Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Patakarang Panloob sa Pagpupulong ng Sangguniang Barangay

Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Nueva Ecija
Bayan ng San Leonardo
BARANGAY _____________________

PATAKARANG PANLOOB SA PAGPUPULONG


NG SANGGUNIANG BARANGAY
(SANGGUNIAN INTERNAL RULES OF PROCEDURE)

Barangay ______________________________ Page 1


Patakarang Panloob sa Pagpupulong ng Sangguniang Barangay

ORDINANSANG BARANGAY BLG. _____


SERYE _______

PATAKARANG PANLOOB SA PAGPUPULONG NG


SANGGUNIANG BARANGAY
(SANGGUNIAN INTERNAL RULES OF PROCEDURE)

PATAKARAN BLG. 1
KABUUAN NG SANGGUNIANG BARANGAY

Seksyon (Sek.) 1. Ang Sangguniang Barangay ay bubuuin ng Punong Barangay, pitong


(7) Kagawad na naihalal sa kanilang barangay nang naaayon sa itinatadhana ng umiiral na
batas. Ang Chairman ng Sangguniang Kabataan (SK) sa kanilang barangay ay uupo sa
sanggunian bilang “ex-officio member” ng Sangguniang Barangay.

PATAKARAN BLG. 2
KABUUANG BILANG UPANG MAKAPAGDAOS NG PORMAL NA PAGPUPULONG
(QUORUM)

Sek. 2. Ang lahat ng kasapi ng Sangguniang Barangay ay may responsibilidad na


dumalo sa mga itinakdang gaganaping pagpupulong ng sanggunian.

Sek. 3. Ayon sa itinatadhana ng batas, ang sapat na bilang upang makabuo ng


“quorum” ay kalahati ng kabuuang bilang ng sanggunian at kailangan pa ng isang miyembro
(one half plus one) upang maidaos ang pulong ng pormal.

Sek. 4. Sa kalagayan ng Sangguniang Barangay, ang sapat na bilang upang makabuo


ng “quorum” ay anim (6). Kasama ang punong barangay sa pagdedetermina ng bilang ng
“quorum.”

PATAKARAN BLG. 3
TAKDA NG PAGPUPULONG (REGULAR AT ESPESYAL)

Sek. 5. Ang Sangguniang Barangay ng Barangay ______________________________ ,


Bayan ng San Leonardo, Lalawigan ng Nueva Ecija ay magdaraos ng dalawang (2) regular na
pagpupulong sa bawat buwan ng kanilang panunungkulan.

Sek. 6. Ang takdang araw ng regular na pagpupulong ng Sangguniang Barangay na ito


ay tuwing una/ikalawa at ikatlo/ikaapat na ______________________ ng bawat buwan na
gaganapin sa Barangay Hall sa ganap na ika ______________ ng umaga/hapon.

Sek. 7. Ang espesyal na pagpupulong ay maaaring itakda o ipatawag ng Punong


Barangay o kaya ay sa kahilingan ng nakararaming bilang ng sanggunian (majority of the
members).

Barangay ______________________________ Page 2


Patakarang Panloob sa Pagpupulong ng Sangguniang Barangay

Sek. 8. Maaaring isang paksa lamang ang talakayin ng sanggunian sa espesyal na


pagpupulong kung ito ay sa kahilingan ng dalawa sa ikatatlong bahagi [two-thirds (2/3)] ng
kabuuang bilang ng Sangguniang Barangay.

Sek. 9. Ang pansamantalang pagtigil (recess) ng isang pagpupulong ay maaaring


ideklara ng tagapangulo ng pulong o kaya ay hilingin ng sino mang kagawad ng barangay,
subalit kailangan na ito ay may sapat na kahalahagan at kadahilanan. Ang pansamantalang
pagtigil ay hindi dapat lumampas ng sampung (10) minuto.

Sek. 10. Ang regular na pagtatapos (regular adjourment) ng isang pagpupulong ay


maaaring isagawa kung wala ng pag-uusapan sa nabanggit na pulong. Ito ay maaaring
isagawa ng tagapangulo o kaya ay sa panukala (motion) ng isang kagawad. Ang
mabilisan/biglaang pagsasara/pagtatapos (emergency adjourment) ng isang pagpupulong ay
maaaring isagawa kung may sapat na kahalagahan at kadahilanan.

