Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ILANG SULIRANIN TUNGKOL SA INTELEKTWALISASYON NG FILIPINO

Bonifacio P. Sibayan
Pagpaplano ng Wika (Language Planning) Mga Teorya/Praktikal na Pagkaunawa 1. Pagpapasya o pagpili ng wika (language determination or selection) 2. Paglinang at pagbabalangkas ng wika (kung saan isang bahagi ang intelektwalisasyon) 3. Patakaran ng pagbabalangkas ng wika (para maunawaan ang katwiran ng pag-aaral ng dalawang wika o sinasabi nating edukasyong bilinggwal) 4. Pagpoprograma ng wika 5. Pagsasagawa o implementasyon ng wika (kung saan paraan at pamamaraan ng pagtuturo ay dalawang paksa lamang) 6. Pagpapahalaga ng wika Mga Paksa na Dapat Maunawaan ng mga Tagapagpaunlad, Tagapagtaguyod, Tagatangkilik at Tagapagtanggol ng Wikang Filipino 1. Pagpapalit at pagbabago ng wika( language replacement and language shift) 2. Ang tungkuling ginagampanan ng Filipino na may kinalaman sa Ingles at sa ibat ibang katutubong wika ng mga di-Tagalog sa ibat ibang larangan ng wika (language domains) 3. Tungkuling ginagampanan ng Ingles sa intelektwalisasyon ng Filipino 4. Kung bakit kailangang maintelektwalisa ang Filipino at kung paano ito naisasagawa 5. Kontribusyon ng ibang katutubong wika sa pagsulong ng Filipino 6. Karapatan ng isang tao o grupo sa wika (language rights) 7. Ang intelektwalisasyon ng Filipino sa ibat ibang larangan ng wika Ang Pagpapalit ng Isang Wika

Isa sa pinakamahalagang layunin sa pagpapaunlad ng Filipino ay ang paghalili nito sa Ingles balang araw Executive Order No. 335-paggamit ng Filipino na pamalit sa Ingles -tinanggihan ng mga Cebuano dahil ang mga mamamayang Pilipino, tulad ng mga Cebuano, na di likas na gumagamit ng wikang Tagalog ay mawawalan ng silbi o malalaos Cebuano-di tumutol sa paggamit ng Filipino sa larangan ng lingua franca o wikang pantelebisyon, pampelikula, at dyaryo -tumutol sa pagpapalit ng Filipino sa wikang Ingles sa dalawang larangan ng wika- sa larangan ng pamahalaan at sa larangan ng edukasyon. Ibig sabihin nito, ang pagtanggap o pagtutol sa pagpapalit ng Filipino sa wikang Ingles ay may kinalaman sa mga larangan o pinanggagamitan ng wika Dalawang katwiran ng mga Cebuano sa pagtutol sa pagpapalit ng wikang Filipino sa wikang Ingles: 1. Hindi nila gusto ang ginagawang paglapastangan sa kanilang katutubo at natamong karapatan sa wika. 2. Nararamdaman nila na silay nanganganib dahil hindi sila handang magsalita at magsulat sa Filipino.

Tatlong Uri ng Larangan ng Wika (3 Types of Language Domains)

1. Di mahalagang larangan ng wika (non-controlling domain of language) - ay maaaring di nakasulat at maaaring gamitin sa kahit anong wika. - Halimbawa: ang larangan ng tahanan at ang larangan ng lingua franca. - Ang uri ng Filipino na sapat para sa tahanan o para sa lingua franca ay maaaring hindi sapat para sa larangan ng edukasyon sa pamantasan. 2. medyo mahalagang larangan (semi-controlling domain) - ay ang mga larangan kung saan ang pagsusulat ay hindi sapilitan. - maaaring sumali ang isang tao nang halos lubos sa mga ito maski hindi marunong magsuat at magbasa nang maayos. - hindi rin binibigyan ng pansin ng mga tao ang wikang ginagamit sa mga medyo mahalagang larangan. - halimbawa:relihiyon at libangan (entertainment). 3. mahalagang larangan ng wika (controlling domain of language) - ay ang larangan na nangangailangan ng mabuti at wastong pagbasa at pagsuat. - Ang wikang kailangang gamitin dito ay ang tinatawag sa Ingles na learned language - larangan ng wika na dapat bigyan ng pansin ng mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino - larangan ng wika na nangangailangan ng intelektwalisasyon Mahahalagang Larangan: 1. 2. 3. 4. 5. 6. Edukasyon Pamahalaan Pagbabatas Hukuman Agham at Teknolohiya Negosyo, Pangkalakalan at Industriya 7. Ang mga propesyon na may Ang Register bahaging larangan (subdomain), tulad ng medisina, abogasya, atbp 8. Mass media 9. Literature

