Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

URI NG PAGPAPAHAYAG AT

MGA MATALINHAGANG PAGPAPAHAYAG

Pagpapahayag
- ay ang pagsasalaysayy ng pangyayari sa isang nakaraan o ang pangyayari sa kasalukuyan.

MGA URI NG PAGPAPAHAYAG


1. PAGLALAHAD
- isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magbigay-linaw sa isang konsepto o kaisipan, bagay o
paninindigan upang lubos na maunawaan ng mga nakikinig o bumabasa.
BAHAGI NG PAGLALAHAD
 Simula
a) Pagtatanong
b) Pakukwento o Pagsasalaysay
c) Pagsipi o paghalaw
d) Paggamit ng siniping pahayag
e) Dayalogo o usapan
f) Makatawag pansing pangungusap
 Katawan
 Wakas

2. PAGSASALAYSAY
-nagsasaad ng pangyayari o karanasang magkaugnay. Katulad ito ng pagkukwento ng mga kawili-wili
na pangyayari pasulat man o pasalita. “itinuturing itong pinakamasining, pinakatanyag at tampok na
paraan ng pagpapahayag. Pinkamatandang uri ng Pagpapahayag. Tinutugunan ang mga tanong na
sino, saan, kailan, paano, ano at bakit.
URI NG PASALAYSAY
 Patalambuhay
 Nagpapaliwanag
 Paglalakbay
 Pangkasaysayan
 Pangyayari
 Alamat at saysayin
 Maiikling kwento

3. PANGANGATWIRAN
- Nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay magiging katanggap-
tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig.
URI NG PANGANGATWIRAN
 Pangangatwirang Pagbuo (INDUCTIVE REASONING) (Specific to General)
Ex. May karinderya ang aking kapatid at malakas ang kita duon, magtatayo rin ako.

Nahahati ang pangangatwiran sa tatlong bahagi:


a. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad
b. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag uugnayng pangyayari sa sanhi
c. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay

 Pangangatwiranf pasalaw (DEDUCTIVE REASONING) (General to Specific)


ex. Lahat ng mag aaral sa Up ay matalino
Si ryan ay isang mag aaral sa UP
Si ryan ay matalino

4. PAGLALARAWAN
- Naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. Sa
pamamagitan ng paggamit ng iyak na salita na naglalarawan gaya ng Pang-uri at Pang-abay na
malinaw na nagpapakita ang katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o
nadarama. Napapagalaw din ng paglalarawan ang ating mga guni-guni, imahinasyon at nakatatawag
ng pansin ng mambabasa.
URI NG PAGLALARAWAN
 Karaniwang Paglalarawan (Pahayag na makatotohanan)
-kung ano ang nakikita, naririnig, nadarama o nalalasahan, iyon ang gagamitin sa ginagawang
paglalarawan.
 Masinig na paglalarawan (matalinhagang pahayag)
-abstrak na paglalarwan. Hindi makikita ng kongkreto ang larawan o imahe sa sinasaad ng manunulat.

Mga Uri ng MatalinhagangPagpapahayag(Mga Tayutay)


Ito ay mga salita o mga pahayag na ginagamit upang bigyan-diin ang isang kaisipan o damdamin.
Narito ang mga ilan sa mga gamiting matalinhagang pahayag (mga tayutay):

1. Pagtutulad (simile) • naghahambing sa 2 magkaibang bagay, tao, o pangyayari.


Ginagamitan ito ng mga salita’t pariralang: tulad ng, gaya ng, animo’y, mistula, tila, wariatbp.
Halimbawa: • Tila yelo sa lamig ang kamay ng nenenerbyos ma mang-aawit.

2. Pagwawangis (metaphor) • isang tuwirang paghahambing. Hindi ginagamitan ng mga pariralang:


tulad ng, kawangis ng gaya ng, atbp.
Halimbawa: • Para kay Sam Milby, si Anne Curtis ay isang Dyosa.

3. Pagsasatao(personification) • pagsasalin ng mga katangian ng tao sa isang bagay. Naipapahayag ito


sa pamamagitan ng paggamit ng pandiwa.
Halimbawa: • Ngumiti ang kapalaran nang magpunta siya sa ibang bansa.

4. Pag-uyam (irony) • ginagamitan ng pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng


mga salita na kung pakikinggan ay tila kapuring-puring pangungusap.
Halimbawa: • Talagang matalino ka, malamang bumagsak ka sa pagsusulit na iyong kinuha.

5. Pagsalungat (epigram) • ang mga salitang pinag-uugnay rito ay pinagsasalungatan sa kahulugan.


Halimbawa: • kung sino ang gumawa ng batas, siya ang unang lumalabag.

6. Paglilipat-wika (transferred epithets) • pagpapahayag na naglilipat sa mga bagay na walang buhay


ng mga katangian na ginagamit lamang ng tao. Ginagamit ang mga pang-uri.
Halimbawa: • Masaya ang kulay ng kanyang bestida.

7. Pagtanggi (litotes) • gumagamit ng salitang ‘hindi’ upang maipahiwatig ang lalong makahulugang
pagsang-ayon sa sinasabi ng salitang sumusunod.
Halimbawa: • Ang puso ko ay hindi bato.

8. Pagtawag (apostrophe) • kahawig nito ang pagsasatao. Dito’y ginagawa ang pakikipag-usap sa
karaniwang bagay na tila ba nakikipag-usap sa isang buhay na tao.
Halimbawa: • Buwan na kay rikit, tanglawan mo ang aking pusong naguguluhan.

You might also like