Sek. 11. Ang lahat ng pagpupulong ng Sangguniang Barangay ay kailangang bukas sa


publiko, maliban na ang paksang pag-uusapan ay may kinalaman sa karangalan ng isang kasapi
o mamamayan o kaya ay tungkol sa seguridad ng barangay. Sa ganitong pagkakataon
maaaring isagawa ang pagpupulong ng pribado o “close door”.

Sek. 12. Walang dalawang (2) pagpupulong ang maaaring isagawa sa loob ng isang
araw.

PATAKARAN BLG. 4
KATUNGKULAN NG MGA KASAPI NG SANGGUNIAN
(DUTIES AND RESPONSIBILITIES)

Sek. 13. Ang Punong Barangay ang siyang tagapangulo (Presiding Officer) ng
pagpupulong ng Sanggunian. Sa pagkakataon na hindi makadalo ang Punong Barangay sa
itinakdang pagpupulong, ang mga kagawad ng sangguniang dumalo ay mamimili sa kanilang
hanay kung sino sa kanila ang gaganap bialng pansamantalang tagapangulo ng pagpupulong.
Maaari lamang maganap ang bagay na ito kung ang mga kagawad na dumalo ay may sapat na
bilang upang makabuo ng “quorum.”

Sek. 14. Kung hindi makabuo ng sapat na bilang upang makamit ang “quorum” sa
gagawing pagpupulong, ang tagapangulo ng pulong o Punong Barangay ay maaaring
magdeklara na ipagpaliban sa ibang araw ang pulong dahil sa kawalan ng “quorum.”

Sek. 15. Ang tagapangulo ng pagpupulong ang siyang mangangalaga sa katahimikan at


kaayusan ng ginaganap na pagpupulong. Ang tagapangulo ng pagpupulong ay maaari lamang
bumoto sa isyung pinag-uusapan kung magkakaroon ng parehas na bilang ng boto ang
magkabilang panig sa isyung tinatalakay ng kapulungan.

Sek. 16. Ang mga kagawad ng saggunian ay kailangan aktibong makilahok sa


pagtatalakay sam ga isyung pinag-uusapan sa ginaganap na pagpupulong.

Barangay ______________________________ Page 3


Patakarang Panloob sa Pagpupulong ng Sangguniang Barangay

Sek. 17. Kung hindi magkakasundo sa isyung pinag-uusapan, ito ay dapat na daanin sa
botohan. Ang bilang ng nakararami ang siyang dapat na manaig na katwiran sa isyung
tinatalakay.

PATAKARAN BLG. 5
KALIHIM NG BARANGAY (BARANGAY SECRETARY)

Sek. 18. Ang Punong Barangay ay magtatalaga ng Kalihim ng Barangay na sasang-


ayunan ng sanggunian.

Sek. 19. Ang tungkulin ng Kalihim ay ang mga sumusunod:

1. Tagapag-ingat ng mga dokumento ng sanggunian maliban sa mga


dokumentong may kinalaman sa pananalapi n barangay;

2. Tagapagtala ng mga katitikan sa pagpupulong ng Sangguniang Barangay


(Minutes of Barangay Session);

3. Magsagawa ng “roll call” sa sanggunian sa pagsisimula ng pagpupulong at


bilangin ang mga boto kung may magaganap na botohan ang sanggunian;

4. Basahin ang katitikan ng nakaraang pagpupulong sa pagsisimula ng bawat


sesyon;

5. Basahin sa harap ng sanggunian ang mga panukalang ordinansa (ordinance)


o kapasyahan (resolution);

6. Bigyan ng kopya ang mga kinauukulang komite ng mga panukalang


ordinansa o kapasyahan para sa kanilang pag-aaral;

7. Maglagay ng kaukulang bilang/numero sa mga pinagtibay na ordinansa o


kapasyahan;

8. Magpadala ng liham sa mga kinauukulan para sa kaalaman nila sa idaraos na


espesyal na pagpupulong;

9. Magbigay ng sipi sa Sangguniang Bayan ng mga pinagtibay na ordinansa sa


kanilang barangay upang ito ay mapag-aralan; at

10. Gumanap sa iba pang tungkulin na itinatadhana ng batas at ordinansang


ipinatupad sa barangay.