Bawat bahaging larangan o bahaging-bahaging larangan (sub-ang subsubdomain) ay may sariling register

Katangian ng Mahahalagang Larangan ng Wika: 1. Idinidikta nila ang wika na kailangang pag-aralan at gamitin.

2. Ang wikang ginagamit ay specialized at learned. Samakatwid, kinakailangan ng kaalaman na tiyak, kaya kailangan ng specialization. 3. Ang mga mahalagang larangan ay nangangailangan ng dunong ng pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat; kailangan dito ay precise language o tiyak, tumpak, ganap na salita; hindi katulad ng ginagamit natin sa di mahalagang larangan ng wika. 4. Ang kaalaman sa mahalagang larangan ay iniipon (cumulative). Kung kayat kinakailangang malaman ang karunungan ng nakalipas (past knowledge) at kasalukuyan. Ang karunungan ng nakalipas ay nasa mga aklat, journals, at ngayong may computer na, nakaimbak sa data banks.

Maliwanag na maliwanag na halos lahat ng nakalipas na karunungan sa mahalagang larangan ay hindi magagamit sa Filipino. 5. Ang pagdami ng kaalaman sa mahalagang larangan ng wika ay mabilis. Ang kasalukuyang karunungan ay nasa bagong mga aklat, pangkasalukuyang journals at pananaliksik na papel (research papers). Ito ay hind makukuha sa Filipino.

Kung inaasahan natin na papalitan ng Filipno ang Ingles, kailangan na hindi lamang ang wikang Filipino ang maintelektwalisa; isama natin ang pagintelektwalisa ng mga tao, ng mga Pilipino sa buong bansa. Hindi sapat ang mga dahilang nasyonalismo, o pagkamakabayan at patriotismo o pag-ibig sa bayang tinubuan, gayundin ang pagkakakilanlan (identity) upang palitan ang Ingles. Ang Bahagi o Papel ng Ingles sa Intelektwalisasyon ng Filipino

Ang wikang Ingles lamang ang paraan kung paano maiintelektwalisa ang Filipino. Ang kaalaman ukol sa syensyang panlipunan, agham at teknolohya, matematika, medisina, batas, atb. ay maaaring makuha sa Filipino sa pamamagitan ng pagsasalin (translation).

Mga Mungkahi ng Awtor 1. Lahat ng tagapagtaguyod ng Filipino, lalung-lalo na sa larangan ng edukasyon, na hindi pa nag-aaral ng Language Planning, ay dapat magumpisa na. 2. Ang mga tagapagtanggol ng Filipino ay dapat makaalam tungkol sa mga suliranin ng pagpapalit at pagbabago ng wika. 3. Hindi sapat na ang mga tagapagtanggol ng Filipino ay marunong lamang sa pamamaraan ng pagtuturo sa Filipino. Dapat ay magling sila sa Ingles at Filipino. Bukod sa pagiging guro, dapat sila ay mga iskolar, tagapagsaliksik, at manunulat sa tiyak na karunungan. 4. Ang Filipino, upang umunlad at maging intelektwalisado, ay dapat gumamit ng Ingles. 5. Bigyang-diin ang karunungan, hindi ang pamamaraan.

6. Ang mga guro, tagapagtaguyod ng Filipino, at mga kasapi sa mga samahang pangwika ay dapat magsaliksik para sa Language Planning. Ang mga solusyon sa mga suliranin ng wikang Filipino ay kailangan ng karunungan o iskolarsyip; hindi paghula at pakiramdam. 7. Sapagkat ang karunungan ay iniipon (cumulative), ang mga tala ng nakalipas na karunungan ay dapat isalin. Ito ang dapat gawin ng mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino.

You might also like