maisa alang-alang sa


paggawa ng kasagutan.

Nilalaman: 20%
Kaayusan at kalinisan sa pagsulat: 10%
Organisasyon: 20%

Kabuuan: 50%

“Wala na ba kayong mga katanungan mga bata?

Okay so tumayo ang lahat para sa panalangin.

(In the name of the father and of the son and of the holy
spirit. Amen)

Goodbye class!

You might also like