PATAKARAN BLG. 6
MGA KOMITE AT ULAT NG KOMITE (COMMITTEE AND COMMITTEE REPORTS)

Barangay ______________________________ Page 4


Patakarang Panloob sa Pagpupulong ng Sangguniang Barangay

Sek. 20. Ang Sangguniang Barangay ay bubuo ng mga regular na Komite na


kinabibilangan ng isang Chairman at dalawang miyembro.

Sek. 21. Ang mga Komite na dapat mabuo sa loob ng sanggunian ay ang mga
sumusunod:

1. Paglalaan at Pananalapi (Appropriation and Finance);

2. Kababaihan at Pamilya (Women and Family);

3. Karapatang Pantao (Human Rights);

4. Kabataan at Pampalakasan (Youth and Sports Development);

5. Pangangalaga sa Kalikasan (Environmental Protection);

6. Kooperatiba at Agrikultura (Cooperative and Agriculture);

7. Inprastraktura at Gawaing Pampubliko (Infrastructure and Public Works);

8. Kalusugan at Edukasyon (Health and Education);

9. Kapayapaan at Kaayusan (Peace and Order); at

10. Patakaran at Pribilehiyo (Rules and Privileges).

Sek. 22. Ang sanggunian ay may karapatang lumikha pa ng ibang regular na komite
ayon sa pangangailangan ng barangay.

Sek. 23. Ang bawat kagawad ng sanggunian ay maaaring maging chairman ng hindi
hihigit sa dalawang regular na komite. Ang mga kagawad ay hindi dapat na maging miyembro
ng hihigit sa tatlong regular na komite.

Sek. 24. Ang Punong Barangay ay hindi dapat na maging chairman ng isang regular na
komite, subalit maaari siyang maging chairman ng isang espesyal na komite na lilikhain ng
Sangguniang Barangay.

Sek. 25. Ang bawat chairman ng komite ay mag-uulat sa sanggunian ng naaayon sa


hinihingi ng pagkakataon sa mga nakatakdang pagpupulong.

PATAKARAN BLG. 7
KAAYUSAN NG PAG-UUSAPAN (ORDER OF BUSINESS)

Sek. 26. Ang isang pagpupulong ay kinakailangan na maging maayos at makabuluhan.


Upang makamit ang ganitong adhikain, ang mga sumusunod na hakbang sa pagpupulong ang
dapat na sundin ng sanggunian.

Barangay ______________________________ Page 5


Patakarang Panloob sa Pagpupulong ng Sangguniang Barangay

1. “Call to Order”: Ang tagapangulo ng pagpupulong ay tatawagin ang pansin ng mga


kagawad na sumaayos na at magsisimula na ang pagpupulong.

2. “Prayer”: Panalangin upang hingin sa Maykapal na gabayan ang bawat isa sa


gagawin nilang pagpupulong.

3. “Roll Call”: Isasagawa ng Kalihim ang pagtawag sa mga pangalan ng bawat


miyembro at sasagot naman sila ng “present” o naririto. Ang pangalan na tinawag
at hindi sumagot ay nangangahulugang “absent” o wala sa pagpupulong.

4. “Reading and Approval of the Minutes of the Previous Meeting”: Sa direksyon/pag-


uutos ng tagapangulo ng pagpupulong, babasahin ng Kalihim ang katitikan ng
nakaraang pagpupulong. Ito ang pagkakataon upang maiwasto ang mga bagay na
maling naisulat ng Kalihim. Ito rin ang pagkakataon na pagtibayin ang nakaraang
katitikan kung walang tumututol.

5. “Committee Report”: Isang pag-uulat ng mga pangulo ng bawat komite.

