Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

PAGTAAS PASAHE SA PAMPUBLIKONG JEEP (PUJs)

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), simula sa


October 8, 2023, epektibo na ang pagtaas ng pasahe sa pampublikong jeep.
Inaprubahan na ang P1 provisional increase sa minimum na pasahe. Pag sinabing
provisional, pansamantala lamang ito hanggang hindi pa mapabuti ang presyo ng
produktong petrolyo. Ang desisyon ay nabuo matapos ang isinagawang mga pagdinig
kasunod na rin ng mga petisyon ng transport group para sa dagdag-singil sa pasahe
bunsod ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo. Magkakaroon pa
ng mga pagdinig para talakayin ang petisyon ng mga transport group para sa P5
increase na hiling ng pambublikong jeep.

Ang pagtaas ng pasahe sa pampublikong jeep ay maaaring mangyari dahil sa ilang


mga kadahilanan. Ang presyo ng produktong petrolyo ay isang pangunahing
komponente ng operasyon ng mga pampublikong jeep. Kapag tumaas ang presyo ng
langis sa pandaigdigang merkado, maaaring magresulta ito sa pagtaas ng presyo ng
gasolina o diesel, na kinakailangan ng mga pampublikong jeep para sa pagpapatakbo.
Ito ay maaaring magdulot ng pangangailangan para sa pagtaas ng pamasahe upang
mapanatili ang kita ng mga drayber. Ang pangkalahatang pag-angat ng presyo o inflation
ay isa rin sa mga kadahilanan, pati na rin ang pagtaas ng pangunahing bilihin, ay
maaaring magdulot ng pangangailangan para sa pagtaas ng kita ng mga pampublikong
jeepney drayber. Ang pagtaas ng pamasahe ay isang paraan para matugunan ang
kanilang mga gastusin. Kaya naman ang pamahalaan ay nagpahintulot ng pagtaas sa
pasahe upang mapanatili ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero at mga
drayber. Ito ay kaugnay lamang sa pagtaas sa presyo ng langis. Ngunit, ayon kay
Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Secretary General Renato Reyes, ang
taas-singil sa pamasahe ay bunga ng kawalan ng aksyon umano ng gobyerno sa
pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang pagtaas ng pasahe sa mga pampublikong jeep ay maaaring magdulot ng


epekto sa mga mamamayan, lalo na sa mga kababayan na nakadepende sa
pampublikong transportasyon para sa kanilang pang-araw-araw na paglalakbay. Kaya't
karaniwang isinusuri ng mga lokal na pamahalaan at ahensya ang mga hakbang na ito
upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng pagtaas ng pamasahe at kaginhawaan ng
mga pasahero. Subalit, madaming pasahero ang dumadaing sa pagtaas ng pasahe sa
pampublikong transportasyon. Ako mismo ay isa sa mga nahihirapan rin dito. Bilang
isang estudyante na nakadepende sa pampublikong transportasyon papunta sa paaralan,
kinakailangan ko magsagawa ng mga pagbabago sa pagababdyet upang malaanan ang
pagtaas ng pamasahe. Maaaring magdulot rin ito ng pagsusuri sa iba't ibang mga
alternatibong paraan ng transportasyon, tulad ng pagsakay sa mga UV Express, tricycle,
LRT/MRT o paggamit ng mas mahal na pribadong sasakyan. Ito ay maaaring
magdagdag ng oras at gastusin sa kanilang paglalakbay. Nangangamba rin ako sa
maaaring maidulot nito sa pag-angkat sa presyo ng mga produkto dahil sa mas mataas
na transportasyon na bayarin. Ito ay maaaring makaapekto sa pangkabuhayan ng mga
pasahero, lalo na ngayon na mataas na ang mga presyo ng mga bilihin.

Ano nga ba ang maaring solusyon sa pagtaas ng pasahe sa pambublikong jeep?


Ang mga pamahalaan at lokal na pamahalaan ay maaaring magsagawa ng mga hakbang
upang mapabuti ang sistema ng pampublikong transportasyon. Ang pagtaas ng
pamasahe sa pampublikong jeep ay isang isyung hindi dapat basta-bastang pinatutupad.
Ito ay dapat na pinag-iisipang mabuti, at ang mga solusyon na itinuturing ay dapat
magbigay kasiyahan sa mga pasahero habang nagbibigay daan sa makatarungan at
sapat na kita para sa mga operator ng pampublikong jeep. Sa kabuuan, ang pagtaas ng
pamasahe sa mga pampublikong jeep ay maaaring magdulot ng malalim na epekto sa
mga pasahero, at ito ay isang mahalagang isyu sa kalakalan at transportasyon na dapat
suriin at solusyunan ng mga pamahalaan at mga namumuno sa transportasyon. Ang
pangunahing layunin ay mapanatili ang kaginhawaan at kaligtasan ng mga pasahero
habang nag-aalaga ng ekonomikong kalagayan ng mga drayber ng pampublikong jeep.

ALVERO, Mae Kathrene A.


BSML-3

Reference:
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/884053/p1-dagdag-singil-sa-p
amasahe-sa-jeepney-inaprubahan-ng-ltfrb/story/
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2023/08/12/2287967/p2-taas-pasa
he-sa-jeep-inihirit-sa-ltfrb

You might also like