6. “Unfinished Business”: Ito ay sa konsiderasyon ng kapulungan upang pag-usapan


ang mga bagay na hindi pa natapos talakayin noong nakaraang pagpupulong.

7. “Business for the Day”: Ito ang tinatawag na “Agenda”. Pinag-uusapan o


tinatalakay ang mga ito ng ayon sa pagkakasunud-sunod sa talaaan ng Kalihim.

8. “Other Matters”: Sa konsiderasyon ng sanggunian, ito ang mga bagay na pwedeng


pag-usapan sa kapulungan kahit hindi ito kasama sa listahan ng kalihim, subalit hindi
maaaring maganap ito habang hindi natatalakay ang lahat ng nakatala sa Agenda.

9. “Adjourment”: Ito ang pagsasara ng pagpupulong. Dalawa ang klase ng


adjournment at ito ay ang mga sumusunod:

A. “Regular Adjourment”: Ito ang pagsasara ng pagpupulong kung wala ng dapat


talakayin; at

B. “Emergency Adjourment”: Ito ang biglaang pagsasara ng pagpupulong kahit


hindi pa natatapos talakayin ang mga nakatala sa Agenda. Isinasagawa ito kung
may bagay na dapat pagtuunan ng mabilisang pansin ang sanggunian.

PATAKARAN BLG. 8
PAGDEDEBATE AT PAG-UUGALI SA LOOB NG KAPULUNGAN
(DEBATE AND DECORUM)

Sek. 27. Sa pakikipagdebate sa loob ng kapulungan, nararapat na pairalin ng isang


kagawad ang tamang pag-uugali kung ito ay nagpapaliwanag ng kanyang katwiran.

Sek. 28. Hindi pinapayagang gumamit ng mararahas at pangit na pananalita ang


sinumang nagpapaliwanag sa loob ng kapulungan.

Barangay ______________________________ Page 6


Patakarang Panloob sa Pagpupulong ng Sangguniang Barangay

Sek. 29. Kinakailangan hingin muna ng isang kagawad ang kapahintulutan ng


tagapangulo ng pagpupulong bago ito makapagsalita o magpaliwanag sa loob ng kapulungan.

Sek. 30. Ang tagapangulo ng pagpupulong ang siya lamang may karapatan na
magbigay ng kapahintulutan kung sino sa mga magsasalita ang nais na magpaliwanag sa
isyung tinalakay ng kapulungan.

Sek. 31. Sa pagkakataon na marami ang gustong magpaliwanag sa loob ng


kapulungan, ang mga sumusunod na pamantayan ang dapat na sundin:

1. Bigyan ng prayoridad na makapagpaliwanag ang kagawad na may akda ng isyung


pinag-uusapan;

2. Hindi dapat na isang panig lang ang binibigyan ng pagkakataon na


makapagpaliwanag;

3. Ang pagbibigay ng karapatan na magpaliwanag ay kailangan na salit-salit sa mga


positibo at negatibong pananaw ng mga kagawad ng kapulungan;

4. Kailangan tratuhin ng tagapangulo ang lahat ng kagawad ng pantay-pantay at


bigyan ng pagkakataon na magsalita ang kagawad na madalang makilahok sa
talakayan;

5. Ang mga kagawad na magulo at hindi madisiplinahan sa loob ng pagpupulong ay


palalabasin ng Punong Barangay upang madaling magkaunawaan ang mga
nagdedebate;

6. Lahat ng mga magpapaliwanag ay kailangang nakatuon sa tagapangulo ang


kanilang sasabihin;

7. Ibigay ang tamang paggalang sa bawat kagawad ng kapulungan;

8. Sa lahat ng pagkakataon, hindi dapat na lumagpas sa limang (5) minute ang isang
pagpapaliwanag.

PATAKARAN BLG. 9
KASUOTAN NG SANGGUNIAN SA KANILANG PAGPUPULONG
(DRESS CODE DURING SESSIONS)

Sek. 32. Ang bawat kasapi ng Sangguniang Barangay, Kalihim at Ingat-Yaman ay


kailangan nakasuot ng tamang uniporme kung sila ay dadalo sa regular na pagpupulong ng
Sangguniang Barangay.

Sek. 33. Sa espesyal na pagpupulong, kailangang nakadamit ng maayos ang mga


nabanggit na opisyal sa kanilang pagdalo,

Sek. 34. Hindi pinapayagan sa Sanggunian na makipagpulong ang isang kasapi kung ito
ay nakatsinelas, nakasandals, nakakamiseta, sando at naka short pants.

Barangay ______________________________ Page 7


Patakarang Panloob sa Pagpupulong ng Sangguniang Barangay

Sek. 35. Sa lahat ng pagkakataon, ang mga opisyales ng Barangay ay hindi


pinapayagang dumalo sa mga regular o espesyal na pagpupulong kung ito ay wala sa tamang
pananamit.

PATAKARAN BLG. 10
PAGDISIPLINA SA MGA KASAPI NG SANGGUNIAN (DISCIPLINARY ACTION)

Sek. 36. Ang isang halal na opisyal ng barangay ay maaaring madisiplina, masuspinde o
maalis sa panunungkulan ng ayon sa itinatadhana ng Chapter 4 (Disciplinary Action), Seksyon
60 hanggang 68 ng Republic Act No. 7160, na lalong kilala sa tawag na “Kodigo ng
Pamahalaang Lokal ng 1991.”

PATAKARAN BLG. 11
KARAGDAGANG PATAKARAN SA PAGDIDISIPLINA NG MGA KASAPI NG
SANGGUNIAN (SUPPLEMENTARY RULES ON DISCIPINARY ACTION)

Sek. 37. Ang mga kasapi ng sanggunian, kasama ang Kalihim at Ingat-Yaman ng
barangay ay papatawan ng mga kaukulang kaparusahan sa mga pagsaway sa mga sumusunod
na patakaran ng Sangguniang Barangay:

Mga Pagsaway Kaukulang Kaparusahan


1. Pagliban/Di-pagdalo sa bawat regular na Multa ng halagang P___________
pagpupulong ng hindi nagpapaalam sa
Punong Barangay
2. Pagliban/Di-pagdalo sa espesyal na Multa ng halagang P___________
pagpupulong ng hindi nagpapaalam sa
Punong Barangay
3. Pagliban sa nakatakdang araw na Multa ng halagang P___________
tungkulin sa barangay o pagliban sa mga bawat araw ng duty
aktibidad ng Barangay
4. Paglabag sa Patakaran Blg. 9, Seksyon Multa ng halagang P___________
32 hanggang 35 (Kasuotan ng
Sanggunian sa kanilang Pagpupulong)
5. Pagiging magulo sa loob ng pagpupulong Palalabasin sa loob ng Bulwagan o
Session Hall
6. Paggamit ng hindi magandang salita sa Pagsasabihan/paaalalahanan o
loob ng pagpupulong pagagalitan ng Punong Barangay

Sek. 38. Ang mga multa sa bawat paglabag sa mga naturang patakaran at babawasin
sa tinatanggap na “Honorarium” ng bawat kasapi na nasasakupan ng “Internal Rules” na ito.

Sek. 39. Sa kaalaman at sa kapahintulutan ng Punong Barangay ang Ingat-Yaman ng


Barangay ang siyang maniningil o magbabawas sa mga multa na manggagaling sa

Barangay ______________________________ Page 8


Patakarang Panloob sa Pagpupulong ng Sangguniang Barangay

“Honorarium” sa paglabag ng bawat kasapi ng Sanggunian. Ang multang makokolekta ay


ibabalik sa pondo ng barangay.

Sek. 40. Ang Ingat-Yaman ay mag-uulat sa kapulungan kung magkano ang


nakukulektang multa mula sa mga lumalabag sa Patakarang Panloob sa pagpupulong ng
Sangguniang Barangay na ito. Ang pag-uulat ay isasagwa tuwing ikalawang regular na
pagpupulong bawat buwan.

Sek. 41. Ang Punong Barangay ang siyang magdedesisyon kung ang pagpapaalam ng
isang kasapi na hindi makakadalo sa pagpupulong ay makatwiran o may sapat na kadahilanan.

Sek. 42. Ang kasapi ng Sanggunian na dumadalo sa pagpupulong subalit umaalis ito ng
hindi nagpapaalam bago magsara ang nasabing sesyon ay ibibilang sa mga “absent” sa
naturang pagpupulong.

Sek. 43. Sa lahat ng pagkakataon, ang sinumang kasapi ng sanggunian ay hindi


pinapayagang dumalo o lumahok sa anumang pagpupulong kung ito ay nasa ilalim ng espiritu
ng alak o kaya ay lasing.

Sek. 44. Sa lahat pa rin ng pagkakataon, ang sinumang kasapi ng sanggunian na


dalawang (2) beses na hindi dumalo sa regular na pagpupulong sa loob ng isang buwan ay
hindi na nararapat na tumanggap ng “Honorarium” sa buwan ng hindi niya pagdalo.

PATAKARAN BLG. 12
PAGSUSUSPINDE NG MGA PATAKARAN (SUSPENSION OF RULES)

Sek. 45. Ang patakaran ng pagpupulong na ito ay maaaring pansamantalang hindi


ipatupad ng Sanggunian sa mga sumusunod na kadahilanan:

1. Kung may tao o mga tao na gustong makilahok sa talakayan ng sanggunian;

2. Ang hindi kasapi ng sanggunian na gustong makilahok sa talakayan ay kailangang


humingi ng pahintulot sa tagapangulo ng pagpupulong;

3. Kailangan na may isang kagawad na magpanukala at ito ay dapat na


mapangalawahan ng isang kasapi upang maipatupad ang pagsususpinde sa
patakaran;

4. Ang pagsususpinde sa patakaran ng pagpupulong ay mawawalan ng bias matapos


matalakay ang isyung pinag-uusapan sa kasalukuyang ginaganao na pulong; at

5. Sa lahat ng pagkakataon, hindi sasakupin ng pagsususpinde ng patakaran ng


pagpupulong ang Patakaran Blg. 10 at 11.

PATAKARAN BLG. 13
PAGPAPAWALANG BISA SA MGA NAUNANG PATAKARANG PANLOOB
(REPEALING CLAUSE)

Barangay ______________________________ Page 9


Patakarang Panloob sa Pagpupulong ng Sangguniang Barangay

Sek. 46. Lahat ng mga kapasyahan at ordinansa na may kinalaman sa Patakarang


Panloob (Internal Rules) na naunang naisagawa ng Sangguniang ito na ipinatutupad at hindi
tumutugma sa ordinansang ito ay pinawawalang bisa at binabago ng naaayon sa patakarang
ito.

PATAKARAN BLG. 14
PAGBABAGO O PAG-AAMYENDA (REVISION OR AMENDMENT)

Sek. 47. Ang Patakarang Panloob sa Pagpupulong (Internal Rules of Procedure) ng


Sangguniang Barangay na ito ay maaari lamang mabago o ma-amyendahan sa pamamagitan
ng dalawa sa ikatlong bahaging boto [two-third (2/3) vote] ng bilang ng Sangguniang
Barangay.

PATAKARAN BLG. 15
PAGKAKABISA NG PATAKARAN (EFFECTIVITY CLAUSE)

Sek. 48. Ang Patakarang Panloob sa Pagpupulong ng Sangguniang Barangay


(Sanggunian Internal Rules of Procedure) na ito ay magkakabisa at ipatutupad pagkaraan ng
sampung (10) araw matapos mapagtibay ng nakararaming bilang (majority vote) ng
Sangguniang Barangay ng Barangay ___________________ , San Leonardo, Nueva Ecija.

Pinagtibay ngayong ika- ____ ng _______________________ , 20___.

MGA SUMANG-AYON

Kagawad Kagawad

Kagawad Kagawad

Kagawad Kagawad

Kagawad SK Chairman

Barangay ______________________________ Page 10


Patakarang Panloob sa Pagpupulong ng Sangguniang Barangay

Punong Barangay

Barangay ______________________________ Page 11

You might also like